Pasukan na. Matapos ang isang linggong bakasyon, ganun padin masungit padin ang hubby ko. Tingnan nga natin kong mahulog siya. Ang tigas ng laman niya eh, hindi nga kinikilig maliban lang sa ngiti niya no'ng nakaraang araw. Madami akong pakulo na gagawin sa kanya. Insert evil laugh. Charring.
Nasa kotse ako ngayon ng hubby ko. Syempre nag da-drive siya. Papunta na kaming school ng magkasama.
"Magkasama ba tayong kakain ng lunch mamaya, hubby?" tin-try ko talagang magtanong habang nagpapa-cute. Ang hirap pala magpanggap kasi nga maganda ako.
"Hindi!" may diin niyang sabi habang pinaiikot ang steering wheel. Sana marunong din akong mag-drive.
"Bakit? ‘Di ba dapat magkasama tayong kakain?" nagtataka k
"Pen, mag mall tayo." Sabi ni Yohan. Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot. Kakatapos lang ng klase namin."Ano naman ang gagawin natin do'n?" tanong ko sakaniya."Maglilibot, kakain, maglalaro at kung ano ang puweding gawin." Nakanguso siya habang nililibot ang tingin at nasa likod ang dalawang kamay."Sige, pero may tatawagan muna ako. Pahiram ng cellphone mo." Nilahad ko ang kamay ko para kunin ang cp. Nakita kong kinuha niya ang iPhone niya mula sa bulsa. Nilagay niya sa palad ko at dali-dali ko 'tong binuksan. Wala man lang passcode."Ang gwapo mo dito ah?" tumawa ako at itinuro ang wallpaper niya. Ang gwapo niya parang model eh. "Saan 'to kinunan?" tanong ko habang naglalakad kami.
Magkatabi kaming dalawa ni Yohan at nasa harap ko naman si Darrel, as in sa harap mismo. Naiilang ako sa bawat titig niya kaya napapaiwas ako ng tingin. "Eto na po ang order n'yo, Sir, Ma'am." Sabi ng waiter habang dala-dala ang isang malaking box, sorang laki naman yata nito? Eto ba 'yong sinabi ko sa kaniya? Family size 'to eh. Napatitig na lang ako sa kaniya habang dahan-dahan niyang nilapag ang dalawang pineapple juice, nilagay niya ang isang baso sa harapan ko na hindi tumitingin. Nasa kaniya din ang dalawang pinggan. Gulong-gulo ako habang tinitingnan siya, nagka-amnesia ba 'to? Nilagyan niya ng tatlong piraso ang tig-iisang pinggan at ibinigay sa'kin ang isa. "Kumain kana." Sabi niya. Hindi maalis ang titig kong naghahanap ng sagot."Pareho kayo ng
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Anong nangyari? Dahan-dahan kong binuksan ang dalawang talukap ng aking mga mata pero bumalik din ito sa pagkakasasara, nasilaw ako sa sinag ng araw. Nasaan ba ako? Minulat ko ulit ang mga mata ko habang tinatabonan ito ng isang kamay, nasa kotse padin ako ni Yohan. Nilibot ko ang tingin para alamin kung nasaan kami. Napagod ba ako sa kakanood ng sine kanina? Nasa pampang ba kami? Itinaas ko ang tingin ko para tingnan ang tanawin. Palubog na pala ang araw kaya kulay kahel ang ang paligid. Nakikita ko din ang beach mula dito, maputing buhangin at malinis na tubig. Nakakagaan naman sa pakiramdam, parang nawala ang mga problema ko dahil sa paligi. Naisipan kong lumabas ng kotse at damhin ang malamig na simoy ng hangin. Pumikit ako at itinaas ang aking mga kamay. Huminga ako ng malalim at
Tinotoo niya ang sinabi niyang hindi siya papasok. At ano 'yong I'll make it up to you? Babawi siya? O gusto niya lang mapatahan ako? Ang lalaking 'yon. Pinalabas ko siya dahil sa pinagsasabi niya, may papunas-punas pa ng pisngi ko. Sasaktan lang din naman ako. Tiningnan ko ang pagkaing dala niya sa na nakalagay sa ibabaw ng maliit na kabinet gawa sa kahoy na pinapatungan ng antique na lampshade ko.Bakit may tatlong yakult? Omelet? Isang buong apple at naka slice na. Ano 'to? Bakit may gatas? Nagbabait-baitan lang ba siya? O totoo talaga 'to? Uminit ang pisngi ko habang iniisip kong paano niya pinaghandaan 'to. Ngumiti ako at kinuha ang pinggan para kainin ito. Ang totoo nagugutom na talaga ako kaso nga lang wala akong ganang kumain pero ngayon mukhang meron na. Parang gusto kong kiligin. Ano ba. Nagsimula ako sumubo ng omelet na ginawa niya. Ninamnam ko ang bawat lasap ng niluto niya, a
"Kuya Darrel!" excited at nagmadaling tumakbo si Cedrick papunta sa kaniya. Magkakilala silang dalawa? Paano? Hindi niya naman siguro kapatid 'yan di ba? Boring lang akong tumingin sa kanila habang masaya silang nagbabatian. Tumayo ako at nagpagpag ng dumi. Aalis na ako. Tahimik akong naglakad para hindi nila mapansin, wala pang isang minuto ay may humawak na sa kamay ko."Saan ka na naman pupunta?" Tanong niya gamit ang malaking boses. Napakagat-labi ako habang nakatalikod."Syempre aalis." Pagdadahilan ko."Alam ko, kanina pa kita hinahabol hindi mo man lang ako hinintay! Hindi safe ang daan, Pen!" Nangagalaiti niyang sabi sa'kin. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Malakas kong binaklas ang pagkakahawak niya at humarap sakanya.
Siyang-siya ako habang kumakain kami ng pizza. Hindi ko mapigilan ang ngumiti ng malaman kong tinitingnan niya ako. Nagsasaya ang puso ko pati ang buong pagkatao ko. Kinikilig ako ng sobra.Marahan ko siyang tinampal ng palad ko. "'Wag ka nga masyadong tumitig, sige ka! Baka matunaw ako." Kinuha niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod ng palad ko. Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Dali-dali kong binawi at nag-iwas tingin. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang bilis nito."Hey," Tawag niya pero hindi ako lumingon. Nahiya ako bigla. Nagpatuloy ako sa pagkain ng pizza na hindi tumitingin sakanya. "Peny, look at me." "Ayoko."
Maghapon kaming magkasama ni Darrel. Sa pagkain, panonood ng tv. Kahit cartoons ang pinapanood ko ay nandyan padin siya sa tabi ko. Ito yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Nawala ang plano na nakatatak sa isip ko na tumakas at itigil ang kasalang ito. Kinagabihan, naligo ako at nagbihis ng pajama para matulog. Gabi na din. Kakatapos lang namin manood ng Tv. Ngumiti ako habang inaayos ang malaki at malambot kong kama. Gustong kumawala ng tili ko sa bibig kaya tumayo ako at tumalon talon. "Ihhhhhhhh..." Napahawak pa ako sa bibig ko habang pigilan ang malakas na tunog. Kinikilig talaga ako. Nilapitan ko ang rosas na pulang bulaklak, at inamoy ito habang hindi mawala ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Inamoy ko ito at parang dinala ako sa ibang napakagandang mundo. Naudlot ang imahenasyon ko ng makarinig ako ng pagkatok sa pinto ko. Nagtaka akong nilapag ang kumpol ng bulaklak at tin
Mabilis pinatakbo ni Darrel ang kotse niya. Sanay na sanay ah? Nag-eenjoy akong tumingin sa labas habang dinadama ang hangin. Ngumiti ako at pumikit na kaonti. Masaya akong humarap kay Darrel."Gusto ko din bumili nang ganito." Halos kumislap ang mga mata ko habang nagsasalita. Paborito ko 'to eh. Ang astig kasi."Ah-huh." Ang tanging naging sambit niya. Nakabusangot akong nagsalita."Totoo, gusto din bumili nang ganito.""Hindi mo ba alam?" tanong niya habang nakatingin sa kalsada.Hindi ko makuha ang punto niya, "Ang alin?""Na binili ko 'to para sa'yo." Seryoso siyang tumingin sa'kin kaya
Darrel's POVWhile listening to the two old man in front of me and drinking some liquor, I suddenly look at Peny's father."'Yung---anak kong 'yun, si Peny. Mahal na mahal ko 'yun." He pointed his finger to me. I was shock. "Kaya ikaw---- 'wag mo siyang sasaktan!" Hindi ako lasing kaya natulala ako habang sinasabi ni Tito sa'kin 'yun. Lalo na't sapol na sapol ako sa sinabi niya, dahil minsan ng umiyak si Peny nang dahil sa'kin at dahil sa nga kagagawan ko. Good thing my Dad defend me. Hindi ako masyadong makapagsalita dahil sa guilt na nararamdaman ko. Lasing na lasing na silang dalawa kaya siguro ganyan ang lumalabas sa mga bibig nila. Napatingin ako babaeng pumasok na nakasuot ng kulay itim na pajama, yeah! She's Peny. Ang ganda niya but i can't say that to her. Inalalayan niya si Tito para tumayo.
Darrel POVI was in a 7th grade when I met a very loud girl named Penelope. She always cheer me when i perform in stage. Nagsimula pa lang akong kumanta no'n at siya ang unang fan ko hanggang sa dumami sila. She's the reason why i want to sing. I want to see her beautiful smile while shouting at me."Good morning, classmate." I don't like it when she greeted other people. Gusto ko sa'kin lang. Kaya ng batiin niya ako hindi ako kumibo. I hate her being friendly sa ibang tao at mas lalo akong nagalit dahil napapalapit siya sa bestfriend ko, si Yohan."I told you already, Bro. Kung hindi ka gagalaw ngayon, uunahan na kita." Magkasama kaming tumambay sa parking lot. It was in 8th grade ng aminin niyang gusto niya si Peny. Nauna akong magkagusto saka
Pabalik-balik akong naglakad sa labas ng simbahan, bitbit ang laylayan ng aking wedding gown. Hindi ako mapakali, wala pang Darrel na dumadating. "Peny, Calm down okay? Sisipot siya." Pagpapakalma ni Mom sa'kin."Mom, magkakalahating oras na." Sabi ko na parang maluluha na."'Wag kang umiyak, masisira ang make up mo." Tumango ako."NANDITO NA SIYA! NANDITO NA ANG ANAK KO." Sigaw ni Mommy Jessel.Napaangat ako ng tingin sa paparating na sasakyan lulan si Darrel. Akala ko talaga hindi na siya dadating. Tipid akong ngumiti sa kanya. Nauna pa talaga ang bride sa groom eh.Pag
7 Months LaterPitong buwan na pala ang nakalipas. Sana gagraduate na ako ngayong buwan pero hindi na mangyayari 'yon dahil hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral. Wala na akong gana sa lahat. Hindi na din ako lumalabas ng kwarto. Kahit tawagin pa ako nina Mom at Dad. Matagal na 'yon pero nandito pa din ang sama ng loob ko. Nandito pa din ang galit at sakit. Mahal na mahal ko siya. Sobrang miss na miss ko na siya. Noong unang buwan naririnig ko pa ang sigaw niya pero hinayaan ko 'yon upang hindi siya masaktan.Napalingon ako sa pinto ng kwarto dahil sa isang marahan na pagkatok. "Peny,""Go away, Mom! I don't need you!" matigas at galit kong sigaw. Napakasama nila, anong gusto nila? Mamatay si Darrel sa kakabugbog."Peny, kumain kana. Hindi kana masyadong kumakain. Tingnan mo ang sarili mo, pumapayat kana." Nag-aalala niyang usal mula sa labas ng pinto."Eh, ano ngayon?! Wala naman akong pakialam." Hindi ko binubuksan ang p
Naka-uwi kagabi si Darrel na humihingal at balisa. Mahigpit niya agad akong niyakap at naghihingi ng paumanhin. Hindi ko naman siya maintindihan. Matagal siyang naligo sa banyo kay nagtaka na talaga ako.Kumatok ako at tinawag siya, "Darrel! Okay ka lang ba diyan? May problema ba?" tanong ko.Ilang segundo ang lumipas at lumabas siya na nakangiti pero kita sa mga mata niyang hindi talaga siya masaya.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "May problema ba?" tanong ko habang direkta siyang tinitingnan sa kaniyang mga mata.Umiling siya, "Wala, wife. Let's sleep. May pasok pa tayo bukas." Tipid akong ngumiti saka naunang humiga sa kama. Nawalan na ako ng ganang kumain. Bakit parang may naaamoy akong kakaiba sa kaniya? Hindi naman siguro siya uminom, 'di ba?Kinaumagahan nagising ako na wala siya sa tabi ko. Hinanap agad siya ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim saka dumeretso sa banyo para maligo. Siguro nagluluto na siya
Lumipas ang mga araw."Hubby, kung umuwi kaya tayo mamaya sa bahay? Dalawin natin sila Mom at Dad." Suhestyon ko. Naglalakad kami ngayon papasok sa school. Kagaya lang din ng nakaraang mga araw hindi pa din mawala ang masamang tingin ng ibang estudyante."Hindi ka pa nakakapunta sa bahay 'di ba? Do'n muna tayo umuwi." Oo nga pala, hindi pa ako nakakapunta do'n. Ang alam ko nakatira sila sa Villa Rama. Ang gaganda ng mga bahay do'n pero hindi pa ako nakapasok. Alam na alam ko kasi stalker ako noon."Okay, puwedi din. I-text mo muna ang Mommy't Daddy mo." Sabi ko sa kaniya."Wife, Mommy't Daddy natin." Napangisi ako at napakamot ng ulo."Oo nga, naiilang pa kasi ako eh.""Ang unfair naman tinatawag ko nga ang parents mo na Mom at Dad eh." Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa."Mommy at Daddy nga." Nagdial siya ng phone. Hindi ko naman naririnig."Hi, Mom. Sabihan mo si Dad na uuwi kami di
Umiiyak ako habang nakatago sa likod ni Darrel. Matapos ng nangyari kanina parang ayoko ng makita ang pagmumukha nila. Nasa loob kami ngayon ng office ni Dean Chavez, tanging hikbi ko lang ang naririnig dahil sobrang tahimik nila. Sobrang dumi na ng damit ko at sobrang hapdi ng mukha ko. Humarap sa'kin si Darrel at niyakap ako. Nakalong sleeve lang siya ngayon na kulay puti dahil pinasuot niya sa'kin ang coat niya. May sugat siya sa gilid ng labi dahil sa suntukan kanina."Wife, shhhhh..." Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Hindi pa nagsisimula kasi pinatawag pa sina Aria. Ewan ko kung nasaan na silang lahat. Mga pesteng 'yon. "I'm sorry. Dapat talaga hindi na kita hinayaang lumabas." Hinaplos niya ang marumi kong buhok. Parang wala lang sa kaniya 'yon."Ang hapdi ng mukha ko." Sabi ko sa gitna ng paghikbi ko. Kinuha niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at pinagmasdan ito. Lumungkot ang mukha niya. Pinunasan niya ang luha ko
Balik na ulit sa normal ang lahat. Araw ng lunes ngayon at bukas kami papasok. Ano kaya ang balita sa school? Baka 'pag nalaman nilang kasal na kami lalong lalala ang sitwasyon.Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Darrel. Mukhang magluluto siya ngayon ng dinner. Tumungo agad ako sa kusina. Ayon nga nakita ko siyang nakatalikod at may suot na apron. Tahimik ako naglakad papunta sa likod niya at niyakap agad siya."Hubby," malambing kong sambit."Wife, gising kana pala." Tumango ako. Napagod kasi ako sa byahe, ewan ko lang sa kaniys kung bakit hindi manlang siya napagod sa pagdadrive."Ano lulutuin mo?""Roasted Beef." Maikli niyang sagot. Humarap siya sa'kin at ngumiti."I love you my Wife.""I love you too, Hubby." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap pabalik. Ayoko na talagang pakawalan siya.Pinaupo niya ako sa mesa. Nahihiwa pa kasi siya ng mga ingredients. Bigla kong naisipan magtanon
Naging masaya ang naging celebrasyion namin pagkatapos ng kasal. Hindi maiwasang pagtawanan kanina ni Kuya Esma si Darrel pati tuloy ako natatawa sa kanila. Bakit ba kasi siya pumunta sa psychiatrist? 'Pag nakita ko siya aakalain ko talagang may sakit siya sa utak."Pati ba sa school Lim na din ang apelyido ko?" tanong habang nakahiga kaming dalawa sa malambot na kama. Sa iisang kwarto kami matutulog. Magkahawak kamay kaming nakatitig sa kisame."Gusto mo ba?""Ewan, 'wag na muna siguro.""Why?" maikli niyang tanong."Baka kasi lalo akong pagkaguluhan 'pag pareho na tayo ng apelyido. Alam mo 'yon, ang fans mo kasi mapanakit." Fans club president ng ako pero konti lang naman kami at 'yung ibang hindi ko kilala hindi ko alam kung saan sila nangaling.Bigla siyang tumagilid at niyakap ako. Nasanay na din ako sa mga galaw niya. Nasisiy