"Maniwala ka sakin.. Kahit anong gawin ni Natalie. Wala siyang mapapala sakin.. Alam na alam mo naman kung gaano kita kamahal, Lei. Even Mayumi saksi sa bagay na yun.." Paliwanag niyang umaasang pagkatiwalaan siya ng kapatid. "Yup.. Lei.. I know my best friend so well. Mahal ka talaga niya. Hmm sobra. Siguro wala ng makakahigit pa ron, Lei.. Isa pa walang maidudulot na maganda sa relasyon niyo ang pagdududa. Magtiwala lang kayo sa bawat isa. Mag focus kayo sa bawat isa.. Hindi sa mga tao sa paligid niyo.." May sense na hayag ni Mayumi. Tumatak din naman ito sa utak at puso ni Leiluna. Naunawaan niyang may point si Mayumi kaya bumalik sa pagkakayapos kay Dennise. "Hmm. Kumaen ka na ba? Kasi ako hindi pa.. Inantay talaga kita.." Malamyos na saad ni Leiluna. Punong puno ng pagsinta ang mga tingin nito kay Dennise. "Oh siya.. Lumayas kayong dalawa sa harap ko.. Bumaba na kayo ng makakaen na.. Lalanggamin ako sa kasweetan ninyo ei.." Humagikhik lang ang dalawa. ####Hindi habang b
"Akala ko hindi ka na mag lulunch.. Have a seat.." Paanyaya ni Ghia na nakatingala kay Mayumi. Marahan naman itong umupo sa tapat niya. "Amm so.. Anong gusto mong kainin? Ako ng oorder.." "Anything is fine.." Tugon ni Mayumi na umiiwas sa bawat tingin sa kanya ni Ghia. Tumayo naman ito matapos ngumiti para bumili ng kakainin nila. "Hmm. Ilang months na?!" Usisa ni Ghia ng makabalik ito hawak ang tray na nilapag sa table saka umupo. Hindi naunawaan ni Mayumi ang tanong niya kaya hindi siya agad nakasagot.. "I mean your little angel in your tummy. How many months now?" Pagkaklaro ni Ghia. Napalunok si Mayumi na napahaplos sa kanyang tiyan. "Ahh... I- I don't know.. Maybe 3 months more or less..." Tila alangang sagot nito. Ngumisi na napasinghap naman si Ghia. "You are not sure? Why? Hindi ka pa ba nagpapacheck up?!" Hindi malaman ni Ghia kung bakit curious siya. Ngayon niya lang napansin ang tyan nito kaya nagkagulo bigla ang nasa isip nya. Ngayon sigurado siyang imposible may s
[NARRATOR] Isang Linggo ang lumipas at araw ng Martes. Hindi naglaon nalaman ng mga magulang ni Mayumi ang tungkol sa ipinagbubuntis nito kaya atubiling bumalik ng Pinas ang mga ito. Nang makalapag ng airport ng Pinas diretso ang ama ni Mayumi kela Denisse kung saan umaga pa lang at kasalukuyang nagbibreakfast ang lahat. Kung paanong nalaman ay dahil yun sa taglay na yaman ng pamilya ni Mayumi. Madali para sa ama nitong ipahanap kung saan naroon si Mayumi. "Good morning po Tito." Bati ni Dennise ng nasa pinto na ang ama ni Mayumi. Balisang tumayo si Mayumi ng marinig ang boses ng ama. "Lei.. Ayokong sumama." Da ing nitong tila maiiyak na. Batid niyang pipilitin siyang umuwi ng Mansion. Higit pa roon ang posibilidad na mapa aga ang kasal. "Mayumi, my Princess.. We have to go.. By the way, Tanya, thank you for accommodating my daughter while we're not around.""Sus! Wala yun. Hindi na iba sa akin si Mayumi.." Nakangiting hayag nito pero seryoso ang ama ni Mayumi. Tumatakbo sa isip
One week ago nalaman ko na lang na may namagitan sa amin ni Mayumi. I still don't remember anything, napag tagpi tagpi ko lang ang lahat. Mayumi said she was sorry because we had fought before the accident. Pagkatapos nalaman kong may iba siyang mahal at hindi ang father ng baby na dinadala niya. Isang tawag ang ayaw ko pang sagutin kahapon pero hindi ako nito tinigilan. Boses babae iyon at nagpakilalang mother ni Mayumi. At first, I don't understand what she is talking about. She just kept on saying it was not Mayumi's fault but theirs. Kung tutuusin whatever happened in the past it won't change the fact that Mayumi is already pregnant. Alam ko sa sarili kong may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya pero given na may involve ng bata, malinaw na tapos na ang lahat sa amin. So hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit willing akong igive up ang lahat para lang sumama sa taong hindi ko naman maalala?? It doesn't make sense.. Ready na ang lahat na parang napag planuhan na.
[MAYUMI CHEN] Tagos ang tingin kong bumalin sa labas. Mabuti na lang at sa tabi ng bintana ang upuan ko. Muli kong naalala si Ghia. Ang mga araw na magkasama kami, mga moment na masaya lang, yung pakiramdam ng ma in love for the first time, kiligin at syempre ang masaktan. Sa kanya ko unang naramdaman ang lahat. Hindi sumagi sa isip kong mahuhulog ako sa isang babae at magmamahal ako ng sobra sobra. "Hi..." Kunot ang noo kong napalingon sa nagsalita. Nabigla akong hindi maibuka ang bibig. Pinagmasdan ko na lang ang pag upo nito sa tabi ko. Teka.. Panaginip ba to? Anong ginagawa niya rito? Nataon lang ba na aalis din siya ng bansa at parehas kami ng araw ng flight, same ng eroplano at ang nakakabaliw.. magkatabi pa talaga kami. "Hey.. Okay ka lang? Say something.." Ngisi niya pero wala pa din akong maisip sabihin o itanong? Bakit sya narito?? Ang utak ko biglang naging busy dahil sa sunod sunod na katanungan. "Siguro ako na ang magpapaliwanag dahil mukhang na shock ka.." Malamyos
[MARIA DENNISE TRINIDAD] Simula ng umalis si Mayumi at Ghia siguro wala pa sa sampung beses namin sila nakausap ni Lei. Okay naman silang dalawa kahit walang maalala si Ghia ang sabi ni Bestie mahal siya nito. Kwento ni Bestie pinag sasabay ni Ghia ang pag aaral at work para hindi maubos ang dala nilang pera. Limitado lang kasi ang pwedeng matanggap na pera ni Mayumi from her parents dahil na din sa pag iingat na baka matrace kung nasaan sila ng pamilya ni Lixin. Suportado pa din naman si Ghia ng family niya financially pero mas gusto nitong magtrabaho para makaipon sa nalalapit na panganganak ni Mayumi. Iyon ang huling balita namin sa dalawa. Bigla na lang nawala sa social media ang mga ito at hindi na namin malaman ni Lei kung saan pa sila makokontak. Lumipas na lang ang mahigit 4 years at ito na nga, rarampa na kami ng stage ni Lei para sa graduation. Sa wakas at natapos na din kami ng college at next chapter na ng buhay namin. Sabay kaming dumating dito sa venue kasama si Mo
[MAYUMI CHEN] Apat na taon na din ang nagdaan at graduate na si Ghia. Habang ako isang taon pa. Na absorbed si Ghia kung saan siya ng OJT dahil matalino at maabilidad naman kasi talaga siya. Isa na siyang web developer sa kilalang kumpanya dito sa Australia. Ang anak namin mag 4 years old na din. Inangkin at tinuring na parang tunay na kadugo ni Ghia si Migz unang araw pa lang na sumilay ito sa mundo at makarga niya sa mga bisig. Mula noon hanggang ngayon hindi pa din nakikita nila Mom and Dad si Ghianne Migz. Hindi namin magawang magpadala man lang ng photo kahit sa messenger or emails or kahit sa Pinas mismo dahil binawalan kami ni Dad. Ayaw nila mag take risk at mapunta sa lahat ang effort nila na mailayo kaming mag ina sa pamilya ni Lixin. "Mayumi.. okay na ang dinner, tapos si Migz nasa kwarto niya nanunuod ng favorite cartoons niya.." "Salamat Leticia. Pwede ka ng mauna kumaen.. Aantayin ko pa si Ghia para sabay na kami.." Matagal na sa amin si Leticia.. Ang totoo ulila
[NARRATOR] Wala pang isang buwan simula ng magtapos ang magkapatid sa college pero natanggap na agad si Dennise sa soleste suites bilang accounting clerk. "Cheers!" Masayang hiyaw ni Leiluna sa kanyang kapatid, nagtama ang mga boteng hawak nila na nagdulot ng tunog ng tagumpay. Kasalukuyang nasa kilalang club ang dalawa para icelebrate ang bagong yugto ng buhay ni Dennise. "Bilib na talaga ako sayo.. Ikaw na ang maswerte sating dalawa.." Natutuwang naibahagi ni Leiluna. Natagpi ang mga tingin nito sa kapatid na di din nawala ang saya sa mukha. "For sure parating na rin yung sayo, Lei.. Wag kang mainip.. Ikaw pa ba.. Cum laude ka ata.." May pagmamalaking hayag nito saka muling lumagok sa kanyang inumin. "Hmmm... Baka maraming lumandi sayo dun ah.." Irap ni Leiluna, bigla na lang naiba ang ihip ng hangin. "Pwede... Pero depende naman sakin yun, Lei.."Buong gabing nagpakasaya ang dalawa hanggang sa limitasyon ng kakayahan nilang dalhin ang alak sa katawan. "Who's gonna drive? La
[3RD PERSON POV]Dumaan ang dalawang taon at tuluyan na ngang gumaling si Treys. Grade 3 na ito sa pasukan habang si Gyiumi naman ay tutuntong na ng junior high. Naging mas close pa nga sila na halos hindi na mapag hiwalay. "So are you excited about this coming school year?" Panimula ni Gyuimi. "Should I be the one to ask?! You are now getting to the next level of your life. What would be waiting for you in junior high?!" Ganti naman nitong umakbay pa sa dalaga. Naningkit ang matang napatingala si Gyiumi sa katangkaran ng kausap. "Are you having a crush on me now?!" Ngisi ni Treys. Nakatanggap naman siya ng hampas. "I'm just kidding but you know.. I've been waiting for so long. When will my chance be grant?!" Dagdag pa nitong abot tenga ang ngiti. Bigla bigla naman ang pamumula ng pisngi ni Gyiumi. Mas lalong lumalabas ang pagiging Chinese nito dahil naniningkit ang mga mata sa tuwing hindi mapigil ang pag ngiti. "Kayong dalawa diyan, tama na ang ligawan! It's dinner time.." B
Lumantad kay Dens ang tila sadyang inihanda ni Jhanrex na kama. Marahas na tinulak siya pabagsak roon ni Jhanrex. Humihikbi itong nagmakaawa ng husto kay Jhanrex. Ang pagtangis niyang abot sa puso ni Lei. Bakas ang pagkadurog sa mukha ni Lei na walang magawa kundi ang pumalag ng buong lakas pero walang nagiging saysay. Nauubusan na siya ng pag asa at nagdadasal na sana malagpasan nila ang masamang bangungot na to. "Parang awa mo na Jhanrex.. Wag mo tong gawin, please.." Paghihinagpis ni Dens. Napuno ng mapait na luha ang mga mata niya. Naghalo halong likido na ang sumakop sa mukha niya. "Alam mo ba kung gaano kahirap sa loob ng kulungan?! I know kayo ni Lei ang nagpabugbog sakin sa loob na halos hindi ako makatayo at makalakad.." Ngitngit nitong saad. "Wala kaming alam sa sinasabi mo. We have nothing to do with that.. Please.. Let me learn to love you.. Don't do this.. I'm begging you.." Tumawa lang si Jhanrex sa mga sinabi niya. "Love me? You're so funny... I'm not stupid, Den
Gulong gulo ang utak ko sa kung anong gagawin.. Nagbigay ng address si Jhanrex kung saan ko pwedeng makita ang mag ina ko pero animal ang isang yon at wala akong tiwala. Hindi ko malaman kung susunod ba ako sa gusto nitong magpunta ng mag isa kung hindi papatayin niya ang mag ina ko. Ang daming what if sa utak ko. Wala akong laban sa kanya kaya paano ko naman ililigtas ang mag ina ko ng mag isa. Panay ang lakad kong napuno ang buong sistema ko ng takot at kaba na baka hindi ko na makita ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko kakayanin..! I can't lose them both.. Sa huli nagwagi si Jhanrex. Minaneho ko ang sasakyan kong tinungo ang address. Nanginginig man ako buong byahe pinilit kong magpaka tatag. Iniisip ko kung paanong napunta roon si Lei. Kasalanan ko nanaman na nasa panganib siya. "Jhanrex! Andito na ko!" Malakas kong sigaw. Bakas pa din ang pighati sa mukha at dibdib ko. Hindi yun nawawala. Mapapanatag lang ako kapag nasiguro kong ligtas na ang mag ina ko.[MAYUMI CHEN HERNA
Napa iwas ito ng tingin na bumuntong hininga. "Oh! That seems not okay.." Singhap ni Dennise. "Wala namang perfect na relasyon, Bestie.. It's just that I could have been imagine na magagawa sakin yun ni Ghia at sa sarili ko.. Hindi ko expected na matatanggap ko pa din siya after what happened.." Naging bakas sa mukha ni Dennise ang pagtataka. "She cheated, bestie.. I can't blame her.. Siguro kasi naging focus ko si Gyiumi lang to the point na parang nakalimutan kong Ghia is still there.." Napayuko si Mayumi sa pagtulo ng luha nito. Pinahid niya yun at pinilit humarap na okay lang siya. "I let her choose between me with that girl at akala ko talaga.. Bestie..." Natigil ang kwento niya ng lumabas ang mahinang hikbi. Napatakip ito sa bibig. Niyakap siya ni Dennise at nakita iyon ni Ghia. "What happened to her? She seems emotional.." Sambit ni Leiluna dulot ng pagtataka. "I cheated on her, Lei.. I didn't... I didn't mean to do that.. It- it just happened.. And it sucks you know..
[MARIA DENNISE TRINIDAD JENKINS]Marahan akong nagdilat ng mga mata ko ng magising ako. Nakita ko agad ang mahimbing pang natutulog na wifey ko. 3 years na kaming kasal at going strong. Si Lei ang naging lakas ko at sandalan ng mga panahong nagpapagaling ako sa anxiety at depression ko. May kirot pa din sa puso ko sa tuwing maaalala ko kung paano kong ayaw tignan or kargahin si Treys nung unang taon nito simula ng ilabas ko siya sa mundo. Akala ko noon hindi ko na matututunang mahalin ang sarili kong anak dahil pinapa alala nito ang ginawa sakin ng ama niya. Si Lei ang naging daan para malagpasan ko ang pagsubok na yun hanggang makabangon uli ako sa pagkakadapa. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung hindi dahil kay Lei na hindi ako sinukuan. She might be the weakest among the two of us but she's also the strongest one. Dahil sabado ngayon ako naman ang magsisilbi sa kanya. Ginawaran ko siya ng halik sa noo bago ako tumayo, umalis ng kama. After kong maghilamos at mag toothbrush
Natapos ang masaya at successful birthday party ni Jesryl Treyton Jenkins. Ngayon payapang nagpapahinga na ang mag asawa sa kwarto nila. "Love.. Hmm. maiba ako.." Putol ni Leiluna sa pagkukwento ni Dennise ng mga bagay bagay. "Yup?! Ano yon?" Balin nitong tumingin sa asawa. Napatingala naman sa kanya si Leiluna na nakayakap at nakahiga sa dibdib niya. "Do you have plan to tell kay Mayumi? amm about our son?" Naging payak ang itsura ni Dennise na napaisip. "Yeah.. Definitely, Love.. In time.." Sagot nitong humigpit pa ang yapos kay Leiluna. Gumanti din ng buong pagmamahal na yakap si Leiluna. "Are you tired?" Pag iiba ni Leiluna. Ngumiti si Dennise dahil nagets nya agad ang pahiwatig na tanong ng asawa. "Basta pagdating sayo.. Lagi akong may energy love.." Ngisi ni Dennise saka pumatong sa asawa. Naging malinaw naman ang tagumpay kay Leiluna. Matagal tagal na din kasi silang hindi nakakapag talik simula ng muntik na silang mahuli ng kanilang anak sa ginagawang kababalaghan. "Do
[AVA SMITH] Hindi naging perfect ang relasyon namin ni Natalie. Lagi siyang nagseselos kahit wala namang dapat ipagselos. Dumating na nga kami sa sukdulan na halos mauwi na sa paghihiwalayan pero hindi ako pumayag. Sa tuwing maaalala ko kung paanong naging kami nagiging dahilan yun para hindi ko siya sukuan. Now hindi na siya masyadong selosa pero parang bumaliktad ang mundo namin at ako naman ang madalas na nagseselos. Naging normal na lang sa amin basta hindi kami naghihiwalay at nagkakasakitan physical. Takot si Natalie at alam ko sa oras na mapag buhatan ko siya ay yun na ang katapusan namin. Pinagdaanan niya kasi yun sa ex niya. Sabi ko naman hindi mangyayari yun dahil sobra sobra ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Malabong maging dahilan yun ng kasiraan namin. "Hon.. Tapos ka na ba?! We can go home na?!" Nag angat ako ng mukhang napatingin sa kanya. Siya na ngayon ang CEO ng buong company nila. Ako naman ang pumalit sa posisyong binakante niya. "Ma'am may m
FIVE YEARS LATER>>> [NARRATOR] "Love.. 6 am na.. Wakey wakey.." Makulit na pinag lalaruan ni Leiluna ang pisngi ni Dennise. "Love 10 more minutes.. Please.." Reklamo nitong tumalikod kay Leiluna. Tumagilid pakaliwa naman siya para muling gisingin ng lambing ang kanyang asawa. Pinuyos niya ito ng halik sa pisngi. "Love.. Inaantok pa ako.." Daing nitong tumihaya kaya naman nagawang ipatong ni Leiluna ang kalahating itaas. Mas nilapit pa ang mukha kay Dennise saka ito marahang hinalikan sa labi. Tila nagigising ang diwa ni Dennise na kusang gumaganti sa asawa. "Hmm.. Ikaw talaga.. Alam na alam mo kung anong kahinaan ko.." Turan ni Dennise na ngayon ay nakadilat na. Sumilay naman ang malokong ngiti ni Leiluna. "Kasi love baka malate nanaman kayo ni Treys.." Paglalambing ni Leiluna sa ibabaw ng asawa. "Hmm.. Pwede isang quickie muna? Before I start my day? Hmm.." Panunukso ni Dennise na ikina hagikgik naman ni Leiluna ng gumalaw si Dennise at siyang umibabaw. "Love.. Kasasabi ko l
Lumipas pa ang isang linggo at kasal na nga ni Azzurra. Umattend si Dennise dahil kaibigan niya to pero halos lumubog na ang araw at nauna pa ngang dumating sa simbahan ang groom pero wala pa din ang anino ni Azzurra. Kinutuban na si Dennise na baka napag isip isip ni Azzurra na isang malaking pagkakamali ang magpakasal sa taong hindi naman niya mahal kaya umatras na to sa kasal. Tinatawagan siya ni Dennise pero nag riring lang ito. Naisip ni Dennise na puntahan ito sa condo niya. Doon isang tagpo ang hindi inaasahang masasaksihan ni Dennise. "Azzurra!!" Labas ang litid na sigaw niya ng makita ang kaibigan. Nagbigti ito suot pa ang wedding gown. Nagsisi sigaw si Dens na humingi ng saklolo sa labas ng unit ni Azzurra. Narinig siya ng mga kapit bahay. Nagtulungan ang mga itong maibaba si Azzurra. Ang isa ay tumawag ng ambulansya habang si Dennise ay inalo ang kaibigan sa kanyang kandungan at pilit itong ginigising. "Azzurra! Ano ba! It's not the end of the world, please wake up.