“You are my problem, wife,” he whispered to my ears. All the hairs on my nape stood up as my body shivered from the sudden warm breath that blew my skin. “M-me?” I stuttered as I looked at him in the mirror.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko naririnig niya yun. Marahan niyang ipinatong yung baba niya sa balikat ko. I watched the corner of his lips lifted upward through the mirror and my lips immediately parted slightly while my eyes went wide open in disbelief. Bakit ang gwapo niya?! Nakakainis! Hindi ko naman tinatanggi na gwapo talaga si Great kahit nung first meeting namin. Hindi naman kasi ako bulag para hindi makita yung maliit niyang mukha, matangos na ilong, maninipis pero mapupulang labi at medyo singkit na mga mata at mahahabang eyelashes, pati na rin ang makakapal niyang kilay. Mukha siyang supermodel na nakikita ko lang sa magazine. Naramdaman kong yung mga kamay niyang gumalaw at nakitang dahan-dahan niyang pinulupot ang mga braso niya sa katawan ko han
I slept peacefully. Ewan ko kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko nung gumising ako. Pero agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang ibang kulay ang kisame at hindi kulay puti. I immediately roamed my eyes around and blinked when I realized I'm in my room. Saka ko naalala na nasa bahay nga pala kami ng parents ko at wala sa bahay namin ni Great. Then my eyes widened upon remembering that Great slept beside me. Mabilis kong nilingon ang tabi ko at mas lalong lumaki ang mga mata ko nang bumungad sakin ang nakangiti niya mukha na sobrang lapit!“Good morning..” he greeted me before he gave me a peck. Umatras ako, pero gumapang agad ang kamay niya sa batok ko. And that's when I had just realized na nakayakap pala ang isang braso niya sa bewang ko.“Napagod ba kita kagabi?” biglang tanong nito. Suminghap ako nang malakas at mabilis siyang tinulak. Bumangon ako at umupo sabay turo sa kanya. “Anong napagod?! Saan ako mapapagod?!” I asked hysterically. Bumangon rin si Gre
We stayed at my parents' house the whole weekend at buong weekend ko ding iniwasan si Great. Although magkatabi kaming natulog sa kwarto ko, I made sure na may unan sa pagitan namin para hindi siya dumikit sa akin. Habang sa umaga naman, hinahayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko pero inaalis ko din kapag wala ng tao sa paligid namin. “I wish you could stay more week here,” ani Lolo habang palabas kami ng bahay. Great is holding my hand while the other one's carrying his duffle bag. Habang ako tahimik lang na naglalakad at walang pinapansin sa kanila. I have become awkward and silent after that breakfast at hindi ko na rin pinansin si Brittany. Hindi naman sa galit ako, I'm just embarrassed lalo na kapag napapangiti siya kapag nagkakatinginan kami kasi alam ko yung iniisip niya. “We'll sleepover again here next time,” sagot ni Great. I tried to pull my hand away but his grip on it is too tight. Sumulyap siya sakin saglit bago ibinalik ang tingin kina Lolo. “For now, we nee
“Blooming ka,” puna agad ni Melissa pag pasok ko ng classroom. Agad na nag-init ang pisngi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Naalala ko kasi yung unang sinita niya yung itsura ko at pinagkamalan na afters*x glow yun! “Magtigil ka. Virgin pa ko,” mariing bulong ko nang makaupo na ako sa silya ko. I heard Melissa gasped exaggeratedly. “Hindi nga? You haven't done it yet?!” malakas na tanong nito. Namilog ang mga mata ko at dali-dali kong tinakpan yung bibig niya. “Ssshhhh! Ano ka ba?! Ang lakas ng boses mo!” pagalit na sinabi ko. She quickly removed my hands and stared at me in disbelief. Kung makatingin siya parang imposible yung sinabi ko at hindi siya naniniwala. “I don't believe you,” iling nito. Inirapan ko siya. “I'm telling the truth. Pero bahala ka na kung ayaw mong maniwala,” sagot ko. Nagsisi agad ako na nasabi ko yun. Ayokong ipaalam sa kanya yung totoong status namin ni Great kasi masyadong personal na at I don't think I already trusted her fully. I'm comfortable
Tinitigan ko si Great na busy na nagluluto sa kusina, habang paulit-ulit na nagpeplat sa utak ko yung mga sinabi ni Melissa sakin kanina. ‘Gwapo, good body, matangkad, malalim ang boses, very patient, understanding, affectionate and super sweet pa! Bonus pa yung tantalizing eyes, T-zone and kissable lips! He's almost perfect!’ Gwapo, check. Hindi ko naman tinatanggi yan. I know from the very start that he's very handsome. Good body… Automatic na nagtravel yung mga mata ko pababa sa katawan niya. His body is lean but has muscles in the right places. And… I know he has abs because it's always present to me every morning, so, definitely check. Matangkad, check.Napaayos ako ng upo nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. He raised his eyebrows as if he knew that I have been staring while he wasn't looking. “What are you thinking?” tanong niya sa malalim na boses. That immediately marked the deep voice check. Umiling ako. Syempre hindi ko sasabihin yung anong nasa isip ko! Mahir
“There,” sabi ni Great pagkatapos niyang lagyan ng concealer yung pulang marka sa leeg ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya na nilagyan niya ako ng hickey! I didn't realize it last night at kanina ko lang nakita habang nagsusuklay ako ng buhok. “Hindi na kita,” dagdag pa nito. Mabilis akong tumakbo sa tapat ng salamin at tiningnan kung totoo yung sinabi niya. And I heaved a sigh when I saw that there's indeed no trace of red mark anymore. “Next time, wag na wag mo nang subukan na kong lalagyan nito! I swear mababato talaga kita ng flower base!” banta ko sa kanya. Mukhang hindi naman siya natakot doon at tumawa pa ng mahina. Pinanliitan ko siya ng mga mata, pero mas lalo lang lumaki yung ngiti niya nang magtama ang mga mata namin. “So, you are expecting we'd do it again?” he queried.“Anong pinagsasabi mo?” I gasped. He chuckled then took a step towards me, “You said next time. So, I'm assuming you want to do it again” Halos itulak ko siya sa narini
I'm officially going crazy. Sa buong byahe namin, tahimik at nakatulala lang ako sa labas ng bintana. Kahit nung kinulit ako ni Brittany, parang wala akong narinig kaya siguro tumigil na siya. “Bye na Ate! See you on weekends na lang. Thanks sa paghatid!” paalam ni Brittany bago bumaba ng sasakyan. I watched her ran towards their mansion and i couldn't help but heaved a sigh. Mabuti na lang, hindi na nag-aya si Great na bumaba kami para kumustahin si Mamita. But then, when the car started again, I just realized na kaming dalawa na lang at parang mas bumigat yung atmosphere. I don't know if it's just me, but why do I feel awkward?! Okay na kami e. Komportable na ako sa kanya for weeks now and even if he kiss me, it already felt so normal to me. So bakit ako nagkakaganito bigla? Hinalikan lang niya ako kanina.. na nakita pa ni Brittany. And it was just a peck pero bakit parang nagimbala ang buong pagkatao ko?! I shut my eyes and shook my head. I want to avoid these thoughts and jus
Lutang ako sa buong araw na nasa campus ako. Walang pumasok sa isip ko na kahit anong lesson at wala akong naintindihan sa mga sinabi ng professor namin ko. Nasa red mark sa ibabaw ng dibdib ko kasi ang isip ko at hindi ako mapakali sa takot na baka may makakita kahit naka turtle neck ako. Mabuti na lang talaga hindi ako masyadong kinulit ni Melissa sa klase namin dahil akala niya masama ang pakiramdam ko. Sinamantala ko yun at nagpaalam na mauna na sa kanya at umalis agad bago pa siya makapagreklamo. Ayoko kasing maabutan ni Great sa classroom. Mahirap na baka bigla na lang maging weird yung reaction ko pag nakita ko siya tapos kung anong isipin ni Melissa. Malakas pa naman ang radar non. Kinagat ko ang ibabang labi ko at mas binilisan pa ang lakad papunta sa parking lot. Straight lang ang tingin ko at parang walang nakikita sa paligid kaya hindi ko napansin si Trixie na papalapit sa akin. “Honey!" She screamed which surprised me. Tumigil ako at mabilis na nagsalubong ang mga k
“Single ka na ulit,” komento ni Melissa pagkasabi ko ng balita na na-grant na yung annulment. Inirapan ko siya. “Lubusin mo na yan, kasi for sure ilang araw lang taken ka na ulit,” she giggled.Napailing na lang ako sa sinabi niya.Seriously, this girl. She doesn't really take our annulment seriously. Nung unang nalaman niya na nag file ng petition for annulment si Great, halos maghysterical siya. Pero kinabukasan, biglang parang naging okay lang sa kanya at hindi na big deal. She even laughed at me when I cried to her while admitting that I didn't want our marriage to end before. I sighed. Tumingin na lang ako sa stage, kung saan nagsasalita ang speaker. Today is our graduation day. At syempre magkatabi pa rin kami ni Melissa sa upuan dahil magkasunod lang ang apelyido namin. Hindi ko na pinansin pa si Melissa hanggang sa matapos ang ceremony, kasi, wala naman akong mapapala sa mga pinagsasabi niya. Nang natapos na sa wakas ang graduation ceremony namin, umalis na rin agad k
Biglang bumagsak ang mga luha ko. I was never this sensitive before but this feels so different. Parang sobrang sakit kahit wala namang sinabi na masakit na salita si Great. Matagal bago ako nakalabas ng bakuran nila at bumalik sa sasakyan namin. Nag-alala pa nga yung driver namin dahil mugto ang mga mata ko nang sumakay ako sa loob. Tahimik akong umiyak sa byahe hanggang sa makabalik kami sa bahay nila Mommy. Fortunately, walang tao kaya dumiretso ako sa kwarto ko. I cried myself out until I fell asleep. Madaling araw na nang nagising ako, at dahil yun sa walang tigil na pagring ng cellphone ko. Si Brittany. I became hesitant to answer though. Dahil alam kong magtatanong siya kung anong nangyari. I'm not in the mood and I don't think I can even talk about it now. Kaya sa huli, hindi ko na lang sinagot yung tawag at hinayaan na lang magring hanggang sa tumigil ito. Sinubukan kong matulog ulit nang tumahimik sa buong kwarto ko since madaling araw pa lang, but to no avail. Buhay na
Agad na nakasalubong ang mga kilay ko nang madatnan kong walang tao sa bahay namin. Nilibot ko na ang buong bahay kat sa lahat ng sulok, pero walang bakas na kahit ano, halatang ilang araw na walang tao. “Nasaan ka ba?” I sighed in frustration. Bakit kasi nagwalk out siya kanina? At bakit kasi napako ang mga paa ko at hindi ko siya hinabol?! Ngayon, saan ko siya hahanapin?! I know nothing about him except sa moody siya pero sweet at super sarap magluto. Naupo ako sa sofa. I pulled out my cell phone and dialed Great's number again. But just like my first attempt, it still cannot be reached. Bumuga ako ng malakas na hangin saka nag-isip kung saan siya pwedeng pumunta. Seriously, I've never been this bothered before. Kahit nung time na sinubukan kong maglayas at nagalit sila Mommy, hindi naman ako nakaramdam ng ganito. Nakaramdam lang ako ng guilt noon pero hindi naman ako nagpanic, katulad na lang ngayon. Bapatayo agad ako nang maalala ko yung bahay nila na pinagdalhan sakin ni Gre
Gusto kong maiyak habang pinapanood ko siyang naglalakad palabas ng bahay. I wanted to run to him and stop him from leaving, kaya lang, parang napako na ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “He's jealous,” biglang sinabi ni Marc habang pinupunasan yung labi niyang dumudugo. I would've been worried about him if only he's not the one who started it. Sino ba kasing may sabi na pwede niya akong halikan?! Pumikit ako nang mariin para pigilan ang sarili ko na masampal siya. Hindi ako nananampal pero dahil sa mga ginawa niya, nasagad na niya ang pasensya ko. “Umalis ka na,” I said warningly. Gulat na gulat siyang tumitig sakin. I just glared at him in return. “Honey, let me explain”“Ano pang i-eexplain mo? Plano mo yun di ba? You probably saw him outside kaya bigla kang bumalik at hinalikan ako! You even provoke him! Para ano? Para galitin siya at iwan ako?!” I gritted me teeth. “No. I just want to--” I shook my head and looked at him disdainfully, “Um
I know I was too harsh on him for that, pero sobra na kasi siya. Some people need to be slapped by harsh truth to get out of their delusions and accept the reality of life. And seriously, Marc is one of them. He doesn't want me to tell it to his face became he knew I'm going to reject him, so he sorted to badmouth Great. For what? Did he really think I will be sway that easy? E, simula pa lang naman, alam ko nang masama ang ugali niya at ineexpect ko na talaga na maraming humahabol sa kanya. I admit it, tinamaan ako unang sinabi niya na Great doesn't love me. But . . . Hindi ako manhid. I saw the drastic changes in him over the few months we lived together. At siguro naman, hindi niya sasabihin na gusto niyang mag workout ang relasyon namin kung wala talaga siyang feelings sakin? I tried not to give any meaning about it before, but now that I think about it, I can safely assume that he somehow cares for me and that's already enough. . . I guess. Napabuga ako ng malakas na hangin h
That's the question lingering in my head as I stared at Lolo in bewilderment.Ano bang nasa isip ni Lolo? Why is he suddenly deciding about my life again without even consulting me?“You two will get annulment as soon as possible,” answered Lolo rather quickly.Agad na nagprotesta ang puso ko dahil sa sinabi ni Lolo, habang ang buong sistema ko nagwawala naman dahil tutol rin sila dito. Hindi ba muna siya magtatanong kung gusto ko ba na hiwalayan si Great? I'm already married with him for a few months now and I'm already embracing my marriage life. Nakapag-adjust na ako tapos biglang ganito?! “I'm sorry if I made a rash decision before. I shouldn't have done that. This is for you apo. I want to make you happy..” ani Lolo.I pursed my lips as I felt like someone was crashing my heart. Hindi ba niya narealize na he's basically doing the same thing now? Magsasalita na sana ako para sabihin yun pero naunahan ako ni Marc. “I think we should give her more time to process it, Sir..” sabi
Umaga na kami nakauwi ni Great. Hindi kasi namin namalayan ang oras, kaya nagdesisyon na lang kaming manatili doon hanggang umaga kaysa bumiyahe ng madaling araw. Dumiretso ako sa kwarto at natulog pagkatapos kong magpalit ng damit. Si Great naman, kinausap yata si Lolo, kasi nadatnan namin siya na gising na at nag-aalmusal. Nagising ako mag-isa sa kwarto. Hindi ko alam kung natulog ba dito si Great o umalis na. Tanghali na rin ako nagising kaya bumaba na ako pagkatapos magshower para maglunch. “You're finally awake, hija. Come here and have your lunch na,” ani Mommy nang nakita akong bumababa ng hagdan. I walked straight to the dining table and sit on my respective chair beside Mommy. Kaming apat at and as expected, wala na nga si Great at baka umuwi na agad pagkatapos nilang mag-usap ni Lolo. “Nag-date daw kayo ng asawa mo kagabi? Where did you go?” tanong ni Mommy. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. “Sa bahay nila” “Sa mansyon? Why didn't you stay there though? I'm sure y
Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang nakasakay sa kotse ni Great. Sa labas ng bintana lang ako nakatingin habang tahimik siyang nagdadrive, dahil baka titigan ko lang siya sa buong byahe. I don't know where are we going pero sabi niya, magugustuhan ko daw. Well, kahit saan naman siguro niya ako dalhin, magugustuhan ko basta kasama siya. Biglang nagusot ang ilong ko sa naisip.Muntik na akong maduwal doon! Yuck ha! Kailan pa ako naging ganito ka-corny?! “Are you hungry?” biglang tanong ni Great.Mabilis akong napalingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin. “Nang-aasar ka ba?” nakasimangot na tanong ko. He chuckled as he glanced at me. Then, he suddenly grabbed my hand kissed my knuckles. Agad na nag-init ang mukha ko. “Sorry. Ang tahimik mo kasi. What are you thinking?” Napanguso ako habang pinipigilan ang mapangiti. “Wala. Saan ba tayo pupunta?” “You'll know when we get there,” he smirked. Kung dati, naiinis ako sa ngisi niyang yun. Ngayon, parang gustung-
“So, anong gusto mong ulam?” tanong ni Great. “Bicol express!” I quickly answered out of excitement. I have been craving for that dahil hindi na ulit ako nakakain nun simula nang magpakasal kami ni Great. Pero nawala agad ang ngiinko at napasimangot ako nang mabilis ring umiling si Great. “Anything but that,” sagot nito. My brows pulled together as I pouted. “But I want it! I'm craving for spicy food. Ilang linggo na kong hindi nakakain ng maanghang kasi ayaw mo!” reklamo ko. Ngayon ko lang kasi napansin na never niya akong nilutuan ng kahit ano na may sili. Tapos kapag may order naman siyang pizza, laging walang kasamang hot sauce. Wala nga akong nakita na kahit anong may picture ng sili sa lahat ng binibili niya or any kind of spicy condiments sa kusina maliban sa paminta -- if it's even part of spices! I don't know!“Spicy is not good for your body,” sabi ni Great. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pasalamat siya na gusto ko siya, kasi kung kaaway pa rin ang turing ko sa kan