Hindi ko alam kung ilang minuto akong walang malay, pag gising ko madilim na ang paligid at ang ilaw nalang mula sa poste ang nagsilbing liwanag namin. Nakahiga parin ako, same spot kung saan ako hinimatay. Napa iktad ako sa gulat nang mapansin na nandito sa tabi ko ang babaeng pinagkamalan kong multo. "Ang tagal mong nagising, feel na feel mo ang pagiging sleeping beauty, akala ko kailangan ko pa tumawag ng prince charming para hahalik sayo upang magising ka," nakangiwi na saad niya. " At saka hindi ako multo."Alanganin akong tumingin sa kanya. " Bakit kasi ganyan ang suot mo? Puting bistida, ang putla mo pa." komento ko.Bumuntong hininga siya." Nag extend ng hallowen ang pinagtrabahuan ko, hanggang katapusan kaya ganito ang ayos ko. Bakit ka nga pala na padpad dito? Ngayon lang may nagpunta sa lugar na'to. Gabi na, baka hinahanap ka na sa inyo. "Naghurumintado sa kaba ang puso ko nang malamang gabi na pala. Baka nasa bahay na si Emmanuel." Naligaw kasi ako. Hindi ko alam ang daa
Maaga akong nagising upang ipagluto ng almusal si Emmanuel. Gaya ng sabi ko kagabi pagsisilbihan ko siya bilang asawa niya. Pa kanta-kanta ako habang nagluluto, good mood lang at maayos ang gising ko. Hindi na baleng malaman niyang wala akong trabaho maipakita at mapiramdam ko lang sa kanya ang pagmamahal at pag-aruga ko.Fried rice, scrambled egg, ham, tocino at black coffee. Ready na ang almusal niya ang kakain nalang ang kulang. Nang matapos kung maihanda ang agahan niya ay pumasok ako sa kwarto upang ipaghanda naman ang damit na susuotin niya."Manuel, anong susuotin mo, para maihanda ko na."Ani ko habang tumitingin-tingin ng mga damit na posibleng isuot niya. Nasa banyo pa siya ngunit wala na akong naririnig na lagaslas ng tubig, tapos na siguro siyang maligo. Bahagyang umawang ang labi ko pagbukas niya ng banyo at iniluwa doon ang walang saplot niyang katawan."Kaya ko ang sarili ko," kalmadong saad niya at naglakad palapit sa akin. .sa mismong drawer niya kung saan ako nakatayo
Sabado ngayon. Dahil wala akong trabaho pinagdiskatahan ko na lang ang maglinis ng buong bahay. Nakakapagtaka dahil hindi rin pumasok sa trabaho si Emmanuel. Ayaw nga niyang ma late tapos absent siya ngayon. Ang pagkaka-alam ko ang Shopping Mall lang ang hinahawakan niya at ‘yong DZM Corporation ay hindi pa niya iyon tinanggap ng tuluyan sa ama niya. Kaya si Sir David parin ang may ari ng kompanya na iyon.December 20. Apat na araw nalang at pasko na. Unang pasko na hindi buo ang aking pamilya. Unang pasko na hindi ko alam kung sino ang makakasama ko. Ayoko nang umasa na makasama ko si Emmanuel sa araw na iyon, masaktan lang ako kung paniwalain ko ang sarili ko na siya ang makasama ko sa araw na iyon.Tapos ko ng linisin ang loob ng bahay. Tanghali na at kailangan ko pa magluto. Si Emmanuel nandoon sa kabilang kwarto busy sa maliit na office niya. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya, kanina pa siya doon hanggang ngayon hindi parin lumalabas. Speaking of lumabas. Himala at lumabas siya s
Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Nandoon siya sa hall kasama ang kapwa niya mayaman, nag-uusap. Parang hindi niya ako kasama. Gusto kong sumigaw sa inis at galit. Wala man lang siyang pakialam doon sa taong nambastos sa akin kahit alam niyang hinipuan ako. Hinayaan niya lang ako. Walang awa. Walang konsensya.Sa inis ko sa kanya hindi na ako bumalik sa loob. Hindi ko kayang bumalik doon dahil ipinamukha niya na hindi ako belong doon. Bahala na siyang magpaliwanag sa ama niya kung bakit wala ako doon at hindi niya ako kasama.Umuwi ako sa apartment ko dahil hindi ko kayang makasama at makita si Emmanuel. Galit ako sa kanya. Kailangan kong umiwas baka may hindi maganda akong masabi kapag nagkaharap kami. Kailangan ko magpalipas ng oras,mawala itong inis ko sa kanya.Nilibot ko ang aking paningin sa maliit kong bahay. Na miss ko ang tirahan ko kahit mag isa ako dito payapa naman ang buhay ko. Wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko lang at ang pag papantasya kay Emmanuel. Na m
Pinilit kong lumakad papuntang kama at inabot ang damit ko upang ipunas sa t***d niyang nasa likod ko. Ang dugyot talaga. Hindi na ako nag abala pang magbihis dahil sa panghihina. Wala man lang ‘thank you’ ‘salamat at ikaw ang kasama ko magpaputok’ ‘happy new year’. Sa tuwing gagalawin niya ako parang nakatahi ang bunganga niya, wala man lang imik kahit ‘oh’ at ‘ah’.Ang tagal niya sa banyo kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na makatulog kahit ang lagkit sa pagitan ng dalawang hita ko. Binalot ko ng kumot ang katawan ko upang hindi lamigin. Bahala siya kung titigasan siyang muli basta ako wala na akong lakas para sa second round.Napabalikwas ako sa pagbangon nang makita ang dalawang kahon na kulay pula sa ibabaw ng kama pagkamulat ko. Bigla akong namutla nang maalala ang kahon na natanggap ko kagabi. Kanino na naman ito galing? Ang aga naman niyang manakot.Umangat ang tingin ko sa pinto ng banyo nang bumukas iyon at lumabas doon si Emmanuel, bagong ligo, walang kahit na anong sapl
Ang pag uwi ko sana sa bahay ng maaga ay naudlot nang aksidenteng nagkita kami ni Alfred dito sa village. Dinala niya ako sa Lomi House kung saan madalas naming puntahan dati. Nag order siya ng dalawang special Lomi para sa aming dalawa. Hindi ko maiwasang mairita sa mukha niya na ang laki ng ngiti habang nakatitig sa akin.“Nag do-droga ka ba?” Agad niyang tinakpan ang bunganga ko at lumingon sa paligid kung may nakarinig ba ng sinabi ko. Nang masiguro na wala tinanggal niya ang kamay niyang nasa bibig ko.“Bunganga mo,” asik niya. ”Baka sabihin ng makarinig totoo.”“Bakit ka ba kasi ngiti ng ngiti d’yan? Daig mo pa ang baliw doon sa plasa kung maka ngiti labas pati gilagid,” mataray na tugon ko.“Ang sakit mo naman magsalita,” aniya sa malungkot na tono. ”Ngayon nga lang ulit tayo nagkita tapos ganyan ka pa. May iba ka na bang mahal? Hindi na ba ako ang laman ng puso mo?”Pag da-drama niya. Lalo akong nainis dahil para siyang bata, nakanguso pa.“Kahit kailan hindi ikaw naging laman
Mahirap magmahal sa taong hindi ka naman mahal ngunit mas mahirap ang magmahal sa taong iba ang minamahal.Sa istado ko, hindi na ako aasa na mahalin rin ako ng asawa ko tulad ng kung paano ko siya minahal. May girlfriend siya at mahal niya. Hindi rin maturuan ang puso niya na ako ang pipiliin niyang mahalin kahit ilang taon pa kaming magsama dalawa. Tanggap ko na ang katotohanan na iyon pero may parte parin sa puso ko na sana balang araw magbago iyon.Bilang asawa ginampanan ko ang papel ko sa buhay niya, dito sa loob ng aming pamamahay. Pero kapag nasa public kami, isa lang akong ordinaryong babae at walang papel sa buhay niya. Walang karapatan.Hindi kilala ang isa’t isa. Dahil sa mundong ginagalawan niya si Babylen ang girlfriend niya. .ang babaeng mahal niya. “Kinikilig talaga ako sa kanila.”“Ang cute ni sir magsungit kapag nandito si, ma’am Babylen.”“Bagay na bagay talaga sila.”“Nagtatalo yata sila.”Mga bulong-bulongan ng sales lady na narinig ko dito sa school supply area sa
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Alas kwatro palang ng hapon hindi pa nakauwi si Cecelia. Wala rin ang dalawa kong kaibigan upang mapuntahan ko. Hindi ko akalain na mapa aga ang uwi ni Emmanuel at sundan siya ng girlfriend niya dito.Inamin na niya kaya sa girlfriend niya ang istado naming dalawa?Iyon ba ang pinagmulan ng pagtatalo nila? Ano kaya ang sinabi ng girlfriend niya? Ayos lang ba iyon sa kanya? May kasunduan ba sila?May mga bawal ba siya? Gusto ko malaman lahat pero naduduwag ako. .natatakot na marinig ang lahat ng sagot. Nalilito na ako sa sarili ko.Sa paglalakad ko hindi ko namalayan nakarating na ako sa Sun D’ Go Eco Park, pagmamay-ari ng mga Sandiego. Isa ito sa mamanahin ni Alfred balang araw kapag may asawa na siya. Ngunit sa pagkaalam ko siya na ang nagpapatakbo ng Eco park na’to.Masaya ako dahil dito ako dinala ng mga paa ko sa paglalakad sa lugar kung saan payapa ako. Umupo ako sa lilim ng punong akasya, ang tambayan namin ni Alfred dito. Naka puwesto ito sa ma
Galing kami sa burol ni Mrs. Layson, ang ina ni Debbie. Lalapitan ko na sana siya kanina pero umatras ako dahil kasama niya si Alfred. Matapos ang deal namin makaraan ang isang taon hindi ako nagpakita sa kanya intentionally. Nag-fucos ako sa pag-aaral sa negosyo na ipamana ni dad sa akin. Pero kapag nagkikita kami sa mga gatherings, kinikibo ko naman siya nagbabakasakali kung may maikuwento siya about kay Debbie.Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang kotse na nakasunod sa amin, pinagitnaan ang sasakyan namin. Nasa likod kami naka upo dalawa ni mommy at si daddy ang nagmamaneho. Hindi ko nalang pinansin dahil marami ang dumalo sa huling lamay ni Mrs. Layson baka isa sila sa mga dumalo.“May progress na ba doon sa kinukuwento mong babae na gusto mo?” “Naku! MAlamang wala pa. Ewan ko kung nasaan nagmana iyang anak mo gayong hindi naman ako torpe noong kabataan ko.”Binatukan ni mommy si daddy nang siya ang sumagot sa tanong na dapat ay sa akin. “HIndi ikaw ang tinatanong ko huwa
Nakasandal ako sa pader sa gilid ng gate dito sa labas ng University habang hinihintay ang pagdating ni dad. Second year college na ako pero hatid-sundo parin ako ng aking pinakamamahal na ama dahil iyon ang utos ng aking pinakamamahal na ina na ubod ng ganda sa balat lupa.Sa pagmamasid ko sa kabilang kalsada, may mahagip ang mata ko na isang magandang dilag. Napatuwid ako ng tayo. Nagsalubong ang kilay ko at biglang tumibok ng malakas ang puso ko ng pamilyar sa akin ang babae. Minsan ko na siyang nakita sa mga pagtitipon ng mga negosyante kaya batid ko anak-mayaman siya. At nakita ko rin siya noong kaarawan ni dad last year pero hindi ko alam kung saang pamilya siya nagmula at kung sino ang mga magulang niya.Hindi ko akalain na dito pala siya nag-aaral sa tapat ng University na pinapasukan ko.Bahagyang tumabingi ang ulo ko at pinakatitigan siya. Nakabusangot ang kanyang maamong mukha. ANg magkabilang kamay nakahawak sa strap ng kanyang bag hindi pinansin ang ilang hibla ng buhok na
EMMANUEL pov.“Sandiego.”Problemadong sambit ko sa pangalan niya ng sagutin niya ang tawag ko. Nag alala ako sa asawa ko at si Alfred lang ang alam ko na makasagot sa iniisip ko. Siya ang nakasama ni Debbie ng mahigit tatlong buwan kaya alam niya kung ano gagawin kapag ganito ang naramdaman ng asawa ko.“Ano na naman problema, Montefalco?” pagalit na tanong niya at halata ang inis sa boses.“Si Debbie kasi naghina pagkatapos magsuka ayaw naman niyang tumawag ako ng doktor.”“GA ago. Malamang magsuka 'yan kasi buntis ang asawa mo! HIndi mo ba alam kung ano ang nangyayari sa isang buntis? I-g****e mo, tanga. Disturbo. Malapit na ako sa ruruk ng tagumpay tapos-hah! I-block ko kayong mag-asawa.”“Ituloy mo nalang mamaya-,”“My loves, saan ka pupunta?”Rinig kong sambit niya sa kabilang linya. Bahagya kong inilayo ang telepono sa tainga ko ng makarinig na kaluskos doon at pagbagsak ng telopono ngunit hindi namatay ang tawag niya. Nagalit yata si Cecelia. Makaraan ang ilang minuto muli siya
DEBBIE MAE pov.“I read the book you wrote.”Napa angat ang mukha ko sa gulat sa sinabi niya. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang yakap ang hubad kong katawan. Kakatapos lang namin mag-make out-I mean mag-make love. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko ng mapansing natulala ako.“I didn’t know na isang writer pala ang asawa ko.”Umiwas ako ng tingin dahil namumula ang pisngi ko, hindi ko alam kong dahil ba sa pagtawag niya sa akin na asawa o kung dahil sa paghalik niya sa ilong ko.“Paano mo nalaman?” pabulong na tanong ko.Umaayos siya ng upo saka dinampot ang damit niya at pinasuot iyon sa akin. May kinuha siyang notebook sa ibabaw ng mesa at inabot iyon sa akin. Nagtataka na tinanggap ko iyon at pinakatitigan.“Honestly, hindi ko alam na ikaw pala ang owner no’n. Na agaw lang ng atensiyon ko ang title ng libro kaya tiningnan ko. Nagtaka pa nga ako kung bakit Montefalco ang apelyedo ng writer gayong wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming manunulat,” natatawa n
DEBBIE MAE pov.“Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap.”Mahinahon na usal niya at inalalayan akong humiga sa kama. Wala kaming imikan kanina pa mula nang umalis kami sa bahay ni Alfred. Nakahawak lang siya sa kamay ko habang nagmamaneho hanggang sa makarating kami.Sabi ko noon kapag nagkita kami ulit marami akong gustong itanong sa kanya, pero ngayon magkaharap na kami nawala lahat ang tanong sa isip ko na gusto kong sabihin sa kanya. Nang sinabi niya na mahal niya ako parang iyon ang sagot sa lahat ng mga katanungan ko.Inayos niya ang kumot ko. Bigla siyang nailang dahil nakatitig ako sa kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin pero nanatili ang kamay niyang nasa kumot ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Miss na miss ko siya. Walang gabi na hindi ako nagdarasal na sana dumating ang araw na ito. Na babalikan niya ako. Na magkasama kaming muli kasama ang anak namin at marinig sa kanyang labi ang katagang I love you.“Tulog na tayo,” ani ko.Naglakad siya sa kabilang bahagi ng kama k
Emmanuel pov.Wala sa sarili akong naglakad palayo sa kanila. Wala ako sa huwisyo. Iyong eksena na iyon ang taging laman ng isip ko. Parang sirang plaka na pabalik-pabalik na lumilitaw sa isipan ko. Huli na ako. Masaya na siya at hindi na niya ako kailangan sa buhay niya. Ako lang itong habol ng habol at umaasang may babalikan pa.Sa paglalakad ko sa book store ako napadpad. Para mawala sila sa isipan ko naghanap ako ng librong nakakaaliw na pwedeng basahin. Natigil ako sa hilira ng mga librong pang-romance. Na agaw ang atensiyon ko doon sa isang libro, biglang sumikdo ang puso ko ng mabasa ang title niyon. KInuha ko ang libro.“MY RUTHLESS MAFIA HUSBAND.”Basa ko sa title nito.“A Novel Written by DM Montefalco.”Nagsalubong ang kilay ko ng makita kung sino ang author niyon. Wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming author. O, baka hindi lang ako na-inform. O, baka ginamit niya lang ang apelyedong Montefalco.Pinagsawalang bahala ko nalang kung sino ang author nito dahil s
Nakapag desisyon na ako na ayusin na ang relasyon namin pagkatapos ng lahat ng problemang kinakaharap ko pero bakit laging may humahadlang sa plano ko?Bakit hindi ako mabigyan ng pagkakataon na ayusin ang gusot sa pagitan namin ng asawa ko?Sa galit ko, sinugod ko silang dalawa sa labas at binugbug si Alfred sa harap ng asawa ko. Hindi ko siya tinigilan sa pagsuntok hangga’t hindi ko nakitang dumugo ang ilong niya. Mabigat ang aking bawat paghinga, kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko baka napatay ko siya dahil sa galit at selos na naramdaman ko.Napaigik si Debbie ng hablutin ko ang magkabilang braso siya at bumalantay ang sakit sa kanyang mukha sa diin ng pagkahawak ko doon. Gaguhin niya man ako. Saktan. Huwag niya lang ipamukha sa akin na hindi ako ang kanyang mahal.“You fucking slut! Sa mismong harap ng bahay ko pa kayo,-”Iniwan ko siyang nakasalampak sa semento ng matumba siya sa pagbitaw ko. Mabigat ang aking bawat paghinga na bumalik sa loob ng bahay. Dinampot ko ang lah
Emmanuel pov.Kaarawan ni dad ngayon. Saglit kong iniwan si Debbie sa hall dahil tumawag si Anton pero pagbalik ko, uminit ang ulo ko nang makita na hinaplos ni Alcenia ang hita niya dahil sa damit na suot niya. Gusto kong dakmain ang kamay ng matanda at pilipitin iyon hanggang sa madurog ang buto niya.“Sino ba ang nagsabi na ganyang damit ang suotin mo?”Hindi ko mapigilan na isambit dahil kanina pa ako naiinis sa damit na suot niya. Gusto ko sa akin lang siya nagpapasexy, sa akin lang siya nagpapaganda, ayoko na makita iyon ng iba. Bago pa siya makapagsalita tinalikuran ko na siya at sinundan si Alcenia sa gitna ng hall.Pa-simple akong lumapit sa kanila at tumabi sa kanya na masayang nakikipag-usap sa kapwa niya business man. Kilala ko sila sa mukha ngunit hindi sa pangalan.“Ihanda mo ang kamay mong makasalanan bago ka lumabas ng mansyong ito, dapat putol na ang mga iyan.”Bulong ko sa matanda na ikinaputla niya. Nagkakamali ka ng target, Alcenia.“Enjoy the party.”Hinanap ko ang
Emmanuel pov.Kung kagabi galit ako sa kanya ngayon hinihiling ko na sana mamaya pa siya gumising nang masulit ko ang pagyakap niya. Kaninang madaling araw pa ako gising at hindi na ako ulit nakatulog nawiwili sa magandang dilag na nakayakap sa akin.Nang magising siya nagkunwari akong tulog hanggang sa naramdaman ko na bumangon siya. Paglabas ko nakahanda na ang pagkain sa lamesa, kung ganito araw-araw ang gagawin niya baka hind ko mapigilan ang sarili ko na pagbigyan siya at pagnagkataon baka masanay ako at hanap-hanapin ko ang pag-aruga niya.Sinabay ko siya papuntang Shopping Mall kung, pwede pati hanggang sa pamimili niya ay samahan ko siya pero hindi pwede dahil may trabaho akong nakatambak sa opisina. Pina-assest ko na lang siya sa empleyado ko ngunit tatlong oras na ay hindi parin sila umaakyat dito kaya pinatawag ko si Bethany at sinabing dito nalang sila sa third floor magpa-cashier.HIndi siya nakinig sa sinabi ko na magpalit ng damit sa opisina ko, nanatili siyang nakatayo