Dumiretso ako sa pantry para kumuha ng tubig. Para kasing nanunuyo ang lalamunan ko sa nangyari kanina. Pakiramdam ko nga ay naiwan pa ang init nito sa katawan ko. Hindi ko pa rin maiwaksi sa isip ko ang ginawang biglaang pagyakap nito.
Hindi ko pa man napipindot ang dispenser ng may tumik
Isinalansan ko ang mga bulaklak na iyon sa isang vase. Sayang din naman kasi, kahit pa sino ang nagbigay nun ay wala naman sigurong masama kung ididisplay ko.Ipinuwesto ko iyon sa tabi ng telepono, na parang nagpaaliwalas ng mesa ko. Ang ganda ganda nito dahil sa matitingkad na iba't iban
"Ginoogle ko ang address ng kumpanya niyo.""Ah, ganun ba." At tumingin ako dito na walang kangingiti at saka tumayo.
Buti sana kung andito ang pamangkin ni Mr. Montano, kahit pa halos wala na itong saplot noon ay okay lang at least ay hindi lang kaming dalawa na tulad ngayon.Bakit ba masyado akong kinakabahan? Sabi nga niya na huwag daw akong magalala dahil wala naman daw siyang gagawin sa akin. Yun na nga ang sama, paano kung ako pala ang may balak?
Sandaling tumingin ito sa akin, ngayon ay wala naman akong mabasa ni ano man sa mukha nito. Maya maya ay ngumiti at tumikhim sabay unat ng mga braso."Good." Tipid na sagot lang nito.Good? Yun lang ang reaksyon nito sa sinabi ko? Sabagay, ano bang inaasahan kong irereact nito? Syempre ay wala.Binuksan nito ang TV at inilipat sa CNN.Tumingala ako sa loft nito at mukhang iisa lang ang kwarto ng condo, malamang ay dito ako sa sofa matutulog. Para namang kumportable doon, mas malambot pa nga ata kaysa sa kama ko.Pasimple kong sinulyapan ang boss na seryosong seryoso sa panunuod. Pinilit kong ibaling ang atensyon sa anchor na nagsasalita sa TV dahil medyo naiinip ako. Wala talaga akong kainte-interes manuod ng mga balita eh. Pansin ko kasi na puro bad news lang ang meron, nakakaboring.Napabuntong hininga ako ng hindi namamalayan. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni
"Jenna, I like you." Pinaulit ulit ko ang mga katagang yun sa isip ko.Ano ba ito? Prank? Anong nangyayari? Biglang may gusto na sa akin ang boss ko?"Nasaan po yung camera?" At nagkunwaring nagpalinga-linga ako dahilan para marahan ko itong maitulak at agad akong naupo.Kita ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito at maang na tumingin sa akin. "What the hell are you talking about? I just confessed my feelings for you!" Sabi nito na bahagyang tumaas ang boses.Pilit kong iniiwas ang mga mata ko, hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Parang sasabog ako ngayon sa kaba. Hindi ako makapaniwala sa nadinig, hindi ko alam ang mararamadaman eh. Litong lito ang isip ko at hindi ko malaman ang isasagot."Ahm, naiihi po ako. Wait lang po." Agad akong tumayo at halos patakbong pumasok sa loob ng CR.Alam kong nakasunod ito kaya buti na lang at mabilis kong na
Hindi ko halos maidilat ang mga mata ko pero nasisilaw ako sa sinag ng araw. Kay bigat ng talukap ng mga mata ko, pero pilit kong idinilat ang mga iyon. Bumungad sa akin ang liwanag na direktang tumatama sa mukha ko. Sino ba ang nagbukas ng kurtina ko?Pipihit na sana ako ng may kung anong mabigat akong naramdaman.Oo nga pala! Andito pa nga pala ko sa condo ni Mr. Montano.Iginala ko ang mga mata at... sh*t!Muntik na akong matili sa nakita, kaya pala ang bigat dahil nakadantay ang isang braso ng ngayon ay hubad pang katawan ng amo!Nagpakurap kurap pa ako ng ilang beses. Magkatabi nga pala kaming natulog kagabi habang yakap niya ako.Sunod na dumako ang mga mata ko sa mukha nito na nakapikit pa. Nakadapa ito pero nakabaling ang ulo sa akin.Napakaamo pala nitong pagmasdan kapag natutulog, parang kay himbing at lalim ng tulog.&nb
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang Mama ko na nagwawalis sa labas ng aming bahay. Ni hindi ko magawang tumingin sa mata ni Mama ng nakapasok na ako.Paano ba naman kasi, sinabi ko na kay Mr. Montano na huwag akong ibaba sa mismong tapat ng bahay namin. Pero hindi naman siya nakinig sa akin.Ayan tuloy at dali dali na lang ako naglakad sa kwarto ko para takasan ang mapanghusgang tingin sa akin ni Mama.Nakahinga na ko ng maluwag, sa wakas at napahiga agad sa aking kama.Naalala ko ang mga nangyari kagabi na parang isa lang napakahabang panaginip. Mula sa pagamin ni Mr. Montano, sa pagtulog namin ng magkayakap hanggang sa paghahanda nito sa akin ng breakfast. Parang hindi totoo ang lahat.Pero, nagtaka lang ako na ni hindi na nabanggit ng boss ang kagabing nangyari. Napapaisip tuloy ako ngayon na baka nabigla lang siya?Isa pa, yung Katrina na yun. Kasama pa rin niya yun sa condo pagbalik niya. Hindi pa man eh napakaselosa ko na. Hindi ko napan
Parang nakalimutan ko kung nasaan ako sa mga oras na yun. Isa lang ang alam ko, nadumagundong sa pandinig ko ang mga sinabing yun ni Mary sa akin. Buntis siya at si Mr. Montano ang ama! All this time, sila pa rin pala at patuloy ang relasyon nila. Akala ko pa naman ay ng nawala sa kumpanya ang dating sekretarya ay naputol na ang kung ano mang namamagitan sa kanila.Hindi ko na tuloy alam paano hahawakan pa ang dalang pagkain, pakiramdam ko kasi ay nanginginig ang mga kamay at buong katawan ko."C-congratulations." Bati ko habang pinipigilan ang paggaralgal ng boses."Thank you. Sana you can keep it as a secret muna. Me and Anton want to keep things private kasi.""Ha? Ah, oo naman. Walang problema.""Well, that's it. Nice to see you again." At nagpaalam na. Nakalabas na at lahat ito ay hindi ko pa rin makuhang gumalaw sa kinatatayuan.So, nasagot na ang mga tanong sa isip ko. Kalokohan lang pala talaga ang lah
Sa daan ay tahimik lang akong nakaupo. Wala din ako sa mood makipagkwentuhan kaya kunwari ay abala ako sa cellphone ko. Pero ang totoo ay wala akong maisip kung hindi ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko lang kasi ay wala akong halaga kay Anton sa mga kinilos nito kanina. Hindi nito sinabi ang mga gusto kong marinig, ni hindi ko naramdaman na may pagpapahalaga ito sa nararamadaman ko. Wala nga pala kasi kaming relasyon. Sana pala ay hindi na lang ito nagtapat sa akin at mas lalong sana ay hindi na lang ako nagtapat dito. Pag-uwi sa bahay ay hindi na ako naghapunan pa. Wala akong gana kaya naman nagdahilan na lang ako kay Mama na masama ang pakiramdam at pagod mula sa byahe. Nagkulong na lang ako sa kwarto at doon ko binuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Tinitigan ko ang monitor ng cellphone ko habang tumutulo pa rin ang mga luha. Walang tawag o ni text mula kay Anton. Abala siguro ito sa pakikipaglambutsingan sa Faye na yun. Sabi niya ay babawi siya sa akin dahil wala si
Nagpaalam ang Mommy ni Anton para pumunta daw sa kusina. Mabait ito at napakadown to earthna tao. Ni hindi ko man lang maramdaman na ilang ito sa amin ni Kuya Den kahit tauhan lamang kami ng kumpanya nila.Ang Daddy nman ni Anton ay mukhang mabait din pero may pagkatahimik. Sa kanya siguro namana ng boss ang ugali.Patuloy lang sa pagkukwentuhan ang mga bisita nila, si Anton at ang Daddy nitosa salas. Pasimple ko namang sinulyapan si Kuya Den na abala sa cellphone nito. Kachat marahil ang pamilyaniya.Tinignan ko ang isang malaking wall clock na nakasabit sa gitna ng salas. Magaalauna na pala ng haponat hindi pa nga kami nananghalian. Dito na kaya kami kakain? Ang hirap manghula,hindi ko naman kasi makausap ang bosspara sana itanong. Masakit na kasi ang tyan ko sa gutom.“Hi!” Masayang bati ng isang pamilyar na boses.
Nang makarating kami sa site ay namangha agad ako sa gate pa lamang ng subdivision na iyon. Bongga ang itsura at mukhang hindi talaga basta-basta. Nakapalibot pa ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak at berdeng mga halaman sa bungad pa lang ng lugar. Ang automatic barrier nito ay tumaas bago pa man tumapat ang kotse sa guard’s house. Nakatayo sa gilid nun ang isang security gurad na agad pang sumaludo sa aming sasakyan.Pagbaba namin ay sinalubong na kami ng tauhang nag-aantay sa aming pagdating. Isang maputing babae na nakabestidang kulay royal blue at isang lalaki na nakacoat and tie pa na kulay royal blue din. Siguro ay uniporme nila ito kaya magkakulay sila ng damit. Iginiya nila kami agad sa isang model bungalow house na moderno ang itsura.Dark gray, puti at dark brown ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at ang mga glass windows naman ay mula ceiling hanggang sahig. Minimalist ang style ng mga usong bahay sa panahon ngayon kaya naman siguradong magi
Tulad ng inaasahan ay naging busy na naman ang mga sumunod na araw sa trabaho. Hindi ko na nga halos nakikita ang opisina dahil papasok lang ako dun para magkape at pagkatapos ay aalis na rin naman agad. Panay ang labas namin ni Anton kasama si Kuya Den sa mga meetings, eventsat site visits. Okay lang naman dahil ibig sabihinnunay maganda ang takbo ng kumpanya dahil sa maraming projectsat collaborations. Mas lalong pabor yun para sa akin dahil doon ako nagtatrabaho.Pero kung minsan ay naiisip ko din na masyado na atang napapagod si Anton at nag-aalala na din ako sa kanya. Pero sa bagay na yun ay hindi ako nakikielam sa kanya. Isa pa ay alam kong gusto niyang tutukan ang kumpanya ng pamilya niya. Naalala ko nga ang sinabi ng Mommy niya na simula raw ng magkasakit ang Daddy nito ay wala na itong ginawa kung hindi ang magfocus lang sa kumapanya.Naawa akong bigla kay Anton sa naalala kong iyon. Siguro ay ibinuhos na lan
Sa isang Filipino restaurant namin napiling kumain ni Anton. At dahil weekday naman kaya siguradong wala masyadong tao ngayon. Pagpasok pa lang ay isang waitress na nakasuot ng national dress ng Pilipinas ang agad na sumalubong sa amin. Iginiya kami nito sa isang mesa na nasa dulo. Mas maganda ang napili nitong lugar dahil parang may privacy mula sa ibang kumakain. Pero tanaw pa rin naman ang ibang mga tao mula doon. Pagkaupo pa lang namin ay iniabot na ng waitress ang menu at saka nagsabing babalik mamaya.Magkatapat ang upuan namin ni Anton kaya naman kita ko ang lalaki na parang nahihirapan sa pwesto niya. Masyado kasi atang mababa ang upuan kaya nahihirapan itong pagkasyahin ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng lamesa. Bahagya itong umusod palayo para kumportableng makaupo. Hindi nito napansin na lihim akong natatawa sa itsura nito dahil abala sya sa paghanap ng maoorder. “What do
Natameme na lang ako kay Anton na tumingala pa sa sunroof ng kotse niya. Mula kasi doon ay kita angmaliwanag na kalangitan at mga bituin. Balak pa atang magstar gazing sa gitna ng Edsa ng lalaking ito. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaasal nito.Ilang minuto na itong nasa ganung pwesto kaya naman tumingin ako sa labas. Dinig ko pa rin ang walang tigil na businahan ng mga sasakyan sa paligid at ang nasa likod namin ay kanya-kanya ng diskarte para makalipat ng lane. Siguro ay naisip na lang nila na nasiraan kami sa gitna kaya nakatigil at hindi umaandar.Pero kailangan ko na talaga itong kumbinsihin na paandarin na ang kotse. Lalolangkamingnagdudulot ng traffic sa lugarna halos hindi na nga gumagalaw.Baka mamaya ay magalit na at tumawag pa ng pulis.“Anton, please umuwi na tayo. Bukas na lang tayo magusap ulit.” Pakiusap ko na niyugyog pa ang braso
Hindi ko naman gusto ang magsinungaling kaya lang ay gusto ko na din talaga kasi siyang makauwi na at magpahinga. Pero gusto ko din kasing mag-isip na muna ng dahil sa sinabi ni Cherry kanina. Naguguluhan na naman kasi ang utak ko. Ano ba naman ito?!Dapat pala ay diniretso ko na lang si Anton kanina kaysa gumawa pa ako ng dahilan at kwento. Lumabas pa tuloy na nagsisinungaling ako. Pero nagsinungaling naman talaga ako, hindi ba? Maling-mali ang ginawa ko na yun.Hindi ko din naman kasi akalain na tatawagan nito si Cherry. Malay ko ba na may number pala siya nito. Biro mo yun? Hay! Pero siya nga pala ang boss, natural na may contact siya ng lahat ng empleyado niya. Bakit ba umiral na naman ang katangahan ko at hindi ko naisip yun kanina?“Jenna, I’m talking to you.” Wala akong choice kung hindi ang mag-angat ng ulo. Ramdam ko na parang ang lapot ng laway ko dahil hirap na hirap akong lulunin yun. Kinaka
Ano nga ba kami? MU?Hindi ba ay parang panghighschool lang yun? Pero wala naman kaming kahit na anong naging usapan. Basta pagkatapos ng araw na yun ay parang kami na o assumming lang ba ako? Kaya ba kagabi ay ganun siya? Kaya hindi niya ako pinakilala kay Mr. Villanueva?“Aba, besh. Pati kayo ba naman ay makikiuso dyan sa relasyong walang label?” Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mukha ni Cherry kung nagbibiro ba ito o seryoso. Pero wala na akong naisagot at napakamot na lang ako sa ulo.Sandali nga, kailangan ko bang tanungin si Anton kung ano kaming dalawa? Hindi ba ay sa kanya dapat manggaling yun dahil siya ang lalaki? Siya dapat ang magtanong sa akin.Hmm. Ni hindi nga ako nito inaaya man lang magdate. Kung lalabas man kami o kakain ay dahil lang sa trabaho. Ni walang paflowers , chocolates or kahit ano na ginagawa ng magkasintahan. Kailan ba nito huling sinabi na mahal niya ako? Isang beses pa lang nga ata, hindi ba?Pero iilang
Natapos ang meeting na hindi man lang ako nagsasalita. Sa totoo lang ay wala naman akong papel dun kung hindi ang sumama. Minsan naiisip ko nga kung kailangan ba talagangnakabuntot ako sa bosskahit saan.Maayos na nagpaalam ang dalawa pero hindi nakaligtas sa akin ang pahabol na tingin ng Kelly Salvador na yun kay Anton. Si Anton naman ay deadma lang naman. Lagi na lang deadma ito, kahitna ngamismo ako ay dinedeadma nito madalas.Naiwan kaming dalawa sa mesa at nagkunwari na lamang akong busy sa pag-aayos ng bag ko. Nilagay ko lang ang notepad at ballpen na gamit kanina.“Have you written the important points from the meeting?” Hindi ko alam saan ito nakatingin dahil hindi ako nagabalang bigyan ito ng pansin.“Ahm. Oo.” Maikli kong sagot.Nadinig ko ang buntung-hininga nito kaya naman napatingin ako dito. Magkaharap kami kaya naman agad na nahuli nito ang mga mata ko pagkabaling ko pa lamang sa mukha