Rhian's Point of ViewMagkahalong saya at kaba ang naramdaman ko nang makarating ako sa condo ni Logan. Hawak-hawak ko ang resulta sa aking pagbubuntis. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kanyang nagdadalangtao ako at siya ang ama. Wala akong ibang hiniling kung 'di ang matanggap niya ang batang nasa sinapupunan ko.Huminga muna ako nang malalim bago kumatok. Ilang saglit pa ang lumipas ngunit walang nagbukas. Sinubukan ko ulit kumatok ng ilang beses ngunit walang sumasagot.Maharan kong pinihit ang hawakan ng pintuan. Nakahinga ako nang maluwag ng malaman kong hindi nakalock iyon.'Hmm.. nakalimutan niyang i-lock ang pintuan. Asan kaya siya?' sa isip-isip ko.Dahan-dahang binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin ang malaking sala niya ngunit wala doon ang lalaki. Nagtatakang pinagmasdan ko ang kabuoan ng kwarto. Bakit parang pambabae ang design nito? Napansin ko ang pintuan ng isang kwarto na bahagyang nakaawang. Hindi ko masyadong makita ang nasa loob niyon. Sinubukan kong t
Rhian's Point of View"B-Blake, n-nakaalis ka na ba?" Humihikbing bungad ko kay Blake nang sagutin nito ang aking tawag. "Rhian? Bakit ka umiiyak, may masama bang nangyari sa'yo at sa baby mo?" Nag-aalalang tanong naman ni Blake sa kabilang linya. Umiling-iling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "S-sasama na ako sa'yo." Natigilan naman si Blake sa kabilang linya, hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng dalaga. Hindi agad siya nakapagsalita. "B-Blake, nandiyan ka pa ba?" Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ng lalaki. Wala na akong ibang malalapitan kung hindi siya."Five hours pa bago ang flight, hihintayin kita." Ani Blake. Hindi niya alam kung ano ang nagpabago sa isip ng babae pero sisiguraduhin niyang hindi na ito muling iiyak pa. "Ayusin mo na ang mga gamit mo.""Salamat." Pagkasabi ko nito ay pinatay ko na ang phone ko. Buo na ang desisyon ko. Sasama na ako kay Blake pabalik ng Spain. Hindi ko alam kung kaya ko bang palakihin ang bata na ako lang mag-isa nguni
Rhian's Point of ViewFive Years Later.."Tito Blake!" Malakas na sigaw ni Zane nang makita niyang dumating si Blake. Tumakbo ito upang salubungin ang lalaki. Masaya naman binuhat ni Blake ang aking anak nang makalapit ito sa kanya. "I miss you, my little boy." Nakangiting saad ni Blake. "I miss you too, tito Blake. Bakit ngayon lang po kayo napadalaw?" Natawa naman ako sa naging reaksyon ng aking anak dahil nakasimangot iyon sa kanyang tito Blake. Pinagmasdan ko ang aking anak habang buhat-buhat ito ni Blake. Ang dalawang pares na kulay asul na mga mata nito ay hinding hindi ko makakalimutan. Maging ang pares ng kilay na laging nakataas. Ang labi at hugis ng mukha ng aking anak at ng kanyang ama ay tila pinagbiyak na bunga. Hindi makakailang isang montereal ang aking anak.Napangiti ako nang mapait ng maalala ang lalaki.Nakasimangot pa rin ang aking anak kahit pilit na pinapatawa siya ni Blake. Alam kong natatampo ito sa kanyang tito Blake dahil ilang linggo na itong hindi bum
Rhian's Point of View"Good morning, Liam." Nakangiting bati ko sa aking talent manager. "Say hi to Liam, anak""Hi! Uncle Liam." Masayang bati naman ng aking anak.Nakasanayan ko nang isama si Zane kapag may photoshoot ako. Wala kasing magbabantay sa kanya. Mabuti na lamang at pumayag si Liam na isama ko ang aking anak. Wala naman problema dito dahil tahimik lang na nanunuod sa akin si Zane.Masayang lumapit sa amin si Liam. "Hello, little boy." Saka ginulo-gulo nito ang buhok ng aking anak.Si Liam ay isang Pilipino at talent manager sa pinakasikat na modeling agency dito sa Spain. Magaganda at professional ang kanilang mga modelo.Katulad din si Liam ni Mikaela na lalaki kong tingnan ngunit babae naman kung kumilos. Nakilala niya ako noong ipinagbubuntis ko pa lamang si Zane. Nakita niya ako sa mall kung saan namimili ako ng mga gamit para sa panganganak ko.Kahit malaki na ang aking tiyan noon ay kinuha pa rin niya akong modelo. Naging successfull iyon, kaya naman nagsunod-sunod
Rhian's Point of View"Thank you nga pala sa pagsama dito sa aking anak sa mall, pasensya na din kung nagpasaway siya sa'yo." Nahihiya kong saad kay Liam."Naku! Ako nga dapat humingi ng pasensya sa'yo. Kung alam mo lang ang takot na naramdaman ko nang makita kong wala siya sa pwesto na pinag-iwanan ko."Malungkot akong napalingon sa aking anak. Walang imik nitong nilalaro ang kanyang laruan. Ngayon lamang ito sumuway sa utos ng kanyang uncle Liam. Si Logan kaya talaga ang nakita niya? Pero imposible, ano naman ang gagawin niya dito sa Spain."Kakausapin ko na lamang siya mamaya. Hindi naman sigurado kung ang daddy ba niya ang nakita niya." Seryoso naman akong tiningnan ni Liam bago nilingon ang aking anak."Hmm kung ako sayo, ipagtapat ko na sa bata ang tungkol sa daddy niya. Matalino ang anak mo kaya maiintindihan niya ang sitwasyon ninyo." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi pa ako handang sabihin sa aking anak ang lahat, ngunit maaring tama siya. Matalino ang aking anak, alam n
Rhian's Point of View"What are you doing, sweety?" Malambing kong tanong sa aking anak. Napansin kong kanina pa ito hindi lumalabas ng kanyang kwarto kaya naman pinuntahan ko na ito. Abala ito sa kanyang computer. Nang makita niya akong pumasok ay agad nitong pinatay ang kanyang computer. "Uhm.. nothing." Pinagpapawisan na saad ni Zane. Kanina pa siya naghahanap sa internet ng larawan ng taong kamukha niya, ngunit wala siyang makita. Nahihiya naman siyang magtanong sa kanyang mommy kung anong pangalan ng kanyang daddy dahil baka magalit ito sa kanya ito. "Why are you here, mommy?Napataas naman ang aking kilay sa tanong na iyon ng aking anak. " Hmm.. bawal na ba si mommy pumasok sa kwarto mo?" Kunwa'y nagtatampong tanong ko dito."No, mommy. Nagulat lang po ako. "Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "May kailangan po ba kayo, mommy?" Huminga muna ako nang malalim. Napag-isipan ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa daddy niya.Tiningnan ko muna ang aking anak na matiyagang naghihi
Rhian's Point of View"Blake, ikaw na muna ang bahala sa anak ko." Nahihiya kong saad sa lalaki.Inihatid ko ang aking anak sa bahay ni Blake. Sa kanya ko muna iniwan si Zane para may kasama ang anak ko.Ngayon gaganapin ang Fashion Night. Wala akong mapag-iiwanan kay Zane kaya nakiusap ako kay Blake na kung pwede doon muna ang aking anak."Huwag kang mag-alala, ako ng bahala sa anak mo. Basta mag-iingat ka."Nginitian ko naman si Blake bilang pasasalamat. Binalingan ko ang aking anak."Behave ka lang dito ah! 'Wag maging pasaway kay tito Blake." Paalala ko sa aking anak. Mabuti na lamang at sana'y na ito kay Blake. "Yes, mommy. Ingat ka doon, mommy! Huwag kang mag-iinom ng alak!" Parang matanda naman ito kung pagsabihan ako."Opo, boss!" Natatawa kong tugon."Mommy, ayaw ko nang maglinis ng pinagsukahan mo!" Nakanguso saad ni Zane.Nahiya naman ako dahil pinaalala na naman niya noong minsan akong umuwi na lasing galing trabaho. Nagkayayaan ang mga kasama ko na mag bar. Pag-uwi ko ay
Rhian's Point of View"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Vera. Hindi niya akalain na makikita niya ang babae sa ganito kalaking event. "Hindi ka nababagay dito. Kaya kong ako sa'yo, umuwi ka na." Napaismid naman ako sa sinabing iyon ni Vera. Siya lang ba ang may karapatan dumalo? "Ikaw lang ba ang may karapatan, Vera? Bakit, natatakot ka ba dahil naririto ako?""Bakit naman ako matatakot sa iyo? Nagpapatawa ka ba?" Halos ikuyom naman ni Vera ang kanyang kamay. Hindi niya maiwasan makaramdam ng inggit sa babae. Hindi makakailang umangat ang ganda ng babae ngayon gabi. Muntik na niyang hindi ito makilala kanina. "Sabagay, hindi na naman nakapagtataka kong naririto ka, pwede ka naman bumayad para lang makadalo sa ganitong event."Natawa naman ako sa huling sinabi ni Vera. Hindi ko na kailangan pang bumayad para lang makadalo dahil isa ang kumpanya namin sa mga VIP guest ng Fashion Night."Nagkakamali ka yata ng iniisip mo, Vera. Alam mong hindi basta-basta ang makapasok dito l
Logan Montereal's Point of ViewFvck! Malulunod siya kung mapupunta siya sa mamalim na iyon. Hindi ba siya nag-iisip?" Galit kong usal. Nilingon ko sila Drew kung nasaan sila at hindi manlang nila napapansin ang babae.Mabilis kong pinuntahan si Rhian. Sakay ng bangka ay unti-unti akong lumapit sa kanya. "Oh, holy shit! Nalulunod na siya." Agad akong tumalon sa bangka upang sagipin siya. Dali-dali kong hinila ang babae sa mababaw na parte ng dagat."Oh my God! Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Alisha nang makita niyang buhat-buhat ko si Rhian habang walang malay."Muntik na siyang malunod. Nakainom na rin siya ng maraming tubig." Malamig ang boses kong usal. Lahat naman ay natulala. Wala silang kaalam-alam na nalulunod pala ito.Agad kong nilapatan nang paunang lunas ang babae ngunit hindi pa rin ito nagigising."Bitawan mo ang mommy ko!" Galit na usal ni Zane.Halos hindi naman ako makakibo nang marinig ko ang malamig na boses ng aking anak. Hindi ko kayang salubungin an
Logan Montereal's Point of ViewParahes kaming nakahiga ngayon ni Rhian sa malambot na kama at kapwa wala kaming saplot sa katawan. Matapos ng ilang beses namin pagniniig ay para kaming mga lantang gulay na nakabalot sa makapal na kumot. Naka-unan siya sa aking mga braso, samantalang ang kanyang mga braso at binti ay nakadantay naman sa akin.Marahan kong hinalikan ang kanyang noo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako makapaniwalang asawa ko na siya ngayon."Kung hindi mo sana ako nilapitan noong gabing iyon, hindi sana kita nakilala." Ani ni Rhian na bahagyang tumingala pa sa akin.Matamis akong napangiti sa kanya at muling binalikan ang mga sandali kung saan kami unang nagkita.***Flashback***Habang nag-iinom kaming magpipinsan sa kabilang cottage ng gabing kasal ni Cedrick ay napansin ko ang isang babae na nagpunta sa tabing dagat kung saan madilim sa gawing iyon. Marami na rin ang mga lasing sa paligid.Pag-aari ko ang resort kung saan ginanap ang kasal ng aking pinsan at aya
Rhian's Point of View"Saan ninyo dadalhin ang anak ko? Bitawan ninyo siya!" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking naka-itim. Hawak-hawak nila si Zane habang wala itong malay.Halos kapusin ako nang hininga dahil sa takot na nararamdaman ko.Napagawi ang aking tingin sa kabilang dako. Hawak-hawak din nila si Logan. Sugatan ang katawan nito at may tali ang kanyang mga kamay at paa."Anong kailangan n'yo sa amin? Pakawalan ninyo ang aking mag-ama. Paki-usap." Humagulgol kong usal sa mga ito."Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa, namimili ka!" Matigas ang boses na usal ng lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang kanilang mga mukha. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko kayang mamimili. "No! Parahes ko silang pipiliin. Ako na lang. Ako na lang kunin ninyo. Huwag ang aking mag-ama." Nagmamakaawa kong usal sa mga ito.Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may narinig akong sunod-sunod na mga putok."Logaaan!" Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan nang makita ko
Rhian's Point of ViewIsang linggo na ang nakalipas at ngayong araw lalabas ng ospital si Logan. Pinayagan naman siya ng doktor sa bahay na lamang siya magpagaling.Nandito pa ako ngayon sa condo niya at maya-maya lamang ay pupunta na rin ako ng ospital para sunduin sila.Masaya kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng malaking salamin.Nagsuot lamang ako ng simpleng bestida na medyo maluwang sa akin dahil lumalaki na ang aking tiyan. Marahan kong hinimas-himas iyon habang nakangiti. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ito."Ms. Rhian, handa na po ang sasakyan." Ani Brooks na kararating lamang.Tumango lamang ako dito at saka sumunod na rin sa kanya. Simula noong nangyari ang pangingidnap sa amin ni Vera ay mas naging alerto na si Brooks. Bantay sarado na rin ako dito at hindi ako basta-basta nakaka-alis ng hindi ito kasama.Mas naging mahigpit na rin ang seguridad na pinatupad ni Logan sa kanyang mga tauhan."Sa prisinto muna tayo, Brooks." Naghihintay na sa akin ang mag-ama
Rhian's Point Of View"Sa simbahan na tayo tumuloy, Brooks." Napalingon naman ako kay Elijah. Akala ko ba ayaw nilang doon kami magtuloy?"Sigurado ka ba, Elijah? Delikado doon kapag nagkasagupa ang mga tauhan ni Logan at Vera." Seryosong usal naman ni Brooks.Mas nadagdagan naman ang pag-aalala ko para sa lalaki. Paano kung may masamang mangyari dito?"Sa ospital tayo." Malamig ang boses na usal ni Zane.Napatingin naman kaming lahat dito. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mukha ng aking anak na punong-puno nang pag-aalala."A-anong gagawin natin sa ospital, anak?" Kinakabahan kong usal dito. Ayaw kong isipin na may masamang nangyari sa ama nito. "M-may nangyari bang masama sa daddy mo?" "I don't know, mommy. Pero wala na sa simbahan si daddy. Nasa ospital siya ngayon base sa tracking na nakasaad sa kanyang cellphone."Narinig ko naman na napamura si Drew. Kinuha nito ang kanyang cellphone at ilang saglit lang ay may kausap na ito. "Anong nangyari kay Logan?" "Boss, naba
Third Person's Point of ViewPagkadating pa lamang ni Logan ng Spain ay agad siyang bumyahe pabalik ng Pilipinas. Masama ang kutob niyang may hindi magandang nangyayari.Lalo pang nadagdagan ang kanyang pagdududa nang makatanggap siya ng mensahe galing kay Rhian. Tinawagan niya ito ngunit hindi na niya makontak."Sir, nawawala po ang iyong mag-ina." Ani Brooks nang sagutin nito ang tawag ni Logan.Napamura naman si Logan. Hindi siya mapakali habang nasa byahe. Tiningnan niya ang lokasyon kung nasaan si Zane. Marahil ay magkasama ang kanyang mag-ina.Agad naman niyang nakita kung nasaan ang kanyang mag-ina. Tinawagan niya sina Drew at Elijah. Ngunit bago pa man niya sabihin dito ang tungkol sa pagkawala ng kanyang mag-ina ay alam na pala ng mga ito dahil nag-text na sa kanila si Rhian.Hindi niya maiwasan magtampo kay Rhian dahil tila may tiwala pa ang babae sa kanyang mga pinsan kaysa sa kanya. Hindi rin agad makakarating ang kanyang mga pinsan dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Ha
Rhian's Point of ViewPagkatapos kong makausap si Logan ay mabilis na inagaw sa akin ni Vera ang telepono."Kung gusto mo pang makita ang mag-ina mo, gagawin mo ang gusto ko." Nakangising usal ni Vera."Hindi mo na ako kailangan pang pilitin, Vera. Pakakasalan kita at ibibigay ko sa'yo lahat ng mga ari-arian ko. Pakawalan mo lamang ang mag-ina ko. Ako ang may kasalanan sa iyo, Vera." Paos na usal ni Logan sa kabilang linya.Parang dinudurog naman ang aking puso sa sinabing iyon ni Logan. Gusto kong tumutol sa pagpapakasal nito kay Vera ngunit wala akong magagawa dahil bihag ako ng babae."So, kailan mo ako pakakasalan, Logan? Baka mainip ako at pasabugin ko na lamang itong mag-ina mo." Naiinip na tanong ni Vera. Hindi na siya makapagpahintay na pakasalan siya ng lalaki."Bukas na bukas rin ay pakakasalan kita, Vera. Ngunit kailangan ko munang makasiguradong nasa maayos na kalagayan ang aking mag-ina." Ani Logan."Huwag kang mag-alala, babe. Magpapadala ako ng kanilang larawan. At paka
Rhian's Point of ViewIlang oras na kaming naghihintay ni Rose ngunit hindi pa rin dumarating si Zane. Hindi ko na maiwasan mag-alala para sa aking anak.Nagdadalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba iyon kay Logan ngunit ayaw kong mag-alala pa ito habang nasa byahe."Huwag kang mag-alala, ate. Hinahanap na ng matauhan ni sir, si Zane." Pagpapakalma naman ni Rose.Pilit ko naman pinakalma ang aking sarili habang naghihintay sa update nila Brooks. Ilang saglit pa ang dumaan nang may natanggap akong mensahe sa hindi ko kilalang numero.Nanginginig kong binasa iyon, pagkatapos ay namumutla kong nabitawan ang aking cellphone. Muntik na rin akong matumba, mabuti na lamang at nasalo agad ako ni Rose."Anong nangyari sa iyo, ate? Bakit namumutla ho kayo?" Nag-aalalang tanong ni Rose.Marahan niya akong inalalayan na maka-upo. "Si Zane. May dumukot sa kanya, Rose." Nanginginig na saad ko habang nakatitig sa kawalan."Susmaryosep! S-sino naman ang dudukot sa kanya at anong dahilan niya?"
Third Person's Point of View"Whaat? Si Logan ang bagong may-ari ng ating mansyon?" Gulat na tanong ni Vera sa kanyang ina. "Paano nangyari iyon? Akala ko ba sa pinagkaka-utangan ni daddy mapupunta iyon?""Kay Logan Montereal may malaking pagkaka-utang ang daddy mo, Vera. Inamin sa akin ni Alberto. Kaya nga nagawang pagtangkaan ng daddy mo ang buhay ni Logan dahil wala na siyang pambayad dito." Nanlulumong saad ni Divina. Maging ang kanilang kompanya ay pagmamay-ari na rin ng lalaki."Kailangan natin gumawa ng paraan para mabawi natin ang mansyon at kompanya kay Logan, anak. Hindi ko kayang maghirap tayo." Umiiyak na usal ni Divina. Nawala na ang lahat sa kanila."Ngunit paano, mommy? Ginawa ko nang lahat para bumalik sa akin si Logan ngunit hindi nagtagumpay. Iniiwasan na din niya ako. Isang paraan na lamang ang naiisip ko."Nag-aalala naman na tumingin si Divina sa kanyang anak. Tila may hindi magandang tumakbo sa utak nito. Pero kung ano man ang plano nito ay kailangan niya itong s