“I still can’t believe it…” nakangiting sabi sa akin ni Airi habang nasa may entertainment room kaming tatlo nila Cherinna. Kakabalik lang ni Cherinna dahil ito ang kumuha ng mga chips at inumin namin dahil plano naming manuod ngayong gabi ng kung anong movie ang matipuhan namin. Kanina pa rin nakauwi si Enzo matapos ang hapunan namin at kanina pa rin ako inaasar ni Airi tungkol sa nangyari habang kumakain kami. Wala naman akong ideya na magpapaalam si Enzo sa mga magulang ko! Wala naman siyang sinabi na kahit na ano sa akin, basta lang ito nag-aya na umuwi tapos ay iyon na pala ang plano nito. Hindi ko pa nakakausap ang mga magulang ko tungkol doon pero sa tingin ko ay bukas nila ako tatanungin bago kami makipag-dinner sa mga De Guzman. “I mean, how did that happen?” tanong ulit ni Airi sa akin habang nakangiti. Nilingon nito si Cherinna na nakangiti lang din. “Yeah, Alyanna. Paano nangyari?” nakisali na rin ito sa pang-aasar sa akin kaya napairap na lang ako. “Alam mo, patulugin
Kumakain kami ng almusal ni Airi nang lumapit sa akin ang kasambahay namin para sabihin na nasa labas na si Enzo at naghihintay. Naramdaman ko ang pagsiko ni Airi sa akin kaya naman nilingon ko siya bago inirapan. “Tell him to come inside,” sabi ko na lang sa kasambahay namin bago tinapos ang pagkain. Inabot ko na lang ang mango juice na naroon bago muling sumulyap kay Airi. “You’re not yet done?”“I’m good here,” she smiled at me again. “Enzo is here, you should go now,” sabi nitong muli pero bakas na bakas sa mukha ni Airi na nang-aasar ito. Napailing na lang ako sa kanya. What happened to the dinner was actually surprising. Sinabi ko rin naman kay Airi ang bagay na iyon dahil hindi ko naman aakalain na magiging okay lang sa mga magulang namin ang plano ni Enzo. It was okay with Jahann, too! And it also looks like he likes Enzo for me! “Not because I am telling you things, you can use those to torture me, okay?” sinimangutan ko naman si Airi. She laughed again and looked at me. “
Maingay na kaagad sa school nang lumabas ako sa sasakyan ni Enzo, kahit nga noong nasa loob ako ng sasakyan nito ay naririnig ko na ang malakas na sounds dahil sa event na nangyayari. Sinundo niya ako sa bahay at hindi naman na sumabay sa amin si Airi. Sabi nito sa akin ay ayaw nitong nakakaistorbo sa aming dalawa ni Enzo kaya sumasabay na lang ito kay Jahann. Kapag hindi naman pwede si Jahann ay sinusundo ito ni Dean na noong isang araw ko lang nalaman na sinagot na pala ni Airi. Wala namang kaso sa amin iyon at nagpaalam din si Dean kay Mommy, kay Daddy, kay Jahann, sa akin at kay Cherinna. He said he’s serious about Airi and we really have nothing against Dean. Bata pa lang naman din ay kilala na namin siya, isa iyon sa sinasabi ni Airi sa akin. Kung kay Dean nga raw ay okay naman kami dahil kilala naman namin mula bata pa, mas dapat na sagutin ko na raw si Enzo dahil magkababata kaming dalawa. Hindi man lang talaga niya itinatago na boto siya kay Enzo para sa akin. I looked aro
“Are you okay?” hinawakan ni Airi ang noo ko gamit ang likod ng palad nito at bumakas sa maamong mukha nito ang pag-aalala. “Ang init mo pa rin,” sabi nito bago kinuha ang thermometer para tignan ang temperatura ko. Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakaupo naman si Airi sa may gilid. Natignan na ako ng doctor kagabi nang magsabi ako kina Mommy na masama ang pakiramdam ko dahil nang dinama nito ang noo ko, inaapoy na ako ng lagnat. Niresetahan naman ako ng gamot ng doctor na kaagad din na binili ni Jahann kagabi. Hindi naman ako iniwan ni Airi mula kagabi hanggang ngayon pero kailangan nitong umalis ngayon dahil na rin may kailangan itong asikasuhin na mga papeles nila ni Cherinna. “I’ll be fine,” sabi ko sa kanya. Nakabalot ako ng kumot at tanging ulo ko lang ang nakikita nito. They turned off the air conditioned unit but I still feel so damn cold! Nilalamig ako pero mainit ang pakiramdam ko. Parang may buhangin din sa lalamunan ko kaya masakit ito sa tuwing uubo ako. Airi look
“Are you sure you’re okay na? You know you can still tell dad that you’re not okay so you can skip school,” sabi ni Airi sa akin na naghahanap ng dress sa may closet ko, kanina pa ito naroon at hindi ko na rin alam kung ilang damit na ba ang nilabas at pinasok nitong muli habang namimili ito ng masusuot. Sabi nito sa akin ay may dinner date ito at si Dean mamaya kaya naman naghahanap ito ng mahihiram na damit sa akin. Mahilig si Airi sa mga skirts at sabi nito sa akin ay gusto nito na magsuot naman ng dress para sa date nila ng boyfriend niya. Tinitignan nito ang isang itim na dress at isang pulang dress. Napailing na lang ako sa kanya at hinayaan na lang siya sa ginagawa niya. Hindi naman nalalayo ang sukat ng katawan naming dalawa kaya alam kong kakasya sa kanya ang mga damit ko. Nanghihiram din naman ako sa kanya ng damit kapag wala akong mapili sa mga damit ko. “I’m fine. I think I’m fit to go back to school,” sabi ko habang naglalagay ng powder sa mukha. I just put on simple
Hindi ko na mabilang kung ilan na ba ang napuntahan naming shop ni Airi sa paghahahanap ng pwedeng iregalo sa kambal para sa birthday nila. Kanina pa kami naroon sa mall, inaya namin si Cherinna pero ang sabi nito ay sabay na sila ni Jahann na mamimili, hindi naman din ako pwedeng magpasama kay Enzo dahil para nga rito ang regalong ibibigay ko sa kanya. “This one, ayaw mo?” tanong ni Airi sa akin habang may hawak na isang pares ng sapatos. Tinignan ko iyon at napakunot ang noo ko. Hindi ko naman madalas na nakikitang gumagamit si Enzo ng itim na rubber shoes kapag nagbabasket ball ito at ang mga pinsan ko o kapag nagpupunta sila sa gym. He always uses white rubber shoes. Wala naman din akong makitang magandang disenyo sa mga puting rubbers shoes na naroon kaya wala rin akong mapili. Umiling ako sa kanya kaya ito naman ang napasimangot sa akin. “Alyanna, hindi naman sa nagrereklamo ako pero we went to clothes shops, watch shops, and now here… pero wala ka pa rin nakikita na para kay
“Happy birthday!” malakas na sabi ni Airi dahil na rin malakas ang tugtog sa loob ng Blue’s Haven. Magkakasama na kami ngayon at napagdesisyunan na namin na bumaba na lang muna para na rin makapag-enjoy. Gaya nga ng sabi ni Keij sa amin kanina, kung doon lang din naman daw pala kami sa loob ng VIP room tatambay, sana ay sa bahay na lang kami nila Enzo nagpunta. “Happy birthday, Lean, Enzo,” bati naman din ni Cherinna. Lahat ng regalo namin ay nasa itaas na at wala pa ni isang binubuksan ang kambal doon. Sabi ng mga ito ay pag-uwi na lang nila titignan ang mga iyon. Theon’s gift was a necklace. Noong nakaraan niya pa iyon napakita sa akin dahil ako ang tinanong nito kung magugustuhan ba ni Lean iyon. May pendant iyon na square na may nakalagay na T sa harap at L naman sa likod. I once asked him if that means Theon and Lean and he said it actually means true love. Hinayaan ko na lang siya sa trip niya sa buhay. Mabilis namang inaya ni Theon si Lean papunta sa may gitna para sumayaw.
“What are you going to cook?” naglakad ako papasok sa kusina namin bago kumuha ng baso upang uminon ng maligamgam na tubig. Halos alas siyete pa lang ng umaga pero maaga akong nagising ngayon. We went home around 2 in the morning and even though Enzo said he will just drive us home, hindi na ako pumayag para makapagpahinga ito. Wala pa kaming napagsasabihan ng tungkol sa aming dalawa dahil masyado rin kaming nabigla siguro sa nangyari. After saying yes to Enzo, he never let me out of his sight. Buong magdamag na kaming magkahawak ang mga kamay. Hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip ang nangyari at isipin na totoo na talaga. Boyfriend ko na si Enzo. Kami na ngang dalawa. “Nagrequest ang mommy niyo ng tapa kaya naman iyon ang lulutuin namin ngayong umaga. May gusto ka bang almusal?” tanong ng kasambahay namin sa akin. I looked at her and smiled sweetly. “Anything is fine with me,” sabi ko sa kanya bago muling kumuha ng tubig at uminom. “Maaga ka yatang nagising ngayon?” sabi
I was leaning on the doorway while watching Enzo put our things inside his car. He fetched me today since we’re planning to go North for a vacation. It was also a graduation gift of Tito Hunter to him. Nagrent ito ng isang villa para sa amin ni Enzo. Of course, the debate was intense since Mommy doesn’t want me to go alone with Enzo. She kept telling Tito Hunter that his gift was absurd. Hindi naman nagpatalo si Tito Hunter at sinabihan si Mommy na noon namang kabataan nito ay madalas itong natutulog na sa bahay ni Daddy kaya huwag daw itong matakot sa posibleng mangyari sa amin ni Enzo Even Keij was teasing us about this vacation. Ilang beses nitong inasar si Enzo na galingan daw nito dahil minsan lang kami makakapag solo na dalawa. Hindi na lang ito pinansin ni Enzo, si Theon at Lean naman ay nag bakasyon din ngayon. Nauna sila ng alis sa aming dalawa. “You look hot while putting those things in there…” napangiti ako nang kumunot ang noo ni Enzo at tumingin sa akin. Inayos nito
“Lorenzo, come here!” Masayang tawag ko rito nang makita ko itong nasa may garden. Masigla naman itong tumakbo papalapit sa akin kaya mas napangiti ako sa inasal nito. I patted his head and smiled at him. “What are you doing there?” I asked him and he just wiggled his tail. “I still hate the fact that you named him after me,” lumapit naman sa akin si Enzo na may dalang bulaklak at hinalikan ako sa noo. I smiled widely as I carried the dog. Iyon ang pinunta namin noong nagtungo kami sa bahay nila Kol. He asked Kol to keep it so he could surprise me. It was a shih tzu and I named him Lorenzo when I found out it was a male. I was planning to name it Francesca if it was a girl, actually. Para lang mabwisit ko rin si Airi paminsan-minsan. “Why? It’s cute! And I love your name,” I smiled at him and pecked on his lips. “Your practice is done?” tanong ko rito bago inaya ito na pumasok na sa loob ng bahay namin. Nagsisimula na ang rehearsals nila sa graduation kaya sa hapon na lang kami n
“So, what are you planning after your graduation?” tumabi ako kay Enzo matapos kong makuha ang order namin na fries, burger at sundae ice cream. I also ordered diet coke and he’s not very happy with my choice of food today. Kanina pa ito nakasimangot sa akin dahil inaya ko ito na kumain sa fast food chain. He said it was unhealthy and I should not eat these foods thrice a week. Wala naman din siyang nagawa dahil naglakad na ako papasok sa loob ng fast food chain. Malapit na ang graduation nito, ni Lean at ni Theon. Since engineering ang course ni Theon, nagpang-abot na ang graduation nito dahil 5 years ang course nito. Susunod naman na gagraduate ay sina Jahann, Kol at Keij. Si Cherinna ang nahuli sa amin dahil na rin huminto ito nang nagbuntis kay Nikolai. “Are you seriously just going to ignore me?” tanong ko rito habang nakatitig sa lalaki. Hindi naman nagsalita si Enzo kaya tumango na lang ako sa kanya at huminga ng malalim. Sumandal na lang ako at nagsimula na lang na kumain ng
“What are you doing here?”Nakakrus ang mga braso ko sa may dibdib ko habang nakatingin kay Leo na nakasandal sa sasakyan nito. He’s wearing a black hoodie, his hands were inside his hoodie’s jacket. He turned his face to see me and I saw him smile a little. He shrugged and chuckled. “Clearly your brother didn’t understand what I said…” “Uh? What do you mean?” nagtatakang tanong ko naman dito. Lumingon ako sa pinto ng bahay namin dahil baka tawagin ako ni Cherinna o ni Airi dahil lahat sila ay nasa loob na ng dining room.“Look, I know I haven’t really apologized for what I did to you,” panimula ni Leo. Humakbang ito papalapit sa akin. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko. I was staring at him and trying to assess what I feel for him. Noon, kapag nakikita ko siya, hindi ko mapigilan na hindi kiligin. Just by staring at him makes the butterflies in my stomach go wild. Hindi naman maikakaila ng kahit na sino na talagang gwapo at malakas ang appeal ni Leo. Marami ang may gusto
“Mom, what do you think? Red roses?”I checked the red roses that were on display while talking to my mom. Nagpunta kami ngayon nila Cherinna at Airi para puntahan si Mommy at para na rin mamili ng bulaklak para sa dinner mamaya sa bahay kasama ang mga De Guzman. I received a call from Enzo last night that they will be visiting us. Napag-usapan na rin kasi naming dalawa na sasabihin na namin sa mga magulang namin ang relasyon namin dahil wala naman kaming plano na ilihim talaga iyon sa lahat. We all know what can happen if we keep it from them. Isa pa, wala namang dahilan para hindi namin sabihin ang totoo sa mga ito. I am sure that they will all be happy for us. “These sunflowers looks good,” sabi ni Airi bago tumingin kay Mommy at ngumiti. “Magdadala po ako sa bahay, ah? Para sa room ko,” paalam nito kay Mommy bago nagpatulong sa staff na naroon para makapagbalot ito ng mga bulaklak para sa kakambal ko. “White looks good, too.” Nilingon ko si Cherinna at ang hawak nitong white
“What are you cooking?” I smiled when I leaned on the counter while watching Airi cook. Kakatapos ko lang naman din na maligo at mag-ayos kaya bumaba na rin ako para matignan kung ano ang niluluto ni Airi ngayon. I offered my help earlier but she just shoo me away and told me to just make sure everyone is coming. Hindi naman na ako nagpumilit dahil alam kong wala naman talaga akong talent sa pagluluto. Si Jahann, Cherinna at Airi ang mga biniyayaan ng ganoong talento. “Chicken curry,” sabi naman ni Airi sa akin bago kumuha ng isang kutsara para ipatikim sa akin ang sauce nito. I smiled as I tasted it. “It’s so good!” sabi ko naman dito at matamis na ngumiti. Muli akong naglagay ng sauce nito sa kutsarang binigay sa akin ni Airi nang mahina nitong tapikin ang kamay ko. “Stop it, mauubos mo ‘yan bago pa natin sila makasama, e!” saway naman niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay muling tinikman ang luto nito. “Pwede ka na mag-asawa pero huwag muna!” pang-aasar ko sa
“So, Kol lied to me?” I raised my brow while looking at Enzo who’s cooking our dinner for tonight. I tried calling Kol but he just kept on declining my calls. I think he blocked me, actually. “Just to be fair with Kol, I think he did that for us to talk,” he shrugged and smiled at me. I rolled my eyes and shook my head. “He should’ve just told me the truth instead of lying to me!” sagot ko naman sa lalaki bago muling uminom sa juice na inihanda rin nito kanina. “If he did, I don’t think you will go here, baby. You saw me and Elisha and I think you had thousands of thoughts inside your head, making stories and jumping into conclusions,” Enzo said while chopping the vegetables. Napasimangot ako dahil totoo naman ang sinabi nito sa akin. When I saw him and Elisha, I immediately thought they’re okay and they’re getting comfortable with each other… hindi ko naman maiwasan na hindi makakaramdam ng selos dahil mahal ko si Enzo. “See? You’re frowning, meaning I am right.” Tinignan ko siya
“Where are you planning to take me?” Nilingon ko si Kol na tahimik lang habang nagmamaneho. May twenty minutes na rin siguro kaming nasa daan na dalawa. Kanina ko pa rin naman siya tinatanong kung saan niya ba ako dadalhin pero hindi niya ako sinasagot ng diretso. He’s just telling me to wait and calm myself. Wala naman akong magawa dahil ito ang nagmamaneho. Sumama ako sa kanya dahil sabi niya sa akin ay pag-uusapan namin ang tungkol kay Enzo. Airi was also calling me but I kept on declining it. I know that she’s worried about where I went. Hindi ako nagpaalam sa kanilang dalawa ni Cherinna. Hindi rin ako nagpadala ng kahit na anong mensahe sa kanila nang sumama ako kay Kol. Iniwan ko rin ang sasakyan ko sa may Sweet Desire. Bigla na lang akong nawala.Hindi ko alam kung nakita ba nito at ni Cherinna si Enzo sa loob ng Sweet Desire kasama si Elisha… kung nakita man nila, sa palagay ko ay may ideya naman sila bakit ako nawala bigla.“They were together. That means, they’re okay, rig
“Alyanna.”I was just sitting in front of my vanity mirror while listening to Airi’s voice. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba siyang kumatok sa kwarto ko magmula kanina pero hindi ako tumatayo o kumikilos man lang sa kinakaupuan ko. Tinakasan ako ng lakas na kumilos man lang mula ng makauwi ako sa bahay namin,I came home alone after I hailed a cab. Sa labas na ako ng subdivision nila Enzo nakahanap ng masasakyan dahil wala naman akong nakikitang pumapasok na taxi sa loob. I also turned off my phone because I know Enzo will call me and look for me. Ganoon naman ang lalaki. Laging ako ang inuuna nito.Alam ko naman na mahirap para kay Enzo ang sitwasyon naming dalawa at ayoko siyang papiliin sa amin at sa pamilya niya dahil na rin alam kong mas mahalaga ang pamilya. I know that. That’s why even though I know that it is hard, I chose to just walk away…I was hugging my knees when I heard Jahann’s voice outside my room. Hindi ko alam na umuwi rin pala ito ngayon. Ang alam k