"Hindi na namin kinayang labanan yung nararamdaman namin sa isa't isa kaya.. Kaya nagpatianod na lang kami at nag decide na maging kami like for almost four years.. Everything seems right kahit patago hanggang mahuli kami ni Mom.. So I ended up here.. Umalis ako sa amin at nag solo.. Iniwan ko si Lei.. Ginagawa ko to para sa kanya... Azzurra.. Gusto kong magkaroon siya ng normal na buhay.. Buhay na malaya siyang magmahal ng hindi kailangan magtago. Pagmamahal na pwede niyang ipagmalaki, ipaalam sa lahat, ipag sigawan sa lahat..." "Are you really referring to her? Or is that what you wanted too??" Napaatras ang ulo ko ng bahagya sa sinabi niya. Napaisip din ako.. Naunawaan kong pwedeng tama siya. Gusto kong magkaroon ng normal na relasyon.. Takot din akong makutya, pandirihan o kamuhian ng mga tao siguro.. Masama ba ako sa part na yun? Ibig sabihin ba nun hindi ko ganun kamahal si Lei? Pero hindi yun ang point.. Magkapatid kami. Kasalanan ang meron kami.. Kasalanan ang gusto naming
[MAREA LEILUNA TRINIDAD] Sa huli bahay din ang naging huling bagsak ko. Wala naman akong sapat na pera para mag check-in o pumunta pa sa ibang lugar. Mom not giving any penny dahil iniisip niyang baka puntahan ko lang si Dens. "At san ka galing? Huh? Bakit ngayon ka lang??" Sambulat sakin ni Mom pagbukas ko ng pintuan namin. "At least umuwi pa ako.. Ano bang problema kung lumabas ako..." Naiinis kong sagot. Wala na akong takot kung anong magiging reaksyon niya o kung saktan man niya ako. "Hindi mo na ako nirespeto, Leiluna! Hindi ang paglabas mo ang point dito kundi ang oras ng pag uwi mo, anak.. Paano na lang kung napahamak ka sa kalsada? Huh?" Buti pa nga siguro kung nadisgrasya na lang ako para tapos na ang paghihirap ko. Para na rin naman akong patay sa sakit na tinitiis ko. Lalo pang bumigat dahil sa nasaksihan ko kanina. "Sorry Mom.." Naging sagot ko na lang para matapos na ang diskusyon. Gusto ko na lang humiga ng kama ko at mapag isa. "Kumaen ka na ba? Gusto mong ipagh
SA UNIT NI DENS>>> Nang makaraos si Jhanrex tila nahimas masan siya sa maling ginawa at balisang umalis sa ibabaw ng walang kalaban labang si Dens. Taranta itong inayos ang salawal. Isinara ang zipper ng kanyang pantalon at ng malock ito dali daling umalis sa lugar. Naiwang parang basang sisiw si Dens na walang naging galaw o imik man lang. Sumilay lang ang muling pag agos ng luha sa gilid ng mga mata niya. Kasalukuyan namang nasa sasakyan si Leiluna. "Bilisan mo pa Nick!" Magkahalong iyak at sigaw na sambit ni Tanya. Duguan ang anak na nasa kanyang bisig. Naglaslas ito sa sobrang lungkot, hinagpis na bumalot sa nanghihinang pagkatao. Nang makarating ng hospital agad na inasikaso sila Tanya ng mga Nurse at Doctor. "Ano pong nangyari sa pasyente?!" "Hi-hindi ko alam... Ma-may basag na vase sa kwarto.." Paliwanag nitong hindi halos maintindihan dahil sa pag iyak. Kinabig siya ng yakap ni Nick habang si Leiluna ay dinala naman ng ER. Panay ang paghikbi ni Tanya sa dibdib ni Nick
"Sumagot na ba si Dennise?" Pag iiba ni Tanya ng matapos na ang komosyon sa pagitan nila ng kanyang ex-husband. "Hindi pa but I leave a message.." Tuon ang mga matang sagot ni Nick. Tumabi na rin ito sa asawang muling naupo. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Sid ang pagpatong ng palad ni Nick sa hita ng ex wife niya. Bahagya lang siyang napalunok kasunod ang pag gawi sa ibang direksyon. "Okay na po ang pasyente.. mabuti na lang at hindi malalim ang sugat.." Sambit ng Doctor na siyang kumuha sa atensyon ng tatlo. "But I suggest she needs to see a psychiatrist." Pagtatapos ng Doctor. "A Psychiatrist? For- for what?! Walang problema sa pag iisip ang anak ko." Kunot ang noong hayag ni Sid. Bakas din ang katanungan sa mukha ni Tanya. "Hindi ko naman ho sinasabing may problema sa pag iisip ang pasyente. This is a suicide attempt which means she might struggling with serious depression." Sandaling nangibabaw ang katahimikan. "Pwede niya itong ulitin, ang pagpapakamatay kung hindi a
Hindi na sumagot pa si Sid at binalikan ang anak. "I don't want to see her!" Sigaw ni Leiluna na kinabigla ni Dennise. Napalunok itong napaatras ang mga paa. Kinamumuhian siya ng kapatid at ni hindi nito magawang tapunan man lang siya ng tingin. "Don't be like this, Lei.. I'm telling you the truth. Walang namamagitan sa'men ni Azzurra. Kaibigan at katrabaho ko lang siya.." Paliwanag nitong mangiyak ngiyak na. "Mom!!" Muling hiyaw ni Leiluna. "Anong nangyayari?" Nagtataka naman si Tanya ng marinig ito pagkabalik. "Mom!! I don't want to see her.. Paalisin niyo siya.." Malinaw na hayag ni Leiluna. Hindi magawang umalis ni Dennise dahil ngayon niya mas higit na kailangan ang kapatid dahil sa nangyaring pang gagahasa sa kanya ni Jhanrex. Mabigat ang kalooban ni Dennise na tanggapin ang ginagawang pagtataboy sa kanya ni Leiluna.. Gusto niyang manatili sa tabi nito. "I said out!" Wala ng nagawa pa si Tanya kundi sundin ang anak dahil tila nag iiba na ang awra nito. "Umalis ka na muna
[MAREA LEILUNA TRINIDAD] "How are you feeling right now?" Tanong sakin ng psychiatrist. Pangalawang session na namin ito pero parang wala namang nagbabago sa kondisyun ko. Nahihirapan pa din ako sa tuwing maiisip si Dens at naiiyak nga ako palagi. Mapapanindigan ko nga ba talaga ang kalimutan siya? Ang alisin ang feelings, ang pagmamahal na meron ako para sa kanya? May maitutulong nga ba ang psychiatrist na to para mawala sa sistema ko si Dens? Nang matapos ang tila sirang plakang paulit ulit na usapan namin tumayo na ako at umalis. Si Derek ang sunod kong naisip. Baka kapag nakausap ko siya gumaan ang pakiramdam ko. Tingin ko siya lang ang makakaunawa sa akin kaya hindi ko na pinatagal at tinawagan siya ng makauwi ako ng bahay. Naiirita na din ako kay Mom na halos pati sa pagligo ay samahan pa ako. Hindi na siya nawala sa paningin ko simula ng insidente sa ginawa kong pagpapakamatay. "Sunduin kita sa inyo.. gusto mo?!" Mungkahi ni Derek sa phone ng magkausap na kami. Syempre a
"Ano naman sayo ngayon kung kami nga?!" Huminga ako ng malalim sa sinabi niya. "So you are cheating?! Hindi pa nga nagiging tayo pinapalitan mo na ko agad?!" Sa lakas ng boses ko pumukaw ito ng maraming atensyon. Ang mga mata ngayon ay nasa aming tatlo. What the heck is happening... Lagot ako kay Dad kapag nakarating sa kanya ang gulong to. Ang anak ng CEO nakikipag agawan sa isang babae? Oh shit! Baka mapalayas akong di oras ni Dad. "What is your deal, Natalie? Anong laro ba to? Kasi hindi na ko natutuwa.. Ayoko na sa mga laro mo okay!" "Hindi ako naglalaro.. so tell me kayo ba? For real? Dahil kung oo.. Ibig sabihin tapos na tayo.." Pumiyok pa ako sa bagay na yun. Bakit ba hindi niya mabasa ang gusto kong iparating? Gusto ko siya.. Sa akin lang siya.. Kailangan ko pa bang sabihin? Ahh! Ako ang submissive dito dapat magpaka dominant naman siya.. "Tapos na tayo?? What are you babbling about? Wala namang tayo diba?" Malinaw sakin ang galit niyang mukha pero hindi ko alam ang dap
Pinagtapat sa akin ni Derek na hindi kami tunay na magkapatid ni Dens. Ang sabi niya nung una nagbabase lang siya sa instinct dahil nung unang beses niya kami makita ni Dens at napansin na nga niya agad ng mga panahon na yun na may something. Paliwanag niya hindi na raw siya pinatahimik ng curiosity niya ng araw na yun. Naglaro daw sa utak niya kung possible ba talagang magkagustuhan ang biologically siblings. Duda siya sa bagay na yun kaya nung araw na nagpa party siya sa pagtanggap sa kanya ng mga magulang sa pagiging gay ay palihim niyang kinuha ang mga baso namin ni Dens na ginamit sa pag inom ng wine. Sa yaman ng pamilya niya hindi na ako magtataka kung may kakayahan siyang magpakuha ng DNA Test sa amin ni Dens. Sa kagustuhan niyang matuldukan ang malalim niyang pag iisip o parang naging problema sa kanya ang katanungan kung pwede ba talaga magfall sa isa't isa ang magkapatid. Nakuha niya ang sagot sa matagal daw na gumulo sa utak niya ng lumabas ang result na hindi nga kami