Hindi naman nakaimik si Stanley lalo na ng makita niyang umiiyak na si Serenity. Agad niyang dinukot ang panyo sa kanyang bulsa at nilapitan ito pinahiran niya ang luha nito. "Sorry, nabigla lang ako. Ikaw naman kasi kanina pa ako nag aantay duon para ibigay ang regalo sayo ni papa tapos yun pa ang makikita ko." paliwanag niya rito.
"Ewan ko sayo Enemy, nakakasama ka ng loob. Alam ko na ngayon na wala kang tiwala sa akin." at lumakad na siya papalayo.
Agad naman sumunod si Stanley at hinila siya muli sa kamay para hindi na siya makalayo. "Sasakay na tayo, huwag ka ng magalit sorry na hindi na yun mauulit promise." malungkot na sabi niya. Hindi naman umimik ang dalagita pero hindi narin siya nanguna sa paglakad sabay na nilang tinahak ang sakayan ng tricycle sa kanto. Ngunit bago pa makalayo ay may tumawag sa pangalan ni Stanley.
"Stanley!" sigaw ng babae at agad lumapit at nagunyapit sa braso ni Stanley. "Saan ka galing? at sino yan baby sister mo?" nakangiting tanong nito.
"Hindi ko kapatid yan tingnan mo naman ang gandang bata naman niya para maging kadugo ko." sagot nito na nabitawan ang kamay ni Serenity.
"O eh sino nga yan?"
"Palaki ko hahaha."tumatawang sagot nito at nakitawa naman yung babae.
"Loko ka talaga, infairness naman saiyo ang ganda ng palaki mo hahaha. So sinundo siya sa school?"
"Oo mahirap na baka maunahan ng iba maigi ng masmaagang mag bantay." tumatawang sabi pa nito habang nanatiling nakikinig sa usapan ng dalawa si Serenity na hindi maka relate sa biruan nila.
"Paano sama ka sa amin mamaya may gimik kami mga 7:00pm ang punta namin sa RestoBar."
"Sige magpapaalam lamang ako kay mama at susunod nalang ako sa inyo duon. Sige na mauuna na kami at mag aaral pa itong palaki ko para sa future namin hahaha." at lalong natawa ang babaeng kaharap nito.
Agad pumara ng tricycle si Stanley at pinaunang sumakay ang dalagitang walang imik bago siya tumabi dito at sinabi sa driver kung saan sila ihahatid.
Nilingon ni Serenity ang binata, "Sino yun girlfriend mo?" tanong niya rito.
"Hah! si Pia girlfriend ko? no way ang arte arte nuon eh." animoy nandidiri pang sabi nito, "Kaklase ko lang yun bakit selos ka?" at nagulat naman si Serenity sa tanong nito.
"Nyak hindi no pakialam ko naman sa inyo. Kung si Simon kapa baka mag selos ako at sabunutan ko yung babae na yun.' nakangusong sagot nito.
Umarte naman si Stanley na parang nasasaktan at nakahawak sa tapat ng dibdib. "OUCH! grabe ka naman mapanakit ka na agad eh kabata mo ba ano pa pag nag dalaga ka, baka bastiden mo na agad ako hindi pa man ako nag uumpisa manligaw sayo."
"Sadya!" bulyaw ni Serenity sa mukha niya at napatawa nalamang siya sa inasal nito.
"Sige pagbibigyan kitang magka crush sa iba dahil bata ka pa, pero pag pwede ka ng ligawan ako lamang ang pwedeng manligaw sayo hindi ka pwedeng lapitan ng kahit na sinong lalaki kahit kapatid ko pa yan." babala niya rito ngunit naka ngiti.
"Ewan ko sayo baliw ka, manahimik ka nalamang masyado kang maingay." saway ni Serenity dito. Nakarating sila ng bahay nila ng wala ng imikan at inihatid pa siya ni Stanley sa loob ng bahay nila.
"Tita Reny!" sigaw ni Stanley na nguna pa sa pagpasok sa bahay nina Serenity. "Narito na po ang maganda pero mataray mong anak at inaaway nanaman po ako." tila batang sumbong nito sa mama ni Serenity.
"Hay.. naku! kayo talagang dalawa kala mo eh aso at pusa lagi. Sinundo mo pala si Seren sa school naabala ka nanaman."
"Hindi naman po, nataon lamang na bumili si papa ng thank you gift para kay Enemy, eh malapit sa school niya kaya dinaanan ko na po siya." paliwanag nito habang ibinababa sa upuan ang mga gamit ni Serenity. At saka niya iniabot ang paper bag na kanina pa niyang bitbit. "Enemy ito yung gift ni papa, sana magustuhan mo ako nag suggest na yan ang ibigay saiyo. Pagbutihin mo daw ang pag aaral mo at bawal ka daw magpaligaw dahil mamanugangin ka daw niya hahaha." pang aasar niya rito.
"Mama patingnan mo nga po yan si Enemy sa mental, kasi kanina pa yan nasisiraan ng ulo kung ano anong sinasabi tapos yung mga kaklase ko pinagalitan pa niyan." sumbong niya sa ina habang binubuksan ang regalo.
"Tita, nahuli ko yan sa labas ng gate, binibigyan ng bulaklak at chocolate nung kaklase niya may crush sa kanya tapos ng sinabihan ko sa akin pa nagalit." ganting sumbong naman ni Stanley na kunwaring sinamaan pa ng tingin si Serenity kaya naman lalo ng nainis ang dalagita sa inasal niya.
"Aba Seren, bata ka pa ha hindi pa pwedeng magpaligaw." baling naman ng kanyang ina sa kanya kaya lao siyang nainis.
"Huwag po kayong maniwala sira na ulo niyang lalaking yan dapat diyan dinadala sa mental." sagot niya sa ina saka binato ng pinagbalutan ng regalo si Stanley. "Hoi! umuwi ka na sa inyo at nakakainis ka." baling niya rito kaya naman lalong natawa ito at ng tangkang lalapitan niya para batukan ay patakbo itong lumabas ng bahay nila at umuwi sa kabilang apartment.
"Seren, baka nagpapaligaw ka na nga ha. Aba eh dose anyos ka palamang." sita nito sa anak.
"Mama naman maganda ang anak mo hindi ko kasalanan na may nag kaka crush sa akin, okay lang po yun ang mahala naman ay hindi ko sila crush diba. At mama kilala mo po ang crush ko kaya kahit isang dosenang bulaklak at malalaking chocolates ang ibigay ni Aldrin hindi ko iyon magugustuhan. Tinanggap kom lang po kasi sayang pasalubong kompo sana kina Renely, at Samantha."
"Mabuti na ang nagkakalinawan tayo aba eh iyong anak ni Josefa trese anyos palang ay may nobyo na at yung si Analiza naman katorse anyos nalamang buntis ng nmga magulang at tinakbuhan ng nobyo ayaw ko lamang mangyari sa iyo ang ganuon. Kita mo naman ang hirap na pinag dadaanan natin hindi ba."
"Oo naman po mama, huwag ka pong mag alala dahil alam ko pong lahat iyan at hindi mangyayari ang ikinatatakot mo sa akin. Nasaan na po ang mga kapatid ko ibibigay ko itong tsokolate sa kanila."
"Nasa labahan at naglalaron duon puntahan mo nga at baka kung ano nang nilikot ng mga iyon."
"Sige po mama."
Alas nuebe na ng gabi at alam ni Serenity na wala pa si Stanley dahil nasa restobar ito kasama ng mga kaibigan nito. Kaya naman muli siyang lumabas sa terrace at tumingala sa mga bituin, "Kumusta na kayo mga kaibigan pasensya na kayo ha kasi madalang ko na kayong labasin baka kasi may makarinig nanaman saakin nakakahiya hehehe." at tila tuwang tuwa itong nakatingin sa kumikinang na kalangitan.
Nakangiti habang nakatingala si Serenity at unti unting dumaloy ang luha sa kanyang mga malulungkot na mata. "Alam nyo ba na masaya ako kasi parang normal na bata na ako, nakakapaglaro at kumakain sa tamang oras gayon din ang mga kapatid ko pero bakit naman ganon?" at huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Masakit makita ang mama ko na umiiyak at nasasaktan, sana lahat ng sakit na nararamdaman niya ay mapawi na. Sadya bang ganon pagnagmahal? Sa sobrang pagmamahal niya kay tito palagi nalang siyang umiiyak halos mag tatlong linggo na siyang hindi umuuwi at alam ko kung bakit pero ayaw kong sabihin kay mama kasi ayaw ko siyang masaktan."* * * * FLASH BACK * * * *Binigyan ng puhunan ni Aling Gina si Aling Reny upang ang tubo ay maibili nila ng makakain sa araw araw. Sa Umaga ay sa harapan ito ng apartment nagtitinda at sa miryenda naman ay naglalako ito ng mga kakanin sa kadahilanang hindi na nga ito inuwian ng asawa at kailangan nitong mag ipon para sa panganganak nito
"Nakakainis ang batang iyon, ipinaghanda ko pa ng almusal wala naman pala, bakit naman hindi niya nabanggit sa akin ang pagpunta sa school ngayong araw? Galit pa siguro yun sa pang aasar ko kahapo." anang kangyang isipan at para siyang batang naiinis sa kalaro. Nagmukmuk lamang siya sa higaan hanggang tanghali saka naligo at lumabas ng bahay."Aba! seniorito tanghalian na ngayon kalang bumangon halika na at kakain na." bulyaw sa kanya ng ina kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang dumulog sa hapagkainan. Ngunit nakapagtatakang wala siyang gana. Hindi nagtagal ay tumunog ang telepono nila at sinagot iyon ni Simon na siyang malapit sa kinalalagyan noon."Hello, sino to?" tanong nito sa kausa "Okay sige sige sasabihin ko nalang kay mama at kay tita Reny, sige mag ingat ka nalang pauwi----" natigilan ito ng tanungin ng ina."Sino yan Simon?" tanong ni aling Gina."Si Seren po mama, pinasasabi na aabutin daw ng hapo sa school makikiulit narin daw po sa mama niya." sagot niya habang hi
Araw ng linggo lahat ng gawain ay tinapos ni Serenity nakapamili narin siya ng mga mga kakailanganin nilang paninda. Tanghalian na, kaya naman sabay sabay silang pinag saluhan ang ginisang munggo at piniritong isda na niluto ng kanilang ina."Anak ako na ang magliligpit nito, dapat ay makapamahinga nga para bukas ay handang handa ka." "Ma, wala naman akong paghahandaan bukas eh. ang kailangan lang ay unat na unat ang uniporme ko at makintab ang sapatos at naayos ko na po lahat iyon." sagot niya sa ina."Sabi nga pala ng ate Savannah mo ay pumunta ka sa kanya ng ala una dahil magpapasama ata siya sa iyo sa bayan, sa tingin ko dapat ay maghanda kana dahil alas dose y medya na.""Sige po mama, maliligo na po ako."Matapos maligo ay agad siyang nagbihis, isang shorts na maong at isang sleeveless blouse na kulay baby pink ang napili niyang isuot. Kinuha rin niya ang rubber shoes na kulay puti. Lahat ng suot niya ay galing sa kanyang ate Savannah mga pinagliitan nito at karamihan ay hindi
Hindi makapaniwala si Savannah habang tinititigan sa making salamin ang napakagandang dalagita sa kanyang harapan. Pinakulot niya ang laylayan ng mahaba nitong buhok pinaayusan ng light make up at pinalinisan ng mga kuko."Grabe napakaganda ng batang ito." opinyon ng mga baklang nag ayos dito ng biglang sumingit ang may ari mismo ng salon."Ms. Savannah maaari ba naming kunin bilang modelo ang iyong kapatid?" tanong ng magandang transwoman na si Astrid."Oo naman mama Astrid pero tanungin nyo rin muna ang batang yan hindi ko kasi talaga siya kapatid pero parang ganon narin ang turing ko sa kanya." sagot ni Savannah.Nilapitan ni mama Astrid si Serenity saka kinausap. "Hija, baka nais mong maging modelo ng aking salon pangako marami kang makukuhang benefits at syempre aalagaan narin kita upang maslalong lumitaw ang iyong ganda. Kikita ka rito para sa iyong pag aaral." pang hihikayat nito."A---ano po bang gagawin ko?" naguguluhang tanong ni Serenity."Kukunan ka lamang ng mga larawan n
"U--uuwi na ko excuse me!" paalam ni Serenity dito. Ngunit agad tumayo si Stanley at inilapit sa tainga niya ang mga labi nito saka bumulong. "Mag uusap tayo bukas, matulog ka ng maaga." saka nito bahagyang ginulo ang kianyang buhok at iniwan siyang tulala. Nagmamadali namang umuwi si Serenity at sa buong gabing iyon ay hindi siya dinalaw ng antok dahil sa kabang nararamdaman. Paumaga na ang makatulog siya kaya naman ng tumunog ang alarm clock niya ay sobrang sakit ng ulo niya sa puyat. Agad siyang bumangon at kumuha ng towel nanligo siya at nagbihis ng simpleng dress upang madaling hubarin mamaya pagpapalit niya ng uniporme. "Anak kumain kana bago ka magpa make up sa ate Annah mo." utos ng ina niya na agd siyang hinayinan. "Kumain ka narin po mama tapos maghanda ka narin po ha. Pano nga pala po ang mga kapatid ko walang maiiwan sa kanila?" tanong niya habang kumakain."Sus kala mo naman eh kaliliit pa ng kapatid mo at alalang alala ka na maiwan sila. Huwag kang mag alala at si Ti
Agad pumailan lang ang musikang umaayon sa tunog ng kanyang awitin. This song is dedicated to all of my classmates na nag request po nitong song na ito.Title: Hanggang Ngayon by Kyla. NEXT SONG is Dedicate to all of our love ones. This is not the end, because it is just the beginning of our journey congratulations to all of us. Title: Thanks to You by. Tyler Collins Matapos ng kanyang pag awit ay agad nagpalakpakan ang mga nanonood sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ang graduation ceremony at nagpaalaman na ang mga kabataan at mga guro. Sa daan papalabas ng gym ng school ay sinalubong si Srenity ng isang lalaking hindi makakalimutan ni Stanley si Aldrin, may dala dala itong tatlong pulang rosas at isang malaking paper bag na agad iniabot kay Serenity. Magandang araw po pwede ko po bang makausap sandali si Seren, magpapaalam lamang po ako tita, kuya."Paalam nito kay Stanley at sa Mama ni Serenity, tumango lamang ang mga ito. At agad namang lumapit si Aldrin kay Serenity. "Congra
"Bakit ganon lahat naman ginagawa ko para sa pamilyang ito. Pero bakit parang wala akong halaga, bakit kahit monsan walang nagtanong ng opinyon ko o nang nararamdaman ko. Tao rin naman ako at nasasaktan bakit kailangang pagdaanan ko ang lahat ng ito." nakatingala sa karimlan at puno ng luha ang mga mata na tanong niya. "Ehem!" malakas na tikhim ni Stanley na dahilan upang maagaw ang pansin ni Serenity. "Bakit mo kasi sinosolo naririto naman kami mero lagi mong ipinagpipilitan na kaya mo ang lahat." at tuluyan siyang lumapit at naupo sa tabi nito."Buti pa yung mga bituin sa langit ang saya nilang tingnan, minsan naiisip ko kaya siguro sila itinaas ng diyos ay para hindi sila masaktan nino man. Sana pagdating ng araw na ako naman yung mawala makita na nila kung ano ang halaga ko. Isinakripisyo ko na ang kabataan ko para matulungan ang aking pamilya na makaahon kahit papaano sa pagkakadapa pero heto nanaman lulusong nanaman si mama sa kumunoy. Paano na ako, paano na kami ng mga kapatid
Hindi malaman ni Serenity kung anong sasabihin niya sa binatang kaharap. Sobra sobrang tulong naman ito kung sakali at hindi pa niya alam kung saan kukuha ng pang upa rito at pambili nila ng pagkain ng mga kapatid niya."Nagbibiro ka lang hindi ba?" tanging namutawi sa kanyang mga labi."Hindi ako nagbibiro kaya ngayon palang ay hakutin mo na ang gamit ninyo ng mga kapatid mo pwede naman kayo sa araw na kasama ang mama mo pero kung gabi pakiusap dito nalamang kayo ng mga kapatid mo. Naglalakihan narin sila Seren at gaya mo ayaw kong mapahamak ka. Alam na ni mama ang tungkol dito huwag kang mag alala, isipin mo nalang na ang kuwarto ninyo nina Sam at Renalyn ay nakabukod. Tutulungan kitang mag paalam kay tita Reny." paliwanag ni Stanley at hindi na napigilan ni Serenity ang mga luha ay dagliang umagos sa kanyang pisngi at wala sa sariling lumapit at yumakap kay Stanley."Salamat.... salamat ng marami, hindi ko alam kung paanong makakabwi sa iyo at sa pamilya mo. Sobra sobrang pagtulon
Kumakanta at sumasyaw na si Serenity kasama ng mga kaklase at ng mga barkada ni Drake. Para silang nasa diskuhan na sayaw dito at hiyaw duon ng bigla nalamang siyang natigilan dahil hinila siya ni Drake sa beywang niya at saka inilapit sa katawan nito saka ng sasayaw. Itinulak niya ito ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito at amoy na amoy na niya ang alak sa hininga nito na halos usang dangkal nalamang ang layo sa kanyang mukha."D--Drake a--ano ba bitawan mo ko!" sigaw niya na umagaw ng atensyon sa iba nilang kasamahan na nag kakasiyahan."Drake pare, lasing ka na wala namang bastusan." pigil dito ng isang kaklase ni Serenity."Eh bakit ba na ngingialam ka eh kursunada ko eto eh." sigaw ni Drake na itinulak pa ang lalaking kakalapit lamang."Eh sira ulo ka pala eh anong palagay mo kay Serenity?" pasigaw na tanong ni Amara."Eh magkano ba ang kailangan mo Serenity para mag hubad ka sa harapan ko? Eh di ba nagllantad ka ng katawan para manalo sa pageant eh di babayaran nalamang kita pa
"Who's this?" tanong ni Stanley sa kabilang linya. Hindi naman umaalis si Serenity at tila ba nakikinig ng biglang may babaeng naglambitin sa leeg nito at basta na lamang ito humalik rito. Gulat na gulat naman si Serenity at bahagya pang napaurong."Oh My God! It's really you! I missed you so much finally after a long time you came back." ani Stanley na hindi mawaglit ang tingin sa kababatang si Camella. Napakaganda nito at napaka sexy hapit na hapit ang suot nitong dress na nagpalitaw sa hubog ng katawan nito. Tila naman nakalimutan na ni Stanley si Serenity at inakay na ang kababata papasok sa kanilang bahay. Tila napahiya naman sa sarili niya si Serenity kaya minabuti nalamang niyang dumiretso papasok ng bahay niya at saka dumiretso sa cr upang maghilamos ng tumunig ang cellphone niya, tiningnan niya kung sino ang natawag sa screen nito at napangiti siya ng makitang ang kaklase niyang si Amara.Agad niya itong sinagot. "Hello Amara?" bungad niya dito."Beshy tara dito dali mag pa
Masaya silang nakarating sa paaralan kung saan idaraos ang pagtatapos sa sekondarya ni Serenity. Nakapagtapos siyang may gintong medalya sapagkatnsiya ang nangunguna sa kanilang klase. Mababakas ang saya sa kanyang mukha dahil kasama niya ang lalaking lihim na minamahal."Ang galing galing ng ate ninyo diba kaya yan ang manahin ninyong dalawa ha." sabi pa nito sa mga kapatid ni Serenity."Opo kuya." sabay namang tugon ng mga kapatid ni Seren.Nangmatapos ang graduation ay tumuloy sila sa isang restaurant at duon nag celebrate."Anong plano mo ngayon? Saan ka mag ka college?" tanong ni Stanley habang nag babalat ng malalaking sugpo at inilalagay sa pinggan ni Serenity."Bakit kailangan pang mag aral ni ate ng college eh pwede namang hindi na dahil mag aasawa narin naman kayong dalawa diba kuya." sabat ni Renilyn kaya naman naibuga ni Stanley ang laman ng kanyang bibig at nagmamadaling tumakbo sa cr upang ayusin ang sarili."Ano bang pinag sasasabi mo diyan Ren ha?" kunwaring galit na t
Nag aayos si Serenity ng sarili niya sa harap ng salamin ng biglang pumasok ng kanyang ina sa silid nilang mag kakapatid.Naupo ito sa tabi niya atbhinawakan ang kanyang kamay. "Napaka ganda mo anak, hindi lang yun napakantalino mo pa." anito sabay yukobat pinunasan angbsariling luha na kusang lumaglag. "Nagpapasalamat ako sa diyos na ikaw yung binigay niya sa akin dahil napaka responsable mong kapatid at anak. Wala na akong mahihiling pa sa diyos kung hindi ang magtagumpay ka sa lahat ng plano at pangarap mo sa buhay. Pasensya ka na kung naging pabigat ako saiyo at wala manlamang maitulong upang makapag aral ka.""Ma, okay lang ako huwag mong isipin ang lahat ng iyan dahil pangako ko po sayo na patatapusin ko sa pag aaral ang mga kapatid ko kahit high school lang. Para may maganda naman silang makuhang trabaho pag lumaki na sila at para makatulong rin sila sa iyo.""Napakabuti mo anak, alam mo ba yun napaka linis ng puso mo. Sa edad mong yan hindi kanpa dapat nagdurusa ng ganyan per
Madilim pa ay agad nang bumangon si Stanley at marahang binihisan ng dalagang mahimbing na natutulog, nakita niya ang mantsa na palatandaang wala na ang pinaka iingatan nitong dangal. Nakangiti niyang hinalikan ang noo nito bago umalis at umuwi sa kanilang bahay. Ayaw niyang malaman ng kanyang ina na hindi siya natulog sa kanyang silid dahil paniguradong sermon nanaman ang aabutin niya.Habang nalahiga sa sariling kama ay hindi matanggal sa isipan ni Stan ang nangyari sa kanila ni Serenity. Mahal na mahal niyang talaga ang dalaga ayaw niyang masira ang buhay nito ngunit natukso na rin siya hindi naman siya nag sisisi ngunit naaawa siya na hindi niya maintindihan. Natatakot rin siyang baka dumating ang oras na pagsisihan niya ang nangyari kung hindi man siya ay natatakot siyang makitang nagsisisi si Serenity sa ginawang pagpapaubaya ng sarili sa kanya. Mahal niya ito at handa siyang panindigan ang ano mang nangyari sa kanila ngunit pano kung masira ang kinabukasan ng babaeng mahal niy
Marahang itinaas ni Kiara ang damit ni Stanley hanggang sa maalis niya ito. Wala na siyang pakialam kung mawala ang dangal na pinaka iingatan niya dahil iisang tao lamang naman ang pinag lalaanan niya nito. At ito ay walang iba kung hindi ang lalaking simula bata siya ay kaagapay na niya. Alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon ngunit natatakot siyang baka dumating na ang babaeng magmamahal at mamahalin rin nito. Alam niyang hindi siya kayang mahalin nito dahil kapatid lamang ang tingin nito sa kanya pero ano bang magagawa niya, simula ng matuto siyang umibig ay ang lalaking ito angad ang itinibok ng kanyang puso.Naramdaman niya ang pagtulak sa kanya ni Stanley, "S---sorry Serenity s--sorry alam kong mali ito. Sorry...." Nagmamadali itong inalis siya sa kandungan nito at tumayo kaya naman ng akmang bubuksan nito ang pintuan ay nakaisip na agad siy ng paraan upang mabago ang isip nito."Paglumabas ka ng pintong iyan, huwag ka ng aasa na papansinin pa kita kahit kailan. Dahil ito
Nakarating sila ng bahay ng walang kibuan, hindi rin maintindihan ni Serenity kung bakit tila may namuong tensyon sa kanilang tatlo higit salahat ay sakanilang dalawa ni Stanley. Matuling dumaan ang araw halos isang linggo nalamang at gagraduate na si Serenity ng highschool. Ang namuong tensyon nuon sa kanila ay tila ba naging pader na nakaharang sa gitna. Kung bakit ay di nila lahat mabigyang linaw. Maging ang pakikisama niya kina mama Astrid ay tila ba nag ka lamat na. Hindi na siya masydong kinukuha ng mga ito at maging sa pageant ay may panlaban na silng bago. Kaya naman humina na ang kita ni Serenity. Nag desisyon siyang titigil na muna ng pag aaral dahil kailangan na niyang mag trabaho para sa mga kapatid na nagsisipag aral.Maging si Savannah ay nag paalam na sa kanya na lilipat na ng Maynila at duon na papasok wala naman siyang magawa kung hindi ang magpakita ng pagsuporta niya rito. Isang gabi bago ang graduation day niya ay umupo siya sa labas ng terrace nila may dala siya
Agad naman nangunyapit sa kanyang leeg ang dalaga at halos bumitin na ito maabot lamang ang kanyang labi isinandal niya ito sa dingding na tiles ng banyo at kung kanina ay si Serenity ang tila wala sa sarili ngayon ay Stanley na angvhindi mapipigilan dahil wala na siya sa sarili agad niyang dinama ang malusog na dibdib ng dalaga at pinagapang ang kanyang labi mula leeg hanggang sa mumuting kulay rosas na dunggot nito."A--ahhhhhh Stannnn please take me.... please.... take me Stan...."Nang marinig iyon ni Stanley ay tila naman may kumalembang sa kanyang tainga. Agad siyang bumalik sa ulirat at hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at inilapat niya ang kanyang noo sa noo nito."If only I can Seren, but I cant.... ayokong samantalahin ang kalagayan mo dahil pag pinagbigyan kita para ko naring sinira ang kinabukasan mo."Nagmamadali ang bawat kilos ni Stanley itinapat niya sa shower si Serenity upang mahimasmasan hanggang sa mawalan na ito ng ulirat agad rin naman niyang binihisan a
Doon na naalarma si Stanley at nagmamadaling lumapit hinila niya ang isang cameraman na kasama ni mama Astrid at nakilala naman agad siya nito."Bakit sir?" tanong nito."Sumunod ka lang sa akin." tugon niya halis mawalan narin ng malay si Serenity dahil habang papalapit sila at nakikita niyang nakahawak na ito sa ulo nito at tumayo naman agad ang lalaki na kanina lamang ay dinudumog ng tauhan upang pagsilbihan.Saktong matutumba si Seren ay hinila ni Stanley sa braso ang dalaga at pasubsob na lumapat sa katawan niya ang tila walang malay nitong katawan. Agad niyang binuhat ito at nilingon ang cameraman na hinila niya kanina."Wait who are you?" sita nung lalaking kanina lamang ay pinagsisilbihan ng mga tauhan."Makikibuhat kay Savannah pakidala sa silid namin." utos niya sa lalaki na agad namang kumilos at kinuha ang kapatid niyang tila naman lasing na nakasandal sa isa pang lalaki. "Heyyy!" tila sita naman nungblalaking nakaagapay sa kanyang kapatid."Huwag ninyo kaming pakialaman