Tuluyan na siyang umalis...
Lumipas ang ilang linggo pa at nasanay na rin ako na mamuhay dito sa probinsya. Kagaya ng gustong mangyari ni Sandro ay may kasama na ako sa bahay peeo stay out.Hindi naman ako alagain kaya hindi ko kailangan ng kasama bente kwatro oras. Hindi na rin ako bata at kaya ko na ang sarili ko kung wala na siya sa gabi.Secured din ang bahay na tinutuluyan ko kaya naman wala rin akong nararamdaman na kahit na anong takot.“Pasok,” sabi ko sabay lingon sa pintuan ng aking silid. Araw ng Sabado at kagaya ng ibang araw ay nasa harapan ako ng aking laptop para magsulat ngunit wala naman akong maisip na isulat. “Nandito po si Atty. Sandro.” Ngumiti ako kay Ate Ovie. Siya na rin ang kinuha kong kasambahay dahil palagay na ako sa kanya. “Sige po, susunod na ako.” Tumango lang siya sa akin at umalis na. Ako naman ay tumayo na sa aking kinauupuan para lumabas at puntahan si Sandro. “Busy?” tanong agad ng lalaki ng makita ako. “Writer's block I guess.” Natawa siya sa sinabi ko. Nito kasing mga hul
Ashley“Hindi mo pa ba nakikita kung nasaan na si Ashlyn?” tanong ko sa sangganong taga squatters area. Ayaw ko talagang makipagkita sa lalaking ito dahil nga hindi ko gusto ang klase ng lugar ng tinitirhan niya.“Kung nakita ko na siya eh di sana hindi mo na ako natagpuan dito,” tugon naman niya.“Ano naman ang koneksyon ng pagkakatagpo mo sa kanya at sa pagtira mo dito?”“Syempre, sa mansyon ko dadalhin ang mahal ko. Hindi siya nababagay sa lugar na ‘to.” Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong mansyon ang pinagsasasabi niya?“Tigil tigilan mo ako at siguraduhin mo na makukuha mo si Ashlyn! Merong kumakalaban sa akin ngayon at tinatakot ako tungkol sa tunay kong pagkatao kaya siguraduhin mong magtatagumpay ka.”“Bakit ako ang pinipilit mo na kumilos? Wala ka na bang ibang mautusan?” tanong niyang nakangisi at hindi ko mapigilan ang mabwisit sa itsura niya.Hindi naman siya pangit, kagaya ng nasabi ko na ay gwapo ito, maganda ang katawan ang macho. Kaya nga nagagawa niyang maangk
“Hi,” nakangiti kong sabi sa kanya sabay lapit. Hahalik sana ako sa kanya ngunit bigla itong umiwas.“You didn’t answer my question, saan ka galing?” tanong niya ulit. Ngunit ayaw kong magpatalo sa takot at kaba.“You avoided my kiss, bakit?” tanong ko na may halong hinanakit. Inisip ko na agad lalambot ang kanyang mukha at mawawala ang kaseryosohan non ngunit hindi ganon ang nangyari.“Where have you been?” tanong niya ulit at bawat kataga ay merong diin na tila ba sinasabi niyang sagutin ko ang tanong niya.“Saan pa ba? Eh di sa likod. Hindi naman ako umaalis ng bahay.”“How long have you been there?”“Kanina pa,” sabi ko sabay yuko. Kailangan kong umarte, hindi siya pwedeng makatunog. “Gusto kong mag-isip, Marco.”“Ng tungkol saan?”“Sa akin. Hinahanap ng katawan ko ang pagtatrabaho at—”“Nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ‘yan.” Mahina lang ang pagkakasabi niya kaya ang naisip ko na nasa akin na ulit ang upperhand.“Pero gusto kong magtrabaho.”“Kulang pa ba sayo ang pag-aalaga
AshleyHawak ko ang aking dibdib and looking at him in disbelief. Itinago ko ang gulat at galit ko dahil kailangan ko pa rin panindigan ang pagiging Ashlyn ko sa paningin niya.“Kailanman ay hindi mo ako sinigawan at wala akong matandaan na kahit na anong pagkakataon na nagalit ka sa akin. Anong nangyari, Marco?”“Magpasalamat ka at hawak ko ang anak ko, kung hindi ay baka kung ano pa ang nagawa ko sayo. Ngayon, kung gusto mong magtrabaho ay gawin mo. Basta hindi ka na rin pwedeng tumuntong sa pamamahay ko!”“Kung aalis ako ay dadalhin ko ang anak ko.”“Subukan mo, ilalaban ko ng custody sa anak ko. Hindi mo kayang mag-alaga kaya inuunahan na kita, umalis ka kung gusto mo at kalimutan mo ang anak ko.”Tinalikuran niya ako at lumabas sila ni Asher ng silid habang wala akong magawa kung hindi ang sundan lang sila ng tingin hanggang sa tuluyan niyang maisra ang pintuan.Naglakad ako palapit sa kama at napaupo doon. Bakit biglang nagka ganon si Marco? Tandang tanda ko, nagsimula iyon may i
AshleyGusto kong makasiguro na wala na ngang ugnayan ang dalawa at hindi ko malalaman iyon kung hindi ko gagamitin ang mga ito.Clone ito ng telepono nila at dati ko ng gamit sa tuwing gusto kong malaman ang pinag-uusapan nila. Mabuti na lang at hindi ko ito sinira ng inakala kong nagbalik loob na sa akin si Marco.Tignan natin kung ano ang itinatago niyo. Kapag nalaman ko na pinagkakaisahan niyo ako ay lintik lang ang walang ganti.Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at inilibot ang aking paningin sa loob ng aming walk-in closet at naghanap ng pwede kong paglagyan ng mga ito na hindi mapapansin ni Marco.Madali lang naman dahil hindi naman pumipirmi dito si Marco, kagaya ng sinabi ko na, palaging nasa kanyang study room siya o kaya naman ay sa silid ni Asher. Pero hindi ako pwedeng mag kampante. Hindi ko alam ang tinatakbo ng isip niya lalo na ngayong sinigawan na niya ako.“Ahhh!!!!!!!!” sigaw ko. Sobrang galit ang nararamdaman ko dahil sa nangyari. Hindi ako makakapayag na mapunta sa w
Marco“Hindi pa ba alam kung nasaan na si Ashley ngayon?” tanong ko kay Andy. Sa tinagal tagal ng pagpapahanap ko sa babae ay wala pa rin nakuhang kahit na anong impormasyon ang detective na kinuha niya.“Pasensya na po, Sir. Kahit ako ay hindi rin makakuha ng kahit na anong impormasyon na may kinalaman kay Ma’am Ashley. Sinubukan ko na rin tignan ang bank account niya. Lahat ng banko ay chineck ko na kung merong nag-open ng account na nasa pangalan niya para lang magkaroon kami ng idea ng kinaroroonan niya ngunit wala pa rin.”Alam kong totoo ang sinasabi niya.Pagkatapos ng mga nakaraang imbestigasyon ko tungkol sa asawa ko gawa ng kuryosidad ay kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko.Nalaman ko na nagpa-check-up siya sa isang OB GYNE bago ang kanilang aksidente pero wala akong matandaan na nagsabi siya sa akin.Nag-alala ako na baka buntis na pala siya ng panahon na ‘yon ngunit naisip ko na sinabi na sana ng doktor iyon kung ganon nga especially na-coma din siya.“Pero Sir, may i
Sa tuwing binabalik balikan ko ang mga pangyayari ay iisa ang natatandaan kong sinabi ng doktor tungkol kay Ashlyn ng magising. Okay naman daw at walang anumang damage sa kanyang ulo or utak after ng mga laboratories niya.Nagtaka rin ang doktor kung bakit wala siyang maalala kaya in-assure na lang sa akin na agad ding babalik ang lahat ng iyon sa lalong madaling madaling panahon.Samantala, kay Ashley ay talagang nagkaroon siya ng damage sa ulo. Kaya naging matagal ang pagkaka-coma niya at inaasahan na talaga ng doktor na wala siyang maalala na kahit ano kapag nagising na.Hindi ko na binigyan pa ng anumang pag-iisip pa iyon dahil ang pagkakagising ng asawa ko ang naging priority ko.Ganon na lang ang ginhawang naramdaman ko ng makita kong dilat ang kanyang mga mata. Umiyak talaga ako ng araw na ‘yon at ngayon ko lang naalala na nakangiti na siya sa akin agad ng makita ako.Niloko lang kaya niya ako? Hindi kaya siya talaga si Ashlyn at nagpanggap lang?Pero kung ganon nga, bakit siya
MarcoEverytime na nasa bahay ako ay nanatili ako sa aking study room, kagaya na lang ngayon. Pagkatapos kong kamustahin si Asher at makipaglaro dito ng ilang saglit ay iniwan ko na siya sa kanyang yaya at nagbihis na muna ako bago pumunta sa aking study room para mapag-isa.Pero ngayon ay may iba na akong balak. Naka-install na ang CCTV sa palibot ng bahay ng walang kaalam alam ang aking asawa. Bawat sulok ay siniguro ko na makukuha at ayon kay Rere, matagal na naman daw nawala ang babae sa bahay kanina.Ngayon ay pagkakataon ko ng malaman kung saan siya dumadaan sa tuwing umaalis siya ng bahay. Una ko ng tiningnan ang footage sa likod, specifically simula sa pintuan ng kitchen at doon ko nakita si Ashlyn na lumabas.Sinundan ko ang tinunton niya hanggang sa kabilang camera kasunod ang nasa gilid ng bahay na malapit sa harapan. Iyon din ang part na halamanan kung saan ko inangkin si Ashley ng panahong dito pa siya nakatira.Napansin kong tumingin tingin pa siya sa paligid bago tuminga
MarcoExcited akong pumunta ng Nueva Ecija. Nasiguro na ng detective na inuupahan ni Andy na nandoon nga si Ashlyn, ang tunay na Ashlyn, ang aking asawa. Ang inakala kong si Ashley noon.Madilim pa lang ay nagmaneho na ako palabas ng Maynila. Gusto ko, sa pagputok pa lang ng araw, makita ko na siya. Alam kong wala pa siyang naalala, pero handa akong ipaliwanag ang lahat. Sigurado ako, mauunawaan niya kung bakit ganoon kalakas ang hatak namin sa isa't isa dahil kami talaga ang nakatadhana. Kami ang tunay na mag-asawa.Pinarada ko ang sasakyan sa kabilang kalsada, eksaktong katapat ng bahay na tinukoy ng detective. Bungalow-style iyon, may konting elevation, parang simpleng tahanan ng isang tahimik na pamilya. Bukas ang pintuan, pero nakasarado ang screen door, animo'y nag-aanyaya pero may bahagyang pag-iingat.Huminga ako nang malalim. Pinatay ko ang makina, bumaba ng sasakyan, at dahan-dahang naglakad papasok sa gate na naiwan pang nakabukas. Napakunot ang noo ko. Hindi man lang ba si
AshlynHindi naging madali para sa akin ang lahat. Lalo na noong mga unang araw ko rito sa Cabiao, mga araw na puno ng lungkot, pangungulila, at pagtatangkang kumawala sa nakaraan.At lalo na noong tinangka ni Sandro na magkaroon kami ng espesyal na relasyon.Naalala ko pa ang araw na 'yon. Nasa loob ako ng kanyang sasakyan, habang paikot-ikot kami sa mga kalye ng bayang ito, sinusubukang iwasan ang bigat ng katahimikan."Alam mo..." bungad ni Sandro ng tumigil kami sa gilid ng kalsada, "hindi ko naman hinihingi na mahalin mo ako agad."Tumingin ako sa kanya, hindi alam kung paano sasagutin ang mga salitang 'yon."Pero sana... bigyan mo ako ng pagkakataon," dagdag niya, mahina pero puno ng pag-asa.Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa kamay ko. At bago ko pa man mapigilan ang sarili ko, naglapat ang aming mga labi. Isang halik na puno ng pag-aasam at pag-ibig na ako lamang ang tanging pinagmumulan.Nadala man ako ng halik niya, ng init at pangungulila ay
AshlynIlang buwan ang mabilis na lumipas. Sa bawat paggising ko, unti-unti kong natutunang yakapin ang bagong buhay dito sa Cabiao. Unti-unti ko ring natutunang ngumiti, kahit pa sa likod ng mga ngiting iyon ay may nakatagong kirot.Si Sandro, hindi kailanman sumuko. Patuloy niya akong dinadalaw kung weekends at holidays, dinadala ng walang sawa ang mga paborito kong prutas at ang hindi mawawalang mainit na kape. Kahit ilang ulit ko siyang tinanggihan, kahit ilang beses ko siyang pilit na itinulak palayo, lagi pa rin siyang bumabalik na tila isang ilaw na hindi matitinag sa gitna ng bagyo."Ashlyn," malumanay niyang sabi minsan, habang iniabot ang isang supot ng suman. "Hindi ko hinihiling na mahalin mo ako... Gusto ko lang na nandito ako, kung sakaling kailanganin mo."Napapikit ako noon, pilit na itinatago ang luhang gustong kumawala. Hindi ko siya kayang paasahin. Hindi ko siya kayang gawing panakip-butas. Hindi patas at mas lalong hindi iyon makatarungan para sa kanya.Alam ko kun
Third PersonLumipas pa ang ilang araw, ngunit hindi man lang nagparamdam si Ashley kay Marco. Kahit ang kamustahin ang kanilang anak ay hindi nito ginawa.Although alam na niya na ginamit lamang nig babae ang kanilang anak upang mapasunod siya sa gusto nito at mahawakan sa leeg ay umasa pa rin siya na pahahalagahan ni Ashley ang kanilang anak.Ngunit dahil din doon ay naisip ni Marco na maaaring wala na talagang balak pang kunin ni Ashley ang kanilang anak sa kanya. At kung sakali naman na bigla na lang lumitaw ang babae, ay alam naman niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat upang hindi mapunta sa kakambal ng asawa ang kustodiya ng kanilang anak.Dahil dito, mas lalo niyang pinag-igihan ang imbestigasyon. Nagtalaga siya ng mga tauhang susubaybay sa bawat kilos ni Ashley, umaasang matutuklasan at makakakuha siya ng ebidensyang pwede niyang magamit sa korte kung sakaling ipaglaban niya ang karapatan sa kanilang anak.Isang hapon, habang abala si Marco sa pagbubuklat ng makakapal
Third Person“Anong sinasabi mo, Marco? Nababaliw ka na ba?” tanong ni Ashley, sinikap na magmukhang inosente kahit na binabalot na ng kaba ang kanyang puso. Ramdam niya ang malamig na pawis na bumabalot sa kanyang likuran. “Ito na ba ang naisip mong paraan para lang magkaroon kayo ng relasyon ng kakambal ko?”Matalim ang tingin ni Marco, parang punyal na dumudurog sa katahimikan ng silid.“Manahimik ka!” sigaw ng lalaki, dahilan upang mapaigtad si Ashley. Tumindig ang balahibo niya sa galit na naririnig sa boses nito. Nakakuyom ang mga kamay ng lalaki, nanginginig sa pagpipigil. Para bang isang saglit na lang ay sasabog na ito. Bagay nna ayaw niya pa ring mangyari dahil iniisip niya na kapatid pa rin ito ng babaeng mahal niya.Kita ni Ashley ang apoy sa mga mata ni Marco na tila hindi na ang lalaking minahal niya noon. Iba na ito. Punong-puno ng poot at pagkasuklam.“Hindi mo na ako madadaan sa pag-arte mo. Buking na buking ka na. Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman sa pagpapal
MarcoTila mababaliw na ang itsura ng babaeng inakala kong asawa ko sa mga oras na ‘yon. Para siyang naghihingalo sa sariling mga kasinungalingan at pilit pa ring nagpapatuloy sa pag-arte, pero unti-unti nang lumalabas ang tunay na anyo niya.Hindi ko na talaga siya makita bilang si Ashlyn. Malinaw na sa ‘kin ngayon, hindi siya ang babaeng pinakasalan ko. Hindi siya si Ashlyn.Kinabahan akong iwan si Asher sa bahay na si Rere lang ang kasama. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Ashley. Kaya kahit na tambak ang trabaho sa opisina, pinili kong manatili sa bahay.Nag-uusap kami ni Andy sa phone, at sa email ko na lang niya ipinapasa ang mga dokumentong kailangann ko at nangangailangan ng atensyon ko. Hindi ako komportable, pero mas importante ang kaligtasan ng anak ko.Pinili kong umiwas kay Asher. Masakit, oo. Pero kailangan. Kung sakaling magtanong si Ashley sa sinumann sa mga kasambahay kung kumusta kami ng bata, gusto kong marinig niyang wala akong amor sa anak na hin
MarcoNa-guilty ako sa anak ko dahil sa mga sinabi ko sa nanay niya. Ayaw ko kasing gamitin ng babae ang bata para lang mapasunod ako sa gusto niya. Naisip ko na kung magpapanggap akong naghihinala sa paternity ni Asher ay mag-iisip siya ng ibang paraan at hahayaan niyang maiwan sa akin ang bata.Ama ako at mahal na mahal ko ang aking anak. Kahit na hindi ang tunay kong asawa ang kanyang ina ay galing pa rin siya sa akin kaya handa akong protektahan siya sa kahit na anong pwedeng makasakit sa kanya.Si Ashley ang nanay niya, pero sigurado akong walang amor ang babaeng ‘yon sa anak namin lalo at ginamit lamang niya iyon upang hindi ako tuluyang makipaghiwalay sa kanya.Ngayon mas naging maliwanag sa akin ang lahat. Kaya niya ginawa ang bagay na ‘yon ay dahil sa alam na niya ang nangyayari sa amin ng kambal niya. Dahil hindi nga siya ang tunay kong asawa ay nagpanggap siyang walang alam. Habang ang tunay na Ashlyn ay alalang alala sa kanya at sobrang nagi-guilty dahil sa inakala niya– na
“Marco, may out of town ako pero sisikapin kong makabalik agad.” Nasa dining table kami at nag-aagahan. Tumingin sa akin ang lalaki ngunit wala namang sinabi kaya naman nilambing ko na siya.“Marco, promise sisikapin kong makabalik agad.”“Do whatever you want to do. Wala na akong pakialam the moment na pinili mo ang pagtatrabaho.”“Marco naman, pagtatalunan na naman ba natin ito? Nag-usap na tayo, hindi ba?” tanong ko.“At sinabi ko na sayo, go but we’re done.”“And what do you mean by that?” galit kong tanong. “Ito ba ang ginagamit mong dahilan para makipaghiwalay sa akin?”“Rere, pakidala muna ang bata sa kwarto niya.”“Sige po, Sir.” Agad na umalis ang yaya bitbit si Asher na titig na titig sa amin.Magsasalita na sana ako ng tuluyan ng makaalis si Rere pero naunahan na ako ni Marco.“Leave. Hindi kita pipigilan. And if you’re thinking na ginagawa ko itong dahilan para makipaghiwalay sayo, sige totoo nga.”“Marco!” sigaw ko. Wala silang komunikasyon ni Ashlyn kaya imposibleng ang k
Ashley6 months.Kailangan sa loob ng anim na buwan ay matagpuan ko na ang Ashlyn na ‘yon. Kailangan kong masiguro na hindi na siya lilitaw pa.Hindi ko alam kung ano ang nangyari at bigla na lang nagbago si Marco. Ang akala ko noon ay magtutuloy-tuloy na ang maganda naming pagsasama. Nadala na ako ng mga sinabi niya kaya hindi ko makapaniwala na bigla na lang ay para siyang naging ibang tao.Magtitiis akong hindi makalapit sa kanya ng anim na buwan pero sisiguraduhin kong susulitin ko ang mga magiging pagsasama namin pagkatapos.Sisiguraduhin ko ang kaligayahan namin kasama ang aming anak.Si Asher. Ang aming anak.Laking pasalamat ko na talagang siya ang naging ama ng bata. Noong una ay kinabahan talaga ako. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Pero after na masiguro na anak namin ang bata talaga ay naisip kong talagang sinasang-ayunan ako ng pagkakataon.Naisip ko na talagang para sa akin si Marco.Ang langit na ang siyang gumawa ng paraan para hindi niya ako paghinalaan.Pagla