"No, your not.." Hindi pinansin ni King si ella dahil kaagad itong bumalik sa bench. Sinundan naman ito ng mga ka team niya saka si couch. Hindi ako makagalaw dahil ramdam ko parin ang titig sa akin ng kapatid ko. Suminghap ako bago ako sumunod sa kanila.Madaming concern kay king dahil sa nangyare. Halos lahat ng mga babae ay lumalapit para lang tingnan ang kalagayan ni King. Sinalubong kaagad ako ni Eros at kate."He's bleeding."Hindi ko maiwasang hindi mag aalala. Nasa tabe na kami ngayon habang nakatingin parin sa kanila. Nakita kong naupo na si king sa bench at kaagad naman itong tinabihan ni Ella. Ngumuso ako habang nakatingin sa dalawa."Okay kana king?.." Rinig kong tanong ng kasamahan nila. Tumango lang si king bilang sagot at nakita ko kaagad kong paano siya bumuntong hininga. Hindi ko matanggal ang mata ko dito ngunit bigla itong napatingin sa akin dahilan para mabilis pa sa alas kwatro ang pag iwas ko ng tingin.Nagsimula na ulit ang laro at this time sina Yuan nalang ang
Nilibang ko ang sarili ko sa panonood sa paligid. Tumingin ako sa mga picture frame nila na simula high school hanggang ngayon na collage na. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Hindi parin ako makapaniwala na meron silang sariling bahay dito sa paaralan. What if magpapatayo din ako ng ganito kay daddy? Pero sempre joke lang iyon."Are u done?.." Tanong ko pagkatapos kong libangin ang sarili sa panonood sa paligid ng kanilang HQ.Nilingon ko si king na talagang tapos na. Lumapit kaagad ako at kinuha ang phone ko saka ko tiningnan kong anong ginawa niya pero wala namang kakaiba. Nagpunta ako sa message at kinakabahan na baka nakita niya ang message sa akin ni mommy at daddy pero nong nabuksan ko halos makahinga ako ng maluwag ng nasa kabilang phone pala ang mga message sa akin ni mommy at daddy.Bumuntong hininga ako!"Aalis na ako."Hindi ko na hinintay na sumagot si king na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Kaagad akong nagpunta sa pintu pero hindi pa man ako nakarating sa pintuan na h
"Bakit mo ito ginagawa?.." Tanong ko pabalik.Sabik na sabik akong itanong yon sa kaniya. Gusto kong malaman kong bakit niya ito ginagawa kase base sa mga kwento sa akin ng kaibigan ko ay hindi basta bastang nag entertain o pumapansin si king ng babae.Kumunot ang kaniyang noo sa tanong ko habang ako naman ay naghihintay sa kaniyang sagot. Bumilis ang tibok ng puso ko. This time ay natigil ako sa pagkain."Doing what?.." Inosente nitong tanong.Ngumuso ako!"Ito? yong ganito?.." Sagot ko habang pinapahiwatig ko ang mga ginagawa niya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay at ilang sandaling natulala sa akin. Bumuntong hininga siya bago hinarap sa akin."What do you mean?.." Hindi ko alam kong nag maang maangan lang ba ang lalaking ito o talaga manhid ang lalaking ito. Umiwas ako saglit ng paningin saka palihim na kinalma ang sarili."Yong mga halik mo sa akin? Yong ganito? Yong pagluluto mo sa akin ng pagkain, yong lahat ng ginawa mo?.." Mahinang sabe ko habang naka iwas ang mata. Hindi k
Naningkit ang kaniyang mata na parang nag dududa. Umiling siya at sinubukan abutin ang aking kamay pero iniwas ito. Tinulak ko kaagad siya papasok sa gym pero kaagad din akong tumayo ng maayos. Sumalubong kaagad sa amin ang mga sigaw ng tao. Nasa likod kami dumaan, kong saan andun ang kanilang mga upuan."Ferrer?.." Sabay kaming napalingon sa kaniya at tumambad sa amin si couch. Una itong nakatingin sa akin at ngumiti bago bumaling kay king.Kinuha ko kaagad ang phone ko habang nag uusap si couch at king. Nag message kaagad ako sa dalawa kong kaibigan kong nasaan sila pero ang tanging sagot lang nila ay nasa gym parin pero hindi ko naman sila makita. Sumunod kaagad ako sa kanila ni couch nong pumasok sila.Napunta kaagad sa amin ang paningin ng mga tao na malapit lang sa amin. Ito na naman ang puso kong ang bilis ng kabog. Hindi talaga ako sanay kapag maraming nakatingin sa akin. Pakiramdam ko meron akong ginawang mali.Hinanap kaagad ng mata ko ang dalawa kong kaibigan sa loob ng gym
Napapikit ako sa nabasa kong message ng kapatid ko. Marami na siyang message sa akin ngunit hindi ko lang napansin kase naka silent. Nag vibrate naman ito kapag merong text o tawag pero ngayon lang naka silent. Siguro pinalitan ni king, siya lang naman ang may hawak ng phone ko.Kaagad akong tumakbo papunta sa parking lot. Wala ng masyasong tao at mabibilang nalang sila. Kaagad hinanap ng mata ko ang kotse ng kapatid ko at hindi naman ako nabigo dahil saktong umilaw ito at bukod don ay kilala ko rin ang kotse ng kapatid ko.Kaagad akong lumapit doon at walang ano anong pumasok. Kaagad akong nag seabelt. Hinabul ko muna ang hininga ko upang bumalik sa normal ang heartbeat ko. Kaagad kong tinanggap ang tubig na nilahad sa akin ni sky."Bakit ang tagal mo?.." Masungit nitong tanong kaagad sa akin.Huminga ako ng malalim saka nag exhale at inhale. Sinara ko kaagad ang mineral water saka bumaling sa kapatid kong nakatingin sa akin."Binigyan kase kami ng gagawin ni jigz at yon ay ang pagsi
At marami pang iba na nagpumilit na mag reply ako sa kaniya at mag goodnight man lang sana. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko. Hindi ko alam kong matatawa ba ako o ano.Me :Ahm...goodmorningYan lang ang tanging nasabe ko pagkatapos ng marami niyang message. Ilang minuto akong naghintay pero walang dumating. Napabuntong hininga ako saka bumaba sa kama. Hindi ako mahilig sa text kaya naman hihingi nalang siguro ako ng tawad sa kaniya kapag nagkita kami.Dumiretso ako sa banyo saka ginawa ang morning routine at pagkatapos non ay nag half bath ako at nagbihis. Nag message din ako sa kaibigan ko na goodmorning at katulad ni king ay hindi rin sila nag reply. Siguro tulog pa ang mga ito. Sabado lang kase at linggo ang rest ng mga student na tulad namin kase walang pasok.Kaagad akong bumaba at kumain ng breakfast. Kumunot lang aking noo ng hindi ko makita si sky at si dad, pero nong tinanong ko si mommy ay nasa kompaniya ito ngayon at nag train na kaagad. Mukhang hindi ata makakasama ang
"P-paano po ba malaman kong inlove ka?.." Hindi ko alam kong bakit pumasok sa isip ko ang ganitong tanong. Dahil siguro curious ako? Hindi ko talaga alam kong paano.Kumunot ang noo ni lola sa aking tanong. Nilapag niya ang kaniyang sa ibabaw ng piano saka bumaling sa akin. Kinabahan kaagad ako. Gusto ko lang malaman kong paano. Hindi ko kase alam kong bakit kusang pumasok sa isip ko ang tanong na yan. Ayoko ring magtanong kay mommy kase alam kong magugulat iyon lalong lalo na kay dad at sky na talagang magagalit iyon.Napatingin si lola sa kawalan bago ngumiti."Paano nga ba malaman kapag inlove ka? Hmm based of my experience apo, nalaman kong mahal ko ang lolo mo nong, laging bumibilis ang puso kapag lumalapit ito sayo. Palagi kang nakakaramdam ng kaba kahit na wala ka namang ginagawa. Hindi mo siya matanggal sa iyong isip at sa lahat lahat ng bagay ay naalala mo siya. Kapag inlove ka, hindi na siya matanggal sa isip mo. Hindi ka mapakali kapag lumalapit ito sayo.."Napamaang akong
Dahil sa sinabe sa akin ni lola ay lalo akong nakaramdam ng takot na hindi ko alam kong para saan. Mukhang hindi maganda ang naramdaman ko. Binalik ko kaagad ang mata sa bintana. Muli akong bumuntong hininga.Pumikit ako ng mariin at sumandal sa upuan ko.Ilang oras ang byahe namin bago namin narating ang bahay namin. Kaagad akong bumaba at sinalubong kaagad kami ni mommy. Nagtanong kaagad ito kong kmusta ang dinner namin at bonding ni lola at sinagot ko naman ito ng maayos habang nakangiti. Nag kwento ako kay mommy at pagkatapos non ay nagpunta ako sa taas upang magbihis. Mag sisimba kami ngayon kase araw ng linggo.Wala sina dad at sky nong umuwi kami dahil sabe ni mommy nasa business trip sila ngayon dahil parte iyon sa training ni sky bilang susunod na maging CEO. Mas lalong naging sikat ang aming kompaniya dahil sa galing na pagpapatakbo ni dad. Tinagurian si dad na isang business man at billionaire sa buong Asia.Sa araw na iyon ay nagsimba nga kami. Kasama ko sina mommy at kamb
"Why?.." Malamig pa rin ang kaniyang boses at hindi man lang nagbago. Huminga ako ng malalim!"Bumalik ka na roon, hindi pa tapos ang laro tapos kailangan ka nila..." Mahina pa rin ang boses ko. Sumalubong ang kaniyang kilay!"Kaya na nila iyon.." Malamig niyang sabe sa akin bago muli siyang tumalikod. Nataranta kaagad ako at kaagad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang braso. Natigilan si king. Hinrap ko naman siya."Pero kailangan ka nila. Kailangan mong bumalik doon.." Sabe ko pa na mas lalong ikinasalubong ng kaniyang kilay."Bakit hindi nalang ikaw ang bumalik doon at suportahan si Red sa laro tapos bilhan mo pa ng energy drink para mas maganda ang laro niya..." what?Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabePaano napunta kay Red ang usapan kung ang gusto ko lang naman ay bumalik siya roon para maglaro ulit. Kailangan siya ng kaniyang kasamahan. Saka anong meron doon kay Red? Hindi ko naman kilala ang lalaking iyon at kanina pa kami nag usap."Fúck it..." Rinig
"Lets go, sa likod tayo dadaan.." Nakangiting balita sa amin ni Eros. Kumunot ang noo ni Kate."Ha?, Pwede ba tayo dumaan doon?.." Nagtatakang tanong ni Kate. Bawal kase ang studyante na pumasok sa likod ng court na ito dahil para lamang iyon sa mga players saka sa mga stuff o kabilang sa mga maglalaro."Oo naman no pwede, naka usap ko si josh pwede tayong papasok doon.." Si josh ang tinutukoy niyang SSG president. Napangiti kami ng tuluyan saka hindi nag dalawang isip na tumakbo doon. Rinig na rinig pa rin namin ang sigawan sa loob dahil sa laro. Gusto ko ng manood at sempre gusto ko rin makita si King.Kaagad naman kaming nakapasok dahil na rin sa tulong ni Josh ang SSG president na kaibigan ni Eros. Tumambad kaagad sa amin ang mga stuff, instructors, yung mga student na assign sa mga drink at marami pang iba. Nakayuko kaming nilagpasan sila saka kami pumasok sa court talaga at halos mapasinghap ako sa sobrang dami ng tao."Eros dito..." Namataan kaagad namin si Josh na nauna na pal
Kaagad napunta ang mata ko sa lupa at nakita ko roon ang burger na meron ng kagat. Kaagad akong yumuko at kinuha ito at hindi na pinansin ang uniform kong basa."Miss hindi ka ba tumingin sa dinadaanan mo?.." He's pissedNapalunok ako!Natulala ako sa kaniyang burger na mukhang hindi na makakain kase naman madumi na saka may lupa na. Dahan dahan akong tumingala sa kaniya dahilan para tumambad sa akin ang isang gwapong lalake na naka uniform na pang basketball."Hindi ko sinasadya, i am sorry..." Mahina kong sabe. Ilang saglit kaming nagtitigan dahilan para makita ang unti unting paglaki ng kaniyang singkit na mata at paglaglag ng kaniyang panga. Kumunot ang aking noo at yung galit kanina sa kaniyang mukha ay unti unting nawala at napalitan ng paghanga saka malambot na expressionDahan dahan akong tumayo!"Im sorry talaga, papalitan ko nalang okay lang ba?.." Natarantang tanong ko pero wala akong nakuhang sagot dahil natulala lamang ito sa akin.Kumurap kurap ako!"Is that Red?..""Shí
Ngumuso ako!Hindi na ako sumagot sa kaniyang tanong instead ay dahan dahan akong yumuko. Humawak ako sa mesa saka dahan dahan na yumuko hanggang sa magpantay ang mukha namin ni Ethan. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Ethan dahil sa ginawa ko. Bahala na si batman, talagang desperada lang akong malaman kung ano ba talaga ang totoo kong nararamdaman."What are you doing?.." Bulong ni Ethan sa aking mukha. Hindi siya makagalaw at parang nag ugat ang kaniyang paa kung saan man siya naka upo ngayon.Lumunok ako!"W—wag kang magagalit sa gagawin ko ha? May gusto lang naman akong patunayan e..." Sabe ko sa kaniya"What?.." Sabe ni Ethan na mukhang gulat na gulat pa rin.Huminga ako ng malalim saka ko naman nilapit ang aking labi sa kaniyang pisngi. Ramdam ko ang paninigas ni Ethan dahil sa ginawa ko pero wala na akong pakealam roon. Pumikit ako saka pinakiramdaman ang aking sarili pero pang huling beses muli akong nabigo dahil talagang walang epekto sa akin si Ethan, Yuan, Enzo o yun
Tinawag ko na ito nang medyo malapit na ako sa kaniyang pwesto. Nakita ko naman kung paano huminto si Enzo sa paglalakad dahil narinig niyang tawag ko. Nakahinga ako ng maluwag doon nung tuluyan siyang huminto. Hays salamat naman. Kitang kita ko rin na nilibot pa ni Enzo ang kaniyang mata sa buong corridor bago niya ako nahanap.Kumaway naman ako sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo. Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa huminto ako sa kaniyang harapan. Hinihingal ako at halos hindi na ako makahinga ng maayos. Napahawak pa ako sa aking dibdib"Hey are you okay?.." Nag aalalang tanong ni Enzo bago hinaplos ang likod ko. Tumango ako kahit hinihingal pa rin ako. Ilang minuto muna akong nagpahinga hanggang sa unti unti nang bumabalik sa normal ang paghinga ko.Hinarap ko si Enzo!"Pwede ba akong humingi ng favor?.." Tanong ko kaagad at hindi na nagpaligoy ligoy pa. Kumunot ang noo ni Enzo habang nakatingin sa akin. Wala na pala yung babae kanina at mukhang naunang umalis."What is it?.."
Kaagad akong pumuwesto sa tree points at sinigurado ko talagang sapul ang bola sa ring."Go Tristan!!!!..."Ishoot ko na sana ang bola nung marinig ko ang boses na iyon na talagang umalingawngaw sa buong court. Mas malakas pa ang kaniyang boses sa mga taong nagtitilian. Kumunot ang aking noo at hinanap ang boses na iyon at napunta kaagad ang aking mata sa isang babaeng malaki ang ngiti habang nakatingin sa akin.Ella?Anong ginagawa niya rito?"King...." Bumalik lang ako sa ulirat nung naramdaman kong wala na sa akin ang bola dahil kaagad itong naagaw ng kalaban. Napailing ako. Narinig ko kaagad ang marahas na sigaw ni couch sa bleachers namin. Napatingin ako kay ella, anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Akala ko ba mamaya pa ang uwi niyan?Muli akong napailing!"Ferrer focus!.." Sigaw ni couch na nasa tabi ni ella. Bumuntong hininga ako saka muling naglaro. Nag focus nga ako muli sa laro at hindi na pinansin si ella na sumisigaw sigaw. Natapos kaagad ang first quarter na kami ang la
KING POV."Kain muna tayo, gutom na ako.." Sabi ni Yuan nung nasa loob na kami ng locker. Pinag break muna kami ni couch dahil meron pa silang meeting about sa intrams. Tahimik lang ako habang nagpupunas ako ng pawis ko."Gutom na rin ako.." Segunda naman ni Ethan. Tumingin silang lahat sa akin na parang hinihintay nila ang desisyon ko. Tinaasan ko sila ng kilay saka ako dahan dahan napailing"Lets go.." Sabe ko bago ako naunang lumabas.Gutom na rin naman ako dahil kaninang pa kami rito sa court nag eensayo dahil nextweek na ang laban namin. Kinuha ko kaagad ang selpon ko at tiningnan ang huling message namin ni kylee. Kumunot ang aking noo na hindi man lang nag message sa akin. Binalik ko ang phone ko sa aking bag saka nagpatuloy sa paglalakad. Siguro naman nandito na siya sa paaralan or nasa canteen na.Palabas na kami ng court nang namataan namin si Enzo na merong kausap na babae. Natigil kami sa paglalakad dahil sa nakita namin. Narinig ko kaagad ang yapak ng kaibigan kong lumapi
"Sinurprise ni ella sa king sa gitna ng laro..""Bagay na bagay talaga ang mag couple na ito.."Natigilan kaming tatlo nang marinig naman ang bulungan na iyon. Sabay sabay kaming napalingon sa tatlong babaeng kakapasok lang ng canteen. Namataan ko rin ang mga ibang babae na dali daling lumabas na ikinakunot ng noo namin. Pero teka tama ba ang narinig ko? Si ella at si king?"Anong nangyare?.." Naguguluhan na tanong ni Eros pero wala ni isa amin ni kate ang sumagot, sempre hindi namin alam. Tumayo kaagad si Eros at nilapitan ang tatlong babaeng kakapasok lang. Sumunod kaagad kami ni Kate na lumapit doon."Anong nangyare?." Tanong ulit ni Eros na ngayoy kaharap na ang tatlong babae. Nanatili akong nakatingin sa kanila habang naghihintay rin sa kanilang sasabihin."Si miss ella sinurprise si king sa gitna ng laro.." Sabe nung babae na animong sobrang nakakakilig.Napamaang ako at rinig na rinig ko naman ang marahas na singhap ng mga kaibigan kong nasa gilid ko lang. Hindi ko alam kung an
Gusto kong tumawa ng marinig ko ang boses lalaki ni Eros nung nagsalita ito. Nagkatitigan kami ni Kate at palihim tumawa. Pinigilan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkagat sa aking labe. Umiwas ako ng tingin saka kumain nalang ng cake na inorder para sa akin ni king.Nagpatuloy kami sa pagkain at habang tumatagal naman ay nagiging komportable na rin ang mga kaibigan ko. Pinag uusapan na nila ngayon ay tungkol sa laro at paparating na intrams. Hindi ako makasabay sa kanila dahil kumakain ako at ganun din si king pero natigil lamang kami sa pagkain nang biglang tumunog ang phone ni king sa kaniyang bag pero hindi sapat iyon upang tumigil sa pag uusap ang kaibigan ko at kaibigan ni king.Napatingin ako kay king nung kinuha niya ang kaniyang phone at nilabas ito saka tiningnan kong sinong tumawag. Natigilan ako ng mabasa ko ang pangalan ni Ella na tumatawag. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Biglang bumagsak ang puso ko sa dahilan na hindi ko alam. Kaagad akong umiwas ng