“Anong nangyari sa inyong dalawa?” naguguluhang tanong ni Sir Troy habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Leon.
Alanganin akong ngumiti sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang sitwasyon namin ni Leon ngayon. Kasi kapag sinabi kong ako ang may kasalanan kung bakit kami ngayon sa pool, paniguradong pagagalitan ako ng boss kong may pagkamasungit. Napatingin naman ako kay Leon na ngayon ay nakatingin lang kay Sir Troy. Sa paraan ng kaniyang tingin sa boss ko ay parang hinuhugushan niya ang pagkatao nito. Pasimple akong humugot ng malalim na hininga saka inisip kung ano ba ang puwede kong sabihin bilang palusot. Nang may maisip akong rason ay tila ba may umilaw na bumbilya sa tuktok ng ulo ko.
“Ah, Sir Troy. Nagsu-swimming. Oo. Nagsuswimming kami. Gusto mong sumali sa amin?”
Bumitaw pa ako sandali kay Leon para pumalakpak dahil sa excitement ko. Ang kaso, maling desisyon iyon dahil a
“Salamat.” sabi ko kay Leon pagkahinto ng sasakyan niya sa labas ng hotel.Ngumiti siya at tumango. Yumuko ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.“See you later?”Napaangat ako nang tingin sa kaniya. Later? Pupunta siya sa event?“Pupunta ka sa pre-wedding event?” gulat na tanong ko.He chuckled and gave me a nod. Bakit ko pa nga ba kasi tinanong? Kung invited ang Mommy niya, for sure siya rin. Isa pa, sikat sila rito sa El Nido. Kung ako rin naman ang ikakasal tapos kaibigan ko ang kanilang pamilya, iimbitahin ko rin sila.“Ah siya nga pala, itong damit na pinahiram mo sa akin, lalabhan ko mamaya para maisauli ko sa iyo bukas after ng wedding event nina Richard at Miss Eunice.”Umiling siya at marahang dumukwang palapit sa akin para kalasin ang seatbelt.“Hindi na. Hindi pa naman nasusuot iyan ni Jeanna. Consider that as my gift to you.”Per
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Leon. Pati mga tao sa paligid ay napanganga sa kanilang narinig. Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng matandang babaeng nasa harapan namin ngayon.“Is that true?” gulat na tanong nito sa akin.Paano ko ba sasagutin iyon eh pati ako gulat din? Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil pakiramdam ko ay nagbubuhol-buhol ang mga salita sa isipan ko.“Ah…eh… ano po…”Nailagay ko ang aking kamay sa aking batok. That is my mannerism whenever I don’t know what to say. Marahan kong tinusok sa tagiliran si Leon. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. At talagang may gana pa siyang ngumiti ngayon habang ako ay hindi alam kung anong sasabihin sa taong nasa harapan namin.“Gilda!”Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating na sina Tita Janina at Tito Arnold. Agad na ngumiti ang babaeng nagngangalang Gilda kina Tita Janina. Mab
Gulat na napabangon si Leon habang ako naman ay napaupo at mabilis na naitakip ang palad sa aking bibig. Alam kong hindi ito ang unang beses na naglapat ang aming labi. Pero yung kabang naramdaman ko, parang sasabog ang dibdib ko. Hindi pa rin natigil ang hiyawan ng mga audience na nakakita ng nangyari. Nang bumaling ako sa gawi nina Richard at Eunice ay tuwang-tuwa pa ito at pumapalakpak. Nang tumingin naman ako kina Tita Janina ay nakangiti ito habang nagpapalipat-lipat nang tingin sa amin ni Leon.Kinakabahang tumingin ako kay Leon. Bakas din ang kaba sa kaniyang mukha. Marahil ay nabigla rin siya sa nangyari. Sino nga ba naman kasing mag-aakala na ang pangalawang halik namin ay sa harap ng maraming tao. Pilit siyang ngumiti sa mga tao at marahang lumuhod sa harap ko at inilahad ang kaniyang kamay sa akin.Naghiwayan pa lalo ang mga lalaki pati na rin ang ilang mga nakatatanda.“Hindi pa po tapos ang laro natin. Puwede pa pong humabol. Ito
Isang malakas na katok sa pintuan ng kuwartong tinutuluyan namin ni Sir Troy ang nagpagising sa akin. Napipikit ang mga matang bumangon ako at napatingin sa digital clock na nasa lamesa katabi ng kamang hinihigaan ni Sir Troy. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Sino namang siraulong mangangatok sa amin ng ganitong oras? Nasisiraan na yata iyon ng bait eh. Lumapit ako sa kama at niyugyog ang balikat ni Sir Troy.“Sir pagbuksan mo ‘yon, inaantok pa ako.”Mukhang tulog na tulog pa ito kaya hindi naririnig ang sinasabi ko. Niyugyog ko siyang muli pero wala pa rin. Nang subukan ko siyang hilahin ay saka lang siya gumalaw. Ang akala ko ay babangon na siya. Nagulat ako nang biglang niya akong yakapin kaya napahiga ako sa kamay. Anak naman ng tokwa. Kung kailan naman talaga ginigising saka pa ako kinulong sa yakap niya. Kung puwede lang kagatin ang braso nito ginawa ko na.Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap niya, ang kaso lalo niya
Nagmadali kong inilabas ang laman ng kahon. Wow. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang damit. Parang pang-princess.“Ang ganda.” saad ko saka humarap kay Sir Troy. Napatingin naman siya sa damit na hawak ko. Tumango naman siya. Yung tipong aprubado niya ang disenyo at kulay nito.“Pastel ang color. Bagay sa’yo dahil maganda ang complexion mo.”Ibinaba ko ang damit na hawak at nag-thumbs up sa kaniya. Napailing na lang siya at muling nagtipa sa laptop. Ano ba ‘yan, araw na ng kasal ni Richard, nagtatrabaho pa rin siya. Halatang abala rin siya dahil panay ang tingin niya sa kaniyang cellphone. Mukhang may hinihintay na reply. Pasimple kong inabangan ang pagtunog ng kaniyang phone. Medyo matagal ang interval kumpara kanina. Pasimple akong naglakad patungo sa kama para tupiin ang kumot na ginamit niya kanina. Nang biglang umilaw ang kaniyang phone ay mabilis ko itong kinuha.Isang malakas na sigaw ang l
Pagdating namin sa simbahan ay agad na nagsilapitan sa amin ang ibang bride’s maid at groom’s men. Kakilala pala ng lahat si Leon. Nakipag-fist bump pa siya sa mga lalaki. Habang ang mga babae naman ay nakikipagkilala sa akin.“Hi, you’re Louise right?” tanong ng isang matangkad na lalaki na ngayo’y katabi ni Leon.Tumango naman ako.“I’m Ivo, Leonel’s friend.” Saad nito sabay lahad ng kaniyang kamay sa akin. Nang akmang hahawakan ko na ito ay agad na hinarang iyon ni Leon.“Bro, what the hell?!”Ngumisi si Leon at tinulak ito papalayo.“Your girlfriend is in there.” sabi nito sa lalaking nagngangalang Ivo.Tumawa lang ako sa ginawa niya. I know what he’s doing. He’s being protective and territorial kahit hindi naman kailangan. Nang makita kami ng Mommy ni Leon ay tinawag kami nito. Paglapit namin sa kanila ay ipinakilala ko n
“Kanina pa kita hinahanap.”Napasimangot ako nang marinig ang sinabi ni Leon. Pagkapasok namin ni Sir Troy sa mismong venue ay nabigla ako nang makita kong tumatakbo siya palapit sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa paligid. Karamihan kasi ay naroon na. Hindi naman ako aware na ang bibilis pala ng takbo ng mga sasakyan nila. Akalain mo nga namang nauna pa sa amin si Leon dito habang nauna kaming umalis ng church.Hindi ako umimik sa sinabi niya. Nanatili ang tingin ko sa ibang panig ng venue at nagpanggap na hindi ko siya nakikita kahit na nasa harapan ko lang siya.“Louise.” he called for my name apologetically.Kinalbit ko naman si Sir Troy na nasa tabi ko.“May naririnig ka bang tumatawag sa pangalan ko?” tanong ko sa kaniya.It’s not that I am making fun of Leon. Gusto ko lang maramdaman niya ang paghihiganti ng isang taong iniwan at kinalimutan. Alam kong ang OA nang g
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pakiramdam ko pina-prank ako ng mundo sa pagkakataong ito. May parte rin sa isipan ko na gustong matawa. Ayon kasi sa paniniwala, ang babaeng makakasalo ng bouquet at ang lalaking makakasalo ng garter ang susunod na ikakasal.“Louise, are you okay?” tanong ni Eunice sa tabi ko.Napalunok muna ako bago tumango. Alanganing ngumiti sa akin si Sir Troy at itinaas pa ang hawak na garter. Si Leon naman ay nagpalipat-lipat lang ang tingin sa aming dalawa.“Hindi ba passable itong ganito, Richard?” tanong ni Sir Troy.Tumawa si Richard at umiling.“Huwag ka ngang kill joy. Kung sino ang nakasalo, sila ang secondary partners namin for tonight. At isa pa, hindi puwedeng ibigay sa ibang participant ‘yan. Masisira ang tradisyon ng kasal.”Ngumuso ako sa sinabi ni Richard.“Ibig sabihin, ilalagay ko ang garter sa hita ni Richelle?”
“Troy!” sigaw ko sa asawa ko nang maramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. “Troy, nasaan ka na?” In that specific moment of my life, I was nervous. Kauuwi lang namin ni Troy sa bahay dito sa Quezon City. Galing kami ng hospital kanina for my final check-up before I give birth. Hindi ko naman alam na pag-uwi namin ay saka puputok ang panubigan ko. If I had known, edi sana hindi na kami umuwi. The thing is, halos three days na kasing sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ito o hindi. But the doctor kept on reminding me that it is pretty normal. Hindi naman siya sobrang sakit. Parang humihilab lang siya at napapadalas na nga ang pagsipa ng mga bata sa loob. “Louise, what happened?” tarantang tanong niya pagkarating sa second floor. Bakas ang pangamba sa kaniyang mukha. He just went to the kitchen to make me a glass of milk. Paniguradong tinakbo niya mula kusina makarating lang nang mabilis sa second f
“Ngayon na ba kayo mamimili ng mga gamit ng kambal?” tanong ni Riye pagkapasok niya sa working area namin ni Troy sa bahay namin.Napangiti ako nang makita siya. Agad akong tumakbo patungo sa kaniya para salubungin siya.“Woopsie! Be careful ate Louise.” saway niya sa akin nang makitang nagmamadali ako patungo sa kaniya.Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Ngumiti lang ako at mabilis siyang niyakap. It’s been two months since I last saw her. Masyado kasi siyang busy sa law school and schedule is so tight kaya naman bihira siyang makadalaw sa amin dito sa Batangas.Nang kumalas ako sa kaniya sa pagkakayakap ay agad kong hinawakan ang kaniyang pisngi.“Namamayat ka, Ri.”Tumawa naman siya.“Isn’t that great? Lahat kasi ng mga friends ko noon, they kept on telling me that I’m getting chubby. Hindi ko naman akalain na Law School lang pala ang makakapagpapayat sa
“Puwede ba tigilan mo ‘yang kakainom ng tubig.” saad ni Mama sabay hablot sa akin ng aking hawak na vacuum flask. Narito kami ngayon sa sala. Hinihintay namin si Troy at ang mga kapatid niya dahil pupunta kami ngayon ng hospital para magpa-ultrasound ng gender ni baby. Hindi ko nga alam kung anong trip ng pamilya ko dahil nais nilang sumama. Akala yata nila ay a-attend kami ng fiesta. Mas bihis na bihis pa ang Nanay at kapatid ko kaysa sa akin.“Ma akin na ‘yan. Iinom ako eh.”Sinimangutan ako nito at mas lalo pang inilayo sa akin ang flask na hawak niya.“Hindi advisable na uminom ng tubig kapag magpapa-ultrasound. Gusto mo bang tubig lang ang makita sa tiyan mo mamaya?”Napanguso naman ako sa sinabi ni Mama. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako ngayon. Dahil pang fifth month ko na ngayon, mas malaki na rin siya kumpara sa normal. Noong ipinaalam namin ang tu
“Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit palagi mo nalang akong sinasama sa mga meetings mo. Hindi ba puwedeng pass muna ako ngayon?” reklamo ko saka mabilis na nagtalukbong ng kumot.Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Troy. Nakaupo ito sa dulo ng kama ko. Kanina pa ako nito kinukulit na samahan siya na magtungo sa Batangas para sa isang client meeting daw. Sinong niloko niya? Araw ng linggo may client meeting na magaganap? Lokohin niya na ang lahat, huwag lang ako na inaantok pa.“Tanghali na inaantok ka pa. Kakapanuod mo ‘yan sa Netflix.”Napanguso naman ako sa ilalim ng kumot. Alam na alam talaga niya ang ginagawa ko kapag gabi. Paniguradong kapatid ko na naman ang nagsumbong. Wala talagang magawang matino iyong lalaking iyon at pati ginagawa ko ay binabantayan pa.Inis na bumangon ako sa kama at binato siya ng unan.“Maiintindihan ko kung weekdays mo ako guguluhin, pero Linggo ngayon Troy. Utan
“Ate nawawala si Chuchay!” iyon agad ang bungad sa akin ni Chase paglabas ko ng kuwarto. Sabado ngayon, at tinatamad akong magkikilos. Kung hindi nga lang ako ginutom, hindi talaga ako lalabas. Mas gusto ko pang mag-netflix sa kuwarto buong maghapon. Pero bandang alas nuebe ng umaga, kumalam na rin ang sikmura ko. Bigla ko namang naaalala na hindi nga lang pala ako ang gutom kundi pati ang bata na tatlong na buwan nang nasa sinapupunan ko.Nasapo ko ang aking nang makitang nagmamadaling hinanap ni Chase sa buong bahay ang alaga naming aso.“Baka naman nandiyan lang ‘yan. Baka pinagtataguan ka kasi pangit ka.” inis na sambit ko saka mabilis na bumalik sa loob ng kuwarto. Dumiretso ako sa banyo para mag-toohtbrush at maghilamos. Sinuklay ko na rin ang buhok ko dahil ayoko namang lumabas ng kuwarto na magulo ang buhok ko.Paglabas kong muli ay sinalubong agad ako ng kapatid. Bakas sa kaniyang mukha na kinakabahan siya at
“Okay lang ba kayo riyan, Troy? Louise?” tanong sa amin ni Eunice nang mapadaan siya sa aming kinaroroonan.Ngumiti ako sa kaniya. I tried to smile and hide the uneasiness that I feel right now. Sa totoo lang, nahihirapan akong magpanggap na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi. Biglang bumigat yung katawan ko. Parang gusto ko nalang matulog o hindi kaya ay umuwi nalang ng Metro Manila. Wala na akong pakialam kung hindi kami okay o kung iwan niya kami. Kasi sa totoo lang, sanay na rin naman ako. Ilang beses na bang nangyari ang ganitong bagay? Halos hindi ko na mabilang. Minsan naisip ko na baka hindi talaga nararapat na sumaya ang isang katulad ko. Kasi sa tuwing makakaramdam ako nito, bigla nalang babawiin sa akin yung pag-asang nabuo sa puso ko na baka sakaling balang araw ay tuluyan din akong maging masaya kasama si Troy at ang mga mahal ko sa buhay.“Kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi ha.” nakangiting
“Welcome back, Troy and Louise.” bati sa amin ni Eunice pagkapasok namin sa lobby ng hotel na pag-aari ng pamilya ni Richard. The two of them were wearing much presentable clothes than us.Gusto kong matawa sa hitsura namin ni Troy dahil para lang kaming pupunta sa kanto para tumambay.“How are you, Louise? I heard to Troy’s sister that you’re pregnant as well just like Eunice. Akalain mo nga naman.” Saad ni Richard at saka tumingin sa kaniyang pinsan. Lumapit siya kay Troy para i-congratulate ito.Nang bumaling sa akin si Richard ay agad itong ngumisi sa akin.“Akala ko ba, hindi ka magkakagusto sa bestfriend mo?” tanong nito.Tumingin ako kay Troy. Pinagmasdan ko ang kaniyang reaction nang marinig ang sinabi ni Richard. Just like what I expected, bakas sa ekpresiyon niyang naguguluhan siya. Richard cleared his throat and tapped Troy’s shoulder.“I heard what happened
“Kumpleto na ba ang mga gamit mo anak?” tanong agad ni Mama pagkapasok niya sa kuwarto ko. Saktong chini-check ko nalang kung maayos na ba ito. Ngayong araw ang alis namin patungong El Nido para umattend ng birthday celebration ni Richard.Tumawag sa akin si Troy at sinabing maaga raw siyang pupunta ngayon para masundo ako. Kaya heto ako ngayon, nagmamadali habang inaayos ang mga gamit ko.“Okay na, ‘Ma.” sagot ko naman kay Mama.Nang mapatingin ako sa kaniya ay saka ko nakita ang kaniyang hitsura. Dinaig niya pang pinagbagsakan ng langit at lupa sa ekspresyon ng kaniyang mukha.“Bakit po ‘Ma? May problema ba?”Kinuha ko ang kaniyang kamay at marahan itong pinisil. Umiling naman siya. Gamit ang kaniyang isang kamay ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Mag-iingat kayong dalawa ni Troy roon ha? Siguraduhin mong hindi ka magpapalipas ng gutom. Tandaan mo, hindi na lang i
“Miss Richelle, alam mo napapansin ko parang ang laki ng pinagbago mo?”Napahinto ako sa pag-aayos ng papel na ipinadala ni Troy sa Finance Department. Sinabi niya na sakin na ipapakuha niya nalang sa isang empleyado mula sa Finance, pero dahil makulit ako, hindi ko siya sinunod. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa. Saka these days mas gusto kong naglalakad-lakad ako. Isa pa, sabi ng OB ko, mas okay raw na kumikilos ako para hindi tamarin ang katawan ko. Dahil kapag nasanay ito na umupo at humiga na lang, malaki ang posibilidad na makasanayan koi to hanggang kabuwanan ko.It’s my second month of being pregnant. Yung hitsura ko ngayon parang bloated. Kapag naghubad ako at humarap ako sa salamin, makikita na yung pagbabago ng laki ng tiyan ko. Kung noon ay flat lang ito at may konting taba, ngayon naman ay may bump na. Ito ang pinagdidiskitahan ni Troy lagi kapag magkasama kami.“Malaki ang pinagbago? Anong ibig mong sabih