Habang si Raquel ay naglalakad palayo, pabalik sa kanyang sasakyan, hindi niya mapigilang muling mag-isip ng plano. Hindi siya pwedeng bumalik kay Ludwig nang walang kasiguruhan. Kailangan niyang siguruhin na hindi magiging banta si Estella sa kanyang kasal at sa posisyon niya sa buhay ni Ludwig.“Paano ko siya mapapatalsik?” bulong ni Raquel sa sarili. Kahit anong plano ang naiisip niya, laging may hadlang—si Ram. Alam niyang hindi basta-basta bibitawan ni Ram si Estella, at sa mga tingin nito kanina, parang alam ni Estella na hindi siya ligtas kay Ludwig.Napatingin si Raquel sa kanyang sariling repleksyon sa salamin ng kanyang kotse. Napansin niya ang pagod sa kanyang mukha, ang bahagyang linya ng pag-aalala sa kanyang noo. Minsan, hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung bakit kailangan niyang harapin ang ganitong sitwasyon—na maging baog at hindi makapanganak, habang si Estella ay may dalawang anak kay Ludwig. Ang sakit na iyon ay hindi nawawala, lalo na’t alam niyang si Ludwi
"At ano na naman ang gusto niya?" tanong ni Estella, halatang naiinis habang naglalakad papunta sa maliit na bintana ng opisina. Mula doon, tanaw niya ang mga bata na masayang naglalaro sa labas. "Hindi pa ba siya tumitigil?""Pareho pa rin," sagot ni Ram, nakaupo at nakatingin kay Estella. "Gusto niyang layuan na natin ito, umalis tayo. Natatakot siya na baka malaman ni Ludwig na buhay ka pa, at higit sa lahat, na buhay ang mga anak ninyo."Tumigil sa paglalakad si Estella at humarap kay Ram. Ang ekspresyon niya ay halatang puno ng pagkabagabag. Alam niyang hindi basta-basta mapapatahimik si Raquel, lalo na’t may sarili itong plano para kay Ludwig."Ram, hindi ba siya natatakot kay Ludwig?" tanong ni Estella, may halong pag-aalala sa tono ng kanyang boses. "Kapag nalaman ni Ludwig ang totoo, siguradong delikado kami—pero siya rin. Hindi ba niya naiisip iyon?"Huminga ng malalim si Ram at saka tumayo. Nilapitan niya si Estella at marahang hinawakan sa balikat. "Naiisip ni Raquel iyon,
Nagmamadali niyang inakay si Estella sa kanyang bahay na nasa tabi ng kanilang opisina, at agad niya iyong dinala sa kanyang kwarto. Isinara niya ang pinto, at isinandal ang babae doon. Agad niyang hinapit ang beywang nito, at siniil ng halik ang mga labi. Maalab ang naging palitan nila ng halikan, at ang kanilang mga dila ay patuloy na nag iespadahan. Inilipat siya ng pwesto ni Estella, siya naman ang nakasandal sa pader. Unti unting hinubad nito ang kanyang polo, saka sa kabila ng kanilang paghahalikan ay unti unti naman ni Estella na tinatanggap ang sinturon ni Ram. Ang init ng kanilang mga pakiramdam, at palagay ni Estella, nararapat lang na ibigay niya kay Ram ang 'serbisyong' mapapaligaya sa lalaki. Tuluyan na siyang lumuhod sa harapan nito, habang hinuhubad ang pantaloon ni Ram. Isang mahabang espada ang bumungad sa kanya. Nakangiting nakatingin sa kanya si Ram, ng tingalain niya ito. 'Gusto mo ba ito?" tanong niya kay Ram, habang hinahalik halikan ang pagkalalaki
Magkahawak ng kamay sina Estella at Ram habang nasa sasakyan. Walang mga salitang namumutawi sa kanilang mga bibig, subalit ang kanilang kilos ay malinaw na may indikasyon ng pagmamahal. Tanging mga ngiti lamang ang naging bantayan ng kanilang mga pag uusap. Hinahalik halikan pa ni Ram ang kanyang kamay. Bigla niyang isinubo ang isang daliri ni Ram na labis na ikinagulat nito. 'Hey!" tatawa tawa nitong awat sa kanya, "baka mag pull over ako at bigla ko na lang ibaba ang panty mo diyan.." pinisil ni Ram ang kanyang baba na may kaunting gigil. "Heh!" tawa ng tawa si Estella, saka binitiwan ang kamay ni Ram, "papagurin kita.. grrr.." "Wag mo akong subukan.. ang tagal ng inipon ko, full tank pa to," sabay tapik ni Ram sa kanyang pantog. "Loko Loko," napapailing niya itong kinurot sa tagiliran. Hinuli naman ni Ram ang kanyang kamay at muling hinawakan. "Baka kung saan pa iyan mapapunta," nakangiti nitong tugon sa kanya. Pagsapit nila sa school, agad nanibago ang mga bata sa
"Raquel, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Ludwig, puno ng pagtataka at pag-aalala sa kanyang boses. Matagal na niyang napapansin ang pagbabago sa ugali ng kanyang asawa—parang laging balisa, may mga sinasabi na tila walang koneksyon, at minsan ay nagmumukmok sa isang sulok ng bahay. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinagdadaanan ni Raquel, at hindi niya rin maintindihan kung bakit tila hindi siya nito gustong kausapin tungkol dito.Napalunok si Raquel, iniwas ang tingin mula kay Ludwig, alam niyang hindi siya maaaring basta na lang magpaliwanag. Ang totoo'y may isang malalim na dahilan ang lahat ng kanyang ikinikilos—isang dahilan na hindi niya masabi kay Ludwig, kahit gaano pa siya pinipilit nito. May mga bagay na hindi niya maaaring sabihin, dahil alam niyang kapag nalaman iyon ni Ludwig, maaaring gumuho ang lahat ng kanilang pinagsamahan. Ramdam ni Raquel ang bigat sa kanyang dibdib, at habang tumititig si Ludwig sa kanya, parang lalo lang sumisidhi ang kanyang kaba.“Wala
Natigilan si Ludwig, ramdam niya ang malamig na pakiramdam ng takot na gumapang sa kanyang katawan. “Raquel, anong sinasabi mo? Patay na si Estella. Ako mismo ang nakakita sa bangkay niya. Ano ba itong pinagsasabi mong buhay pa siya?” tanong ni Ludwig, nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa naririnig. Pero si Raquel ay lalo pang naghisterikal, hindi mapakali, parang may malaking pasabog na nasa loob na hindi na niya kayang itago. "Hindi mo naiintindihan, Ludwig! Hindi siya patay! Buong panahon na ito, nandiyan lang siya—nagkukubli, nagmamasid, at hinihintay ang pagkakataon para bumalik sa buhay mo!" Nanginginig ang mga kamay ni Raquel habang nagsasalita. Si Ludwig, sa kabila ng kaguluhan ng kanyang isipan, ay nakikiramdam na may ibang bagay na hindi niya pa nauunawaan. “Raquel, ano ba ang pinag-uusapan mo? Saan mo nakuha ang ideyang buhay pa si Estella?” Biglang natahimik si Raquel, parang napagtanto niyang nasabi niya na ang isang bagay na matagal na niyang itinatago. Tum
Nagtagpo ang kanilang mga mata—si Estella at Ludwig, parehong nagulat, parehong hindi alam kung paano tutugon sa di-inaasahang pagkikita. Namutla si Estella, at tila nawalan ng lakas sa mga binti. Para bang bumalik sa kanya ang mga alaala ng nakaraan, ang mga sugat na pilit niyang binura, ngunit biglang nabuhay muli sa harap niya.Wala ni isa man ang nais magbukas ng kanilang mga bibig. Lahat ay kinakabahan at parang inuuri ang bawat isa."Estella..." mahina at puno ng pagtataka ang boses ni Ludwig. Halos hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Naroon ang gulat, ang saya, pero kasama rin ang bigat ng nakaraan na halos hindi na niya nais balikan. Bakit nakuha nito na iwan siya at magpanggap na patay?Bago pa man makapag-isip si Estella ng sasabihin, naputol ang kanilang tahimik na komprontasyon nang marinig nila ang boses nina Calvin at Caleb. "Mommy, sabi po ni papa Ram, pumunta daw tayong...," ngunit natigilan si Caleb nang mapansin niya si Ludwig. Sa isang iglap, ang dating kasiya
"Anak ko ba sila?" tanong ni Ludwig kay Estella, habang ang kanyang tingin ay nakatuon sa kambal na nakatayo sa tabi niya. "N-no," sagot ni Estella, bahagyang nanginginig ang boses. “Anak namin siya ni Ram…” Ngunit tila hindi nakikinig si Ludwig. “Magsabi ka na lang ng totoo! Kung ayaw mong dumaan pa tayo sa Korte!” Pananakot niya, puno ng galit at pagkabahala. Ang ideya na maaaring anak niya ang mga bata ay tila sumasabog sa kanyang isipan. “Tumigil ka na nga, Ludwig! Guguluhin mo lang ang isipan ng mga bata!” awat ni Ram, nag-aalalang tinitingnan ang mga bata na naguguluhan sa kanilang paligid. “Ano po ang nangyayari dito?” tanong ni Caleb, lumapit kay Ram at humawak sa kanyang braso. “Bakit po parang galit ka, papa?” Nilukob ng selos ang puso ni Ludwig, dahil alam niya sa kanyang sarili, na siya ang tatay ng mga batang ito. Pinalabas nilang patay na si Estella, para ano? magsama ang dalawang ito? “Wala iyon, anak. Nag uusap lang kami ng mga matatanda,” sagot ni Ram, sub
Sobrang lungkot si Ram. Kung ano ano ang sumasagi sa kanyang isipan. Simula bayan, lalakarin lang niya hanggang bahay, para makapag isip siya ng tama. Iba pala talaga kapag nagmahal ang puso. Ang tama sa kanya ay sobra sobra. Sari sari ang pumapasok sa kanyang isipan, marahil, isinama na ni Ludwig sina Estella. Wala na siyang habol doon. Legal na asawa yun. Habang naglalakad si Ram, ang bigat sa kanyang dibdib ay lalong bumibigat sa bawat hakbang. Hindi na niya mabilang kung ilang oras na siyang naglalakad, parang wala na siyang pakialam kung gaano kalayo ang mararating niya. Pakiramdam niya ay wala nang halaga ang oras o direksyon—lahat ay mistulang nawalan ng saysay mula nang mawala sa kanya si Estella at ang mga anak nila. Ang tahimik na gabi ay parang sumasalamin sa kanyang kalungkutan. Ang mga ilaw ng poste ay nagbibigay ng malabong liwanag, habang ang mga dahon ng puno ay sumasayaw sa hangin na tila binubulong sa kanya ang mga alaala ng mga masasayang araw kasama si Est
"Ayoko ng makarinig ng kasinungalingang mo, Raquel.." malumanay na sabi ni Ludwig kay Raquel, "tama na.. mamamatay ka na, sinungaling ka pa." "Totoo ang sinasabi ko, Ludwig, "sagot ni Raquel, "maniwala ka naman sakin, please naman.." Ang kanyang mga luha ay patuloy na umagos, dahil sa takot na maaaring gawin ni Ludwig sa kanilang dalawa. Ang labis na pagpapatakbo nito ng mabilis at ang granadang hawak nito ang nagbibigay pangamba lalo sa kanya. "Pinaghiwalay niyo kami ng asawa ko, ngayon, muntik mo na akong ipapatay. Ganyan ka ba magmahal, Raquel?" naningkit ang luhaang mata ni Ludwig. "Ako naman ang nauna, Ludwig, ako.. Hindi si Estella.. Kahit pinalabas naming patay na siya, parang wala pa rin sa akin ang puso mo. Gaano ako katagal maghihintay upang mahalin mo ulit?" "Mabuting tao si Estella, Raquel," napapailing si Ludwig, "hindi mo siya kayang pantayan." Parang kutsilyo na tumusok sa kanya ang sinabing mga salita ni Ludwig. Labis siyang nasasaktan at hindi makapaniwala
"Uuwi na pala kami, Ludwig.." paalam ni Estella sa lalaki. "Maraming salamat, at nakilala ko ang aking mga anak.. Salamat sayo, at kay Ram sa pagpapalaki sa mga bata na maayos at mabuti." malungkot ang mga ngiti ni Ludwig sa kanya. "Maaari mo naman silang dalawin kung nais mo," nakangiting sabi ni Estella dito. "Okay na ko.. salamat, salamat sa inyo, mga anak!" niyakap ng mahigpit ni Ludwig ang mga bata, "salamat sa inyo at pinagbigyan niyo si daddy.." "Opo, daddy, ingat po kayo," sagot ni Calvin. "Bye po daddy," sabi naman ni Caleb. "Estella.." niyakap siya ng lalaki, "ikaw pa rin ang pinakamamahal ko hanggang sa huli.. alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata.. maging masaya sana kayo ni Ram.." Hindi nila akala, na iyon na pala talaga ang huling pagkakita nila.. "UUWI na tayo?" tanong ni Raquel kay Ludwig. Masayang masaya ito. "Oo, uuwi na tayo," nakangiting sagot naman niya dito. Naninibago man, masayang sumama si Raquel sa kanya. Hindi alam ng babae, kung ano a
Nakatayo si Ram sa malayo, nakatutok ang tingin sa masayang eksena sa playground. Ang mga bata ay tumatakbo sa paligid, naglalaro at nagtatawanan, habang si Estella at Ludwig ay nag-uusap na tila ang lahat ay maayos na muli. Saksi siya sa pagbuo ng isang mundo na gusto niyang maging bahagi, ngunit sa kabila ng mga ngiti at tawanan, naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang puso. "Ngunit paano naman ako?" tanong niya sa sarili habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang mahalaga si Estella kay Ludwig, at wala siyang magagawa kundi ang manood sa malayo habang unti-unting bumabalik ang kanilang koneksyon. Ang mga alaala ng kanilang mga sandaling magkasama ay bumalik sa kanyang isip. Ang mga tawanan, mga pangarap na pinagsaluhan, at ang mga tamang desisyon na nagdala sa kanila sa isang bagong simula. Pero ngayon, tila naiiwan siya sa dilim habang ang kanyang puso ay naglalaban sa pagseselos at pag-asa. “Bakit hindi ko sila matanggap?” tanong niya sa sarili, kasabay ng p
Habang papasok sina Estella at ang mga bata sa restaurant, ramdam ni Ram ang bigat ng kanyang puso. Lahat ng nangyayari ay tila naglalaro sa kanyang isipan—ang takot na mawalay kay Estella, ang pag-aalala para sa mga bata, at ang pangambang baka hindi sila maging maayos ng kanilang ama. Nang makapasok, nakita ni Estella si Ludwig na nakaupo sa isang sulok, tahimik na nag-aantay. Ang kanyang hitsura ay puno ng pagka-abalang nag-aalala. Nagkatinginan sila, at sa loob ng isang segundo, parang nagkaroon ng diyalogo sa kanilang mga mata—mga tanong, mga alaala, at mga damdaming hindi pa natatapos. “Ludwig,” mahinang tawag ni Estella habang papalapit sila. “Nandito na kami.” “Salamat na nagpunta kayo,” sagot ni Ludwig, masiglang tumayo at sinimangutan ang mga bata. “Sila ba ang mga anak ko?” Tanong nito na puno ng pag-asa. “Oo, sila nga,” sagot ni Estella, nakatingin sa kanyang mga anak na tahimik na nagmamasid kay Ludwig. “Sila si Caleb at Calvin.” “Hello, kids!” bati ni Ludwig, su
Mabigat ang kanyang mga paa, ng dumating kina Estella. Wala noon ang mga bata dahil nasa paaralan. Bandang alas diyes pa lang noon.Akala niya, naroon si Estella, ngunit wala. Lumabas na siya ng bahay nito, at tinungo ang kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, biglang may bumagsak sa kanyang kwarto.'Magnanakaw!" sa loob loob niya.Dahan dahan siyang umakyat ng hagdanan, saka mabilis niyang sinipat ang pinto.Nagulat siya kung sino ang naroroon, isang babaeng naka night gown. Kitang kita ang kabuuan ng katawan nito sa manipis na kasuotan. Wala itong panloob.Ang kanyang laway ay agad niyang nalunok. Hindi siya makapaniwala. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Hinawakan ni Estella ang kanyang mga kamay, at inilagay sa suso nito, "please.. ayokong ganito tayo.." saka siya hinalikan ni Estella sa labi.Binuhat niya ito, patungo sa pasimano ng bintana. Iniupo ni Ram si Estella doon, at hinubad ang night gown na suot nito.Agad siyang sumuso sa malalambot nitong dibdib, Habang unti unting
"Maaari ko bang makita ang mga anak ko?" tanong ni Ludwig kay Ram, "gusto ko lang silang makilala ng personal." "Susubukan kong tanungin si Estella kung nais niya,' sagot ni Ram, " wala ako sa posisyon para magdisisyon. Lalakarin na ba natin ang pagpafile ng kaso?" "Wag na!" maagap na sagot ni Raquel. Nangunot ang kanilang mga noo, ng marinig ang boses ni Raquel. "Bakit naman?" tanong niya dito, "kailangang managot ang mga nanakit sa aking kapatid!" "I--ibig kong sabihin, hindi na kailangan. Ayaw ko ng gulo. Uuwi na lang kami ng Maynila. Maayos na naman si Ludwig, makakapagmaneho na siya." "Hayaan mo Raquel, wag na nga tayong magfile ng kaso," nakangiti si Ludwig, subalit malungkot ang kanyang mga mata.Napansin ni Ram ang biglaang pag-aalangan ni Raquel. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon mula sa isang taong nakakita ng kanyang kapatid na binugbog ng mga hindi kilalang tao. Alam niyang may mali, ngunit hindi niya alam kung ano ang motibo ni Raquel."Bakit bigla mong guston
Nakabalik na si Ram kina Estella. Nag aalala ang mukha nito. "Kumusta na si Ludwig? Hindi ba siya masyadong nasaktan? Nahuli ba ang gumawa?" Sunod sunod na tanong ni Estella kay Ram, "naipablotter na ba? Na x-ray na ba siya? CT scan?" Tinitigan ni Ram si Estella. Ang kanyang mata ay napuno ng selos. Lalo pa at halata ang pag aalala ni Estella kay Ludwig. Si Ram ay tahimik na nakatayo sa harap ni Estella, pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon nito. Ang kanyang mga mata ay nagdilim sa dami ng mga tanong ni Estella tungkol kay Ludwig—halatang malalim pa rin ang nararamdaman nito para sa lalaking minsan niyang minahal. "Estella," malamig na sabi ni Ram, pilit pinipigilan ang selos na lumalagablab sa kanyang dibdib. "Ligtas na si Ludwig. Hindi siya seryosong nasaktan." Nakahinga nang maluwag si Estella, ngunit agad ding bumalik ang pag-aalala. "Sigurado ka? Kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng nangyari sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta na lang iyon. Paano kung m
Nagising si Ludwig na masama.amg pakiramdam ng katawan. Umiikot ang kanyang paningin. Habang tinitingnan ang puting liwanag na nasa kisame, binabalikan niya ang alaala kung bakit siya naroroon. Marahil, ospital iyon. Dahan dahan niyang ibiniling ang kanyang ulo. Naroon ang kanyang ina, sa kabilang kama naman, ay naroon si Raquel. "Anak!" bungad sa kanya ng kanyang ina, "kumusta ka na? may masakit ba sayo? tatawag ako ng doctor.." nagmamadali itong tumayo, subalit nahawakan niya ito, "Ba-bakit anak?" "Nasaan ako?" tanong niya. Napatingin sila sa pinto, at iniluwa nito si Ram. Nang pumasok si Ram, agad na bumigat ang hangin sa silid. Ang mga mata ni Ludwig ay nagtama sa kay Ram, puno ng tanong at tensyon. Si Raquel, na nakaupo sa tabi, biglang sumimangot, ngunit hindi makatingin nang direkta kay Ram. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito—ang lahat ng gulo, ang kalituhan, at ang pananakit kay Ludwig. “Ludwig, mabuti at gising ka na,” malamig na bung