Isang linggo ang nakalipas nang sinabi ni Levi na lilipat na kami doon sa mansion nila. Lagi nalang akong nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba o 'wag nalang."Ingat ka nalang doon, dahil alam naman nating lahat na ayaw sa iyo ng mommy at kapatid ni Levi." Sabi ni Lei saka sinubo ang takoyaki. Bumisita ako sa apartment dahil na-miss ko ang amoy dito. Sabi ko kay Levi dito muna ako matutulog dahil na-miss ko din si Lei. Pumayag naman siya."I know pero para sa kapakanan ng anak ko.""Sana nga hindi sila nagpe-pretend na tanggap nila ang bata.""Lei stop saying negative thoughts!" Sabay kami ni Lei na tumingin sa monitor ng laptop, oo pala magka-video call kaming apat, kasama ni Zy si Andrew na busy sa paglalaro ng ML with matching mura pa."Eh totoo naman kasi. Masama kaya ugali ng dalawang iyon." Lei said, pertaining to Tita and Lexi."Kahit na, diba nga sabi ni Allison na masaya sila nang malaman na babae anak ng kaibigan natin.""Malay mo nagpapanggap lang kasi nasa harapan nila s
"Happy New Year everyone!" Masayang bati ni tito sa amin. Ang New Year theme namin ngayon ay Beige color. May exchange gift na mangyayari at ang nabunot ko si Lexi, as expected she didn't like my gift. Siguro bukas itatapon niya iyon.Ang binili ko for her is her dream sandals, iyon ang gusto niyang bilhin dati pa kaso hindi niya maharap bilhin. 'Yan ang sabi ng kuya niya so binili ko para sakanya.Kung itatapon niya yung dream sandals niya is okay lang sa akin, that's her choice. Wala na akong magagawa pero if she keeps that gift then good for her.Masaya naman silang kasama pero mas masaya ito kapag totoo yung pinapakita nila tita at Lexi sa akin, yung hindi na nila kailangan pang magpanggap na masaya sila na nandito ako, yung tanggap nila ako para kay Levi, yung buong puso nila akong i-we-welcome dito sa bahay nila at sa buhay nila, sa pamilya nila.Nandito kami sa pool area nila, sa may garden habang nag-iihaw ng barbeque sila manang. Ang daming handa, ano pa bang aasahan mo sa pa
Sobrang bilis ng araw dahil unang linggo na agad ng January. Habang patakbo nang patakbo ang oras, palapit na nang palapit ang paglabas ng anak ko. Mas lalo lang akong kinakabahan."Enjoy and spend your remaining days with your daughter and my son," Tita said with her maldita smile. Anong ibig niyang sabihin?"I will po." then she laughed at me. Anong nakakatawa sa sinabi ko?"Well, good luck my future daughter-in-law!" Then she leaves me here in the living room. Pumunta siya sa kwarto niya at patuloy pa din sa pagtawa. Anong problema niya?Did she call me daughter-in-law? Napangiti naman ako doon kasi first time niya akong tinawag ng ganoon. Nagbabagaong-buhay na nga ata sila. Sana magtuloy-tuloy!Nag-ring ang phone ko at si Levi ang tumatawag kaya sinagot ko iyon."Pauwi na ako Wifey baka may gusto kang ipabili?" "Ahm ano graham lang, Hon.""Iyon lang?""Yup. Thank you!""Noted! Bye!"I was about to say 'I love you' pero binaba niya na agad ang tawag. Napangiti nalang ako ng mapait
Nagising ako sa ginagawa ni Levi, alam niyo ba kung ano ang ginagawa niya? Kinakausap niya lang naman ang anak namin kahit na nasa tiyan ko pa. I smiled at hinayaan nalang siya na kausapin ang baby namin. Hindi niya pa nararamdaman na gising na ako."Hi baby kapag lumabas ka, ako dapat ang unang magbubuhat sa iyo. Saka kapag naging dalaga ka, gusto ko huwag ka muna mag-boyfriend kasi gusto namin ng mommy mo na makapagtapos ka muna ng pag-aaral mo.""Ilan ba gusto mong kapatid? Gusto mo ba ng tatlo o lima? Kaso baka mahirapan manganak ang mommy mo kaya siguro pwede na ang dalawa lang.""Huwag mo naman hilingin muna na masundan si Thea, Levi!" Singhal ko at dahan-dahan tumayo. Mukhang nagulat pa nga siya sa biglaang pagsalita ko."Ilan ba gusto mong anak, Wifey?" He asked. Nilapitan niya ako at isinukbit ang kamay sa braso ko saka siniksik ang mukha sa leeg ko, inamoy-amoy pa iyon. Kung ako ang masusunod, gusto ko dalawa lang."Dalawa, tapos babae at lalaki." Sagot ko. 'Yan ang dream ko
"Not yet, Manang! Hindi ko sila ma-contact. Nakapatay ang phone ni kuya and sila dad busy! Ring lang nang ring! Damn it!" Pati si Lexi hindi alam kung ano ang gagawin. Type lang siya nang type sa phone niya, nagbabakasakaling may sumagot sa mga tinatawagan niya.Napapikit na ako sa sakit habang si Manang ay panay ang sulyap sa akin at sa kalsada na tinatahak namin. Gabi pa naman ngayon kaya traffic! Feeling ko lalabas na talaga ang anak ko."Kaunting tiis nalang anak malapit na tayo sa hospital!" Aligaga na sabi ni Manang. Pinupunasan niya yung tagaktak na pawis ko kahit malamig dito sa van."Answer the phone please!" Rinig ko pa din na sabi ni Lexi. Levi nasaan ka na ba?! Manganganak na ako! I need you! Hindi ko ito kaya ng ako lang ang mag-isa!Please! Sagutin mo na ang tawag ni Lexi, nagmamakaawa ako!Nakarating na din kami sa hospital at inalalayan ako ng mga Nurse at pinaupo sa wheelchair. Tinakbo nila ako emergency room at pinahiga doon. Sinamahan ako ni Manang at naiwan naman s
Allison's POV "I want a perfect mother!" Sigaw ni Althea sa akin at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig. Sumama siya sa ibang babae, hindi ko maaninag ang mukha niya. Sino siya? Bakit niya kukunin ang anak ko?Pinilit kong tumayo pero masyadong malakas ang pagkakabagsak ko sa sahig at mukhang nabaliaan ata ng buto sa paa ko. Tanging pag-iyak at pagmamakaawa lang ang nagagawa ko."Althea huwag mong iiwan si mommy! Please! I'm begging you, anak! No!" Pagmamakaawa ko sakanya dahil hindi ko kakayanin na kunin sa akin ang anak ko. Walang dapat makakuha sa anak ko! Hindi ko kakayanin."Mamatay kana!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa sinabi ni Althea sa akin, sinabi ng anak ko iyon. Sa mismong harapan ko. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng paghinga ko. Parang may humahabol sa aking mga kabayo.Buti nalang panaginip lang iyon kasi kung hindi iyon panaginip, hindi ko alam ang gagawin ko. Mababaliw ako.Nasaan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko? Inilibot ko ang aking
"W-Walang Levi, Walang Althea. Iniwan ka na nila. Umalis na sila ng bansa at tinangay nila ang anak mo.""A-Ano bang pinagsasabi mo dyan, Lei?" Natatawa kong tanong sakanya. Huminga siya nang malalim at napapikit. Nilibot ko ang aking paningin sa mga taong nandito sa room ko. Si mama na pinipilan ang luha pero mababakas doon ang galit at awa. Si ate na ngayon ko lang nakita na umiiyak, si Gail na ang lungkot ng mukha. Si Andrew at Zy na handa nang manuntok dahil sa kamao nila."B-Bakit naman magagawa ni Levi iyon eh mahal na mahal niya ako. Nagsisinungaling ka lang, Lei." Tumulo yung luha sa kaliwang mata ko pero agad ko din itong pinunasan. Bakit naman gagawin sa akin ni Levi iyon. Ramdam ko na mahal na mahal ako ni Levi, at nagsisinungaling lang si Lei."Tita, tama na po!" Sabi ni Gail pero hindi ko pinansin. Nakatuon ang pansin ko kay Lei na hindi alam kung ano ang gagawin."Lei bawiin mo yung sinasabi mo, alam kong ayaw mo kay Levi kaya hindi nakakatuwa yung mga sinasabi mo! Wala
Napaupo na ako dito sa harap ng gate, hindi pa din kami umaalis kahit na ilang beses na akong pinagsasabihan ni Andrew na umalis na kami. Walang aalis hangga't walang Althea.Hindi ko iiwan ang anak ko dito sa mansion. Anak ko iyon eh!"Althea, anak ko. Nandito na ang mommy. H-Hindi ako aalis hangga't hindi kita nakikita, nahahagkan, nahahalikan. Althea anak ko! Levi, huwag niyo niyo naman gawin sa akin ito oh! Nagmamakaawa ako ibigay niyo naman na sa akin ang anak ko. LEVI LUMABAS KA DYAN! TITA ILABAS NIYO NA ANG ANAK KO!"Mas lalo lang akong niyakap ni Andrew habang ako iyak nang iyak. Mas lalo niya din akong pinapatahan pero hindi effective."A-Andrew yung anak ko, yung anak ko bakit nila inilayo sa akin? A-Anak ko iyon, diba? B-Bakit?! Ano bang ginawa ko sakanila? Althea, anak ko nandito na ang mommy hindi ako aalis dito! ALTHEA!!""Allison please kailangan na nating bumalik sa hospital. Mabibinat ka nito. Kailangan mo ng magpahinga." Sabi ni Andrew. Bigla kong pinunasan ang mga l
Chapter 42 Mabilis din naman natapos ang araw at dinagsa nga kami ng mga customer kanina kaya worth it ang pagod. Mas maganda ang maraming customer kasi mas malaki ang income namin. Yung iba nagre-rent ng gowns dito sa shop at yung iba nagpapa-design ng gowns and their clothes. May customer nga ulit kami ni Amy eh. After namin maibigay kay Boss yung sketch namin ay masaya naman siya, maaga niya din kaming pinauwi.Pumunta kami sa lugar kung saan laging tumatambay ang boyfriend ni Amy. Nag-order muna kami ng pagkain at wine para kahit papaano may thrill ang paghihintay namin dito. Uhaw na uhaw na din ako kaya wine ang iinumin namin. Kwentuhan moments muna kami ni Amy hanggang sa umayos siya ng upo at sumenyas na nakita na niya ang boyfriend niya, 'di kalayuan sa pwesto namin. Hindi naman kami basta-basta makikita kasi nandito kami sa loob ng restaurant at ang boyfriend niya nasa labas. Halatang may hinihintay."Huwag mo lalapitan, hintayin natin na dumating yung taong hinihintay niya
"Ang sipag mo naman!" Sabi ng nakarating na si Amy. Kahit dito ba naman sa trabaho magkasama pa din kami. Sinundan ba naman ako ng lokang ito. Accounting kinuha naming course pero ang bagsak namin dito sa pagiging Fashion Designer."Ganyan talaga kaya idadamay kita sa kasipagan ko." Sambit ko habang nag-do-drawing ng gown. May customer kasi akong magde-debut next year at kailangan ko talagang mag-focus sa paggawa ng gown niya. I need to finish it para na rin makapag-start na for making this gown. Syempre bago iyon, ipapakita ko muna sa kanya if she's satisfied or what then saka na ako mag-proceed sa pagtatahi."Yes! Need ko 'yan kasi hindi ko pa tapos yung ginagawa kong gown." Sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya sa table niya. Ang kalat kasi ng table niya kapag nagmamadali siya sa mga bagay-bagay."Tapusin mo na 'yan at nang may mai-present ka na kay Boss." Sambit ko saka mariing tinignan ang gawa ko. It's a simple gown, off shoulder then heart shaped siya since iyon ang gusto
"But you still love him?" He asked again. Kunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit siya ganito? Bigla-bigla siyang nagtatanong ng ganoon?"I don't love him anymore, Andrew. Kung may nararamdaman man ako sa ex ko, iyon ang galit. Galit dahil tinago nila sa akin ang anak ko. If you're still asking me about my feelings for him? Wala na, hindi ko na siya mahal at hinding-hindi ko na siya mamahalin pa. For what? para masira na naman ako, I will never do that again. Never again. I love myself more than anyone else.""I'm so proud of you, Allison." Hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Andrew dahil sa sinabi ko. Even I, I'm so proud of myself dahil hindi na ako yung marupok na Allison. Na isang sorry lang ni Levi, bibigay na agad ako. Hindi na ako yung dating Allison na mahina, dahil ayoko nang maging talo. Ayoko nang umiyak ng umiyak. Pagod na ako kakaiyak noon, kaya I need to change para sa sarili ko.Pain changed me at nagpapasalamat ako sa mga taong nanakit sa akin dahil natauhan na ako. Mas n
"Allison?" Sa lahat ng boses na narinig ko, ito lang ang kinaiinisan ko. Ang boses ni Dianne. Ang boses ng taong kinaiinisan ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa dalawang tao na nandito ngayon sa event ng Lolo ni Andrew.Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito?"Nice to meet you again, Allison." Malanding sabi ni Dianne at nakita ko ang paggapang ng kamay niya sa braso ni Levi. Napataas ang kilay ko doon, as if naman na maglulumpasay ako sa selos dahil sa ginawa niya. Ulol! Sakanya na si Levi! Isinuka ko na 'yan matagal na!Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Andrew. Siya ang nasa unahan ko ngayon at hinawakan niya ang kamay ko, agad naman iyong napansin ni Levi kasi ang paningin ko ay nasa Ex ko kaya nakita ko ang paggalaw ng mata niya papunta sa mga kamay namin ni Andrew. Napangisi ako doon."Bakit kayo nandito?" Tanong ni Andrew sakanilang dalawa, natawa naman si Dianne doon. Tahimik pa din si Levi at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya at kahit mabasa
Si Althea na ba iyon? Ang laki na niya. Nandito na ang anak ko, kailangan ko siyang makita, kailangan ko na siyang kunin. Hindi ko na sila naabutan pa, saan na ba sila? Bakit ang bilis nilang mawala sa paningin ko?"Althea!" Sigaw ko. Pinagtitinginan lang ako ng mga tao dito sa tapat ng convenience store. Nilibot ko ang paningin ko baka nagtatago lang sila pero wala."Allison!" Rinig kong tawag ni Andrew kaya lumingon ako sakanya. Tumakbo ako papunta sakanya saka siya niyakap. Mukhang nagulat naman siya doon pero sa huli niyakap niya din ako pabalik nang humikbi na ako. Hinimas niya ang likod ko, pinapatahan ako.Nag-stay kami sa ganoong posisyon hanggang sa tumahan na ako. Bago niya ako bitiwan ay hinalikan niya muna ang gilid ng noo ko saka ako tuluyang bitawan. He held my face, tinitigan ang mukha ko."What happened?" He asked. Nag-aalala ang mga mata niyang tumingin sa akin."I saw her. Si Althea, nandito siya Andrew." Luminga-linga ako habang hawak pa niya ang mukha ko."Baka nag
"Ma, tulong! Ma! Tulungan niyo po ako!" Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga dahil sa malakas na boses, babaeng humihingi ng tulong. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Si Althea ba iyon? Bakit siya humihingi ng tulong? Bakit parang takot na takot siya? Bakit siya umiiyak?Ang anak ko, kailangan ako ng anak ko. Althea, nasaan ka ba?Halos mag-iisang taon na ang nakalipas, next week na ang birthday ni Althea. Ang bilis ng panahon. Kung saan-saan ko siya hinagilap, hindi pa din ako tumitigil pumunta sa mansion nila, nagbabakasakali na nandoon sila pero wala pa din.Pumupunta din ako sa kompanya nila, nagbabakasali din na nandoon sila Levi. Hintayin niyo lang ako, Levi kukunin ko si Althea sa inyo.Nagta-trabaho pa din ako sa coffee shop nila Andrew at pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko, ito final exam na for first sem. Kinakaya ko naman ang working student, sanay naman na ako dati pa. Estudyante sa maghapon, at bago pumasok sa coffee shop didiretso m
"Allison hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Julie, yung katrabaho ko dito sa coffee shop. Mag-overtime ako ngayon kasi kailangan kong kumayod nang kumayod. Nag-iipon ako ng pera para makapunta sa Italy, kung nandoon nga ang anak ko."OT ako ngayon." Sambit ko sakanya. Napailing nalang siya sa sinabi ko at kinuha niya ang mga gamit niya na nilagay kanina sa table malapit sa akin."Ang sipag mo talaga kaya wala ka pang nagiging jowa dahil wala kang time." Napatawa nalang ako sa sinabi niya saka ko pinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape ng customer.Six in the afternoon na kaya dagsaan ang mga customer dito sa shop. Maraming mga estudyante ang pumupunta dito lalo na't katapat lang ng shop ang University. Halos lahat ng College Students need ng kape, pampagising ng diwa nila."Nako, hindi ko kailangan 'yan, Julie. Trabaho at kape ay okay na sa akin." Hindi ko kinwento sakanya na may anak na ako o may ex-boyfriend. Hindi ako pala-kwento sa buhay lalo na kapag bago lang kaming magkakilala.My li
Monts passed at hanggang ngayon wala pa ding balita kung nasaan ang anak ko. Everyday akong nag-iisip kung okay lang ba siya? Kung tinitimplahan ba siya ng gatas? Kung naaalagaan ba siya ng mabuti? Binibigyan ba nila ng maayos na higaan ang anak ko. Nakakatulog kaya siya ng maayos kung saan man siya naroroon? Althea dinala kita sa sinapupunan ko ng nine months pero hindi naman kita nakita nang pinanganak kita.Ipinagkait agad nila sa akin na maging Ina sa iyo, na mahalin ka, alagaan ka, mahagkan ka. Anak ko, sana magkita na tayo dahil gabi-gabi ako umiiyak, gabi-gabi ako humihiling na sana... sana magkita na tayo at sana magbago na ang daddy mo at ibigay ka sa akin. Miss na miss na kita anak.Kung alam ko lang na mangyayari ito, edi sana hindi ko nalang sinabi sa dad mo na buntis ako, na magkakaroon kami ng anak. Hindi ko naman alam na mangyayari ito kasi pinaramdam sa akin ni Levi na mahal na mahal niya ako, na masaya siya dahil magkakaroon na tayo ng masayang pamilya dahil dumating
"Ma'am hindi po kayo pwedeng tumapak dito." Sabi ng guard dito sa kompanya nila Levi. Napansin ko din na bago lang itong guard. Pero ayaw kaming papasukin sa loob."Anong hindi pwede? May kakausapin lang kami!" Sabi ko sakanya kahit na pilit niya kaming tinataboy. Pinagtitinginan na nga kami ng mga empleyado dito sa labas. Pati ba naman dito ayaw kami papasukin? Masyado na ba silang takot na baka makuha ko ang anak ko? Malamang kailangan nilang matakot kasi hindi talaga ako papayag na sa puder nila lumaki ang anak ko."Si Levi ba ang nag-utos na huwag kami papasukin?!" Tanong ni Andrew. "Nandiyan ba yung magaling mong amo?" "Sir hindi po talaga kayo pwedeng pumasok dito, ako po ang malalagot. Ayaw ko po sana mawalan ng trabaho." Bakas sa pagmumukha ng guard na sinusunod niya lang ang utos sakanya ng mga amo niya. Alam ko naman iyon pero kakausapin lang naman namin si Cianne, yung secretary ni Levi."Manong maawa na po kayo, saglit lang naman po kami. May kakausapin lang naman po kami