CHAPTER 52Linggo ngayon at inaya ni Vin ang mga kaibigan nya na mag food trip daw sila sa bahay na inuupahan nila Bella."Ang daming pagkain ah. Anong meron?" Sabi ni Myca ng makita neto na madaming pagkain sa kanilang lamesa."Oo nga anong meron. Sinagot mo na ba si Vin Bella at nagcecelebrate na tayo ngayon?" Sabat naman ni Colleen."Hindi ah. Sana nga ganon na lang. Pero hindi eh. Si Vin na lang ang tanungin nyo," malungkot na sagot ni Bella.Nagkatinginan naman sila Myca at Colleen sa sinabi ni Bella. "Eh kung hindi pala. Bakit may pa ganito. Masyado naman atang madami tong pagkain natin. May bisita pa ba kayo na dadating?" Naguguluhan na tanong pa ni Myca.Sakto naman na pumasok si Vin sa loob ng bahay nila Bella at may dala pa etong mga pizza."Hey Vin. Anong meron?" tanong ni Myca kay Vin.Linapag naman na muna ni Vin ang mga dala dala nya bago nagsalita. "Mamaya ko na sasabihin. Mabuti pa kumain na lang muna tayo." Kumain naman na muna silang magkakaibigan. Pansin nila na m
CHAPTER 53Tinapos naman na ni Vin lahat ng mga gawain nya sa opisina dahil bukas na ang alis nya papuntang Singapore. Pagkatapos ng kanilang trabaho ay inihahatid pa din nya si Bella pauwi. Kahit na ayaw na sana netong magpahatid sa kanya ay hindi sya pumapayag dahil gusto nya etong gawin habang nandito pa sya sa Pinas."Bella pwede ba kitang maaya na mag dinner mamaya?" Tanong ni Vin kay Bella ng huminto na ang kanyang sasakyan sa tapat ng inuupahang bahay nila Bella.Liningon naman na muna ni Bella si Vin bago nagsalita. "Diba flight mo na bukas. Kailangang umuwi ka na kaagad ngayon para makapag pahinga ka muna bago ka umalis.""Oo pero gusto ko sanang makasama ka muna ngayon bago ako umalis. Please," pakiusap pa ni Vin."Sigurado ka?" tanong naman ni Bella."Oo naman Bella. Sige na ha. Susunduin ulet kita mamaya," sabi ni Vin."Si - sige. Ikaw bahala," utal pang sagot ni Bella.Nauna naman ng bumaba ng sasakyan si Vin para pagbukasan ng pinto si Bella. At nang makababa na si Bell
CHAPTER 54Mabilis na din namang lumipas ang mga araw halos isang buwan na din ang nakalipas mula ng umalis si Vin ng bansa.Madalas magkatawagan sila Vin at Bella sa cellphone. Lalo na kapag nalulungkot si Vin doon ay lagi nyang tinatawagan si Bella. Masaya naman si Bella dahil maayos ang communication nila ngayon ni Vin hindi katulad dati na madalang talaga sila magka usap na dalawa.Linggo ngayon at magka video call sila Bella at Vin. Kasama ni Bella ang mga kaibigan nya ngayon kasama din nya sila Mark at Ian. Kasama din nila ngayon si Bernard at may kasama pa etong pinsan daw nya.Inilapag naman na muna ni Bella ang cellphone nya dahil may gagawin sya. Hinayaan nya na muna na makausap ng mga kaibigan nila si Vin dahil madalas naman silang magkausap ni Vin."Kumusta na kayo dyan?" tanong ni Vin."Ayos naman kami bro. Ikaw kumusta ka na dyan?" Sabi ni Ian."Eto bored na bored na dito. Ayoko namang maglalabas dito dahil wala din naman akong kasama," sagot ni Vin."Ano ba yan. Nakaka
CHAPTER 55Nang makabalik na si Myca sa mga kaibigan nya ay tumabi sya sa boyfriend nyang si Bernard at binulungan eto na lumabas muna silang dalawa. Agad naman na sumunod si Bernard sa kanyang girlfriend."Pwede ba wag mo ng isama sa susunod yang pinsan mo dito. Nakakairita kasi," agad na sabi ni Myca kay Bernard ng makalabas na sila."Pasensya ka na Myca. Kinukulit kasi ako na sasama sya e. Nauna pa nga yan magbihis sa akin," sagot ni Bernard na kakamot kamot pa sa ulo nya. Pansin nya din kasi na hindi na natutuwa ang mga kaibigan nila Myca sa kanyang pinsan dahil nagiging mayabang na eto magsalita kanina."Tsk. Basta wag mo na yan isasama pa ulet dito ha. Pati si Bella napagtitripan ng pinsan mong yan," sagot ni Myca."Mabait naman yang si Joseph. Yun nga lang tinamaan yata talaga kay Bella. Kaya yan nangungulit. Hayaan mo pagsasabihan ko yan mamaya," sagot naman ni Bernard.Hindi na din naman sila nagtagal doon at inaya ng umuwi ni Bernard ang pinsan nya dahil pansin na nya na hin
CHAPTER 56Naiwan naman na mag isa si Joseph sa kanilang sala. Napapabuntong hininga na lamang sya dahil gusto nya sana talagang ligawan si Bella. Na love at first sight kasi sya kay Bella ng minsan syang isinama ng kuya Bernard nya sa bahay ng girlfriend neto na si Myca. Simula ng makita nya kasi si Bella ay hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya parang biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Gandang ganda pati sya kay Bella."Hay naku. Bakit ba kasi hindi kita pwedeng ligawan Bella. Minsan na nga lang ako magkagusto sa isang babae hindi pa pwedeng ligawan. Tsk," kausap ni Joseph sa kanyang sarili. Pumasok na lang din sya sa kwarto nya dahil wala na din naman syang gagawin.Kinabukasan naman ay paalis na sana si Bernard para pumunta kila Myca ng makita nya si Joseph na nakabihis na din."O may lakad ka din pala," sabi ni Bernard kay Joseph."Kuya sasama sana ulet ako sayo kila Bella. Magsosorry ako sa inasal ko noon sa kanila. Please kuya isama mo na ako," pakiusap ni Joseph sa
CHAPTER 57Walang pasok sa trabaho ngayon sila Bella dahil holiday kaya nasa bahay lamang sya kasama si Kate pero nasa kwarto lamang si Kate at nagbabasa ng mga libro nakahiligan na kasi neto ang magbasa. Sila Myca at Bernard naman ay may mga lakad. Ganon din sila Ian at Colleen. Maya maya ay may kumatok sa pinto ng bahay nila Bella kaya pinagbuksan na nya eto."O Mark ikaw pala. Pasok ka," sabi ni Bella."Andyan ba si Kate?" tanong ni Mark."Oo andyan. As usual nagbabasa ng libro," sagot ni Bella."Pwede ko bang puntahan?" "Sige lang. Bahala kayo dyan. Hahaha," tatawa tawa pang sagot ni Bella.Kakamot kamot naman ng ulo si Mark bago pumunta sa kwarto nila Kate. Kahit naman binasted na sya ni Kate ay sinusuyo suyo pa din nya eto. Hinihintay nya pa din kung kelan eto handang magmahal ulet.Akmang sasarhan naman na ni Bella ang pintuan nila ng biglang sumilip doon si Joseph."Hi Bella," sabi ni Joseph.Nagulat naman si Bella sa biglang pagsulpot ni Joseph. "Jusko ka naman Joseph. Baki
CHAPTER 58Mabilis na lumipas ang mga araw. Walong buwan na din ang nakalipas simula ng umalis si Vin ng bansa. Laking tuwa naman ni Leonard dahil sa mga nakalipas na buwan ay hindi na sya muli kinakausap ni Mr. Sanchez tungkol sa gusto netong mangyare na arrange marriage sa anak neto na si Nicole at kay Vin.Nasa opisina ngayon si Leonard. Busy sya sa mga papeles na kanyang binabasa ng may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina."Come in," sabi ni Leonard.Agad naman pumasok ang sekretarya neto na si Gina. "May meeting ba ako ngayon?" agad na tanong ni Leonard sa sekretarya nya ng makapasok eto."Wala po sir pero andyan po ngayon sa labas si Mr. Sanchez gusto daw po kayong maka usap," sagot ni Gina.Natigilan naman si Leonard sa sinabi ng kanyang sekretarya. Bigla syang kinabahan dahil matagal tagal na din ng huli silang magkausap ni Mr. Sanchez."Si Mr. Lyndon Sanchez?" tanong pa ni Leonard."Opo sir. Papasukin ko na po ba?" Sagot ni Gina.Magsasalita na sana si Leonard ng biglang p
CHAPTER 59VIN POVWalong buwan na din ako dito sa Singapore. Gustuhin ko man umuwi ay pinipigilan ako ng mga magulang ko lalo na si daddy. Dito lang daw muna ako. Saka na lamang daw ako umuwi. Yun ang palaging sinasabi nya sa akin sa tuwing nagtatangka ako na magpaalam dito na uuwi muna ako ng Pinas.Sa totoo lang naiinip na talaga ako dito. Swerte na lang kapag madami akong ginagawa dahil nalilibang ako. Pero madalas ay nakatunganga lang naman ako dito. Minsan lang din ako lumabas para mamasyal dahil wala din naman akong kasama kapag umaalis.Namimiss ko na din ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Bella. Nag aalala pa naman ako dito dahil umaali aligid na naman sa kanya si Joseph. Ang mokong kasi ayaw tantanan si Bella kahit na sinabi na eto ni Bella na kaibigan lang ang kaya nyang ibigay.Linggo ngayon at wala na naman akong ginagawa. Balak kong tawagan si Bella ngayon dahil siguradong andun din ang iba pa naming mga kaibigan. Naka ilang ring lang din bago sinagot ni Bella ang taw
Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da
CHAPTER 240Isa isa naman na nagsilapit sa kanila ang mga kaibigan nila. At nauna ng lumapit sa kanila ang mag asawang Vin at Bella. "Congratulations sa inyo," bati ni Bella kila Mark at Kate."Salamat," nakangiti naman na sagot nila Mark at Kate sa kanya."Finally hindi na bato ang puso ni Kate," natatawa na sabi ni Bella habang himas himas ang malaki na nitong tyan. Natawa naman si Kate dahil sa sinabi ni Bella."Bro ibang klase ka talaga. Wala ng patumpik tumpik pa. Haha," tatawa tawang sabi ni Vin kay Mark. "Syempre baka makawala pa e," natatawa rin naman na sagot ni Mark kay Vin. Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nilang kaibigan sa kanila."Hoy Mark. Ikaw ha ni hindi mo man lang kami sinabihan. Ang akala namin ay birthday party lang ito. Magpopropose ka na pala," himig nagtatampo na sabi ni Ian kay Mark dahil wala talaga syang kaalam alam tungkol dito kahit na magkasama lang naman sila sa bahay ni Mark."Hindi ko talaga sinabi kaagad sa'yo kasi ang daldal mo. Hahaha," tataw
CHAPTER 239"Hon ang tagal kong hinintay yung araw na sasagutin mo ako. Kaya naman ng dumating ang araw na yun ay sobrang saya ko dahil ilang taon din akong naghintay na mahalin mo rin ako," sabi pa ni Mark habang dahan dahan na humahakbang palapit kay Kate.Nagtataka naman na tinitingnan ni Kate si Mark. Nagpatuloy naman sa pagsasalita nya si Mark."Nung una akala ko wala na talagang pag asa na mahalin mo ako. Muntik na nga akong panghinaan ng loob non e kamuntik na akong sumuko dahil binasted mo kaagad ako noong unang beses na umamin ako sa'yo tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'yo. Pero matapos ang kasal nila Vin at Bella ay naglakas loob ulit ako na manligaw sa'yo kahit pa iniiwasan mo ako palagi pero hindi ako tumigil hanggat hindi kita napapasagot dahil ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito," madamdaming sabi pa ni Mark.Bigla naman nagbukas ang ilaw sa isang parte ng restaurant kaya naman napalingon si Kate roon at ang unang nakita ni Kate ay ang mga kaibigan nya na n
CHAPTER 238Pagdating ng hapon ay sinundo naman na muna ni Mark si Kate mula sa school saka ito hinatid sa bahay nito."Hindi na ako papasok sa loob ha. Mamaya susunduin ulit kita," sabi ni Mark kay Kate pagkatigil ng kotse ni Mark sa harapan ng bahay nila. Napapansin naman ni Kate na parang aligaga si Mark."S-sige," sagot ni Kate. "Mark may problema ba? Napapansin ko kasi na parang hindi ka maapakali e," hindi na napigilan na itanong ni Kate kay Mark. Bigla namang parang natauhan si Mark dahil sa tanong ni Kate."Ha? Wala ito. Wag mo akong pansinin," sagot ni Mark. " Sige na. Aalis na ako. Balikan kita mamaya ha," pagpapaalam na ni Mark kay Kate saka nya ito hinalikan sa noo."Sige. Mag iingat ka. Hintayin kita mamaya," sagot ni Kate."Sige. Bye," sagot ni Mark saka sya kumaway rito bago pinaandar ang kanyang kotse.Umuwi naman na muna si Mark upang magpalit ng damit at mag ayos ng kanyang sarili. Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay agad na rin syang umalis dahil kailangan pa ny