Matagal akong napatitig kay Leon. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o totoo ang sinasabi niya. He looked at me with his serious expression. It took me minutes to realized he’s serious.
Napayuko naman ako. Hindi ko alam kung paano iyon sasagutin. Bakit naman niya ako bigla-biglang niyayaya sa El Nido? Sinabi niya ba iyon para mapagaan ang loob ko?
“El Nido has a great scenery, Louise. Malay mo kahit paano kapag naroon ka, makapag-isip isip ka. It might lessen the stress you’re feeling right now.”
Muli akong bumaling kay Leon at ngumiti sa kaniya.
“Hindi ko pa kayang magdesisyon ngayon, Leon.”
He nodded.
“Alam ko, Louise. Hindi naman kita minamadali. You can take all the time you need to think. Basta kapag nakapagdesisyon ka na sabihin mo agad sa akin.”
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Leon. Hindi ko talaga alam kung paano niya nakakayanang tulunga
“Ready ka na ba sa bakasyon mo ate?” nakangiting tanong sa akin ng kapatid ko habang nag-aasikaso ako ng mga gamit ko. Nakadungaw siya sa may pintuan ng kuwarto ko. Tinawanan ko siya nang makita ko ang kaniyang hitsura roon. Hindi naman ganoon karami ang dadalhin ko. Ang sabi kasi ni Leon, mayroon naman daw bilihan ng mga gamit doon. Mas madadalian ako sa biyahe kung konti lang ang dadalhin kong damit at mga basic necessities lang.Maya-maya ay nakita kong naroon na rin si Mama sa may pintuan, nakikisilip na rin sa ginagawa ko.“Anong oras daw ba darating si Leon?” tanong ni Mama.Baka sang excitement sa kaniyang boses. Parang mas excited pa siya sa akin, samantalang ako naman iyong aalis. Pagkatapos kong asikasuhin ang mga gamit ko ay tumayo na ako. Tumingin ako sandali sa wristwatch na suot ko. Alas diyes pa lang ng umaga. Ang sabi niya ay 10:30 siya pupunta rito para sunduin ako. Kailangan pa raw niya kasing tapusin ang m
Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog na tulog pa si Leon sa couch sa mga oras na iyon. Humugot ako ng malalim na hininga at pinagmasdang maiigi ang kaniyang hitsura kapag tulog. Talagang may mga taong biniyayaan ng labis na kaguwapuhan. Kahit anong posisyon yata nito sa pagtulog, mananatili pa rin siyang guwapo.Halos sampung minuto akong nakatitig sa kaniya. Kundi pa nag-vibrate ang phone ko ay hindi pa ako matatauhan. Alas singko palang ng umaga ng maka-receive ako ng text galing sa kapatid ko.From Chase: Enjoy your vacation, Ate. We will miss you. Pasalubong pag-uwi.Napangiti naman ako habang nagtitipa ako ng reply sa kapatid ko. Pagkatapos ay iniwan ko na ang phone ko sa kama para mag-asikaso ng damit na susuotin ko pagkatapos kong maligo.“Kanina ka pa gising?” tanong ko nang makita si Leon na nakamasid sa labas ng bintana ng kuwartong tinutuluyan namin.Bumaling siya sa akin at
Pagkatapos naming kumain ng agahan at magligpit ng aming pinagkainan ay lumabas ako ng rest house. Sa hindi kalayuan ay may natanaw ako na mga turista na naliligo malapit sa pampang. May kasama ang mga ito na bata. Ang hula ko ay isang pamilya ito na nagbabakasyon.“Gusto mo bang maligo?” tanong sa akin ng kararating lang na si Leon.Bumaling ako sa kaniya at umiling.“Baka nakakalimutan mo, hindi ako marunong lumangoy.”Kagaya ko ay nakatingin din siya sa dagat.“Hindi ko ‘yon nakakalimutan, ako kaya ang sumagip sa’yo noon.”Napangiti ako nang maalala ang nangyari no’ng araw na iyon. Siya ang sumagip sa akin sa pagkakalunod. Hanggang ngayon sinasagip niya pa rin ako.Inabot ko ang kaniyang kamay at hinawakan ito nang mahigpit. May mga pagkakataong iniisip ko, paano kung si Leon ang minahal ko at hindi si Troy, masasaktan din kaya ako nang ganito? Gusto kong matutunan
For the past days we’ve tried different beach activities. Leon has been there for me. Ilang beses niya akong tinuruang lumangoy but he failed. Mukhang wala na rin talaga akong pag-asa na matutong lumangoy. I teach him several self-defense techniques. Nakakainis lang na napakadali niya itong natutunan. Siya na talaga ang fast learner. Ngayong nandito na ulit kami sa farm, ang sabi niya, sa gubat naman daw kami mag-iikot.“Anong gusto mo, scrambled eggs o sunny side up?”Ngumuso ako kay Leon nang marinig ang tanong niya.“Three weeks na tayong magkasabay kumakain ng agahan, hindi mo pa rin alam ang gusto ko?”Pinagtaasan niya ako ng kilay.“Malay ko ba kung nagbabago ang taste mo araw-araw. Ayaw mo pa noon? Tinatanong ka kung anong gusto mo? Ibig sabihin, importante ka.”Sinamaan ko lang siya nang tingin. Nakangiti namang nakatingin lang sa amin ang kaniyang
Mahigpit kong hinawakan ang strap ng suot kong backpack habang matamang nakatitig sa gate ng bahay nina Troy. Kung kanina ay desidido ako na pumunta sa kanila at makita siya, ngayon naman ay nagdadalawang-isip na ako.“Miss Louise?”Bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses ng isa nilang kasambahay. Nang makita ako nito ay agad nitong binuksan ang gate.“Bakit ho narito kayo sa labas? Kanina pa po ba kayo?” nag-aalalang tanong nito.Umiling naman ako.“Hindi po, kararating ko lang.”Hindi ako mahilig magsinungaling, pero ngayon ay nagawa ko. Pinapasok ako nito agad. Naging marahan lang ang paglalakad ko. At bawat hakbang ko ay napapalunok ako. Alam kong hiniling sa akin ni Riye na bumalik dito at samahan ang kuya niya. Pero ilang araw na ang lumilipas ngayon lang ako nakapagdesisyon tungkol sa bagay na ito.Ilanga raw kong pinag-isipang mabuti kung kaya ko na bang harapin si Troy.
“Ako na riyan, Sir Troy.” sabi ko saka kinuha ang mga papeles na tapos niya nang pirmahan.Ang ginagawa niya kasi, kapag tapos niya nang pirmahan ang bawat papel ay sinasalansan niya iyon agad. Kanina pa ako nakatingin sa kaniya at kanina ko pa rin siya nakikita na nahihirapan. Minadali ko tuloy agad ang pag-aasikaso ng kaniyang schedule para sa susunod na linggo. Ang nangyayari kasi, ipanapadala sa kaniya ni Riye lahat ng mga documents para i-review at mapirmahan niya. In short, parang siya pa rin ang CEO ng kumpanya, work from home set up nga lang.“Alam mo ba kung paano ayusin ‘yan? Eh yung trabaho mo?” tanong niya sa akin, nakataas pa ang isa niyang kilay. Kung makatingin siya akala mo ay wala siyang tiwala sa akin.Napahawak naman ako sa aking dibdib at nagpanggap na nasasaktan.“Aray ang sakit!”Napatayo naman agad siya sa kaniyang upuan at lumapit sa akin. Nabigla pa ako nang hawakan ni
“Louise, diba gusto mo nito?”Kumuha si Troy ng isang slice ng buko pie na nasa center table at inilagay niya iyon sa pinggan ko. Kauupo ko lang at hindi ko in-expect ang move na iyon galing sa kaniya. For the past two months, he became clingy. Hindi naman sa hindi ko gusto ang ginagawa niya. In fact, gusto ko. Gustong-gusto ko. Ang kaso, yung pagiging sweet niya, walang pinipiling lugar. Kahit sa harap ng mga kapatid niya o harap ng mga katulong, kapag gusto niya, gagawin niya.“May kamay ako, Sir Troy.” paalala ko sa kaniya.Nakita ko ang pabirong pag-irap sa akin ni Riye. Sumubo ito ng buko pie at matamang nakamasid sa amin ni Troy.“Sana all.” Saad naman ni Rio na kumakain pero ang atensiyon ay naka-focus sa laptop nito.“Kuya saan pala tayo sa birthday mo?” biglang tanong nito.Napaayos naman nang upo si Troy at diretsong tumingin sa dalawa niyang kapatid.“Saan
“Louise, narito ang boss mo.”Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Mama sa labas ng aking kuwarto. I rubbed my eyes using my hand at saka marahan akong bumangon sa kama. Maya-maya nakarinig na naman ako nang pagkatok sa aking pinto. Sa pagkakataong iyon ay kumunot na ang noo.“Louise!”“Sandali lang naman, ‘Ma.” sagot ko habang hinahanap ang isang pares ng tsinelas sa ilalim ng aking kama. Hindi ko alam kung bakit palagi ko nalang nasisipa ang isang pares noon sa ilalim ng kama ko. Nang makuha ko ito ay agad akong tumayo. Nang mapatingin ako sa oras sa wall clock ay saka ko napagtanto na alas sais pa lang ng umaga.Seriously? Ganito kaaga ako gigisingin? Kaya naman pala sumakit bigla ang ulo ko eh. Walang gana akong naglakad patungo sa pintuan para pagbuksan ang nasa labas.“’Ma naman, aga pa oh. Hindi mo ba nakikita yung oras at isa pa—“
“Troy!” sigaw ko sa asawa ko nang maramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. “Troy, nasaan ka na?” In that specific moment of my life, I was nervous. Kauuwi lang namin ni Troy sa bahay dito sa Quezon City. Galing kami ng hospital kanina for my final check-up before I give birth. Hindi ko naman alam na pag-uwi namin ay saka puputok ang panubigan ko. If I had known, edi sana hindi na kami umuwi. The thing is, halos three days na kasing sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ito o hindi. But the doctor kept on reminding me that it is pretty normal. Hindi naman siya sobrang sakit. Parang humihilab lang siya at napapadalas na nga ang pagsipa ng mga bata sa loob. “Louise, what happened?” tarantang tanong niya pagkarating sa second floor. Bakas ang pangamba sa kaniyang mukha. He just went to the kitchen to make me a glass of milk. Paniguradong tinakbo niya mula kusina makarating lang nang mabilis sa second f
“Ngayon na ba kayo mamimili ng mga gamit ng kambal?” tanong ni Riye pagkapasok niya sa working area namin ni Troy sa bahay namin.Napangiti ako nang makita siya. Agad akong tumakbo patungo sa kaniya para salubungin siya.“Woopsie! Be careful ate Louise.” saway niya sa akin nang makitang nagmamadali ako patungo sa kaniya.Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Ngumiti lang ako at mabilis siyang niyakap. It’s been two months since I last saw her. Masyado kasi siyang busy sa law school and schedule is so tight kaya naman bihira siyang makadalaw sa amin dito sa Batangas.Nang kumalas ako sa kaniya sa pagkakayakap ay agad kong hinawakan ang kaniyang pisngi.“Namamayat ka, Ri.”Tumawa naman siya.“Isn’t that great? Lahat kasi ng mga friends ko noon, they kept on telling me that I’m getting chubby. Hindi ko naman akalain na Law School lang pala ang makakapagpapayat sa
“Puwede ba tigilan mo ‘yang kakainom ng tubig.” saad ni Mama sabay hablot sa akin ng aking hawak na vacuum flask. Narito kami ngayon sa sala. Hinihintay namin si Troy at ang mga kapatid niya dahil pupunta kami ngayon ng hospital para magpa-ultrasound ng gender ni baby. Hindi ko nga alam kung anong trip ng pamilya ko dahil nais nilang sumama. Akala yata nila ay a-attend kami ng fiesta. Mas bihis na bihis pa ang Nanay at kapatid ko kaysa sa akin.“Ma akin na ‘yan. Iinom ako eh.”Sinimangutan ako nito at mas lalo pang inilayo sa akin ang flask na hawak niya.“Hindi advisable na uminom ng tubig kapag magpapa-ultrasound. Gusto mo bang tubig lang ang makita sa tiyan mo mamaya?”Napanguso naman ako sa sinabi ni Mama. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako ngayon. Dahil pang fifth month ko na ngayon, mas malaki na rin siya kumpara sa normal. Noong ipinaalam namin ang tu
“Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit palagi mo nalang akong sinasama sa mga meetings mo. Hindi ba puwedeng pass muna ako ngayon?” reklamo ko saka mabilis na nagtalukbong ng kumot.Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Troy. Nakaupo ito sa dulo ng kama ko. Kanina pa ako nito kinukulit na samahan siya na magtungo sa Batangas para sa isang client meeting daw. Sinong niloko niya? Araw ng linggo may client meeting na magaganap? Lokohin niya na ang lahat, huwag lang ako na inaantok pa.“Tanghali na inaantok ka pa. Kakapanuod mo ‘yan sa Netflix.”Napanguso naman ako sa ilalim ng kumot. Alam na alam talaga niya ang ginagawa ko kapag gabi. Paniguradong kapatid ko na naman ang nagsumbong. Wala talagang magawang matino iyong lalaking iyon at pati ginagawa ko ay binabantayan pa.Inis na bumangon ako sa kama at binato siya ng unan.“Maiintindihan ko kung weekdays mo ako guguluhin, pero Linggo ngayon Troy. Utan
“Ate nawawala si Chuchay!” iyon agad ang bungad sa akin ni Chase paglabas ko ng kuwarto. Sabado ngayon, at tinatamad akong magkikilos. Kung hindi nga lang ako ginutom, hindi talaga ako lalabas. Mas gusto ko pang mag-netflix sa kuwarto buong maghapon. Pero bandang alas nuebe ng umaga, kumalam na rin ang sikmura ko. Bigla ko namang naaalala na hindi nga lang pala ako ang gutom kundi pati ang bata na tatlong na buwan nang nasa sinapupunan ko.Nasapo ko ang aking nang makitang nagmamadaling hinanap ni Chase sa buong bahay ang alaga naming aso.“Baka naman nandiyan lang ‘yan. Baka pinagtataguan ka kasi pangit ka.” inis na sambit ko saka mabilis na bumalik sa loob ng kuwarto. Dumiretso ako sa banyo para mag-toohtbrush at maghilamos. Sinuklay ko na rin ang buhok ko dahil ayoko namang lumabas ng kuwarto na magulo ang buhok ko.Paglabas kong muli ay sinalubong agad ako ng kapatid. Bakas sa kaniyang mukha na kinakabahan siya at
“Okay lang ba kayo riyan, Troy? Louise?” tanong sa amin ni Eunice nang mapadaan siya sa aming kinaroroonan.Ngumiti ako sa kaniya. I tried to smile and hide the uneasiness that I feel right now. Sa totoo lang, nahihirapan akong magpanggap na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi. Biglang bumigat yung katawan ko. Parang gusto ko nalang matulog o hindi kaya ay umuwi nalang ng Metro Manila. Wala na akong pakialam kung hindi kami okay o kung iwan niya kami. Kasi sa totoo lang, sanay na rin naman ako. Ilang beses na bang nangyari ang ganitong bagay? Halos hindi ko na mabilang. Minsan naisip ko na baka hindi talaga nararapat na sumaya ang isang katulad ko. Kasi sa tuwing makakaramdam ako nito, bigla nalang babawiin sa akin yung pag-asang nabuo sa puso ko na baka sakaling balang araw ay tuluyan din akong maging masaya kasama si Troy at ang mga mahal ko sa buhay.“Kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi ha.” nakangiting
“Welcome back, Troy and Louise.” bati sa amin ni Eunice pagkapasok namin sa lobby ng hotel na pag-aari ng pamilya ni Richard. The two of them were wearing much presentable clothes than us.Gusto kong matawa sa hitsura namin ni Troy dahil para lang kaming pupunta sa kanto para tumambay.“How are you, Louise? I heard to Troy’s sister that you’re pregnant as well just like Eunice. Akalain mo nga naman.” Saad ni Richard at saka tumingin sa kaniyang pinsan. Lumapit siya kay Troy para i-congratulate ito.Nang bumaling sa akin si Richard ay agad itong ngumisi sa akin.“Akala ko ba, hindi ka magkakagusto sa bestfriend mo?” tanong nito.Tumingin ako kay Troy. Pinagmasdan ko ang kaniyang reaction nang marinig ang sinabi ni Richard. Just like what I expected, bakas sa ekpresiyon niyang naguguluhan siya. Richard cleared his throat and tapped Troy’s shoulder.“I heard what happened
“Kumpleto na ba ang mga gamit mo anak?” tanong agad ni Mama pagkapasok niya sa kuwarto ko. Saktong chini-check ko nalang kung maayos na ba ito. Ngayong araw ang alis namin patungong El Nido para umattend ng birthday celebration ni Richard.Tumawag sa akin si Troy at sinabing maaga raw siyang pupunta ngayon para masundo ako. Kaya heto ako ngayon, nagmamadali habang inaayos ang mga gamit ko.“Okay na, ‘Ma.” sagot ko naman kay Mama.Nang mapatingin ako sa kaniya ay saka ko nakita ang kaniyang hitsura. Dinaig niya pang pinagbagsakan ng langit at lupa sa ekspresyon ng kaniyang mukha.“Bakit po ‘Ma? May problema ba?”Kinuha ko ang kaniyang kamay at marahan itong pinisil. Umiling naman siya. Gamit ang kaniyang isang kamay ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Mag-iingat kayong dalawa ni Troy roon ha? Siguraduhin mong hindi ka magpapalipas ng gutom. Tandaan mo, hindi na lang i
“Miss Richelle, alam mo napapansin ko parang ang laki ng pinagbago mo?”Napahinto ako sa pag-aayos ng papel na ipinadala ni Troy sa Finance Department. Sinabi niya na sakin na ipapakuha niya nalang sa isang empleyado mula sa Finance, pero dahil makulit ako, hindi ko siya sinunod. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa. Saka these days mas gusto kong naglalakad-lakad ako. Isa pa, sabi ng OB ko, mas okay raw na kumikilos ako para hindi tamarin ang katawan ko. Dahil kapag nasanay ito na umupo at humiga na lang, malaki ang posibilidad na makasanayan koi to hanggang kabuwanan ko.It’s my second month of being pregnant. Yung hitsura ko ngayon parang bloated. Kapag naghubad ako at humarap ako sa salamin, makikita na yung pagbabago ng laki ng tiyan ko. Kung noon ay flat lang ito at may konting taba, ngayon naman ay may bump na. Ito ang pinagdidiskitahan ni Troy lagi kapag magkasama kami.“Malaki ang pinagbago? Anong ibig mong sabih