Namilog ang mga mata ko at napasinghap sa nakikita ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at napalingon sa paligid para tingnan kung may nagvivideo. Pero kami lang ang tao sa rooftop. Hindi ko mapigilan mag-isip ng kung ano. Baka kasi prank lang to or something, tapos umaacting lang si Trixie na nagsosorry. Kasi bakit naman siya luluhod habang nagsosorry? Sobrang laki ba ng kasalanan niya sakin?! Did she kneel as well in front of Mamita and Great?Napailing ako. Hinawakan ko ang braso niya at mabilis na pinatayo. “You don't need to do that,” sabi ko. Halos mapatili ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap. “I'm very sorry! I really like Great but I'm not a homewrecker!” Trixie sobbed. I stiffened. I was not expecting this at all! Hindi naman kasi kami close, we're still stranger with each other kaya super uncomfortable ako na nakayap siya sakin. Huminga ako nang malalim. Itutulak ko na sana siya ng mahina para ilayo sakin, kaya lang, biglang humigpit ang yakap
“Is it true?” bungad agad sakin ni Melissa na nakaabang sa labas ng classroom ko. Nagsalubong ang kilay ko habang papalapit sa kanya, “Are you waiting for me?” nagtatakang tanong ko. Pinaikot niya ang mga mata niya. “Obviously!” Mas lalong kumunot yung noo ko, “Anong meron? Bakit mo ko hinihintay?” tanong ko ulit. She grinned at me before clinging her arms on mine. “Dahil sa chismis! So.. friends na kayo?” Napatingin ako sa mga kamay niyang nakapulupot sa braso ko kaya bigla kong naalala si Trixie. Tss. “Sino?” I looked at her cluelessly.“Si Trixie!” Umangat ang tigin ko sa kanya sabay napailing. Ang bilis talaga ng balita! Kakatapos nga lang ng klase ko pero kumalat na agad yung samin ni Trixie? And we're friends? Hindi naman ako nakasagot kung payag ba ako o hindi.. “Kanino mo nalaman?” naitanong ko na lang. “Oh, I read it in the comment section, sa public apology post ng mga Salvador. One of her cousins commented na you two are friends na daw”Tumaas ang kilay ko. Publi
My brows instantly furrowed. Galit siya? Sakin? Pero bakit naman siya magagalit sakin? Anong ginawa ko? Dahil ba nung lunch break? But why?!Kung talagang about yun kanina, ako yata ang mas may katapatan na magalit sa kanya! He shouldn't do that kasi wala kami sa bahay at kasama pa namin si Melissa! Pero hindi naman ako nagalit so bakit siya nagagalit?!I frowned at him in return. Great removed his gaze from us and quickened his pace going up the stairs. Seryoso ang itsura niya at mukhang wala sa mood nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. Ni hindi niya nga pinansin si Melissa nung binati siya nito. Diretso lang ang seryosong tingin niya sakin. I wanted to scold him for being rude, but then, he suddenly walked straight to me at nilahad ang isang palad sa harap ko. “Cellphone,” Sabi nito. The creases on my forehead deepened as I stared at him. “Bakit?” nagtatakang tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot, instead, he just snatched my bag from my hand and quickly opened it.“Hoy!
Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Punishment?! Bakit? Anong nagawa ko?! Great scoffed when he saw my reaction. He then backed away and straightened his body outside. Agad niyang sinarado ang pinto sa gilid ko bago mabilis na naglakad sa kabilang side. I was scowling at him until he climbed inside the driver's seat. Hindi siya tumingin sakin na para bang iniiwasan niya ko. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. I saw him pursed his lips as he seemed too focused driving and obviously ignoring me. “Para saan yung punishment?” tanong ko nang makalabas na kami ng university. Tumingin siya saglit sakin bago mabilis na ibinalik ang mga mata sa harapan. Hindi siya sumagot kaya mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. I crossed my arms and scoffed as I looked outside the window while pouting. Hindi ko talaga maintindihan ang mood ng lalaking to! Kaninang tanghali sobrang sweet na kulang na lang kargahin ako. Tapos ngayon naman parang hindi na naman ako kilala! Nakakainis na a
“Brittany,” Great suddenly showed up. Brittany smirked at him bago tumakbo pabalik sa loob ng bahay. Naiwan akong nagtataka dahil sa sinabi niya. Then I stared at Great. He pursed his lips when our eyes met. “Nagpanic ka?” tanong ko. He scowled at me before he shook his head. “Don't believe anything she says. She's inventing stories,” sagot nito bago ako tinalikuran. Umirap ako. As if naman maniniwala ako na nagpanic siya! Bakit naman siya magpapanic? Nasa campus lang naman ako! As if he actually cares about me. Tss.Tahimik akong sumunod sa kanya at nakitang nakaabang na ang lahat samin sa may pintuan. “Honey my apo! I miss you!” si Lolo. I pouted. Mabagal akong naglakad papunta sa kanya at hinayaan siyang yakapin ako. Sumunod naman sila Mommy at Dad pero hindi ako umimik dahil nagtatampo ako sa kanila. “How are you? You gained weight!” masayang komento ni Mommy. Sinimangutan ko siya lalo, but she just laughed at me. Sinabi niya ring mas bagay sakin ang medyo may laman pampa
“So, you know you'll sleep over here?” ani Lolo na nasa kabisera. We're all seated at the long dining table. Nasa kaliwang side ako ni Lolo habang sa katabi ko naman si Great sa kabilang side. My parents are in front of us habang nasa kabilang kabisera naman nakaupo si Mamita at sa kanan niya si Brittany which is on the same side with me and his brother.Hindi ako sumagot at tahimik lang na nagpatuloy sa pagkain. Kung pwede nga lang na wag ng mag dinner at umuwi na lang, nakaalis na ako dito kanina pa! “Honey, apo..” Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung nananadya ba si Lolo, pero dapat alam niyang wala akong mukhang ihaharap sa kanila dahil hiyang-hiya ako sa nangyari sa kwarto ko! “Pa, let her eat first,” si Mommy. Nakahinga ako nang maluwag nung nakinig naman si Lolo at bumaling kay Great. Hindi ko alam kung anong naramdaman ni Great nung nahuli kami pero bahala na siya dyan because I will never say anything until I finish eating here! “Did you t
“You are my problem, wife,” he whispered to my ears. All the hairs on my nape stood up as my body shivered from the sudden warm breath that blew my skin. “M-me?” I stuttered as I looked at him in the mirror.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko naririnig niya yun. Marahan niyang ipinatong yung baba niya sa balikat ko. I watched the corner of his lips lifted upward through the mirror and my lips immediately parted slightly while my eyes went wide open in disbelief. Bakit ang gwapo niya?! Nakakainis! Hindi ko naman tinatanggi na gwapo talaga si Great kahit nung first meeting namin. Hindi naman kasi ako bulag para hindi makita yung maliit niyang mukha, matangos na ilong, maninipis pero mapupulang labi at medyo singkit na mga mata at mahahabang eyelashes, pati na rin ang makakapal niyang kilay. Mukha siyang supermodel na nakikita ko lang sa magazine. Naramdaman kong yung mga kamay niyang gumalaw at nakitang dahan-dahan niyang pinulupot ang mga braso niya sa katawan ko han
I slept peacefully. Ewan ko kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko nung gumising ako. Pero agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang ibang kulay ang kisame at hindi kulay puti. I immediately roamed my eyes around and blinked when I realized I'm in my room. Saka ko naalala na nasa bahay nga pala kami ng parents ko at wala sa bahay namin ni Great. Then my eyes widened upon remembering that Great slept beside me. Mabilis kong nilingon ang tabi ko at mas lalong lumaki ang mga mata ko nang bumungad sakin ang nakangiti niya mukha na sobrang lapit!“Good morning..” he greeted me before he gave me a peck. Umatras ako, pero gumapang agad ang kamay niya sa batok ko. And that's when I had just realized na nakayakap pala ang isang braso niya sa bewang ko.“Napagod ba kita kagabi?” biglang tanong nito. Suminghap ako nang malakas at mabilis siyang tinulak. Bumangon ako at umupo sabay turo sa kanya. “Anong napagod?! Saan ako mapapagod?!” I asked hysterically. Bumangon rin si Gre
“Single ka na ulit,” komento ni Melissa pagkasabi ko ng balita na na-grant na yung annulment. Inirapan ko siya. “Lubusin mo na yan, kasi for sure ilang araw lang taken ka na ulit,” she giggled.Napailing na lang ako sa sinabi niya.Seriously, this girl. She doesn't really take our annulment seriously. Nung unang nalaman niya na nag file ng petition for annulment si Great, halos maghysterical siya. Pero kinabukasan, biglang parang naging okay lang sa kanya at hindi na big deal. She even laughed at me when I cried to her while admitting that I didn't want our marriage to end before. I sighed. Tumingin na lang ako sa stage, kung saan nagsasalita ang speaker. Today is our graduation day. At syempre magkatabi pa rin kami ni Melissa sa upuan dahil magkasunod lang ang apelyido namin. Hindi ko na pinansin pa si Melissa hanggang sa matapos ang ceremony, kasi, wala naman akong mapapala sa mga pinagsasabi niya. Nang natapos na sa wakas ang graduation ceremony namin, umalis na rin agad k
Biglang bumagsak ang mga luha ko. I was never this sensitive before but this feels so different. Parang sobrang sakit kahit wala namang sinabi na masakit na salita si Great. Matagal bago ako nakalabas ng bakuran nila at bumalik sa sasakyan namin. Nag-alala pa nga yung driver namin dahil mugto ang mga mata ko nang sumakay ako sa loob. Tahimik akong umiyak sa byahe hanggang sa makabalik kami sa bahay nila Mommy. Fortunately, walang tao kaya dumiretso ako sa kwarto ko. I cried myself out until I fell asleep. Madaling araw na nang nagising ako, at dahil yun sa walang tigil na pagring ng cellphone ko. Si Brittany. I became hesitant to answer though. Dahil alam kong magtatanong siya kung anong nangyari. I'm not in the mood and I don't think I can even talk about it now. Kaya sa huli, hindi ko na lang sinagot yung tawag at hinayaan na lang magring hanggang sa tumigil ito. Sinubukan kong matulog ulit nang tumahimik sa buong kwarto ko since madaling araw pa lang, but to no avail. Buhay na
Agad na nakasalubong ang mga kilay ko nang madatnan kong walang tao sa bahay namin. Nilibot ko na ang buong bahay kat sa lahat ng sulok, pero walang bakas na kahit ano, halatang ilang araw na walang tao. “Nasaan ka ba?” I sighed in frustration. Bakit kasi nagwalk out siya kanina? At bakit kasi napako ang mga paa ko at hindi ko siya hinabol?! Ngayon, saan ko siya hahanapin?! I know nothing about him except sa moody siya pero sweet at super sarap magluto. Naupo ako sa sofa. I pulled out my cell phone and dialed Great's number again. But just like my first attempt, it still cannot be reached. Bumuga ako ng malakas na hangin saka nag-isip kung saan siya pwedeng pumunta. Seriously, I've never been this bothered before. Kahit nung time na sinubukan kong maglayas at nagalit sila Mommy, hindi naman ako nakaramdam ng ganito. Nakaramdam lang ako ng guilt noon pero hindi naman ako nagpanic, katulad na lang ngayon. Bapatayo agad ako nang maalala ko yung bahay nila na pinagdalhan sakin ni Gre
Gusto kong maiyak habang pinapanood ko siyang naglalakad palabas ng bahay. I wanted to run to him and stop him from leaving, kaya lang, parang napako na ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “He's jealous,” biglang sinabi ni Marc habang pinupunasan yung labi niyang dumudugo. I would've been worried about him if only he's not the one who started it. Sino ba kasing may sabi na pwede niya akong halikan?! Pumikit ako nang mariin para pigilan ang sarili ko na masampal siya. Hindi ako nananampal pero dahil sa mga ginawa niya, nasagad na niya ang pasensya ko. “Umalis ka na,” I said warningly. Gulat na gulat siyang tumitig sakin. I just glared at him in return. “Honey, let me explain”“Ano pang i-eexplain mo? Plano mo yun di ba? You probably saw him outside kaya bigla kang bumalik at hinalikan ako! You even provoke him! Para ano? Para galitin siya at iwan ako?!” I gritted me teeth. “No. I just want to--” I shook my head and looked at him disdainfully, “Um
I know I was too harsh on him for that, pero sobra na kasi siya. Some people need to be slapped by harsh truth to get out of their delusions and accept the reality of life. And seriously, Marc is one of them. He doesn't want me to tell it to his face became he knew I'm going to reject him, so he sorted to badmouth Great. For what? Did he really think I will be sway that easy? E, simula pa lang naman, alam ko nang masama ang ugali niya at ineexpect ko na talaga na maraming humahabol sa kanya. I admit it, tinamaan ako unang sinabi niya na Great doesn't love me. But . . . Hindi ako manhid. I saw the drastic changes in him over the few months we lived together. At siguro naman, hindi niya sasabihin na gusto niyang mag workout ang relasyon namin kung wala talaga siyang feelings sakin? I tried not to give any meaning about it before, but now that I think about it, I can safely assume that he somehow cares for me and that's already enough. . . I guess. Napabuga ako ng malakas na hangin h
That's the question lingering in my head as I stared at Lolo in bewilderment.Ano bang nasa isip ni Lolo? Why is he suddenly deciding about my life again without even consulting me?“You two will get annulment as soon as possible,” answered Lolo rather quickly.Agad na nagprotesta ang puso ko dahil sa sinabi ni Lolo, habang ang buong sistema ko nagwawala naman dahil tutol rin sila dito. Hindi ba muna siya magtatanong kung gusto ko ba na hiwalayan si Great? I'm already married with him for a few months now and I'm already embracing my marriage life. Nakapag-adjust na ako tapos biglang ganito?! “I'm sorry if I made a rash decision before. I shouldn't have done that. This is for you apo. I want to make you happy..” ani Lolo.I pursed my lips as I felt like someone was crashing my heart. Hindi ba niya narealize na he's basically doing the same thing now? Magsasalita na sana ako para sabihin yun pero naunahan ako ni Marc. “I think we should give her more time to process it, Sir..” sabi
Umaga na kami nakauwi ni Great. Hindi kasi namin namalayan ang oras, kaya nagdesisyon na lang kaming manatili doon hanggang umaga kaysa bumiyahe ng madaling araw. Dumiretso ako sa kwarto at natulog pagkatapos kong magpalit ng damit. Si Great naman, kinausap yata si Lolo, kasi nadatnan namin siya na gising na at nag-aalmusal. Nagising ako mag-isa sa kwarto. Hindi ko alam kung natulog ba dito si Great o umalis na. Tanghali na rin ako nagising kaya bumaba na ako pagkatapos magshower para maglunch. “You're finally awake, hija. Come here and have your lunch na,” ani Mommy nang nakita akong bumababa ng hagdan. I walked straight to the dining table and sit on my respective chair beside Mommy. Kaming apat at and as expected, wala na nga si Great at baka umuwi na agad pagkatapos nilang mag-usap ni Lolo. “Nag-date daw kayo ng asawa mo kagabi? Where did you go?” tanong ni Mommy. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. “Sa bahay nila” “Sa mansyon? Why didn't you stay there though? I'm sure y
Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang nakasakay sa kotse ni Great. Sa labas ng bintana lang ako nakatingin habang tahimik siyang nagdadrive, dahil baka titigan ko lang siya sa buong byahe. I don't know where are we going pero sabi niya, magugustuhan ko daw. Well, kahit saan naman siguro niya ako dalhin, magugustuhan ko basta kasama siya. Biglang nagusot ang ilong ko sa naisip.Muntik na akong maduwal doon! Yuck ha! Kailan pa ako naging ganito ka-corny?! “Are you hungry?” biglang tanong ni Great.Mabilis akong napalingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin. “Nang-aasar ka ba?” nakasimangot na tanong ko. He chuckled as he glanced at me. Then, he suddenly grabbed my hand kissed my knuckles. Agad na nag-init ang mukha ko. “Sorry. Ang tahimik mo kasi. What are you thinking?” Napanguso ako habang pinipigilan ang mapangiti. “Wala. Saan ba tayo pupunta?” “You'll know when we get there,” he smirked. Kung dati, naiinis ako sa ngisi niyang yun. Ngayon, parang gustung-
“So, anong gusto mong ulam?” tanong ni Great. “Bicol express!” I quickly answered out of excitement. I have been craving for that dahil hindi na ulit ako nakakain nun simula nang magpakasal kami ni Great. Pero nawala agad ang ngiinko at napasimangot ako nang mabilis ring umiling si Great. “Anything but that,” sagot nito. My brows pulled together as I pouted. “But I want it! I'm craving for spicy food. Ilang linggo na kong hindi nakakain ng maanghang kasi ayaw mo!” reklamo ko. Ngayon ko lang kasi napansin na never niya akong nilutuan ng kahit ano na may sili. Tapos kapag may order naman siyang pizza, laging walang kasamang hot sauce. Wala nga akong nakita na kahit anong may picture ng sili sa lahat ng binibili niya or any kind of spicy condiments sa kusina maliban sa paminta -- if it's even part of spices! I don't know!“Spicy is not good for your body,” sabi ni Great. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pasalamat siya na gusto ko siya, kasi kung kaaway pa rin ang turing ko sa kan