Sosorpresahin sana niya Si Mateo sa kanilang first anniversary. Subalit siya ang nasorpresa. Walang kaalam alam sina Mateo at Elane na nasa likod nila si Zara. Naka kubli ito sa isang malaking puno ng mangga.
Panatag ang loob ni Zara kay Elane dahil mga bata palang sila ay matalik ng magkaibigan. Subalit hindi niya inaasahang sa isang lalaki lang sila umibig. Pero ang masaklap pa doon ay mas mahal siya ni Mateo. Kaya lang napilitan si Mateo na pakasalan si Zara dahil sa isang pagkakamali noong maglasingan ang kanilang mga barkada. May naganap sa kanila at hindi pweding hindi siya pananagutan ni Mateo. Lalo na at matalik na magkaibigan ang kanilang mga Ina. Nagkakilala sina Mateo at Elane. Noong araw na ng kanilang kasal.May pagka nerd kasi si Zara. Hindi siya maraming manamit at palaging nakasalamin na akala mo may sira sa mata. At sobrang kapal pa ng kaniyang kilay. Ang kanyang bohok palaging nakatali. At may katabaan pa ito. Ang mga suot ay palaging nakabistida at kung hindi naman nakabistida naka slacks ito at napalda.Kaya hindi maiwasan ni Mateo na tumingin sa iba.“Kailangan kulang pakisamahan si Zara.’ Sabi ni Elane kay Mateo.‘Kailan mo bang balak na hihiwalayan siya. Saad pa niya na tila malungkot ang mukha habang nakaharap siya sa lalaki at hawak naman ni Mateo ang kanyang kamay.“Bigyan mo pa ako ng kunting panahon.’ Sabi ni Mateo at sabay hawak niya sa pang ibabang labi ni Elane.“Maghihintay ako hon.” Sabi naman agad ni Elane at sabay yakap sa lalaki. Halos madurog ang puso ni Zara sa tagpong iyon. Doon kasi sila magkikita sa park. At dahil kaibigang matalik ni Zara si Elane. Kaya malaki ang kanyang tiwala dito. Subalit di niya inaasahan ang isang malaking secretong tinatago ng dalawa. Kung hindi niya pina una si Elane sa tagpuan nila ng asawa ay hindi sana niya malalaman ang isang secreto.May binili pa kasi siya na isang mahalagang regalo para sa asawa. Matagal din niyang pinag iponan ang regalo na iyon para sa asawa. Isang mamahaling relo. Na noon pa sanang gustong gusto na ni Mateo.Hindi napigilan ni Zara ang kanyang mga mata at sabay -sabay iyon pumapatak.Bigla siyang tumalikod at paakbang palayo sa dalawa.‘Tama na. Baka dadating na iyon at makita pa tayo.’ Agad naman sabi ni Elane. At agad nag ayos. Ngumiti muna si Mateo bago tumalima. Hanggang isang oras na ang lumipas. Medyo nainip na rin silang dalawa sa kahihintay kay Zara.“Nasaan na kaya ang babaeng iyon.’ Sabi agad ni Mateo.‘Teka lang. At tatawagan ko.” At agad dinayal ni Elane ang numero ni Zara. Subalit out of rich ito.Inulit pa niya ng apat na beses ngunit dina makontak ang number ni Zara.“Wala parin.? Sabi pa ni Mateo. Habang nakatingin kay Elane. Na biglang nag iba ang ekpresyon ng mukha nito. At biglang napuno ng pangamba na baka nakita sila ng babae.Pagkatapos mag empaki ni Zara agad siyang umalis sa bahay kung saan sila nakatira ni Mateo. At agad sumakay ng bus papuntang manila. Labis ang hinagpis at pagkabigo niya sa isang lalaking inakala niyang mahal siya. Lalo na sa kanyang kaibigan. Labis na nadurog ang kanyang puso. Hindi niya akalaing tatraydohin siya ng kanyang matalik na kaibigan at asawa. Habang nililisan niya ang lugar kung saan siya pinanganak ay hindi niya mapigilan ang hindi umiyak. Lalo na at hindi siya nakapag paalam sa Inay at Itay niya. Palaging nasa gunita niya ang tagpong nakita niya sa may park kung saan nandoon ang kanyang kaibigan at asawa.Lumuwas siya sa manila dahil may kapatid doon ang kanyang Itay. At matagal na din siyang hindi na nakabalik sa maynila.Dahil ilang oras din ang beyahe. Nakatulogan nalang niya ang kanyang mga isipin.“Miss nasa manila na po tayo.’Pukaw sa kanya ng kundoktor.Halos lahat ng pasahero ay nakababa na. Nagpalinga linga muna siya sa paligid bago tuluyang bumaba.Sumakay siya ng trysekel at itinuro sa driver ang address ng kanyang tiyahin na kapatid ng kanyang Itay.“Naku miss dagdagan mu ng isang daan ang pamasahe mo kasi medyo malayo layo din ito. Sagot ng Driver sa kanya habang napakunot noo.‘Okay po Manong.” Agad naman niyang sagot at agad naman isinakay ng driver ang kanyang dalang bag na medyo may kalakihan din.At kahit nasa loob na siya ng trysekel di parin niya maiwasang isipin ang tagpong kanyang nasaksihan.Halos tatlongpot minuto din ang tinakbuhan ng trysekel bago sila dumating sa address na iyon na ibinigay niya sa driver.Pagkababa niya nakita niyang nagwawalis ang kanyang Tita Lucia. At nagkakaidad na rin ang kanyang Tita.“Tita.?” Tawag niya dito agad naman napalingon ang matanda sa kanya at agad naman siya nakilala nito.“Naku ikaw pala iyan. Sabi naman ni Tita lucia at agad na pinagbuksan ang pamangkin. At nag alala pa ito.“Anu bang problema at napaluwas ka agad dito. Kamusta na ang Itay mo.”? Sunod -sunod na tanong niya sa pamangkin.“Okay lang po si Itay.” Malungkot niyang turan sa Tiyahin.“Oh! Bakit ka malungkot at saka namumugto yang mga mata mo.”? Sabi naman ni Tita Lucia habang nakatingin sa kanya.Nag alala din ito habang pinagmamasdan ang pamangkin.‘Sabihin mo saakin.” Aniya.At agad naman nag ring ang cellphone ni Aling Lucia. Agad naman kinuha ni Zara ang cellphone ng matanda at pinakiusapan niya muna si Tita Lucia na huwag sabihin sa kanyang mga magulang na nasa kanila siya. Kahit na labis ang pagtataka ni Tita lucia ay sumunod nalangLabis ang pag aalala ni Aling Agnes sa biglaang pagkawala ng anak. Gayon din si Mang Leandro. Lahat nalang ng kanilang mga kakilala at kaibigan, kamag anak ay napagtanungan na nila. Subalit walang Zara na nakita at nakapansin man lang sa kanya.Hindi rin malaman nina Mateo at Elane kung anu ang kanilang gagawin sa mga pangyayaring iyon. Ngunit bigla nilang naisip na alam na ni Zara ang relasyon nilang dalawa.Labis naman nabahala si Elane. Dahil hindi sa ganoon paraan ang gusto niyang mangyari para sa kaibigan.Umuwi si Mateo sa kanila at iniwan ang bahay nila ni Zara. Labis din nag alala ang ina niya.“Anu ba ang pinag awayan ninyo mag asawa Mateo. At bigla nalang lumayo si Zara, na wala man lang paalam.!” Sabi sa kanya ni Aling Veronica na halos hindi na mapakali.“Inay. Hindi ko po alam.” Sagot agad niya sa Ina na labis naman nabahala sari saring emosyon ang kanyang nadarama. Ang kalahati ay masaya ito dahil makakawala na siya sa kanyang asawang nerd. Pangalawa nag alala ito dahil baka anu ang gagawin nito para sa sarili niya.Pagkaraan ng dalawang araw. Kinausap ni Tita Lucia si Zara tungkol sa hindi niya pagsabi ng totoo sa kanyang mga magulang. Ayaw niya lang na baka labis na mag alala ang mga magulang dahil sa kanyang paglisan sa mga ito.At pilit parin niyang pinaamin si Zara tungkol sa kanyang biglaang pagluwas sa maynila. Dahil palagi itong nagkukulong sa silid ng kanyang pinsan. Na sa ngayon ay nasa bakasyon kasama ang boss nito.Habang nag aalmusal sila sa kusina. Napilitan magkwento si Zara sa kanyang Tita dahil sa pangungulit nito sa kanya.Labis naman siyang nagulat at nagalit sa asawa ng pamangkin. Nagtihim ang kanyang mga bagang.“Naku Zara tama lang ang ginawa mong pag iwan sa asawa mo na niloko ka lang pala.?” Sabi niya habang nagkuyom ng kanyang kamao. At nagsalubong bigla ang mga kilay.“Pero, Zara hindi naman tama. Na hindi mo sasabihin sa mga magulang mo lalo na sa Itay mo.?” Sabi naman niya na nag alala ito para sa bunsong kapatid.“Pero Tita, baka po sasabihin niya kay Inay Veronica na nandito ako.?” Sagot niya na may pangambang baka malaman nila Mateo kung nasaan siya.“Naku’ ako ang kakausap sa Itay mo.” Aniya.Dahil sa pangungulit nang tiyahin nakombinsi naman niya ito.Diyos ko huwag niyo pababayaan ang anak ko. Sabi naman ni Aling Agnes na labis ang pag alala dahil dalawang araw na ang lumipas subalit wala paring balita. Bigla naman tumunog ang cellphone ni Mang Leandro. At agad naman niya sinagot habang naninigarilyo ito sa labas nang kanilang bahay. At agad naman siyang nabigla ng malamang nasa maynila si Zara. “Ate, noong tumawag ako sainyo, sinabi niyo na wala si Zara diyan, at ngayon sasabihin niyong nandyan siya.?” Galit na sabi ni Mang Leandro sa kanyang ate lucia. “Leandro. Makinig ka"!Ayaw nang anak mong malaman ninyo na nandito siya.” Paliwanag naman ni Tita Lucia sa kanya. “Bakit? Anu bang dahilan? tanong naman niya ulit at labis din nagtaka. Bigla naman dumungaw sa may bintana si Aling Agnes nang bigla niyang marinig ang pangalan ni Zara. “Leandro si Zara ba yan?” Tanong naman niya sa asawa. Subalit parang walang narinig si Leandro at naka fucos siya sa usapan nila ng kanyang Ate Lucia. At labis naman siyang nabigla at agad nag i
Biglang nag quit ang kanyang secretary dahil sa ugali nitong hindi mo maintindihan. Kaya hindi na nakatiis ang kanyang secretary at bigla siyang umalis pagkatapos ng kanyang huling sahud. Halos lahat ng naging secretarya niya ay umaalis dahil kahit na kumakain pa ang secretarya nito palaging nag uutos. At palaging galit.“Oh! C’mon kuya!” Pang ilang secretarya muna iyan?” Inis na sabi ni Ethan sa kapatid.“Kung nagbibigay pa sana si papa?” I’m sure” na hindi lang sapak ang matatanggap mo”Dagdag pa niyang sabi sa kuya niya..At agad naman nilagok ni Dave ang isang boteng whisky na nakalagay sa lamesita nila.Kahit palaging seryoso ang mukha niya ay halata paring napaka pogi niya at matangkad kayumanggi at sobrang tangos ng ilong.“I’ll go ahead kuya.” Sabay tayo at nagtungo siya sa kanyang silid at iniwan mag isa si Dave.Sila lang dalawa sa kanilang mansyon. Dahil ang kanilang ina ay sa state na ito namalagi. Mula ng mamatay ang kanilang Ama.Galit parin si Aling Veronica sa gin
Pagdating nila sa maliit na apartment ni Jun. Tamang tama may pagkain ng iniluto si Jun para sa kanila.“Anung plano niyo bro, magsama na kayo dito ni Elane.?” Biglang tanong ni jun. Habang umiinum ito ng softdrink na kinuha niya sa maliit niyang ref.Tumikhim muna siya bago nagsalita.“Hindi bro, mamaya ihahatid ko siya sa kanila.” Tugon nito, na nabigla naman si Elane.“Usapan natin magsasama tayo” Ani Elane na biglang huminto sa pagsubo ng kanin.At biglang sumimangot.“Uhm? Labas muna ako bro” Paalam naman ni Jun sa kaibigan. Agad tumayo at lumabas.Napansin niyang hindi nagustuhan ng babae ang turan ng lalaki.“Pansamantala lang muna hon” Ani Mateo.“Nakita muna man diba, ang liit ng apartment ni Jun.? Saan tayo dito matutulog isang kama lang si Jun, at wala pa tayong sapat na perang dala para mag rent tayo?” Sabi pa niya habang nakatingin kay Elane.“Sige, ihatid mo ako sa Caloocan.” Agad naman paglambing nito sa lalaki.Pagkatapos nilang kumain at nakapag pahinga. Sinamaha
Pagkaraan ng dalawang buwan. Naging matagumpay naman ang ginawang pag d-diet ni Zara. Halos isang beses lang siya kumakain ng kanin. Puro fruits at pampa-diet lang ang kinakain niya.Hanggang sa isang araw. Namangha silang lahat dahil sa bagong mukha ni Zara.Kung noon ay sobrang nerd niya. Ngayon ay isa na siya sa masabi kung miss universe ng pilipinas.Halos hubaran siya ni Dave sa kakatitig sa kanya. Habang si Zara ay naka fucos lang sa kanyang trabaho. Mula loob tanaw niyang naka upo sa kanyang table ang babae.Walang kamalay malay si Zara na unti unting nahuhulog ang loob nito sa kanya.“Damn it!” Sabi niya sa kanyang sarili, habang ninanakawan niya ng tingin ang babae.“Hi, Zara” Bati sa kanya ng isang empleyada.“Zara, im Liza” Pagpapakilala nito.“Anung ginawa mo, at gumanda ka ng bonggang bongga?” Sabi ni Liza at nakangiti ito.“Wala” Basta nag diet lang ako.” Sabi pa niya na nakangiti din.Wala siyang kamalay malay na nakatitig sa kanya si Dave.“Wala pabang tumatawag
Ladies and gentleman this is my brother, Mateo Delos Reyes!” Pagkatapos ipakilala ni ethan ang kapatid sa kanilang mga empleyado.Nag inuman ang ilan. Para sa kunting salo- salo sa pagpapakilala niya sa kanyang kapatid.Ang ibang girls, kinikilig sa taglay niyang ka guwapuhan.“Mateo, si Tricia ang aking secretarya.” Pagpakilala niya dito.“Hi, nice to meet you Mateo. Ngiting sabi ni Tricia, at nakipagkamayan pa dito.“Hi, me too!” Ani Mateo“Tuturuan kita kung paano humawak ng kompanya Mateo. Kaya ikaw ang assistance ko. Kayo ni Tricia. Para matutunan mo ang lahat ng bagay dito sa opisina.” Mahinahong sabi nito.“Okay, kuya salamat!”Ilang sandali pa. Biglang tumawag ang kanyang girlfriend.Si Rachel, babalik na ito galing Brazil. Kaya nagpapasundo ito kay Ethan.Matagal ng may gusto si Tricia sa kanya, kaya lang ay may girlfriend na ito.Minsan pinagseselosan din siya ni Rachel kaya nga siya umuwi agad dahil kay Tricia.Laking Gulat naman ni Elane nang malaman nitong may kapatid
Habang nakasunod siya sa binata may kakaiba siyang na feel. Lalo na at ninakawan siya ng halik ng binata. Mas matanda si Dave sa kanya ng walong taon. Lalo na at guwapo ito. Bigla niyang naisip na baka si Dave ang susi para tuluyan niyang makalimutan ang dating asawa. Minsan napapangiti ito sa kanyang mga iniisip. Lalo na at si Dave ang dahilan kung bakit niya na achieve ang bago niyang reflection ngayon. Dati ay isang nerd. Pagdating nila sa isang mamahaling restaurant. Lihim siyang namangha sa paligid. “Zara dito kalang, order what you want. Ako lang ang papasok sa loob. Andon ang ka meeting ko.” Sabay turo nito sa isang VIP room.Tumango lang siya bilang tugon. Maya’t maya pa tubig lang ang kanyang kinuha dahil hindi naman siya nakaramdam ng gutom. “Ma’m tubig lang ang order niyo. Sabi ng isang pinay sa kanya na kanina pa siyang pinagmamasdan nito. “Oo,! Dipa kasi ako nagugutom e” tugon nito sa isang pinay. “Ang Swerte ninyo Ma‘m kasi ang guwapo naman po ng asawa niyo.” Bigla
Pumasok sa isang bar si Dave at sa alak niya inilabas ang nararamdaman niyang init. Maraming babae ang lumalapit sa kanya. Pero mas pinili niyang iinum nalang ang nararamdaman nito. Alam niyang may gusto din sa kanya si Zara dahil ramdam niya iyon sa mga halik nito sa kanya. Ang hindi lang nito maintindihan parang may pumipigil ito sa babae. Lalong kinilig si Tricia sa pinsan at na inggit dito dahil buti pa siya nagtapat na si Dave sa kanya. Samatanlang siya naghihintay sa wala.“Bakit dimo pa sabihin kay Dave na may asawa ka.?” Ngiting sabi nito sa pinsan “Pagdating nalang siguro namin dyan.” Malungkot niyang turan. “Nasaan si sir Dave ngayon?” Ani Tricia. “Diko alam basta agad siyang umalis.”dogtong nito. Pagkatapos nilang mag usap sa video call ng pinsan. Napansin niyang wala pa si Dave. Naka ilang oras na siyang naghihintay sa binata subalit wala parin ito. Hanggang sa dina niya namalayan naka idlip nalang siya. Hatinggabi ng dumating si Dave sa hotel kung saan sila naka
Pagkaraan ng isang oras nagpaalam na ito at hinatid pa siya ni Zara sa labas.“Huwag ka muna pumasok sa opisina,magpahinga ka muna ng ilang araw.” Sabi nito sa nubya na sobrang sweet nito.“Hmmm! Dimo ako mamiss kung di ako papasok.” Pabirong sabi nito sa nubyo.“Ako lang ang pupunta dito” Sabi naman niya at sabay halik sa pang ibabang labi ng nubya. Bilang pamamaalam na nito.“Sige ! Ingat sa beyahe! Aniya at gumanti ng halik sa nubya. Ilang sigundo din silang naghalikan sa may labas.Pagpasok niya sa loob. Tumili ng malakas si Tricia. Dahil labis siyang natutuwa para sa pinsan nito. Gayun din si Tita Lucia.Minabuti nina Tita Lucia at Tricia na huwag munang gisingin si Zara. Mula sa sinag ng araw na dumaloy sa maliit na butas ng bintana. Naalimpungatan si Zara agad niyang tiningnan ang oras mula sa screen ng kanyang cellphone.Bigla siyang napabangon ng makitang mag alas dose na ng tanghali.“Tita!!!” Tawag nito at nakita niyang nanunuod ng tv si Tita Lucia kaya hindi niya napa
Lumuwas ng maynila ang mag asawang Aling Agnes at Mang Leandro para sa kanilang anak na si Zara, mula nang malaman nilang nagdadalang tao na ito ay masaya silang alagaan at babantayan si Zara. Ayaw na nilang mawalay sila sa kanilang anak na matagal tagal. Mula na kasing mawala ito at inakala nilang patay na ay para bang ayaw na nilang maulit pa iyon.Daming niluto si Aling Veronica para sa kaibigan. Naisipan din kasi nilang mag celebrate para sa bagong yugto ng mag asawa. Lalo na at mag kakaanak na ang mag asawa. At darating din sa celebration sina Tricia at Tita Lucia. Gayun din si Ethan.Bihis na bihis na mag asawang Zara at Mateo. Para salubungin ang mga special na bisita nila na sila- sila lang din naman. At nag invite din sila sa kanilang mga kakilala at iba pang kamag anak ni Ethan. At ibang mga katrabaho nila sa opisina at empliyado.Magaling si Zara sa paggawa ng mga decoration. Kahit napakaliit lang ng kanilang bakuran sa loob ng kanilang bahay at sa may swiming pool aria pa
Dahil bumalik na sa dating alala si Zara, kaya napagpasyahan nilang bumalik na agad sa maynila upang harapin si Elane sa kanyang mga nagawa…nagpasalamat ng marami ang mga magulang nito sapagkat napaka buti ng diyos at ibinalik nila at gayun din ang alala nito upang ituwid ang masamang gawain ni Elane..Pero pagkaraan ng ilang oras di nila inaasahan na darating si Elane at nagpanggap na wala siyang alam sa mga nangyari..“E-Elane!!! Gulat na sabi ni Aling Agnes dito ng pagbuksan niya ito ng pinto.“Aling Agnes! Para naman po kayo nakakita ng multo diyan!” Aniya habang nagpapanggap na naka ngiti.“Anung ginagawa mo dito!!” Singhal sa kanya ni Mateo habang lumalapit siya sa pinto.“H-hon! Naman.”“Ikaw ang dahilan kung bakit limang taong nawala si Zara!!!” Galit niyang sabi at sabay hinawakan sa leeg ang babae..Na labis niyang ikinagulat.. at agad naman umawat sina Aling Agnes at Mang Leandro lalo na at nakita nilang halos dina maka hinga sa pagkakasakal sa kanya ni Mateo.“Mateo!!!
Walang alam si Elane na namatay sa isang car aksidente si Dexter nung araw na itakas nila si Zara. Naabutan sila ng bagyo sa daan, at yun ang araw ng malagim na sinapit nila. Lalo na at hanggang ngayon sa kasalukuyan ay wala paring maalala si Zara dahil sa aksidente na yaon. Si Dexter ang sentro ng sanga ng punong kahoy na iyon kaya siya natuhog na parang barbique.Papunta sana sila sa Norte. Para dun sana siya dalhin, kung saan nandun nakatira si Dexter at ang pinsan ni Diego.“Hindi ito maaari?” Sabi niya sa isip nito ng malamang nakabalik na si Zara at hindi namatay. Maghalo ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Kinakabahan siya na baka makulong siya kapag malaman nilang siya ang nag utos para dukutin ang kaibigan.Pero natutuwa naman siya nang malaman niyang may amnesia ang kaibigan.“Sa ngayon, kailangan ko muna maka siguro kung natatandaan ba niya ako.?” Sa isip niya.Maaga pa lang gising na ang mag asawang Aling Agnes at Mang Leandro.At pagkaraan ng ilang sandali nag
SPG——Pagkatapos siyang palayasin ni Mateo. Dumeretso siya sa dating inu-upahan. Ayaw parin niyang sumuko. Ipaglalaban parin niya kung anu ang kanya.“Kung inaakala mo na papayag akung makipaghiwalay sayo, nagkakamali ka Mateo. Dahil akin ka lang?” Aniya habang nasa harap siya ng kanyang salamin at agad na inayos ang sarili. Pagkatapos nun inayos din niya ang kanyang mga gamit..“Kung malalaman kulang na may iba kang babae sinisiguro ko sayong di rin kayo magtatagal.?” Giit niya sa isip nito habang nakatingin siya sa litrato nilang dalawa nung araw ng kanilang kasal.“Anak, tama ba ang nais mong makipag hiwalay na sa asawa mo” mahinaong sabi ng ina habang sila’y kumakain. Ipinagtapat na ni Mateo sa ina ang tungkol sa dating asawa nito. Halos di makapaniwala ang ina sa kanyang nalaman sa anak. Gusto niya ito makita. Nasasabik siyang makita ang manugang na inakala niyang patay na ito. Walang mapagsidlan ang kanyang galak na makita itong muli.Pero dahil delikado pa ang lagay ng dating
Pagkatapos nilang suluhin ang gabi, mahimbing silang natulog na may bakas sa kanilang mga mukha ang sobrang ligaya. Kapiling ang bawat isa…Maaga palang gumising na si Mateo, at bumaba siya para makabili ng kanilang breakfast.. pagbalik niya agad siyang nakatanggap ng tawag mula sa kapatid niyang si Ethan…“Bro’ where are you?” Aniya nang masagot ang tawag niya.“Kuya, dipa ako makakauwi sa ngayon, medyo matatagalan pa?” Agad niyang sagot kay Ethan.“Whaaat!!! Bro! I need you!! We have a lot of work!! I can’t manage without you bro!!!” Biglang sabi niya.“Kuya! Please! I have my own problem!”“Mateo” kailangan mong mag explane! Bakit ayaw mong umuwi?” Nagtataka ng sabi ni Ethan.“Kuya” sorry pero not now! I’ll go ahead!” Pagpapaalam niya dito at agad pinatay ang phone nito.“May matindi kang dahilan Mateo. Kaya ayaw mong umuwi.” Natigil naman ang kanyang isipin ng pumasok si Tricia sa kanyang office. Para sabihin dito na may meeting pa siya sa kanyang isa pang investor, na galing p
SPG——Pagkatapos ng ilang araw na pamamalagi nila sa isa sa pinakatanyag na beach resort dito sa Cebu…naisipan ni Mateo na babalik na sila sa maynila, at dederetso sila sa kanilang province para makita man lang ni Zara ang kanyang mga magulang. Naisip din niyan baka makatulong na maibalik ang alala ni Zara.“Wala parin, balita sa dalawa Lena.” Ani Flour na umiiyak na sa pag alala sa asawa nito. Dina niya alam kung anu pa ang gagawin… at may tatlong anak pa siyang inaalagaan..“Balitaan mulang ako Flour.” Aniya na may bahagi sa kanyang puso ang pag alala kay Diego. Dahil wala pa siyang natatandaan na sinaktan siya ng lalaki. Puro kabutihan ang nalalasap niya sa piling ng binata… kaya lang mas matimbang sa puso niya ang tuluyan ng gumaling sa kanyang pagkalimut. At walang ibang daan kundi si Mateo at makabalik sa kanyang pinanggalingan.“Alam mo bang malaking palaisipan sa’kin, kung bakit ka napadpad dito?” Biglang nasabi ni Mateo sa kanya, habang kaharap niya si Zara sa may mesa na kum
Hindi pa siya nakaramdam ng gutom kaya minabuti niyang maglibot muna sa resort…“Halika, Lena dito lang muna natin hintayin si bugoy kasi busy pa daw siya sabi ni lovely. Ang kasamahan ni bugoy sa trabaho.“Ang ganda naman dito flour, ngayon lang ako nakapunta dito.” Aniya na halos mamangha siya sa ganda…“Oo nga e’ dinadayo kaya ito ng mga turista?”“Ate Flour, maghulat nalang mo dre ah’ kay unya pa ang out niya.!” Ani lovely na nakatingin sa gawi ni Mateo.“Sus” ginoo ko oi’ murag jud artista! Ang guwapo jud niya.” Aniya habang kinikilig siya dito. Lalo na at naka suot ito ng pang beach na suot!.“Sir! Pwedi ba akung makipag selfie sayo!” Aniya na hindi mapigilan ang kilig sa lalaki.Nang biglang mapasulyap si Lena kay Mateo, na pinagkaguluhan siya ng mga stuff sa beach. May bigla siyang naramdaman na kung anu sa may bahagi ng kanyang puso. Na hindi niya maintindihan.“Lena, halika pagsaluhan natin itong tinapay na bigay ni Lovely!” Habang isinusubo ang kalahating tinapay.“Siya?
4 years nang kasal sina Mateo at Elane. Subalit hanggang ngayon ay hindi parin nagbunga ang kanilang pagsasama bilang mag asawa…Sa America, nakatagpo si Dave ng babaeng mamahalin mula ng mawala si Zara. Isa sa mga pinakamayang tao sa America na naging business partner niya.. hanggang sa nahulog na ang loob nito sa kanya. Pagkaraan ng ilang taon ding pagsasama nila ay naisipan na din nilang magpakasal kay Diane.Si Ethan naman ay single na ito mula ng magkahiwalay sila ni Rachel dahil sa matinding pagkaselosa. At umasa naman si Tricia na mapapansin siya ng longtime crush niyang si Ethan Delos Reyes.Pero hindi pa siya ready para sa bagong pag ibig. Kaya nagfucos siya sa kanyang trabaho bilang owner ng isang malaking kompanya sa pilipinas na pag aari ng kanilang ama. Lalo na at iniwan sa kanya ni Dave ang kanyang responsibilities bilang CEO.Nagpasalamat naman siya kay Mateo dahil kahit half brother lang sila ay laging naka suporta ito sa kanya. Lalo na at pag aari din niya ang kompany
Okay ka lang ba? Hindi kaba nagugutom!” AnitoUmiling lang siya at nag iisip. Kahit anung gawin niyang pag iisip kung sino siya? Wala kahit anung isang alala ay wala siyang matatandaan.“Lena, halika na. Pipila na tayo!” Agad naman siya tumalima.Halos lahat ginawa na nila para mahanap si Zara. Hanggang sa isang araw may natagpuang bangkay ng isang babae sa ilalim ng tulay. Kung saan malapit lang sa building nila.Kaya halos lahat sila ay nabigla. Agad nilang pinag imbistigahan ang bangkay na halos hindi na makilala dahil halos ilang linggo na ito.Pagkatapos ng masusing imbistigasyon, may nakita silang isang singsing na silver. Iyon iyong singsing ni Zara na bigay sa kanya ni Aling Veronica.“Ito nga po pala ang gamit ng biktima sir!” Sabi ng pulis at binigay iyon kay Mateo. Labis siyang nabigla sa kanyang nakita dahil familyar sa kanya ang singsing na iyon.Lalo na si Aling Agnes. Hindi niya matanggap na patay na ang anak nito.“Zaraaaaaaaa!!!! Hiyaw niya habang pinagmamasdan ang