TINIKMAN ni Olive ang kanyang niluluto. Nalasahan niya na masarap na kaya pinatay na niya ang stove. At pumunta ng lamesa. Inihanda ang dalawang plato, baso, kutsara at tinidor. Tiningnan niya ang relo niya."Seven o'clock na. Tamang-tama pala na natapos ko kaagad ang niluluto ko. Baka dumating na ang aking mahal na asawa," masayang sambit ni Olive.Pumunta siya ng kusina para r'on na lamang hintayin si Nickson. Trenta minutos na siyang nakaupo wala pa din si Nickson. Nang mabagot ay kinuha niya ang remote control ng TV at binuksan. Naghahanap ng magandang palabas. Tutok ang kanyang mga mata sa pinapanood. Pahikab-hikab na rin siya. Kaya muli niyang tiningnan ang kanyang relo sa wrist niya."Ten na ng gabi? Ang bilis naman ng oras. Alas diyes na kaagad. Bakit kaya wala pa si Nickson?" nagtatakang tanong ni Olive sa isipan. Kumakalam na ang sikmura niya sa gutom. Pero ayaw pa niyang kumain kung hindi kasabay ang asawa niya.Nagpasya siyang i-off ang TV at tumaas na sa kuwarto nilang ma
"OLIVE, malapit na ang graduation ng asawa mo. Anong plano mo?" tanong ni Ashley. Nasa canteen sila ng University. Dalawang linggo na ang lumipas, bigla ang pagbabago ni Nickson sa kanya. Palaging gabing-gabi na ito umuuwi. Minsan pa nga ay inuumaga nang umuwi ng bahay. Hindi naman siya nagtatanong dahil natatakot siyang malaman na niloloko na naman siya ng asawa niya."Hindi ko pa alam. Hindi ko pa nakakausap ang asawa ko tungkol diyan," malungkot na sagot ni Olive."Huh? Akala ko ba nagkaaminan na kayo. Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Yza.Parang kailan lang ay masayang-masaya ang kaibigan niya na nagkukuwento. Ang saya sa labi nito ay halos walang pagsidlan.Nagbabadya ang luha ni Olive sa tinanong ng kaibigan. "Akala ko nga rin magiging okay na ang pagsasama namin ngayon na inamin namin ang nararamdaman. Pero ramdam ko na ngayon ang panlalamig ni Nickson. Hindi ko alam kung bakit," mangiyak-ngiyak na sagot ni Olive.Nasasaktan siya sa mga pinaggagawa ni Nickson sa kanya nga
MATAMLAY na bumangon si Olive at pumunta ng banyo para maligo. Wala siyang ganang pumasok. Masamang-masama ang loob niya dahil sa asawa niya. Kung asawa pa bang matatawag. 'Di na sila nagkikita ni Nickson sa bahay. Maliit lamang ang bahay nila at kakalog-kalog sila sa loob, pero 'di pa rin sila magkita.Nahihirapan man siya sa sotwasyon nilang dalawa at sa pagsasama niya. 'Di siya bibitaw. Hindi siya magagalit, hihintayin niyang magsabi ang asawa niya ng problema nito. Puwede pa naman nilang maayos ang lahat. Magtutulungan silang dalawa, iyon sila bilang mag-asawa. Magkaramay sila sa lahat, sa saya at sa lahat ng hirap. Maging sa pagsubok man.Bumaba na si Olive sa kusina pagkatapos maligo. Halos wala na talaga siyang kasama sa bahay nila. Mag-isa na lamang siya. Umupo siya sa stool, nakapalumbaba."Nakakapagod ng umiyak. Puwede kayang maging masaya na lamang ako palagi?" panay ang tulo ng luha niya. Clueless pa rin siya sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Nickson. Hindi naman nag
ISANG buwan na halos puro si Aleli lang ang kasama ni Olive sa bahay. Si Nickson ay magagawi lamang sa bahay nila paminsan-minsan. Madalas ay nagmamadali rin itong umaalis ng bahay. Ni hindi nagpapaalam sa kanya kung saan pupunta. Minsan tinatanong na lamang niya ang sarili, kung ano pa bang silbi ng pagsasama nila sa isang bahay. Masyado siyang nag-assume na mahal talaga siya ni Nickson. Napipilitan lang siguro ito ang inamin, sa loob-loob nito'y wala naman talagang nararamdaman ang asawa niya sa kanya."Olive, di ba ngayong araw ang graduation ni Sir Nickson?" tanong ni Olive habang nasa garden sila at inaayos ang mga halaman. Napatingin si Olive rito at napahinto sa ginagawa. Napaisip siya. Ano na nga bang petsa na? Biglang nagliwanag ang mukha niya na tama si Aleli. Ngayong araw ang pagtatapos ni Nickson sa kolehiyo. Muntik pa niyang makalimutan. Kung hindi pa ipinaalala ni Aleli ay mawawala na talaga sa kanya ang araw na ito."Magbihis ka at samahan mo ako. Pupunta tayo sa Unive
UMAGA na, nagising si Olive na katabi ang natutulog pang si Nickson. Hindi man lang siya nagising ng dumating ito. Dahil siguro sa kanyang mga pag-iyak at sa pagod dahil sa sama ng loob ay nakatulog siya ng mahimbing.Pinagmamasdan niya ang guwapong mukha ng asawa. "Bakit mo ako sinasaktan, mahal ko? Mahal naman kita pero sobra na. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Kung magstay pa ba ako sa relasyon nating ito?" umiiyak na naman na sabi ni Olive sa isipan.Napakislot si Nickson. Agad na pinunasan ni Olive ang kanyang mga luha. Saka nagmamadaling tumayo at pumunta ng banyo.Napahagulhol na naman nang iyak si Olive sa loob ng banyo. Hindi na yata niya makakaya ang sakit na nararamdaman. Napakapit siya sa lababo. Para siyang matitimbuwang at nanghihina na siya sa sobrang sakitNarinig niya ang mga katok ni Nickson."Asawa ko, andiyan ka ba sa loob?" marahang mga katok na tanong ni Nickson."O-Oo," utal na sagot ni Olive."Can you just please open this door?""Hindi pa ako tapos. May ka
INAAYOS ni Olive ang mga damit niya. Tinutulungan siya ni Aleli sa pagliligpit ng mga damit at isa-isang inilalagay sa loob ng maleta. Habang isa-isang isinisilid ni Olive ang kanyang mga damit ay panay ang pagtulo ng mga luha niya."Olive, may gusto ka bang sabihin? Makikinig ako. Ituring mo akong parang Ate mo. Masasandalan mo ako kapag pakiramdam mo nag-iisa ka," sabi ni Aleli habang panay rin ang hikbi ni Olive. Sobrang nalulungkot siya sa nangyari sa mag-asawa. Puwede pa naman sigurong ayusin nila ang problema? Hindi palaging sagot ang paghihiwalay sa tuwing mayroong hindi pagkakaunaaan."Pinakawalan ko na 'yong lalaking pinapangarap ko. Ang nag-iisang lalaking minahal ko bukod sa Papa ko. I love him so much. Until now, na nasasaktan ako. At kahit na nasasaktan ako, mahal ko pa rin siya. Kung puwede lamang talaga na turuan ang puso na itigil sa pagtibok, gagawin ko," umiiyak na saad ni Olive. Hinawakan ni Aleli ang isang kamay ni Olive."May rason ang lahat. Kung bakit nangyayari
DINALA nina Omar at Ely ang kaibigan sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa. Nang makapasok sa loob ay inihiga nila ito sa kama. "Iiwanan ba natin si Nickson? Walang kasama siya rito. Umalis na si Olive," tanong ni Ely."Hayaan mo siya. Kasalanan naman niya 'yan. Kung bakit nangyayari ang mga ito. Kung mahal niya ang asawa niya dapat hindi siya naglilihim. Tingnan niyo ilang buwan palang silang nagsasama ng asawa niya. Nilayasan kaagad siya. Miserable na ang buhay niya.""Hahayaan mong maging miserable ang kaibigan natin?" tanong ni Peter."Hindi sa ganoon. Alam ko na kaya ni Nickson na ayusin ang lahat. Mahal niya si Olive. Ipakita niya na mahal nga talaga niya si Olive at 'yong Crissa na iyon. Alam kong dadating ang oras na mabubuko natin ang babae na iyon. At kapag nangyari iyon. Magtago na siya sa saya ng Nanay niya," mahabang sagot ni Omar. Si Crissa ang puno't dulo ng pagdurusa ng kanilang kaibigan. Dahil sa pangba-blackmail nito kay Nickson ay sinusunod naman ito ng kaibigan nila
NAKATULOG si Nickson sa sopa habang nagkalat ang mga basyo ng bote sa sahig. Uminom na naman ito buong magdamag. Napapabayaan na niya ang kompanya. Ang Daddy na muna niya ang pansamantala na humahawak ng kompanya nila. Dahil sa kawalan ng gana ni Nickson na magtrabaho."Nickson, anak. Gumising ka," tapik ni Nieves sa pisngi ng nag-iisang anak. Nagmulat ng kanyang mga mata si Nickson at umupo ito. Umupo rin si Nieves sa tabi ng anak niya."Mom, what are you doing here?" tanong ni Nickson sa ina. Halos ayaw nitong tumingin sa mga mata nito. Bakas ang mga pag-iyak niya sa kanyang mga mata. Namamaga at nangingitim din ang paligid ng mga mata niya."Pinababayaan mo na ang sarili mo. Nag-aalala na kami ng Daddy mo. Kaya pinapuntahan ka niya sa akin dito sa bahay mo," sagot ni Nieves na may lungkot ang boses sa nakikitang ayos ng anak.May concern pala ang Daddy niya sa kanya. Palagi na lamang na mali ang napapansin nito sa kanya. Kaya halos isubsob niya ang sarili sa pagtatrabaho at pag-aar
IT'S a big day for Nickson and Olive. The day that they are waiting for. As the music starts "Bigay ng Maykapal" by Dj Bombom. Ito ang napili nilang kanta para sa araw na pinaka-espesyal sa kanilang buhay— ang kanilang kasal. Mas memorable ngayon dahil puro ang gusto nila ang nasunod.Ito ang pinagarap niyang kasal para kay Olive. She deserved what she has now for loving them unconditionally. Ang mga sakripisyo niya para sa kanilang lahat. Kahit pa ang kalimutan ang sarili niyang kaligayahan.Habang nakatingin sa malayo si Nickson at hinihintay na dumating ang kanyang pinakamagandang bride. Ang babaeng ibinigay sa kanya ng Maykapal.Sa hinaba-haba man daw ng prosisyon, sila pa rin ni Olive ang magkakatuluyan. Ang dami nilang pinagdaanan na dal'wa. Dalawang beses pa silang nagkalayo. Naisakrispisyo ni Olive ang sarili para lamang mailigtas ang kanyang pamilya sa masamang kamay ni Crissa. Natutuwa siya na hinarap iyon ng asawa niya na mag isa. Kahanga hanga ang ganoong klaseng babae.So
ARAW ng kasal nina Crissa at Nickson. Kompleto ang pamilya nina Nickson. Ang Daddy niya ay tutol sa kasal nila. Pero walang nagawa nang si Nickson na ang may gusto na maikasal kay Crissa. Wala naman silang kaalam alam sa lahat. Tanging siya lamang ang nagpasimuno ng kasal nila ni Crissa.Pinagbigyan na niya ito na makasal silang dalawa para matigil na ang babae ng kahahabol sa kanya. At matahimik na ang kanyang buhay.Huwag lang sanang mabulilyaso ang kanyang plano. Dahil buhay ng pinaka-importanteng tao ang malalagay sa alangin. Hindi niya makakayanan na may mangyari na mas grabe pa noon. Itataya na niya ang buhay niya kung magkagayon."Nickson, hindi na ba magbabago ang desisyon mo? Hindi mo na ba mahal si Olive? Mas gusto ko pa rin si Olive para sayo," sabi ni Ericson sa anak. Mas hamak na mabait at napaka-natural ng ugali ni Olive. 'Di kagaya ni Crissa na parang plastic kung humarap sa kanila. Palibhasa ay ang anak lamang nila ang gusto nito. Nagkamali siya noong kinausap niya it
MABILIS na tumulin ang mga araw. Malapit ng manganak si Via. Kompleto na ang mga gagamitin ng anak niya. Nagpapasalamat siya kay Quinay na hindi ito umalis sa kanyang tabi. Palagi itong nakaalalay sa kanya."Ate, may check up ka pala. Sasamahan kita," paalala ni Quinay kay Via."Oo. Salamat sa pagpapaalala. Nahihirapan na nga akong lumakad.""Kaya nga ako andito, Ate Olive. Para alalayan ka sa lahat ng oras."Napangiti si Olive. Naglakad siya palapit sa dalaga. "Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sayo. Paano na lang ako kung wala ka sa tabi ko? Siguro baka hirap na hirap ako at palagi na lang mag isa.""Hindi mangyayari na mag iisa ka. Para na kitang kapatid, habang andito ka sa lugar namin. Andito lang ako palagi sa tabi mo, ate.""ARE you sure you want to marry Nickson, Crissa? Ako'y nagpapaalala lang sayo. Hindi tama ang ginawa mo sa kanila. Paano kung mahuli ka ni Nickson? E, 'di ikaw lang ang mapapasama," giit ni Mayor Cris.Masyado nang nagiging abusado ang anak. Self-centered a
"SIGURADUHIN ninyong safe sila. At huwag na huwag kayong lalayo sa kanya. Bantayan ninyong maigi at ireport sa akin ang lahat ng nangyayari sa kanya," madiing utos ni Nickson. May anim na buwan na rin noong umalis si Olive. Iniwan ng asawa ang pamilya niya at maging siya. Walang makapagsabi at makapagturo kung nasaan ang kanyang mahal na asawa. Buti na lamang at may natrace sa CCTV noong gabing na nawala ang asawa.Araw-araw na sinisiguro ni Nickson na nasa maayos ang kanyang mag-ina. Kahit na nasa malayo ay nababantayan niya ito. Hindi na siya magagalaw pa ni Crissa. Nagdidiwang ngayon si Crissa dahil sa ang akala nito ay tuluyan na siyang nakuha. Ang hindi nito alam, matagal na niyang alam ang plano nito kay Olive.Habang si Crissa ay masayang-masaya. Ang akala niya ay magtatagumpay siya sa mga plano niya. Ang hindi niya alam lalo lamang siyang nababaon sa kasalanang ginawa niya sa kanilang mag asawa.Napapangisi siya habang ini-imagine ang araw na poposasan si Crissa. Hindi na ng
LUMIPAS ang limang buwan ay mag-isang namumuhay si Olive sa isang malayong probinsiya. Apat na buwan na rin ang kanyang tiyan. Nagpapasalamat siya dahil sa may naiwan naman sa kanya na alala ni Nickson. Ito ay ang anak nilang dalawa. Habang himas ang tiyan ay napaiyak si Olive. Miss na niya si Nickson. Sumuko siya para sa kaligtasan ng lahat. Importante na mabuhay silang lahat kahit pa masaktan siya."Anak, patawarin mo si Mommy kung hindi ko pinaglaban ang Daddy mo. Masaya ako kung magiging masaya ang Daddy mo sa piling ni Crissa. Hayaan mo andito pa naman si Mommy. Hinding-hindi kita iiwan," usal ni Olive habang hawak ang may kalakihan na din na tiyan."ATE, pupunta lang po ako sa kabilang bayan. Ipamimili kita ng mga prutas tsaka mga gamit ni baby," paalam ni Quinay kay Olive. Si Quinay ang dalagita na kasama niya sa bahay simula noong lumipat siya sa maliit na bayan ng Santa Barbara.Nakilala niya ito noong naghanap siya ng babaeng makakasama. Maigi na lamang ay nadala niya ang ka
NAG-AALALA na si Nickson para sa asawa niya. Hindi nakapagpaalam na aalis ng bahay si Olive. Pinayagan niya itong magtrabaho. Pero hindi niya alam na ngayon din ay magsisimula na kanyang pagmomodelo ang asawa.Gabi na rin at hindi pa ito nakakauwi sa bahay nila si Olive. Wala namang sinabi sa kanya ang asawa bago ang huli nilang pag-uusap kaninang umaga.Nang hindi na nakatiis ay tinawagan na niya ang Papa ni Olive. "Pa, umuwi po ba si Olive d'yan sa inyo?" bungad na tanong ni Nickson sa kabilang linya."Ha? Wala si Olive sa bahay. Ang alam ko, e, may usapan nga kami bukas na pupunta siya sa bahay para pumunta sa boutique. Gusto niyang makita ang mga design ng wedding dress. At siya raw mismo ang gustong pumili sa isususot sa kasal n'yo," sagot ni Norman sa manugang."Ganoon po ba? Hindi pa po kasi umuuwi si Olive. Alas diyes na po ng gabi at nag-aalala na po ako sa kanya," sabi ni Nickson."Saan ba nagpunta ang bata na iyon?" pagtatakang tanong ni Norman."Wala po siyang sinabi sa ak
PAUWI na si Olive mula sa grocery. Nagpahatid lang siya kay Reine sa store para mamili ng mga stocks nila. Napatigil siya sa paglalakad nang may humarang sa kanya na dalawang sasakyan. Mula r'on ay lumabas ang limang lalaki at naglakad palapit sa kanya.Nagpalinga-linga siya sa paligid. Tiyempo naman na walang tao na dumadaan. Sino ang puwede niyang hingian ng tulong?Nahintakutan si Olive at napaatras."Ma'am, sumama po kayo sa amin para hindi na kayo masaktan pa," sabi ng isang lalaki na may bonet sa ulo. Nang makalapit ang mga ito at pinalibutan siya.Sinuyod niya ng tingin ang mga lalaki. Sa itsura ng mga ito parang papatay ng tao. May mga nakasukbit na baril sa tagiliran nila at pawang mga kulay itim ang suot. Hindi niya makilala dahil sa may suot na bonet ang mga ito."Huh? Bakit? Sino ba kayo? At saan niyo ako dadalhin?" nagtatakang mga tanong ni Olive at nilapitan siya ng apat na lalaki at hinawakan si Olive sa kamay. Habang ang isa ay piniringan si Olive at tinalian kamay niy
"IPAPAALAM ko ng rin po sa inyo. Simula po ngayon ay sa bahay na naming mag-asawa tutuloy si Olive. Ayoko na pong malayo pa sa asawa ko," sabi ni Nickson sa mga magulang ng asawa.Napangiti si Norman. "Aba'y nasa anak ko na ang desisyo, Nickson. Hindi naman kami ang makikisama sayo at asawa mo na rin ang anak namin.""Oo nga naman. Hindi mo kailangang na ipagpaalam pa ang anak namin. Pag-usapan ninyong dalawa 'yan," sabat naman ni Bettina.Mahigpit na hinawakan ni Nickson ang kamay ni Olive. Saka napalingon sa asawa na katabi niya.Muli ngang nagsama sina Olive at Nickson sa bahay nila. Punong-puno ng buhay at saya ang kanilang munting tahanan. Parang nasa honeymoon stage sila. Napupuno ng kulay ang kanilang pagmamahalan."Asawa ko, noong umalis ka ba, naiisip mo ako?" usisa ni Nickson.Katatapos lang ng kanilang mainit na tagpo at nakahiga sa kama nila. Habang nakaunan si Olive sa braso ni Nickson."Never kang naalis sa isip ko. Kahit nga sa panaginip nakikita kita. The one year that
"PA, I'm sorry po. Iyon po talaga ang nangyari. I will let you decide about to my father. Kung gusto niyo po siyang kasuhan. Hindi po ako hahadlang," sabi ni Nickson. Nakaupo na hawak ni Olive ang kamay ng asawa. Habang nasa tapat nila nakaupo ang parents ni Olive.Mataman naman na nakatingin lang ang mga magulang ni Olive kina Nickson at Olive. Napatingin naman si Olive sa asawa niya na halatang kabado. Namumuo ang butil ng mga pawis sa kanya noo. Pakiramdam ni Nickson nasa isang interrogation siya at iniimbestigahan."Anak, ikaw? Anong desisyon mo?" tanong ni Norman kay Olive. Bumaling ng tingin si Olive sa Papa niya at ngumiiti r'to."Pa, sa totoo lang po. Mahal ko po ang asawa ko. Napatawad ko na po siya at hindi naman po kami magmomove forward kapag may pa din kami sa isat isa. Pero kung ano man ang magiging desisyon niyo ni Mama ay susuportahan po namin ni Nickson. Kayo pa rin po ang magdedesisyon para sa relasyon naming dalawa," mahabang litanya ni Olive."Well, sa totoo lang n