KAHIT alam niya mali na makatabi niyang matulog ang kanyang ex-boyfriend, hindi ito magawang itaboy ni Jillian. Gusto rin kasi niyang makasama ito kaya habang may pagkakataon pa, nagpapakasawa na siyang titigan ito. Hindi rin siya tumututol kapag hinahalikan at niyayakap siya ni Lance. Salamat na nga lang at hindi na humihiling pa si Lance ng higit pa roon dahil baka tuluyan na siyang magtaksil kay Mark Wayne.
"Kung nahihirapan ako, alam kong mas nahihirapan ka."
Ang lakas ng kanyang pagsinghap nang marinig niya ang boses ni Lance. Hindi niya akalain na gising pa ito. Bigla tuloy siyang nahiya kaya agad niya itong tinalikuran saka siya pumikit. Ngunit, paano pa siya makakatulog kung alam niyang umiba ng puwesto si Lance tapos naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang balikat?
Kung hindi lang niya napigilang ang sarili, talagang mapabubulalas siya ng mahabang-mahabang 'ohhh'. Naramdaman na naman kasi niya ang mistulang kuryenteng nanulay sa kanyang
"IINOM ka na lang ba diyan sa halip na hanapin mo ang asawa mo?" sarkastikong tanong sa kanya ng isang babae. Napahinto sa pagtungga ng alak si Mark Wayne dahil talaga namang napaisip siya sa tanong nito. Kaya, matapos niyang titigan ang bote ng alak na tinutungga niya, lumipad na ang tingin niya sa may-ari ng boses. Nang matitigan niya ito'y kumunot ang kanyang noo. Hindi nga niya ito kilala pero pamilyar naman ang mukha nito sa kanya. "I'm Bianca Francisco," nakangiti pa rin nitong pagpapakilala sa kanya. Matamis na matamis ang ngiti nito sa kanya na para bang gustong makuha ang kanyang loob pero tiyak naman niyang ang ngiting iyon ay hindi dahil sa gusto siyang akitin. Dahil kung sakali ngang ganoon lamang ang plano nito, hindi ito magtatagumpay. Kahit duda niya'y nasa piling ni Lance si Jillian ngayon, wala siyang planong gumanti kay Jillian. Alam niyang hindi siya nito pagtataksilan dahil buung-buo ang tiwala niya rito. Ka
"APPLE..." sabik na bulalas ni Jillian nang makita niya ang anak. Miss na miss ma ito kaya naman hindi niya napigilan ang tumakbo. Ngunit, natigilan siya nang tumingin ito sa kanya. Puno ng pagdaramdam ang mga mata nito. "Hindi mo na ba ako mahal?" tanong nito. Sa klase ng tanong nito ay parang dinurog ang kanyang puso. Damang-dama niya ang hinanakit nito. Gusto niyang sabihin na mahal na mahal niya ito pero hindi niya magawa. Parang nawalan siya ng boses. Saka, hindi rin niya alam kung paano siya magpapaliwanag dito. Kinidnap siya ng ama nito at hindi niya alam kung paano siya tatakas. Ngunit, parang tinutukso siya ng isang bahagi ng kanyang isipan. Sabi nito, kapag gusto'y mayroong paraan. Talaga lang marami siyang nahahagilap na dahilan dahil gusto niyang makasama si Lance. "Kawawa naman kami ni Daddy," wika nitong matalim na matalim ang tingin sa kanya. Sukat sa
SABI ni Jillian ay masamang-masama ang kanyang pakiramdam kaya naman hindi mapigilan ni Lance ang mataranta. Kahit naman parang normal lang naman ang temperatura ni Jillian, hindi niya maiwasan ang labis na mag-alala. Nangangalumata naman kasi talaga ito kaya naisip niyang nasa loob ang sakit nito.Para tuloy gusto na niyang murahin ang kanyang sarili. Ang inisip lang kasi niya ay gusto niyang makasama si Jillian. Nais niyang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan kahit alam niya namang mali dahil may mga taong masasaktan. Kaya lang, talagang mahirap kalabanin ang pusong labis na nagmamahal."Shit!" bulalas ni Lance dahil wala siyang gamot na mahagilap. Gusto sana niyang maghagilap ng tulong pero ayaw niyang may makaalam ng lugar na ito. Kaya naman, binalingan niya si Jillian. "Okay lang ba kung iiwan kita sandali?""Saan ka pupunta?""Bibili lang ako ng gamot sa Bayan.""Wala bang masamang loob dito?" nag-aalala nitong tanong.
MAHAL ni Jillian ang kanyang pamilya kaya dapat lamang na si Mark Wayne ang kanyang piliin, kahit pa alam niyang kay Lance siya magiging maligaya. Talaga naman kasing may mga pangyayari sa ating buhay na hindi na natin magagawa pang baguhin kung ano ang pinili nating desisyon.Ang tatlong araw na magkasama sila ni Lance ay sapat ng alaala na babaunin niya habambuhay. Sa ngayon ay kailangan na niyang bumalik sa piling ng kanyang pamilya. Tiyak niyang masyado ng nag-aalala sa kanya sina Mark Wayne at Apple. Tiyak din niyang sobrang sakit ang nararamdaman ngayon ni Mark Wayne at dalangin niya na kahit nawala siya ng ilang araw ay hindi nito iisipin na pinagtaksilan niya ito.Hindi nga ba?Maaaring wala siyang ginagawang 'milagro' sa piling ni Lance pero sa puso't isipan niya ay okupado na ng kanyang ex-boyfriend. At alam niya, hindi magtatagal ay bibigay na pin ang pagpipigil niya kung hindi pa siya aalis. Pakiwari niya ay mas nadadagdagan l
LAKAD...lakad...lakad... Shucks, hindi napigilang sabihin ni Jillian dahil pakiramdam niya'y isang malaking kahangalan lang ang kanyang ginagawa. Ang buong akala niya kasi kapag umalis siya sa bahay ni Lance ay tuluyan na siyang makakatakas. Ngunit, paano naman mangyayari iyon kung wala na siyang lulusutan para magawa iyon? Gubat ang kanyang pinasok at kasabay ng reyalisasyon na iyon ay naisip din niyang may panganib na ihahatid iyon sa kanya. Kaya naman ngayon ay gusto na niyang huminto at bumalik na kay Lance. Maaari ngang magalit ito sa ginawa niya pero sa palagay naman kasi niya ay iyon ang tama niyang gawin. Pamilyado siyang tao kaya hindi dapat si Lance ang kanyang kasama. Kahit pa sabihing ito ang mahal niya. Ngunit, nang lumingon siya sa kanyang pinanggalingan ay parang biglang nanlaki ang kanyang ulo. Hindi na rin kasi niya alam kung saan siya galing dahil may apat palang lagusan doon. Kaya, hindi na niya alam kung saan siya
ILANG sandaling natulala si Lance nang rumehistro sa kanyang isip ang isang katotohanan. May amnesia si Jillian.Nang imulat kasi nito ang mga mata ay wala siyang makitang galit o kaya takot. Sa halip, ang nasilayan niya roon ay pag-ibig. Kumikislap kasi na para bang christmas light ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Ganoong-ganoon ang mga mata ni Jillian nu'ng magkarelasyon sila.It's my Lance, iyon na ulit ang tawag nito sa kanya kaya hindi niya talaga napigilan ang ma-excite. Matagal na kasi niyang pinananabikan na muling marinig ang pagtawag sa kanya ni Jillian sa endearment na It's my Lance."Bakit natulala ka riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya."Hindi lang talaga ako makapaniwala na kasama na ulit kita." Kung hindi lang niya napigilan ang sarili ay baka napaiyak na siya. Kahit naman kasi lalaki siya, hindi niya kontrol ang emosyon kung si Jillian ang sangkot.Mahal na mahal niya si Jillian. Nang m
MAAARI ngang wala siyang maalala pero naniniwala si Jillian sa mga sinasabi sa kanya ni Lance. Dama naman kasi niyang mahal niya ito kaya naniniwala siya na asawa siya nito. Napangiti tuloy siya sa kaisipang nakakalimot ang utak pero hindi ang puso.Kaya, bilang asawa ay dapat niya itong asikasuhin ng husto at ibigay mga pangangailangan nito. At hindi naman niya mapigilan ang labis na masiyahan dahil kitang-kita niyang sobrang naa-appreciate ng kanyang asawa ang kanyang ginagawa. Lagi tuloy siyang nakatatanggap dito ng mahigpit na yakap at maiinit na halik na siyempre, tinutugon naman niya rin ng buong alab. Gayunman, hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit parang pinipigilan ni Lance ang sarili na may mangyari sa kanila."My Beloved!"Napapitlag siya sa sigaw na iyon ni Lance. Para kasing
TULAD noon, hindi pa rin magawang iwanan ni Lance ang labi ni Jillian. Para naman kasi iyong honey na hindi niya kayang pagsawaan kahit na magka-diabetes pa siya. At ganoon din naman si Jillian, hindi nito magawang pigilan ang nararamdaman nito. Buong alab nitong tinugon ang kanyang halik."I love you," hindi niya napigilang sabihin nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Mula noon hanggang ngayon, tanging si Jillian lang ang sasabihan niya ng mg katagang iyon.Matagal muna siyang tinitigan ni Jillian bago nito sinabi sa kanyang, ""I love you too."Kahit na lalaki siya'y gusto niyang maiyak sa salitang iyon ni Jillian. Alam niya kasing iyon talaga ang nilalaman ng damdamin nito. Na talagang mahal siya nito. Hindi na kasi nito nagagawang isipin ang tama at mali dahil wala sa alaala nito si Mark Wayne at ang alam ni Jillian, sila ang mag-asawa.Alam niyang kapag bumalik na ang alaala ni Jillian
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama