PAGKATAPOS nang eksena kanina ay kaagad namang pumasok sina Ace at Athena sa kanilang kuwarto. Pansamantalang na sa loob ng banyo si Athena habang si Ace naman ay nakahiga sa kama at ang kaniyang mga mata ay na sa kisame.
Nanumbalik sa kaniya ang mga tagpo noon na kailanman ay hindi niya makakalimutan. Mga tagpo noong panahon na hindi pa sila nagkakilala ni Athena.
"Sigurado ka na ba sa mga plano mo, Boss?" Tanong sa kaniya ng isa sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan. Nakahanda na siyang umalis at iwanan ang mga responsibilidad.
"Nag-usap na tayo sa bagay na ito at ayoko nang uulit-ulitin pa. Hayaan niyo muna akong makapag-isip. Walang puwedeng kumausap sa akin hangga't hindi ko sinasabi. Wala akong pakialam kung wala akong pera dahil kaya kong magtrabaho at magpanggap sa iba't-ibang pagkatao," aniya sa kaniyang tauhan kaya walang nagawa ito kung hindi tumango. Gustuhin niya man pigilan ang kaniyang amo ay tauhan lamang siya kaya tinikom na lang niya ang kaniyang bibig saka tahimik na sumunod.
Inutusan ni Ace ang kaniyang mga tauhan na iwanan na lamang siya sa lugar kung saan nakatira si Athena. Sa lugar kung saan kilalang-kilala ang pamilyang Lazarus. Walang ano mang dalang pera o gamit si Ace habang ang kaniyang mga damit ay gusot-gusot at puro sira pa. Malayong-malayo sa kinagisnan niya.
Simula sa araw na iyon ay naghanap siya ng kung ano-anong mga trabaho. Nagpanggap bilang delivery boy, kargador hanggang sa maging houseboy at driver ng pamilya Lazarus. Doon niya nakilala si Athena at unang kita niya pa lang sa babae ay nahulog na siya. Naging madalas ang kanilang pagkikita at pag-uusap dahil si Ace ay kaniyang driver hanggang sa isang araw nahulog na nga ang mga ito sa bawat-isa na siya ring naging dahilan para pagdesisyonan nilang magpakasal.
Maraming mga bagay at rason kung bakit kailangan iwanan ni Ace ang kaniyang kinagisnan subalit alam niya ang lahat ng ito ay may hangganan. Hindi habang buhay ay matatago niya ang kaniyang pagkatao at alam niya na unang makakaalam nito ang babaeng minahal niya. Pero nakahanda na siya sa lahat nang bagay na mangyayari. Hangga't kaya niya ay kailangan niyang itago ang buong pagkatao niya. Nakahanda siyang tiisin ang panglalait ng mga magulang ng babaeng minamahal niya para sa kaniya.
"Ace?"
Napabalik sa kaniyang huwisyo si Ace nang madinig ang boses ng kaniyang asawa kaya napalingon siya rito at ganoon na lamang ang kaniyang pagngiti nang makita ang magandang hubog ng katawan nito na siya ring dahilan upang magsimula na siyang tayuan. Hindi niya pa rin lubos na maisip na asawa niya ang magandang babae na ito.
"Halika rito," aniya at sumunod naman ang asawa. Humiga si Athena sa tabi niya kaya naman ay pinulupot niya ang kamay sa baywang nito. "Mahal na mahal kita, Athena at nakahanda akong gawin ang lahat para sa 'yo," dagdag na wika ni Ace kaya napangiti ito.
"Mahal na mahal rin kita, Ace at hangga't kaya ko, ipaglalaban kita sa pamilya ko," sambit niya kaya naman ay pumaibabaw siya sa asawa saka tinitigan ito sa kaniyang mga mata. Nakahanda na si Ace para sakupin ang mga labi ni Athena, subalit magkakasunod na katok ang pumukaw sa atensiyon nila kaya naman ay dismayadong napahiga si Ace sa tabi ng asawa at malakas na bumuntong-hininga.
"Open the door, Athena. May gustong kumausap sa 'yo," naririnig mula sa labas ang boses ni Ginang Lazarus sa loob ng kuwarto. Napatingin si Athena sa kaniya at tumango lamang si Ace bilang pagtugon.
"Kausapin ko lang si Mama, Ace," pagpapaalam na sambit ni Athena kaya ngumiti lang si Ace.
"Hinahanap ka ni Magnus, Athena," nagpanting naman ang tenga ni Ace nang banggitin ng babaeng biyenan ang isa sa mga manliligaw ni Athena at para bang sinasadya pa nito na lakasan ang boses para marinig niya.
"Ano ang ginagawa niya rito, Ma? Magnus should not be here. Ilang ulit ko bang sasabihin na kasal na ako!" Giit na wika ni Athena habang si Ace naman ay nakikinig pero sa kaloob-looban niya ay naiinis na siya.
"Kausapin mo lang. Tandaan mo, mayaman ang pamilya ni Magnus at ayokong mapahiya," nanginginig na ang kamay ni Ace sa galit dahil sa narinig mula sa biyenan at gustong-gusto niya na itong atakihin subalit hindi niya puwede itong gawin.
"Kakausapin ko siya kapag kasama ko si Ace," sambit ni Athena kaya napangiti siya dahil sa loyalty ng asawa niya sa kaniya.
"But—" hindi na natapos pa ng Ginang ang kaniyang sasabihin nang magdesisyon si Ace na magsalita.
"Sasamahan ko ang asawa ko, Mama at huwag kang mag-alala kakausapin namin siya nang maayos," sagot ni Ace kaya ganoon na lamang ang galit ng Ginang sa kaniya.
"Bwesit ka talaga!" Sambit nito at nag-martsa paalis. Inaya na rin siya ni Athena lumabas kaya sumunod si Ace sa kaniya.
"Tama ba ang gagawin ko na kausapin si Magnus, Ace?" Napalingon si Ace sa asawa dahil sa naging tanong niya. Isang malakas na hininga ang kaniyang pinakawalan bago magsalita.
"Kailangan mo siyang kausapin at ipaliwanag ang tungkol sa atin. Hindi puwedeng ganito, Athena. Kailangan niyang malaman na may asawa ka na," sagot ni Ace at ngumiti ang asawa sa kaniya. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa kung saan naghihintay si Magnus. Tumayo sa kinauupuan ang lalaki saka hinarap sila.
Ikinagulat naman nang lahat ang sunod na ginawa ni Magnus. Bigla itong lumapit sa kinaroonan ni Ace at Athena saka hindi nagdalawang isip na suntukin siya. Hindi iyon inilagan ni Ace kaya natamaan siya sa mukha.
Naririnig naman niya ang pagsigaw at pagpigil ni Athena kay Magnus ngunit ang paningin ni Ace ay na sa dalawang biyenan at sa kapatid ni Athena na wala man lang ginawa kung hindi panoorin silang magkagulo.
"Ano bang meron sa lalaking ito at mas pinili mo siya, Athena? Naghintay ako sa matamis mong oo pero sa lalaking ito ka lang pala mahuhulog!?" Magnus uttered na nagpakulo sa dugo ni Ace. Ayaw man niya nang gulo ngunit sumo-sobra na ang lalaking ito.
"Umalis ka na please!" Pagmamakaawa ni Athena kaya naman ay nabaling ang atensiyon ni Magnus sa asawa. Napaawang na lamang ang labi ni Ace nang biglang hapitin ng lalaki ang bewang ng asawa at akmang aambahan ng halik nang may ginawa siya para hindi magtagumpay ang lalaki.
HINILA niya si Magnus paalis saka sinuntok ito. Nandidilim na ang kaniyang paningin. Nakahanda siyang pumatay kapag asawa niya na ang pag-uusapan. Kaawa-awa na ang mukha ni Magnus at malapit na itong mapaslang ni Ace nang bigla siyang pigilan ng asawa kaya nahimasmasan ito.Kumaripas naman nang takbo si Magnus dahil sa ginawa ni Ace sa kaniya. Kaya naman ay hinarap ni Ace si Athena at ang kaniyang pamilya na ngayon ay pagkagulat ang rumehistro sa mga mukha nila."Paanong..." hindi na natapos pa ng kapatid ni Athena ang kaniyang sasabihin nang magsalita si Ace.At sabi niya, "Nakahanda akong pumatay kapag tungkol na kay Athena. Hindi ako kagaya ninyo na walang mga pakialam sa anak ninyo," at dahil sa sinabi ni Ace ay tumayo ang haligi ng tahanan ng mga Lazarus saka ito sinuntok. Hindi nanlaban si Ace."Papa, ano ba! Bakit mo ginawa iyon?" Sambit ni Athena at kaagad siyang tinulungan sa pagtayo."Hindi ko gusto ang tabas nang pananalita ng asawa mo, Athena! Kaya habang maaga pa ay paali
LAHAT ay may kaniya-kaniyang ginagawa sa loob nang tahanan ng mga Lazarus dahil ngayong araw ay kaarawan ng ina sa tahanan na si Ginang Felicity. Naglalakad si Ace Luther kasama ng kaniyang asawa upang iabot ang regalo na kanilang ibibigay sa ina. Maayos ang naging kasuotan ni Ace ngayong gabi sapagkat ito ay hiniling ng kaniyang asawa. Sa gabing ito ay hindi nagmumukhang dukha at hamak na driver lamang si Ace sapagkat may pinaghahandaan siya para sa gabi na ito.Nakasalubong pa nila sa daan ang panganay na kapatid ng kaniyang asawa at ganoon na lamang ang sama nang pagkakatitig nito sa kaniya.At ang sabi, "Ayos, nagmukha kang tao ngayong gabi, Ace," aniya na may kasama pa na tawa."Ano ka ba—" hindi na niya pinagpatuloy sa pagsasalita ang asawa dahil ayaw niya na mag-away pa ang mga ito nang dahil sa kaniya."Hayaan mo na. Ang mahalaga ay ngayong gabi," aniya sabay ngiti nang matamis sa asawa niya kaya ay nagbuntong-hininga na lamang ito at nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa
NAKATATAK pa rin sa isipan ni Athena ang mga salitang binitawan sa kaniya ni Ace. Lahat ay kaya nitong gawin para sa kanilang dalawa. Si Ace Luther ay dalawang buwan pa lamang na nagtatrabaho sa kanila bilang isang driver niya. Dati itong tagapangalaga ng hacienda ngunit inilipat ng mga magulang para bantayan siya. Sa araw-araw na sila ay magkasama at sa mga panahon na kailangan ni Athena nang kausap ay hindi ito nawala sa kaniyang tabi.Nahulog ang kaniyang loob at hindi kalaunan ay minahal niya ito na hindi inalam ang buong pagkatao ng lalaking mahal na mahal niya ngunit wala nang pakialam pa si Athena basta't para sa kaniya ay kung anong meron sa kanila. Sa sobrang takot na paghiwalayin silang dalawa ay nagpakasal na ang dalawa at ito ay mangyayari sa araw rin na ito."Ang ganda naman ng asawa ko," isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Athena nang banggitin ni Ace ang mga salitang iyon. Walang nakakaalam sa gagawin nilang pagpapakasal sa huwes. Tanging silang dalawa lan
MAHIGIT isang taon na simula noong maikasal si Ace kay Athena. Ilang buwan na rin niyang pinagtitiisan ang pamilyang Lazarus at umaabot na nga sa punto si Ace na nais niya na sila paslangin subalit matitigan lamang niya ang magandang mukha ng kaniyang asawa ay napapawi ang galit sa kaniyang dibdib.Isang taon na rin pala ang lumipas simula noong iwanan niya ang totoong buhay niya sa kadahilanang ninais niyang manahimik at mamuhay malayo sa katotohanan. Sa mga oras na ito ay kasalukuyang ginagawa ni Ace ang trabaho sa loob ng bahay. Wala ang kaniyang asawa dahil mayroon itong inaasikaso sa kompanya kaya nakakakuha nang tiyempo ang kaniyang mga manugang para api-apihin at utus-utusan siya."Ano pa ang ginagawa mo riyan, Ace! Kumilos ka na at marami ka pang gagawin! Huwag kang tatamad-tamad!" Umalingaw-ngaw ang matilis na boses ng ina ni Athena sa buong pasilyo ng mansion. Halos malalaking butil na ng pawis ang tumutulo sa kaniyang mukha dahil sa walang tigil nilang utos sa kaniya. Halos

PAGKATAPOS nang eksena kanina ay kaagad namang pumasok sina Ace at Athena sa kanilang kuwarto. Pansamantalang na sa loob ng banyo si Athena habang si Ace naman ay nakahiga sa kama at ang kaniyang mga mata ay na sa kisame.Nanumbalik sa kaniya ang mga tagpo noon na kailanman ay hindi niya makakalimutan. Mga tagpo noong panahon na hindi pa sila nagkakilala ni Athena."Sigurado ka na ba sa mga plano mo, Boss?" Tanong sa kaniya ng isa sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan. Nakahanda na siyang umalis at iwanan ang mga responsibilidad."Nag-usap na tayo sa bagay na ito at ayoko nang uulit-ulitin pa. Hayaan niyo muna akong makapag-isip. Walang puwedeng kumausap sa akin hangga't hindi ko sinasabi. Wala akong pakialam kung wala akong pera dahil kaya kong magtrabaho at magpanggap sa iba't-ibang pagkatao," aniya sa kaniyang tauhan kaya walang nagawa ito kung hindi tumango. Gustuhin niya man pigilan ang kaniyang amo ay tauhan lamang siya kaya tinikom na lang niya ang kaniyang bibig saka tahimik