Napayuko si Feona at taimtim na nag isip. Una ay nakiramdam lang si Hector sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa. Napatikhim si Hector upang mabasag ang katahimikang bumabalot ngayon sa pagitan nilang dalawa, at tulad ng inaasahan ni Hector, nag angat ng tingin si Feona. Tinitigan ni Feona si Hector ng mata sa mata. Nalulungkot si Feona, wala siyang mabasang emosyon sa lalaking kaharap. Sising sisi si Feona sa kanyang sarili. In a moment naging tanga siya makailang beses. Nalulukob ang damdamin ni Feona ng hinanakit at pighati. Malamang naibulsa na niya ang kanyang utak at hindi man lang niya ito nagamit. Pinipigilan ni Feona na mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Are you okey?"Kampanti ang boses na tanong ni Hector sa kanya. Pinipigilan ni Feona ang sariling maglumpasay sa iyak. For the first time nag self-pity si Feona. Nahihiya siya sa pinagagawa niya. Animo'y libro siyang nakabukas para kay Hector. Napabayaan niyang maibigay ang kanyang iniingatang pagkababae sa lalakin
Nang matapos ang masarap at masaganang haponan nagkayayaan ang mga lalaki na mag shat muna nang kukunting beer sa may teresa. Samantalang nagbulontaryo naman si Fely na siya na ang magliligpit ng mga pinagkainan at maghuhugas narin habang pinapatulog na ni Aling Jossie si Chloe sa dating kwarto ni Fely sa silid na katabi ng kusina. Tinulongan narin ni Feona ang kanyang Ate. Nahahalata ni Feona na kanina pa masama ang tingin ng Ate Fely niya sa kanya kaya dumidistansya siya ng kunti sa huli. Nang masigurado ni Fely na wala nang ibang tao sa paligid agad niyang sinunggaban ang kapatid. Hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Hoy! kapitan Alvarez magsabe ka ng totoo babae ka! Binayaran mo ba si Fiscal?" Mariing ngunit mahina ang boses na tanong ni Fely agad kay Feona. Ibig humalakhak ni Feona, pinipigilan ang sarili."Sobra ka naman ate, lahat ba ng nasa Hall of Justice nababayaran? Ang alam ko libre naman ang notaryo sa PAO."Si Feona habang pinipigilan ang sariling mapabungisngis. "Ang ibi
Nang taposin ang maalab na halik na iyon ay napatanga lang si Feona. At bago pa siya matangay na naman ng nararamdaman ay walang ano ano, tumalikod siya bigla kay Hector at nagmamadaling pumasok ng bahay. Pailing iling naman si Hector na naiwan at agad na bumalik sa may dating pwestong kinauupuan sa may terasa kasama sina Mang Bert, Mang Serapen, Tope at Mackie. Lumalalim na ang gabi dilat parin ang diwa at mga mata ni Feona. Pinapakiramdaman niya ang nasa kabilang silid na ukopado ni Hector at Mang Serapen. Natampal ni Feona ang sariling noo. Paano niya nga ba maririnig kung ano man ang ginagawa ni Hector sa kabilang silid,e! may sound proofing ang bawat silid ng bahay nila. Pakiwari niya nababagabag na talaga siya sa kanyang mga nararamdaman. Hindi na normal ang lahat para sa kanya. Oo nga at walang nababanggit si Hector kung ano man ang totoong nararamdaman nito para sa kanya pero sa mga inaakto at pinaparamdam sa kanya ay tila ba lalo lamang nagugulo ang buong mundo ni Feona. Hira
Palabas na ng bayan ang sasakyang blulan sina Feona at Hector. Binabaybay na ng sasakyan ang kahabaan ng Highway ng kanilang probinsiya. Nakafocus lang si Mang Serapen sa pagmamaneho. Si Feona naman ay sa labas ng bintana nakamasid sa bawat dinadaanan nila. Hindi na lamang pinuna ni Feona ang kaabalahan ni Hector sa kanyang e-notebook. nakahalukipkip lang siya sa medyo madistansiya kay Hector. Paminsan-minsan niyang sinusulyapan si Hector. Ang gwapo talaga ng lalaking ito. Bumagay kay Hector ang suot nitong navy blue na polo shirt at nakasalamin ito ng tainted. Napanggap nalang si Feona na hindi niya napansing natapos na sa kanyang ginagawa si Hector. Nakatungo na ito sa kanya. "I was just thinking kung saan mo binabalak maglunch." basag ni Hector sa namumuong katahimikan sa loob ng sasakyan. Nilingon ni Feona ang mapapangasawang lalaki. "Matagal na akong hindi nakakapasyal dito sa ating probinsya. Why dont you introduce me the finest dine here in our province?" Tugon naman ni Feona. S
Kagigising lang ni Feona mula sa pagkakaidlip. Nang matapos ang shift hour niya ay agad siyang naidlip. Agad siyang nag ayos ng sarili at dumiretso sa maliit na lavatory para maghilamos at masipilyo. Nauulinigan niyang nagkakatuwaan ang mga kasamahang kawal sa kampo na offduty. Nahulaan ni Feona na malamang nanonood na ang mga ito ng paborito nilang basketball game sa tv. Dumadagundong naman ang kanyang damdamin sa kaba at kasabikan manood din. Hindi stable ang signal ng telepono sa kinaroroonan ng kumpanyang pinangungunahan ni Feona. Nasa gitna sila sa pagitan ng mga matatarik na bundok sa cordillera. Company commander si Kapitan Feona Alvarez at masigasig sa kanyang trabaho. Marami na siyang mga sinuong na kagulohan noon sa mindanao kung kaya pangalawang destino niya ngayon ang kinaroroonan niya sa Luzon. PMA graduate at beauty title holder. Bata pa lamang ay pangarap na niyang maging isang sundalo. Kaya kahit pa pwede siyang maging modelo ay pinili niya paring magsilbi sa bayan. Mal
Muling nanumbalik kay Feona ang nakaraan habang nakasubsob parin ang mukha sa unan at kasabay ng pagbuhos ng kanyang mga luha. Palinga-linga si Feona sa paligid. Andami na palang nagbago sa lugar nila, ilang taon din siyang hindi nakakauwi simula nang grumadwet sa PMA at madistino sa Jolo, Sulu. Kakauwi lang niya kahapon at madilim dilim na nang makarating siya sa ancestral home nila lulan ng kanyang kotse. Nakagarahi lamang ang kotse niya sa bahay ng tita niya sa Davao City. Mula sa airport ng Davao ay nagtungo siya diretso sa bahay ng tita niya para doon na kunin ang sasakyan at dumiretso na sa pag-uwi. Niyaya pa siya ng tita niya na manatili muna ng isang gabi doon pero hindi na siya tumugon sa paanyaya ng tiyahin. Gawa nang kinukundisyon naman lage ng pinsan niyang lalaki ang sasakyan kaya agad naman siyang nagmaneho pauwi sa probinsya. Ngayon ay maaga palang ay nagsimula na siyang mag jogging lumilibot sa kanilang bayan. Madami naring street lights at halos sementado na ang mga
Hindi namalayan ni Feona na nakatulog na pala siya sa kakaiyak at hindi man lang niya nagawang maghaponan. Mugto ang mga matang uunat- unat si Feona dala ang kanyang bihisang Type A na uniporme ay dire diretso sa banyo ng kampo. Namataan siya ng dalawang Juniors na kawal na naghahanda ng almusal sa may kitchen. Nagkatinginan lang ang mga ito at hindi umimik. Makalipas ang ilang minuto ay nakagayak na si Feona na nagtungo sa kitchen. "Private Bartolome, isang sunny side up na itlog at 1 cup na kanin tapos black coffee please. Maghihintay ako sa may mesa." Mahinahong utos ni Feona at tuloy tuloy na naupo. Hinugot ang cellphone sa bulsa, tiningnan lang ang screen at naiiling na ibinalik sa bulsa. Pagkuway, tumayo at Nagtungo sa kinaroroonan ng ibang kawal. " Pfc Santiva, ihanda mo ang platoon mo, ang saksakyan at pupunta tayo sa battalion sa bayan." Mahinang wika ni Feona ngunit ma otoridad. "First Leutenant Amorsolo will be handling this company habang nasa leave ako or baka magpadala n
Dalawang Lux Suit sa isang sikat na hotel sa Taguig ang kinuha ni Feona para makapagrelax siya at ang isa para kay Jigz at sa asawa nito. Pa complement ni Feona kay Jigz at ng kanyang misis. Nakapagbabad na si Feona sa tub mag iisang oras, nangangalahati narin ang wine na inorder niya. Sinisimsim niya ang alak habang panay parin umiikot sa kanyang isip ang mga katanungan kung paanong nagawa siyang lokohin ni James. Parang wala nang mapipigang luha sa kanyang mga mata kung kaya namamaga nalang ito at wala na siyang maiiiyak pa. Maya maya pa ay may naiisip na si Feona. Dinampi saglit ang ice pack sa dalawang namamagang mga mata. Itinawag niya ito kanina sa reception ng hotel kasabay ng wine na dalhin sa kanya. Agad siyang nagbihis ng simpleng denim shorts at black tshirt. Nagsuot lang ng flipflops at inilugay ang buhok. Nagpowder lang at hindi nagpahid ng anumang make up. Tutungo si Feona sa bar ng hotel. Lilibangin niya ang kanyang sarili dala dala ang hinanakit sa sawing damdamin. Nali
Palabas na ng bayan ang sasakyang blulan sina Feona at Hector. Binabaybay na ng sasakyan ang kahabaan ng Highway ng kanilang probinsiya. Nakafocus lang si Mang Serapen sa pagmamaneho. Si Feona naman ay sa labas ng bintana nakamasid sa bawat dinadaanan nila. Hindi na lamang pinuna ni Feona ang kaabalahan ni Hector sa kanyang e-notebook. nakahalukipkip lang siya sa medyo madistansiya kay Hector. Paminsan-minsan niyang sinusulyapan si Hector. Ang gwapo talaga ng lalaking ito. Bumagay kay Hector ang suot nitong navy blue na polo shirt at nakasalamin ito ng tainted. Napanggap nalang si Feona na hindi niya napansing natapos na sa kanyang ginagawa si Hector. Nakatungo na ito sa kanya. "I was just thinking kung saan mo binabalak maglunch." basag ni Hector sa namumuong katahimikan sa loob ng sasakyan. Nilingon ni Feona ang mapapangasawang lalaki. "Matagal na akong hindi nakakapasyal dito sa ating probinsya. Why dont you introduce me the finest dine here in our province?" Tugon naman ni Feona. S
Nang taposin ang maalab na halik na iyon ay napatanga lang si Feona. At bago pa siya matangay na naman ng nararamdaman ay walang ano ano, tumalikod siya bigla kay Hector at nagmamadaling pumasok ng bahay. Pailing iling naman si Hector na naiwan at agad na bumalik sa may dating pwestong kinauupuan sa may terasa kasama sina Mang Bert, Mang Serapen, Tope at Mackie. Lumalalim na ang gabi dilat parin ang diwa at mga mata ni Feona. Pinapakiramdaman niya ang nasa kabilang silid na ukopado ni Hector at Mang Serapen. Natampal ni Feona ang sariling noo. Paano niya nga ba maririnig kung ano man ang ginagawa ni Hector sa kabilang silid,e! may sound proofing ang bawat silid ng bahay nila. Pakiwari niya nababagabag na talaga siya sa kanyang mga nararamdaman. Hindi na normal ang lahat para sa kanya. Oo nga at walang nababanggit si Hector kung ano man ang totoong nararamdaman nito para sa kanya pero sa mga inaakto at pinaparamdam sa kanya ay tila ba lalo lamang nagugulo ang buong mundo ni Feona. Hira
Nang matapos ang masarap at masaganang haponan nagkayayaan ang mga lalaki na mag shat muna nang kukunting beer sa may teresa. Samantalang nagbulontaryo naman si Fely na siya na ang magliligpit ng mga pinagkainan at maghuhugas narin habang pinapatulog na ni Aling Jossie si Chloe sa dating kwarto ni Fely sa silid na katabi ng kusina. Tinulongan narin ni Feona ang kanyang Ate. Nahahalata ni Feona na kanina pa masama ang tingin ng Ate Fely niya sa kanya kaya dumidistansya siya ng kunti sa huli. Nang masigurado ni Fely na wala nang ibang tao sa paligid agad niyang sinunggaban ang kapatid. Hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Hoy! kapitan Alvarez magsabe ka ng totoo babae ka! Binayaran mo ba si Fiscal?" Mariing ngunit mahina ang boses na tanong ni Fely agad kay Feona. Ibig humalakhak ni Feona, pinipigilan ang sarili."Sobra ka naman ate, lahat ba ng nasa Hall of Justice nababayaran? Ang alam ko libre naman ang notaryo sa PAO."Si Feona habang pinipigilan ang sariling mapabungisngis. "Ang ibi
Napayuko si Feona at taimtim na nag isip. Una ay nakiramdam lang si Hector sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa. Napatikhim si Hector upang mabasag ang katahimikang bumabalot ngayon sa pagitan nilang dalawa, at tulad ng inaasahan ni Hector, nag angat ng tingin si Feona. Tinitigan ni Feona si Hector ng mata sa mata. Nalulungkot si Feona, wala siyang mabasang emosyon sa lalaking kaharap. Sising sisi si Feona sa kanyang sarili. In a moment naging tanga siya makailang beses. Nalulukob ang damdamin ni Feona ng hinanakit at pighati. Malamang naibulsa na niya ang kanyang utak at hindi man lang niya ito nagamit. Pinipigilan ni Feona na mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Are you okey?"Kampanti ang boses na tanong ni Hector sa kanya. Pinipigilan ni Feona ang sariling maglumpasay sa iyak. For the first time nag self-pity si Feona. Nahihiya siya sa pinagagawa niya. Animo'y libro siyang nakabukas para kay Hector. Napabayaan niyang maibigay ang kanyang iniingatang pagkababae sa lalakin
Nagmamadali si Mackie na binuksan ang gate ng kanilang bakuran. Magkasunod na pumasok ang dalawang sasakyan. Naghihintay naman sina Mang Bert at Aling Josie sa may terrace. Habang papagawi narin si Feona sa may terrace upang masalubong narin ang kakarating na mga panauhin. Agad na lumabas ng sasakyan si Fely karga- karga ang anak nitong si Chloe. Tuwang - tuwa naman sina Mang Bert at Aling Josie nang makita ang paparating na apo karga ni Chloe. Agad nagmano si Fely kasunod si Tope kina Mang Bert at Aling Josie. Agad na kinuha ni Aling Josie mula kay Fely ang tatlong buwang sanggol na kalong nito. Naaliw namang sinundan ni Mang Bert si Aling Josie papsok sa sala ng bahay. At agad na sinunggaban ng yakap si Feona ni Fely. "Kawawa ka naman Feona, naloko kalang ni James na di natin inakala. Hindi man lang natin naramdaman noon na babaero pala ang mokong na yon." Umiiyak si Fely, naaawa siya sa kapatid. "It's ok Ate. Tanggap ko na." Mahinahon namang sagot ni Fely habang yakap parin ang kapa
Ilang minuto nalang at papatapos na ang oras ng trabaho at naghahanda na rin ang mga empleyado na mag time out nang bumukas ang pintoan ng opisina. Natahimik at natulala ang lahat nang mapagsino ang dumating. Nagkatinginan at nanibago ang lahat sa taong pumasok sa nakabukas na pintoan. "Magandang hapon Fiscal Salvador." Si Nadia ang unang nakabati na may halo pang pacute ang nakasalaming medyo may katabaang babae na empleyado din sa City Justice Hall na iyon. Halos lahat ata ng babaeng empleyado doon ay di magkaugaga sa pagpapacute sa bachelor na si Fiscal Hector Salvador. Ang alam ng lahat matagal na itong binata. Papalit palit ito ng girlfried at halos lahat ng mga empleyadong single ladies doon ay nangarap na maging girlfriend ng abogado. Bukod sa gwapo ay may maganda itong pangangatawan at matangkad. Nagtataka ang iba dahil hindi naman basta bastang bumabalik agad sa trabaho si Fiscal Salvador kung galing itong convention o iba pang transaction ng alanganing oras. " I would like to
Bagsak ang balikat ng bumaba si Feona mula sa sinakyang traysikel. "Salamat Manong." wika ni Feona sabay abot sa pamasahe sa driver ng traysikel. Tuwang tuwa naman si Aling Josie nang mapagsino ang lulan ng humintong traysikel sa tapat ng kanilang rehas- rehas na gate. Agad na binitiwan ang dala dalang plangganita. "Feona, anak." Tawag ni Aling Josie sa kanya. Agad siyang sinunggaban ng yakap ng makapasok na si Feona sa bakuran. Tipid lang na nangiti si Feona at niyakap din si Aling Jossie ng mahigpit. "Bert, Bert. Andito na si Feona." Sigaw ni Aling Jossie na mapapansin talaga ang kagalakan sa boses. "Diretso tayo sa hapag at may minatamis ako na saging doon at nang makapameryenda ka. Teka, nakapagpananghalian ka naba? Si Aling Jossie. " Tapos na po, bago pa po ako sumakay ng bus kanina kumain na po ako. Hindi na po ako dumaan kila Tiya Anet para gamitin ang aking sasakyang iniwan doon. Napagod ako sa byahe, baka kako makatulog ako habang nagmamaneho. Nagbus nalang po ako. Meryenda na
Ako'y nabagabag dahil ilang araw na ay hindi parin narereview ang 1-6 chapters na ito. Napaisip ako na kailangan ko muna siguro itong tapusin bago e submit. Nalungkot talaga ako sa mistakenly Impression ng mga editor. Ito ay isang one great romantic story na orihinal kong ginawa at hindi nangopya. Eventhough isang babaeng nagsisilbi bilang sundalo si Feona ay hindi naman makikitaan ng violence kasi love story nga. Itoy pagtatagpo nv 2 opposite individuals. Sana naman dagdagan ko siya ng ilang chapters ay maaprove na. Sinulat ko lang ito para naman pahupain ang nararamdam kong disappointment. Nakakaloka, may mga stories nga dito sa flatform nato na halos pare-pareho lang ang twist. Still, More power to Goodnovel, Salute!
Nakangiti ngunit nanatiling nakapikit parin si Hector nang kapain niya ang katabi sa higaan. Ora mismong napadilat siya nang mapansing wala siyang katabi sa kama. Napalinga- linga si Hector at inikot ang paningin sa buong silid. Hindi nga siya nagkakamali nag iisa lang siya and no traces of the girl last night. Oo, nakainom siya pero sigurado siya na may nakilala siyang babae kagabi na nagngangalang Feona. At natitiyak din nya na may nangyari sa kanila ni Feona sa ibabaw ng kama makailang beses pa. Pero nangunot ang noo ni Hector at hinilot ang sintido. Hubo't hubad pa nga siya at gusot gusot ang kobre kama. Inamoy ni Hector ang katabing unan, amoy ito ng pabango na pambabae. Napatiim bagang si Hector. Hinilot niya ang kanyang sintido. Bumabalik sa kanyang balintataw ang magandang mukha ni Feona. Ang mga ngiti at tawa nitong nagpapabilis sa pintig ng kanyang puso. Ang katawan nito na parang halos hinulma para lamang sa kanya. Ngunit palaisipan sa kanya kung saan na ngayon ang babae. Na