"Teka lang ah?" sabi ko kay Yohan habang nakataas ang kamay. Tumango siya at tumingin sa ibang direksyon. Kinuha ko ang phone ko mula sa bag at dinial ang number ni Darrel. Ilang ring pa lamang ay sinagot na niya agad ito.
"Nasaan ka?!" bungad niya sa'kin. Medyo nilayo ko ang phone dahil sa lakas ng boses niya.
"Puwedi ba, hinaan mo ang boses mo." Naiinis kong pabulong na sabi.
"Nasaan ka ba kasi?" ulit niyang tanong.
"Nandito na kami malapit sa gate, kasama ko si Yohan." Sagot ko.
"What?! Sinabi ko na sa'yo na 'wag kang sasama sa kaniya eh." Napatampal ako ng palad sa noo.
Napatingin kami bigla sa hingal na hingal at pinapapawisang si Darrel. Paano niya kami nahanap? Madaming puweding bilhan ng ice cream dito. Maayos agad siyang tumayo saka sinamaan ako ng tingin."Bakit hindi niyo ako hinintay?" bungad niya agad sa'min. Napahinto naman ako sa pagkain. Tumaas ang isang kilay ko, pakialam niya ba? Kakain lang naman kami sandali. Walang nagsalita sa'min ni Yohan. "Napapagod na ako kakahanap sa'yo, nandito ka lang pala." Naiinis niyang sambit. Nanlaki ang nga mga mata kong napalingon kay Yohan. Walang reaksiyon ang mukha niya. "Sinabihan na kita na 'wag kang sumama sa kaniya. Nandito naman ako para samahan ka ah?" napakagat-labi akong yumuko."Sorry," ang tanging lumaba
Tama nga ang iniisip ko kanina, hindi kami sabay kumain. Mag-aalas otso na ng gabi pero hini padin ako makatulog. Napabalikwas ako at tumihaya. Hindi din siya dito natulog gaya no'ng nakaraang gabi. Kailangan ko bang magsorry? Umupo ako at ginulo ang buhok."Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi ko sa sarili. "Kung puntahan ko kaya siya sa kwarto niya?" Masaya kong sambit. Kinuha ko ang isang unan at naglakad papuntang kwarto niya. Hinawakan ko ang lock saka pinaikot ito. Mabuti nalang at hindi niya sinarado. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka tahimik na sinarado. Tumayo ako sa gilid ng kama niya habang nakatalikod siyang nakahiga. Mabuti pa siya nakatulog agad. Naglagay ako ng unan sa band
Nakarating kami sa klase na hindi nawala ang paghawak kamay. Pilit kong kinakalas kanina ang mga daliri niya pero ayaw niya ako bitawan. Pagkapasok at pagkapasok namin ay rinig na rinig ko kung paano ako pag-usapan ng mga kaklase namin. Pati ba naman sila? Hinatid ako ni Darrel sa upuan na parang sa tingin niya sobrang layo nito. Naiinis akong umupo sa upuan. Nilapag ko agad ang mamahalin kong bag at lumingon kay Yohan.Napalabi ako sa kaniya. "Yohan," tawag ko."Hmmmm?" ang tanging naging sambit niya na hindi man lang ako binigyan ng tingin."Morning." Bati ko. Hindi siya kumibo. "May problema ka ba?" Nagbabakasakaling tanong ko.Umiling lang siya at humarap sa pisara. Anong nangyari sa kaniya? Galit ba siya sa'kin?"Uyyy, Yohan." Kinalabit ko siya. "Yohan." Sa wakas at lumingon na siya sa'kin."'Wag
Buong araw akong hindi lumabas ng kwarto. Nilagyan na ni Mom ng benda ang sugat ko sa pisngi. Hindi ko napansin kanina may sugat din pala ang tuhod ko. Hindi din ako kumain, wala akong gana. Pumapasok lagi sa isip ko ang sinabi ni Yohan pati nadin ang ginawa ng ibang estudyante dahil sa dalawang lalaking 'yon. Ano pa kaya ang kaya nilang gawim sa'kin 'pag nagpatuloy lahat ng 'to? Mabubuhay pa kaya ako? O puro nalang sugat ang mukha ko? Gano'n ba nila kagusto ang dalawang 'yon? Na halos saktan na nila ako? At si Yohan? Gano'n na lang ang pagkakaibigan namin? Nakatulugan ko ang pag-iisip sa lahat ng nangyari.Nagising ako ng maramdamang may humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nasilayan ko ang nag-aalalang mukha ni Darrel. Nakaupos siya sa kama saka pinagmamasdan ang mukha ko ng malapitan."Hey," bati niya. Pilit siyang ngumiti pero hindi ko ito sinuklian bagkos tinitingnan ko kung ano siya kagwapo sa malapitan. "I'
Lumabas ako nang kwarto para hanapin si Darrel suot ang pares ng pajama ko. Alas sais na pala ng gabi. Bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng bahay. Pagkadating sa baba ay nakita kong busy sina Mom at Dad, nakaharap sila sa nga papeles na nakalatag sa mini table."Good evening, mom, dad." Bati ko sa kanila. Tumayo agad sila at humalik sa pisngi ko."How are you, Pen?" tanong ni Dad. Bumalik naman si Mom sa ginagawa niya."I'm fine, Dad." Sagot ko."Nakitang kong bumaba si Darrel kanina, parang galit yata siya." Napataas agad ako ng kilay kay Dad. "Where did he go, dad?" kuryoso kong tanong.&nb
Lumabas si Darrel mula sa banyo na nakasuot ng kulay blue na pajama at sando na puti. Ang gwapo niya lalo. Nakahiga lang ako habang pinagmamasdan siya. "Sleepy?" tumaas ang gilid ng labi niya matapos magtanong. Iling lang ang tanging naging tugon ko. Magagabi na kaya ako nagising. Umupo agad siya sa tabi ko saka hinaplos ang buhok ko. Napapikit ako bigla."May test tayo bukas, hindi ka magrereview?" napabuntong hininga ako. "Ayoko, tinatamad ako." Sabi ko saka pumuot."Hmmmm? Magiging cheater ka na naman?" "Hindi ah!" depensa ko."Eh ano? Magrereview o hindi?" napairap
Hinatid kami ng mga magulang namin sa labas. Nakaparada na pala ang kotse niya sa harap. Humarap muna ako sa kanila at nagpalaam."Mauna na po kami." Tumango ako sa kanila at pumasok na sa kotse. Sinarado agad ni Darrel ang pinto at humarap sa kanila. Nagpaalam siya siguro pero bakit ang tagal naman yata? Nagtaka akong tumingin sa kanila. Sa huli ay humalik siya sa Mom ko at Mommy niya. Umikot agad siya sa kotse at pumasok sa driver's seat. Kumaway ako sa kanila at maayos na umupo."Bakit ang tagal mo?""May pinag-usapan lang sandali." Pinaandar niya ang makina saka pinatunog ng dalawang beses ang busina. Umalis na kami lulan ng kotse."Anong pinag-usapan niyo?" kuryoso kong tanong.
Nagising ako na nakahiga sa malambot na kama ng clinic. Inikot ko agad ang tingin ko sa kabuuan nito at nakita kong nakatulog si Darrel habang hawak ang kamay ko. Bahagya ako napangiti. Napatingin ako sa damit ko. Nakahinga ako ng maluwag na naka T-shirt ako. Hindi na ako madumi, pero sino ang nagbihis sa'kin? At kaninong damit 'to? Akma akong uupo ng kumirot ang puwetan ko. Napabalik ako sa kama."Pen, gising kana pala." Halatang bagong gising ang boses niya. "Uwi na tayo?" Malungkot niyang aya."Dar," tipid akong ngumiti sa kaniya. "Sorry.""Bakit ikaw ang nagsosorry? Ako dapat. Iniwan kita do'n." Naging malungkot lalo ang mukha niya at hinalikan ang likod ng palad ko."Okay lang 'yon, Dar. Hindi m
Darrel's POVWhile listening to the two old man in front of me and drinking some liquor, I suddenly look at Peny's father."'Yung---anak kong 'yun, si Peny. Mahal na mahal ko 'yun." He pointed his finger to me. I was shock. "Kaya ikaw---- 'wag mo siyang sasaktan!" Hindi ako lasing kaya natulala ako habang sinasabi ni Tito sa'kin 'yun. Lalo na't sapol na sapol ako sa sinabi niya, dahil minsan ng umiyak si Peny nang dahil sa'kin at dahil sa nga kagagawan ko. Good thing my Dad defend me. Hindi ako masyadong makapagsalita dahil sa guilt na nararamdaman ko. Lasing na lasing na silang dalawa kaya siguro ganyan ang lumalabas sa mga bibig nila. Napatingin ako babaeng pumasok na nakasuot ng kulay itim na pajama, yeah! She's Peny. Ang ganda niya but i can't say that to her. Inalalayan niya si Tito para tumayo.
Darrel POVI was in a 7th grade when I met a very loud girl named Penelope. She always cheer me when i perform in stage. Nagsimula pa lang akong kumanta no'n at siya ang unang fan ko hanggang sa dumami sila. She's the reason why i want to sing. I want to see her beautiful smile while shouting at me."Good morning, classmate." I don't like it when she greeted other people. Gusto ko sa'kin lang. Kaya ng batiin niya ako hindi ako kumibo. I hate her being friendly sa ibang tao at mas lalo akong nagalit dahil napapalapit siya sa bestfriend ko, si Yohan."I told you already, Bro. Kung hindi ka gagalaw ngayon, uunahan na kita." Magkasama kaming tumambay sa parking lot. It was in 8th grade ng aminin niyang gusto niya si Peny. Nauna akong magkagusto saka
Pabalik-balik akong naglakad sa labas ng simbahan, bitbit ang laylayan ng aking wedding gown. Hindi ako mapakali, wala pang Darrel na dumadating. "Peny, Calm down okay? Sisipot siya." Pagpapakalma ni Mom sa'kin."Mom, magkakalahating oras na." Sabi ko na parang maluluha na."'Wag kang umiyak, masisira ang make up mo." Tumango ako."NANDITO NA SIYA! NANDITO NA ANG ANAK KO." Sigaw ni Mommy Jessel.Napaangat ako ng tingin sa paparating na sasakyan lulan si Darrel. Akala ko talaga hindi na siya dadating. Tipid akong ngumiti sa kanya. Nauna pa talaga ang bride sa groom eh.Pag
7 Months LaterPitong buwan na pala ang nakalipas. Sana gagraduate na ako ngayong buwan pero hindi na mangyayari 'yon dahil hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral. Wala na akong gana sa lahat. Hindi na din ako lumalabas ng kwarto. Kahit tawagin pa ako nina Mom at Dad. Matagal na 'yon pero nandito pa din ang sama ng loob ko. Nandito pa din ang galit at sakit. Mahal na mahal ko siya. Sobrang miss na miss ko na siya. Noong unang buwan naririnig ko pa ang sigaw niya pero hinayaan ko 'yon upang hindi siya masaktan.Napalingon ako sa pinto ng kwarto dahil sa isang marahan na pagkatok. "Peny,""Go away, Mom! I don't need you!" matigas at galit kong sigaw. Napakasama nila, anong gusto nila? Mamatay si Darrel sa kakabugbog."Peny, kumain kana. Hindi kana masyadong kumakain. Tingnan mo ang sarili mo, pumapayat kana." Nag-aalala niyang usal mula sa labas ng pinto."Eh, ano ngayon?! Wala naman akong pakialam." Hindi ko binubuksan ang p
Naka-uwi kagabi si Darrel na humihingal at balisa. Mahigpit niya agad akong niyakap at naghihingi ng paumanhin. Hindi ko naman siya maintindihan. Matagal siyang naligo sa banyo kay nagtaka na talaga ako.Kumatok ako at tinawag siya, "Darrel! Okay ka lang ba diyan? May problema ba?" tanong ko.Ilang segundo ang lumipas at lumabas siya na nakangiti pero kita sa mga mata niyang hindi talaga siya masaya.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "May problema ba?" tanong ko habang direkta siyang tinitingnan sa kaniyang mga mata.Umiling siya, "Wala, wife. Let's sleep. May pasok pa tayo bukas." Tipid akong ngumiti saka naunang humiga sa kama. Nawalan na ako ng ganang kumain. Bakit parang may naaamoy akong kakaiba sa kaniya? Hindi naman siguro siya uminom, 'di ba?Kinaumagahan nagising ako na wala siya sa tabi ko. Hinanap agad siya ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim saka dumeretso sa banyo para maligo. Siguro nagluluto na siya
Lumipas ang mga araw."Hubby, kung umuwi kaya tayo mamaya sa bahay? Dalawin natin sila Mom at Dad." Suhestyon ko. Naglalakad kami ngayon papasok sa school. Kagaya lang din ng nakaraang mga araw hindi pa din mawala ang masamang tingin ng ibang estudyante."Hindi ka pa nakakapunta sa bahay 'di ba? Do'n muna tayo umuwi." Oo nga pala, hindi pa ako nakakapunta do'n. Ang alam ko nakatira sila sa Villa Rama. Ang gaganda ng mga bahay do'n pero hindi pa ako nakapasok. Alam na alam ko kasi stalker ako noon."Okay, puwedi din. I-text mo muna ang Mommy't Daddy mo." Sabi ko sa kaniya."Wife, Mommy't Daddy natin." Napangisi ako at napakamot ng ulo."Oo nga, naiilang pa kasi ako eh.""Ang unfair naman tinatawag ko nga ang parents mo na Mom at Dad eh." Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa."Mommy at Daddy nga." Nagdial siya ng phone. Hindi ko naman naririnig."Hi, Mom. Sabihan mo si Dad na uuwi kami di
Umiiyak ako habang nakatago sa likod ni Darrel. Matapos ng nangyari kanina parang ayoko ng makita ang pagmumukha nila. Nasa loob kami ngayon ng office ni Dean Chavez, tanging hikbi ko lang ang naririnig dahil sobrang tahimik nila. Sobrang dumi na ng damit ko at sobrang hapdi ng mukha ko. Humarap sa'kin si Darrel at niyakap ako. Nakalong sleeve lang siya ngayon na kulay puti dahil pinasuot niya sa'kin ang coat niya. May sugat siya sa gilid ng labi dahil sa suntukan kanina."Wife, shhhhh..." Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Hindi pa nagsisimula kasi pinatawag pa sina Aria. Ewan ko kung nasaan na silang lahat. Mga pesteng 'yon. "I'm sorry. Dapat talaga hindi na kita hinayaang lumabas." Hinaplos niya ang marumi kong buhok. Parang wala lang sa kaniya 'yon."Ang hapdi ng mukha ko." Sabi ko sa gitna ng paghikbi ko. Kinuha niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at pinagmasdan ito. Lumungkot ang mukha niya. Pinunasan niya ang luha ko
Balik na ulit sa normal ang lahat. Araw ng lunes ngayon at bukas kami papasok. Ano kaya ang balita sa school? Baka 'pag nalaman nilang kasal na kami lalong lalala ang sitwasyon.Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Darrel. Mukhang magluluto siya ngayon ng dinner. Tumungo agad ako sa kusina. Ayon nga nakita ko siyang nakatalikod at may suot na apron. Tahimik ako naglakad papunta sa likod niya at niyakap agad siya."Hubby," malambing kong sambit."Wife, gising kana pala." Tumango ako. Napagod kasi ako sa byahe, ewan ko lang sa kaniys kung bakit hindi manlang siya napagod sa pagdadrive."Ano lulutuin mo?""Roasted Beef." Maikli niyang sagot. Humarap siya sa'kin at ngumiti."I love you my Wife.""I love you too, Hubby." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap pabalik. Ayoko na talagang pakawalan siya.Pinaupo niya ako sa mesa. Nahihiwa pa kasi siya ng mga ingredients. Bigla kong naisipan magtanon
Naging masaya ang naging celebrasyion namin pagkatapos ng kasal. Hindi maiwasang pagtawanan kanina ni Kuya Esma si Darrel pati tuloy ako natatawa sa kanila. Bakit ba kasi siya pumunta sa psychiatrist? 'Pag nakita ko siya aakalain ko talagang may sakit siya sa utak."Pati ba sa school Lim na din ang apelyido ko?" tanong habang nakahiga kaming dalawa sa malambot na kama. Sa iisang kwarto kami matutulog. Magkahawak kamay kaming nakatitig sa kisame."Gusto mo ba?""Ewan, 'wag na muna siguro.""Why?" maikli niyang tanong."Baka kasi lalo akong pagkaguluhan 'pag pareho na tayo ng apelyido. Alam mo 'yon, ang fans mo kasi mapanakit." Fans club president ng ako pero konti lang naman kami at 'yung ibang hindi ko kilala hindi ko alam kung saan sila nangaling.Bigla siyang tumagilid at niyakap ako. Nasanay na din ako sa mga galaw niya. Nasisiy