Amber PovMasakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Iminulat ko ang aking mga mata at natuklasan kong wala na sa kama namin si Phil. Muli akong napapikit at ipiniling-piling ko ang aking ulo dahil medyo nahihilo ang pakiramdam ko.Tinatamad na bumangon ako at naupo na lamang sa ibabaw ng kama. Ngunit mayamaya lamang ay bigla akong napatakbo papasok sa banyo nang tila hinahalukay ang aking sikmura.Halos lahat ng laman ng aking tiyan ay nailabas ko sa inidoro. Tubig na maasim-asim lang naman ang isinuka ko dahil wala namang laman ang tiyan ko mula kagabi kundi alak. Hindi nga pala ako nakakain ng dinner kagabi dahil sa nangyaring eksena sa party. Buwisit talaga ang Bovic na iyan. Gagawa at gagawa siya ng paraan para mapahiya ako sa maraming tao. Mabuti na lamang dumating ang aking night in shining armor sa katauhan ni Phil.Bigla akong natigilan nang maalala ko si Phil. First time naming mag-inuman kagabi at gusto ko sanang i-treasu
Amber PovKaagad na humingi ako ng paumanhin kay Lolo Fidel at Tita Aloha dahil sa nangyari sa party last night. Ayokong nang dahil sa bagay na iyon ay masira ako kay Lolo Fidel at bumalik naman ang pagiging masungit sa akin ni Tita Aloha."Sorry po talaga, Lolo Fidel. Tita Aloha. Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari," kahit anong sermon ang gawin nila sa akin ay tatanggapin ko. May kasalanan din ako dahil hindi ako nag-ingat. Dapat pumasok sa isip ko na may gagawing hindi maganda si Bovic kaya dapat ay iniwasan ko na siya. "Huwag kang mag-alala dahil hindi kami nagagalit sa'yo, Amber. Hindi mo kasalanan ang nangyari dahil ikaw ang biktima rito," sagot sa akin ni Lolo.Parang gusto kong maiyak sa tuwa. Napakabait ni Lolo Fidel sa akin. Kahit na nadungisan ko ang pangalan nila ay hindi niya ako pinagalitan."I'm sorry din po, Tita Aloha. Dahil sa akin ay napahiya ka sa party," paumanhin ko ulit sa kanya.Huminga ng malalim si Tita Aloha bago sumagot. "May kasalanan din ako sa nangya
Amber PovPapasok na ako sa kuwarto namin nang tawagin ni Karen ang pangalan ko. Sinundan pala niya ako papunta rito sa aming kuwarto. Nakasimangot na nilingon ko siya."Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Halatadong napipilitan lamang ako na kausapin siya."Aminin mo sa akin, Amber. Alam mo na bumagsak ang laruang ipis ni Pao sa isa sa apat na dala mong baso na may lamang iced tea ngunit nagkunwari kang hindi mo ito napansin. Pagkatapos ay siniguro mo na sa akin mapupunta ang basong may ipis para ako makainom niyon, di ba?"Pumalakpak ako ng mahina dahil nahulaan niya ang ginawa ko kanina. Akala ba niya ay siya lamang ang marunong mag-isip ng scheme? Well, nagkakamali siya. Dahil marunong din ako niyon. Ngunit siya ang nag-umpisa kaya hindi niya ako dapat sisihin."Magaling ka, Karen. Nahulaan mo ang totoong nangyari," nang-iinis na ngisi ko sa kanya."How dare you scheme on me!" galit na sigaw ni Karen. Tinangka niya akong sampalin ngunit mabilis kong nasalag ang kanyang kamay.
Amber PovMagkasabay kaming napatili ng malakas ni Tita Aloha nang paulanan kami ng bala ng mga taong sakay ng itim na kotseng sumusunod sa amin. "Who the hell are they?" nanginginig sa takot na tanong ni Tita Aloha habang bahagyang nakayuko ang ulo sa takot na baka matamaan ng bala. "May malaking atraso ka ba sa ibang tao? May inutangan ka ba na hindi mo binayaran kaya ipinapapatay ka na, Amber?""Hindi ko alam kung sino sila, Tita Aloha. At wala rin akong atraso o utang sa ibang tao kaya hindi ko alam kung bakit nais nila tayong patayin," mabilis kong sagot sa kanya. Muli kaming napatili nang paulanan ulit kami ng bala ng kotseng sumusunod sa amin."Bilisan mo, Amber! Maaabutan na nila tayo!" takot na sigaw ni Tita Aloha.Malawak at bago pa lamang na nabuksan ang kalsadang tinatahak ng kotse ko kaya wala pang masyadong dumadaan. Maaaring magkarerahan ang mga sasakyan sa kalsadang ito dahil walang mga enforcer na maninita. Ngunit hindi ako sanay magpatakbo ng kotse na sobrang bilis.
Amber PovMahinang ungol ang namutawi sa aking mga labi habang pinagbabalikan ako ng aking malay. "Amber. Gising ka na? How are you? Ano ang masakit sa'yo?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Phil. Hindi ko pa man naimumulat ang aking mga mata ay kinakausap na niya ako.Unti-unting iminulat ko ang aking mga mata. Sa kabila ng nararamdaman kong sakit sa aking katawan ay nakaramdam pa rin ako ng saya nang makita ko si Phil na nakatayo sa aking tabi at nakahawak sa isa kong kamay. Lihim akong kinilig nang dalhin niya sa kanyang mga labi ang aking kamay at marahang hinalikan ang likuran ng aking palad."Phil," paos ang boses na sambit ko sa pangalan niya."May nararamdaman ka bang masakit sa'yo? Sabihin mo sa akin at tatawag ako ng doktor," hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha niya ngunit naroon naman ang tuwa na makitang gising na ako.Mahinang umiling ako. Masakit ang katawan ko na para bang binugbog ako ng sampung kalalakihan at masakit din ang bahagi ng aking ulo dahil na
Amber PovPagkalabas ko ng ospital ay hindi muna ako pinayagan ni Phil na lumabas ng bahay. Masyado raw delikado at ayaw niyang maulit ang masamang mangyari sa akin. Hindi pa kasi nahuhuli ng mga pulis ang mga taong sakay ng kotseng itim na nagtangka sa buhay namin ni Tita Aloha. Sa una ay kinikilig ako sa tila paghihigpitsa akin ni Phil at pagpapakita ng labis na pag-aalala. Walang reklamo na sinunod ko ang gusto niya. Ngunit habang tumatagal ay masyado na akong nabo-bored sa loob ng bahay. Wala akong ginagawa kundi manood ng telebisyon, kumain, magbasa ng pocket book at matulog. Nakaka-bored ang araw-araw na ganitong routine."Alam kong masyado ka nang nabo-bored sa loob ng bahay, Amber. Gusto mo bang lumabas at magsaya?" tanong sa akin ni Lolo habang nakaupo kami sa couch at kumakain ng banana cue na niluto ni butler slash chef na si Felix."Opo, Lo. Bores na talaga ako. Pero tiyak na uulanin ako ng sermon ni Phil kapag nalaman niyang hindi ko siya sinunod," naka-pout ang nguso na
Amber PovHanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik si Phil at walang kibo. Ngunit ramdam ko ang tinitimpi niyang galit sa akin.Nauna siyang pumasok sa bahay at deretso agad siya sa aming silid. Hindi naman agad pumasok sa loob ng silid namin dahil masyado akong nate-tense sa ipinapakita niyang ugali. Ngunit hindi naman maaaring dito na lamang ako manatili sa labas ng silid at nakatayo lamang. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga pagkatapos ay nagdesisyon akong pumasok na sa loob. Kailangan kong harapin ang galit niya. Hindi naman siguro niya ako sasaktan ng pisikal dahil lamang lumabas ako kahit na ipinagbilin niya na hindi ako maaaring lumabas dahil nga delikado ang sitwasyon ko ngayon.Pagpasok ko sa loob ng silid namin ay naabutan ko si Phil na umiinom ng alak habang nakatayo malapit sa kama. Mabagal na naglakad ako papunta sa kama. Ingat na ingat ako na hindi makagawa ng ingay ang aking mga paa na para bang may halimaw na magigising kapag lumikha ako ng kahit maliit n
Amber Pov"Aalis na po ako, Lolo," paalam ko kay Lolo Fidel, kinuha ko ang bag ko at isinukbit sa aking balikat pagkatapos ay naglakad ako palabas ng bahay."Mag-iingat ka palagi sa pagmamaneho, Amber," pahabol ni Lolo."Opo," pasigaw na sagot ko para marinig niya.One week na magmula nang mag-resume ang klase kaya pumapasok na ulit ako sa school. Mas nakakapag-pokus na ako ngayon sa aking pag-aaral dahil wala na akong part-time job na inaalala. Pagdating ko sa school ay ipinarada ko sa gilid, malapit sa may main gate ang kotse ko. Puwede ko namang ipasok sa loob ang kotse ko at doon na lamang iparada dahil may parkingan naman sa loob ngunit mas gusto kong dito sa labas lamang mag-park ng kotse. Gusto kong maglakad mula sa may gate papunta sa classroom namin. Ninanamnam ko kasi ang bawat segundo, minuto at oras na nandito ako sa school. Dati kasi kaag pumapasok ako sa school ay palagi akong nagmamadali kaya hindi ko man lang ma-enjoy na tanawin ang magandang kapaligiran ng school na
Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak