Share

Chapter 16

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2021-06-04 12:39:05

HINAYAAN NA LANG niya ang binata sa pang-aasar sa kanya. 

Pagkaluto ay naghain na siya at inihanda ang gagamiting plato at kubyertos. Hindi naman niya ito niyaya dahil kusang umupo ito at nagsandok na ng kanin. Naglagay siya ng maliit na mangkok sa tabi nito kanina kaya doon nito Inilagay ang sabaw. Napatingin ito sa kanya pagkatapos ng isang subo nito. 

“P’wede ka nang mag-asawa,” nakangiting bulalas nito. 

“Matagal na,” seryosong sabi niya. 

“Then, marry me!” Hindi pa rin naalis ang ngiti nito at muling sumubo. 

Natigilan siya saglit pero bumalik din siya sa huwisyo.

“’Wag akong buwisitin mo, Kent! Alam ko naman ang kasunod niyan, It’s a prank!” sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Connie Garcia Asuncion Pitalbo
unluck please .........
goodnovel comment avatar
Lilian Senga San Diego
unlock pls
goodnovel comment avatar
Calista Dale
aysus after niyan iiyak na naman si Kendra
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 17

    MAAGA SIYANG NAGISING kinabukasan. Napangiti siya nang makita ang mga kamay ng binata na nakayakap sa kanya. Akala niya ay panaginip lang ang mga ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ng binata sa kanya. Pero heto si Kent ngayon, natutulog nang may mga ngiti sa labi. Hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti rin. Hinalikan niya ito nang marahan, pero nagulat siya nang magmulat ito ng mga mata, kaya bigla niyang inilayo ang mukha at nagtalukbong ng kumot. Natatawang hinila ng binata ang kumot na nakatakip, dahilan para malantad ang buong katawan niya. “Akin na nga iyang kumot!” sabi niya at pilit na inagaw sa binata iyon, pero inihulog na nito ang kumot sa sahig. Parehas na silang walang takip sa katawan, pero ang lalaking ito, tuwang-tuwa pa. Siya naman ay pulang

    Huling Na-update : 2021-06-05
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 18

    MABILIS NA LUMIPAS ang maghapon. Hindi siya nakaramdam ng pagod, dahil siguro inspired siya. Napatingin siya sa isang staff na may dalang bulaklak, papunta ito sa gawi niya. Napakunot-noo siya dahil kagaya ito ng mga naunang naipadala sa kanya na bulaklak. Sa kanya ba ito? Napatingin sa kanya ang mga kasamahan. Nakangiti na naman ang mga ito. Nahiya tuloy siya. Baka isipin ng mga ito, nakikipaglandian lang siya sa oras ng trabaho. “Ma’am, pinabibigay po sa inyo. Wala pong sinabi ’yong delivery boy kung kanino galing, eh.” Napakamot sa ulo ito noong tinanong niya. Nagtataka na siya kung sino ang nagpapadala no’n. Tumayo siya at inabot na lang niya ang bulaklak na hawak nito at hinanap ang card. As usual, wala pa ring card. Pamisteryoso naman masyado

    Huling Na-update : 2021-06-05
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 19

    MATULING LUMIPAS ANG araw. Biyernes na. Maaga siyang gumising nang araw na ’yon. Wala na ang binata sa tabi niya. Nag-iwan lang ito ng note na idinikit sa cellphone niya. May aayusin lang daw ito. Tumawag lang ito nang paalis na siya sa unit. Hapon ang schedule niya sa OB-GYN kaya pumasok siya ng umaga. Nakapag-file na rin siya ng leave noong nakaraan pa. Bihira na rin siyang makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Nako-control niya na ang pagsusuka dahil madalas siyang kumain ng mga menthol na candy. Gusto niya sanang kasama ang binata sa unang araw ng checkup, pero marami pa siyang agam-agam. Hindi pa siya kampante sa sitwasyon na kung anong meron sila ngayon ng binata. Bago siya umalis ng opisina ay dumaan muna siya kay Kristen. Tuwang-tuwa n

    Huling Na-update : 2021-06-05
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 20

    NAGISING SI KENDRA kinabukasan nang may mabigat na nakaangkla sa mga binti niya. Nilingon niya ang binatang mapayapang natutulog. Walang saplot sa itaas. Kitang-kita ang six-packs abs nito. Tila pagod na pagod ito, dahil kahit umaga na ay maririnig pa rin ang mga hilik nito. Hindi niya napansin kung anong oras na ito nakauwi, pero nagpapasalamat pa rin siya kasi umuwi pa rin ito sa kanya. Naisip niyang saka na lang niya kokomprontahin ito. Napalingon siya sa wall clock. Alas-singko pa lang. Inangat niya dahan-dahan ang mga binti ng binata at tumayo. Inayos niya rin ang kumot nito. Naka-boxer lang pala ito. Napatingin siya sa bag na ginamit kahapon. May nakaangat na envelope. Iyon ang dala-dala niya, ang isa sa nagpapatunay na may laman na nga ang kanyang sinapupunan. Isa iyong ultrasound result.

    Huling Na-update : 2021-06-05
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 21

    NAGISING SI KENDRA nang maramdaman ang malamig na hanging dumadampi sa mga braso niya. Nakabukas pala ang bintana ng sasakyan. Napamulat siya ng mga mata. Maliwanag na pala. Napaayos siya ng upo nang makita ang mga nagtataasang punongkahoy. May mga niyog din at mangga. Nangingintab iyon, hinog na yata ang iba. Parang natakam naman siya agad. Napatingin siya sa gawi ni Sebastian, nagmamaneho pa rin ito. “Good morning, sleepyhead!” nakangiting sabi nito. “Morning, anong lugar ito?” tanong niya. “Nandito tayo ngayon sa villa ko, pero don’t you worry, sa Quezon Province lang ito. Malapit-lapit lang sa Manila,” tugon nito. Tumango-tango naman s

    Huling Na-update : 2021-06-06
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 22

    Three years later . . . “MAMA!” NAPALINGON SIYA nang tawagin ng isang batang masayang naglalaro sa buhangin. “Look, ’Ma, I made a castle!” Pero bigla itong napaiyak nang abutin iyon ng malakas na alon. Napailing na lang siya. Agad na kinarga niya ito at pinatahan. “Ssshhh . . . stop crying, baby. Gusto mo ba, doon na lang tayo gumawa ng castle? I’m sure hindi iyan aabutin ng alon.” Tinuro niya ang katabi ng rest house. Sinadya niyang patambakan ng puting buhangin ang bahaging iyon ng rest house dahil mahilig itong maglaro ng buhangin, lalo na sa umaga. “Wow, it looks like a mountai, ’Ma!” Natawa siya sa sinabi ng anak. Paanong hindi nito sasabihing mountain, eh, mataas pa sa anak niya ang nilagay na mga buhangin.

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 23

    PAGKAGALING SA OPISINA ay umuwi na si Kent ng bahay at mabilis na nag-ayos ng mga gamit na dadalhin. Napatigil siya sa pag-eempake nang marinig ang boses ng mga magulang. May kasamang bata ito. Napakunot-noo naman siya. Hindi naman nagdadala ng kung sino-sino lang na bata ang magulang niya sa bahay nila. Pinalis niya iyon sa isipan at ipinagpatuloy na lang niya ang pag-e-empake. Pababa na siya ng hagdan nang maabutan ang batang naglalaro. Si Nikki na lang ang kasama ng bata. Parang ginawa namang playground ang sala nila. Gano’n ba kasabik ang ina sa apo at kung sino-sino na lang ang dinadala nito sa bahay nila? “O, saan ang punta mo?” takang tanong ni Nikki nang makita ang dala niya. “Busine

    Huling Na-update : 2021-06-10
  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 24

    HINDI NGA SIYA nagkamali. Si Kent nga iyon. Parang gusto niyang yakapin ulit ang binatang tatlong taon niyang hindi nakita. Pero sa kabilang banda ng puso niya, bumabalik na naman ang sakit. Agad na itinulak niya ito nang malakas kaya natumba ito. “Ouch, babe naman!” Napaupo ito sa bato. Napako ang tingin niya sa kamay na hinihipan nito, pero parang may umaagos doon. Dugo! Nanlaki ang mga mata niya nang makita ito. “Oh my God! I’m sorry!” Sabay luhod sa binata at kinuha ang kamay nito. Kinuha niya ang panyo na nasa bulsa at ginamit iyon na pamunas sa sugat nito. Pagkuwa’y hinipan pa niya. Napatigil siya sa ginagawa nang mapansing titig na titig ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ngayon la

    Huling Na-update : 2021-06-13

Pinakabagong kabanata

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Special chapter

    NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Kendra nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Itatapon lang naman niya ang nabasag na bote sa likod. Naroon kasi sa likod bahay nila ang lagayan ng mga basag na bote."Matagal nang panahon iyon, Darlene. Ayoko nang pag-usapan iyon. Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. Dahil ayokong makita tayo ng asawa ko dito. Marami nang pinagdadaanan ang asawa ko ngayon, ayokong makadagdag pa ito.""Yeah, I know. Pero sandali lang naman ito, Blake. Alam kong dala-dala mo ito noon pa man, maging si Kendra. Ngayon lang kasi ako nagkaroon nang lakas para makausap ka.""'Wag nang paligoy-ligoy, Darlene."Napabuga muna si Darlene ng hangin bago nagsalita, "Wala namang nangyari sa atin nang araw na nahuli tayo ni Kendra sa condo mo. Pinainom kita ng gamot noon, kaya akala mo, magdamag tayong magkasama at magkatalik."Napasapo siya sa bibig. "Oh, God! Bakit ngayon mo lang sinabi, Darlene? Bakit ang tagal mong tinago?""I'm sorry, ngayon lang kita na-corner nang

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Wakas

    ISA-ISA SILANG BINATI ng mga dumalo kaya naman kanina pa niya nararamdaman ang pagod. Umalis ang asawa niya sa tabi niya kaya sinundan niya ito ng tingin. Nilapitan nito ang anak na karga ng yaya at hinalikan sa noo. Nakatulog na ito marahil sa pagod. Nakita niyang umupo ito sa tabi ng mga dating kaklase nito noong kolehiyo. Napangiti siya nang ngumiti si Kendra nang matamis. Isa iyon sa na-miss niya sa asawa. Lumingon ito sa kanya. “I love you!” she mouthed, kaya tinugon niya ito. Nakita niyang lumapit ang kapatid sa asawa niya. Niyakap ito ng kapatid niya. Sa wakas ay tanggap na ng bunsong kapatid niya na si Keith ang relasyon nila ng asawa. Naiintindihan niya ang kapatid, si Kendra lang kasi talaga p

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 31

    “BABE, WAKE UP! Babe, you’re crying! Wake up!” Napabalikwas siya nang maramdaman ang pagyugyog sa kanya nang malakas. Bigla siyang napamulat ng mga mata. Mukha ng guwapong binata ang nabungaran niya. Matagal pa bago pumasok sa kanya na panaginip lang ang lahat ng iyon. Agad na niyakap niya ang binata nang mahigpit na halatang ipinagtaka nito. “Oh, thanks, God! Akala ko iniwan n’yo na ako!” naiiyak na sabi niya. “Mama!” Bumaling siya sa anak na namumugto na pala ang mga mata. Kinabig niya ito papalapit sa kanila ni Kent. Buti na lang ay panaginip lang ang lahat ng iyon. “Babe, what’s wrong? Kanina ka pa raw umiiyak sabi ng anak natin. Buti

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 30

    KANINA PA SIYA hindi mapakali sa opisina niya. Tatlong araw nang hindi tumatawag si Kent sa kanila. Kahit kumustahin man lang sila ng anak niya ay wala. Tumayo siya at sumilip sa labas ng glass wall. Maraming turista. Summer kasi kaya dagsa ang bakasyunista. Napatingin siya sa cellphone na nasa mesa niya. Hinihintay niyang umilaw man lang o tumunog ang ringtone no’n. Umaasa siyang magte-text o tatawag man lang ang binata, pero wala siyang natatanggap. Okay naman silang dalawa no’ng mga nakaraan. Nagkaroon lang ng emergency sa opisina kaya dali-daling pumunta ito ng Maynila. Pagkatapos noon ay hindi na ito tumawag. Hindi na rin siya nakakatulog nang maayos simula no’n. Nakita niya ang pinsan na papasok ng hotel.

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 29

    “’MA, WHERE ARE we going?” excited na tanong ng anak niya nang makasakay na sila sa chopper. “We’re going to Metro Manila, baby!” Si Kent ang sumagot dito habang nakangiti. Guwapong-guwapo siya sa binata sa suot nito. Kahit ano yata ang isuot nito ay litaw na litaw ang angking kaguwapuhan. “Yehey! Can I meet my granny there?” “Of course, baby. Actually, doon tayo mag-i-stay,” masayang sabi niya sa anak na hindi na naalis ang ngiti. Tumingin siya sa ama nito na matamis ang ngiti. Pagkuwa’y ngumuso ito sa dibdib niya. Napatingin siya sa dibdib na kitang-kita pala ang cleavage niya. Pasimpleng kinurot niya ito. “Ouch!” “What happened, Papa?” tanong

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 28

    PAGKALAPIT NG BINATA sa kanila ay agad na kinabig siya nito para halikan sa labi. Halatang nagulat si Mayor Miller sa ginawa ng binata. “Where did you go?” anito nang bitiwan ang labi niya at nginitian siya. Kakaiba ang mga ngiti nito. “Hi, I’m Blake Kent Hernandez! Astin’s father and Kendra’s fiancé,” baling nito sa kausap niya at inilahad ang kamay. Nabigla siya sa huling sinabi ni Kent sa kaharap. Kailan pa? Kanina lang ay may kasama siyang iba. “I’m Lorence Miller!” nakangiting pakilala naman nito. Bumaling ito sa kanya at nagpaalam na. Hinanap ng kanyang mga mata ang dalawang bata. Kasama ng mga ito ang yaya. Pagtingin niya sa binata ay titig na titig ito sa kanya.

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 27

    BIGLA NIYANG HINILA ang kumot at nagtalukbong na lang. Para siyang teenager na nahihiyang makita ng crush sa lagay niya. Naiinis tuloy siya sa sarili, parang gusto niyang umurong na lang. Ang lakas ng loob niya kanina. Ngayon, ano? “Babe, what’s wrong?” narinig niyang tanong ng binata at pilit na tinatanggal ang kumot. Mahigpit na hinawakan niya ang kumot para hindi nito makuha, pero lalaki talaga ito. Ayon, hinila na naman nito ang kumot. “Babe, please! Huwag mong sasabihing iiwan mo ako sa ere. Damn! Hindi ako makakapayag!” Natahimik ito bigla nang mga sumunod na sandali, kaya sumilip siya sa binatang nakaupo na. Napangiti ito kaya itatalukbong niya sana ang kumot nang hilahin nito iyon at itinapon sa kung saan.

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 26

    “’PAG ’DI PA kayo lumabas d’yan, bubuksan ko na ’tong pinto!” banta pa ni Ezekiel na natatawa kaya siya na ang sumagot. “Palabas na si Kent!” sabi niya na nakatitig pa rin sa binatang nasa ibabaw niya. “Sige na, lumabas ka na. Baka magising pa si Astin sa ingay niya. Magbibihis lang ako,” natatawang sabi niya. Hinalikan muna siya nito bago umalis sa ibabaw niya. Akala niya ay lumabas na ang binata, iyon pala ay pinapanuod siya nitong magbihis. Nakangisi ito nang malingunan niya, kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. Summer dress ang ipinalit niya at isinuot ulit ang coat na ginamit kanina. Paglabas nila ay wala na si Zyqe. Napatingin siya sa babaeng lumabas ng kuwarto ni Astin. Si Dana pal

  • My Secretary Owns Me (Tagalog)   Chapter 25

    HINDI PA MAN siya nakakapasok ay nakasalubong niya na ang yaya ng anak niya. “Ate, p’wede po bang umuwi na po ako? May sakit kasi ang isang anak ko. Bibili pa po kasi ako ng gamot. Kung okay lang po.” “Yes, Yaya, you can go now. Hindi naman na ako aalis. Magpahatid ka kay Manoy Jerry. Pero teka, may pambili ka pa ba ng gamot?” Biglang napakamot naman ito ng ulo. Parang nahihiya. “P’wede po ba ako maka-advance, Ate? Naubos na kasi iyong sinahod ko noong nakaraan sa gastusin din sa bahay,” nahihiya namang sabi nito. “Wait here, Yaya. Okay?” Saglit na iniwan niya ito at nagmadaling kumuha ng pera sa wallet. Pero pagbaba niya ay wala na ito. Tinawag niya

DMCA.com Protection Status