[MAYUMI CHEN]Busy ako sa pag gawa ng assignment ko ng maabala ako ng tunog ng cellphone ko. Napatingin ako roon na nasa tabi ko lang. Kinuha ko yon. May Friend request notification.. Napadukdok ang mukha ko ng makita ang pangalang Ghia Anne Hernandez. Inadd niya ako? Bakit? Inaccept ko yun saka bumalik sa ginagawa ko pero ito na nga ba ang sinasabi ko.. Nawala na ang konsentrasyon ko dahil tila nag aabang ako ng chat mula kay Ghia. Napapasilip ako ng hindi ko mabilang sa telepono ko. Bumuntong hininga ako at pilit na tinuon ang sarili sa priority ko. Wala akong maisip bigla. Natuon ang daliri ko sa paglalaro sa ballpen na hawak ko hanggang makarating ang dulo nito sa labi ko. Padakay natauhan ako, inalis ang ballpen. Napatingin ako roon. Napaisip.. Dahil ganun ako kapag may gumugulo sa isip ko. Muli akong bumalin sa cellphone ko. Kinuha ko uli iyon. "Inadd mo ako so bakit hindi ka mag chat ngayon?" Naibulilas kong nakatuon ng seryoso sa screen ng phone. Nahihiwagahan ako sa sarili
[NARRATOR]Dumating ang araw ng sabado at sinundo nga ni Ghia si Mayumi sa kanila. Gamit ang kotse ng Dad niya nagkasya silang apat. Si Dens at Lei sa likuran habang si Mayumi sa tabi ni Ghia na siyang nagmamaneho. Unang naging destination nila ang sundowners sa Pangasinan kung saan sila tutuloy."Wow.. Ang ganda naman dito.." Namamanghang sambit ni Mayumi pagkabukas pa lang ng pintuan. Agad na namutawi sa kanyang mata ang terrace na may pool at tanaw ang beach sa ibaba nito. Nag unat siya ng mga kamay, pumikit, nilanghap at dinama ang sariwang hangin. Rinig ang pagaspas ng mga dahon ng puno na dinuduyan ng hangin. Hindi din nakaligtas ang masarap sa tenga na hampas ng tubig sa pangpang. "Kamusta Lei?" Bati naman ni Ghia. "I'm okay.." Pilit ang ngiting iginawad nito sa kaharap. "May alam ka pa lang magandang lugar, Ghia.." Sambit naman ni Dens na lumilibot ang mga mata sa paligid. Panaka nakang kumukuha ng picture.. Sunod na sinundan ni Ghia si Mayumi na nasa tabi ng maliit na
Ayoko sanang abutin ang kamay niya pero kailangan ko yun. May kakaiba akong naramdaman saking dibdib ng maghawak kamay na kami. "Water.." Sunod niyang inalok sakin ang hawak niya. Sobrang maalaga naman ng taong to. Ayokong inaalagaan ako. Baka masanay ako tapos biglang mawala. "Hey.. Take it.. Hindi pa ako nakakainom diyan.." "Huh? No... I mean hindi naman ako maarte.." Naiilang kong hayag. Umiwas ako ng tingin saka kinuha ang binibigay niya. "Thanks.." Agad ko din binalik yun sa kanya ng makainom ako. Ang dami kong nainom sa totoo lang. Napagod talaga ako sa pag akyat walang duda. Halata naman sa paghinga ko. "Bakit lagi kang nakangiti?!" "Why? Don't you like it?!" Para akong hinipan ng hangin na hindi makatingin at makapag salita ng maayos. "No- not like that.. I- I mean.. Para ka kasing walang pinoproblema sa buhay..." Paliwanag ko habang sabay na kaming umaakyat. "Hmmm.. I guess meron din syempre. Hindi naman mawawala yun pero siguro dahil natuto na ako kung paano sabayan
[MARIA DENNISE TRINIDAD] I can't take it.. Pinipilit kong baliwalain ang mga naoobserbahan ko kay Lei pero parang kandilang nauupos ako. I can see in her eyes how jealous she is when Ghia held Mayumi's arm ng muntik na to ma out balance sa pag akyat sa bangka. Even she gazed at them while talking in awhile nung paakyat pa lang kami. Iniisip niya ba na dapat siya yun? Siya yung inaasikaso ni Ghia at hindi si Mayumi? Damn... Fuck shit. Pagbalik ko nakita ko ang tawanan sa pagitan ni Lei at Ghia. Pabagsak ang mga paa kong lumapit sa kanila. "Hey, Dens.. Let's eat.. Hindi pa ko kumakaen kasi inaantay kita..." Sinuri ko ang ngiti ni Lei. Para sakin ba talaga ang mga ngiti na yun?? "I know hindi siya kakaen hanggat wala ang pinaka mamahal niyang kapatid.." Singit naman ni Ghia na lalong nagpapainis sakin. Ipagdikdikan mo pa na magkapatid kami.. Sabagay tama nga naman siya. Kailangan bang ipamukha sakin ang bawal na relasyon namin ni Lei?? "Ui... Hindi ka na nagsalita.. Okay ka lang b
[MAREA LEILUNA TRINIDAD] "Ui.. Hindi mo pa din ba ako kakausapin? Sayang naman yung moment.. Dens.." Napapabuntong hininga na lang ako sa pakiramdam na parang invisible ako sqa kanya. Napagod na akong magsalita kaya sinusundan ko na lang ang paglakad ni Dens. Nauubos na din ang pasensya ko at malapit na akong maiyak. Paano niya akong natitiis ng ganito kainit?? Ang init na nga sumasabay pa siya.. Lumakad akong mabilis para abutan siya. Pinigilan ko siya at inantay makalayo sa amin sina Ghia at Mayumi. Nang wala na ang mga ito hinatak ko sa magkabilang pisngi si Dens saka siniil siya ng halik. Nung una steady lang ito na parang statue. Pinaparamdam niya ang pagbaliwala sa mga halik ko. "Sorry na please.. Sorry na.. Alam ko namang hindi ka kumakaen ng pasta.. Nawala lang talaga sa isip ko.. Sorry.. I love you.." Tumigil man ako sa paghalik nanatili ang mga palad ko sa pisngi niya. Pilit kong hinuhuli ang mga mata niyang umiiwas sa akin. "Hindi lang naman yun ang rason, Lei.. Tsaka b
[NARRATOR]Wala ng araw ng pabalik na sila ng Sundowners. Masayang dumaan pa sila ng convenient store para bumili ng smirnoff. Malakas ang music sa loob ng kotse na tinatahak ang daan. Padakay kumakanta ang bawat isa. Bakas ang mga ngiti sa kanilang mga pisngi. Pasulyap sulyap si Mayumi sa katabing si Ghia. Patagong humahawak naman sa kamay si Dens kay Lei. Sa drive-thru naisipang umorder para sa dinner. Napatingin lang si Mayumi sa cashier sa window na halatang nagpapacute kay Ghia. "Mukhang type ka..." Banat ni Mayumi ng makalagpas sila. Ngumiti at suminghap lang naman si Ghia. "Kaya lang she's not my type.." Humilig ang ulong itinago ni Mayumi ang mukha. Piniling bumalin sa bintana. Nakatingin sa sari saring establishment na nagliliwanag dahil sa mga palamuting ilaw sa palibot nito pero nasa iisang bagay lang naman tumatakbo ang isip niya. Ang unang halik na natanggap niya sa buong buhay. Sa unang babaeng nagpagulo sa kanyang isipan. Nagsisilbing suliranin pa din ito sa kanya
[MAYUMI CHEN]That first kiss was a nightmare for me.. I needed to run away bago pa nila ako kaawaan.. "Nothing is wrong, Ghia.. Hindi mo na dapat akong sinundan.. I want to be alone.." "But why? I told you.. I'm always here.." Nangungusap ang mga mata niya. Matang hindi ko kayang tignan. "What do you want from me? Ghia? Really?" Naiiyak kong sambit. Gusto ko na lang matapos ang gabing ito at isiping hindi ito lahat nangyari. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Kapag nakaranas ka ng sobrang saya.. Asahan mong may kapalit yun na lungkot na parang sasabog ka sa sobrang bigat anumang oras. Hindi mo yun mapipigilan at wala ka nalang magagawa kundi hayaan. Hayaang lamunin ang buong pagkatao mo. "I want you.." Tahasan nitong hayag. Ang tapang din naman niya para sumugal sa isang katulad ko. "Why??" Namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko na pilit kong pinipigilang tumulo pero sandali pa'y umagos pa din ito. "Gusto kita.. Mayumi.. Gusto kitang alagaan.. Gusto kitang mapasaya.. G
[MAYUMI CHEN] Nakabalik kami ng Manila ng hindi kami nag-uusap ni Ghia or nagpapansinan man lang. Ano pa bang inaasahan ko? Ako naman itong nagtaboy sa kanya. Para ano pang ipush ang isang bagay na alam naman nating sa huli matatapos din lang. Hindi ba mas okay na maaga pa lang tigilan na? Mas mahirap kapag naging malalim na.. kapag dalang dala ka na at hindi mo na kontrolado lahat pati na mismo ang sarili mo at nararamdaman. Papunta na ako ng klase ko ng mamataan ko si Ghia. Napahinto ako sa paglakad.. Dahan siyang naging malapit sa akin hanggang nasa gilid ko na lang ito pero nilagpasan niya lang ako. Bakit parang ini expect kong kausapin niya ako? Bakit parang may tinamaan siya sa loob ko ng parang maging invisible lang ako sa harapan niya.. "Hoy! Bestie... Tulala ka?" "Oo nga..Mayumi.. Para kang nakakita ng multo diyan.." Balin naman ni Lei. Mabuti pa ang magkapatid na to parang hindi nila iniinda ang pwedeng maging hadlang o problema sa tago nilang relasyon. Naisip ko tuloy
[3RD PERSON POV]Dumaan ang dalawang taon at tuluyan na ngang gumaling si Treys. Grade 3 na ito sa pasukan habang si Gyiumi naman ay tutuntong na ng junior high. Naging mas close pa nga sila na halos hindi na mapag hiwalay. "So are you excited about this coming school year?" Panimula ni Gyuimi. "Should I be the one to ask?! You are now getting to the next level of your life. What would be waiting for you in junior high?!" Ganti naman nitong umakbay pa sa dalaga. Naningkit ang matang napatingala si Gyiumi sa katangkaran ng kausap. "Are you having a crush on me now?!" Ngisi ni Treys. Nakatanggap naman siya ng hampas. "I'm just kidding but you know.. I've been waiting for so long. When will my chance be grant?!" Dagdag pa nitong abot tenga ang ngiti. Bigla bigla naman ang pamumula ng pisngi ni Gyiumi. Mas lalong lumalabas ang pagiging Chinese nito dahil naniningkit ang mga mata sa tuwing hindi mapigil ang pag ngiti. "Kayong dalawa diyan, tama na ang ligawan! It's dinner time.." B
Lumantad kay Dens ang tila sadyang inihanda ni Jhanrex na kama. Marahas na tinulak siya pabagsak roon ni Jhanrex. Humihikbi itong nagmakaawa ng husto kay Jhanrex. Ang pagtangis niyang abot sa puso ni Lei. Bakas ang pagkadurog sa mukha ni Lei na walang magawa kundi ang pumalag ng buong lakas pero walang nagiging saysay. Nauubusan na siya ng pag asa at nagdadasal na sana malagpasan nila ang masamang bangungot na to. "Parang awa mo na Jhanrex.. Wag mo tong gawin, please.." Paghihinagpis ni Dens. Napuno ng mapait na luha ang mga mata niya. Naghalo halong likido na ang sumakop sa mukha niya. "Alam mo ba kung gaano kahirap sa loob ng kulungan?! I know kayo ni Lei ang nagpabugbog sakin sa loob na halos hindi ako makatayo at makalakad.." Ngitngit nitong saad. "Wala kaming alam sa sinasabi mo. We have nothing to do with that.. Please.. Let me learn to love you.. Don't do this.. I'm begging you.." Tumawa lang si Jhanrex sa mga sinabi niya. "Love me? You're so funny... I'm not stupid, Den
Gulong gulo ang utak ko sa kung anong gagawin.. Nagbigay ng address si Jhanrex kung saan ko pwedeng makita ang mag ina ko pero animal ang isang yon at wala akong tiwala. Hindi ko malaman kung susunod ba ako sa gusto nitong magpunta ng mag isa kung hindi papatayin niya ang mag ina ko. Ang daming what if sa utak ko. Wala akong laban sa kanya kaya paano ko naman ililigtas ang mag ina ko ng mag isa. Panay ang lakad kong napuno ang buong sistema ko ng takot at kaba na baka hindi ko na makita ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko kakayanin..! I can't lose them both.. Sa huli nagwagi si Jhanrex. Minaneho ko ang sasakyan kong tinungo ang address. Nanginginig man ako buong byahe pinilit kong magpaka tatag. Iniisip ko kung paanong napunta roon si Lei. Kasalanan ko nanaman na nasa panganib siya. "Jhanrex! Andito na ko!" Malakas kong sigaw. Bakas pa din ang pighati sa mukha at dibdib ko. Hindi yun nawawala. Mapapanatag lang ako kapag nasiguro kong ligtas na ang mag ina ko.[MAYUMI CHEN HERNA
Napa iwas ito ng tingin na bumuntong hininga. "Oh! That seems not okay.." Singhap ni Dennise. "Wala namang perfect na relasyon, Bestie.. It's just that I could have been imagine na magagawa sakin yun ni Ghia at sa sarili ko.. Hindi ko expected na matatanggap ko pa din siya after what happened.." Naging bakas sa mukha ni Dennise ang pagtataka. "She cheated, bestie.. I can't blame her.. Siguro kasi naging focus ko si Gyiumi lang to the point na parang nakalimutan kong Ghia is still there.." Napayuko si Mayumi sa pagtulo ng luha nito. Pinahid niya yun at pinilit humarap na okay lang siya. "I let her choose between me with that girl at akala ko talaga.. Bestie..." Natigil ang kwento niya ng lumabas ang mahinang hikbi. Napatakip ito sa bibig. Niyakap siya ni Dennise at nakita iyon ni Ghia. "What happened to her? She seems emotional.." Sambit ni Leiluna dulot ng pagtataka. "I cheated on her, Lei.. I didn't... I didn't mean to do that.. It- it just happened.. And it sucks you know..
[MARIA DENNISE TRINIDAD JENKINS]Marahan akong nagdilat ng mga mata ko ng magising ako. Nakita ko agad ang mahimbing pang natutulog na wifey ko. 3 years na kaming kasal at going strong. Si Lei ang naging lakas ko at sandalan ng mga panahong nagpapagaling ako sa anxiety at depression ko. May kirot pa din sa puso ko sa tuwing maaalala ko kung paano kong ayaw tignan or kargahin si Treys nung unang taon nito simula ng ilabas ko siya sa mundo. Akala ko noon hindi ko na matututunang mahalin ang sarili kong anak dahil pinapa alala nito ang ginawa sakin ng ama niya. Si Lei ang naging daan para malagpasan ko ang pagsubok na yun hanggang makabangon uli ako sa pagkakadapa. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung hindi dahil kay Lei na hindi ako sinukuan. She might be the weakest among the two of us but she's also the strongest one. Dahil sabado ngayon ako naman ang magsisilbi sa kanya. Ginawaran ko siya ng halik sa noo bago ako tumayo, umalis ng kama. After kong maghilamos at mag toothbrush
Natapos ang masaya at successful birthday party ni Jesryl Treyton Jenkins. Ngayon payapang nagpapahinga na ang mag asawa sa kwarto nila. "Love.. Hmm. maiba ako.." Putol ni Leiluna sa pagkukwento ni Dennise ng mga bagay bagay. "Yup?! Ano yon?" Balin nitong tumingin sa asawa. Napatingala naman sa kanya si Leiluna na nakayakap at nakahiga sa dibdib niya. "Do you have plan to tell kay Mayumi? amm about our son?" Naging payak ang itsura ni Dennise na napaisip. "Yeah.. Definitely, Love.. In time.." Sagot nitong humigpit pa ang yapos kay Leiluna. Gumanti din ng buong pagmamahal na yakap si Leiluna. "Are you tired?" Pag iiba ni Leiluna. Ngumiti si Dennise dahil nagets nya agad ang pahiwatig na tanong ng asawa. "Basta pagdating sayo.. Lagi akong may energy love.." Ngisi ni Dennise saka pumatong sa asawa. Naging malinaw naman ang tagumpay kay Leiluna. Matagal tagal na din kasi silang hindi nakakapag talik simula ng muntik na silang mahuli ng kanilang anak sa ginagawang kababalaghan. "Do
[AVA SMITH] Hindi naging perfect ang relasyon namin ni Natalie. Lagi siyang nagseselos kahit wala namang dapat ipagselos. Dumating na nga kami sa sukdulan na halos mauwi na sa paghihiwalayan pero hindi ako pumayag. Sa tuwing maaalala ko kung paanong naging kami nagiging dahilan yun para hindi ko siya sukuan. Now hindi na siya masyadong selosa pero parang bumaliktad ang mundo namin at ako naman ang madalas na nagseselos. Naging normal na lang sa amin basta hindi kami naghihiwalay at nagkakasakitan physical. Takot si Natalie at alam ko sa oras na mapag buhatan ko siya ay yun na ang katapusan namin. Pinagdaanan niya kasi yun sa ex niya. Sabi ko naman hindi mangyayari yun dahil sobra sobra ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Malabong maging dahilan yun ng kasiraan namin. "Hon.. Tapos ka na ba?! We can go home na?!" Nag angat ako ng mukhang napatingin sa kanya. Siya na ngayon ang CEO ng buong company nila. Ako naman ang pumalit sa posisyong binakante niya. "Ma'am may m
FIVE YEARS LATER>>> [NARRATOR] "Love.. 6 am na.. Wakey wakey.." Makulit na pinag lalaruan ni Leiluna ang pisngi ni Dennise. "Love 10 more minutes.. Please.." Reklamo nitong tumalikod kay Leiluna. Tumagilid pakaliwa naman siya para muling gisingin ng lambing ang kanyang asawa. Pinuyos niya ito ng halik sa pisngi. "Love.. Inaantok pa ako.." Daing nitong tumihaya kaya naman nagawang ipatong ni Leiluna ang kalahating itaas. Mas nilapit pa ang mukha kay Dennise saka ito marahang hinalikan sa labi. Tila nagigising ang diwa ni Dennise na kusang gumaganti sa asawa. "Hmm.. Ikaw talaga.. Alam na alam mo kung anong kahinaan ko.." Turan ni Dennise na ngayon ay nakadilat na. Sumilay naman ang malokong ngiti ni Leiluna. "Kasi love baka malate nanaman kayo ni Treys.." Paglalambing ni Leiluna sa ibabaw ng asawa. "Hmm.. Pwede isang quickie muna? Before I start my day? Hmm.." Panunukso ni Dennise na ikina hagikgik naman ni Leiluna ng gumalaw si Dennise at siyang umibabaw. "Love.. Kasasabi ko l
Lumipas pa ang isang linggo at kasal na nga ni Azzurra. Umattend si Dennise dahil kaibigan niya to pero halos lumubog na ang araw at nauna pa ngang dumating sa simbahan ang groom pero wala pa din ang anino ni Azzurra. Kinutuban na si Dennise na baka napag isip isip ni Azzurra na isang malaking pagkakamali ang magpakasal sa taong hindi naman niya mahal kaya umatras na to sa kasal. Tinatawagan siya ni Dennise pero nag riring lang ito. Naisip ni Dennise na puntahan ito sa condo niya. Doon isang tagpo ang hindi inaasahang masasaksihan ni Dennise. "Azzurra!!" Labas ang litid na sigaw niya ng makita ang kaibigan. Nagbigti ito suot pa ang wedding gown. Nagsisi sigaw si Dens na humingi ng saklolo sa labas ng unit ni Azzurra. Narinig siya ng mga kapit bahay. Nagtulungan ang mga itong maibaba si Azzurra. Ang isa ay tumawag ng ambulansya habang si Dennise ay inalo ang kaibigan sa kanyang kandungan at pilit itong ginigising. "Azzurra! Ano ba! It's not the end of the world, please wake up.