"W-WHAT?" gulat iyong mukha ko at pinipilit pa rin iyong sarili na magtanong.Tama ba iyong narinig ko?"A-Ano'ng sinabi mo?" nanginginig kong tanong. Nakagat ko pa ang pang ibabang labi ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Agad ko lang itong naramdaman pagkatapos ko marinig iyong sinabi niya.Wala man lang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin lang sa nanlalaki kong mata.Nakita kong tumaas iyong gilid ng labi niya. Umiling iling siya at saka bigla nalang hinawakan ang bewang ko. Naramdaman kong inalis niya ako sa kandungan niya.Napalunok ako at ilang ulit siyang sinulyapan.Hindi ako bingi para hindi marinig ng maayos iyong sinabi niya. Nasa harapan ko lang siya at sa klase ng pagkakasambit niya ng mga salitang iyon kanina, hindi iyon gaano kalakas at kahina.'Love you'Napakurap kurap ako at napatikhim. Umayos ako ng tayo at saka na naman siya palihim na sinulyapan.Ulitin mo 'yon!Napayuko ako ng kaunti. Napatingin ako sa mga kamay ko na ngayon ay nakasarado ang mga palad.Na
"M-MIE?" tinawag ko si Mommy nang makita ko siyang nasa tabi ni Allen. Nasa kaliwang kanan siya habang parehas silang nakaupo sa sofa. Nagsasalita si Mommy habang si Allen naman ay nasa harapan lang ang paningin.Alam kong may galit pa din siya kay Mommy. Kung ako ba naman siya, siguradong ganyan rin ang magagawa ko sa babaeng nang iwan sa akin noong bata ako. Iniwan ang asawa at anak para lang sa kakakilala pa lang na lalaki? Napakalaking kasalanan na no'n.Wala akong galit kila Mommy at Daddy. Wala rin akong alam sa tunay na rason kung bakit iyon ginawa ni Mommy, pero kasi, mali iyon, e. Hindi niya dapat iniwan nang ganon ganon nalang iyong anak niya. I mean, nangangailangan pa rin ng kalinga iyong bata.Lalo na't ang tatay din ng bata ay hindi siya inangkin. Prinotektahan man, patago naman. Itinuring lang siya nitong pamangkin.Mabuti nalang talaga nagka ayos na sila ngayon ni Daddy, Mommy at saka Tito Fanio. Sa ibang bata man nagpakatatay si Tito Fanio, ang mahalaga, hindi nagtaga
MALAKAS akong napahalakhak dahil sa pikon na mukha ni Damaris habang kumakain ng pasta sa restaurant na kinakainan namin ngayon. Katabi ko si Mommy habang katabi niya naman si Allen na napapansin kong kanina pa tudo titig sa akin.Napatawa nalang ako sa isipan ko dahil hanggang ngayon ay pinagpapawisan pa rin siya."Tumigil ka na nga, gaga!" inis na pagpapatigil sa akin ni Damaris. Mas lalo pa akong napahalakhak."Huwag mong sabihin, inlove ka kay Faxon?" asar ko. Agad na naman na nangunot ang noo niya."Hindi nga sabi! Ikakasal lang kami. Iyon lang iyon. Then, pagkatapos ng three years, iiwan ko na rin siya." Inirapan niya ako."Basta feel ko, mabubuntis ka!" napatawa ako. Inis niyang inilapag ang kutsara niya sa pinggan at padabog na umalis sa upuan. Naglakad siya papuntang isang pintuan nitong resto na mukhang CR yata."Hindi mo na dapat siya inasar pa," sinabi ni Mommy at saka natatawa akong inilingan. Napangiti ako."Halata naman na may pagtingin siya sa mapapangasawa niya, Mie."
NANGINGINIG ang labi at ibang mga parte ng katawan ko. Unti unting tumutulo iyong mga luha ko sa mata habang yakap yakap si Mommy na ngayon ay pilit akong pinapatahan. Umiiyak na rin siya."Shh, tahan na…" umiiyak na pagmamakaawa ni Mommy. Napatigil ako sa pagkakatunganga sa lalaking dahilan kung bakit ako takot na takot. Napatingin ako sa mamang pulis nang humarap ito sa amin. May inilahad siyang puting papel kay Daddy na nasa tabi lang din ni Mommy. Seryoso niyang tinanggap iyon at binasa.Napunta uli iyong atensyon ko kila Allen at Luis na ngayon ay parrhas na nasa loob ng kulungan.Hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking pinagkatiwalaan ko simula noong bata ako ay siyang mananakit sa akin ngayon ng ganito ka tindi.Luis, bakit mo ginawa iyon?Gusto ko siyang tanungin gamit ang linyang iyan. Ngunit, natatakot ako. Natatakot pa rin akong baka may gawin pa siyang mas matindi pa sa ginawa niya sa akin kanina.Napapikit ako at muling napaluha."Shhh…" naramdaman kong mas hinigpit
NASA KUWARTO ako ngayon. Nakatunganga at iniisip pa rin iyong pagkikita namin kanina.Allen.Ngayon ko lang napansin na nakalabas na pala siya ng kulungan. Muntik na niya kasing mawalan ng dugo si Luis sa kakasuntok ng araw na iyon kaya pinapasok muna siya sa silda ng mga pulis.Napakurap ako nang maalala iyong mukha ng kasama niya kanina na siyang umagaw rin sa bibilhin ko sanang cake.Hindi ba siya marunong bumili ng siya lang? Kailangan ba talagang sumama iyong babaeng iyon?"Ahhh!" inis kong sigaw.Ngayon, wala na akong cake. At kasalanan niya iyon.Napahiga ako sa kama bago pagod na napabuntong hininga.Hindi niya naman talaga kasalanan iyon. Naduwag lang akong ipaglaban iyong cake dahil sa nakita kong magkasama sila.September 1.Kinuha ko iyong cellphone ko malapit lang sa ulo ko at agad na tiningnan iyong kalendaryo sa cellphone ko.Happy Birthday, Self.Napangiti ako matapos batiin iyong sarili ko.Sana… si Allen…I mean, napermahan ko na, di ba? Ibig sabihin no'n, mag asawa
HINDI AKO makagalaw matapos tumalon ni Luis sa bintana ng kuwarto ko at saka walang lingon lingon nang umalis."God...Al, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Trisha. Napalunok ako. Nanginginig ang mga kamay na pinahiran ko iyong palad ko sa damit ko na para bang may kung anong dumi na kailangan mawala roon."Oy, bakit?" napansin yata ni Damaris iyong pagkabalisa ko kaya siya napatanong. Dali dali akong umiling. Mabilis na nagsilabasan iyong mga luha ko na siyang nagpainis sa akin.Bakit ba ako umiiyak?"W-Wala." Itinigil ko iyong pagpahid sa damit ko at saka binalingan sila ni Allen."Sigurado ka?" tanong ulit ni Trisha. Nakita kong inilapat niya iyong mga kamay niya sa balikat ni Allen na para bang pinapakalma niya ito gamit ang paggawa niya non. Agad na napakurap ako para mawala iyong mga butil ng luha ko na ngayon ay nasa gilid pa rin ng mga mata ko.How could she..Naramdaman kong napabaling sa akin iyong mga mata ni Allen. Sinulyapan ko ulit sila, ngunit sa pagkakataon na ito,
Allen HolmesMATAPOS kong marinig iyong pagkaayaw ni Thara sa akin, agad akong naglakad papalabas ng kuwarto niya at padabog na sinirado iyong pintuan.I can sense Damaris eyes were on me. Hindi ko na siya pinansin pa.Malalim iyong iniisip ko at hindi man lang makatingin sa mga bisitang nadadaanan ko. I should greet them, right?…but I cant.Masyado pa akong wala sa sarili at iyong mga salita niya pa rin iyong paulit ulit na bumabalik sa isipan ko.Bumalik ako sa mga kasama ko at saka wala sa mood na napaupo sa sofa katabi ni Faxon. Napansin kong may hindi na gaano kahabang mesa na nasa harapan namin. Meron na roong mga pagkain at mga inumin.Naramdaman kong napabaling sa akin iyong pinsan ko at saka iyong mga kasama ko."May nakaaway?" natatawang tanong ni Paul. I ignored him. Napansin niya siguro iyong sugat ko malapit sa labi kaya siya napatanong.Pinagmasdan ko ang paligid ng pansamantalang bahay nila ni Thara.'Ayoko na kay Allen..'Napaigting ang bagang ko at saka mariin na napa
NAPABUGA AKO ng hangin at saka muling tinitigan si Thara na ngayon ay nakatalikod sa amin habang nakaupo sa malapad na table kasama iyong mga magulang niya.Wish I could talk to her.May iilan ng mga bisitang nagpaalam sa pamilya Murillo. Gusto mang magpaalam na rin ng mga kasama ko, nagpumilit pa rin akong mag inuman na muna. Gusto ko pang uminom."Oh, sayo…" sinabi ng katabi ko. Naalis ko iyong atensyon ko sa babaeng kanina ko pa pinagmamasdan. Nilingon ko si Faxon at nakita kong hawak na niya iyong alak na siguro ay para sa akin.Kinuha ko agad iyon at agad na tinungga."Nice.." iling niya. Pinagmasdan ko ulit si Thara.Ang kanina. I wonder what she was thinking while I was gone with Trisha."Al?" hindi ko pinansin si Trisha nang magsalita siya sa harapan ko. Katabi niya si Leo at kanina ito ang kausap niya."Magtatagal ka ba talaga dito?" tanong niya. Agad akong tumango.Walang dahilan para umalis agad ako. Gusto ko rito."Kung ganon…mauna nalang ako…" sa pagkakataong ito, nilingo
ILANG linggo na ang nakalipas, but still, I am here, kissing my wife na para bang ilang taon siyang nawala sa akin."A-Al, ano ba!" Nagluluto siya ngayon ng pagkain naming dalawa habang ako ay nasa likuran niya at iniistorbo siya.Napatawa ako ng mahina at saka pinagpatuloy pa ang paghalik sa batok niya. Ang sarap niyang inisin. Ngunit, kailangan ko rin limitahan iyong ginagawa ko. Ayokong iwasan niya ako 'pag nagalit ko na siya ng tuluyan."Umupo ka na," utos niya. Kaagad ko siyang sinunod at saka naghintay na sa lamesa. Nakita kong umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya iyong ilang mga naluto niya kanina noong wala pa ako.Kanina kasi nang hindi pa ako dumating sa bahay nila, ni isa wala pa siyang naluto. Sinabi sa akin ni Tito Ed na mahilig raw magluto si Thara, so I asked her kung totoo nga ba iyon ng tuluyan na akong makabisita sa kanila. Hindi niya naman iyon itinanggi kaya naging madali lang sa aking paglutuin siya para sa hapunan naming dalawa.Napangiti ako nang mukhang masa
Allen HolmesI WAS stunned. For a moment, I though it was just my brain who's making this things up."Anak!" Nang marinig ang boses ni Mama, kaagad ko siyang nilingon at saka ko nakita silang lahat na magkakasama. Ibinalik ko iyong paningin sa asawa ko na ngayon ay nakahiga na sa lupa habang uubo ng dugo.Hindi ako makagalaw. Parang humina iyong oras dahilan para hindi kaagad ako makapagreak. Napailing iling ako at saka gumalaw.Dali dali kong nilapitan si Thara na ngayon ay nahihirapan. Kaagad na nanginig ang mga kamay ko ng mabuhat ko siya papaharap sa akin.Dugo. Napakaraming dugo ang nasa balikat at bibig niya. Napasinghap ako at nangilid ang mga luha sa mata.Dream. Panaginig lang 'to lahat.Ilang beses akong suminghap hanggang sa napansin ko ang mga taong nakapaligid na ngayon sa amin ni Thara.Damn it!Nilingon ko si Trisha. Kitang kita ko sa ekspresyon niya ang gulat habang nakatitig sa aming magkalapit ni Thara. She's still holding her gun na siyang dahilan ng pagsuka ng dugo
Anthara Murillo"B-BABY!" Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Muntik lang akong mahulog sa kinahihigaan ko, bumangon agad siya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Tipid akong napangiti dahil sa napapansin kong mga galaw niya."A-Are you okay? May...masakit ba? Asan? Saang parte ng katawa—""M-Mie, ayos lang ako." Hindi ko mapigilan hindi mapabuga ng hangin dahil sa hindi mapakali niyang ekspresyon. Alam kong nag aalala lang siya, ngunit, sa maliit lang na bagay?"S-Sorry. Baka kasi may masakit. Maayos ka na ba talaga?" Tumango ako. Naramdaman ko kaagad iyong dalawa niyang kamay na yumakap sa katawan ko."I really thank Him for giving you back to us." Napansin ko ang garalgal sa tono ng boses ni Mommy. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga naramdaman nila ni Daddy noong nawawala pa ako.Kung sana ay nag ingat lang ako at pinaglabaan ko iyong sarili ko. Puno rin kasi ng takot iyong reaksyon ko non kaya hindi na ako nakalaban pa. At kung lumaban pa ako, baka bumalik lang rin sa akin iy
MABILIS na pinaandar ko ang sasakyan ko papalayo roon sa building ni Luis at ng mga kasama niya. Nauna na akong umalis sa kanila habang sumisinghap.Shit! Shit!Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ko. Still, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kanina.Narinig kong nag ingay ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha iyon at saka nagpokus pa sa pagmamaneho."Damn! Nakita na si Thara!" sagot ni Faxon sa kabilang linya. Napangiti ako. So, it was true.Napapikit ako kahit na patuloy pa rin na gumagalaw ang sasakyan ko. I'm glad that she's safe now."Safe..." naibulong ko. Dinilat ko ang mga mata ko at saka inihinto ang sasakyan matapos maging minuto na ang segundo sa pagmamaneho. Lumabas ako ng sasakyan. Kaagad na naalerto ako nang makita ko ang mga pinsan ko sa labas ng Police Station. Nakita kong agad akong napansin ni Damaris. Naiiyak siyang napapikit bago dali daling tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako nang nasa harapan ko na siya."Al...nakita n-na siya..." Hindi ako nagsalit
Anthara Murillo"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ko sa mapapel na babaeng 'to. Gustong gusto ko na siyang sugurin para makaganti sa pagkulong niya sa akin rito sa kuwarto, ngunit hindi ko kaya.Nakagapos iyong dalawang kamay ko ng makapal na lubid habang nakaupo sa kama. Ilang araw na ako rito. Ngunit, ngayon lang tuluyan na humarap sa akin ang babaeng 'to."I really don't get it kung bakit hindi tinuloy ni Luis iyong pagrape sayo noong araw na iyon." Naismid siya nang matalim ko siyang pagmasdan.Napakawalang hiya niya!"Kahit na napainom ko na siya non ng gamot, hindi niya pa din nagawa." Umiling iling siya habang may hawak na alak sa kanang kamay. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Kaagad na napaalerto ako at saka siya mas sinamaan pa ng tingin.Bakit niya ba 'to ginagawa? Dahil ba sa pagmamahal niya sa lalaking mahal ko rin?Napatawa ako ng mahina kahit na umiinit na iyong gilid ng mga mata ko. Hindi pwedeng makita niya sa reaksyon ko na kinakabahan ako sa mga gagawin niya."Alam
"NAKAKAPAGSALITA ka?" tanong ni Faxon nang makaalis na kami sa mansion ng Lolo ko. Narito na kami ngayon sa opisina ng kompanya ko, nag iisip ng mga balak gawin para mapadali ang paghahanap kay Thara.I missed her, badly. Dahil sa kapabayaan kong magpauto sa kompanya ko, hindi ko siya nagawang iligtas.Napapikit ako. Sumandal ako sa swivel chair ko rito sa opisina at saka nag isip pa ng mga posible kong magawa para tuluyan ng mahanap si Thara.Ininom ko ang alak na nasa maliit na baso. Hawak hawak ko ito at nasa kanan kamay ko.Where is she? Kunti nalang at mababaliw na ako sa kakaisip kung ano na ngayon ang nangyayari sa kanya."Hey, nakakapagsalita ka nga?" Kanina pa tanong ng tanong ang isang 'to.Napapikit ako ng mariin."Damn, man. Magsalita ka naman." Binuksan ko ang mga mata ko. Hirap na hirap na nga ako sa isang salita pa lang. I can't even mention my own name. Kahit ang sa asawa ko. Salitang 'ra' lang ang kaya kong banggitin."Okay okay. I'm just curious, that's all. Come on.
Allen HolmesNASAAN siya? Hindi ko na tinapos pa ang mga mahahalagang papeles na kailangan ng lagyan ng perma ko.Si Thara. I can't reach her."Where the hell are you? Bakit ka umalis?" ang Lolo ko. Kanina niya pa ako tinatawagan ngunit agad ko rin na pinapatay ang tawag. Gusto niya akong pabalikin si opisina ng kompanya ko, ngunit ayoko. Alam kong nakabantay siya sa akin and I don't like it.Wala na sa atensyon ko iyong mga papeles na iyon. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makitang ligtas ang asawa ko.Fanio texted me while I was busy dealing with my workers earlier. Sinabi niya sa mensahe na may gulo raw na nagaganap sa Hospital namin ngayon. I texted back and asked him where is my wife, but then, he didn't answer. Siya iyong nagbabantay ngayon sa Hospital dahil siya lang naman ang wala pang ginagawa sa kompanya. And, base sa ilang text ni Damaris sa akin kung ano na ang mga nangyayari sa kanila ni Thara, sinabi niyang pupunta na naman silang Ospital para bisitahin ang mga m
"BAKIT...hindi mo sinabi?" tanong ko kay Allen nang nasa harapan na kami ng kotse niya. Umalis ako nang kuwarto nila Mommy at saka dumiretso na sa labas ng Ospital. Ngunit, sumunod siya sa akin. Kaya ginawa ko ng pagkakataon iyon para matanong siya kung bakit niya iyon ginawa ng hindi ko man lang nalalaman.Hindi nag ingay si Allen. Nanatili lang ang paningin niya sa sasakyan niyang nasa gilid ko lang."A-Allen...ano ba talaga?" kanina pa gustong maglandasan ng mga luha ko pero, para ano pa? Para maramdaman niyang ayaw kong maikasal sa kanya?Well, no. Kasal na kami. Ang...kinaiinisan ko lang, e bakit hindi ko man lang nalaman? Bakit hindi niya man lang ako tinanong? Hindi ba may karapatan din ako? Ako iyong papakasalan niya.Nakakagulat man sa totoo lang iyong mga nalaman ko kanina, mas sobra sobra iyong inis ko sa kanya dahil sa hindi niya man lang muna ako tinanong."Alam mo...dahil sa mga ginawa mong iyon, iniisip ko kung baka alam mo na iyong sagot ko. Iniisip ko kung...baka pina
TIPID akong ngumiti kay Mommy nang tanungin niya kami ni Allen kung kumain na ba kami. Nakaupo kaming magkatabi ni Allen sa malapad na sofa habang iyong isang kamay niya ay nasa balikat ko nakalapat. Nasa harapan namin sila Mommy at Daddy ngunit tudo pa rin siya bulong sa akin ng salitang 'sorry'.Halos sampong beses na niya yata iyong binubulong sa tainga ko dahilan para mapansin na kami ni Daddy."May pinag uusapan kayo?" nakataas iyong isang kilay niya. Kaagad na umiling iling ako sa tanong ni Daddy."W-Wala po." Nginitian ko siya. Ilang segundo niya muna kaming pinagmasdan bago bumalik sa pakikipag usap kay Mommy na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga pagkain sa lamesa."Sorry.." bulong ulit ng katabi ko. Kanina pa ako nakikiliti kaya tudo yuko ako at pasikritong pumipikit para hindi mapansin ni Daddy."Ayos na, okay? Tumigil ka na…" sinabi ko bago napasinghap. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagtaas ng gilid ng labi niya. Hinalikan niya ako ng mabilisan sa pisngi dahi