"Yes. Tama ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko sa 'yo, Angela. Ang mommy mo ang rason kaya ako nagdesisyon na magresign sa trabaho kong 'yon. Okay. Makinig ka sa sasabihin ko kung hindi mo pa alam ang tungkol dito. Hindi pa naman pala sa 'yo sinasabi ng mommy mo ang tungkol dito, eh. Akala ko pa naman ay may alam ka na, 'yon pala ay wala pa. Magpapaliwanag ako ngayon din sa 'yo. Baka nakakalimutan lang na ipaalam sa 'yo ng mommy mo ang tungkol dito kaya ako na ang magpapaliwanag sa 'yo," sabi pa ni Edward kay Angela na nakanguso sa harap niya."Sabihin mo na kasi para maintindihan ko na nang buong-buo. Wala talagang sinasabi ang mommy ko tungkol sa bagay na 'yan na sinabi mo sa akin, eh, kaya sabihin mo na. 'Wag mo nang patagalin pa, Edward," sabi naman ni Angela sa kanya. Tumango si Edward sa kanya pagkasabi niya.Humugot muna ito nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa kanya. Naghihintay lang talaga si Angela na sabihin niya kung ano man na paliwanag 'yon."Sinabihan ako ng
"Hindi. Hindi mo tatanggihan ang nais mangyari ng mommy ko para sa 'yo. Pumayag ka naman na, 'di ba? Ipagpatuloy mo na lang 'yon, Edward. Wala naman akong magagawa. Ayaw ko naman na tumanggi ka pa, eh. Ipagpatuloy mo na lang 'yan. Maliwanag ba sa 'yo ang sinasabi ko, huh?" malumanay na sagot ni Angela kay Edward."Sigurado ka ba sa sinasabi mo sa akin, Angela?" tanong pa ni Edward sa kanya bilang paninigurado nito sa kanya. Angela slowly nods her head and said, "Oo. Hindi naman ako magsasalita sa harap mo ngayon kung hindi ako sigurado, eh. Ipagpatuloy mo na lang 'yon, Edward. Ang importante sa akin ngayon ay—" he cut her off."Ano? Ano'ng importante sa 'yo ngayon, huh?" tanong nito sa kanya. Muli silang dalawa nagkatitigan sa isa't isa. Angela licked her lips and sighed deeply before she speaks to him."Ang importante sa akin ngayon ay nalaman ko ang tungkol sa bagay na 'yon na ang mommy ko ang may gusto na magresign ka sa trabaho lalo na at pinangakuan ka niya na siya na ang bahal
Bumuga muna ng malamig na hangin si Jenna bago sumagot kay Angela na kaibigan niya sa tanong nga nito. Sinipat niya ang kanyang orasan para i-check kung may oras pa para sa pag-uusap nilang dalawa na magkaibigan. Baka kasi oras na ng trabaho ay nagdadaldalan pa sila. May thirty minutes pa naman sila para mag-usap na dalawa."Kung ako ang nasa posisyon mo ay ganoon din siguro ang mararamdaman ko, eh. Maiinis rin ako sa mommy ko kapag ganoon nga ang ginawa niya. Well, naiintindihan naman kita kung bakit ka nagkakaganyan, Angela. Natural bilang isang anak na may pagmamahal at concern sa isang magulang ay nararamdaman mo talaga ang ganyan. Hindi maiiwasan 'yan, eh," sagot nga ni Jenna kay Angela na mabilis naman na na sa kanya. "Kung gusto mo na kausapin ang mommy mo tungkol d'yan ay desisyon mo 'yan. And I think it's really important both of you to talk about it.""Iyon naman talaga ang gagawin ko, eh. Kagabi ko pa nga siya gusto na makausap, eh, pero hindi puwede. Gusto ko na kaming dal
Naabutan ni Dina ang anak niyang si Angela na kumakain ng chocolate habang nakaupo ito sa couch na may pinapanood na kung anong video sa cell phone. Pagkakita ni Angela sa mommy niya na kararating pa lang ay mabilis siyang tumayo para magbigay galang dito. Binitiwan muna niya ang hawak niyang cell phone sa may mesa."Ginabi ka po ng uwi ngayon, mommy. Mukhang marami kayong ginawa sa opisina n'yo ngayong araw na 'to. Tama po ba ako?" sabi ni Angela sa mommy niya na nakatayo sa harap niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa kanya."Sinabi mo pa, Angela. Kaya ginabi na ako ng uwi dahil may tinapos pa kami sa opisina. Kung wala kaming tinapos na gawin ngayong araw na 'to ay kanina pa sana ako nakauwi. Nag-overtime na lang kami para matapos 'yon, eh. Kanina ka pa ba dumating mula sa trabaho mo?" seryosong sagot ni Dina kay Angela na anak niya. Tinanong niya si Angela kung kanina pa ito dumating sa trabaho niya."Opo. Kanina pa po ako dumating, mommy. Ano p
Araw-araw naman na maagang gumising si Angela dahil may trabaho siya at ganoon rin ang mommy niya. Pagkalabas niya mula sa kanyang trabaho ay tumungo na siya sa kusina. Nandoon na ang mommy niya na nagluluto. Binati kaagad niya ito ng good morning at binati rin naman nito siya pabalik."Tulungan na po kita sa pagluluto mo, mommy..." sabi ni Angela sa mommy niya."Huwag na, Angela. 'Wag mo na akong tulungan, okay? Salamat na lang sa tulong mo. Hintayin mo na lang ako na makatapos na magluto ng breakfast. Kanina pa ba umalis si Edward?" sagot ng mommy niya sa kanya. Tinatanong nito sa kanya kung kanina pa nakaalis si Edward. Wala naman siyang alam na aalis ito kaya napakunot-noo niya. Bakit siya tatanungin ng mommy niya tungkol doon? Wala naman siyang alam at hindi naman niya nakita si Edward kung saan nga ito pupunta kaya umalis ito.Wala rin naman siyang nagawa sapagkat ayaw naman ng mommy niya na tumulong siya sa pagluluto nito ng breakfast niya. She let out a deep sigh and slowly op
Dina cleared her throat and sighed deeply before she speaks to her daughter who is questioning her. Kita niya ang inis na nararamdaman ng anak niya na si Angela para sa kanya. Na-realize niya na tama naman ito ng sinasabi sa kanya."Kung naglilihim man nga ako sa 'yo ay wala ka nang karapatan pa doon, Angela. Hindi ka naman maaapektuhan kung maglilihim pa ako, 'di ba? You have your own life. Malaki ka na. May trabaho ka na and you can live without me as your mother. Am I right? Oo. Aaminin ko na sa 'yo, naglihim ako. It's my mistake, and I admit that in front of you pero wala ka naman na pakialam tungkol sa paglilihim ko na 'yon sa 'yo because it won't affect you. Inuulit ko muling sabihin 'yon sa 'yo, Angela," sabi ni Dina kay Angela na medyo nagagalit na sa kanya."May karapatan pa rin po akong malaman 'yon dahil anak mo po ako. Iyon po ang paninindigan at laban ko sa bagay na 'yan. Ang gusto ko lang po sana ay pinaalam mo naman sa akin ang tungkol sa bagay na 'yon, hindi 'yong mala
Hindi na kumain ng breakfast si Angela. Pumasok na siya sa trabaho. Galit siya sa mommy niya. Galit rin naman ang mommy niya sa kanya dahil sa naging sagutan nilang 'yon. Hinintay ni Dina na dumating ang boyfriend niya na si Edward para sabay silang kumain ng breakfast. Nang dumating na nga ito ay saka lang sila kumain ng breakfast. Late na sa trabaho si Dina ngunit okay lang raw basta masamahan niya nang maayos sa pagkain nila ng breakfast ang boyfriend niya. Nagtatanong si Edward sa kanya kung nasaan na si Angela at ang sagot naman niya ay pumasok na ito sa trabaho kanina. Nagkunwari siyang walang naging sagutan silang dalawa ng anak niya na si Angela. Ayaw naman niyang iparating o ipaalam 'yon kay Edward dahil baka kung ano pa ang isipin nito na nag-away silang dalawa ng anak niya dahil sa kanya. Mag-iisip si Edward n'yan na siya ang naging rason kaya nag-aaway ang dalawang mag-ina. Ayaw naman ni Dina na mag-isip ng ganoon ang boyfriend niya kaya hindi niya sasabihin ang tungkol d
Sinadya ni Angela na umuwi sa bahay nila na gabi na kaya naman nang dumating siya ay tahimik na doon sa loob ng bahay nila. Sigurado siya na tapos na kumain ng dinner ang mommy niya at boyfriend nito na si Edward. Dahan-dahan naman siyang umakyat sa hagdan patungo sa taas kung nasaan ang kuwarto niya. Nagbihis siya ng kanyang damit. Pagkabihis niya ay bumaba siya. Tumungo siya sa kusina para uminom ng malamig na tubig. May pagkain doon na para sa kanya. Hindi naman siya kakain pa ng dinner dahil kumain na siya. Busog na siya. Hindi naman siya nagtagal doon sa baba. Bumalik naman kaagad siya sa loob ng kuwarto niya. Ayaw rin niyang makita si Edward kaya pasalamat siya na hindi siya nakita nito. Kinaumagahan ay maagang umalis sa kanilang bahay si Angela. Hindi siya kumakain ng breakfast dahil sa labas na lang siya kakain. Ang plano niya ay kumain ng breakfast sa isang fast-food chain at 'yon nga ang gagawin niya. Alam niya na nagluluto ng breakfast si Dina na mommy niya. Ayaw naman ni