SHAINA Huminga ako nang malalim at lumunok nang sunod-sunod ng aking laway matapos 'yon. Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niyang 'yon. Pakakasalan ko na ba siya? Handa na ba akong maging ina ng mga magiging anak niya? Oh, no! Ayaw ko pa na maging isang ina sa totoo lang. Hindi pa ako handa sa bagay na 'yan. Mahirap maging isang magulang. Naghihintay siya sa isasagot ko sa kanya. Kailangan ay may maisagot ako kaya ang ginawa ko ay nagsalita pa rin ako. Hindi puwedeng hindi. "Napakalaking responsibilidad ang pagiging isang magulang, baby. Sa edad kong 'to ay baka hindi ko pa kayanin ang ganoon na responsibilidad, eh. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko lalo na sa pamilya ko. 'Pag kasi ay naging isang magulang na ako ay baka hindi ko na magawa o matupad ang mga pangako ko sa sarili ko at pamilya ko. Mahal kita, baby. Kung ikaw talaga ang lalaking nakatadhana na makasama ko sa habambuhay ay pakakasalan talaga kita, eh. Gusto kitang pakasalan pero hindi muna
SHAINA "Magandang hapon po," sabi ng babaeng maputi, matangkad at maganda sa akin pagkabukas ko ng gate ng bahay ni Jacob na boyfriend ko. Mukhang bata pa nga ito pero sa tingin ko medyo matanda ito sa akin ng ilang taon. Didiligan ko lang kasi 'yung ilang mga halaman doon sa may labas ng gate. "Magandang hapon rin po sa 'yo. Ano po ang kailangan mo?" magalang ko naman na sagot sa kanya. Tinanong ko siya kung ano ang kailangan niya. Lumapit na lang kasi siya bigla sa akin. Hindi ko naman sila kilala. Ngayon ko lang talaga nakita siya, eh. Sino ba ang babaeng nasa harapan ko ngayon?Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa akin. Panay ang tingin niya sa loob ng bahay ni Jacob na boyfriend ko. Mukhang may hinahanap ito sa loob, hindi ko alam kung sino. "Ikaw ba ang kasambahay sa bahay na 'yan, huh?" tanong niya sa akin at mabilis ko naman nga siyang tinanguan."Opo. Ako po ang kasambahay sa bahay na 'yan," sagot ko nga sa kanya.She nodded immediately.
SHAINA"Oh, my goodness! Si Isabel Dizon 'yon na kausap mo, Shaina! Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yon dito?!" tanong ni Amy sa akin pagkalabas nila sa gate ng bahay na pinagtatrabauhan nila. Nagulat na lang ako sa biglang paglabas nila. Nandoon pa rin ako sa labas ng bahay ni Jacob na boyfriend ko. Nakasunod lang si Lisa sa kanya.Humarap ako sa kanilang dalawa at nagsalita, "Ginulat n'yo naman akong dalawa. Akala ko ay kung sino na ang nagsasalita. Ikaw lang pala, Amy. Si Isabel nga 'yon. Siya pala si Isabel Dizon." Tumango siya pagkasabi ko."Yeah. Siya nga si Isabel Dizon at wala nang iba pa," sabi niya. "Paano n'yo nakita na kausap ko ang babaeng 'yon, huh?" nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa kung paano ako nila nakita na kausap si Isabel. Nagkatinginan silang dalawa ni Lisa bago siya sumagot sa tanong kong 'yon sa kanya."Nakita ka kasi ni Lisa kani-kanilang lang na kausap si Isabel. Nabigla nga siya pagkakita sa 'yo na kausap ang babaeng 'yon. Pagkakita nga niya sa 'yo na k
SHAINA"Baby, may importante pala akong sasabihin sa 'yo..." malumanay na wika ko sa boyfriend ko na si Jacob pagkapasok ko sa loob ng kuwarto niya. Humarap naman kaagad siya sa akin at nagsalita, "Ano 'yon, baby? Ano ang importante na sasabihin mo sa akin, huh?" Nagkatitigan kaming dalawa ng boyfriend ko na si Jacob. Parehas kaming dalawa na nakatayo. Tumayo siya pagkapasok ko.Humugot muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya. Napalunok pa nga ako ng aking laway ng dalawang beses."May babae kasing pumunta dito kaninang hapon," dahan-dahan na sabi ko sa kanya."Babae?" tanong niya sa akin. Umawang nang bahagya ang mga labi niya pagkasabi ko na may babaeng pumunta dito kanina.I slowly nods my head and said, "Oo, baby. May babaeng pumunta dito at hinahanap ka nga, eh. Gusto ka ngang makita at makausap." Nanlaki ang mga mata niya matapos kong sabihin 'yon sa kanya."Talaga ba? Hinahanap ako ng babaeng 'yon para makausap ako?" tanong pa niya sa akin bilang paninigu
SHAINA"Hindi totoo ang mga nalaman mong 'yon, baby. Hindi ko nabuntis si Isabel Dizon at wala kaming relasyon na dalawa. Walang katotohanan ang mga 'yon. 'Wag kang maniwala sa kanila. Walang katotohanan 'yon, okay? Sabihin mo d'yan sa mga kaibigan mo na hindi totoo ang mga nalaman nilang 'yon. Fake news lahat 'yon, huwag nilang paniniwalaan ang mga 'yon," sabi niya sa akin. Wala raw silang relasyong dalawa ni Isabel Dizon. Hindi rin totoo ang usap-usapan na nabuntis niya ito. Sa dami ng mga nalalaman ko ay hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Maniniwala ba ako sa sinasabi ng boyfriend ko sa akin? Kung 'yon ang totoo na sinasabi niya ay kailangan ko na paniwalaan 'yon ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagtatanong kung bakit gusto siyang makausap ni Isabel. Ano'ng importante ang sasabihin nito sa kanya? Wala naman silang relasyon pala. Hindi naman pala sila matalik na magkaibigan. Itinanggi 'yon niya sa akin kaya paniniwalaan ko. Isa pa sa hindi maalis-alis sa isipan
SHAINA "Huwag mong po-problemahin 'yan, baby. Binilhan kita kahapon ng bagong damit na isusuot mo ngayong araw na 'to," sabi niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko pagkasabi niya na huwag ko na nang problemahin ang isusuot ko sapagkat ay binilhan raw niya ako ng bagong damit kahapon."Talaga ba, baby? Binilhan mo ako ng isusuot ko para ngayon?" tanong ko sa kanya na hindi makapaniwala. He smiled at me and said, "Yes, baby. Binilhan nga kita kahapon. Gusto ko na isuot mo 'yon ngayon sa paglabas natin, okay?"Huminga ako nang malalim. Pinakita nga niya sa akin ang binili niyang damit para sa akin. It's a new white dress. Simple lang 'yon ngunit sa palagay ko ay mahal ang bili niya sa damit na 'yon."I think bagay 'yan sa 'yo, baby," nakangising sabi niya sa akin pagkaabot ng damit sa akin. Nakalagay pa nga ito sa isang paper bag. Bagong-bago talaga ang damit na binili niya. Tumango lang ako pagkasabi niya sa akin.Mukha namang bagay sa akin ang damit na 'yon na binili niya. First time k
SHAINANgumiti sa akin si Kuya Alfred pagkakita s aming dalawa ni Jacob na boyfriend ko na magkahawak-kamay. Binati pa nga niya ako at ganoon naman ang ginawa ko. "Ang ganda mo po, Ma'am Shaina. Mas lalo ka pong gumanda ngayon na nakaayos ka," nakangising sabi ni Kuya Alfred sa akin. Natigilan ako ng tawagin niya akong Ma'am Shaina. Bakit niya ako tinatawag na Ma'am Shaina? Hindi naman ganoon ang tawag niya sa akin dati. Shaina lang naman. Nakapagtataka nga lang na ganoon na ngayon ang tawag niya sa akin. Ano ba ang nakain niya at tinatawag na niya akong Ma'am Shaina ngayon?Nginitian ko siya at nagsalita, "Maraming salamat po, Kuya Alfred." Nakangiti rin siya sa akin."Walang anuman po 'yon, Ma'am Shaina. Maganda ka naman po talaga kahit Wala kang makeup," sagot niya sa akin na nakangiti. Huminga ako nang malalim bago nagsalita muli sa kanya."Kuya Alfred, ano po ba ang nakain mo ngayong araw na 'to?" malumanay na tanong ko sa kanya at napakunot-noo siya."Kumain lang ako ng kanin n
SHAINALumuhod kaming parehas na dalawa at taimtim na nagdasal. Nauna akong natapos sa kanya kaya bumalik ako sa pagkakaupo ko. Hinintay ko siyang matapos na manalangin. Mukhang marami-rami ang pinagdasal niya. Nang matapos siyang magdasal ay bumalik siya mula sa pagkakaupo sa tabi ko. "Marami ka yatang pinagdasal ngayong araw na 'to, baby. Mukhang pinagdasal mo na ngayon ang hindi mo pa naidadasal. Tama ba ako sa sinasabi ko sa 'yo, baby?" mahinang sabi ko sa kanya.Humugot muna siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa akin. Hinihintay ko lang naman siya na magsalita sa akin."Napansin mo talaga 'yon, baby..." sabi niya sa akin. I rolled my eyes and sighed deeply. "Of course, yes. Napansin ko naman talaga 'yon, baby. Kasama mo ako kaya mapapansin ko talaga 'yon, eh. Nauna akong natapos na magdasal sa 'yo kaya mapapansin ko talaga 'yon, baby," paliwanag ko sa kanya.Napangiwi siya sa sinabi kong 'yon sa kanya. Napalunok siya ng kanyang laway at pagkatapos ay muling nagp
Hello guys! Maraming salamat po sa inyong lahat na mga nagbasa ng kuwentong 'to. Sana po kayo ay nagandahan sa kuwentong 'to na sinulat ko. Sana ay may napulot kayong aral kahit papaano. Please share this book to your friends. Maraming salamat po sa inyong lahat! Basahin n'yo rin po ang kuwentong 'to "In Love With My Husband's Son" at sana po ay suportahan n'yo po 'yon kagaya ng pagsuporta n'yo sa kuwentong 'to. Support n'yo pa rin po ang ibang stories ko lalo na itong mga sumunod:• In Love With My Husband's Son • No Love Between Us• Release Me, Mr. Billionaire• A Perfect Man For Me• My Mom's Ex-Boyfriend• Save Me, Mr. Billionaire• Playboy's KarmaMaraming salamat po sa suporta n'yong lahat! Mahal na mahal ko po kayong lahat!❤️❤️❤️
SHAINA Mula sa delivery room ay inilipat na ako sa isang private room matapos ko na ipanganak ang panganay naming dalawa ng asawa ko na si Jacob. Isang malusog na lalaking sanggol ang isinilang ko. Dinala na rin siya sa room kung saan ako ngayon. Katabi ko na nga siya, eh. Maayos naman ang panganganak ko. Hindi naman nagkaroon ng problema. Kasama ko ngayon dito sa kuwarto ko ang asawa ko na si Jacob, pinsan niya na si Camille at Tita Delia. Wala pa sina mama at mga kapatid ko dahil papunta pa lang sila dito sa Maynila.Masayang-masaya kami sa binigay sa amin ng Panginoon na napakaguwapong anghel sa buhay namin ng asawa ko na si Jacob. Kamukhang-kamukha niya ang baby boy namin. Walang nagmana sa akin. Lahat ay nakuha sa kanya. Ang lakas talaga ng dugo ng asawa ko. Naluluha ako habang pinagmamasdan namin siya sa tabi ko."Ano ba ang ipapangalan natin sa kanya, baby?" tanong sa akin ng asawa ko na si Jacob kung ano ang ipapangalan namin sa baby boy namin.Hindi muna ako nagsalita sa ta
SHAINA Doon pa rin ako sa bahay namin natulog habang si Jacob naman na boyfriend ko ay bumalik sa hotel na pinag-check-in-an niya para doon siya matulog. Hinatid naman nga niya ako sa bahay namin matapos namin na mamasyal. Madilim na nga nang umalis siya sa bahay pabalik sa hotel na pinag-check-in-an niya.Isinama namin sina mama at mga kapatid ko sa airport para ihatid kaming dalawa ni Jacob. Umaga ang flight namin pabalik ng Maynila. First time ko na sasakay ng eroplano. Medyo kinabahan nga ako. Mahigpit na niyakap ko sina mama at mga kapatid ko bago kami pumasok sa loob ng airport. Naluluha muli ako habang niyayakap ko sila. Hindi ko alam kung kailan ko sila muling makikita at makakasama. Hindi naman ako sigurado na makakasunod silang dalawa sa Maynila lalo na nag-aaral ang mga kapatid ko. Ilang buwan pa bago magbakasiyon sila.Sabay kaming pumasok ni Jacob sa loob ng airport matapos na magpaalam ako sa kanila ay yakapin ko sila nang napakahigpit na para bang wala nang bukas pa.
SHAINA Tinulungan ako ni mama na mag-impake muli ng mga gamit ko pagkagaling ko sa bahay nina Sir Albert. Kinuwento ko rin naman sa kanya ang naging pag-uusap namin doon. Kinahapunan, akala ko ay aalis na kaming dalawa ni Jacob pabalik sa Maynila ngunit sinabi niya sa akin na bukas na lang kami aalis. Pinuntahan muli niya ako sa bahay namin. Gusto muna raw niyang magikot-ikot dito sa amin kaya pumayag naman ako na samahan siya. Si mama ang naiwan sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Pinakilala ko rin pala kay Jacob ang mga kapatid ko. Ayaw nga nila na lumapit sa kanya. Nahihiya siguro ang mga 'to dahil ngayon lang nila nakita si Jacob.Sinamahan ko si Jacob na mamasyal dito sa amin. Pumunta kami sa mga pasyalan dito sa amin na gusto niyang mapuntahan.Magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Kasama pa rin niya si Kuya Alan na naging tour guide na nga niya. May bayad naman si Kuya Alan sa pagsama sa kanya kaya walang problema."Nakausap mo na ba ang lalaking 'yon?
SHAINA Pumunta ako sa bahay nina Sir George kinabukasan. Inagahan ko ang pagpunta ko sa kanila. Tamang-tama ay kakatapos pa lang nila na kumain ng breakfast. Ayaw sana akong kausapin niya ngunit nakiusap ako na kausapin niya. May kailangan akong sabihin sa kanya. Doon kaming dalawa nag-usap malapit sa may garden ng bahay nila kung saan ginanap ang birthday party ng daddy niya. Isa-isang pinaliwanag ko sa kanya ang mga narinig at nakita niya kahapon. Hindi ko siya gustong saktan ngunit kailangan niya na malaman 'yon dahil 'yon ang totoo."Pinaasa mo lang pala ako, Shaina. Hindi mo naman pala ako mahal..." nakangusong sabi niya sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niya na marinig mula sa akin.I cleared my throat first and sighed deeply."Hindi po kita pinapaasa, Sir George. Nagsasabi po ako ng totoo sa harapan mo. Mas mabuti na po sigurong malaman mo ang totoo ngayon, eh, para matanggap mo kaagad na hindi po kita mahal. Sinubukan ko na mahalin ka o makaramdam ng pagmamahal sa '
SHAINA Gusto akong sumama ni Jacob sa hotel kung saan siya naka-check in ngunit hindi ako sumama sa kanya. Tumanggi ako sa kanya. Tumagal siya ng ilang oras sa bahay namin. Nakita niya ang hitsura ng bahay namin. Wala naman siyang komento sa bahay namin. Alam naman niya na mahirap lang kami kaya aware naman siya kung ano ang hitsura ng bahay namin. Matagal na nag-usap silang dalawa ng mama ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. Mabait naman siya sa mama ko. Wala naman siyang pinakita na hindi kanais-nais dito. Hindi naman siya nagmayabang o ano p. Hindi mo nga siya mapagkakamalan na mayaman sa hitsura ngayon niya. Simple lang suot niyang damit.Nang makaalis siya sa bahay namin ay nag-usap kaming dalawa ni mama. Sabi niya sa amin ni mama ay babalik raw siya bukas dito sa bahay namin. Masayang-masaya ako sa pagkikita naming dalawa. Pinuntahan talaga niya ako para makita. Ginawa niya 'yon dahil mahal niya ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito siya sa
SHAINA Habang nag-uusap kaming dalawa ni Jacob sa daan ay naramdaman ko ang presensiya ng mama ko sa likuran ko. Tahimik lang siya doon. Siguro ay nakikinig siya sa aming dalawa ni Jacob."Mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?" tanong ni Jacob sa akin.Huminga muli ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Oo, Jacob. Mahal pa rin kita hanggang ngayon," sabi ko sa kanya. Hindi naman ako nagsinungaling pa sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang totoo dahil 'yon naman talaga ang totoo, eh. Tutulo na ang mga luha ko sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko 'yon. Nginitian niya ako pagkasabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Nawala ang kunot ng noo niya sa sinabi kong 'yon."Natutuwa akong marinig muli sa 'yo na mahal mo pa rin ako, baby. Mahal pa rin naman kita hanggang ngayon, eh. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa 'yo kahit iniwan mo ako. Nandito ako sa harapan mo para makita ka at makasamang muli. Wala akong ibang sadya kundi 'yon lang talaga, okay? Masayang-masaya ako
SHAINASa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ay para bang kakawala na ito sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Jacob is here. Pinuntahan niya ako dito sa amin sa probinsiya. "Jacob... Ano'ng ginagawa mo dito sa amin?" nakaawang ang mga labi na tanong ko sa kanya. Nakakunot ang noo na nakatingin sa akin si Sir George. Nginitian niya ako at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong kong 'yon sa kanya kung ano'ng ginagawa niya dito sa amin."Nagulat ka ba sa pagpunta ko dito sa inyo?" mahinang tanong niya sa akin. Si Jacob nga talaga ang nasa harapan ko ngayon. Narinig ko muli ang baritonong boses niya na nakaka-in love pakinggan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Natutuwa ako na nasa harapan ko nga si Jacob na lalaking minamahal ko hanggang ngayon.Dahan-dahan ko naman nga na tinanguan siya at nagsalita, "Oo. Nagulat ako pagkakita ko sa 'yo ngayon, Jacob. Bakit ka nandito, huh?''Huminga muna siya nang malalim bago nagsal
JACOBForty-five minutes lang ang naging flight ko patungo sa probinsiya kung saan ko matatagpuan ang babaeng mahal ko. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinakyan ko ay napabuntong-hininga kaagad ako at napasabi sa sarili ko na magkikita na talaga kaming dalawa ni Shaina na babaeng minamahal ko. May naghihintay na sa akin na sasakyan sa labas ng airport. Sumakay naman na kaagad ako patungo sa hotel kung saan ako magi-stay habang nandito ako sa probinsiya ng babaeng mahal ko. Hindi ako sigurado kung makakabalik kaagad ako sa Maynila kaya sa isang hotel muna ako magi-stay habang nandito ako. Bukas na hapon ang flight ko pabalik ng Maynila. Kung hindi ako makauwi pa bukas ay ire-reschedule ko na lang ang flight ko pabalik sa Maynila sa susunod na araw. Kailangan talaga ay maisama ko na pabalik ang babaeng mahal ko na si Shaina sa Maynila. Hindi puwedeng hindi. Hindi puwedeng mabigo ako sa plano kong isasama ko na siya pauwi sa amin sa Maynila.Kumain muna ako ng lunch bago ako tumu