Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
Shana's Point of View*Dahan-dahan akong nagmulat at napatingin ako sa paligid at nandidito pa din ako sa kwarto ni Theo. Nakikita ko siya na nag-ayos ng dinner sa lamesa.Bakit nga ako nawalan ng malay? Hindi ko maalala kung bakit pero ang sakit ng ulo ko at pati puso ko na parang kinurot atah.Napatingin naman siya sa akin at agad siyang lumapit sa akin at tinutulungan niya akong tumayo na kinatingin ko sa kanya."Mabuti at gising ka na. Kumain na tayo at sigurado ako na gutom ka na."Kinuha niya ang slippers niya doon at pinasout niya iyon sa akin."Doc, diba may operasyon ka diba? Anong oras na ba?""Mamaya pa yun. Isang oras kang nawalan ng malay."Napahawak ako sa pisngi ko dahil parang may luhang natuyo doon."Everything is gonna be alright, sweetheart."Hinalikan niya ang noo ko na kinagulat ko at napatulala na lang ako habang nakatingin sa kanya at ngumiti siya.Ganitong-ganito si Cloud noon. Bakit naalala ko si Cloud sa kanya?Inilahad naman niya ang kamay ko."Let's eat?"D
Shana's Point of View* Nakahinga naman ako ng maluwag nung hindi na niya ako hinatid kinagabihan nun. Dahan-dahan naman akong nagmulat at nag-stretching ako at napatingin sa labas ng bintana at malapit ng magsisikat ang araw ngayon. Napatingin ako sa orasan at alas 5 na at tumayo na ako at nag-ayos na ng higaan bago dumiretso sa banyo para maligo. Habang naliligo ay iniisip ko pa din kung bakit ganun ang trato sa akin ng doctor na yun. Hindi dapat ako makipag relasyon sa kanya dahil nasa internship pa ako. Bawal makipag relasyon sa seniors at ang pinakamalala ay siya pa ang may-ari o director ng hospital! Mukhang madedehado pa ako nito eh. Napabuntong hininga ako at agad na akong nagbanlaw at lumakad na ako papunta sa kabinet para magbihis at natigilan ako nang makaamoy ako ng mabangong luto. Mukhang maaga atah nagising si Scarlet para magluto ngayon dito. Mamaya ko na pu-problemahin ang doctor na yun. Ang sa akin muna ngayon ay kakain muna ako. Lumakad na ako palabas ng kw
Shana's Point of View* "Ilang taon na ba kayo? At isa pa bakit hindi ka sumakay sa magandang car niya?" Napa-roll eyes na lang ako kasi parating tanong ng tanong ang babaitang ito. "Tatahimik ka ba o ihuhulog kita sa scooter ko?" Niyakap naman niya ng mahigpit ang tiyan ko. "Milady naman eh. Mamaya na ako magsasalita." Sinandal niya ang ulo niya sa likod ko habang yakap-yakap pa din niya ako. "Wag ka ngang gumalaw." "Hindi naman ah.... Waaa! May sasakyan!" Bigla kaming napa-break ng full nung may lumusot na sasakyan sa gilid bigla-bigla. "Ano ba! Bigla-bigla na lang lulusot!" Bigla namang bumaba ang bintana ng sasakyan at napatingin siya sa akin. "Ohh... Gwapo..." rinig kong ani ng babaita sa likod ko. Nakikita ko din naman sa mukha niya na mukhang hindi maka basag pinggan itong lalaking ito at malumanay pa ito. "Ah! I'm sorry, miss." Binuksan naman niya ang pintuan at tiningnan niya ang motor namin kung tumama ba. "Wala bang nasaktan sa inyo? Pasensya na talaga nagmama
Shana's Point of View* Nasa loob na kami ng hospital at pumunta na sa lugar kung saan kami naka-assign at ako naman ay nandidito ulit sa forensic pathology lab. Nandidito din naman kasi Doc Liam. "Oh, nandidito ka na pala, Miss Shana." Lumakad ako papunta sa tabi nito at tiningnan ang ginagawa niya. Nakikita ko na parang tinitingnan niya ang utak na hiniwa-hiwa niya na parang may tinitingnan siya. "Gagawin mo ba yang sisig?" Natigilan naman siya sa sinabi ko. "What? Shana naman eh." Napatawa na lang ako ng mahina at tumabi sa kanya. "Just kidding." "Ang seryoso mo tapos di ko alam na mahilig ka pa lang mag-joke." "Nagaya lang ako sayo noh." Napapout naman siya dahil sa sinabi ko. "By the way kumusta yung na-resurrect kahapon?" "Ah, he's fine at nasa ward na siya ngayon. Pero nakikita pa din doon na parang hindi na lumala kagaya nung huli ang karamdaman niya. Teka dahil ba yun sa sandwich na binili ko? Itatanong ko kaya ang ingredients nun." "Normal na sandwich lang iy
3rd Person's Point of View* Kakarating lang ni Theo sa hospital at dumiretso agad siya sa kung saan naka-assign si Shana at nasa forensic pathology lab ito. Dinalhan na niya ito ng pagkain para sa pang-snack nito. Ang payat-payat kasi nito at mukhang kailangan pakainin niya ito. Nakarating siya sa lab at napakunot ang noo niya nung makita niyang mag-isa si Doc Liam na concentrate ito sa pag-te-test ng lamang loob. Lumapit naman si Theo at alam niya na hindi nito napapansin ang pagdating niya. "Liam." "Ay pus---" Agad nitong tinakpan ang bibig nito dahil baka magising niya si Shana na natutulog sa gilid. "Why? Teka nasaan si Intern Shana?" "Nakakagulat ka, Doc--- Ehh! Doc Theo!" Agad namang napatingin si Liam sa gilid na mahimbing na natutulog si Shana na kinalunok niya. Hindi kasi pwedeng malaman nito na natutulog ang intern na hina-handle niya. Napatingin naman si Theo kay Shana na mahimbing na natutulog. "I w-will wake her up, Doc..." Hinawakan nito ang lab gown nito pa
Shana's Point of View* Napapikit ako dahil ang sarap ng burger at napangiti ako. "Favorite mo talaga ang mga ganyang pagkain, Intern Shana." Napatingin naman ako kay Doc Liam. "Ha?" "Like sandwich na parati mong kinakain sa opisina ko ay favorite mo din pala ang hamburger." Dahan-dahan naman akong tumango. "Ano naman pong mali kung gusto ko ang mga ganitong pagkain?" 3rd Person's Point of View* Napatakip sa bibig si Liam dahil nirespeto na siya ngayon ni Shana. "Anong nangyari sayo?" tanong ni Theo sa kanya. Binuksan ni Theo ang bottle juice at inilahad kay Shana at kinuha naman ni Shana iyon at nagulat naman si Liam sa nangyayari. "Theo, may something ba---" Biglang nilagyan ni Theo ng burger ang bibig ni Liam para hindi ito magsalita at napatingin naman si Theo kay Shana na kumakain pa din sa gilid matapos mainom ang juice na bigay nito. Lihim na napangiti naman si Liam sa kanilang dalawa dahil sa wakas tao na ang kaibigan niya. "Ah, may gagawin pa pala ako. Doc Theo,
Shana's Point of View* "Explain to me." Waaaa hindi maganda ang awra niya ngayon habang nakatingin sa akin. "Uhmm.. he looks innocent to me. Like pwede mo siyang utuin. Eh ikaw naman kasi parang palagi kang may binalak sa akin parati." Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Bigla namang nanlambot ang expression niya habang nakatingin sa akin. "H-Huh? Hindi ko naman magagawa sayo ang bagay na yun." Nagkibit balikat ako at tinaasan siya ng kilay. Kailangan baliktarin ang sitwasyon ngayon. "Bakit, hindi ba totoo?" Wala naman talagang siyang kasalanan. Wala na kasi akong maisip na palusot eh. "I will control myself." Para na siya ngayong tuta na nagpapa-amo sa akin ngayon. "Teka lang? Natulog ka ba sa bahay mo?" Natigilan naman siya sa sinabi ko. "I can't sleep. I have insomnia." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Naririnig ko na sobrang sipag niya sa trabaho at hindi siya nagpapahinga. Yun ba ang dahilan kung bakit siya masipag at walang
Shana's Point of View* Uwian na at sabay kaming naglalakad ni Scarlet papunta sa exit ng hospital. "I'm so tired!" Napatingin ako sa kanya at pinat ko ang ulo niya. "Binubully ka ba ng mga nurses?" "Hindi naman ako nga ang bumu-bully sa kanila. Subukan lang nila baka natatamaan sila sa akin." Pinitik ko ang noo niya na kina-ouch naman nila at sabay pout. "Masakit." Tinaasan ko na lang siya ng kilay at napa-pout naman siya at napatingin kami sa gilid at nakita ko yung lalaking tinulungan namin sa traffic kanina. At nakita niya din kami. "Oh, diba kayo yung tumulong sa amin?" "Hello, handsome, kami yun." Siniko ko naman si Scarlet dahil nakakahiya siya ngayon. "Hmm... Kumusta na ang ate mo? Nakapanganak na ba siya?" "Yes, thank you dahil nakadaan kami agad at safe na nakapanganak ang ate ko." Napangiti ako at dahan-dahan na napatango. "Uhmm... Gusto niyo libre ko kayo ng dinner? You know pasalamat ko sa ginawa ninyo." "Sur---" "Ah wag na. Ayos lang, masaya na kami na
Shana's Point of View* "You love me, sweetie?" Nanlaki ang mga mata ko habang tinititigan si Theoris. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Lito ang puso ko, naguguluhan ang isip ko, at tila ba tumigil ang paligid sa isang iglap. Pero bago pa man ako makasagot, siya na mismo ang lumapit sa akin at mas malapit pa sa inaasahan ko. Ngumiti siya, ‘yung ngiting matagal ko nang gustong makita. Hindi ngiting pinilit, hindi ngiting walang damdamin. Kundi ‘yung ngiting pamilyar. ‘Yung totoo. ‘Yung siya. Lumapit si Theoris kay Bea na ngayo’y pilit pa ring kumakawala sa hawak ng mga sundalo. "Tapos na ang palabas mo, Bea," malamig niyang sambit. Matatag. Walang alinlangan. "Wala ka nang mauutakan pa." “Ano'ng pinagsasabi mo?! Ikaw ang nagsabing mahal mo ako! Na ako ang papakasalan mo!” galit na sigaw ni Bea habang pinupunit ng luha at pagkalito ang kanyang tinig. Tiningnan siya ni Theoris ng diretso, punong-puno ng hinanakit ngunit may halong awa. "I never loved you, Bea
Shana's Point of View* "Ituloy ang kasal!" sigaw ni Bea sa altar na mas lalong kinainit ng ulo ko dahil sa sinabi niya. Damn! Tung babaeng ito! Uubusin ko talaga ang buhok ng bruhang iyon! Susugod sana ako pero agad naman akong prinutektahan ni Brian dahil may mga pumagitna sa aking mga gwardya sa harapan ko na may dalang mga baril. At hahawakan sana nila ako pero mabilis naman iyong sinipa ni Brian na kinatumba ng mga ito. "Milady, tumakbo na po kayo at ako na ang bahala sa mga gwardyang ito." "Y-You sure?" Tumango naman siya kasabay ngiti. "Yes, milady." Tumango naman ako at agad akong tumakbo papunta sa pwesto ni Theoris. Mabilis akong tumakbo hanggang sa hinawakan ko ang buhok ng babaeng yun at hinila na kinahulog niya sa stage. At isang iglap ay tumalon ako kasabay ng pagyakap ko kay Theoris. Naramdaman ko rin ang kamay niyang nakayakap sa katawan ko ngayon. Hindi ko yun pinansin at mahigpit ko siyang niyakap. "Theoris, gumising ka sa katotohanan. Hindi siya ang ba
3rd Person's Point of View* Hindi tumalab kay Theoris ang gayuma na pinainom sa kanya ni Bea nung wala siyang malay. Dahil na rin sa antidote na ininom niya na may halong dugo ng mga Windermere. Parang nawala agad ang bisa nun sa katawan niya. Tamang-tama naman na mag-a-acting si Theoris na parang na-in love siya kay Bea. Nakipagkita si Theoris kay Bea nung gabing iyon sa isang bar at excited naman si Bea nun at may dala rin siyang gayuma para painumin na naman si Theoris. "Baby," tawag sa kanya ni Bea. Napatingin naman sa kanya si Theoris at napangiti naman ito sa kanya at niyakap siya nito bigla na kinagulat naman ni Bea. At doon niya nakita na tumalab nga ang pininom nitong gayuma. Napangiti naman siya at doon na nagpa-sweet sila na parang sila na talaga. Nilagyan niya ng gayuma ang inumin ni Theoris at hindi naman iyon nawala sa paningin ni Theoris kaya mabilis niyang pinagpalit ang baso na nasa harapan niya. "Cheers?" Ngumiti naman si Bea. "Cheers." Napangiti naman siy
3rd Person's Point of View* Flashback... Nakarating ngayon si Theoris sa laboratory na pamamay-ari ng pamilya ng mga Windermere. Kagaya ng sinabi ni Ash sa kanya ay pagkagising niya ay agad siyang dumiretso doon sa laboratory. "Mabuti naman at nakarating ka na." Napatingin naman siya kay Azrael na nasa harapan niya at dahan-dahan na tumango. "Kanina ka pa hinihintay ni Ash sa loob at nandodoon din ang mga magulang nila." "I know." Alam ni Theoris na makakaharap niya ang mga magulang nila dahil gusto nilang malaman ang tungkol sa lason na iniinom niya na iyon din ang panlaban sa dugo nila Liliana. "Follow me." Lumakad naman sila at nakasunod lang sa Theoris kay Azrael. "Bakit ka nga pala nandidito sa Pinas?" Napatingin naman si Azrael. "Alam mo naman na nanganak si Ate Claudia noh?" "So tapos na siyang manganak eh bakit hindi ka pa bumalik sa america?" "Ang heartless mo naman, Theoris. Alam mo naman na may isa pang dahilan kung bakit ako nandidito noh?" "Ano?" "Gusto kon
3rd Person's Point of View* Malaki ang ngiti ni Bea habang naglalakad sa aisle sa isang magandang hotel garden sa lugar nila at nandidito na rin ang mga bisita sa paligid nila na nagpapalakpakan at ang pamilya lang ni Theoris ay ang grandpa nito at si Clea. Hindi rin sila makapaniwala sa pag-iba ng puso ni Theoris. "Grandpa, paano natin mapapahinto si Theoris? Alam naman natin na hindi ang babaeng yan ang mahal ni Theoris, 'di ba? Si Shana naman ang mahal niya. Parang ginayuma si Theoris." "I know that. Hindi rin natin mapipigilan ang bagay na yan dahil alam mo na na napapalibutan tayo ngayon ng mga tauhan ng pamilya ng bride." Wala silang magawa kundi ang tumingin na lang sa mga mangyayari ngayon. Kinuha ni Clea ang phone niya at agad niyang minessage ang mga tauhan nila at hindi rin ito ma-send dahil walang signal dito. "Mukhang planado nila ang lahat na nandidito. Sana tinali ko na lang si Theoris nung nakita ko siya. Alam ko naman na hindi talaga ito ang babaeng mahal niya a
Shana's Point of View* Nagising ako kinabukasan at nandidito pa rin ako sa kwarto ni Theoris. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako kakahintay sa kanya. Napansin ko ang kumot na nakatakip sa akin na kinakunot ng noo ko at naka-on na din ang aircon. Automatic pala nag-o-on ang aircon? Hindi ko kasi naalala na nag-on ako kahapon ng aircon. Natigilan ako baka dumating na si Theoris kaya agad akong tumayo at agad lumabas sa kwarto. Agad kong nilibot ang boung kwarto at wala akong makita kahit isang anino niya. "Theoris? Nandidito ka ba? Theoris!" Para na akong baliw nagpaikot-ikot dito sa buong kwarto pero wala akong makita ni-anino niya. Napaiyak na lang ako nang napansin ko na may nakahain sa lamesa. At may pagkain sa lamesa. Sinong nagluto nito? Bakit may pagkain sa lamesa? Umuwi ba siya? Eh bakit hindi niya ako ginising? Hinawakan ko ang pagkain at mainit iyon. Nandidito nga siya. Kinalimutan na ba niya talaga ako? Napatingin ako sa sticky note na nasa gilid at nanlala
3rd Person's Point of View* Hinatid ni Theoris si Bea sa mansion nito at umunang lumabas si Theoris sa sasakyan nito. "Kagaya ng sinabi mo ay sa judge muna tayo ikakasal bukas. Nakahanda na ba ang lahat?" Ngumiti naman si Bea at dahan-dahan na tumango. "Yes. Tayo na lang dalawa ang kulang doon at isa pa kompleto ang pamilya ko bukas. Excited na ako sa bagay na yun." Napangiti naman si Theoris at hinalikan niya ang noo nito. "Matulog ka ng maaga, okay? Para fresh na fresh ka bukas sa kasal natin." "Yes, ikaw rin. Wag mo akong masyadong ma-miss. Can I kiss your lips now?" Ngumiti naman si Theoris at lalapit sana ang labi ni Bea sa kanya pero pinigilan naman iyon ni Theoris. "Not now, baby. Bukas ko na titikman ang halik mo sa kasal natin." Mas lalong napangiti si Bea sa sinabi nito. "Pwede naman na dito ka na matulog. Magkatabi tayo sa kama." "Baby, alam mo naman na bawal ang bagay na yun diba? Gusto mo ba na hindi matuloy ang kasal natin kinabukasan?" "Okay fine." Napapou
Shana's Point of View* Nakatulala ako habang nakatingin sa malayo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Cloud noon. Namumugto na rin ang mga mata ko habang nakatingin sa langit habang nasa gilid ko si Azrael. "He loves you so much simula pa noon kaya nga nagmamakaawa siya kay Theoris na siya na lang ang magiging fiancee mo." "Anong sabi ni Theoris?" "Hindi pumayag si Theoris. Dahil mahal ka rin niya pero hindi lang siya nagbo-voice out sa nararamdaman niya sayo." Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Azrael habang nakatingin sa kalangitan. "Hanggang sa nagdesisyon ang mga magulang ni Cloud na sabihin sa Grandpa ni Theoris na si Cloud na lang ang magiging partner mo. " Napatingin ako sa kanya. "Ganun na lang yun? Ano naman ang reaksyon ni Theoris?" "At wala namang nagawa si Theoris sa bagay na yun at doon na siya nagsimulang maging cold sa lahat ng bagay lalo na't dinala rin siya ng Grandpa niya sa ibang bansa." Doon pala nagsimula ang pagka-cold niya. Dahil lang din pala
3rd Person's Point of View* Nandidito sila Shana at Azrael ngayon sa isang over viewing at may firing range sa unahan. Hindi aakalain ni Shana sa mahinhin na mukha ni Azrael ay ito pa ang napailing lugar na akala niya sa kung saan siya nito dadalhin. Tiningnan ni Shana si Azrael na may pagtataka. "Uhmm... Dito ko naisipan dahil para malabas mo ang sakit na nararamdaman mo ngayon." Hindi pa kasi umiiyak si Shana at nag-aalala si Azrael kung ano ang mangyayari kung hindi nito malalabas ang sakit na nararamdaman nito. "Mukhang kailangan ko ang bagay na yan." Napangiti naman si Azrael at dahan-dahan na napatango. "Mabuti naman kung ganun." Lumabas na siya sa sasakyan at lumakad na papunta sa gilid ni Shana ay pinagbuksan niya ng pintuan si Shana. Inanalayan naman niya itong bumaba. "Thank you." "Shall we?" Tumango naman si Shana at lumakad na sila paalis sa sasakyan at pumasok sa loob. "Mabuti gising ka na matapos ang kalahating buwan na pagkaka-coma." Napatingin naman si Sh