Kim POV Tatawa-tawa ako habang humihithit ng aking sigarilyo. Hindi ako makapaniwalang may tangang bumili ng isang paluging kumpanya sa halagang 500 milyon pesos. Napaka-istupido ng may-ari ng The Ligthen-Er hindi ko inaakalang magkakainteres pa ang mga ito sa Sta.Barbara , anong mapapala nila sa isang kumpanyang hindi na makabangon. Luging lugi na ang Sta.Barbara bukod dito lahat pa ng share holders ay nag back out na sa kanilang investment. Sira na din ang imahe nito dahil sa mga project na nagkaruon ng issue dahil sa biglang paggiba. Hindi ko maintindihan bakit pa ito binili ng The Ligthen-Er kung tutuusin kilala na ito sa buong mundo hindi lang sa Pilipinas. Kung sabagay wala na akong pakielam pa sa kung ano mang dahilan nila. Mahalaga ay nasakin na ang pera. “Hmmmm! Ang bango talaga ng pera, sana laging ganito ang buhay!” Nilalanghap ko ang suit cases na naglalaman ng mga pina incash ko mula sa bangko. Nilalasap ko muna ang bawat sentimo nito dahil mauubos din ito kaagad pamba
Bago pa man kami tuluyang lumabas ng visitors area ay binigay ko na kay Andrew ang suit case na naglalaman ng perang nakuha ko sa pinagbentahan ng Sta.Barbara. Malaya itong nakakakilos sa loob ng dahil na din sa mga perang binibigay ko para may pambigay siya ng padulas sa mga taga bantay niya. Nagtira lang ako ng limang milyon piso para sa sarili ko ng sa gayon ay may maibigay ako sa pamilya ko kapag nanghingi ang mga ito sa akin ng pera. Para pa naman metro ng tubig gumastos ang mga yun! "thanks sweetheart (hinahalikan pa ni Andrew ang mga suit case na dala ko sa kanya) malaking tulong to para sakin, makakakilos na naman ako ng maluwag dito sa loob ng dahil sa perang ito." malambing na sabi niya sakin. Napapangiti naman ako dahil na-appreciate ni Andrew ang mga ginagawa ko para sa kanya. "sana nga sweetheart makalabas ka na dito. Nalulungkot na din kasi akong mag-isa sa labas lalo na ngayon wala na akong pagkaka-abalahan at wala na ang Sta.Barbara sa akin mabuti na nga lang at may
“Andrew! Bakit?!” Tanong ko ulit sa kanya habang nangingilid na naman ang mga luha ko.“Bakit Kim nangangarap ka talagang papatulan kita?! Gumising ka nga. Tignan mo yan itsura mo, kasalanan ko bang uto-uto ka din kagaya ng kaibigan mong si Natalie!? Hahaha “ sabi niya sakin habang ngingisi ngisi naman si Celestine sa tabi nito. Nahihiya ako sa mga taong nagtitinginan sa amin. Ngayon ko napagtanto na ang taong ka chat ni Andrew kanina pa ay walang iba kundi si Celestine.Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Matapos kong maibigay lahat ng pera sa kanya. Matapos ng lahat ng sinakripisyo ko?! Ang dami kong tinabla para lang mapasaya siya. Kahit pa ang sarili kong pamilya at mga matatalik kong kaibigan tinalikuran ko.“Hayop ka Andrew! Ibalik mo ang pera ko!” Sumugod muli ako sa kanila pero tumawag na ng guard si Andrew“AHH! AHH! touch move Kim. (pang-aasar niya sa akin) wala ng bawian nabigay mo na sakin yun diba?!. Saka mangarap ka , ginawa lang kitang parausan, nagpagamit ka naman kasal
NATALIE POV MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO Dumating na si Colton at Nicholai sa Pinas. Sa kabilang bahay na namin sila tumuloy dahil wala pang extra room kaming napapagawa dito sa bahay namin ni Sebastian, pinagpaplanuhan pa lang namin ipa-renovate ang bahay namin para dagdagan ito ng tatlong extra na silid para kapag may bisita kami ay may matutuluyan sila, ang isa naman ay para kay Manang Luming at ang isa pa ay para may sariling silid si Daddy kapag nandito siya sa amin. Sa ngayon kasi ay nakiki-tulog pa sila sa silid ng aming kasambahay. Kaya naman pagdating nila Colton ay pinahatid ko na sila sa driver ng matapos silang kumain sa bahay. Hinayaan ko na muna silang magpahinga at hindi na muna ako nakipag chikahan sa kanila dahil madaling araw na din ng dumating sila sa Pinas, rush lang ang naging pag uwi ng mga ito dahil sobrang abala din sila sa aming business sa US, maasahan ko na talaga ang dalawang ito pagdating sa pagnenegosyo nagkaruon na sila ng dedikasyon pagdating sa pagnene
Makalipas ang ilang minuto matapos mapatulog ni Sebastian ang aming kambal ay sinalubong ako nito ng malaking ngiti ng pumasok siya sa loob ng aming silid."Hon! prepare yourself!, maliligo lang ako!" napapakagat labi niyang sabi sakin ng may kasama pang pagkindat bago siya tuluyang pumasok sa loob ng aming banyo. Napapailing naman ako na napapangiti dahil 3 araw lang naman itong nawala sa aking tabi pero ramdam ko na ang matinding panggigigil niya sa akin. Bago pa man siya magbyahe pauwi ay wala na siyang tigil kaka-sabi sa akin kung gaano niya ako ka miss. Tila papael naman niyang pinagaanan ang kanyang katawan ng itulak ko siyang papasok sa aming banyo, mula sa aking kinatatayuan ay rinig na rinig ko ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa aming shower dahil sa iniwan niyang puwang mula sa pintuan ng aming banyo. Pasipol sipol pa ito habang siya ay naliligo.Pag pasok ko sa loob ng shower area ay maharot itong humalik sa aking batok, sinabayan ko na din itong maligo dahil wala na di
RIBBON CUTTING CEREMONYMaagang dumating sa bahay sila Colton at Nicholai, kasama na nila sila Editha at mga anak nito. Nagulat pa ako sa malakas na katok na aming narinig sa pintuan ng aming silid. Nataranta ako ng hindi kami magising ni Sebastian sa alarm clock na aming sinet, malamang sa sobrang pagod namin kanina ay hindi na namin namalayan ang walang tigil nitong pagtunog.“NATALIE! Malalate na tayo girl, hugutin mo na muna yan hahahha!” Pang aasar sa akin ni Colton.“Nakupo Hon! Anong oras na pala (Napabalikwas ako ng bangon) gising na Hon, maliligo pa tayo at mag aayos.” Pagmamadali ko kay Sebastian. “Sige girl susunod na kami sa baba” sigaw ko naman kay Colton sa pangungulit niya sakin.Mabuti na lamang at maaga si Editha ngayon dito sa bahay. Dahil sa sarap ng tulog namin ni Sebastian hindi ko man lang namalayan na napaliguan na pala niya na ang mga bata at naayusan, tanging damit na lang na isusuot nila sa event ang hindi niya pa alam kung saan niya kukuhain kaya naman bago
Lumalagabog na tugtugin ang sumalubong sa magkakaibigang Natalie, Colton, Nicholai, Bella and Kim. Nagka-ayaan ang mga ito na mag chill out sa isang Disco Bar ng aksidenteng maabutan ni Natalie ang kanyang long time boyfriend na si Greyson na kasamang nag-eenjoy ang kaniyang ex-girlfriend na si Anastacia sa Condo na pag-aari nito. Binili nila ito bilang love nest nila. Kaya laking gulat niya sa nagawa ng kanyang boyfriend. Kulang na lang sa kanila ay kasal para masabing sila ay mag-asawa. Kaya naman may sariling card itong si Natalie sa nasabing condo na anytime ay pede siyang makapasok. Hindi sila nagsasama pa dahil naniniwala sila parehas na magbigay ng personal space sa isa't isa upang ma-enjoy pa nila ang kani-kanilang life as single. "bessy! sinabi ko naman kasi sayo nuon pa iwan mo na yang boyfriend mong yan. Nakita mo na ginawa sayo?!" pagsisimula ni Nicholai, sa tono nito halatang concern siya sa kaibigan at the same time inis na inis ito sa ex boyfriend nitong si Gresyon.
Kinabukasan...Panay-panay ang ring ng cellphone ni Natalie. Ng tignan niya ang kanyang phone ay meron na itong 54 missed calls and 89 messages mula kay Greyson. Hindi naman ito pinansin ng dalaga at mabilis itong nagtungo sa cr. Mabilis siyang naligo at nagbihis dahil malapit na siyang ma late sa kaniyang business meeting. Pagkadating sa kanyang office ay andun na din ang kanyang kaibigan na si Bella naghihintay sa kanya. "sis nagpa-move daw last minute yung client natin! they move it to 1pm" bungad ni Bella sa kanya. "hmmm its ok so lets go first to the coffee shop on the BGC meron pa rin naman tayong oras sakto din masakit pa ulo ko sis. Hang over na din siguro!" pag-aaya nito sa kabigan. Umalis na nga muna ang magkaibigan sa kanilang office. Tutal wala naman silang next meeting. Ito lang ang sinadya nila ng araw na iyon dahil special ang client na ito para sa kanila. Big project ito kung tutuusin dahil ang ipapatayo ng kanilang client ay isang building sa isang famous area