MOS: CHAPTER 1
GABRIELLA GOMEZ POVInayos ko na ang mga gamit ko at inilagay na ito sa bag. Isinabit ko ito sa balikat ko bago ako lumabas sa classroom."Huy!""Ayh kabayong anim ang paa!" Gulat na sigaw ko at hinarap ang taong sumigaw dahilan para magulat ako.Ang Kuya Gabriel lang pala. Inirapan ko lang ito at umuna na ng lakad."Sige! Magpatiuna ka! Baka nakakalimutan mo? Nasa akin ang susi ng kotse." Napalingon ako sa kan'ya at pinakita niya sa 'kin ang susi ng kotse.Ngumiti ako ng peke bago ko siya inakbayan."Ang gwapo mo ngayon Kuya 'no."Parang gusto kong masuka sa sinabi ko."Ang plastik mo." Saka niya ako siniko."Ayaw ko kasing maglakad pauwi!""May kasabay ako.""Ayos lang. Basta ba gwapo."Pagkarating namin sa parking lot ay nauna na akong sumakay pero bigla nalang may tumulak sa 'kin dahilan para maupo ako sa lupa."Bwesit!" Inis na sigaw ko d'on sa tumulak sa 'kin na si Marco.Nagtungo ako sa likod at doon umupo."Akala ko ba mga gwapo ang kasabay natin ngayon? Hindi mo naman ako ininform na mga anak pala ni Gorilla ang dinala mo."Rinig ko ang tawa ng nasa gilid ko dahilan para mapatingin ako rito.Lupa kainin mo na ako!Bakit ang cute niya?Magiging kasing cute ba niya ang anak namin? Char!"Hi! I'm Gabriella. And you are?" pabebeng pagpapakilala ko."Titus," sagot naman niya."Kuya saan mo napulot ang anghel na 'to? Sa pagkakaalala ko sa impyerno ka tumutuloy.""Tumahimik ka Gabriella!" Pagpapatahimik niya sa 'kin.Pero dahil matigas ang ulo ko at maganda ako ay mas umusog ako sa Titus na 'to hanggang sa magkadikit na kami."Ano iyon?" biglang tanong niya sa 'kin."Ang alin?" takang tanong ko."Ba't ang baho?"Sumisinghot pa ako para naman malaman ko kung ano yung mabaho pero..."Kuya Gabriel!" Sinipa ko siya dahil naaamoy ko ang utot niya."Huy! Anong ebidensya mo na ako 'yong umutot?" Tawang tanong niya sa 'kin habang nag d-drive siya."Kilala na kita! Alam ko ang baho ng utot mo.""Hindi ako 'yong umutot!""Ikaw 'yon!""Hindi ako!""Ikaw 'yon sabi!""Hindi ako sabi!""Ang bantot mo! Isusumbong kita kay Papa!"Bumelat lang ito bago nito hininto ang sasakyan."Thanks bro'." Tinapik niya ang balikat ni Kuya bago siya lumabas.Nasa'n 'yong Kiss ko?An'damot ng lalaking iyon.Inihatid na rin niya ang isa pa niyang kaibigan na tumulak sa 'kin. Bago kami umuwi na.Pinark niya mo na ang kotse sa garahe bago kami tumakbo papunta sa loob ng bahay.Dahil gutom na gutom na talaga ako!Nag unahan pa kaming tumakbo papunta sa Kusina... Pero..."Kain na kayo." Nakangiting sabi ni Papa habang hinahanda ang pagkain."Busog pa pala ako," pandadahilan ni Kuya."Tapos na pala akong kumain.""Huy!" Tawag niya sa 'min kaya napalingon kami. "Kumain kayo rito."Juice ko. Ano ba'ng naging kasalanan ko sa past life ko at kailangan akong parusahan ng ganito?Tahimik kaming umupo ni Kuya bago kumain."Nasa'n si Mama?" Tanong ko kay Papa na ngayon ay parang nasasarapan pa sa niluto niya."Pinagod ko 'yong Mama niyo e. Kaya ako ang nagluto ngayon," nakangiting sabi niya.Kaya pala abot tainga ang ngiti. Naka score pala kay Mama."Ubusin niyo 'yan ha.""Busog na ako Papa," sabay na sabi namin ni Kuya."Sge wala kang bagong laptop," pagbabanta ni Papa sa 'kin, "ikaw naman hindi ka makakasama sa barkada mo bukas," pagbabanta niya rin kay Kuya.Kaya wala kaming choice kun'di ubusin ang niluto niya.Pag si Papa ang nagluto ng ulam!Kaming dalawa ni Kuya nagdudurusa sa...Banyo!"Help Mama!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kwarto ko para tumae.Pagkalabas ko sa banyo ay agad akong humiga sa kama dahil sa panghihina.Grabe ang laki no'n!Parang gusto ko nalang matulog tapos gigising nalang ako kapag may gusto na si Titus sa 'kin Haha!Tumayo na ako roon at bumaba para kumuha ng Gatorade sa ref. Sakto namang nakita ko si Kuya sa may dining umiinom rin ng Gatorade."Planted naba?" tawang tanong niya.Inirapan ko lang siya bago kumuha ng gatorade at uminom.Narinig kong may nag door bell napatingin ako kay Kuya ng bigla siyang umalis. Siguro pagbubuksan niya 'yong taong nasa labas.Umingay naman ang sala. Sino naman 'yong bisita ni Kuya? Nagtungo na ako roon sakto namang nakita ko si Titus.Gan'on parin may hawak na libro. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya."Baka gusto mo 'yong kamay ko naman ang hawakan mo?"Tumingin siya sa 'kin pero sa kalaunay bumalik rin ang tingin niya sa libro.Naglalambing lang naman ako e!"Titus!" tawag ko sa kan'ya."Yes?" tanong niya pero nasa libro parin ang tingin."Pakisabi sa mga nagkakagusto sa 'yo na sold out kana," bulong ko sa kan'ya.Wala paring epic!Nasa libro parin ang tingin niya.Naglalambing lang e!Lambingin ko nalang sarili ko.Tutal I'm strong and independent woman naman.Hanggang sa matapos na niya ang libro ay nakatingin parin siya rito na para bang 'di ito makapaniwala na natapos nito ang librong hawak."Tapos kana?" Napatalon pa siya bago napatingin sa 'kin."Nandito ka pala?" gulat na tanong niya.Kanina pa ako nandito. Ngayon lang ako pinansin. Grabe ha. Naapakan niya Ego ko."Oo nandito ako oh. Nasa harapan mo na pero hindi mo makita," pagdadrama ko."I'm sorry. 'Pag nagbabasa kasi ako may sarili akong mundo.""Pwede ba akong pumasok sa mundong 'yan?" banat ko uli."Nga pala, Gabriella aalis ako ngayon. 'Pag hinanap ako ni Mama pakisabing kasama ko barkada ko," panira ni Kuya sa moment naming dalawa ng future husband ko.Tumayo narin si Titus. Bago sila lumabas."Huy! Sama ako!" paghahabol ko sa kanila.Bago pa mapaharorot ni Kuya ang kotse ay agad kong binuksan ang pinto bago ako sumakay."Nakalimutan mong e lock. Blee!" Pang aasar ko sa kan'ya."Sinadya kong hindi eh lock." Panira niya bago tinahak ang daan patungo sa destinasyon nila.Hanggang sa huminto kami sa isang malaking bahay. Lumabas mo na si Marco—ang isa pang barkada ni Kuya, 'yong anak ni Gorilla.Pagkalabas nito ay binuksan nito ang gate bago pinasok ni Kuya ang kotse at pinark.Pagkapasok namin sa loob ay para bang ngayon lang ako nakakita ng maganda at malaking bahay.Simple lang ang desinyo pero nakaka attract.Malawak ang sala may book shelves sa gilid. May mga unan sa sahig na pwedeng upuan may maliit na mesa.May pabilog na malaki at mahabang hagdan. Yong hagdan niya puno ng libro.Huhulaan ko... Bahay 'to ni Titus.Napunta ako sa maraming litrato. An'daming nakasabit na medals."Wow! Lagi kang With honors?" Gulat na tanong ni Marco."Naku! Sa 'min magkakapatid ako lang 'yong may mga medals." Pagbanggit ni Kuya at lumapit sa 'kin. "Diba?"Siniko ko naman siya. Panira talaga 'to o."Huy Kuya! M-meron rin ako niyan no," natawa naman si Kuya sa sinabi ko."Nasa'n?" pang aasar pa niya lalo."'Wag kang maniwala kay Kuya. Marami akong medal 'no. With high love you," banat ko kay Titus.Rinig ko naman ang tawa ni Marco at ang ubo ni Kuya.Kabahan kayo!In love na ako! HAHA!"Ibang klase karin." Tawang sabi pa ni Marco at umakbay sa 'kin."Wag mo 'kong hawakan!" pag susungit ko sa kan'ya.Naalala ko pa n'ong tinulak niya ako sa kotse ni Kuya. An'sakit kaya ng pwet ko n'on."Bakit sa kan'ya ang lambing mo. Pero sa 'kin ang sungit mo," kunwaring pagtatampo nito."Kasi siya anak ni Captain America habang ikaw anak ni Gorilla.""Sumusobra na kapatid mo Gabriel!" pagsumbong niya kay Kuya.'Di ko na lang siya pinansin. Lumapit nalang ako kay Titus."Ang dali lang nang panahon 'no?" pagkausap ko sa kan'ya ng mapansing nasa libro na naman ang tingin niya."Yeah. Time flies so fast.""Oo nga. Malay mo magugulat ka nalang may singsing na sa kamay mo at may mga bata ng kumukulit sa 'yo habang nagbabasa ka."Napatingin siya sa 'kin bago ngumiti.O Em Gey!Lord! Pwede niyo na po akong kunin!Ngumiti siya sa 'kin!Ngumiti siya! Kyahhh!"Huy Gabriel! Walang hiya 'to! 'Yong tae mo sa banyo na stuck! Grabe p're ang laki ng kinabukasan mo!"Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi ni Marco.Walang hiya si Kuya! Hindi niya bahay pero kung dumumi akala mo naman pagmamay ari niya lahat ng banyo sa mundo."Ang lakas mong tumawa," mahinang sabi ni Titus."Malakas ako tumawa pero mas grabe ako magmahal try mo," pagbabanat ko sa kan'ya.Napailing nalang siya bago tumuon ulit sa binabasa niya.. . .SCRIPTINGYOURDESTINYMOS: CHAPTER 02GABRIELLA GOMEZ POVPagod akong napaupo sa sofa. Ang hirap talaga ng college life. Parang gusto ko nalang magpahinga sa puso ni Titus. Hehe!"Huy!""Bakit?" bored kong tanong sa kaniya."Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Kuya at umupo sa tabi ko."Hindi ko kasi nakita 'yong energy ko eh. Hindi ko nakita 'yong puso ko," tukoy ko kay Titus. "Ang landi mo."Buti nalang pagod ako. Kung hindi baka kumuha na ako ng walis at pinalo sa kan'ya."Nga pala. Plato kaba?""Babanat ka?" takang tanong ko sa kan'ya. "Oo," nakangiting sabi niya. "So, plato kaba?""Bakit?""Kasi gusto kita," nakangiting sabi niya.Napangiti tuloy ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang napansin ang gwapo pala ng kuya ko 'no."Eh Nasa'n 'yong plato do'n?" tawang tanong ko. "Nasa lababo hinihintay ka." Sagot niya bago tumayo. "Ikaw nalang ang maghugas ngayon may pupuntahan ako.""Kuya!" Sigaw ko ng bigla siyang tumakbo palabas. Bago ko narinig ang tunog ng sasakyan niya paalis. Pota nga naman oh! Ba't ba
MOS: CHAPTER 03GABRIELLA GOMEZ POVNagbabake si Mama ng cupcake kaya kaming dalawa ni Papa ay naghihintay na matapos siya. Si Kuya naman ay kanina pa nagtitipa sa cellphone niya. Napaka busy niyang tao."Papa," mahinang bulong ko sa kan'ya. "Bakit? May naisip kabang kalukuhan?" tanong niya sa 'kin."Hablutin mo 'yong cellphone ni Kuya. Tingnan natin sino kausap niya.""Ang galing mong mag isip. Alam mo bang pangarap kong maging holdaper," nakangiting sabi niya.Napakunot tuloy ang nuo ko sa sinabi niya.Agad naman niyang kinuha ang cellphone ni Kuya na agad nataranta."Papa!" Sigaw ni Kuya ng biglang tumakbo si Papa. "Papa basahin mo!" sigaw ko at sumunod sa kanila.Bigla namang nabawi ni Kuya ang cellphone niya. Napanguso naman si Papa habang nakatingin kay Kuya. "Sino si Bee? 'Wag mong sabihin sa 'king girlfriend mo? Naku! Gabriel! Ayaw kong magkaroon ang lahi natin ng bubuyog."Napatawa naman ako sa sinabi ni Papa. "Hindi ko girlfriend 'to! Bee lang talaga pangalan niya," sag
MOS: CHAPTER 04GABRIELLA POVHindi ko na napapansin si Titus na pumupunta sa bahay. Pakiramdam ko tuloy nagtampo siya sa 'kin. Char feeling mo naman.Agad kong inayos ang gamit ko ng matapos ang klase at tumakbo palabas bago pumunta sa Business Management Building.Nagtungo ako sa classroom nila pero wala na siya do'n.Agad na ako umalis roon pero sakto namang nakita ko siyang may hawak na laptop habang may kausap na mga lalaki siguro kaklase niya."Titus!" tawag ko sa kan'ya. Napatingin sila sa 'kin dahil sa pagtawag ko. Nagsimula naman silang maglakad habang ako ay tumakbo na papunta sa gawi nila."Titus," pagtawag ko sa kan'ya nang nasa tabi na niya ako. "Mag usap tayo oh.""Para saan? Busy ako." Sabi niya at patuloy parin sa paglalakad."Nagalit kaba dahil do'n sa narinig mo? Maniwala ka mahal kita."Rinig ko naman ang bungisngis ng lalaking kausap niya."Wag kang gumawa ng gulo please lang," mahinang sabi niya sa 'kin."Bakit ba?! Eh hindi muna ako pinapansin! Hindi mo 'ko tina
MOS: CHAPTER 05GABRIELLA POVNakakainis na! Mas gusto pa niyang kasama ang Cora na 'yon kaysa sa 'kin. Charot! N'ong tinanong ko kasi si Kuya kung nas'an si Titus ang sinagot lang nito umalis raw kasama si Cora. Ano namang gagawin ng dalawang 'yon? Overthink malala!"Papa!" tawag ko kay Papa ng mapansin kung nagdidilig siya ng halaman."Ohh?""Pinagalitan ka?" takang tanong ko sa kan'ya. "'Pag nagdilig. Pinagalitan agad," nakangusong sabi niya. "Tulungan mo naman ako, Princess oh." Bigla niyang sabi dahilan para magulat ako."Papa naman," gulat na sabi ko sa kan'ya."Nakita kasi ng Mama mo. May kasama raw akong babae. Eh wala naman.""Wala ba talaga?" panghuhuli ko sa kan'ya. "Oo na. Meron!. Pero kasi eh. Anak 'yon ng kliyente namin. Nilalandi ako eh.""Nagpalandi ka?" tanong ko ulit sa kan'ya. "Hindi 'no!" biglang sigaw niya. "Gusto ko na ngang sumuka n'ong hawak hawakan niya ako. Alam mo iyon? Pero wala akong nagawa. Kliyente ko 'yong Daddy niya eh.""Pa'no ka nahuli ni Mama?"
MOS: CHAPTER 06GABRIELLA POVAgad akong napatingin sa phone ko ng tumunog ito.Unknown Number: Hi pa accept! Loko ba 'to? Anong akala niya sa number ko? Facebook?Sinawalang bahala ko nalang ito at patuloy na niligpit ang mga ginamit ko para naman makakain na ako dahil gutom na gutom na talaga ako!Salamat naman at natapos narin. Agad akong nagtungo sa cafeteria para kumain.Nang biglang nag text na naman siya. Unknown Number: Ang sabi ko pa accept! Aba loko 'to ha! Siya pa talaga 'yong maatitude?Me: Anong pa accept? Gusto mo suntukin kita?Pinatay ko na 'yong phone ko bago ako nagpatuloy sa pagkain. Nang tumunog na naman siya. Unknown Number: Pa accept! Hindi kasi ako makapasok sa buhay mo.Natawa ako sa sinabi nito. Mukhang familiar ang mga banat niya ha.Me: Echo?Unknown Number: Napasok mo rin!Loko talaga ang lalaking 'to! Napailing nalang ako at patuloy na kumain. Hindi ko na masyadong nakikita si Titus. Sabi kasi ni Kuya malapit na raw ang
MOS: CHAPTER 07GABRIELLA POVAng sama ng tingin ni Kuya kay Echo. Lalo na si Mama. Dahil sinira ni Echo ang tanim ni Mama. Gusto kong matawa sa reaksyon nila pero 'wag na baka madamay pa ako sa galit ni Mama dahil sa mga halaman niyang rest in peace."Sino ka?" galit na tanong ni Mama kay Echo. "Alam mo bang trespassing 'yang ginagawa mo?""Babayaran ko nalang po 'yong halaman—""Anong babayaran?!" galit na tanong ni Mama rito. "Huy! Hindi lahat ng bagay nabibili at nababayaran ng pera."Napakamot nalang si Echo sa ulo niya.Ayan kasi ang yabang! Haha! "Alisin mo 'yang helicopter mo rito! Oh baka gusto mong sunugin ko yan?! Kasama ka!""'Ma!" tawag ko sa pansin ni Mama. "Ako na rito. 'Pa," nakikiusap na tingin akong tumingin kay Papa. "Baby sa loob muna tayo," pang aamo ni Papa kay Mama.Pumasok na sila sa loob habang ako naman ay nakaharap ngayon kay Echo. Bago ko pinigot ng madiin ang tainga niya."Aray!""Butiki ka talaga 'no! Nakakabutiki kana!" inis na sabi ko sa kan'ya."Mas
MOS: CHAPTER 08GABRIELLA POVNaging masyadong busy ako dahil malapit na ang final exam ko. Kailangan kong mag review. Buti pa sila Kuya okay na. Graduate na! Ako? Ito wala parin! Tinawanan ko pa sila n'ong araw na sobrang laki ng eye bags nila. Pero mukhang na karma 'ata ako ngayon. Dahil mas malaki pa 'ata ang eye bags ko ngayon.Napabuga nalang ako ng hangin bago tumayo at lumabas muna sa bahay. Agad akong napapikit ng mapansing sobrang sakit ng araw sa mata ko.Ilang araw na akong hindi nakakakita ng araw."Mukha kanang panda," tawang pang aasar ni Kuya sa 'kin. "Walang nakakatawa," inis na sabi ko sa kan'ya."Ayan kasi! Sinasabi kuna sa 'yo na 'wag kanang mag abogada." Inakbayan niya pa ako. "Malapit na kuya! Gagraduate na ako. K'unti nalang.""Yeah! K'unti nalang. Tapos mag-aaral kapa sa Law School nang apat na taon. Sge! K'unti nalang... K'unti nalang si San Pedro na susundo.""Butiki!" napapikit ako ng marinig ang boses ni Echo. Please lang! 'Wag ngayon Echo! Ang panget-
MOS: CHAPTER 09GABRIELLA POVPagkababa namin sa Jeep ay agad akong sinuri ni Titus. "Ayos kalang ba?" nag alalang tanong niya. "Shit bakit ba hindi ko inisip na mangyayari 'yon?""Ayos lang ako 'wag kang mag alala.""Okay. Kakain na tayo sa loob."Naglakad na siya pero masakit na ang paa ko. Napahinto siya ng mapansing sobrang bagal ko maglakad. Ngumiti siya sa 'kin bago niya ako binalikan.'Yong ginawa niya 'yong ikinagulat ko. Hinawakan niya 'yong kamay ko! Hinawakan niya! Pinagsiklop pa niya!Pigil kilig akong naglakad dahil sa paghawak niya sa kamay ko. Pagkapasok namin sa loob ay pinaghila pa niya ako ng upuan."Waiter!"May lumapit na isang waiter sa 'min at binigyan kami ng isa isang Menu. Nagpasalamat muna kami sa kan'ya bago kami pumili ng makakain.Hanggang sa dumating ang order namin ay wala kaming imikan. Dahil nasa pagkain ang buong atensyon naming dalawa.Pero ng matapos kaming kumain ay nagtungo kaming dalawa sa malapit na 7/11.Libre na naman kasi niya! Palamig daw
My Only Sunshine:EPILOGUETITUS BROASTEIN ZAFUETA POVDali dali kong kinuha ang libro ko dahil sasama ako ngayon kay Gabriel. Ihahatid niya ako. Hindi na ako bumili ng kotse dahil nagsasayang lang ako ng pera.Buti nalang naintindihan ng kaibigan ko ang sitwasyon ko ngayon."Nas'an si Gabriel?" Tanong ko kay Marco."Susunduin daw niya kapatid niya," sagot nito. "Mauna na daw tayo sa kotse."May kapatid siya?Sumunod ako sa kaniya. Sumakay siya sa passenger seat habang ako naman ay nasa likod. Nagbabasa. Hanggang sa naging maingay na ang loob ng kotse dahil sa isang babae. Napakababaeng tao ang lakas ng boses. "Akala ko ba mga gwapo ang kasabay natin ngayon? Hindi mo naman ako ininform na mga anak pala ni Gorilla ang dinala mo," napatawa ako sa sinabi niya pero napatigil rin ng mapansing napatingin siya sa 'kin. "Hi! I'm Gabriella. And you are?" pagpapakilala niya bigla. "Titus," tanging sagot ko lang. "Kuya saan mo napulot ang anghel na 'to? Sa pagkakaalala ko sa impyerno ka tumu
MOS: CHAPTER 37GABRIELLA POVTUMAKAS LANG AKO dahil sigurado akong pag nalaman 'to ni Titus ay magagalit iyon sa 'kin. Sinundo ako ni Hunt roon. Naka hoodie ako at itim na pants, cap narin at mask para hindi nila ako makilala.Kanina pa kami nakapark rito sa madilim na bahagi ng kagubatan. May isang lalaki silang hila hila bago nila ito tinulak at binugbog."Hindi ba natin tutulungan yung lalaki?" tukoy ko d'on sa binugbog."Mamaya," sagot niya at sinuot ang mask at cap. "Ako ang tutulong d'on sa lalaki. Dito kalang.""Pero—""Wag ng matigas ang ulo," matigas na sabi niya bago lumabas ng kotse.Anong silbi ng pagsama niya sa 'kin rito kung wala naman pala akong gagawin? Kita ko mula rito ang mabilis na paggalaw ng mga anino nila. Nakikipaglaban si Hunt sa tatlong lalaki. Pero yung isa nakatakbo. Agad akong lumabas ng kotse at sinundan ang lalaki. Ngunit hanggang sa makalayo na kami ay nawala na agad siya sa paningin ko."What the fudge! Diba ang sabi ko! Wag kang lumabas ng kotse?!
MOS: CHAPTER 36GABRIELLA POVNANDITO NGAYON SI Marlo sa Hotel Room ko. Sabi daw kasi niya may pag uusapan kaming importante. Bukas kasi ay kailangan kunang mag focus sa misyon ko.Para naman matapos na ang lahat ng ito."Tea? Juice? Water? Or Nothing?""Tubig nalang," sagot niyaTumango naman ako at kumuha ng malamig na tubig bago binigay sa kaniya at umupo sa tapat. "Anong pag uusapan natin?""Una sa lahat bago natin sisimulan 'to. Isang tanong, Isang sagot. Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo." Seryoso niyang sabi bago uminom ng tubig at pabagsak itong inilapag sa coffee table."Ano iyon?" Bored na tanong ko. "Mahal mo ba siya o hindi?""Sino?""Sino paba?"Alam ko naman kung sino 'yong tinutukoy niya. Pero ayaw ko namang mag assume."Hindi." Sagot ko dahilan ng pagtawa niya ng malakas. Napairap nalang ako bago siya sinamaan ng tingin. "Hindi?" tawang sabi pa niya. "Hindi ako naniniwala," bigla nalang sumeryoso ang mukha niya. Bipolar! "Alam mo naman pala ang sagot ba
MOS: CHAPTER 35GABRIELLA POVKAHIT NAGTATAKA ako ay sumama parin ako kay Hunt. Sabi niya sa 'kin may importante raw kaming pag uusapan. Hindi naman niya agad sinabi nagpabitin pa siya.Hininto niya ang kotse sa isang madilim na daan. Walang katao tao. Taka akong napatingin sa kaniya ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Habang mahigpit ang hawak niya sa manibela."Nagsisimula na sila," taka akong napatingin sa kaniya."Seryoso?" gulat na tanong ko ng marealise ang ibig niyang sabihin. "Gumagawa na sila ng gulo," mahinang sabi niya sabay tingin sa 'kin. "Hindi mo ba nabalitaan?"Umiling lang ako bilang sagot. "Kay Titus lang ako nakatutok. Hindi kuna alam ang mga nangyayari.""Bukas ulit ng gabi. Susunduin kita may misyon tayo."Napabuga ako ng hangin bago dahan dahang tumango."Tayka nga lang," may naalala akong dapat kong itanong sa kaniya "Kung yan pala ang sasabihin mo. Bakit kailangan mo pa akong dalhin dito?" tukoy ko sa madilim at tahimik na lugar na ito.Bigla niyan
MOA: CHAPTER 34GABRIELLA POV MASAMA PARIN SIYANG nakatingin sa 'kin habang ginagamot ang naipit kong kamay. Nilagyan niya lang ito ng ointment. Pagkatapos n'on ay masama na naman siyang tumingin sa 'kin."Kung nakakamatay lang yang tingin mo kanina pa siguro ako nakahandusay rito.""Tapos kanang makipaglandian?"What the? "Excuse me?" gulat na tanong ko sa kaniya. "I saw you... With someone, In the park." nahihirapan niyang sabi. "So you're jealous, huh?" pang aasar ko sa kaniya at tumayo. "No, I am not," matigas niyang pagtanggi. "Weh? You're jealous. Titus is jealous" patuloy na pang aasar ko sa kaniya dahilan ng pamumula ng pisnge niya."Ewan ko sayo!" inis na sabi niya at tinalikuran ako. Hindi kuna napigilan pa ang pagtawa ng malakas. Kaya pala gan'on siya nagseselos siya kay Hunt. Pero... Bakit naman siya magseselos?Agad ko siyang pinuntahan sa may kusina. Nakaupo siya habang nakatingin sa kawalan. Nakanguso pa.Ang kyut!"He's Hunt. Kaibigan ko," pagpapaliwanag ko.
MOS: CHAPTER 33GABRIELLA POVNAPANGITI AKO habang nakatingin sa tulog na si Titus. We end up here, in his room.Sa una sa kotse. Hindi pa niya ako tinigilan roon. May binigay siyang damit sa 'kin para makauwi ako ng maayos. Pero ramdam ko ang lagkit ng ibaba ko dahil sa mga katas na naroon.Wala akong suot na panloob. Tanging malaking t shirt lang ang suot ko. Kaya halos sobrang higpit na ng paghawak ko sa ibaba ng t shirt baka kasi mahanginan at makita nila ang perlas ko.Butiki talaga 'tong si Titus kahit kailan!Lagi nalang niyang pinupunit yung gamit ko tuwing nag aano kami. "Hindi ba ako matutunaw niyan?""Hindi naman. Tao ka kasi hindi ka Ice cream kaya wag kang tanga." Napatawa naman siya sa sinabi ko bago tuluyang nagmulat ng mata.Ngumiti siya sa 'kin bago hinalikan ang labi ko."Good Morning.""Good Morning din," nakangiting pagbati ko rin. Tumayo na siya at binandera pa talaga sa 'kin ang hubad niyang katawan.Walang hiya! Kahit ilang beses kunang nakita ang buwaya niya
MOS: CHAPTER 32GABRIELLA POVMAAYOS AKONG nakipag-usap kay Hunt. Para sabihin sa kaniya ang mga impormasyon. Tumango naman siya dahil sa mga sinabi ko. "Mukhang wala pang kahina hinala."Tumango naman ako. Nag order na siya dahil libre daw niya. Kaya kumain nalang muna ako bago ko hahabulin na naman ang Butiking 'yon.Susungitan na naman niya ako tapos ma iinis ako. Hayst! Yan lang naman ang laging eksina. Wala nabang bago?Hmm? Ano kayang klaseng bago? "Anong iniisip mo?" takang tanong ni Hunt sa 'kin. "Try mong basahin," inis na sabi ko sa kaniya. Napanguso naman siya at kumain nalang. Edi weak ka pala eh. Di mo pala kayang basahin 'yong nasa isip ko. Buti nalang same tayo. Hindi rin ako nakakabasa ng isip ng tao.Bigla nalang tumunog ang cellphone niya kaya nagpaalam muna siya. Tumango naman ako at patuloy lang sa pagkain.Ng maramdaman kong may umupo sa tapat ko na inuupuan kanina ni Hunt."May kasama ka?" bagong ligo na si Titus ang sumulubong agad sa 'kin. Bakit ang hot
MOS: CHAPTER 31GABRIELLA POVPAGKALABAS KO AY sakto namang bumukas rin ang pinto sa kabila. Ngumiti ako sa kaniya at bumati. Naka jogging pants siya at itim na sando.Habang ako naman ay oversized t shirt at maikling short lang ang suot ko."Sabay ako," nakangiti kong sabi sa kaniya. Mag jo-jogging kasi siya. Kaya sabay na ako. Baka may biglang bumaril sa kaniya sa daan habang nag j-jogging siya."Isturbo kalang eh," inis na sabi niya at nagsimula ng maglakad. Tumakbo naman ako at hinabol siya. Ngunit ang la laki ng hakbang siya. Muntik na akong masarhan ng Elevator buti nalang at nakahabol ako.Hindi pa nga ako nagsisimula ay pinagpawisan agad ako. Masama ko namang tiningnan si Titus na ngayon ay nakatayo lang na parang walang nangyari. Hanggang sa pagkalabas na namin ay hindi parin niya ako pinapansin. Ang bilis niya. Mukha siyang tumatakbo kahit nag jojogging lang naman siya. "Titus!" inis na tawag ko sa kaniya. Tumigil naman siya pero hindi parin lumilingon. Pagkahabol ko s
MOS: CHAPTER 30GABRIELLA POVNAIINIS NA AKO DAHIL sa sobrang sungit ng ka hotel-mate ko.Kalma Gabriella! Kalma!Maswerte siya at ang gwapo niya! Kung hindi baka sinipa kuna siya. "What do you need?" malamig na tanong niya. "Pizza," sabay taas ng pizza'ng hawak ko. "Pizza, with butiki flavor." Ngumisi ako pero agad ring napawi ng biglang dumilim ang mukha niya.Nandiri ba siya sa sinabi ko?"A-ayaw mo?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya at kinuha ang pizza pero mahigpit ko itong hinawakan."Are you fucking kidding me?!" inis na tanong niya sa 'kin at binitawan ang Pizza na hawak ko. "Papasukin mo muna ako."Kita ko ang pag irap niya bago binuksan ng malaki ang pintuan. Ngumiti ako sa kaniya bago pumasok sa loob at prenteng nakaupo sa sofa.Umupo naman siya sa tapat bago kumuha ng Pizza at kumain. Bago siya humiga at nag cellphone.Nasa'n 'yong malambing na Titus? Okay! Tamang lambing lang sa sarili kasi malaki na ako! Kaya ko 'to! Napanguso ako dah