CHAPTER 163"Sige na. Bumaba ka na r'yan," sabi ng lalake kay Bella. Hindi naman alam ni Bella kung ano ba ang gagawin nya dahil natatakot syang bumaba ng sasakyan dahil baka kung ano ang gawin sa kanya ng mga eto."Bingi ka ba? Sinabi ng bumaba ka na r'yan e. Halika nga rito," sigaw ng lalake ng hindi pa rin bumababa si Bella saka nya hinila sa braso si Bella."Kuya ano po ba ang kailangan nyo sa akin?" umiiyak na tanong ni Bella habang hinihila na sya ng lalake palabas ng sasakyan."Ano ba naman etong suot mo. Napakabigat," reklamo ng lalake dahil nahihirapan syang hilahin si Bella palabas ng sasakyan kaya hinila na lamang nya muna ang damit ni Bella para makalabas na eto sa sasakyan. At nang mailabas na nya si Bella ay hinawakan na nya eto sa braso at sapilitang pinapasok sa loob ng abandunadong bahay. Hirap na hirap naman si Bella maglakad dahil sa suot nyang damit.Pagkapasok ni Bella sa loob ay may nakita pa syang mangilan ngilan na mga lalake roon. Hinila pa sya ng lalakeng may
CHAPTER 164Sa hotel naman ay hindi na mapakali sila Vin dahil hindi nila alam kung saan nila hahanapin ngayon si Bella. Ngayong nakita nila si manong Jerry at hindi eto ang nagdrive ng sinasakyan ni Bella ay malinaw na sa kanila na plinano ang pagdukot kay Bella."Sino naman ang gagawa neto sa inyo Vin? May mga nakaaway ka ba netong mga nagdaan na mga araw?" tanong ni Valerie kay Vin."Wala naman po Ma. Wala rin po akong maisip na maaaring gumawa neto kay Bella," sagot ni Vin."Kung ganon ay sino kaya ang may pakana neto? Anong kailangan nya sa inyo. Jusko. Sana ay nasa maayos lamang si Bella ngayon," sabi ni Valerie."Mabuti pa ay tumawag na tayo ng pulis," suhestyon ni Leonard. Tatawag na sana sila sa mga pulis ng biglang lumapit ang isang staff ng hotel sa kanila."Excuse me po. May tumawag po sa telepono gusto raw pong makausap si Mr. Vin De Villa," pag imporma ng staff. Nagkatinginan naman sila Vin at ang kanyang mga kasama. Dali dali naman na lumapit si Vin sa telepono."Hel
CHAPTER 165Pagkababa naman ni Nicole sa kanyang phone matapos nyang tawagan sila Vin ay prente pa syang naka upo sa isang silid doon din sa abandunadong bahay na pinagdalhan kay Bella."Ano ng balak mo ngayon na nasa iyo na si Bella?" tanong ni Glaiza kay Nicole."Dyan lang muna sya. Hayaan ko munang mag alala sila sa kalagayan ni Bella," sagot ni Nicole."Tapos?" tanong pa ni Glaiza sa kaibigan. Nginisian naman sya ni Nicole."Tapos papupuntahin ko sila rito bago ko patayin si Bella. Gusto ko na makita muna nila si Bella bago eto mawala sa mundong to," sagot ni Nicole habang nakatingin sa kawalan. Nagulat naman si Glaiza sa sinagot ni Nicole sa kanya."Hey. Wala sa usapan natin na papatay ka Nicole," sabi ni Glaiza. Naging mata kasi ni Nicole si Glaiza kila Vin at Bella habang wala sya sa bansa. Pinapasundan nya eto palagi rito at pinapabantayan nya ang bawat kilos ng mga eto. Kaya ng malaman ni Nicole na ikakasal na sila Vin at Bella ay agad na syang bumalik ng bansa upang pigilan
CHAPTER 166"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Nicole kay Glaiza ng makita nya na lumabas eto sa silid kung nasaan si Bella. Nagulat naman si Glaiza ng biglang magsalita si Nicole."Nicole. Tinulungan ko lamang si Bella dahil nahihirapan sya dahil sa suot nyang damit," sagot ni Glaiza."Tsk. At bakit mo naman sya tinulungan? Dapat lang yun sa kanya na mahirapan sya," iirap irap na sagot ni Nicole."Alam ko naman na galit ka sa kanya Nicole pero tao pa rin naman si Bella," sagot ni Glaiza. Sinamaan naman sya ng tingin ni Nicole napaatras pa sya dahil papalapit na eto sa kanya at grabe eto kung mkatingin sa kanya laking pasalamat naman nya ng linagpasan sya neto pero dumiretso naman eto sa silid kung nasaan si Bella."Wala akong pakialam pabayaan mo syang mahirapan dyan," sabi ni Nicole at saka eto diretsong pumasok sa silid kung nasaan si Bella. Sinundan naman sya ni Glaiza."Hindi mo man lang ba sya pakakainin? Gabi na oh," sabi ni Glaiza sa kaibigan. Dahil kanina pa nandoon si Bell
CHAPTER 167Pagkauwi ni Glaiza sa kanilang bahay ay hindi sya mapakali. Hindi nya alam kung ano ba ang gagawin nya. Gusto nyang tulungan si Bella pero iniisip nya rin naman ang kaibigan nya dahil alam nya na sobra etong nasaktan kaya nagagawa ang mga bagay na eto ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa nya naalala nya kasi ang mga narinig nya kanina sa pag uusap nila Nicole at ng isa netong tauhan."Basta pabantayan nyo sila sa mga tauhan mo roon. Balitaan nyo ako kaagad kung tumawag o may kinakausap sila na pulis doon," rinig ni Glaiza na sabi ni Nicole sa isa netong tauhan."Sige po ma'm. Nakabantay naman po ang mga tauhan ko roon kanina pa. Sabi po sa akin ng tauhan ko ay hindi naman daw po tumatawag sila Vin sa pulis at naghihintay raw po ng tawag ninyo ang mga iyon hanggang ngayon," sagot ng tauhan ni Nicole."Mabuti naman kung ganon," sagot ni Nicole."E ma'm ano po ba ang balak nyo dyan sa babae? Pakakainin ko po ba?" tanong pa ng lalake."Wag na. Mamamatay din nama
CHAPTER 168Sa hotel naman ay naghihintay pa rin ng tawag sila Vin mula sa mga kumuha kay Bella. Kasama pa rin ni Vin ang pamilya nya maliban na lamang kay Vince na pinauwi na muna nila dahil may baby pa na dala ang mga eto. Kumpleto pa rin naman ang mga kaibigan nya na sila Myca, Colleen, Kate, Mark at Ian si Bernard ay nandoon din dahil naging kaibigan nya na rin naman ang mga eto."Vin wala pa rin bang tumatawag?"tanong ni Valerie kay Vin ng lapitan nya eto. Umalis kasi muna sya upang magpalit ng damit."Wala pa rin po Ma," malungkot na sagot ni Vin sa kanyang ina. Napabuntong hininga na lamang si Valerie. Hanggang ngayon ay pala isipan pa rin sa kanila kung sino ba ang dumukot kay Bella. Wala rin naman silang matandaan na may galit sa kanila para gawin ang bagay na eto.Inabot na sila ng madaling araw sa paghihintay. Nakatulog na lamang ang ibang mga kaibigan nya sa paghihintay pero si Vin ay nananatiling gising at umaasa na may tatawag na sa kanila. Maya maya ay may tumawag sa
CHAPTER 169"Anong sabi ng tumawag?" tanong ni Leonard kay Vin pagkababa neto ng telepono."Pinapapunta na nya tayo. Wala daw dapat pulis kung gusto pa nating abutan ng buhay si Bella," sagot ni Vin. "Tugma rin ang address ng sinabi ng kumuha kay Bella sa kausap ko kanina na gusto tayong tulungan," pagpapatuloy pa ni Vin."Kung gayon ay baka nga gusto tayong tulungan ng nakausap mo kanina. Mabuti pa ay kontakin mo sya at sabihin na tinawagan ka na ng mga kumuha kay Bella," suhestyon ni Leonard."Wag na muna Pa. Mamaya na lamang kapag nandoon na tayo," sabi ni Vin."Nagpakilala na ba sya?" tanong ni Valerie."Hindi pa rin po Ma," sagot ni Vin."Ang mabuti pa ay umalis na tayo. Kailngan na nating makarating doon kaagad para mailigtas natin si Bella," sabi ni Valerie. Umalis na rin naman sila ng hotel at agad na pumunta sa address na sinabi ng kanilang kausap.*********"Hello tito," sabi ni Glaiza pakasagot ni Lyndon sa kanyang phone. Tinawagan nya kasi ulet eto dahil hindi na nya kaya
CHAPTER 170Pagkalabas nya roon ay agad na syang nagpunta sa sinabi nya kay Vin kung saan nya aabangan ang mga eto. At oo si Glaiza ang tumawag kay Vin dahil alam nya na bukod sa ama ni Nicole ay matutulungan din sila ni Vin.Pagkarating nya roon ay naghintay lamang sya ng sandali at may tumigil na rin na sasakyan malapit sa pwesto nya. Agad naman na bumaba ng sasakyan nya si Glaiza at lumapit doon.Pagkakita ni Vin sa babaeng papalapit sa kanila ay napakunot na lamang ang kanyang noo dahil parang pamilyar sa kanya ang babae."Parang nakikilala kita," sabi ni Vin ng makalapit na si Glaiza sa kanila."Oo Vin. Kilala mo ako. Ako yung kaibigan ni Nicole," sagot ni Glaiza at nagyuko pa sya ng ulo dahil nahihiya sya kay Vin."Anong kinalaman mo rito? Bakit alam mo na nandito si Bella? Sino ang may pakana ng lahat ng eto?" sunod sunod na tanong ni Vin kay Glaiza."Vin tama na muna ang maraming tanong. Kailangan na kayo ni Bella roon," sagot ni Glaiza."Tinawagan na kami ng dumukot kay Bella