Ranzzel's Point of View* Nagising ako dahil naramdaman ko ang mabangong amoy na nasa tabi ko pamilyar sa akin. Madalim ang boung kwarto kaya di ko agad nakita ang taong iyon. Nakatanday pa ako sa katabi ko ngayon at isa pa yakap-yakap ko ang katawan niya. Nag-improve na ang mga mata ko at na lalaki ang mga mata ko nang makita ang natutulog na mukha ni Vincentius. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa pagkakayakap ko sa kanya at tumanday pa ako. Dahan-dahan akong gumalaw at inalis ko ang binti ko na nakapatong sa bewang niya. Kahit kailan ka talaga, Ranzzel! Hindi naman kasi ako sanay na may katabi at di ko alam na ganito ako matulog. Nakakahiya! Dahan-dahan akong napaupo at hinawakan ko ang noo ko. "Mabuti wala na akong lagnat," mahinang ani ko at tinanggal ko ang kamay ko sa noo ko. Napatingin ako kay Vincentius na mukhang hindi niya napansin ang ginawa ko at mahimbing ding natutulog habang nakatakip ang braso niya sa mga mata niya. Napatingin din ako sa isang kamay niya. H
Ranzzel's Point of View* Napalunok ako ngayon habang nakatingin sa mala-stepmother ni Cinderella na si Manang. "What do you think you're doing, young lady?" ulit niya ulit sa akin at dahan-dahan naman siyang lumakad papalapit sa akin. Nananatili naman ang binti ko na nakatayo sa kinatatayuan ko at di ako makakagalaw. Nararamdaman ko din ang panginginig ng kamay ko ngayon kaya tinago ko sa likuran ko ang kamay ko. "Nilutuan ko ang Asawa ko ng breakfast." Mas lalong napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Sinong may sabi na o nag-authorize sayo na gamitin ang kusinang ito?" Natigilan naman ako sa sinabi niya. Pati sa kusina ay hindi pwede? "Hindi dahil Asawa ka na ng young master ay nagagawa mo na ang lahat ng gusto mo sa mansiong ito at isa pa hindi naman ikaw ang chef ng mansiong ito para gawin ang bagay na yan." Gusto ko ng maiyak sa kinatatayuan ko ngayon. Ganito ba talaga ang katauhan ko dito? Para akong puppet? Di ko pwedeng gawin ang lahat ng gusto ko? "M
Ranzzel's Point of View* Napalunok ako habang nakaupo kami ngayon dito sa dining table. Katabi ko naman kasi si Vincentius. At ang awkward ng sitwasyon namin ngayon. Kailangan kong maging attach sa kanya. Kasi asawa ko na siya. Wala akong ibang kakapitan dito kundi siya lang dahil siya ang master ng mansiong ito. Inilapag na ni Rhea ang mga niluto ko at nakatingin lang si Vincentius doon na parang ngayon lang nakita ang ganung pagkain. Siguro iba ang almusal niya sa kinakain namin araw-araw. "Uhmm... Ang niluto ko ay fried rice, hotdog, egg, bacon at nag-prepared din ako ng black coffee. Narinig ko na yun din ang gusto mo." Mabuti sinabi sa akin ni Rhea kanina ang gusto niya. Baka ibang kape ang magawa ko. Yan din ang hinahanda ko kay papa kaya alam ko na kung paano gumawa ng kape. Nakikita ko na nakatingin lang siya sa pagkain na nasa harapan niya na parang pinag-aralan niya ang mga nakalagay doon. Ayaw ba niya ng ganitong almusal? "Kung ayaw mo---" Kinuha niya ang mug
Ranzzel's Point of View* Suot ko ang isang simpleng ngunit eleganteng dress na hanggang tuhod, perpekto para sa okasyon pero sa meeting lang pala sa auntie ni Vincentius. Kulay navy blue ito, may bahagyang V-neckline na hindi masyadong lantad ngunit sapat para magmukhang maayos at disente. Ang tela ay malambot at bahagyang sumusunod sa hugis ng aking katawan, habang ang mga manggas nito ay hanggang siko, na may manipis na lace na nagbibigay ng banayad na detalye. Sa baywang, may manipis na sinturong tela na nagbibigay-diin sa aking kurba nang hindi labis na nagpapakita ng porma. Ang laylayan naman ay bahagyang bumabalot sa aking mga hita, sapat para maging kumportable ngunit may pahiwatig pa rin ng pino at maayos na istilo. Pinili kong isuot ito upang magmukhang presentable at magalang habang nakikipagkita sa tiyahin ng aking asawa hindi masyadong pormal, ngunit sapat para mag-iwan ng magandang impresyon. Sanay naman akong magsuot ng ganito pero mas sanay akong magsout ng sho
Ranzzel's Point of View* "Hindi na ba halata na hindi ako umiiyak?" ani ko kay Rhea. "Hindi na po, milady. Bihasa na po ako sa mga ganitong bagay. Wag na po kayong umiyak po ha." Napatingin ako sa kanya. "Ibang iba na po kayo sa milady noon na ginaganun lang po nila. Baguhin niyo po ang sarili niyo at kagaya sa mga movies ay ikaw na naman po ang babaliktad sa kanilang lahat." Mahina na lang akong natawa dahil sa sinabi niya. "Kung kaya ko lang." "Kaya niyo po noh. For all these years na pinagtyagaan ninyo ang ugali ng pamilya ninyo ay tama na po yun para ganunin ka po nila. Hindi niyo po deserve ang ganung bagay po. Deserve niyo po sa tamang tao at tamang pagtrato." Na-touch naman ako sa sinabi ni Rhea sa akin at dahan-dahan akong tumango at ngumiti. "Lalo na ngayon na may Asawa na po kayo ngayon ay magbagong buhay na po kayo. Kayo na po ang bagong lady of the house at wala ng iba pa." Napangiti naman ako at niyakap siya na kinagulat niya. "Thank you, Rhea." "You're welcom
Ranzzel's Point of View* "Ehem, I will call you Ranzzel na lang. Wala namang problema sayo yun diba?" "No problem." "I'm Alicia Vaughn kung di mo pa nalalaman ang pangalan ko." "Auntie lang ang tawag ko sayo. Hindi ako magaling sa memorization sa mga pangalan." "Young lady!" Napatingin naman kami kay manang na naiinis na napatawag sa akin. "Manang, nag-uusap kami ngayon," kalmadong ani ni Auntie. Napayuko naman ito. "Okay, I want to get close to you, Ranzzel." Nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi ng auntie ni Vincentius, pilit kong pinakikinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Pino ang kilos niya at masyadong maingat, masyadong pino na parang ang bawat galaw ay may nakatagong intensyon. "Alam mo, Ranzzel," simula niya, ngumingiti nang pakitang-tao habang inilalapag ang tasa sa lamesa. Mukhang magsisimula na siya ha. "Masuwerte ka talaga kay Vincentius. Hindi ko lubos akalain na may babaeng tatanggap sa kanya... lalo na sa sitwasyon niya ngayon... You know d
Ranzzel's Point of View* Masama ang pakiramdam ko sa auntie ni Vincentius. Sa pananalita niya kanina ay parang may part sa sinasabi niya na pera lang ang dahilan kung bakit ko siya pinakasalan. Sa part naman na iyon ay totoo din naman pero wag na sana niyang ipamukha sa akin. Hindi ko naman kagustuhan ang nangyayari sa akin ngayon. Sinabi pa niya na okay lang ba sa akin na ganun ang kapansanan niya na hindi makalakad. Parang kinakahiya pa niya ang nangyari kay Vincentius. Napabuntong hininga na lang ako nang maramdaman ko na sumakit ang ulo ko. "Rhea, I think kailangan ko na magpahinga," mahinang ani ko sa kanya. "Masusunod, milady." "At saan ka pupunta, milady?" Napatingin ako kay Manang at hindi ko na lang siya pinansin at tinalikuran na lang dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko ngayon. Hinawakan ko ang braso ni Rhea at nag-aalala naman siyang napatingin sa akin. "Maayos lang po ba kayo, milady? Gusto niyo bang magpatawag ng doctor?" "Ayos lang ako. Mukhang nakulang
3rd Person's Point of View* "Call, Rhea," walang emosyong ani ni Vincentius kay John. Dahil bakit hindi nito napansin ang nangyayari sa Asawa niya eh siya naman ang in-assign ni Vincentius na bantayan ito. "Masusunod po." Yumuko si John at agad na siyang umalis sa kwarto. Napatingin naman siya sa Asawa niya na hindi pa din alam kung ano ang nangyayari dito at kung paano ito nalagay sa sitwasyong muntik nang ikapahamak nito. Kumatok naman si John sa pintuan. Umupo naman si Vincentius sa wheelchair niya. "Come in." At agad namang bumukas ang pintuan at nakita ni Vincentius si John at si Rhea. Makikita sa mukha ni Rhea ang kaba habang nakatingin sa master niya. Sinabi kasi ni John sa kanya ang nangyari sa milady niya. "Young master..." "Wag kang kabahan. Pinapunta kita dito para alagaan mo ang asawa ko." Nararamdaman ni Rhea ang lalim at lamig ng boses ng amo niya na mas lalo niyang kinanginig sa takot. "Wag po kayong mag-aalala, master. Ako na na po ang bahala sa young mad
Ranzzel's Point of View* Dumating na ang ikalawang araw ay dumating na ang pinakahinihintay naming medical mission at nandodoon din ang mga kaibigan ko. Sinabi ko kasi kay Briannah na dalhin din sila dito lalo na't sabado naman ngayon. “Ano ba talaga ang ginagawa na'tin dito? Gusto kong mag-rest, bakla ka. May date pa kami ng bf ko,” reklami ni Zia kay Briannah. Mukhang hindi pa nga sinasabi ni Briannah ang bagay na ‘yun na ako ang nagpapapunta sa kanila dito. “Wag kang oa diyan. Nakikita mo naman na may dagat hindi ba? Edi mag-swimsuit ka diyan.” Napatingin si Zia sa dagat at nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin doon. “Don't worry, pagkatapos ng operation ay maliligo tayo roon.” “Whatever, mabuti dala ko parati ang swimsuit ko.” Mahina na lang akong natawa habang nakikinig sa kanila sa taas ng puno. Nakaupo kasi ako sa sanga habang hinihintay sila. May dala rin silang mga libreng gamot, vitamins at relief goods para sa mga taong nandidito. “Hindi ko alam na may gan
Ranzzel's Point of View* Napangiti ako sabay tingin sa dagat matapos kong tumawag kay Briannah. Naramdaman ko na may yumakay sa likod ko na kinatingin ko kung sino at naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. “Sino ang katawag mo, wife?” malambing na wika sa akin ni Vince habang yakap-yakap pa rin niya ako. Hinawakan ko ang kamay niya na nakayakap sa akin. “My friend. He said na sasabihan niya ang medical team na magpapadala ng mga doctors dito for medical mission.” “A man? His name?” Naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman ko ang paulan na halik niya sa leeg ko. Hala anong nangyayari sa kanya? “Hubby–” “His name.” “Brian.” “Hmm…” Napatingin ako sa kanya. Don't tell me na nagseselos siya kay Brian? Bakla naman ‘yun eh! Sigurado kung magkikita kami ay mas gagahasain ka pa nun kaysa sa akin. Ang sarap sabihin sa kanya ang bagay na ‘yun pero hindi na lang dahil professional kami. Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya. “Hubby, tapos ka
Ranzzel's Point of View* Nandidito na kami ngayon sa may maliit na bahay kung saan nagme-meryenda kami ngayon. Kakatapos lang ni Mike na mag-check sa mga bata kung may sakit ba ang mga ito. Kahit kulang sa gamit na pang-medical at ganun na din ang alaala niya ay nagagampanan pa rin niya ang pagiging doctor niya. Hindi na ako nagtataka na siya ang pinakamatalinong doctor sa boung mundo na kaya niyang mag-opera na walang ilaw at senses lang ang gamit niya. Narinig ko 'yun nung nag-usap usapan ang mga kasamahan ko sa laboratory. Flashback... Sa pharmaceutical company... Habang nag-a-anlyze ako sa mga bagong gawang gamot ay narinig ko ang mga chismis ng mga kasamahan ko. "Alam niyo ba. Ang galing talaga ni Doc Vaughn, akalain mo naman na nawalan ng ilaw ang buong surgery room tapos malapit ng mamatay ang pasyente at puso pa 'yun ha. Hinahanap kasi nila ang butas kung saan naglalabas ng dugo sa puso. Tapos nahanap 'yun ni Doc Vaughn at agad nitong sinarado ang butas na wala man lan
Ranzzel's Point of View* Nagising ako kinabukasan at pakiramdam ko ang sakit ng buong katawan ko na parang buong magdamag namin ginawa ang bagay na 'yun. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya na mahimbing na natutulog sa leeg ko habang yakap-yakap niya ang katawan ko. Tiningnan ko siya at hinaplos ko ang buhok niya. May nangyari ulit sa amin ng lalaking ito. Napakagat ako sa labi ko dahil ang init ng mga katawan namin kanina. Napatingin ako sa labas ng bintana at may araw na pala. Kailangan na naming tumayo ngayon. Dahan-dahan kong tinaas ang kamay niya para makatakas na ako sa pagkakayakap niya sa akin at nung maalis ko na sana ang kamay niya nang biglang hinila niya ako na kinasubsub ko sa kanya. "And where are you going? Hmm?" "Tatayo na para makahanda na tayo ng pagkain pang-almusal." Tiningnan niya ang mga mata ko na parang binabasa niya ang nasa isipan ko. "I already prepared it. Hindi magandang asal na tatayo ka na hindi ka nag-go-good morning kiss sa Asawa mo." Nat
3rd Person's Point of View* Ang mahinang hininga ay naririnig na nila dahil sa ginawagawa ni Ranzzel ngayon na dahan-dahan na gumagalaw sa ibabaw ni Vince. Pinadudulas niya sa pagitan ng hiyas niya ang alaga ni Vince at nararamdaman nilang dalawa na mas lalo nilang gustong angkinin ang isa't isa. Ang kamay ni Vince naman ay dahan-dahan niyang hinaplos ang likod ng asawa at pinasok niya ang kamay niya sa loob ng night dress ni Ranzzel hanggang sa hinubad nito ang damit nito at panty na lang ang naiwan kay Ranzzel. Gustong takpan ni Ranz ang dibdib niya pero hindi naman iyon hinayaan ni Vince at hinawakan niya ito at hinawakan sa damit niya. "Take my shirt off para patas na tayo, my wife." Dahan-dahan namang napatingin si Ranz sa kanya at ngumiti naman si Vince sa kanya. Sinunod naman iyon ni Ranzzel at tinanggal nito ang damit ni Vince. At nakita niya sa harapan niya ang magandang katawan nito na mas lalong kinainit ng katawan niya habang nakatingin roon. Dahan-dahan niyang hina
Ranzzel's Point of View* Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Nakikita ko na parang nahihirapan siya ngayon. Isang beses pa namin ginawa ang bagay na yun at natatakot ako dahil masakit na naman iyon. Napapikit naman siya at napabuntong hininga at inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko. "I apologize." Niyakap niya ako na kinataka ko ng tingin sa kanya. "Bakit ka nagso-sorry? Anong problema, hubby?" "I understand na natatakot ka pa rin sa akin." Tiningnan niya ang mga mata ko at nag-aalalang nakatingin sa akin. "Ano bang gagawin ko para hindi ka na matakot sa akin?" Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya at kasabay na rin ang guilty na nasa puso ko ngayon habang nakatingin sa asawa ko. Hindi na ako masyadong takot sa kanya ngayon ang isa sa kinatatakutan ko ngayon ay baka bumalik ang alaala niya sa nakaraan. Para itong multo ng nakaraan nitong ayaw harapin. "Gusto ko na ma-attach ka sa akin kahit konti lang. Gusto kong makasama ka, Ranzzel. Hindi bila
Ranzzel's Point of View* Hindi ako makatulog at nakatingin lang ako ngayon sa dagat na makikita sa bintana namin. Naalala ko ang sinabi ni Vincentius sa akin kanina. Nagtatago kami ngayon dahil sa mga kalaban ni Vincentius at hindi din naman siguro ako ang target nila noh? Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa dagat. Pero may koneksyon na ako kay Vincentius kaya kailangan ko na ding mag-ingat sa ganitong bagay. "Wife?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Vincentius at natigilan ako nung nakatayo siya ngayon sa madilim na part. Naalala ko na naman ang nangyari sa may kwarto na nakatingin sa akin ang malalamig niyang mga mata. "H-Hubby...." Pinilit kong ikalma ang boses ko para hindi siya magtaka sa bagay na yun. Lumapit siya sa akin at tumabi siya sa akin at niyakap niya ako na kinagulat ko. "Bakit?" "Di ka ba makatulog?" "Hindi eh pero maya-maya matutulog na din ako. Ikaw matulog ka na dahil napagod ka kaya boung araw." Napatingin siya sa akin at hina
Ranzzel's Point of View* Nagluluto ako ngayon ng ulam at napansin ko na may kaguluhan sa labas na kinakunot ng noo ko. Baka si Vincentius! Agad kong in-off ang niluto ko at agad akong tumakbo papunta sa labas ng bahay. "Hubby? Nasaan ka?" Napatingin ako sa unahan at may mga nagkakaguluhan sa unahan kaya agad akong pumunta doon at nakita ko si Vincentius na may iniligtas na bata. "Teka... Anong nangyari?" "Nalunod ang bata. Malalaki kasi ang alon at mabuti nandidito ang Asawa mo at kinuha niya ang anak ko sa dagat." Umiiyak na ani ng isang babae. At pinakalma ko siya ngayon. "Magiging maayos po ang anak ninyo. Dahil magaling na doctor po ang Asawa ko." Napatingin naman kami nang biglang umubo ang bata at nagpalakpakan naman sila. "Anak! Salamat!" Niyakap nito ang anak nito at napangiti na lang kami. "Kailangan pa ring matingnan ko siya baka may tubig sa baga niya," ani ni Vincentius. Dahan-dahan naman itong napatango at niyakap nito ang anak nito. Kahit wala siyang maala
3rd Person's Point of View*Nag-aalalang nakarating ngayon ang grandpa ni Vincentius sa mansion dahil narinig nito ang nangyari sa apo na nawawala ito."Damn, nasaan ang apo ko!"Ilang araw na pinaghahanap ng mga tauhan nila ang kinaroroonan ni Vincentius at hindi pa din nila ito nakikita.Dumating naman si Silver sa mansion at nag-aalalang nakatingin sa grandpa nito."Grandpa, narinig ko po na nawawala si Tito. Nasaan siya?""Yan din ang inaalam ko. Sana nasa maayos lang ang apo ko. Gawin mo ang lahat mahanap lang siya. Hindi siya pwede mamatay!""Okay po, hahanapin ko po si Tito."Agad namang lumabas si Silver at napangiti siya habang naglalakad hanggang makarating siya sa sasakyan niya at agad niyang pinatakbo ang sasakyan.Kasabay nun ay ang pagtawag niya sa dad niya sa kabilang linya. "Dad, nandidito na si Grandpa.""Hmm... Gawin mo ang lahat ng sasabihin niya para once malaman na niya na wala na ang Vincentius na yun ay sa atin na mapupunta ang mana nito.""Yes, dad. Nahanap na