Third Person's POV*"Wake up," sabi ni Daylon kay Allian na natutulog. Ilang minuto na itong natutulog, pero hindi pa rin nagigising.Napabuntong hininga si Wade at tinignan ang mukha ng babae. "Kahit sa pagtulog pangit pa rin." Napangisi si Wade at ginising na ulit si Allian."Gumising ka na, meroon ka pang laway sa labi mo nakakadiri." Biglang lumaki ang mga mata ni Allian at agad na pinunasan ang laway sa labi niya. Napasarap kasi ang tulog niya dahil sa music at lamig ng sasakyan. Hindi niya rin naman namalayan na nakatulog siya."Nasaan tayo, Daylon?" Nagtatakang tanong ni Allian. Halos dalawang oras din kasi silang nasa byahe at sa buong byahe na 'yun sobrang tahimik, minsan magtatanong siya ng kung ano-ano para hindi sila antukin, minsan naman kakanta siya at papatigilin siya ni Daylon dahil naririnig siya sa boses ni Allian. Pero nag-eenjoy naman si Allian na kasama si Daylon."Kapag lumabas ka sa kotse malalaman mo." Pagkatapos sabihin 'yun ni Daylon, agad itong lumabas ng k
"Nasaan ba ang girlfriend mo?" tanong ni Allian kay Quino habang naglalakad papunta sa foodcart na bibilihan nila ng pagkain."Iyang babaeng nakatingin sa'yo." Kumunot ang noo ni Allian at tumingin sa paligid niya."Huwag kang tumingin.""Anong hindi titingin? Hindi ko nga alam kung nasaan siya at hindi ko rin alam kung ano ang mukha niya. Saka wala ring nakatingin sa akin." Nilapitan ni Quino ang bibig niya sa tenga ni Allian. Kaya hindi nakagalaw ang katawan ni Allian."Isa siyang magandang babae sa buong mundo." Napangiti si Allian at kinilig. Meroon pa rin pa lang lalaki na ipagmamayabang sa kanilang girlfriend sa ibang babae. "Kaya niya nakuha ang loob ko.""Sure ka ba na mahal ka niya? Kasi kung mahal ka niya, hindi siya kikiligin at mapopogian sa ibang lalaki.""Mali ka, kahit may mahal ka ng iba. Hindi mo mapipigilan ang sarili mo na tumingin sa ibang tao, pero hanggang tingin ka lang naman. Hindi ibig sabihin na tumingin ka, ay gusto mo agad 'yung taong 'yun. Hindi mo naman m
"Ano ba ang problema mo, Daylon? Wala naman akong ginagawang masama, pero bakit ka palaging galit o inis? Wala ka rin sa mood. Ano ba ang pwede kong gawin para maging masaya ka kasama ako? Sinusubukan ko namang pasayahin ka, pero wala akong magawa dahil palagi ka wala sa mood. At sa mukha mo buong maghalon, mukhang hindi ka naging masaya at nag-enjoy na kasama ako. Ginagawa ko naman ang makakaya ko, para mapasaya ka. Kahit magmukha akong tanga wala akong pakeelam. Para lang mapasaya ka, pero wala rin namang nangyayare. Gan'yan pa rin mukha mo. Sa totoo lang pakiramdam ko nga gan'yan ka na talaga. Gan'yan na talaga ang emosyon mo at ok lang sa akin 'yun dahil tanggap kita kahit ano pa ang ugali mo." Pag-aalala ni Daylon sa mga sinabi sa kaniya ni Allian kanina sa amusement park."Fvck. That girl is making me crazy," mahinang saad ni Daylon nang makalabas ito ng kotse. Iniwan niya sa loob si Allian dahil natutulog ang babae. Ayaw niya rin naman itong gisingin.Nagdesisyon si Daylon na p
Pagkapasok nilang dalawa sa loob ng bahay, ay walang kailaw-ilaw ang loob kaya sobrang dilim."Nagtext ba si Auntie sa'yo na may pupuntahan sila?" Tanong ni Allian at binuksan ang ilaw ng sala."Wala.""Nasaan kaya sila ngayon?"_____"Kumusta na kaya ang dalawang bata? Nakauwi na kaya sila?" Nag-aalalang tanong ni Mialyn sa kaniyang asawa na nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie kasama ang kanilang anak na si Demitri."Huwag mo na silang alalahanin. Hindi naman papabayaan ni Daylon si Allian. Kaya pumunta ka na rito at ienjoy ang gabing ito." Napabuntong hininga si Mialyn at tinabihan sa upuan ang kaniyang asawa."Dad's right, Mom. Masyado na silang matanda para mag-alala ka. Bakit ba kasi sobrang boto kayo sa babaeng 'yun. Ang pinaka-ayaw ni kuya sa lahat, ay 'yung hindi magaling sa academics. Kaya imposibleng magustuhan siya ni kuya." Kinunutan ng kilay ni Mialyn ang kaniyang anak kaya nanahimik ito.Kahit imposibleng magkatuluyan ang kaniyang anak at inaanak, ay gagawan niya pa
Papasok na sana si Daylon sa kaniyang kwarto, pero hindi niya napigilan ang sarili na tignan ang pintuan ng kwarto ni Allian.Paano niya nga ba kakausalin si Allian ng maayos pagkatapos ng ginawa niya? Hindi niya nga alam kung ano ang ipapaliwanag niya sa halik na ginawa niya.Bumuntong hininga si Daylon at pumunta sa harap ng pintuan ni Allian. Kakatok na sana siya sa pinto nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya si Allian na gulat na makita siya."Bababa na ako para maghugas," mahinang sabi ni Allian at aalis na sana ito nang pigilan siya ni Daylon. "May problema ba?""We need to talk.""Nag-uusap na tayo ngayon.""I mean-.""May kailangan ba tayong pag-usapan?" Napailing si Daylon dahil mas lalo siyang kinakabahan sa mukha na pinapakita ni Allian sa kaniya na para bang ayaw siyang makausap ng babae. Pero ayaw niya namang hayaan na lang na hindi nila napag-uusapan."Tubgkol sa halik ba ang gusto mong pag-usapan." Lumaki ang mga mata ni Daylon dahil hindi niya ineexpect
“Mom, isang linggo lang kami ron bakit hindi niyo na lang ako payagan?” pagpupumilit ni Daylon sa kaniyang ina. Kasama nila ang kaniyang ama na nakaupo sa office chair nito habang silang dalawa ay nakaupo sa harapan ng ama. Nasa opisina sila dahil magpapaalam si Daylon para sa kanilang outing ng isang linggo.“Masyadong delekado, Daylon. At mas lalong delekado para kay Allianna. Hindi siya pwedeng lumabas na lang ng basta-basta. Alam mong pinoprotektahan namin siya.” Kumunot ang noo ni Daylon sa sinabi ng kaniyang ina.“Hindi ba ito ang gusto mo? Sumama ako sa mga kaibigan ko? Nagpapaalam na ako sainyo ngayon. Hindi ko naman talaga gustong pumunta, pero wala akong magagawa dahil gusto ni Allian. Minsan lang siyang magkaroon ng ganitong kasiyahan. Kaya payagan niyo na kami, Mom. Hindi pwedeng hindi makakasama si Allian dahil iyon lang ang tanging dahilan para maging masaya siya.”Masaya si Mialyn dahil sa sinabi at pinapakita ng kaniyang anak ngayon para kay Allian, pero hindi niya pw
Habang nagbabasa ang dalawang magkapatid sa loob ng kwarto nila, ay nakarinig sila sa labas na tumatakbo na tao habang umiiyak.“Si Ate Allianna ba ‘yun?” takang tanong ni Demitri sa kaniyang kapatid na nagtataka rin kung ano ang nangyare. “Hindi kaya pinilit niya sila Mon, pero hindi siya pinayagan? O kaya pinagalitan siya kaya siya umiyak?” dagdag pa ng bata.“Sa tingin ko hindi ‘yon ang dahilan,” seryosong sagot ni Daylon at bumalik ulit sa pagbabasa.“Paano mo naman nasabi?”“Hindi niya pinilit sila Mom.”“Bakit mo nga nasabi na tama ka at mali ako?” Hindi sinagot ni Daylon ang kaniyang kapatid dahil wala namang patutunguhan ang pag-uusapan nila. Mas mabuti nang magbasa ng libro kaysa sa makipag-usapan sa kaniyang kapatid.Lumipas ng isang minuto nang biglang may kumatok sa kanilang pintuan.“Daylon?” tawag sa kaniya ng kaniyang ama.“Come in.” Nang sabihin iyon ni Daylon ay agad namang pumasok si Benjamin. Tinignan ni Daylon ang kaniyang ama na nakaupo sa harap niya.“Gusto lang
Magkasabay na magkasabay sina Allian at Daylon na makalabas ng kanilang mga kwarto kaya nagkatinginan silang dalawa. Napatingin si Daylon sa malaking bag na buhat ni Allian kaya agad niya iyon kinuha, Hindi naman na nagsalit si Allian dahil nakuha na ni Daylon kaya wala siyang nagawa kung hindi ang hayaan na lang ang lalaki.“Mag-iingat kayo, ‘yung mga bilin ko sa’yo Daylon huwag mong kakalimutan ang mga bilin ko sa’yo.” Hindi na sinagot ni Daylon ang kaniyang ina dahil nakasakay na ito ng kotse. Nang makasakay na rin si Allian ng kotse, ay agad na binuksan ni Daylon ang kotse at pinaandar ito.Hindi sila maliligaw dahil meroong google map ang phone ni Daylon. Medyo malapit lang din naman ang resort nila Hillaree kaya ligtas pa rin sila. Kung may mangyayare man ay handa naman siyang protektahan si Allian, pero wala naman sanang mangyare dahil gusto sana ni Daylon, ay maging masaya si Allian sa kanilang bakasyon kasama ang kanilang mga kaibigan.Habang nagdadrive si Daylon, ay palagi s
Allianna’s POV“Mauna na kayo sa bahay dahil muna ako ngayon. Gusto kong icelebrate ang pagkapanalo ko ngayon,” seryosong sabi kokay Lio at kay Bianca.“Miss, paano po itong mga documents na kailangan niyong pirmahan? Kailangan niyo na po itong mapirmahan.”“Bukas na ‘yan, Bianca. Gusto ko munang maging masaya ngayon. Kaya hayaan mo muna ako.” Nang makalabas ako ng kotse, ay agad akong naglakad papunta sa entrance ng bar, pero bago pa ako makapasok, ay meroon nang pumigil sa akin na dalawang guard.“May I’D po ba kayong dala, Miss?” Kumunot ang noo ko sa lalaking nagtanong.“Bakit mo kailangan?”“Gusto ko lang pong malaman kung ilang taon na kayo, Miss.”“Wala akong dalang I’D kaya papasukin mo na lang ako.”“Hindi pwede, Miss.”“Fuck! Papasukin mo ako, gusto ko lang magsaya ngayon. Kaya hayaan mo na ako maging masaya. I’m an adult now!” Dahil sa mga sinabi ko, ay agad na nila akong pinapasok. Kaya masaya akong pumunta agad sa dance floor. Habang sumasayaw ako, ay kumuha ako ng isang
Third Person's POV"Congratulations, Miss Gregorio. Ikaw na ngayon ang may-ari ng lahat ng kayamanan ng Gregorio." Pilit na ngumiti si Allianna kay Attorney Heiz nang matapos niyang pirmahan ang documents na pinapirma ni Heiz kay Allianna.Nakuha man ni Allianna ang hustisya na matagal niya nang gustong makuha, pero may isa namang tao ang nawala sa buhay niya. Kaya lungkot at saya ang nararamdaman ni Allianna ngayon."I am Bianca Green, ako ang secretary ng daddy mo noon." Nginitian siya ni Alliann at nakipagkamayan. "Ako lang ang nandito, dahil may mga documents na kailangan mong pirmahan.""Pwedeng mamaya na lang 'yan? Meroon pa akong kailangan puntahan.""Sige po.""Lio," tawag ni Allianna sa kaniyang driver. Kaya pumunta agad si Lio sa harap ni Allianna. "Ihanda mo ang sasakyan dah pupunta tayo sa Catholic School.""Yes, Miss." Nang makaalis si Lio, ay nagpaalam na rin si Attorney Heiz kay Allianna na aalis na ito dahil manganganak na raw ang kaniyang asawa. Kaya si Biance na lang
After 10months*Allianna's POV"Miss, ako na po ang hahawak ng maleta niyo." Napatingin ako sa isang lalaki na lumapit sa akin. Isa siguro sita sa nagtatrabaho rito sa airport dahil nakauniform siya."I don't need your help. I can handle my things." Tutungo na sana ang lalaki nang biglang lumapit sa akin si Aunt Grace."Let him help you, dear. Pagod tayo sa flight. Kaya gusto ko nang magpahinga... I can't wait to go home." Napangisi ako sa sinabi ni Aunt Grace, kaya ibinigay ko na lang ang dalawang maleta ko sa lalaki.Sa sampong buwan namin sa France, ay wala akong ginagawa kung hindi ang tumunganga lang sa hotel room. Minsan naman, at sinasama ako ni Aunt sa business meeting nila, pero hindi ako nakikinig. Wala rin anmang kwenta ang pinag-uusapan nila. Puro kwento lang ng buhay, 'yung ibang lalaki naman ay grabe makatingin sa akin.Hindi ko inaasahan na magtatagal kami sa France at ngayon na nakabalik na ako. Ito na siguro ang masayang mangyayare sa buhay ko.Matagal man akong nawal
Third Person's POVPinindot ni Attorney Heiz ang doorbell sa bahay ng Quinter family. Kaya naghintay siya ng magbubukas ng gate.Nang makita niya ang isang lalaking binata na papunta sa kaniya, ay inayos niya ang kaniyang tayo."Sino po kayo?" tanong ni Daylon."I am Attorney Heiz. Gusto ko lang makausap ang magulang mo, pwede ko ba silang makausap?""Sorry, but I don't know you.""Of course, you don't know me, pero importante kasi ang sasabihin ko sa magulang mo. Kaya gusto ko sana silang makausap. Kahit dito na lang kami mag-usap.""Wait, I'll call them." Pinanood ni Attorney Heiz ang lalaki na pumasok sa bahay at mga ilang segundo, ay lumabas na ang mag-asawa na si Mialyn at Benjamin."Gusto mo po kaming makausap? Pwede ko bang malaman kung ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ni Benjamin."Tungkol po kay Allianna Gregorio." Napatulala si Mialyn kay Attorney Heiz at hindi alam kung ano ang sasabihin."Pag-usapan natin sa loob ng bahay.," sagot naman ni Benjamin. Alam niyang hindi pa
Nagising ako na masakit pa rin ang ulo. Dumadalas na ang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Umiinom naman ako palagi ng tubig, pero kaunti lang ang kinakain ko. Baka pagkain lang ang kailangan?Bumuntong hininga ako at tumayo para buksan ang kurtina ng bintana ng kwarto ko. Hihintayin ko na lang siguro na kumatok si Carol na tawagin ako para mag-almusal, pero hindi kumatok si Carol.Kaya lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa dining area, pero hindi ko nakita sila Aunt Grace."You," tinuro ko ang isang kasambahay na palaging kasama ni Aunt Grace. Kakadaan niya lang sa dining area. Kaya nakita ko siya. "Nakita mo ba si Aunt Grace?""Maaga po siyang umalis, Miss.""Bakit?""Aasikasuhin niya raw po ang passport and ticket niyo papuntang France at deretsyo po siya sa kompanya.""Nakita mo si Carol?""Opo, nasa likod po siya ng mansion, naglalaba po.""Ok." Pagkatapos kong sabihin 'yun, ay pumunta agad ako sa likod ng mansion at doon ko nakita si Carol na nagsasampay
Habang hinihintay ko si Carol na makabalik, ay hinawakan ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Kulang lang ba ako sa kain? O ililigo ko na lang ito?Hindi naman mainit dahil nakaopen palagi ang aircon ang buong bahay. Napabuntong hininga na lang ako at isinandal ang aking likod sa upuan.Sasama ba ako kay Aunt Grace papunta sa France? Wala akong choice kung hindi ang sumama dahil alam ko na kailangan niya akong tignan palagi. Hindi ako pwedeng mawala sa mga mata niya. Kaya kailangan niya akong isama. Siguro kaya niya naisip na isama ako dahil kapag umalis na siya, ay baka umalis ako? Pwede kong gawin 'yun, pero alam ko na malalaman 'yun ni Aunt Grace."Miss, nakuha ko na po 'yung book na pinapakuha niyo." Pumasok si Carol sa loob at ibinigay sa akin ang libro."Salamat, Carol. Balik ka na lang ulit dito, para kuhain ang cellphone." Pagkakuha ko ng libro, ay tumungo siya at lumabas.Tatawagan ko pa ba sila? Sabado naman ngayon kaya sure ako, ay walang pasok sila Daylon. Ang kailanga
Nakarinig ako ng katok sa pintuan. Kaya agad ko itong binuksan at pinapasok si Carol sa loob."Ano po pala ang kailangan niyo, Miss?""Meroon ka bang cellphone na may pangtawag?""Ay, sorry po, Miss. Wala po kasing load itong phone ko kaya hindi po kayo makakatawag.""Baka meroon kang kilala na pwede kong magamit na cellphone. Meroon kasi akong kailangan tawagan.""Pwede ko po bang tanungin muna ang mga kaibigan kong kasambahay, Miss? Baka po kasi meroon silang load. Ang iba po kasi sa amin, ay may bank account na pwede namang gamitin pangload.""Sige, basta huwag mong sasabihin na ako ang may kailangan ng cellphone, dahil tayo lang ang nakakaalam ng ginawa nating dalawa.""Yes, Miss." Pagkalabas ni Carol sa kwarto, ay agad akong kumuha ng papel at ballpen sa study table ko. Sabay kinuha ko rin ang brown na folder at tinignan ko roon ang phone number ni Atty. Heiz. Nang makita ko, ay agad kong isinulat sa papel at itinago agad 'yung folder sa taguan ko.Habang nakatingin ako sa papel,
Nagising ako na nakakaramdam ng masakit na ulo. Siguro dahil ito sa kaninang madaling araw. Masyado akong napuyat sa kakaisip sa dalawang folder na nakuha ko.Nagmuni-muni muna ako bago ako tumayo para pumunta sa banyo. Umuhi ako at nagtoothbrush sabay hilamos.Pagkalabas ko ng banyo, ay sakto naman na may kumatok sa kwarto ko."Miss? Gising na po ba kayo?" narinig ko ang boses ni Carol kaya pinapasok ko siya sa loob, pero binuksan niya lang ang pintuan. "Miss, hinihintay na po kayo ng Aunt at pinsan niyo sa baba para magbreakfast.""Alam mo ba kung anong oras na, Carol?" tanong ko habang nakahawak sa ulo ko dahil kumikirot ito."Seven po ng umaga, Miss.""Salamat, pakisabi sa kanila bababa na ako." Tumungo si Carol kaya isinara na ang pintuan.Minsan lang magyaya si Aunt Grace ng breakfast. Kaya kailangan kong makisama sa kanila ngayon dahil meroon din akong mga bagay na kailangan na sana, ay ibigay niya sa akin.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at para akong pagod na pagod kahit
“Handa ka na ba, Carol?” seryosong tanong ni Allianna.“Miss, sigurado po ba kayo rito? Pwede pa po tayong magbackout ngayon dahil may oras pa naman po tayo. Ayaw ko pa pong mamatay ng maaga dahil kailangan po ng pera ng pamilya ko,” kinakabahan na sabi ni Carol.“Hindi na tayo pwedeng magbackout, Carol. Naplanohan na natin ito, kaya hindi tayo pwedeng tumigil. Kailangan ko nang kumilos. Hintayin mo ako rito. Kapag kumatok ako sa pintuan, ang ibig sabihin, ay nakuha ko na ang susi. Kaya lumabas ka na dahil pupunta na tayo sa opisin.” Dahan-dahang tumungo si Carol kay Allianna. Kaya lumabas na si Allianna sa kwarto.Ipinakita ni Carol kung saang daan ang papunta sa kwarto at opisina ni Grace. Kaya alam na niya kung saan siya pupunta. Madilim ang paligid dahil madaling araw na at lahat na ng tao, ay tulog na. Silang dalawa na lang ni Carol ang gising.Huminga ng malalim si Allianna at dahan-dahan naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ni Grace. Wala siyang nakikitang tao na naglalakad sa