JustineHindi ko alam kung bakit mas lalo lang itong nagalit sa akin ng sabihin ko sa kanya na hindi ko sya type. Hindi ba siya masaya sa bagay na yun. Expected ba nito na lahat na lang ay mag kakagusto sa kanya? Kapal din pala ng face nito eh. Maya lang ay lumapit ito sa akin na halos wala ng pagitan sa aming dalawa. Amoy na amoy ko tuloy ang mabango nitong hininga na medyo may kasamang amoy ng alak. Pero mas lamang pa rin ang bango nito. Isama mo pa na mabango talaga siya. Mukhang mamahalin ang gamit nitong pabango. Hindi katulad ng sa akin na yung mga mumurahin lang na cologne kasi hanggang doon lang ang kaya ng budget ko eh. Medyo nahiya pa ako sa aking sarili dahil baka amoy asim na ako. O di naman kaya ay amoy usok na. Balak ko sana na medyo lumayo dito at nakakaramdam na rin naman ako ng pagka ilang ay mabilis na pinigilan ako nito at bigla na lang siyang bumulong sa tenga ko. Nabigla pa ako sa ginawa niyang yun. Medyo nanindig pa nga ang aking balahibo dahil nakiliti pa ak
JustineBumabaha ng alak dito sa table nila Antonnette at wala akong ibang ginawa kung hindi ang uminom. Bahala na kung maka uwe pa ako nito ah. O di kaya ay kung saan ako dalhin ng kalasingan kong ito. Pero sa dami ko ng nainom ay hanggang pagka hilo lang naman ang nararamdaman ko. Kung tutuusin ay kayang kaya ko pang mag drive pauwe. Hayst kailan ba ako ta tablan ng kalasingan na yan. Si Antonnette nga pala ay nandoon sa dance floor at kanina pa nag papapawis. Ako naman kasi ay walang ka hilig hilig sa bagay na yan. At ngayon ko din lang napatunayan na mababait naman pala ang mga ito. Sadyang mahahangin lang sila at mga maldita. Kung masi sindak ka nila y talo ko. Yun lang ang napansin ko sa mga ito at hindi din sila yung basta basta na sumasama or nakikipag kilala kung kani kanino lang dyan. Dahil sa totoo lang ay ang dami ng lumapit sa table nila para lang makipag kilala pero turn down lang nila ang mga yun. Maya lang ay bumalik na rin ang mga ito dito sa table. Medyo mga tip
JustineNagising ako kinabukasan dahil may narinig ako na tumili sa aking kwarto. Mukhang nagising na yata ang mga maldita. Mabilis na bumangon naman ako at nag mamadali na pinuntahan ko ang mga ito. Pag bukas ko ng pinto ay bigla na lang may tumama na matigas na bagay sa ulo ko. Halos mahilo hilo naman ako na tinignan ang mga ito. Binato pala ako ng libro na nandito sa room ko. Akala yata ng mga ito ay masama akong tao kaya siguro nagawa ang bagay na yun. Masama na nakatingin ngayon sa akin ang apat at mga naka pa maywang pa na akala mo kung mga sino eh. Sarap pagsasapakin ng maka ganti naman. Ang attitude gurl ha. Pasalamat nga ang mga ito sa akin at may concern pa ako sa kanila at hindi sila iniwan na lang sa club. Dahil kung iniwan ko ang mga ito. Ewan ko lang kung ano na ang nangyari pa sa kanila. "Anong ginagawa namin dito ha Justine? May ginawa ka ba sa aming masama?" Nang hihinala na tanong sa akin ni Antonnette. Habang nakatingin sa akin ng masama. Hindi ko naman maiw
JustineTapos na kaming kumain ngayon at nandito na nga kami sa may sala at nag uusap ang mag kakaibigan. Hindi naman ako nakikisali sa usapan ng mga ito. Dahil may plano akong iba. Ayaw kong maki sakay pa sa mga ito pa puntang club at hindi ko na ma take ang mga kaartehan sa katawan ng mga ito. Maya lang ay nagkasundo na sila na ihahatid ni Antonnette ang mga ito sa club upang kunin ang kotse nila. Napangiti naman ako ng palihim dahil sa wakas ay aalis na rin angmga ito at makapahinga na rin ako sa aking kwarto. Pero biglang nawala ang kasiyahan ko na yun ng marinig ko ang sinabi ni Antonnette. "Okay tara na. Ikaw na ulit Justine ang mag drive ng kotse ko at inaantok pa ako." Utos nito sa akin at naka taas pa ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Sabi ko nga dapat hindi nag celebrate ng maaaga at ma pornada talaga eh. Hayst kahit din naman ako ah masakit din ang ulo ko. Hayst kainis naman oh. Sobrang perwesyo na talaga ang ginagawa ng mga ito sa akin.Pero alam kong wala a
JustineNandito na kami sa building kung saan sya nakatira. Bababa na sana ako sa kotse nito at total naihatid ko naman na siya dito ay nag salita na naman ito. "Talagang hanggang dito mo lang ako balak ihatid? Hindi mo man lang ba ako ihahatid hanggang sa unit ko? Paano na lang kung may masamang mangyari sa akin dyan kasalanan mo talaga ito Justine. Paano kita magugustuhan kung ganyan ka? Hindi pa nga kita sinasagot pero ganyan na kaagad ang treat mo sa akin." Inis na sabi pa nito habang ang haba na ng nguso nito na para bang nag ta tampo na ewan. Napakamot na ako ng wala sa oras sa aking ulo. Bakit need ko pa sya ihatid eh. Sure naman na ligtas sya dito. Ang dami kayang guards na nandito at sure naman ako na hindi sila basta basta nag papasok sa building na ito ng hindi tenant ang mga ito dito. At saka bakit ba paulit ulit ito na may gusto ako sa kanya? Eh inis na inis na nga ako sa mga pinag gagawa niya. Wala nga kasi akong gusto dito eh. Ang kulit naman talaga oh. Kung hindi
JustinePauwe na ako ngayon sa aking apartment mabuti na nga lang at hindi na nangulit pa si Antonnette sa akin at hinayaan na rin akong maka uwe nito. Napansin na rin siguro nito ang pagod ko at isa pa ay dadaan pa kasi ako nun sa may club at kukunin din ang aking motor. Nag aabot pa nga ito ng ilang libo sa akin kanina pero hindi ko kinuha. Wala naman bayad ang pag tulong ko sa kanila eh. Kahit naman sino siguro ay gagawin din yung ginawa ko. Dumaan na rin muna ako sa mall upang mag grocery. Wala na rin kasi akong stock eh. At isa pa ay tuwing Saturday talaga ang schedule ng pag grocery ko. Total nandito na rin lang naman ako sa labas para isahang lakad na lang. Sayang din kasi sa gasolina lalo pa nga at ang taas na naman ng per litter ngayon. Kung hindi ko nga lang kailangan ang lumabas ay hindi din ako lalabas eh para maka tipid na rin. After ko makapag grocery ay dumiretso na ako ng uwe. Sa bahay na na rin lang ako kakain. May natira pa naman na niluto ko kanina eh. Yun na l
JustineMondayMaaga akong nagising ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan na ewan. Para akong matatae na hindi. Hayst ano ba ang pakiramdam na ito oh. Nag luto na ako ng breakfast ko at kumain na rin. Nag linis na rin ako ng kunti at tuluyan ng naligo. After ko maligo at makapag bihis ay pumasok na ako. Sa school na lang ako mag papalipas ng oras ko. At baka abutan kasi ako ng rush hour pag hindi pa ako pumasok. Lunes pa naman ngayon. Sabay sabay ng may pasok ang mga estudyante at mga nag hahanap buhay. Pag dating ko sa school ay agad ko ng park ang aking motor at hindi ko na rin pinag aksayahan pa na tignan kung dumating na rin ba si Roselle. Para saan pa eh sabi ko nga sa sarili ko. Mag mo move on na ako. Wala ng dahilan pa para kumapit pa ako at paniwalain pa ang aking sarili na baka sakali na maging kami pa rin sa huli. Agad na akong dumiretso sa locker ko at iniwan doon ang iba ko pang mga dala dalahan. Hindi ko alam kung bakit parang feeling ko ay
JustinePag labas ko ng classroom ay dumiretso na kaagad ako sa may library. Pero habang nag lalakad ako ay nandyan na naman ang mga nakakasalubong ko na estudyante na malamang ay ako ang pinag uusapan ng mga ito. Ano ba naman ang mga yan at hindi man lang nila itinago sa akin na ako talaga ang topic nila. Kainis lang mga chismosang palaka. Nang makarating ako sa library ay dumiretso na kaagad ako sa may pinaka dulo at sulok nito. Gusto ko muna mapag isa kahit ngayon lang. Sobra na ang stress na nararamdaman ko sa totoo lang. Inaalala ko rin kasi kung ano ang maging reaction dito ni Antonnette. Malamang na magagalit talaga yun at ang inaalala ko pa ay baka pag bintangan pa ako na ako ang may pakana ng lahat ng ito. Malay ko lang naman sa bagay na yu. At isa pa ay bakit ko naman ito gagawin diba? Sabi ko nga ang gusto ko lang ay tahimik ang buhay ko at wala naman akong gusto sa kanya para gawin ko ito. Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para gawin ko ito no. Kumuha lang ako ng
RoselleBusy ako na pinapliguan ang panganay namin ni Justine. Pu punta kami ngayon sa office nito upang bisitahin siya doon. Madalas namin na gawin ito lalo pa nga at busy ito dahil nga mag tatapos na ang buwan. Nag luto din ako ng favorite niya kaya da dalhan na rin namin ito ng pagkain. Doon na kami mag la lunch ng mga bata. May 3 na nga pala kaming anak ni Justine at tinotoo nga nito ang kanyang sinabi na gusto nitong marami kaming anak upang hindi daw ganun ka lungkot ang bahay namin kung mag isa lang ang anak namin nito. Tuwang tuwa din ang akong mga byanan dahil nga madalas na hiramin nito ang mga bata. Bumili pa nga sila ng bahay dyan sa tapat ng bahay namin ni Justine upang mas malapit daw sila sa amin. Halos di nga ako maka paniwala noon nung nalaman ko na anak pala ito ng isang Saavedra. Ang pamilya ng mga billionaire. Kaya nga hindi na nakakapag taka na ganun lang ka simple sa kanila na bumili ng mansion dito mismo sa tapat ng bahay namin. Kung hindi ka talaga ma impl
JustineNagtataka na tinignan ko naman itong si Roselle kung bakit nagiging sadista na naman siya sa akin. Maya lang ay bumulong na ito sa akin. "Bakit kailangan na may payakap pa yang matanda na yan. Sus parang ginagamit lang niya ang nawawala niyang anak kono eh ang gusto lang nyan at maka chansing sayo."Inis na bulong nito sa akin. Natatawa naman ako na pinisil ko na lang ang chicks nito. Ang cute kasi mag selos na nakakasakit. Pati ba naman si Ma'am Julie na halos ina ko na ay pinag se selosan pa niya. Sabagay ay lahat naman pala ito pag se selosan niya. Mapa babae man yan o lalaki. Basta dumikit sa akin. Nakita ko naman na umupo na muli si Ma'am Julie sa tabi ni Sir Oscar. Habang Lumuluha pa rin ito at naka tingin sa akin silang mag asawa. Ano ba ang nangyayari at ganyan ang ikinikilos nilang dalawa? Nakakapag taka lang kasi eh. "Ano po ba ang kailangan nyo sa asawa ko?" hindi na naka tiis na tanong dito ni Roselle. Nanlaki naman ang mga mata nila sa narinig mula kay Rosell
JustinePagkatapos namin kumain ni Roselle ay nag pahinga lang kami ng kunti at inaya ko na siyang mag lakad lakad kami sa may garden. Minsan dito din kami kumakain nito lalo na pag iba ang mood ng asawa ko. Naka depends naman sa kanya yun eh. Yung mga alagang buwaya nga pala nito ay inalis na rin dito sa likod bahay at ipinalipat niya sa may kabilang bahay. Doon sa namana rin niyang mansion ng parents niya. Kung tutuusin ay tama nga ito kahit na hindi ako mag trabaho ay kayang kaya niya akong buhayin kahit siya hindi na mag work at dito na lang kami sa bahay ay okay lang dahil sa sobrang yaman pala ng asawa ko na ito. Isipin ko pa lang ay nalulula na ako. Kaya naman pala malakas ang loob nito na mag resigned bilang Prof ay dahil sa sobrang yaman niya. Passion lang daw talaga nito ang pag tuturo kaya naman nag apply siya bilang Prof sa university. And at the same time ay nag papatakbo din siya ng mga company. Kaya hindi na ako nag tataka kung para itong gangster na may pagka Mafi
Justine"Hmmm sige po, baba na ba tayo o mamaya na?" Tanong ko ulit sa kanya. Hindi ko naman siya pwede na basta na lang siyang iwanan dito at baka mamaya ay kung ano pa ang mangyari sa kanya. Ka buwanan na niya kaya dapat lang na may bantay ito palagi dahil kahit anong araw ay pwede na itong manganak at kahit na hindi pa niya ka buwanan ay ayaw ko din itong iwan. Mahirap na baka may mangyari pa dito at wala ako na mahihingian niya ng tulong. Panganay pa naman namin ang dinadala niyang ito at balak ko na isang dosena ang magiging anak namin. Dahil sa malungkot kapag mag isa lang ang tumatakbo dito sa bahay namin. Sa lawak ba naman nito pati na rin ang playground sa labas ay kailangan talaga na maraming tumatakbo dito na maliliit na version namin ni Roselle. Dahil sa isipin na yun ay hindi ko namalayan na naka ngiti na ako ng malaki at hindi ko rin napansin ang biglang pag salubong ng kilay ni Roselle at pag tingin nito sa akin ng masama. Naka ramdam na lang ako ng sakit ng tagil
JustineIlang buwan na rin ang naka lipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka paniwala na itong babaeng yakap yakap ko ay asawa ko ng talaga at mahal na mahal din pala ako. Napatunayan ko na ang bagay na yun sa mga naka lipas na buwan na kasama ko ito sa iisang bubong. Sa mga lumipas na buwan ay ipinakita nito sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kung paano niya ako pag silbihan at ligawan upang maipakita lang sa akin na tunay ang damdamin niya para sa akin at hindi lang lust ang lahat para dito. Sa totoo lang ay hindi pa rin kami nag lo love making ng asawa kong si Roselle. Dahil siya mismo ang nag sabi sa akin na kapag sinagot ko na daw siya ay saka lang namin gagawin ang bagay na yun upang patunayan daw sa akin na hindi lang yun ang hangad niya sa akin. Kung hindi ang puso ko na gusto nitong bumalik ang dating pag mamahal ko sa kanya. Pero dapat tabi kami sa kama dahil hindi daw siya mapapalagay kung hindi niya ako nakikita at nararamdaman. Kaya naman hindi na ako nag
JustineHinahayaan ko lang siyang mag salita. Bahala sya dyan. Wee impossible na mahal niya ako. Nek nek mo Ma'am Roselle. Kung maluko mo. Duh hindi na ako ang Justine noon na nag papaka tanga sayo na kahit ginagamit mo lang sa pang sarili mong lust ay okay lang dahil mahal na mahal ka. Ngayon iba na ang panahon. Nag babago din ang tao no. "Wala ka naman magagawa kung hindi ang mahalin mo akong muli eh. Dahil nga kasal na tayo at hindi mo na mababago pa ang bagay na yun. Tsaka bawal ka ng makipag kita pa sa mga kabit mo dahil mula sa araw na ito ay sa akin ka na lang pwede tumingin at wala ng iba kung hindi ako lamang. Dahil pag hindi ka sumunod sa utos ko. Kahit gustong gusto ko yang hotdog mo ay puputulin ko talaga yan. Kaya mag iingat ka." Babala nito sa akin. Maya lang ay naka rating na rin kami sa bahay nito. Dahil pumasik na kami sa may gate eh. Hindi ko pa tanaw ang loob nito dahil nga sa puro mga kahoy pa lang ang nakikita ko. Mahabang driveway naman ang tinatahak namin nga
JustineHabang nasa kahabaan kami ng highway ni Ma'am Roselle ay bigla na lang akong hinila nito palapit sa kanya at sumandal ito sa balikat ko. Paano kasi nasa may dulo ng upuan sa likod ako naka upo samantalang ito ay nasa may gitna. May driver nga pala ito kaya kaming dalawa ang naka upo sa may likod banda. "Bakit ba nandyan ka sa pinaka dulo at Hindi ka lumapit sa akin?" Tanong nito sabay hila na nga sa akin at pinag salikop na rin nito ang mga kamay namin na dalawa. Wala naman akong magawa kung hindi ang hayaan lang ito sa gusto niya. Hayst bakit ba kasi ganito ang kinikilos ng matandang ito? Hindi ko alam na may pagka clingy din pala siya. Kasi naman lalapit lang ito sa akin noon kung gusto nitong mag do kami. After nun ay parang gamit lang ako na basta na lang nito iiwan pagkatapos niyang magpaka saya sa katawan ko. Hayst kapag naiisip ko ang katangahan ko dito noon ay parang gusto ko ng sapakin ang aking sarili. Mabuti na nga lang at nagising na ako sa katutuhan. Pero ito
JustineNang sabihin nito sa akin ang mga bagay na yun ay may tinawagan ito sa phone niya. Pero hindi ko pa rin ito pinansin. Bahala siya dyan. Hindi ko pa rin ito pinapansin na mas lalo lang nitong ikina inis sa akin. Pinaka ayaw pa naman nito na hindi siya pinapansin kaya siguro todo ang galit nito ngayon. Hayst ang galing pa nito manakot. As if naman na matatakot pa niya ako. May pa tawag tawag pang nalalaman. Baka nag sumbong pa ito sa kanyang mga amega para humingi ng tulong. Hahaha masaya sya kung sa sama ako sa kanya ng ganun ganun na lang. Kung gusto niya na makuha muli ang loob ko at bumalik ako uli sa kanya ay patunayan muna nito sa akin na karapat dapat ba na bumalik ako sa kanya. Hindi yung ganyan para siyang boss na bigla na lang pu punta dito para sabihin lang sa akin na kasal na daw kami nito at kailangan ko ng umalis sa work ko dahil kaya naman daw niya akong buhayin at pag aralin. Hayst parang nag uutos lang ito na ikuha ko siya ng tubig na maiinom. Ibang klase ka
Justine"Hahaha nag papatawa ka ba Ma'am? Paano kita magiging asawa eh malinaw pa sa tubig kanal na may asawa ka ng tao. Tapos bigla ka na lang darating dito at sa sabihin mo sa akin ang bagay na yan? Hahaha hindi pa naman ako ganun nasisiraan ng ulo para maniwala pa sa iyo. Kaya habang nasa matino pa akong pag iisip at kaya pa kitang respituhin bilang guro ko ay pwede umalis ka na lang sa harapan ko. Dahil hindi sa lahat ng oras ay kaya kong pag pasensyahan mga pinag gagawa mong ito." Seryoso na sagot ko dito. Kapal ng mukha na sabihin sa akin na kasal kami eh may asawa siyang tao. Hindi man lang ba siya nahihiya sa kanyang katawan para sabihin s a akin ang bagay na yan. Oo halos mag makaawa ako sa kanya na maging akin na lang sya pero hindi naman ako aabot sa ganito para mag paka tanga sa kanya. Tsaka nagising na ako sa katutuhanan na kahit kailan ay hindi ko siya magiging akin. Kaya nga nag mo move on na ako diba. Kung hindi nga lang nag break na kami ni Antonnette ay malamang na