"Hello! Dens! Sorry maingay.. I just want you to know.. your sister is with me right now. We are here at the bar but rest assured I will take good care of her.." Napapahawak sa tengang paliwanag ni Derek. "Sorry! This is not, Dens. I'll let her know na lang.. Thank you!" Pagkababa ng phone ni Mayumi agad niyang sinabi kay Dens ang mga narinig sa kausap. "What the hell is she doing there?!" Biglang tayo ni Dens, gumigewang sa kalasingan pero nakakapag- isip pa din naman ng malinaw. "She's not drinking! Baka mapano lang siya duon.. AH FUCK!" Nagkibit balikat si Mayumi. Sunod na hinablot ni Dens ang phone sa kaibigan at agad na tinawagan si Derek. Frustrated na siya dahil hindi ito sumasagot. Naiinis siyang naibagsak ang kamay hawak ang phone. Lumihig ang ulo sa gawing kanan kaliwa at panay ang pagbuga ng malalim. "Relax! Mukhang hindi naman siya pababayaan ng kaibigan mo.." Hinahagod ni Mayumi ang likuran niya at pilit siyang pinapaupo. [MAREA LEILUNA TRINIDAD] Ito ang unang
[MARIA DENNISE TRINIDAD] Nakauwi na ako ng bahay pero wala pa din ang kapatid ko. Nag-aalala ako di dahil kasama niya si Derek pero dahil hindi naman ito sanay sa ganoong lugar. Baka imbis makuha niya ang hanap lalo lang maging worse. Pagbalik niya sakin maging unsettled pa din ang lahat. Ayokong nagkakaroon kami ng di pagkakaunawaan. Habang nag-iinom ako kela Mayumi narealize kong at the end of the day mahal ko siya kahit ano pang pagdaanan namin. At naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Kailangan ko lang uli ipaalala na hindi ako mawawala sa kanya. Hindi kami masisira ng kahit sino man. Pagdating niya yun agad ang sisiguraduhin kong mararamdaman ni Lei. Napatingin ako sa wall clock. 3 am na at hindi man lang nababahala si Mom. Ganun ba ka expert si Derek at nakuha niya ang tiwala ni Mom? Kanina pa ako hindi mapakali at pati ang tama ko ay nawala na rin. Ilan beses ko na siyang tinawagan pero nagriring lang ang phone niya at ganun din ang kay Derek. Naisip ko kung ano na bang gi
What else then? Ano pang hindi nasasabi ni Derek?? "Hmm, anu yun?" Napuno ng kuryosidad ang buong sistema ko. Matyaga akong naghintay sa sunod niyang sasabihin. "Natalie was there..." "What?? Why? How?" Sunod sunod kong tanong. Naguluhan pati ako. "She's the girlfriend of Derek's ex-boyfriend.." Mas lalo akong nawindang. "Kahit ako nagulat, love dahil she admitted to me she likes you at gusto pa ngang magpatulong sakin na mapalapit sayo.." "Okay? Then what happened? Anong naging kasalanan mo?" None of it concerns me. What makes me so curious is yung kasalanan niya. "Hinahanap ka kasi niya and then..." "Then what? It's alright, Lei. Hindi ako magagalit.." Gusto kong pumanatag siya at pagkatiwalaan ako. "Ang sagot ko kasama mo ang girlfriend mo..." "What???" Hindi ko natansya ang boses kong napataas. No.. Hindi kami pwedeng mag away ulit. Take it easy Dens. Calm down.. "She must have a good reason for saying that.." Ngayon mukhang sarili ko na ang pinapag hinay ko mag overreact, p
[MAYUMI CHEN] Bago ko pa marinig si Ghia kay Dens matagal ko ng kilala ito. Not personally pero sa name at sa mukha oo. And then nakasama ko siya isang beses dahil sa magkapatid. Until today mabangga niya ako. Anung pumasok sa isip ko na baka kilala niya ako sa ibang way. Nang ayain niya akong ihatid, pumayag ako agad kasi why not? Wala naman sigurong masama o mali diba. "Ahmm.. First time ko to kaya handle me with care. " Nakangiti kong saad. Ngumiti din naman siya. Maganda talaga siya walang duda at mukhang mabait din kaya nagtataka ako kung bakit siya niloko ni Tonette pero hindi ko din naman alam ang buong kwento. And si Lei naman dahil in love yun kay Dens. "So kamusta ang pagiging single?" Naitanong ko without thinking. Kasalukuyang nakapulupot sa bewang niya ang mga kamay ko. Takot talaga akong umangkas ng motor kaya ewan ko ba at umoo ako sa kanya. "What made you so sure I'm still single?" Tugon niya saka marahas na pinaandar ang motor na nagpasubsob sakin sa likuran niya
Nang makaalis na si Ghia agad kong tinawagan si Dens sa taranta ko. Naiinis pa ako kasi hindi ito agad sumasagot. Alam ko naman na for sure abala to sa pinaka mamahal niyang kapatid. Holiday ngayon kaya walang pasok. Tulog pa ata ang dalawa o baka napagod sa sex. "Yes.. Mayumi? Ang aga mong mambulabog.." Halata sa boses nitong nagising lang sa tawag ko. "Anung maaga, bestie? Tanghali na. Don't tell me nakahiga pa kayo ni Lei.." "No! Wala na si Lei sa tabi ko. Ako na lang to adik.." Nasabihan pa tuloy ako ng adik. Siraulo yun ah. "Good kasi may sasabihin ako.. Remember Ghia?" May kung anung excitement sa dibdib ko. "Yeah.. Paano ko siyang makakalimutan ei ex siya ng kapatid ko. What about her??" "She asked me out!" Halos maisigaw ko. "And so?" Tanging sagot niya na ikinairita ko. Tulog pa ata ang kaluluwa nito. "What so?! Why did she ask me out? Help me to understand.. " "Baka type ka niya.." Sagot nitong mas nagpagulo sa utak ko. I'm so dead! Kinaumagahan naglalakad akong wal
Para akong nakuryente ng bahagyang dumikit ang balat sakin ni Ghia.. Anong meron? Bakit ako tila nawawala sa tamang katinuan?? "Mayumi... Wala ka pang food.. Ako ng bibili.. May gusto ka ba particularly?" Ang mga tingin nito nagpapahinto ng paligid ko. Sandali akong natahimik... Parang bigla na lang napipi ako at pati utak ko tila ayaw gumana. Kaya ko naman bumili ng ako at sanay ako ng ako lang ang umiintindi sa sarili ko. "Mayumi!" Napatingin ako kay Dens na tumawag sa akin. Kunot lang ang noo kong nakipag eye to eye contact. "Okay ka lang, bestie? Kinakausap ka ni Ghia.." "Huh?!" Tanong ko rito kasunod ang pagbalik ng sentro ko kay Ghia na ang lapit lapit pala sa akin. "Bestie.." Muling tawag ni Dens. Nagtama ang mga mata namin na tila nababasa ang nasa utak ng bawat isa. "No!! I'm not, bestie.." Bigla ko na lang nasabi. Shit itong bibig ko, mapapahamak pa ata akong di oras. "Mayumi... Okay ka lang ba talaga? Wala pa akong sinasabi bestie.." Nakangisi ito at nahuhulaan ko n
[MARIA DENNISE TRINIDAD] "Okay ka lang ba, love?" Usisa ko ng nasa kwarto na kami. Hindi siya sumagot at dumiretso lang ng banyo. Ayoko mag assume pero parang tama ako. Naupo ako saglit sa dulo ng kama. Inaantay siyang lumabas. Paglabas nito agad akong humarang, humawak sa magkabilang braso niya. Tumingin ako sa mga mata niyang matamlay. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag aalala kong tanong. "No.." "May problema ba? Sabihin mo sakin.. Love. " Malambing kong pagkasabi. Ayokong sa akin manggaling. Gusto kong sa bibig niya lumabas kung tama ba ako sa hinala ko. "Pagod lang ako.. Ang dami kasi naming inaral kanina, Dens.." Tinanggap ko ang paliwanag niya saka marahang lumapit para halikan siya pero umiwas ito. Yun ang unang pag iwas niya simula ng maging okay ang relasyon namin. Bumitaw ako sa pagkakahawak at hinayaan siyang umalis sa harapan ko. Nahiga ito sa kama. Pinagmasdan ko lang siya. Hindi ko na nagugustuhan ang nararamdaman ko. Nagseselos ba siya? Dahil parang may gusto si
[MAYUMI CHEN]Busy ako sa pag gawa ng assignment ko ng maabala ako ng tunog ng cellphone ko. Napatingin ako roon na nasa tabi ko lang. Kinuha ko yon. May Friend request notification.. Napadukdok ang mukha ko ng makita ang pangalang Ghia Anne Hernandez. Inadd niya ako? Bakit? Inaccept ko yun saka bumalik sa ginagawa ko pero ito na nga ba ang sinasabi ko.. Nawala na ang konsentrasyon ko dahil tila nag aabang ako ng chat mula kay Ghia. Napapasilip ako ng hindi ko mabilang sa telepono ko. Bumuntong hininga ako at pilit na tinuon ang sarili sa priority ko. Wala akong maisip bigla. Natuon ang daliri ko sa paglalaro sa ballpen na hawak ko hanggang makarating ang dulo nito sa labi ko. Padakay natauhan ako, inalis ang ballpen. Napatingin ako roon. Napaisip.. Dahil ganun ako kapag may gumugulo sa isip ko. Muli akong bumalin sa cellphone ko. Kinuha ko uli iyon. "Inadd mo ako so bakit hindi ka mag chat ngayon?" Naibulilas kong nakatuon ng seryoso sa screen ng phone. Nahihiwagahan ako sa sarili
[3RD PERSON POV]Dumaan ang dalawang taon at tuluyan na ngang gumaling si Treys. Grade 3 na ito sa pasukan habang si Gyiumi naman ay tutuntong na ng junior high. Naging mas close pa nga sila na halos hindi na mapag hiwalay. "So are you excited about this coming school year?" Panimula ni Gyuimi. "Should I be the one to ask?! You are now getting to the next level of your life. What would be waiting for you in junior high?!" Ganti naman nitong umakbay pa sa dalaga. Naningkit ang matang napatingala si Gyiumi sa katangkaran ng kausap. "Are you having a crush on me now?!" Ngisi ni Treys. Nakatanggap naman siya ng hampas. "I'm just kidding but you know.. I've been waiting for so long. When will my chance be grant?!" Dagdag pa nitong abot tenga ang ngiti. Bigla bigla naman ang pamumula ng pisngi ni Gyiumi. Mas lalong lumalabas ang pagiging Chinese nito dahil naniningkit ang mga mata sa tuwing hindi mapigil ang pag ngiti. "Kayong dalawa diyan, tama na ang ligawan! It's dinner time.." B
Lumantad kay Dens ang tila sadyang inihanda ni Jhanrex na kama. Marahas na tinulak siya pabagsak roon ni Jhanrex. Humihikbi itong nagmakaawa ng husto kay Jhanrex. Ang pagtangis niyang abot sa puso ni Lei. Bakas ang pagkadurog sa mukha ni Lei na walang magawa kundi ang pumalag ng buong lakas pero walang nagiging saysay. Nauubusan na siya ng pag asa at nagdadasal na sana malagpasan nila ang masamang bangungot na to. "Parang awa mo na Jhanrex.. Wag mo tong gawin, please.." Paghihinagpis ni Dens. Napuno ng mapait na luha ang mga mata niya. Naghalo halong likido na ang sumakop sa mukha niya. "Alam mo ba kung gaano kahirap sa loob ng kulungan?! I know kayo ni Lei ang nagpabugbog sakin sa loob na halos hindi ako makatayo at makalakad.." Ngitngit nitong saad. "Wala kaming alam sa sinasabi mo. We have nothing to do with that.. Please.. Let me learn to love you.. Don't do this.. I'm begging you.." Tumawa lang si Jhanrex sa mga sinabi niya. "Love me? You're so funny... I'm not stupid, Den
Gulong gulo ang utak ko sa kung anong gagawin.. Nagbigay ng address si Jhanrex kung saan ko pwedeng makita ang mag ina ko pero animal ang isang yon at wala akong tiwala. Hindi ko malaman kung susunod ba ako sa gusto nitong magpunta ng mag isa kung hindi papatayin niya ang mag ina ko. Ang daming what if sa utak ko. Wala akong laban sa kanya kaya paano ko naman ililigtas ang mag ina ko ng mag isa. Panay ang lakad kong napuno ang buong sistema ko ng takot at kaba na baka hindi ko na makita ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko kakayanin..! I can't lose them both.. Sa huli nagwagi si Jhanrex. Minaneho ko ang sasakyan kong tinungo ang address. Nanginginig man ako buong byahe pinilit kong magpaka tatag. Iniisip ko kung paanong napunta roon si Lei. Kasalanan ko nanaman na nasa panganib siya. "Jhanrex! Andito na ko!" Malakas kong sigaw. Bakas pa din ang pighati sa mukha at dibdib ko. Hindi yun nawawala. Mapapanatag lang ako kapag nasiguro kong ligtas na ang mag ina ko.[MAYUMI CHEN HERNA
Napa iwas ito ng tingin na bumuntong hininga. "Oh! That seems not okay.." Singhap ni Dennise. "Wala namang perfect na relasyon, Bestie.. It's just that I could have been imagine na magagawa sakin yun ni Ghia at sa sarili ko.. Hindi ko expected na matatanggap ko pa din siya after what happened.." Naging bakas sa mukha ni Dennise ang pagtataka. "She cheated, bestie.. I can't blame her.. Siguro kasi naging focus ko si Gyiumi lang to the point na parang nakalimutan kong Ghia is still there.." Napayuko si Mayumi sa pagtulo ng luha nito. Pinahid niya yun at pinilit humarap na okay lang siya. "I let her choose between me with that girl at akala ko talaga.. Bestie..." Natigil ang kwento niya ng lumabas ang mahinang hikbi. Napatakip ito sa bibig. Niyakap siya ni Dennise at nakita iyon ni Ghia. "What happened to her? She seems emotional.." Sambit ni Leiluna dulot ng pagtataka. "I cheated on her, Lei.. I didn't... I didn't mean to do that.. It- it just happened.. And it sucks you know..
[MARIA DENNISE TRINIDAD JENKINS]Marahan akong nagdilat ng mga mata ko ng magising ako. Nakita ko agad ang mahimbing pang natutulog na wifey ko. 3 years na kaming kasal at going strong. Si Lei ang naging lakas ko at sandalan ng mga panahong nagpapagaling ako sa anxiety at depression ko. May kirot pa din sa puso ko sa tuwing maaalala ko kung paano kong ayaw tignan or kargahin si Treys nung unang taon nito simula ng ilabas ko siya sa mundo. Akala ko noon hindi ko na matututunang mahalin ang sarili kong anak dahil pinapa alala nito ang ginawa sakin ng ama niya. Si Lei ang naging daan para malagpasan ko ang pagsubok na yun hanggang makabangon uli ako sa pagkakadapa. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung hindi dahil kay Lei na hindi ako sinukuan. She might be the weakest among the two of us but she's also the strongest one. Dahil sabado ngayon ako naman ang magsisilbi sa kanya. Ginawaran ko siya ng halik sa noo bago ako tumayo, umalis ng kama. After kong maghilamos at mag toothbrush
Natapos ang masaya at successful birthday party ni Jesryl Treyton Jenkins. Ngayon payapang nagpapahinga na ang mag asawa sa kwarto nila. "Love.. Hmm. maiba ako.." Putol ni Leiluna sa pagkukwento ni Dennise ng mga bagay bagay. "Yup?! Ano yon?" Balin nitong tumingin sa asawa. Napatingala naman sa kanya si Leiluna na nakayakap at nakahiga sa dibdib niya. "Do you have plan to tell kay Mayumi? amm about our son?" Naging payak ang itsura ni Dennise na napaisip. "Yeah.. Definitely, Love.. In time.." Sagot nitong humigpit pa ang yapos kay Leiluna. Gumanti din ng buong pagmamahal na yakap si Leiluna. "Are you tired?" Pag iiba ni Leiluna. Ngumiti si Dennise dahil nagets nya agad ang pahiwatig na tanong ng asawa. "Basta pagdating sayo.. Lagi akong may energy love.." Ngisi ni Dennise saka pumatong sa asawa. Naging malinaw naman ang tagumpay kay Leiluna. Matagal tagal na din kasi silang hindi nakakapag talik simula ng muntik na silang mahuli ng kanilang anak sa ginagawang kababalaghan. "Do
[AVA SMITH] Hindi naging perfect ang relasyon namin ni Natalie. Lagi siyang nagseselos kahit wala namang dapat ipagselos. Dumating na nga kami sa sukdulan na halos mauwi na sa paghihiwalayan pero hindi ako pumayag. Sa tuwing maaalala ko kung paanong naging kami nagiging dahilan yun para hindi ko siya sukuan. Now hindi na siya masyadong selosa pero parang bumaliktad ang mundo namin at ako naman ang madalas na nagseselos. Naging normal na lang sa amin basta hindi kami naghihiwalay at nagkakasakitan physical. Takot si Natalie at alam ko sa oras na mapag buhatan ko siya ay yun na ang katapusan namin. Pinagdaanan niya kasi yun sa ex niya. Sabi ko naman hindi mangyayari yun dahil sobra sobra ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Malabong maging dahilan yun ng kasiraan namin. "Hon.. Tapos ka na ba?! We can go home na?!" Nag angat ako ng mukhang napatingin sa kanya. Siya na ngayon ang CEO ng buong company nila. Ako naman ang pumalit sa posisyong binakante niya. "Ma'am may m
FIVE YEARS LATER>>> [NARRATOR] "Love.. 6 am na.. Wakey wakey.." Makulit na pinag lalaruan ni Leiluna ang pisngi ni Dennise. "Love 10 more minutes.. Please.." Reklamo nitong tumalikod kay Leiluna. Tumagilid pakaliwa naman siya para muling gisingin ng lambing ang kanyang asawa. Pinuyos niya ito ng halik sa pisngi. "Love.. Inaantok pa ako.." Daing nitong tumihaya kaya naman nagawang ipatong ni Leiluna ang kalahating itaas. Mas nilapit pa ang mukha kay Dennise saka ito marahang hinalikan sa labi. Tila nagigising ang diwa ni Dennise na kusang gumaganti sa asawa. "Hmm.. Ikaw talaga.. Alam na alam mo kung anong kahinaan ko.." Turan ni Dennise na ngayon ay nakadilat na. Sumilay naman ang malokong ngiti ni Leiluna. "Kasi love baka malate nanaman kayo ni Treys.." Paglalambing ni Leiluna sa ibabaw ng asawa. "Hmm.. Pwede isang quickie muna? Before I start my day? Hmm.." Panunukso ni Dennise na ikina hagikgik naman ni Leiluna ng gumalaw si Dennise at siyang umibabaw. "Love.. Kasasabi ko l
Lumipas pa ang isang linggo at kasal na nga ni Azzurra. Umattend si Dennise dahil kaibigan niya to pero halos lumubog na ang araw at nauna pa ngang dumating sa simbahan ang groom pero wala pa din ang anino ni Azzurra. Kinutuban na si Dennise na baka napag isip isip ni Azzurra na isang malaking pagkakamali ang magpakasal sa taong hindi naman niya mahal kaya umatras na to sa kasal. Tinatawagan siya ni Dennise pero nag riring lang ito. Naisip ni Dennise na puntahan ito sa condo niya. Doon isang tagpo ang hindi inaasahang masasaksihan ni Dennise. "Azzurra!!" Labas ang litid na sigaw niya ng makita ang kaibigan. Nagbigti ito suot pa ang wedding gown. Nagsisi sigaw si Dens na humingi ng saklolo sa labas ng unit ni Azzurra. Narinig siya ng mga kapit bahay. Nagtulungan ang mga itong maibaba si Azzurra. Ang isa ay tumawag ng ambulansya habang si Dennise ay inalo ang kaibigan sa kanyang kandungan at pilit itong ginigising. "Azzurra! Ano ba! It's not the end of the world, please wake up.