Nagulat ako sa sinabi ni Aries "Yown o, smooth" sabi ni Austin dito, "Don't believe in him Florence" dagdag pa nito, natawa ako ng mapakla, pero nag init yung mukha ko sa sinabi nito, jusko kumalma ka Florence Agustin, di ka pwedeng magka crush sa monster.
"Austin, stay away from her, magagalit si mommy" sabi nito humarap ito sa amin, nakapamulsa pa ito at nakakunot na naman ang noo nitong grumpy monster na to, "F**k you" sabi ni Austin at nag finger sign pa ito, Aries just smirk, "Let's go, Florence" sabi nito sa akin at naglakad palayo."Sige po Sir Austin, una na ako" sabi ko dito at tipid na ngumiti, dito nagmamadali akong sumunod sa boss kong masungit.Nagaabang kami ng elevator, nakatayo ako sa bandang likod nito, nakasanayan kong tumayo sa likod ng mga boss ko, di ko mahilig tumayo sa tabi nila, sa tingin ko yun ang respeto sa mga ito, wala ng tao sa elevator, working hour na kasi pagbukas ng elevator agad kaming pumasok pinidot ko ang 10th floor at agad pumwesto sa dulo ng elevator, nilingon ako nito."Why standing there?" tanong nito sa akin, nakasiksik kasi ako sa dulo ng elevator, "I will not eat you, Florence" sabi nito sa akin, diba monster ka kasi "A, gusto ko po kasing nakasandal" pagtatanggol ko sa sarili ko,Nagkibit balikat ito sa akin, "Don't be close to my brother Austin" sabi nito sa akin, kahit di niya sabihin di ko talaga gagawin yun no, "Yes sir" sagot ko dito.Napagmasdan ko ito ang lapad ng likod nito ang tangkad talaga parang wala pa ako sa balikat nito, naramdaman niya ata na tinitigan ko siya, buti na lang bumukas ang elevator, buti na lang talaga.Busy ako sa trabaho may isang babaeng lumapit sa akin, ito yung babaeng m*****a nun nakaraan, "Where's Aries?" nakataas ang kilay nito sa akin."Good morning Ma'am, I will call him for you what's your name?" nakangiting tanong ko dito, pero nangigigil ako dito, paano ito nakapanik dito sa 10th floor."No need, his waiting for me" sabi nito na balak dumeretso sa loob ng office ni grumpy monster, "Sorry ma'am but I need to check on his schedule" mahinahon kong sabi dito.Nanlilisik ang mga mata nito sa akin, bakit agagalit yern "Ma'am, please" magaling kong sabi dito, kahit naman nanggigil ako sa kanya."Umalis ka nga sa daan ko" sabi nito at tinulak ako, dumeretso sa kwarto, napasunod naman ako yari na naman ako dun sa monster na yun."Hello Aries" she said in a seductive way, nakakunot ang noo nito, "Sorry sir mapilit po siya" sabi ko dito kinakabahan naman ako yari talaga ako."Dannie, you don't know how to knock" mataas ang boses nito sa dalaga."I thought you would be happy if you saw me today" nakangiti pa din ito, jusko nagmomonster mode na naman po ito, nakasimangot ito at halos magdikit ang dalawang kilay nito."Get out" sabi nito sa dalaga, napapitlag ako sa sigaw nito, "Please ma'am" sabi ko dito nagmamakaawa ako para sana lumabas na ito, ako mapuputukan nito."Let me go, you bitch" sigaw naman nito sa akin, at sabay igkas ng kamay nito at sinampal ako, naalog ang buong katawan ko sa lakas, "How dare you touch me" sabi nito dinuro duro pa ako."Dannie" dumagundong ang boses nito sa buong kwarto, "How dare you slap her" sabi nito sa bruha.Nagngingilid ang luha ko, gusto kong gumanti pero di ako makakilos feeling ko na istatwa ako."This bitch trying-" magdadahilan pa ata ito, "Leave now" sigaw muli nito, feeling ko narinig ang boses nito sa labas, binuksan nito ang pinto "Call a security" sigaw nito nagmamadali naman ang mga staff agad na tumawag, "Aalis ka ba o ipapaladkad pa kita" sabi nito sa dalaga, kita kita ko ang galit nito kay Aries, tumingin ito sa akin at nanlilisik ang mata "You bitch" sigaw nito pero agad na naharang ng security, at napalabas ito.Agad naman dumalo sa akin ang isa sa kaopisina ko, "Are you okay, Florence" sabi nito nakahawak ako sa pisngi ko, feeling namumula.Dinala nila ako sa upuan, "Namumula ang pisngi mo" sabi nito sa akin, dun lang umagos ang luha ko."What happened?" tanong nito sa akin, "She slapped me" sagot ko habang humihikbi."What?"' gulat na sagot ng mga ito, "Sino ba yun babaeng yun" bulong bulungan ng mga tao sa paligid ko."Go back to your work, Florence in my office" sabi nito sa amin, inabutan ako ng tissue, dahil di napapatid ang luha ko.Humihikbi akong pumasok ng office nito, pinipigil ko ang luha ko nun tumayo ako sa harap nito kinakagat ko pisngi ko pero di ko mapigil ko yung hikbi ko, narinig ko yung buntong hininga nito, di ko tumitingin dito."Sorry about that, are you okay?" tanong nito sa akin, gago ba siya sinampal ako ng pagkalakas lakas magiging okay ba ako.Di ako sumagot sumisinghot lang ako, basa na yung tissue hawak ko "Here" abot nito sa akin ang isang lagayan ng tissue, inabot ko ito at kumuha ng tissue dun.Nung kumalma ako, dun lang ako tumingin dito, napansin ko na tinignan nito ang sinampal pinsgi nitong bruha sa akin."Sorry about what happened, I didn't know she would react that way" sabi nito sa akin, kita ko naman ng sincere siya sa sinabi, first time kong nakita ang sobrang soft ng facial reaction nito.Tatayo sana ito, pero biglang may pumasok ng kwarto it's Aiden and Austin, "You okay tanong ni Aiden sa akin, he looks so worried, "Your face is so red?" singit ni Austin hinawakan pa ako sa balikat at pinaharap sa kanya.'Kuya, look namamaga yung pisngi niya, namumula amg mata kaiiyak pati yung ilong niya" sigaw ni Austin sa kapatid."Don't touch her" sabi nito at nakakunot ang noo, "Oo nga don't touch her" segunda ni Aiden at hinila ako palayo dito."I told you Florence, if gusto lumipat sa akin, dun hindi ko hahayaan may manakit sayo" seryosong sabi ni Austin sa akin, naguguluhan ako sa kanilang tatlo."Sige po lalabas ng po ako" sabi ko sa mga ito, tinignan lang nila ang palabas.Napaupo ako, tinignan ko yung pisngi ko namumula pa din ito, hinimas ko ito, pati yung mata at ilong ko namumula kakaiyak, never in my life may sumampal sa akin, even my father or my grand parents, that's witch, madapa sana siya.Nakita kong papalapit si Kuya Marlon, "Florence, nabalitaan ko ginawa sayo, tsk yung ba yung girlpren ni bossing" sabi nito pero di ko sinagot, "Ito o ipahid mo dyan sa pisngi mo, pinabili ni bossing yan sa akin" sabi nito oitment ito. "Thank you kuya" sabi ko dito."Wag ka mag alala pinaban na ni bossing yung bruha, galit na galit siya dito" sagot nito sa akin."Di na yun makakabalik dito" sabi ni Kuya Marlon at umalis, kumaway lang ito at umalis na, nilagyan ko ng oitment ito, para mamaya mawala na yung pamumula, di pwedeng makita nila lolo't lola na namumula ito, mag aalala yun.Naiinis ako bakit ako ang pinagbalingan nun babaeng yun, kung may problema sila, di ako dapat sinaktan, tinignan ko ng masama yung pinto ng office nito na parang si Aries yung tinitigan ko.Si Sir Ethan lumapit sa akin isa ito sa mga Manager namin, "Are you okay Florence nabalitaan ko yung nangyari" sabi nito sakin at simipat ang mukha mo, tumango lang ako ang bilis naman ng chismis."Sino ba yun" tanong nito sa akin, "Girlfriend po ni Sir Aries" sagot ko dito, hinawi pa nito yung buhok ko, yun yung eksenang nakita nilang tatlo."Good morning sir" bati nito sa tatlo, tinignan lang ako nito with cold stare gago ka ba gusto ko tong sigawan."For a recond she's not my girlfriend, I don't have any business with her" sabi nito at tumalikod sa akin, e bakit parang kasala
Natigilan ako, tangna kanina pa ba siya dyan, narinig niya ba kami, jusko lupa bumaka at kainin mo na ako.Nagbukas ang elevator, agad kaming pumasok, kasunod siya nakapwesto kami sa likod nito, napakapit naman ako sa kamay ni Anne, jusko lord, nag open yun elevator sa 5th floor, dun bababa si Anne, halos di ko bitawan ito "Sige po sir" paalam niya kumaway lang ito sa akin.Napapikit naman ako, bakit ang tagal bumukas ng elevator, feeling ko di ako makahinga.Napakapit na lang ako sa handle sa loob ng elevator, nagulat ako ng humarap ito sa akin, "B-bakit po?" nauutal kong tanong dito."What did you call me, a grumpy monster?" tanong nito sa akin, he even crossed his arm while looking at me, napatingin ako dito, he even had a small smile on his lips mukha ito nag eenjoy, ako feeling ko mukha akong inahin na di mapaanak."H-hindi sir" sabi ko dito, ako yung tipo ng tao na nahuli na e nagdedeny pa, he stepped closer to me, napasinghap naman ako, naamoy ko yung pabango nito, so manly, ta
"Florence?" tawag nito sa akin, di ako tumitingin dito, umusod pa ako sa gilid ng elevator."Look at me?" sabi nito, pero umiling ako, "Florence" tawag muli nito sakin, pero parang kakaiba yung pagkakatawag niya pangalan ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, lord help me.Unti unti akong tumingin dito, nagtama ang mga mata namin, gusto kong bawiin ang tingin ko pero di ko magawa, nakatitig ito sa akin napalunok ako.Gumising ka Florence, gusto niyang sampalin ang sarili para lang magising, "Why grumpy monster?" tanong nito sa akin, napakurap ako."Because you're always grumpy" deretsong sagot ko dito, napakagat ako ng labi at yumuko, mga ilang segundo tumahimik it, bumukas ang pinto ng elevator lumabas ito, sinilip ko ito, pero nilingon ako nito, this time his smiling widely, that's a cute smile though.Tumalikod ulit ito at naglakad papunta ng office, napangiti ako, pero napahawak ako sa dibdib ko, no Florence you don't have a crush on him, no way.Habang busy ako sa trabaho, may kumato
Nagulat siya na nandun kami nila Aries, and in instant from being prim and proper naging witch ito, bakit ba galit na galit sa akin ito, I don't remember anything na may nagawa akong masama dito."Bitch" sabi nito sa akin, nanliliksik ang mata nito, nakita ko na nakatayo sa harap ko si Audrey at Axel, pero di ito nagpapigil."Don't ever lay your hands on her" narinig kong sabi ni Aries, nanlilisik din ang mata nito, nakita ko in a second ang takot sa mata ni Dannie."Don't make a scene here" sabi ni Audrey kay Dannie, "This bitch" sabi nito sa akin pigil pigil lang ni Axel at Audrey."Stop calling her like that" suway ni Axel sa dalaga, nakatayo lang ako sa gilid, di ako makakilos feeling ko kakapusin ako ng hininga sa eksena."Yeah, you don't know her, how dare you call her like that" gigil na gigil na sabi ni Audrey dito.Pero pumalag ito para lang makalapit sa akin, pero umigkas ang kamay ni Audrey dito, napatakip ako ng bibig, nagulat naman ito sa ginawa ni Audrey."How dare you s
I heard Audrey chuckled, "You can talk Aries, alam ko na ang pretty ng Florence ko" sabi nito, "Can I change now" sabi ko kay Audrey."Hmm, ano ba yan sige na nga" sabi nito ngumiti ito sa akin, ngumiti din ako dito."Halika na" pag aaya nito sa akin, dahan dahan akong bumaba kasi nanghihina yung tuhod ko, ramdam na ramdam ko yung mga tingin ni Aries sa akin.Nakapagpalit na ako ng damit, inaayos ni Audrey yung dress na sinuot ko, "This is yours" sabi nito at inabot ang paper bag."Naku wag na Audrey, nakakahiya okay na yung nasukat ko siya" tanggi ko dito."Sige na, this is my friendship gift" sabi nito sa akin, napalingon ako kay Aries and Axel."Magtatampo siya pag di mo tinanggap" nakangiting sabi ni Axel sa akin."Nakakahiya kasi" sagot ko dito, "I mean ang ganda nun dress" dagdag ko pa."Sige na" sabi nito sa akin, napakamot naman ako ng batok, "Sige na tanggapin mo, makulit yan si Audrey Grace" biro muli ni Axel, sinimangutan naman siya nito, kaya pinisil nito ang ilong ng dala
Habang nasa dining table kami, di nauubusan ng kwento tong si Angel, at ang kawentuhan niya si Aries."Ang daldal mo apo, hindi makakain si Sir Aries sayo" saway ng lolo ko dito."It's okay lolo" sagot niya dito at ngumiti, nakakangiti naman pala ito bakit sa akin ang damot damot ng ngiti hmmp."Naku manang mana sa tita mommy niya, napakadaldal" pagkukwento nito sa mga kasama namin sa table."Nun bata ito, jusko di nauubusan ng kwento at ng energy" dagdag pa ng lola ko, yung mukha ramdam na ramdam ko yung pamumula."Lolo, lola tama na, boss ko po yung kausap niyo nakakahiya" saway ko sa mga ito, mukha namang amuse amuse ito."Madaldal ka pa din naman hanggang ngayon" pang gagatong ni Kuya Marlon sa akin, yung hiya ko hanggang dulo ng buhok ko."Ang sarap po nitong sinigang na baboy mo lola" sabi ni Kuya Marlon sa lola ko."Pero mas magaling tong apo ko magluto, masarap ito magluto" pambibida nito sa akin, jusko ang lola ko."Ay talaga, aba pwede na palang mag asawa" pag sakay ni Kuya
Maaga akong nagising, kahit late na akong nakatulog. "Good morning Sir Aries" bati ng mga kasambahay namin sa akin."Morning" bati ko dito at tipid na ngumiti, "Uy you're not grumpy ha" sabi ni Austin pababa, he is so annoying.Naupo na kami para makapag breakfast, na maaga daw umalis si Aiden, di ko alam sa naman nagsuot yung taong yun."Kuys" sabi ni Austin, kinatok pa nito ang lamesa, tumingin ako dito, with my grumpy face."Wala pa nga akong sinasabi" nakasimangot na sabi nito sa akin, "What do you want?" tanong ko dito."I need my card, can I have them back, I'm working na come on" sabi nito, "You have your card" sagot ko dito, "Yes, but it's blocked, come on how will I use it" sabi nito sa akin."I'll talk to the bank later" sagot ko dito, "Yown, thanks bro" nakangiting sagot nito sa akin."We have a deal Austin, ayusin mo buhay mo" sabi ko dito at sinuntok sa braso, "Oo na, oo na umalis ka na" pagtataboy nito sa akin, dumeretso ako sa kotse ko, ako ang nagdadrive pag papasok ak
"Kumalma ka Florence, hindi pwedeng magkacrush ka sa grumpy monster na ito" bulong ko sa sarili ko, huminga ako ng malalim at nag simula na ulit magtrabaho.Ala singko na, nag aayos na ako ng gamit ko, pero di pa din lumalabas yung boss ko sa loob ng lungga niya, kinatok ko ito, "Excuse me sir, it's already five p.m" sabi ko dito, "Di pa po ba kayo uuwi?" tanong ko dito, lumingon lang ito sa akin, "You can go home now, i'll just finish it" sagot nito sa akin, medyo hinilot pa nito ang mata at sentido nito "Gusto niyo po ba ng gamot?" tanong ko dito, mukhang masakit ang ulo nito, concern na concern naman ang ate girl ko, sabi ng konsensiya ko."No need, you can go home now, thank you Florence" sabi nito tumango lang ako at lumabas na ng opisina niya.Nagsabay pa kami ni Anne na umuwi, on the dot kami nakauwi ngayon, madami kasing work kaya minsan nageextend kami ng ilang minuto.Kinabukasan, mag aalas nuebe na ay wala pa si Aries, tinawagan ko ito, dahil may mga meeting siya today, "H
Naakailang sulyap ako sa grumpy monster boss ko for today's video, aba'y nakakatakot siya ngayon. Simula pagdating nito ay magkasalubong ang kilay nito.Nagkasalubong ko din si Austin at Axel, at mukhang masama din ang timpla ng dalawa, iniisip ko kung may naging problema ba sila sa bahay. Pamunta sa department nila Aidan pero wala ito sa office niya, may iaabot sana ako na papeles pero wala ito kaya sa secretary niya ko iniabot.Di ako nakapagtimpi at tinanong ko itong boss ko, tinapos niya ang pinipirmahan at sumadal sa upuaan niya, tinaggal pa niya ang eyeglasses niya at hinilot ang sintido, nakatingin lang ako dito, yun lang naman ang ginawa niya, pero ba't parang ang swebe ng kilos niya at ang gwapo, jusko Florence mag hunos dili ka girl."Okay ka lang sir, do you need medicine?" nag aalalang tanong ko dito, ay ang caring mo naman kontra ng isip ko. "No, I'm good, no need to worry" sagot nito sa akin, nakatitig pa din ako dito, tinatansya ko totoo ang sinasabi nito.Tumango na l
Naihatid na namin si Audrey sa bahay nila, ni walang kahit anong sinabi si Axel dito, di ko alam kung anong nangyari sa kanilng dalawa, nagkatinginan si Aidan, Austin at Aria dahil sa inaakto nitong dalawa, e halos di ito mapaghiwalay napailing na lang ako at tinutok ang mata ko sa daan.Napasulyap ulit ako kay Axel, nakaupo ito sa tabi ko, buong birthday party, iniiwasan nilang dalawa, alam ko na nagpapakacivil lang sila dahil nahihiya ang mga ito kay Florence.Speaking of her, I know she's emotional right now, she keeps smiling, I know she's happy for Angel, but at the same time she' s sad because it's also the death anniversary of her sister, nakikita ko yung sa mata niya.Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ulit ito, her beautiful face keeps hunting me, I don't know but my heart is aching, every time I see her sad.Malala ka na, sabi ng isip ko sa akin, napailing na lang ako, yung birthday message niya kay Angel ramdam na ramdam ko, I want to hug and console her.I'm still
Halos malaglag yung panga ko sa sinabi ng anak ko, jusko yong bata na to, "W-why did you say that anak?" nabubulol na tanong ko dito. "Because I want to be my tito daddy, his taking care of you, tita mommy" inosenteng sagot nito sa akin, biglang nag init yung paligid, may aircon naman. "W-what did he, hmm he said?" nag aalalang tanong ko kay Angel. "He said, okay" masayang sagot ni Angel sa akin, tapos umikot ulit ito sa salamin para tignan ang itsura sa salamin, malaki ang ngiti nito, at ako hito feeling ko ay mauubusan ng hangin sa sinabi ng anak ko.Napakagat ako ng labi, pakiramdam ko na wala na akong mukhang ihaharap kay Aries. Pumasok si Noah sa kwarto para icheck kami."Anong nangyari?" nag aalalang tanong nito sa akin, nakita niya na balisa ako, agad ko itong kinkwento dito, tawang tawa naman ito sa akin."See ate, pati yung pamangkin mo guagawa ng moves para makaboyfriend ka na" biro nito sa akin.Napailing na lang ako, mas naging strong yung relasyon namin ni Noah, naging
Matapos ang program nagsimula na din kumain ang mga bisita, ang ibang bata ay pumunta sa mini playground na senet up para sa mga ito. Lumapit si Anne sa akin at yumakap, "Why do you keep crying?" natatawang biro dito."E kasi ikaw" balik na biro nito sa akin, "Tumahan ka na" sabi ko dito at pinunasan ng luha nito."Florence" napalingon ako si Dominic kasama din ang pamangkin nito."Doms" balik na bati ko dito, "You okay?" tanong nito sa akin."Ako oo naman" sagot ko dito at nag thumbs up pa ako dito, "If you need someone to talk to, nandito lang ako' sabi nito sa akin, napatango lang ako di pa din ito tumitigil sa pagpapalipad hangin pero wala talagang ibang maibibigay dito higit sa pakikipagkaibigan lang.Umalis na ito at pumunta kay Angel at babatiin daw niya ito. Nakaalis na ito, "Sis gusto ka talaga ni Doms, ayaw mo ba talaga sa kanya?" tanong ni Anne sa akin, napabuntong hininga lang ako, at umiling."Ilang beses ko ng sinabi na wala talaga akong ibang nararamdaman sa kanya kund
Una kaming pumasok ng venue naiwan yung mag ama sa loob, tatawagin muna sila ng host bago lumabas. Gusto ni Noah na kasama ako pero tumanggi ako, sabi ko this birthday is about Angel and him.Pagpasok namin ay nakita namin na puno na ng tao ang loob ng venue, nandun ang mga kaklase at ilang teacher ni Angel, malalapit na kaibigan namin at ni Noah, nakita ko din si Audrey kasama ang Agoncillo boys, kasama din pala nila si Aria, inivite ko kasi ito ng magpunta sa office nun nakaraan. Walang ni isang kamag anak si Noah, sinabi niya sa amin na pinutol niyang ang koneksyon sa pamilya nito.Napatingin si Audrey sa akin, ngumiti at kumaway ito sa akin, agad naman akong lumapit sa mga ito."Thank you po sa pag punta" nakangiti pasalamat ko sa mga ito."Sus small thing" sagot ni Austin sa akin."Nasaan na yung birthday girl natin?" tanong ni Axel sa akin."Ah nandun sa likod, tatawagin muna sila bago pumasok" sagot ko dito."Ang ganda ng place" sabi ni Audrey sa akin."Naku oo, di pumayag si N
Nagbabardagulan kami dalawa ni Anne habang hinihintay yung elevator, napakakulit kasi."Ay sorry po" sabi ko sa nagtamaan ko sa likod, paglingon ko ay yung gwapo este masungit kong boss."S-sorry sir" kinabahan ako bigla baka sumupungin na naman ito, may toyo pa naman ito mula pa kaninang umaga."It's okay Florence, tapakan mo pa ulit" nakangiting sabi ni Cupid sa akin, this time silang dalawa na lang.May bitbit silang coffee sa isang kilalang coffee shop, napatingin ako kasi baka natapunan ko yung suot o yung sapatos niya. "It's okay Florence, hindi ako natapunan" sagot nito ng mapansin niya na tinitignan ko siya.Napatango na lang ako, at humarap sa elevator, pagbukas nito, agad kaming nag gave way dito, "Ladies first" sabay na sagot nito sa amin ni Anne.Sabay kaming pumasok sa elevator, nasa likod nila kami, naguusap sila ramdom lang kung ano ano, bumukas ng sa floor ni Anne, "Bye beshy, mga sir una na po ako" paalam niya sa amin.Isang tipid na nguti ang binigay ni Aries, "Bye
Napatingin ako kay Noah, naku wag kung ano ano sinasabi mo baka maniwala ako."Tumigil ka nga" saway ko dito pero pinabilis ang tibok ng puso ko, tumawa ito sa akin napailing lang ako.Napasulyap ako kay Aries na masayang nakikipagkwetuhan sa pamangkin ko, hindi ko alam kung saan aabot ang panghanga ko dito.Pauwi namin ay tuwang tuwa si Angel, nakausap din niya si Aidan, Austin at Axel sa phone dahil tinawagan ito ni Aries, pupunta din daw ito sa birthday party nito.Natutuwa din kami dito dahil may mga gusto siyang gawin sa party niya, at lahat yun ay gagawin ni Noah, gustong gusto niya talaga bumawi kay Angel."Ano pang gusto mo sa birthday mo baby ko?" tanong ni Noah dito, kalong kalong niya ito at nakatitig sa mukha ni Angel."That's it papa, I already invited my friends and classmates and my favorite tito's and tita's" sagot nito sa papa niya.Napangiti naman ako at masaya ang aming angel, pero may lungkot pa din dahil ito yung araw na iniwan kami ng kapatid ko.Dinala kami ni N
Nakasunod ako kay Aries, makasalubong na naman ang kilay nito, so that girl is pregnant and the father is Aidan, shocks!Nakatayo kami sa harap ng elevator at hinihintay na bumukas ito, panay sulyap ko dito pero di masubukang buksan ang bibig ko. Natatakot ako na lalo mainis to, kanina ang bait bait niya ngayon salubong na naman ang kilay nito, napanguso ako, hirap ispelengin hmm.Pagbukas ng elevator, sabay kaming pumasok dun, tahimik lang kami, nakikiramdam ako dito.Lumingon ito sa akin, kaya dahan dahan akong tumingin dito, at pilit ng ngumiti dito jusko ano naman."You can ask me, Florence" sabi nito sa akin, umiling ako ayokong pakialaman ang personal na bahay sa buhay ni Aidan o kahit sa kanya."Okay lang ako sir, gusto ko lang malalam kung okay lang kayo?" tanong ko dito, nakatitig lang ito ano tingin niya sa akin tsimosa."I'm okay, di ko lang ineexpect na makikita ko na yung Shaira" sagot nito sa akin."You know she's told Aidan that she's pregnant and Aidan is the father"
Tahimik si Florence hanggang pagbalik namin ng office, lately para itong laging malungkot, alam ko na okay naman si Angel ang ang papa niya, at okay na din sila nito.Hindi ko alam bakit, pero lagi siyang malungkot, and it's bothering me. And everytime na itatanong ko dito lagi niyang sinasabi na okay lang siya.Iniisip ko kung paano papagaanin ang pakiramdam nito, why are so so concern, sabi ng isang parte ng isip ko, napailing na lang ako.Tinatap ko yung lamesa ko, at sumilip sa maliit ng space so office ko kung saan makikita ko si Florence.Nakakailang butong hininga ito at babalik ulit sa ginagawa niya, tumayo ako at lumabas.Napatayo ito ng makita ako "Sir" bati nito sa akin nagtataka siguro ito."Let's go" pag aaya ko dito, napakunot noo lang ito pero, sumunod na lang sa akin.Bumaba kami at dumeretso sa parking lot, "San po tayo pupunta?" tanong nito sa akin, nagtataka siguro sa pag aaya, pero tumingin ako at tumipid ma ngumiti, nagulat pa ito at biglang namula ang mukha nito,