Natatakot ako 'yun ang nararamdaman ko ngayon. gusto kong tumakbo at lumayo, pero hindi ko magawa dahil malalagay sa kahihiyan ang buo kong pamilya ng dahil sa kasunduan na ito.
Dag-dag pang handa na ang lahat para sa kasal, katunayan nga n'yan nakasuot na ako ng wedding gown, at ilang minuto na lang ay mag uumpisa na akong mag-lakad patungo sa aking ka sumpa-sumpang buhay may asawa.
Grabe hindi ko talaga ma-feel ang kasal na ito feelings ko track and field runner ako na ready ng tumakbo ang bata kopa para maikasal sa lalaking ni minsan ay hindi ko pa nakikita.Naaawa talaga ako sarili ko pero wala akong magawa. Naisip ko tuloy si Kian.Sana pigilan nito ang kasal ko.Nasa ganun akong pag iisip ng makita kong pumasok si Mommy sa kwartong akupado ng bride.''Inchie anak two minutes na lang magsisimula ka ng lumakad, ang mga abay ay nakahanda na. kaya mag-handa kana rin huh?'' wika ni mommy na lumapit agad sa akin saka agad akong niyakap kaya niyakap ko din ito ng sobrang higpit.
''Ayos ka lang ba anak?'' tanong ni mommy sa akin na tinanguan ko lang. Wala kasi akong masabi kaya hindi nalang ako nag salita.
''Salamat anak at hindi mo kami binigo ng dad mo, alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo.'' sabi ulit ni mom.
''Okay lang ako Mom, 'wag n'yo po akong alalahanin.'' sabi ko kay Mom ng nakangiti para isipin ni Mommy na okay lang talaga ako kahit ang totoo ay hindi.
''Ate Inchie, susunod na 'daw po kayo kaya maghanda na 'daw po kayo.'' sabi ni Karen, ang pinaka bata kong pinsan, na agad ding umalis at bumalik sa loob.
Sa totoo lang gusto ko ng pabukahin ang lupa, tapos open arms akong magpapatihulog makatakas lang sa kasal na ito,pero hindi nga lang nangyari 'yon bagkos si dad naman ang dumating at niyakap ako ng mahigpit.''Napaka -ganda mo anak. Pero ayos ka lang ba anak? Pasensya ka na kung nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon, pero alam kong magugustuhan at mamahalin mo rin si Kaze mabait na bata ito.'' Sabi ni Dad sa akin saka ako binitiwan at hinawakan sa magka bilang balikat.
'''Wag po ninyo akong alalahanin Dad kaya ko ito. hindi naman po siguro mukhang halimaw 'yung ipapasakal n'yo sa akin di'ba dad?'' tanong ko na ikinatawa ng Dad ko saka nito ini offer ang braso niya upang kapitan ko habang lumalakad at papalapit sa lalaking nakatakda kong makasama habang buhay.
'' Ikaw talagang bata ka.'' nasabi ni dad sa akin habang pinipisil ang palad kong nanlalamig sa sobrang kaba.
''Tara na po dad, bago tumakbo ang mga paa ko'' aya ko kay dad kahit parang hirap na hirap akong ilakad ang mga paa ko papasok.
''Mabuti pa nga.'' sabi nito saka kami lumakad.
At nang malapit na ako sa pinto kung saan ang pagdadausan ng kasal, Hindi ko inaasahan na bigla nalang tutulo ang mga luha ko, habang pumapasok na sa loob.Bahagya ko pa ngang itiningala ang aking mukha upang tignan ang mga nasa paligid ko, pero wala akong makita dahil na rin siguro sa hilam na ng mga luha ko ang aking mga mata.
Pero kahit papaano naman ay Bahagya kong naaaninagan ang lalaking aking papakasalan, pero hindi kasing linaw upang masabing gwapo ito, dahil hilam nga ang mga mata ko ng mga luha ko.Hanggang sa naramdaman ko nalang na hinawakan ni dad ang kamay ko at ipinasa sa tinatawag nitong Kaze kanina. naramdaman kong tinanggap nito ang kamay ko saka ako nito inalalayan pahakbang patungo sa harap ng magkakasal sa amin.
Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko feeling ko talaga parang gripo na yung mata ko at walang tigiĺ ng tulo.
Sa totoo lang wala akong maintindihan sa sinasabi sa amin ng nagkakasal basta ang alam ko lang para akong nasa ulap at lumulutang lang.Nang bigla pisilin ni Kaze ung kamay ko at sundut sundutin ang tagiliran ko, kaya naman bigla kong naibaling ang tingin ko dito.Wow close? sabi ko sa sarili ko saka niya ako muling sinundot sa tagiliran na naging dahilan ng pag igtad kong muli.At sabay bulong nito nang?''Alam ko kung bakit ka umiiyak'' sabi nito kaya tumingin ako muli dito. Pero hindi ko pa rin ito maaninag.
Bukod pa don nahihiya akong makita ng ilang mga bisita ang pagpunas ko ng mata ko,Karamihan kasi sa kanila alam na arrange marriage lang ito.Hanggang sa magsalita ulit ito na ikinalaki ng mata.''Kaya ka umiiyak ng ganyan kasi hindi mo akalain na ganito pala ka gwapo ang papakasalan mo noh?''
Mayabang na sabi nito na nagpataas ng kilay ko.Anurawdaw? napakahangin naman pala ng isang to.
At napaka kapal din nito, ang yabang diba? Parang sanay na sanay na itong magsalita ng papuri sa kanyang sarili. Dahilan para punasan ko ang mga mata ko ko at makita ito ng malinaw. Tama naman ito gwapo ito, yun nga lang nasobrahan ito ng yabang sa katawan.'' Hoy 'wag ka naman masyadong pahalatang gwapong gwapo ka sa akin. alam ko naman na nai star struck ka sa akin eh.'' bulong nito sakin saka muling tumingin sa nagkakasal samin.''Kapal'' mahinang sabi ko.
Nakita kong ngumiti ang mga labi nito halatang narinig nito ang sinabi ko.Pero ang mas nag panigas ng buo kong katawan ay ang i announce na ng nagkakasal sa amin ang salitang''You may kiss the bride.'' sabi nito. Na ikinailing ko.
Oh my god nohh. Sigaw ng utak ko 'yung first kiss ko.
Lalo pa akong nanigas ng hawakan nito ang magkabila kong balikat saka nito ako ipinihit paharap dito.
Todo iling naman ang ginawa ko pero di ako nito pinansin.
parang aliw na aliw itong inisin ako.''Paano ba yan kiss na daw, pag bigyan na natin huh?'' sabi nito saka walang sabi sabing hinawakan nito ang balakang ko saka ako kinabig at hinalikan sa mga labi.
Grabe nanlalambot ang mga tuhod ko feeling ko pag inalis ni Kaze ung kamay niya sa likod ko bubuwal ako at babagsak.
Buti nalang hindi ako nito binitawan na parang alam niyang may posibilidad na bumagsak ako anumang oras.
''Hindi na masama, masarap ka naman pa lang kahalikan eh,.'' sabi nito saka niya ako hinarap sa mga nag vivideo at kumukuha ng mga litrato.
''Ang cute pala ng mukha mo pag nagagalit na. Ang pula oh '' sabi na naman nito na nakangiti. kaya naman sa sobrang inis ko tinapakan ko ang paa nito saka ko ito nginisihan.
''Ouchh..'' naisigaw nito dahilan para mapatingin ang ilang mga bisita.
''Opps. Sorry di ko sadya.'' mahinang sabi ko. Saka ako humarap at ngumiti sa camera.
Nakaganti rin sa wakas.
To be continued.Inchie KimNakatingin ako sa mga bisita habang napapaisip sa mga nangyari kanina. Natapos din ang sakalang naganap sa wakas.Tama sakalan at hindi kasalan dahil wala namang pagmamahal sa pagitan naming dalawa Pero hindi ang sa recepcion ng kasal, dahil hindi talaga ako nito tinigilan, grabe itong mang inis, panay ang haplos nito sa likod ko at pang aasar na nakakapagpataas talaga ng balahibo ko sa katawan. Saka ito ngingiti ng nakakaloko pag nakikita niyang nagagalit na tlga ako.Kainis na buhay ito, napakalakas palang mang high blood ang isang ito, lagi itong naka dikit sa akin para lang asarin ako, feeling niya ata close kaming dalawa.Hindi ba niya alam na hindi na niya kailangan pang sirain ang buong araw ko dahil mula ng pag usapan ang kasalan na ito ay talagang nasira na nito ang buong buhay ko, bukod sa sira na yung buhay ko. pinapatay niya ako sa inis.Pero sadya atang manhid ang isang ito, dahil hinawakan na naman ako nito sa braso ko at saka ako nito hinila sa mga kaibigan ko
Kaze Nandito ako ngayon sa may lobby at mag isang umiinom habang nakatingin sa ilang mga bisita sa paligid. matapos kasi akong tawaging orocan at plastic ni Inchie, sa harapan nila daddy at mommy, iniwan pa niya ako at pumunta sa mga kaibigan nito, takenote, dala pa rin nito 'yung stuff toy na regalo ng manliligaw nito. Sa totoo lang naiinis ako, hindi ko alam kung bakit tila inis na inis ako.''Kainis nasaan na ba ang babaeng iyon? ginagawa naman niya akong katatawanan sa harap ng mga bisita, naturingang kinasal kami na sa mga barkada naman niya ito.'' inis na sabi ko sa sarili ko saka ko inihagis yung baso sa sahig. Tumalsik ng bahagya ang bubog sa kamay ko kaya nakaramdam ako ng konting kirot.Saka ako mabilis lumakad para hagilapin si Inchie.mayamaya lang ay may natanawan akong mga anino sa may di kalayuan. at habang papalapit ako unti unti kong nakikita kung sino ang mga ito Si Kian hawak hawak ang mga kamay ni Inchie habang umiiyak eto.Ano naman kaya kakaiyak bang magpakasa
Inchie's POVBUSET........Bakit ba ang daming nangyari ngayong araw, ikinasal ako sa lalakeng maagang papatay ata sa akin. At lalaking di ata marunong gumalang sa babae. WHAAAAAAAAA!!!!Hiyaw ng utak ko dahil hindi ko magawang sumigaw kahit pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang inis ko sa halimaw na lalakeng to.Dahil matapos nito akong pag tripan sa lobby kung saan ginanap ung reception namin,Nakuha pa niya akong tabihan sa higaan, dahil hindi daw siya natutulog sa lapag or kahit sa sofa.Pero ng sabihin ko naman sa kanyang ako nalang ang sa sofa, bigla naman nito akong hinila at inihiga sa kama, at ng magpilit akong tumayo dinaganan lang naman ako nito. Saka sabay sabing.''Subukan mong tumayo ngayong araw na ito may mangyayari sa atin.'' banta nito kaya napatingin ako sa kanya, kitang kita kong seryoso mga mata nito at hindi nagbibiro.''Seryoso kabang lalake ka? Patatabihin mo ako dito sa tabi mo? Nasisiraan kana ba talaga?'' tanong ko dito, pero ngumiti lang ito.''Bakit hi
Kaze POVGrabe na ang antok ko, dahil sa babaeng ito hindi ko magawang matulog.Ewan ko ba, sanay naman akong makatulog na may kasamang babae sa kwarto, pero bakit ngayong gabi hirap na hirap akong matulog.Samantalang itong babaeng ito ang sarap na ng tulog. Parang walang kasamang lalake sa kwarto sanay ba talaga itong matulog na may lalaking katabi? bulong ko sa sarili ko habang naiiling na napapatingin dito.At nakanganga pa talaga siya huh? Bahagya kong inilapit ung mukha ko dito para matignan ko ito ng maigi, saka ko nakumpirmang maganda pala talaga ang mukha nito, maamo ang mukha nito at makinis at pantay ang kulay ng balat.Nasa ganun akong sitwasyon ng Bahagya itong kumilos at napayakap pa sa akin.kaya naman bumalik ako sa pagkakahiga. para kung sakaling magising na nga ito, isipin na lang nitong na tulog pa rin ako.Maya maya pa naramdaman kong bumangon ito at dahan dahang kumikilos paalis. so gising na talaga ito maya maya pa ay biglang huminto ito sa pagkilos.mukhang tini
Kaze Mahigit isang oras na ako dito sa kwarto na ito, napatingin na nga ako sa wall clock at nakita kong 10 a.m na.''Saan ba umorder ng pagkain ang babaeng 'yon sa ibang planeta?'' nasabi ko saka ko biglang hinagis ang remote at padabog na tumayo para lumabas. Nakakainis Bukod sa nagugutom na ako, sa lahat pa ng ayoko ay yung pinag hihintay ako kaya mabilis akong lumabas ng pinto.Pero sa pag bukas ko ng pinto para lumabas ay may nakasalubong akong delivery man, na may mga dalang boxes ng pagkain. Pero lumakad pa rin ako ng bahagya bago muling lumingon,doon ko napansin na tumapat ang delivery man doon sa room namin ni Inchie.Kaya naman bumalik ako para ma confirm ko kung nag utos nalang si inchie na magdala ng pagkain sa kwarto.''Excuse me may kailangan ka ba?'' tanong ko.''Ay opo kayo po ba si Mr. Kaze Fardo?'' tanong nito sa akin''Oo bakit?'' sabi ko''Ay Sir. Eto po pala 'yung pinapadeliver ng kaibigan nyong si Miss. Inchie kim, sabihin ko daw po sa inyo na don na daw po sil
Kian's POVThree days later...Andito ako sa balcony ng bahay. Nag iïsip kung kamusta na si Inchie at kung ano ng nangyari dito.. Tatlong araw na kasi ang lumipas mula ng mag away kami ni kaze sa restaurant kung saan naipit sa away namin si inchie.Hanggang ngayon nga may pasa parin ang mukha ko ng suntukin ako ni kaze matapos niyang marïnig ang mga sinabi ko kay Inchie..''Anong gusto mong palabasin ngayon Kian, na kung kaiĺan na kami kasal ni Inchie saka mo pa ipipilit ang nararamdaman mo para sa kanya? Bakit hindi nung panahon na hindi pa kami nakakasal? Bakit ngayon kung kailan mag asawa na kami? 'Di ba parang nakakalalake ka naman ata sa ginagawa mo?'' sigaw ni Kaze sa akin. Habang hawak hawak pa rin nito ang kamay ni Inchie alam kong nasasaktan si inchie sa pag haWak ni Kaze sa kanya dahil napapangiwi ito.''Oo Kaze sabihin mo nang nakakalalake ako sa ginagawa ko,pero nagsisïsi talaga ako na hinayaan ko na mapunta siya sa iyo, dahil hindi naman ikaw ang gusto niya kundi ako.'' s
Inchie's POVBakit ba ganito ang nangyayari? sa loob ng tatlong araw na pagsasama namin sa iisang bahay wala manlang akong pwedeng paglibangan.walang na ngang maids na pwedeng makausap manlang, wala pang pwedeng makausap na matino.Baka sa susunod pang mga araw mental na ang labas ko nito. Hay naku, nakakaburyong. Saka ako nagbuntong hininga ng medyo malakas.Dagdag pa na napaka tagal pa ng 2days bago ulit ako maka pasok sa school. alam kasi ng lahat ng mga ka school mates ko at ng teacher ko na kakakasal ko lang, kaya pumayag ang mga teacher ko na may one week akong bakasyon, para daw sa honeymoon namin ni kaze.yuck kami mag ha honeymoon? Di mangyayari 'yon i'm sure dahil never akong papayag. naku ha, sa totoo lang ayokong mag bakasyon noh ang hirap kayang may kasamang monggoloid sa bahay nakaka praning na nga nakaka bwisit pa.pero anong magagawa ko, hindi naman ako pinapayagan ni monggoloid na pumasok sa school.Ewan ko ba kung anong problema ng isang yon, hindi nga niya ako pi
Kaze's POVGabing gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.. Nakikita at naiisip ko yung nakita ko kanina.Dahil kung si kian pala ang sinasabi ni rachelle na gusto niya, paano na si inchie na baliw na baliw sa lalakeng yon.''Speaking of inchie? Saan nga pala nag punta ang isang yon? Kanina pa siya hindi umuuwi ahhh... Matawagan nga ang impakta..'' sabay kuha ko ng cellphone at dial.. Nagring na akala ko sa sagutin pero putekTut...tut.....tut........''Talagang pinatay huh'' nasabi ko nalang saka ko inihagis anp cellphone sa sofa...Nang bigla kong naisipamg tawagan si kian. At ng masagot na nga nïto ang cellphone sinabi ko agad na kung pwede kaming magkitang dalawa... At ng pumayag ito sinabi ko agad ang oras at lugar na pagkikitaan naming dalawa... Kailangan kong maka usap ito kung ano ang plano nya kay inchie at kay rachelle.Nang may nag door bell sa labas.''si impakta na ata ang nag door bell.. Humanda ka sa akin babae ka.'' sabi ko pa saka ako bumaba at bukas ng pin
Si shugine ikakasal na sa ex nito? na isang sikat na korean aktor sa bansa nila? 'yon ang huling balita ko dito matapos kong wasakin ng pinong pino ang laptop ko matapos kong mabalitaan iyon. ''Tsiii hindi ka magtatagumpay.'' naibulong ko.Patay ka talaga sa akin pag nakita kita. Hintayin mo lang ako pupuntahan talaga kita d'yan sa korea.Bulong ko bago ako sumakay sa kotse ko at iniwan si Blake.1week later.Bakit ba napakatagal ng celebrity na 'yon?Masyado naman siyang paimportante alam ba niyang marami akong ginagawang project ngayon na dapat maagang matapos ng makalipad na ako sa korea at ng masundo ko na ang lintik na babaeng mahal ko!''Direk matagal paba?'' tanong ko kay direk...''Malapit na 'daw siya. Teka ayan na pala siya.'' sabi ni direk saka kami napatingin sa kotseng parating.Bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kung anong mangyayari.At tama nga ako napatayo na lang ako habang lumalabas ang pigura ng isang babae na matagal ko ng gustong makita.Pero teka. May bu
Kian's POINT OF VIEW''FOCCUS'' Malakas na sigaw ng photographer sa akin habang walang tigil ang pagkuha nito.Maya-maya pa ay sumigaw na ito ng''Okay Kian ang galing mo talaga.Break tayo ng Five minutes okay? Pahinga ka na muna.ayusin n'yo na rin si Blake at siya na ang susunod.'' sigaw muli ni direk bago nito pinasadahan ang mga kuha ko sa screen ng computer.Lumabas na muna ako at nag pahangin ng mapansin ko ang bag ko kung san naka lawit ang isang doreimon na key chain sa zipper ng bag ko.''Totoo pala.'' bulong ko sa sarili ko ng may tumapik sa balikat ko.''Totoo ang alin?''''Wala wag mo na lang akong pansinin.'' sabi ko saka ko tinanggap ang tubig na inaabot nito.''Kahit 'di mo sabihin sa akin, alam kong na mimiss mo siya tama?''''Tumigil ka nga d'yan. Sino bang tinutukoy mo?''''Sino paba sa tingin mo? Edi si Shugine.''''Paano mo naman nasabi 'yan huh?''''Bakit hindi ba? Alam mo bang kalat na kalat na sa korea na ikakasal na si shugine sa korean actor na nabalitang ex
Rachelle's Point of view.Halos ilang oras akong nagbabad sa shower. Para lang maalis ang lagkit sa katawan ko.Bukod don ito rin ang paraan ko para marelax ako sa nakakastress na pangyayari ngayon sa buhay ko.Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko si Larry ngayon, halos anim na taon itong nawala kaya naman talagang nagulat ako sa pagdating nito.Ano bang dapat ang maramdaman ko ngayon? Dapat ba akong maging masaya? O dapat magalit ako?Nasa ganun akong pag iisip ng may marinig akong nag doorbell.Ini expect ko si Cjmilĺe kaya naman nag tapis nalang ako.Pero laking gulat ko ng hindi si Camille ang napagbuksan ko kundi si Larry, si Larry na pilit kong iniiwasan pero hinahanap ng puso ko at ng isip ko. Si Larry na laging nasa panaginip ko na mahal na mahal ko.''Mag usap tayo.'' At ngayon nakatayo ito sa harapan ko, mapungay ang mata at halatang lasing, ano bang dagat kong gawin? Naguguluhang sabi ko sa sarili ko.Pero sa bandang huli mas pinili ko nalang papasukin ito.Marahil gust
Rachelle's Point of view...Sobrang rinding rindi na ang tenga ko sa best friend kong si Camille sa kakadaldal nito tungkol sa tinakasang kong ka blind date na siya mismo ang nag set.Sa totoo lang matagal ko ng sinabi sa kanya na ayokong munang makipagdate o pumasok sa isang relasyon.Hindi naman sa bitter ako, hindi palang talaga ako handang makipag relasyon sa ngayon.Pati nga si Zig na halos tatlong taon ng nanliligaw sa akin ay di ko sinasagot dahil ayoko pa talaga hindi pa ako handa.Pero itong si Camille hindi sumusuko dahil wala pa rin itong tigil ng kaka set ng date na lagi ko namang hindi sinisipot.Kaya eto talak na naman ito ng talak.''Pwede ba Camille ang ingay mo.Kasalanan mo naman kung bakit ka napahiya di'ba? Umpisa palang sinabi ko na sa iyo na ayoko munang pumasok sa pakikipag relasyon pero sumisige ka pa rin, kaya kasalanan mo 'iyan.'' sabi ko dito na sinimangutan agad nito.Tumayo ito at umikot ikot sa loob ng opisina ko.''Eh kung si Mayor Dion kaya? Di'ba inaan
8 YEARS LATER.Padilim na ang kalangitan ng maisipan kong lumabas at tignan ang papalubog na araw.''ang ganda...'' bulong ko ng bigla akong mapasinghap ng malalim ng maramdaman ko ang lakas ng hangin.Muli ko nanamang naalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na anim na taon.Flashback...Inchie's Point of view..Labing isang bwan ng coma si kaze pero hindi pa rin ito nagigising mula ng maoperahan ang tumor nito sa ulo.kaya naman ng mga panahong yon hindi kona alam ang gagawin ko, maliliit pa lang ang kambal ko, na madalas na nasa pangangalaga ng byanan ko, dahil ako ang madalas nagbabantay kay kaze sa hospital ayoko kasing iwan ito dahil baka bigla itong magising ng hindi ako ang katabi..''hindi kapaba magpapahinga ate?'' tanong ng hipag ko. Kasalukuyan din itong nagbabantay sa kapaTid nya para maging kapalitan ko.Pero ewan koba, parang may nagtutulak sakin na wag akong umalis at iwan ang asawa ko ng bigla kong matanawan ang kamay ni kaze na gumalaw kaya naman.''kaze?'' lapit k
Inchie's POV.Nasa kwarto ako, kung saan nakahiga at nagpapahinga si kaze, alam kong pagod na pagod ito dahil kakatapos lang ng chemo nito,, halos araw araw kung sumuka ito at dumadalas narin ang pag sakit sakit ng ulo nito.. Sa totoo lang napaka laki na ng ipinayat ni kaze, unti unti narin nalalagas ang buhok nito.. At halos wala narin itong kulay dahil sa sobrang kaputlaan..Sa totoo nga nyan halos araw araw akong naiiyak sa tuwing nakikita ko ang mabilis na pag laglag ng katawan ni kaze. Lalo na sa tuwing dumadaing at namimilipit na ito sa sobrang sakit ng ulo.Nakikita ko nga minsan na sinusuntok na nito ang ulo nya, dahil siguro sa sobrang kirot at sakit na nararamdaman nito.. alam kong lumalaban si kaze para sa akin... Kahit alam namin na napaka baba na ng porsyento nito para maka survive.Ay di parin ako nawawalan ng pag asa may dyos na pwedeng maghimala.Kahit na sinabihan narin ako ng doktor na maslalo pa daw lumalala ang pagkalat ng cancer nito sa buong katawan ay di parin
Inchie's POV2years na ang lumipas, at masaya ako sa pagsasama namin ni kaze, totoong may mga problema,selosan, at awayan din nangyayari pero siguro sadyang ganun talaga ang buhay ng may mga asawa na...Hahaha gumaganon... Nabalitaan ko na nga rin pala nanganak na si rachelle, at girl ang baby nya.ang huli kong balita sa kanya kinuha na ito ng daddy nya matapos itong itakwil ni lance at di kilalanin ang baby nila... Habang si kian naman, bising busy sa mga events at gig ng mga barkada nito balita ko nga lilipad ulit sila sa singgapore para doon isagawa ang isang events ng grupo nila,,, sumisikat na talaga ang mga yon.... Pero balita ko rin masyadong daw na i stress si kian sa isang girl na ubod daw ng kulit, sa pagkakatanda ko sa pangalan nung girl ay shugine....Hay namimiss ko tuloy sila, buti sana kung gaya ni rachelle meron narin kaming baby ni kaze di siguro ako mabuburyong habang nag hihintay kay kaze... Alam nyo kasi hanggang ngayon wala pa rin kaming anak ni kaze, nakakalu
Inchies POVIlang araw na akong hindi pinapansin ni kaze, ano bang problema ng isang yon? Ni hindi manlang nya ako ginising, bago sya umalis, nakakainis na sya huh?Sabi ko sa sarili ko bago ako tuluyang tumayo sa higaan, at naligo.Pag baba ko ng hagdan dumiretso muna ako sa kusina para kumuha ng gatas sa ref.Pagkatapos non tuluyan na akong umalis ng bahay,.hanggang sa makasakay ako ng taxi ay bad trip na bad trip pa rin ako.kaya sigurado naka busangot ang mukha ko ngayon.''humanda ka sa akin mamaya...'' bantang sabi ko, na medyo napalakas ang pagkakasabi ko, kaya naman napatingin tuloy sa akin si manong driver...Akala ata nito nababaliw na ako, hehe sabagay konti nalang talaga maaaning na talaga ako..''hayyy!!! Kainis na talaga..'' inis na sabi ko.dagdag pa si manong naHanggang sa makarating na kami sa tapat ng school ay sige tingin parin ito sa akin.''manong tunaw na ko kanina pa...'' sabi ko saka ako dumukot sa wallet ko ng pera para iaabot kay manong saka ako tuluyang b
Inchie's POVKatatapos ko lang maligo ng mapansin kong, hindi ko pala naipasok sa loob ng CR ang mga gamit ko pangloob...Kaya naman sumilip ako sa pinto at nagulat ako sa nakita ko si kaze naka upo sa kama habang hawak hawak ang bra at panty ko..Kaya bigla ko itong tinakbo para kunin dito ang panty ko pero mas mali pala ang naging hakbang ko dahil nakatapis lang ako....Kaya naman sa sobrang gulat at pagka lito ko natawag ko lang ito sa pangalan nya, kaya eto ako ngayon gulat na gulat dahil bigla nalang akong hinalikan nito at mahigpit na niyayakap... Habang ang mga kamay nito ay nakahawak sa likod ko... Dyusko po anong nangyayari sa akin bakit gustong gusto ko ang pakiramdam na ito?Nang biglang bumitiw ang mga labi nito sa labi ko, saka ako tinignan ng mariin..Hindi ko alam ang nasa isip nito, at kung bakit ito nakatingin lang sa akin.. Kaya hindi ko na natagalan ang pagtingin dito kaya naman iniwas ko na mga mata ko sa mga mata nito, pero bigla nitong hinawakan ang baba ko saka