Maagang nagsara ng restaurant si Cianne upang malayang makapaglaro ang dalawang bata doon. Hinayaan niyang si Shaun ang magbantay sa mga ito habang sinisiguro niyang maayos na ang lahat sa loob matapos umuwi lahat ng empleyado.“Closed na po kami sir,” paumanhin niya sa may edad ng lalaking pumasok.Imbes na lumabas ay nagpatuloy pa din ang lalaki sa dahan-dahan na paglalakad papasok.Nakatutok ang mata nito kay Shaun, habang siya naman ay abalang kilalanin ang pamilyar na mukha. Dumaan pa ang ilang sandali nang mapagtanto niyang si Julian Gonzalvo iyon.“Dad,” pagtawag ni Shaun na mabilis na nilapitan ang ama habang nakasunod ang dalawang paslit.“I’m sorry, nagpunta ako dito. I just wanted to check on you, son,” anito ngunit ang mga mata ay nasa batang nakahawak sa laylayan ng damit ni Shaun.Nakatitig din ang mga ito sa ama ni Shaun.Kinakabahan na lumapit siya sa mga ito.“Tito.” Alangan siyang bumeso na agad naman nito’ng tinanggap.“It’s been a while, Cianne. How are you?” Kumpa
“Kailangan mo ba ulit ng kopya ng annulment papers?” pambungad na tanong kay Cianne ni Attorney Arim.Nagtungo siya sa kompanya ng kan’yang mga kapatid nang makasalubong niya ang abogado. Nagkamot-batok siya. Alam niya ang tinutukoy nito. Higit isang linggo na din na nasa kan’ya ang annulment papers, ngunit ‘ni mabanggit kay Shaun ay ‘di n’ya magawa.“Sandali lang naman attorney. Ayoko naman kasi na dagdagan pa ang isipin ni Shaun. Baka pagkatapos ng kaso ng daddy niya ay mapoproseso na namin ‘to.”Ngumiti ito, hindi niya lang mawari kung naniniwala o nang-aasar iyon.“Ikaw lang ang kilala ko’ng makikipaghiwalay na concern pa din sa hihiwalayan. Basta sa’kin lang, ayoko maging instrumento ng hiwalayan ng dalawang taong nagmamahalan pa.”Alangan siyang ngumiti at piniling huwag na lang umimik, dahil kung siya ang tatanungin, nagdadalawang-isip na siyang pumirma sa annulment.Hapon na nang makarating siya sa restaurant. Sa bungad pa lang ay may ilang customer na siyang nakitang nakatayo
Hindi umimik si Cianne at sa halip ay tahasan na binawi kay Shaun ang annulment papers.Kitang-kita niya ang nagdaang sakit sa mga mata nito, at ang mahigpit na kapit nito sa manibela, ngunit pinili niyang huwag magsalita. Kung tutuusin ay tamang oras na iyon para humingi ng pirma nito, subalit hindi niya magawa.Alam niya kung ano ang pumipigil sa kan’ya, pero nauunahan siya ng takot na aminin iyon.Naging tahimik ang byahe nila hanggang sa pag-uwi.Umingay lamang nang makarating sila sa kwarto ng kambal na kahit gabi na ay hindi pa rin paawat sa paglalaro.“Ipapahatid na lang kita sa driver,” sabi niya kay Shaun matapos nilang mapatulog ang kambal.Magkasunod silang lumabas ng kwarto ng mga bata. Naramdaman niya ang tensyon sa pagitan nila dahil tahimik lamang ito habang nasa likod niya.Maya pa’y bago pa man sila makababa ng hagdan ay hinawakan nito ang kan’yang siko, dahilan upang mapalingon siya.“Can we talk?” Inaasahan niya nang kakausapin siya nito. Gusto niyang tumanggi dahil
“Patawarin mo ako.”Humihikbing ipinatong ni Cianne ang bulaklak na Chrysanthemum sa ibabaw ng lapida at nanginginig na sinindihan ang kandila. Mula sa pagluhod ay umupo siya at hinaplos ang pangalan na nakaukit doon.Higit apat na taon na ang nakaraan, ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na bisitahin ang puntod. ‘Ni hindi niya nagawang pumunta sa libing upang kahit sa huling sandali ay masilayan man lang ang mukha nito. Gayunpaman, malinaw pa din sa isipan niya ang itsura nito.Inalis niya ang ilang tuyong dahon na kumalat sa ibabaw ng lapida. Sa kabila nito, ang puntod pa din na iyon ang pinakamalinis, halatang tila madalas na mayroong dumadalaw. Dahil sa isiping iyon ay tumayo na siya kahit hindi pa umiinit ang damong inuupuan n’ya. Pinagpagan n’ya ang suot na jeans at inayos ang balabal na tumatakip sa kan’yang ulo. Nagkubli sa likod ng itim n’yang salamin ang namamagang mga mata, na ang luha ay hinayaan n’yang matuyo ng hangin.Sumakay siya sa kotse at dali-daling
Mariin na pinikit ni Shaun ang mga mata at sinandal ang ulo sa sofa. Kakababa niya lang ng tawag mula sa Pilipinas. Kagaya nang nakaraang linggo ay pinapauwi na siya ng kan’yang lolo.Dalawang taon na ang nakalipas nang makapagtapos siya ng business course. Dapat ay uuwi na siya ngunit nagsinungaling siya sa ama at lolo, at sinabing kailangan n’ya pa’ng hasain ang kaalaman sa paghawak ng negosyo sa pamamagitan nang pamamasukan sa mga kilalang kompanya sa bansa kung nasaan s’ya.Iyon ay isang kasinungalingan, dahil ang totoo ay nabigyan siya ng pagkakataon na aralin ang kursong culinary na siyang tunay niyang ninanais.Dumilat siya nang marinig ang pagtunog ng oven, hudyat na luto na ang lasagna na ginawa n’ya. Lumapit siya dito at kinuha ang putaheng pinag-eksperimentuhan n’yang lagyan ng ibang sangkap.Bata pa lang nais n’ya nang maging sikat na chef. Paano ba naman kasi ay lumaki siyang tumutulong sa ina sa pagluluto ng ulam na ibinibenta nila sa kanilang lugar. Iyon ang tumustos sa
Napairap na lang sa hangin si Cianne nang sa muli ay maabutang bukas ang apartment ng matalik na kaibigan na si Shaun. Ilang ulit niya na ito’ng pinagsabihan ngunit palagi naman nakakaligtaan.Apat na taon na simula nang magkakilala sila sa isang cookware store. Naalala niya pa kung paano sila nag-agawan sa natitirang set ng cookingware na disenyo ng paborito nilang sikat na chef. Nilutas nila ang problema sa pamamagitan ng paghahati ng bayad at pag-jack n’ poy kung sino ang unang gagamit. Sa loob ng isang linggo ay tatlong beses sila magkita para lang iabot ang cookingware sa kung sino ang sunod na gagamit. Huli na nang malaman nila na marami pa’ng stocks sa katabing store ng binilhan nila.Natatawa pa rin si Cianne kapag naaalala iyon.Bitbit ang paper bag na naglalaman ng kahon ng brownies, na ginawa n’ya, ay pinapasok n’ya ang sarili sa apartment ng kaibigan.Pinilit niya ito’ng magluto ng dinner para sa kan’ya bilang padespidida. Tapos na kasi siya sa culinary course na kinuha ap
Kinabukasan, nasa mga kamay na ni Cianne ang katibayan na kasal na nga sila ng apo ni Don Felipe. Hindi n’ya alam kung ano’ng ginawa ni Matt, ngunit mukhang marami ito’ng koneksyon upang maiparehistro nang ganoon kabilis ang marriage certificate at maiatras ang petsa nito sa dalawang taon.“Kasal na tayo! Este kami ni Matt, na nagpapanggap na ikaw.” Hindi niya alam kung ngingiti ba siya habang ikinukwento kay Shaun ang mga nangyari kahit isang araw pa lang sila sa Pilipinas.Sa pag-aari ni Shaun na two-storey residential house sa isang kilalang subdivision nila napagpasyahan ni Matt na manirahan. May kalayuan iyon sa mansyon, kaya kahit papaano ay makakapagpahinga sila sa pagpapanggap.Ilang segundo din na hindi nagsalita si Shaun. Kumaway pa si Cianne sa screen ng cellphone upang masiguro na hindi humina ang signal nito.“Is that okay with you?” Nahimigan n’ya ang pag-aalala sa boses nito.Sandali siyang natahimik. Sa tuwing makukuha niya ang gusto ay sumasaya s’ya. Gusto n’ya si Mat
Malakas ang tambol ng dibdib ni Cianne nang kunin niya mula sa bulsa ng kan’yang maong shorts ang cellphone. Kailangan n’yang ipaalam kay Shaun ang nadiskubreng limpak-limpak na pera sa kwarto ni Matt. Sa kapal at dami ng bugkos na isang libong pera alam n’yang aabot iyon ng ilang milyon. Wala s’yang ideya kung saan nanggaling iyon, pero sigurado s’yang imposibleng makaipon nang ganoon kalaking halaga ang lalaki sa maikling panahon.“Bakit ka ba nakikialam sa kwarto ko?” sigaw sa kan’ya ni Matt. Nakapagbihis na ito.Lumabas ito ng banyo kanina nang marinig ang pagbagsak ng bag na naglalaman ng pera mula sa cabinet. Doon pa lang ay tinaasan na s’ya ng boses kaya dali-dali siyang nagtungo sa salas.“Bakit may ganoon ka kalaking pera? Saan ‘yon nanggaling?” Kailangan n’ya nang sagot. Magkasabwat sila sa pagsisinungaling, nararapat lamang na malaman n’ya ang bawat ginagawa nito.“Hindi na para malaman mo ‘yon,” malamig nitong sagot.Hinigit n’ya ito sa braso nang akmang tatalikod na ito.
Hindi umimik si Cianne at sa halip ay tahasan na binawi kay Shaun ang annulment papers.Kitang-kita niya ang nagdaang sakit sa mga mata nito, at ang mahigpit na kapit nito sa manibela, ngunit pinili niyang huwag magsalita. Kung tutuusin ay tamang oras na iyon para humingi ng pirma nito, subalit hindi niya magawa.Alam niya kung ano ang pumipigil sa kan’ya, pero nauunahan siya ng takot na aminin iyon.Naging tahimik ang byahe nila hanggang sa pag-uwi.Umingay lamang nang makarating sila sa kwarto ng kambal na kahit gabi na ay hindi pa rin paawat sa paglalaro.“Ipapahatid na lang kita sa driver,” sabi niya kay Shaun matapos nilang mapatulog ang kambal.Magkasunod silang lumabas ng kwarto ng mga bata. Naramdaman niya ang tensyon sa pagitan nila dahil tahimik lamang ito habang nasa likod niya.Maya pa’y bago pa man sila makababa ng hagdan ay hinawakan nito ang kan’yang siko, dahilan upang mapalingon siya.“Can we talk?” Inaasahan niya nang kakausapin siya nito. Gusto niyang tumanggi dahil
“Kailangan mo ba ulit ng kopya ng annulment papers?” pambungad na tanong kay Cianne ni Attorney Arim.Nagtungo siya sa kompanya ng kan’yang mga kapatid nang makasalubong niya ang abogado. Nagkamot-batok siya. Alam niya ang tinutukoy nito. Higit isang linggo na din na nasa kan’ya ang annulment papers, ngunit ‘ni mabanggit kay Shaun ay ‘di n’ya magawa.“Sandali lang naman attorney. Ayoko naman kasi na dagdagan pa ang isipin ni Shaun. Baka pagkatapos ng kaso ng daddy niya ay mapoproseso na namin ‘to.”Ngumiti ito, hindi niya lang mawari kung naniniwala o nang-aasar iyon.“Ikaw lang ang kilala ko’ng makikipaghiwalay na concern pa din sa hihiwalayan. Basta sa’kin lang, ayoko maging instrumento ng hiwalayan ng dalawang taong nagmamahalan pa.”Alangan siyang ngumiti at piniling huwag na lang umimik, dahil kung siya ang tatanungin, nagdadalawang-isip na siyang pumirma sa annulment.Hapon na nang makarating siya sa restaurant. Sa bungad pa lang ay may ilang customer na siyang nakitang nakatayo
Maagang nagsara ng restaurant si Cianne upang malayang makapaglaro ang dalawang bata doon. Hinayaan niyang si Shaun ang magbantay sa mga ito habang sinisiguro niyang maayos na ang lahat sa loob matapos umuwi lahat ng empleyado.“Closed na po kami sir,” paumanhin niya sa may edad ng lalaking pumasok.Imbes na lumabas ay nagpatuloy pa din ang lalaki sa dahan-dahan na paglalakad papasok.Nakatutok ang mata nito kay Shaun, habang siya naman ay abalang kilalanin ang pamilyar na mukha. Dumaan pa ang ilang sandali nang mapagtanto niyang si Julian Gonzalvo iyon.“Dad,” pagtawag ni Shaun na mabilis na nilapitan ang ama habang nakasunod ang dalawang paslit.“I’m sorry, nagpunta ako dito. I just wanted to check on you, son,” anito ngunit ang mga mata ay nasa batang nakahawak sa laylayan ng damit ni Shaun.Nakatitig din ang mga ito sa ama ni Shaun.Kinakabahan na lumapit siya sa mga ito.“Tito.” Alangan siyang bumeso na agad naman nito’ng tinanggap.“It’s been a while, Cianne. How are you?” Kumpa
Laman ng balita kinabukasan ang pagiging sangkot ni Don Felipe at Romina sa korapsyon na unang binibintang sa ama ni Shaun. Kahit saan ay usap-usapan iyon. Maging hanggang sa restaurant ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Cianne ang tungkol dito. Hindi niya alam kung dapat n’ya ba’ng ipagpasalamat iyon dahil tila nasapawan nito ang lantarang paghayag ni Shaun sa ugnayan nila bilang mag-asawa sa harap ng kan’yang mga staff nang nakaraan o dapat niyang ikabahala. Lalo pa’t kahit itakwil man ni Shaun ang pamilyang pinanggalingan ay hindi pa din maitatanggi na nananalaytay sa kan’ya ang dugong Gonzalvo.Tahimik ang binata sa buong byahe hanggang pagdating nila sa restaurant. Ngumingiti naman ito sa tuwing magtatanong siya ng kaswal na bagay, ngunit halatang-halata sa mata nito ang lungkot. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa estado ng pagiging mag-asawa nila, na binabalak n’ya nang putulin, o dahil sa sitwasyon ng pamilya nito. Kung pareho man, hindi niya nagugustuhan na tila may pakia
Pasara na ang restaurant nang dumating si Cianne mula sa pagsundo sa mga bata sa eskwela. Tumigil siya sa pintuan upang ilagay ang close sign. Matapos iyon ay pumasok na siya sa loob. Dalawang lamesa na lang ang may nakaupong customer. Ang isa ay grupo ng magkakaibigan na patapos nang kumain, habang sa kabilang mesa naman ay isang babae lang, na mukhang mayroon pa’ng nais idagdag sa order nito dahil tinawag ang waiter.Nilapag niya ang bag sa may counter. Naroon ang kan’yang manager na tinutulungan na ang kahera sa pag-i-inventory.“Can I talk to your chef?”Napatingin siya sa babaeng customer nang marinig ang demanding nitong tono.Nakatalikod ito sa kan’ya, kaya bahagya siyang naglakad palapit. Nais niyang matanaw kung may problema ba sa pagkain nito kaya gusto nitong makausap si Shaun, na kan’yang head chef.“Bakit po ma’am?” tanong ng staff.“The food is good. I want to compliment him personally. Can I do that?”Pamilyar ang boses nito, ngunit hindi niya maalala kung sino. Hindi n
“Balita ko kinuha mo’ng head chef ang lalaki na ‘yan?” tanong ni Cindy kay Cianne.Umagang-umaga ay nakataas na kaagad ang kilay ng kan’yang ate Cindy. Alam n’yang dahil iyon sa presensya ni Shaun sa pamamahay nila. Paano’y ginagawa na lang tulugan ng lalaki ang sariling bahay at buong araw nang nasa restaurant at nasa bahay nila. Hindi niya naman magawang itaboy ito dahil sa mga bata. Halos sabay na din kasi ang oras nila na nilalaan sa mga anak.“I have no choice ate. Besides, he’s the best chef I know, regardless of our personal issues.”Umirap si Cindy sa sagot n’ya. Tila ba nagdududa sa sagot niya, na para ba’ng may iba pa s’yang dahilan.Bitbit ang kape ay umupo na ito sa hapag para sa agahan. Sumunod na din s’ya dito.“Shaun, sumabay ka na.” Napahinto siya sa paghigop ng kape nang marinig ang pag-aaya nito kay Shaun na akma na sanang babalik sa kwarto ng mga bata matapos pakainin ang mga ito.Walang pagdadalawang-isip na umupo ang lalaki sa kan’yang tabi.Tila hindi niya magawa
Hello guys! Sadly, on leave na ang mga editors for Chinese New Year. Feb 6 pa ang balik nila, which means pending din ang review and approval ng chapter na naulit, so hindi ko pa ma-upload ang ibang chapters. I promise to upload more chapters (baka hanggang ending na) haha Stay tune! mwa 😘
This note is as of Jan. 26, 2025.Hi!I'll upload Chapter 15 tomorrow. Na-doble ko kasi ang upload ng chapter 113 due to internet connection issue. In-edit ko ang isang Chapter 113 to Chapter 114, pero currently under review, kaya baka malito kayo na nag-unlock kayo ng same chapter. Maybe bukas ay okay na, so refresh n'yo na lang :) Salamat sa pag-unawaThank you na din sa suporta n'yo sa novel na ito. Na-i-inspire ako to write more.
Sa mga sumunod na araw, hinayaan na lang ni Cianne na si Shaun ang maghatid at sundo sa kan’ya sa restaurant. Maasahan n’ya din naman ito sa tuwing nangangailangan ng tulong doon. Minsan naman ay sinasamahan nito ang mga bata na mas lalo n’yang ikinakatuwa. Totoo nga’ng bumabawi ito sa kambal. Kagaya ngayong araw, na pinasyal nito ang dalawa.“Bakit naman biglaan, chef?” halos manlumo siya sa resignation letter na inabot ng kan’yang head chef. Epektibo na iyon kaagad sa susunod na araw.“Nagkasakit po kasi ang nanay ko na nasa Canada. Walang iba’ng p’wedeng mag-alaga sa kan’ya kun’di ako. Pasensya na po ma’am.”Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang biglaang pag-alis nito. May mga assistant chef pa naman s’ya ngunit hindi pa ito kasing-galing. Kaya kailangan niyang makahanap kaagad bago ito umalis.Hinilot n’ya ang sintido habang naglalakad-lakad sa labas ng restaurant at malalim na nag-iisip. Kung tutuusin ay mula naman sa kan’ya ang mga resipe. Maaaring siya na lang muna ang magin