Nagtataka ako kung bakit ako nag-iisa sa lugar na ito. Nandito ako ngayon sa lugar kung saan napakalawak nito at wala akong nakikitang ibang tao.
Napapaligiran ako ng mga maraming bulaklak, paru-paro at mga ibon.
Ang ganda at ang saya pagmasdan nang paligid. Ang mga paru-paro ay nakakaaliw tingnan at panoorin na lumilipad-lipad at masayang nagpapalipat-lipat sa mga iba't ibang uri ng mga bulaklak. Nakakabusog sa mata ang kanilang mga samo't-saring kulay. Ang mga ibon naman ay kay gandang pakinggan ang kanilang mga huni na para bang musika sa aking pandinig. Ngunit nakakaramdam ako nang sobrang kalungkutan.
"Nasaan sina Kenny, Daddy, at Mommy. Bakit ako nag-iisa rito?" tanong ko sa aking isipan.
"Kenny! Daddy! Mommy!" tawag ko.
"Bakit hinayaan n'yo akong mag-isa rito! Nasaan na po kayo!" Sigaw ko.
Nakakalungkot naman ang malaparaisong lugar na ito. Napakaganda kung titingnan ito ngunit napakalungkot sa pakiramdam kapag nag-iisa ka lang
Hello to all my labable readers, sensya na po if maikli ang mga content ng mga chapters ko. Hinahati ko lang po kasi ang time ko sa paggawa ng mga modules ko at pag-edit ng mga sinulat ko sa story na ito. Tinutulungan ko rin po ang dalawa kong kapatid sa kanilang modules. But i promise na patuloy po akong mag-a-update 2-3 times a week. Enjoy reading. Sana magustuhan n'yo bawat chapter ng story kong ito. Loveyouallđź’–
Alexes POV"Sandy, gising! Sandy, love! Love, gising!" Yogyog sa akin ni Zion.Umiiyak ako habang natutulog at sumisigaw nang daddy.Nagising naman ako na iyak nang iyak."Zion, ang daddy ko. Miss na miss ko na siya, sila ni mommy. Napanaginipan ko si daddy. Iniwan niya ako!" sabi ko habang umiiyak."Shh! 'Wag ka na umiyak. Huwag ka mag-alala hindi totoo ang napanaginipan mo," sabi nito habang pinapatahan ako sa pamamagitan nang paghaplos nito sa aking likod.Hindi pa rin ako mapakali kasi parang totoo ang panaginip ko. Parang totoo na nayakap ko siya kani-kanina lang."Sana nga hindi totoo ang panaginip ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag totoong iiwan ako ng daddy ko," sabi ko habang patuloy ako sa pag-iyak."Huwag ka magpa-stress, 'yong baby mo ang isipin mo at ang kalagayan mo. Hayaan mo kapag nakapanganak ka na ay makakauwi ka na sa inyo. Makakasama mo na ang mga magulang mo. Kung gusto mo ako na ang pumunta sa iny
Kenny POV Halos hindi ko makayanan ang mga nangyayari sa loob ng operating room. Nakita ko na dahan-dahang inilapag ni Doctora Isabel ang cardiac apparatus sa lagayan nito. Ako ang nagtaas ng voltage temperature nito sa ginagawang pagre-revive niya kay Tito Albert. Kitang-kita ko ang determination at dedication nitong gawin ang kan'yang trabaho mabuhay lang si Tito Albert. Nalulungkot akong isipin na hanggang dito na lang ang kan'yang kayang gawin. Umiling-iling akong nakatingin sa kan'ya. Halos maiiyak at tumingin ito sa kan'yang wristwatch at... "Time of death 9:05 p.m!" malungkot na sabi nito saka umiiling-iling na ang ibig sabihin ay wala na si Tito Albert. Pakiramdam ko nadurog sa maliliit na piraso ang aking puso dahil sa narinig ko mula kay Doctora Isabel. "No! No! Buhay pa siya. Buhay pa si Tito Albert! Sabihin n'yo po Doctora, buhay pa siya! 'Di ba Doc, 'di ba!" Naiiyak at hindi pa ring makapaniwala na
Zion POV Doc. ZM, dito lang po kayo sa labas kami na ang bahala kay Miss Alexes," sabi sa akin ni Doc. Martinez ang OB-GYN ni Sandy. "Doc. Martinez, tutulong po ako sa pag-aasikaso sa kan'ya. Pre-mature kasi ang magiging baby ni Sandy baka makakatulong ako," pamimilit ko. Alalang-alala talaga ako sa kalagayan ni Sandy at sa baby nito. Nahalata naman ito ni Doc. Martinez. "Don't worry Doc. ZM, walang masamang mangyari kay Miss Alexes. Kapag may problema about sa baby ikaw ang una naming tatawagin. Sa ngayon kami muna ang bahala kay Miss Alexes," sabi nito. Wala akong magawa nang isara na nito ang pinto ng labor room. Isang oras na akong pabalik-balik sa labas ng labor room ngunit wala pa ring lumalabas na mga nurse upang ipaalam kung ano na ang kalagayan ni Sandy sa loob. Naghintay pa rin ako nang ilang oras pa ngunit wala pa rin. Hanggang sa... "Paging Doc. ZM Conde, please proceed to an NICU pedia room,
Zion POVBaka nagtataka po kayo sa mga nangyayari. Hindi po ako totoong anak ni Mommy Isabel. I'm adopted child. At laking pasasalamat ko at siya ang naging adopted parents ko dahil ibinigay n'ya ang lahat sa akin at itinuring akong tunay na anak.Galing po ako sa isang children shelter. At nasa 5 years old pa lang ako noon nang ma-adopt ako ni Mommy Isabel.Hindi ko alam kong sino ang totoo kung mga magulang. Basta ang sabi sa akin nang mga nag-alaga sa akin sa children shelter ay isang babae ang nagdala sa akin doon na ayaw magpakilala at iniwan ako roon noong sanggol pa ako. At wala na akong balak na hanapin pa ang aking mga totoong magulang dahil masayang-masaya na ako kung ano ang meron ako sa ngayon."Mommy, maaari ko bang malaman kung ano nangyari, bakit mo nasabing pinatakas mo si Yaya Mercy kasama si Alisa," pukaw ko sa mahabang pag-iisip nito."Ang hospital na ito ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang ko at ang daddy ni Alisa at
Kenny POV Nandito ako ngayon sa loob ng kapilya ng hospital na ito. Nakaupo sa mahabang upuan at taimtim na nanalangin. Simula pa nang ma-admit si Tito Albert sa hospital na ito ay wala akong sawang pumupunta dito upang manalangin at humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko. Pero sa pagkakataong ito ay nanalangin ako upang ipagpasalamat sa mga nangyari sa aking buhay lalong-lalo na ipiagpasalamat ko ang pagbabalik ni Tito Albert. "Maraming salamat po Ama at inbinalik mo si Tito Albert sa amin. Hindi mo po ako binigo nang hilingin ko na pagaling n'yo po ang ama nang babaeng mahal na mahal ko. Pero may isa pa po sana akong hiling na matagal ko nang pinapanalangin sa'yo Ama na sana ay ipagkaloob n'yo po sa akin. Na sana kung hindi labag sa inyong kalooban Ama, hinihiling ko na sana bumalik na si Alexes, sa kan'yang mga magulang kahit na hindi n'ya ako mapapatawad basta makita na s'ya at bumalik sa Daddy at Mommy n'ya," panalangin ko at pagkatapos no'n ay tum
Alexes POV Nagising ako sa matinis na iyak ng isang sanggol. "Nasaan ako," agad na tanong ko nang imulat ko ang aking mga mata. "Nandito ka ngayon sa recovery room, Miss Alexes," sagot ng isang attending physician sa akin na inaayos ang dextrose na nakakabit sa aking kamay. Kaagad kong inilibot ang aking paningin sa paligid ng silid. Hindi ko makita ang hinahanap ko. "Iyong mga baby ko, nasaan sila bakit hindi ko sila nakikita?" tanong ko na kinakabahan at nag-aalala. "Don't worry po Miss Alexes, okay lang ang mga baby mo. Kailangan lang nilang e-encuvate kasi pre-mature po sila. Nasa NICU na sila ngayon sa encuvator," sabi nito. "Gusto ko silang makita. Maaari ko ba silang puntahan?" tanong ko. "Yes naman po! Mamaya pwede mo silang puntahan sa visiting hours mga 4:00 to 6:00 p.m. need mo lang magsuot ng PPE para po sa protection ng mga babies. Masilan pa kasi ang kanilang kalagayan but they are healthy at walang proble
"Kenny! Iho, kumusta na ang kompanya?" tanong ni Tito Albert sa akin.Nandito ako ngayon sa loob ng silid ni Tito Albert sa DJMMH o ang Don Julius Menandro Memorial Hospital.Nakaupo na ito sa kan'yang kama at ako naman ay nagbabalat ng orange para ibigay dito."Okay naman po Tito, naibalik na po ang pera sa atin, sa kompanya at dumadami na rin po ang mga delivery natin sa ibang bansa," sabi ko."Hon, 'wag mo munang isipin ang kompanya, and'yan naman si Kenny, s'ya na ang bahala. Ang isipin mo ay kung papaano ka gumaling at lumakas agad," sabi ni Tita Ellen na kanina pa nakikinig sa pinag-uusapan namin."Oo nga po Tito Abert, ako na po ang bahala, hindi ko po pababayaan ang kompanya. Magpagaling po muna kayo," sabi ko."Okay, sa iyo ko pinagkakatiwala ang kompanya, Kenny. Sana this time maging maingat at maalam ka na sa paggawa nang mga disesyon mo," sabi nito at tinanggap nito at oranges na ibinigay ko."Opo! Tito, pangako! Ay... hin
Kenny POVPagdating ko ng opisina ko ay nadatnan ko si Xander na nakaupo sa maliit na sofa.Tumayo ito nang makita ako at excited na nagsalita."Kenny, alam ko na kung nasaan si Alexes," kaagad na sabi nito sa akin.Umupo muna ako sa kabilang panig ng sofa at nagsalita."That's a good news, But! Xander, hindi lang tayo ang naghahanap sa kan'ya," malungkot kong sabi."Ha? Bakit may iba pa bang naghahanap sa kan'ya," tanong nito."Oo Xander, ang kan'yang tunay na ina," sabi ko."Whooohh! That's a problem," sabi ni Xander."Oo nga Xander, problema talaga pero kailangan na mahanap muna natin si Alexes bago pa ito mahanap ng kan'yang tunay na magulang, "sabi ko.Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala nang malaman ko na si Doctora Isabel ang totoong Ina ni Alexes.Kung iisipin nga ay dapat matutuwa ako dahil marami na kami ang naghahanap. Ang ibig lang sabihin kung marami ang maghahanap at magtutulungan ay
Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak
Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.
Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong
Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal
Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m
Alexes POV "Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal. Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita. "Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito. Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon. "Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.
Alexes POV "Oo nga pala Iha, bakit naging instant mommy ka? Sino ba ang ama ng mga apo kong ito?" tanong naman ni Daddy na ngayon ay nakahawak sa magkabilang kamay nito ang mga maliliit na daliri ng kambal. "Alam ko na hindi kayo makapaniwala na anak ko talaga sila. At ang kanilang ama ay si—" Tiningnan ko muna si Zion. Nakita ko ang kalungkutan nito sa mga mata n'ya ngunit nakangiti ito sa akin. "Zion," sabi ko at lumipat ang tingin ko kay Kenny. Nakita kong nalukot ang mukha ni Kenny nang sambitin ko ang pangalan ni Zion. Akala siguro nito si Zion na ang ama ng mga kambal dahil Zion ang sinambit kong pangalan. "Teka lang hindi pa ako tapos magsalita." sabi ko saka lumapit nang bahagya kay Zion. "Zion, I'm sorry. Alam ko na gusto mong maging ama sa kanila pero hindi natin mababago ang katotohanan na si Kenny ang kanilang ama," sabi ko. "Ako! Talaga, yes! Totoo ba ang narinig ko, ako ang kanilang ama
Alexes POV "Zion, sino ang—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kung sino ang kumakatok sa pinto ng silid ko sa hospital. "Kenny!" sambit ko kasabay ng kan'yang pag sambit ng "Babyhoney." Hindi ako makapaniwala nang baksan ni Zion ang pinto ay bumungad ang kani-kanina lang na pinag-uusapan naming si Kenny. Nagtataka ako kung papaano siya nakapunta rito at papaano niya nalaman na nandito ako. Tulala ako na nakatitig lang kay Kenny. Gusto kong tumakbo papunta sa kan'ya pero hindi ko magawa dahil iniisip ko na baka panaginip lang ang lahat. Nakita ko itong dahan-dahang lumalakad papunta sa akin. Habang papunta ito sa akin ay ang lakas-lakas nang kaba ng dibdib ko. Ang bilis nang tibok ng puso ko. "Oh em ji! Hindi na ito panaginip! Totoong nangyayari na ba ito?" tanong ko sa sarili. Naramdaman ko na lang na nakayakap na ako sa kan'ya. Nakatingin ito nang diretso sa mga ma
Kenny POV Nandito na ako ngayon sa labas ng isang silid na sinabi ng Nurse kung saan ang silid ni Alexes. Halos hindi ko maiangat ang aking mga kamay upang kumatok sa pinto ng room 101. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Ano ang gagawin ko? 'Di ko alam kung ano ang magiging reactions ko kapag nakaharap ko na si Alexes. Siguro... A. iiyak B. magmamakaawa na ako nalang ulit kahit sila na ni Zion. C. luluhod at hihingi ng tawad dahil sa mga nagawa ko. D. magagalit pero 'di ko alam ang dahilan kung bakit ako magagalit. Kung alin man dito sa mga naisip ko ay bahala na. "Tok! Tok! Tok!" katok ko sa pintuan at bumukas naman ito. Nagulantang ako nang may nag-iiyakan at may nakita akong isang babae na nakahiga sa isang strecher bed na parang wala ng buhay at may nakapalibot na kapwa umiiyak. "Yes po, sino po kayo?" tanong sa akin ng isang binatilyo. "Oppss! I'm sorry, wrong d