CHAPTER 118Tahimik lamang naman sa byahe ang mag amang Vin at Leonard. Halos kalahating oras rin kasi ang maging byahe nila papuntang simbahan. Magkakasunod lamang din naman ang mga sasakyan nila at nasa hulihan nga ang sinasakyan nila Vin."Sorry anak kung nararanasan mo eto," pambabasag ni Leonard sa katahimikan nila ni Vin. Napalingon naman si Vin sa kanyang ama at hinintay pa nya ang kasunod netong sasabihin."Pasensya ka na anak dahil alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit nangyayari sa iyo ang lahat ng eto ngayon. Sorry anak," hinging tawad ni Leonard sa kanyang anak na si Vin. Simula kasi ng maaksidente si Vin ay binabagabag na sya ng kanyang kunsensya dahil sa naging padalos dalos ang kanyang desisyon na pumayag sa gustong mangyare ni Mr. Sanchez. Hindi nya rin magawang magalit sa kanyang asawa dahil tama naman lahat ng sinasabi neto na kasalanan nya kung bakit eto nangyayare kay Vin. Napabuntong hininga naman si Vin bago nagsalita. "Wala na rin naman po tayong magagawa
CHAPTER 119Nagmamadali naman na pinaharurot ni Sarah ang kanyang sasakyan pagkaalis nya ng bahay nila Bella. Sa pinakamalapit na terminal ng bus sya pupunta. Napakunot naman ang noo nya ng makita nya na biglang nagka traffic."Ano ba naman yan? Bakit naman ngayon pa?" inis na sabi ni Sarah dahil may nagbanggaan at naipit na sya s trapik. Inis na lamang nyang nahampas ang manibela ng kanyang kotse. May napansin naman syang lalake na nakaupo sa tabing kalsada."Kuya magtatanong lamang po. Nagmamadali po kasi ako may iba pa po bang way na pwedeng daanan papunta sa terminal?" tanong ni Sarah sa lalaking nakaupo lamang sa tabing kalsada."Terminal ho ng bus? Dito ho. Lumiko lamang ho kayo diyan tapos ay kakaliwa ho kayo. May makikita ho kayong vulcanizing doon ay kakanan naman ho kayo. Malapit na ho iyon sa terminal ng bus," sagot naman ng lalake. Tila nabuhayan naman ng loob si Sarah dahil may iba pa pala na daan na pwede nyang madaanan papunta sa terminal."Maraming salamat po," sabi ni
CHAPTER 120"Pa ano po ang nangyare?" tanong ni Vince sa kanyang ama matapos nyang makalapit sa kinaroroonan neto. Malapit na sila kanina sa simbahan ng bigla syang tawagan ni Jerry at pinapabalik sila dahil nakabangga raw sila kaya dali dali na syang bumalik para puntahan ang mga eto."Buhatin na muna natin si Vin. Nawalan sya ng malay. Kanina ay para syang namimilipit sa sakit ng ulo at hindi nagsasalita tapos ay bigla na lamang syang nawalan ng malay. Bilisan na natin at dalhin na natin sya sa ospital baka kung mapano pa ang kapatid mo," sagot ni Leonard. Natataranta na kasi talaga sya lalo na ng mawalan na ng malay si Vin kaya hindi na nya alam ang gagawin nya. Dali dali naman nilang binuhat ni Vince si Vin at inilipat sa sasakyan niya para madala na kaagad eto sa ospital.Pagdating sa ospital ay dali dali naman na inasikaso si Vin at agad na pinatawag ang kanyang doktor na sumusuri talaga sa kanya.*********"Miss ayos ka lang ba?" rinig ni Sarah na tanong sa kanya ng isang lalak
CHAPTER 121BELLA POVPinag isipan ko ng mabuti ang naging desisyon ko na umuwi na lamang muna ako ng probinsya. Mas mabuti na siguro eto kesa naman makikita ko ang taong mahal ko na kapiling na ng iba. Masakit man pero kailngan ko na lamang talaga etong tanggapin. Kailangan ko ng tanggapin na hindi talaga kami ni Vin ang para sa isa't isa. Kaya pipilitin kong kayanin na mamuhay na lamang ng mag isa rito sa aming probinsya.Nandito na ako ngayon sa aming probinsya. Ilang oras rin ang aking byinahe para makarating rito. Napabuntong hininga na lamang ako pagkababa ko ng dyip na aking sinakyan. Andito na ako ngayon sa tapat ng aming bahay. Bigla akong nalungkot dahil naalala ko na naman sila nanay at tatay. Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking luha sa isipin na mag isa na naman ako rito idagdag pa na naalala ko na namn si Vin."Bella? Hija ikaw ba yan?" rinig kong tanong sa akin mula sa aking likuran. Dali dali ko naman pinunasan ang aking mga luha at humarap sa nagsalita napan
CHAPTER 122THIRD PERSON POVSa simbahan naman ay inip na inip ng nag iintay sila Nicole sa pagdating ni Vin. Ang nagbabantay sa bahay nila Vin na inutusan ni Mr. Sanchez ay ang sabi ay nakaalis na raw eto kanina pa kaya nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Vin. Halos kalahating oras na ring late si Vin. "Nasaan na ba si Vin? Bakit wala pa rin sya hanggang ngayon?" inis na tanong ni Nicole sa kanyang ama na kasama nya ngayon sa loob ng kotse na sinasakyan nya. Hindi na sya mapakali dahil wala pa nga si Vin gayong dapat ay eto ang mauna sa simbahan."Hindi ko rin alam Nicole. Ang sabi sa akin ng nagmamasid sa bahay nila Vin ay nakaalis na raw eto kanina pa," sagot ni Lyndon sa kanyang anak. Kahit si Lyndon ay hindi na rin mapakali kanina pa sya pabalik balik sa loob ng simbahan para tingnan kung nandoon na ba si Vin."Kung ganon ay nasaan na sya? Ang pamilya ni Vin andyan na ba?" inis na tanong pa ni Nicole."Oo nasa loob na sila Valerie at ang dalawa pa nyang a
CHAPTER 123"Ano ba ang nangyare sayo Sarah?" agad na tanong ni Kendra kay Sarah. Pagkatapos kasi syang tawagan neto ay agad na syang umalis ng simbahan para puntahan eto."Kendra!" sabi ni Sarah ng makita nya si Kendra at napayakap pa sya sa kaibigan nya dahil sobra talaga syang kinabahan kanina. Gumanti rin naman ng yakap si Kendra sa kaibigan dahil bakas sa mukha neto ang matinding takot."It's okay Sarah. Ano ba kasi ang nangyare? Bakit ka nabangga?" tanong pa ni Kendra kay Sarah. Bumitaw naman na si Sarah sa pagkakayakap nya kay Kendra."Pupuntahan ko kasi dapat si Bella. Para sunduin sya para tumutol sa kasal nila Vin at Nicole kaso naipit ako sa traffic kaya naghanap ako ng ibang way. Tapos sa pagmamadali ko hindi ko na napansin pa na may paparating pala na sasakyan kaya nabangga nila ang sasakyan ko," paliwanag ni Sarah kay Kendra."Ano ba naman kasi yang naiisip mo Sarah? Hindi ka na nag iingat e. Pano kung may nangyare sayo ni hindi namin alam dahil kung saan saan ka nagsusu
CHAPTER 124VIN POVNagising ako sa hindi pamilyar na silid. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang aking pamilya na may kanya kanyang mga kausap. Si Mama ay nakita ko malapit sa akin habang kausap si Sarah."Na-nasaan ako?" tanong ko na lamang sa kanila. Pansin ko naman na lahat sila ay napalingon sa pwesto ko. Nakita ko naman na agad na lumapit si Mama sa pwesto ko."Vin anak. Salamat sa Dyos at gising ka na," sabi sa akin ni Mama at hinalikan pa ako neto sa king noo. "Ma nasaan po ako?" tanong ko ulet kay Mama."Nasa ospital ka Vin. Nawalan ka ng malay kanina. Hindi mo ba natatandaan?" sagot sa akin ni Mama. Pilit ko naman na inaalala ang mga nangyare kanina. At ng maalala ko na naaksidente kami at napatingin ako sa mga kasama ko roon at hindi ko makita ang taong hinahanap ko."Nasaan si Bella?" agad na tanong ko. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ng mga kasama ko rito."Vin?" sabi ni Mama. Napalingon naman ako kay Mama ng magsalita eto."Ma nasaan po si Bella? Bakit
CHAPTER 125VIN POV"Kung ganon pala ay pinabayaan na lamang talaga ako ni Bella dahil hindi ko sya maalala," sabi ko na may pagdaramdam dahil ang buong akala ko ay hindi ako iiwan ni Bella dahil mahal nya ako."Hindi totoo yan hijo. Palaging nariyan si Bella para sayo ng mga panahon na hindi mo sya maalala," sagot sa akin ni Mama. "Kung gayon ay nasaan sya? Bakit wala sya rito ngayon?" tanong ko pa sa kanila. Hindi ko naman napigilan pa ang pagpatak ng luha ko sa isipin na pinabayaan na nga ako ni Bella dahil sa hindi ko pala sya maalala."Vin anak makinig ka sa akin ha. Noong mawala ang iyong alaala kay Bella ay palagi syang nasa bahay natin para alagaan at bantayan ka. Kahit na ipinagtatabuyan mo sya ay hindi sya umaalis. Si Bella ang palaging abala para intindihin ka araw araw," paliwanag pa sa akin ni Mama."Kung ganon pala ay nasaan nga sya ngayon? Bakit nga wala sya ngayon dito?" tanong ko pa uli sa kanila."Dahil hindi kaya ni Bella na makita na ikinakasal ka sa iba ngayong a
Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da
CHAPTER 240Isa isa naman na nagsilapit sa kanila ang mga kaibigan nila. At nauna ng lumapit sa kanila ang mag asawang Vin at Bella. "Congratulations sa inyo," bati ni Bella kila Mark at Kate."Salamat," nakangiti naman na sagot nila Mark at Kate sa kanya."Finally hindi na bato ang puso ni Kate," natatawa na sabi ni Bella habang himas himas ang malaki na nitong tyan. Natawa naman si Kate dahil sa sinabi ni Bella."Bro ibang klase ka talaga. Wala ng patumpik tumpik pa. Haha," tatawa tawang sabi ni Vin kay Mark. "Syempre baka makawala pa e," natatawa rin naman na sagot ni Mark kay Vin. Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nilang kaibigan sa kanila."Hoy Mark. Ikaw ha ni hindi mo man lang kami sinabihan. Ang akala namin ay birthday party lang ito. Magpopropose ka na pala," himig nagtatampo na sabi ni Ian kay Mark dahil wala talaga syang kaalam alam tungkol dito kahit na magkasama lang naman sila sa bahay ni Mark."Hindi ko talaga sinabi kaagad sa'yo kasi ang daldal mo. Hahaha," tataw
CHAPTER 239"Hon ang tagal kong hinintay yung araw na sasagutin mo ako. Kaya naman ng dumating ang araw na yun ay sobrang saya ko dahil ilang taon din akong naghintay na mahalin mo rin ako," sabi pa ni Mark habang dahan dahan na humahakbang palapit kay Kate.Nagtataka naman na tinitingnan ni Kate si Mark. Nagpatuloy naman sa pagsasalita nya si Mark."Nung una akala ko wala na talagang pag asa na mahalin mo ako. Muntik na nga akong panghinaan ng loob non e kamuntik na akong sumuko dahil binasted mo kaagad ako noong unang beses na umamin ako sa'yo tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'yo. Pero matapos ang kasal nila Vin at Bella ay naglakas loob ulit ako na manligaw sa'yo kahit pa iniiwasan mo ako palagi pero hindi ako tumigil hanggat hindi kita napapasagot dahil ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito," madamdaming sabi pa ni Mark.Bigla naman nagbukas ang ilaw sa isang parte ng restaurant kaya naman napalingon si Kate roon at ang unang nakita ni Kate ay ang mga kaibigan nya na n
CHAPTER 238Pagdating ng hapon ay sinundo naman na muna ni Mark si Kate mula sa school saka ito hinatid sa bahay nito."Hindi na ako papasok sa loob ha. Mamaya susunduin ulit kita," sabi ni Mark kay Kate pagkatigil ng kotse ni Mark sa harapan ng bahay nila. Napapansin naman ni Kate na parang aligaga si Mark."S-sige," sagot ni Kate. "Mark may problema ba? Napapansin ko kasi na parang hindi ka maapakali e," hindi na napigilan na itanong ni Kate kay Mark. Bigla namang parang natauhan si Mark dahil sa tanong ni Kate."Ha? Wala ito. Wag mo akong pansinin," sagot ni Mark. " Sige na. Aalis na ako. Balikan kita mamaya ha," pagpapaalam na ni Mark kay Kate saka nya ito hinalikan sa noo."Sige. Mag iingat ka. Hintayin kita mamaya," sagot ni Kate."Sige. Bye," sagot ni Mark saka sya kumaway rito bago pinaandar ang kanyang kotse.Umuwi naman na muna si Mark upang magpalit ng damit at mag ayos ng kanyang sarili. Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay agad na rin syang umalis dahil kailangan pa ny