Gigil na tumayo si Alaric at hinigit ang braso ni Margarita."Bakit may media, Margarita? Ano na namang pakulo ito? And f*ck with your fake pregnancy!" madiing bulong niya sa dalaga.Sinilip nito ang likod. Naroon nagkukumpulan ang mga reporter sa likod at sa malamang na kumukuha na ng video at larawan nila. May salamin na harang pero transparent naman. "Shoo them away and take back what you said!" mariin niyang utos.Umirap ito pagkaraan ay ngumisi, "Ayoko nga. Let them spread fake news para wala kang dahilan na takbuhan ako."Mariin siyang pumikit. Pagmulat ng mga mata niya ay malamig niya itong tiningnan, "Matagal na tayong hiwalay, Margarita. It's been five years already. Bakit ba pilit mong sinasabi sa media na tayo pa rin? Why? Takot ka bang maamoy nila ang mabahong tinatago mo—""Shut up, Alaric! Gusto mo bang lumaki ang anak mo ng walang ama?" Humikbi ito na kinamura niya.Nainis siya sa galing nitong umarte at kahit sinong manonood ay mapapaniwala nito."Stop with your drama
Kumuyom ang kamao ni Yvonne sa tanong ng reporter o paparazzi yata iyon. Ramdam niya rin ang tensyon at malamang na gigil ni Alaric matapos humigpit ang yakap nito sa kanya. Pinagdadamot ang pagmumukha niya sa camera.Gusto niya ngang ipagsigawan na asawa siya at hindi kabit pero hindi siya tanga para gawin iyon. Malaking eskandalo iyon kapag ginawa niya, baka pati negosyo niya ay madamay."Sir, bakit hanggang ngayon wala pa rin po kayong petsa ng kasal?" tanong ng babaeng reporter."Totoo po bang may nabuntis kayong ibang babae?" dagdag pa nito.Napapikit si Yvonne sa narinig. Puro na lang buntis ang nakakabit sa pangalan ni Alaric. Halatang babaero ito."Stop it! All of those are lies and fakenews! Subukan niyo rin na ilabas sa TV o kahit saang social media ang nakuha niyo rito at lahat kayo ay mawawalan ng trabaho! Pati kumpanya niyo idedemanda ko!" mabagsik nitong sigaw bago siya giniya papasok ulit sa coffee shop niya.Agad siyang pumiglas pagpasok. Ayaw niyang makita ni Nina na
"You know each other?" tanong ng isang Ginang dahilan upang dumapo roon ang tingin ni Yvonne.Nanlamig siya bigla sa klase ng mataray na tingin nito. Sa klase ng itim na suot nitong elegante ay ito ang asawa ng ama niya. Doon naman dumapo ang tingin niya sa kabisera. Nahigit niya ang hininga matapos makitang nakatingin sa kanya ang pares ng berdeng mga mata. Ngunit imbis pagkilanlan ang tingin nito ay tila wala lang itong pakialam. Malamang dahil hindi naman sila magkakilala talaga.Gusto niyang maluha. Iba pala sa pakiramdam kapag nakita mo na ang tunay mong magulang. Iyon nga lang hindi ka makalapit dahil hindi ka naman niya kilala. Parang gusto na lang niyang tumakbo noon at yakapin ito, umiyak sa bisig nito at ikwento ang buhay niya. Tila pinipilit ang puso niya sa biglaang emosyon pero kailangan niyang ikalma ang sarili.Tumikhim siya at tipid na ngumiti sa Ginang bago binalingan si Margarita na naka-abang din sa sagot niya."Uhm, Sir Alaric is our regular customer. Tsaka di ba p
Mabilis pa sa alas kwatro na pinagdikit ni Yvonne ang mga hita niya. Pilit niya ring tinulak si Alaric upang hindi matuloy ang balak nito. Natuto na siya, hindi na siya magpapadala rito dahil sabi nga ni Nina, kahit posteng may palda papatulan nito."Tss. Huwag kang nang-aaway kung ayaw mo namang hindi makalakad bukas," bulong-bulong nito bago lumayo at umupo sa driver seat. Agad din nitong pinaandar ang sasakyan at sumibat paalis doon.Nag-init ang mga pisngi niya sa bulong nito, "G*go ka talaga," hindi niya mapigilang sagot."What are you doing there? Close kayo ni Margarita?" pag-iiba nito sa usapan pero ramdam naman niyang may disgusto sa tono nito.Humalukipkip siya't sumandal sa bintana, "Sabi niya ay ilalakad niya ako bilang modelo," tipid niyang sagot.Hindi naman niya pwedeng sabihin na kapatid niya ito at nandoon sana siya para umamin. Tiyak na baka pati siya ay kagalitan nito."Don't accept that. Don't accept any help from her," malamig nitong bigkas pero ang tingin ay tuto
Dampi lang ang ginawad na h*lik ni Yvonne. Hindi pa siya marunong ng mas marubdob. Kinabahan pa siya dahil hindi naman nagsalita si Alaric noong maghiwalay na ang mga labi nila. Pero pag-angat ng tingin niya ay nagbabagang abuhing mga mata ang nakatitig sa kanya.Napalunok siya't wala sa sariling inalis ang pagkakahaplos niya sa mukha nito."S-orry, hindi pa ako masyadong marunong hum*lik," nahihiyang usal niya.Napaiwas siya ng tingin noong nakatitig pa rin ito sa kanya. Kinagat niya ang labi. Hindi ba nito nagustuhan ang h*lik niya?"Oh my virgin lips," wala sa loob na bigkas ni Alaric.Literal na napaharap siya rito nang may nanlalaking mga mata. Linya niya iyon!"Hindi virgin ang mga labi mo, Alaric," pagtatama niya pero nakatitig pa rin ito sa kanya."Hindi na dahil hin*likan mo ngayon," pagrarason nito, "Panagutan mo ko, Misis Castellanos. Mabubuntis yata ako este makabubuntis yata ako," bulong nito.Dumiin ang kagat niya sa kanyang ibabang labi. Umapoy ang mga pisngi niya sa n
Sumisilip na ang haring araw noong magising si Yvonne. Naghikab pa siya ngunit natigilan matapos maalalang wala siya sa apartment niya. Oo nga pala't nasa private resort sila ni Alaric at ramdam niya ang h*bad nitong katawan sa kanyang likod. Imbis na mataranta at magmadaling tumayo ay hindi siya kumilos. Nanatili siyang nakahiga habang nakayapos ito sa kanya.Nag-init ang mga pisngi niya matapos maalala ang kagabi. Talaga bang sa labas nila ginawa iyon? Wala naman sigurong nakakita o nakarinig sa kanila di ba? Umulit pa sila sa loob ng kwarto. Parang gusto niyang tumili pero pinigilan niya ang sariling gumawa ng ingay lalo pa't tulog na tulog si Alaric. Ang malapad nitong kamay ay nasa tiyan niya at ang binti nito ay nakadantay sa hita niya. Namula ang mga pisngi niya lalo pa't ramdam na ramdam niya ang medyo mainit nitong katawan sa kanyang likuran.Huminga siya nang malalim. Natutok pa ang tingin niya sa braso nitong ginawa niya yatang unan. Parang kumakaway sa paningin niya ang pa
"Alaric! May asawa kang tao! Lumabas ka riyan!" sigaw muli ng babae at mukhang nanggigil na sa hindi nila pagbubukas ng pinto.Magtatanong pa sana siya kung sino ba ang babaeng iyon at mga lalaki. Kaya lang ay linapitan siya ni Alaric at binihisan ng t-shirt at boxer shirt nito."See? Alam nila. Hindi kita kailangang itago. By the way, those are my brothers and my sister-in-law," paliwanag nito.Napanganga lang siya lalo at hindi makasagot. Kinakabahan siya kung paano siya haharap sa mga ito. Nakahihiya lalo pa't hindi matino ang suot niya. Napayakap siya sa katawan niya. Wala pa siyang bra tapos ay haharap siya sa mga kapatid nito?! Gosh!"Alaric! Open this d*mn door! I will never tolerate cheating!" ani pa ng mas malalim na boses ng lalaking mas may awtoridad yata.Nanlamig siya't talagang pinagpawisan. Bakit parang nakakatakot ang mga kapatid nito?Inis na ginulo ni Alaric ang sariling buhok nito at namewang paharap sa pinto. Hindi pa nito iyon binuksan, maaaring inisip ang desisyo
"Shut up, Apollo!" magkapanabay na singhal ni Alaric at Aldo kay Apollo. Parehas pa na tiningnan nang matalim ng dalawa si Apollo."What? I'm just stating a fact. Totoo namang gusto ni Addison si Alaric," anitong nagtaas ng dalawang kamay."Tss. Idiot, shut up. You're making her jealous," may bantang bulong ni Aldo kay Apollo.Jealous? Sino? Siya? At bakit naman siya magseselos, aber?!Napaiwas ng tingin si Yvonne matapos matantong siya nga ang tinutukoy ni Aldo. Dumapo ang tingin niya sa hita niya noong dumapo roon ang mainit na palad ni Alaric. Walang sabing inalis niya iyon sa takot na mapansin ng iba."F*ck! Help me," anito sa mga kasama nila na akala mo naman ay nahihirapan."May dragon na magbubuga ng apoy," dagdag pa nito na kinalaki ng mga butas ng ilong niya.Siya ba ang tinutukoy nito? Dragon ang tingin nito sa kanya?Nagsalubong ang mga kilay niya at nahiya sa mga kasama. Agad niyang siniko nang malakas si Alaric."Pinagsasabi mo?" kunwaring bulong niya. Tinamisan niya pa
"Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin
"I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin
"Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k
Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw
"G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta
Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig
"A-no bang pinagsasabi mo, Alaric? P-aanong kasal pa tayo?"Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ayaw na nitong sumagot. Pilit siya nitong pinapatulog. Paano naman siya makatutulog kung ganoon ang sinabi nito kanina?"Just sleep, Yvonne—""The f*ck, Alaric? Tingin mo ba makatutulog ako ngayon?!"Hinila niya ang buong kumot para ibalot sa katawan niya. Walang pakialam kahit pa mangisay sa lamig ng aircon si Alaric."Hind ako nakikipagbiruan, Alaric. Ji-no-joke time mo ba ako?""Just don't marry that Connor guy."Napatawa siya nang mapakla. Gusto niyang maiyak bigla. Sayang lang ang pag-alis niya at pagpaparaya kung kasal pa rin naman pala siya rito."Connor is my fiance, pakakasalan ko siya no matter what," pagdidiin niya.Bigla itong humarap sa kanya at kitang-kita niya ang gigil sa panga nito. Naningkit ang mga mata nito at bigla na lang hinawakan ang braso niya."I'm still your husband, Aber—""Don't call me that! Hiwalay na tayo! Dapat pinroseso mo ang annulment papers natin! May pi
Buong araw siyang tinuruan ni Alaric. Kinabukasan naman ay ilang meetings din ang dinaluan nila maghapon. Lahat iyon medyo nakaka-frustrate lalo pa't ayaw na talaga ng ilang investors. Ma-i-stress siguro siya ng sobra kung hindi nila napapayag ang huling investors. Dahil doon ay nakangiti pa naman siyang naka-uwi."Mommy, you became so busy," si Chelsea na agad yumakap sa bewang niya noong makapasok siya sa condo."I'm sorry, Baby. I'm helping your grandfather, hm. After this problem is solved, we can go on vacation. Alright?"Napalabi ito pero tumango rin, "Am I being a burden to you, Mommy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Melly dahil doon."Ma'am, kahapon pa iyan ganyan. Sabi ko mahal mo siya ng sobra kaya huwag niyang isipin iyon," kwento ni Yaya Melly.Napatango siya. Lumuhod at pinantayan ang tangkad ni Chelsea, "Baby, nope, you are not. You are my happiness and strength. Remember that, hm.""But, Mommy, someone told me that you might no
"Dad, hindi naman na kailangan. Hindi naman ako obligasyon ni Alaric," pangungumbinsi ni Yvonne sa ama nito.Kahapon kasi ay sa mansyon siya nito umuwi sa sobrang sakit ng damdamin niya. Naikwento niya ang nangyari dito, maging ang paghingi niya ng tulong kay Alaric. Ngayon naman ay basta na lang siya nitong niyaya sa kumpanya ni Alaric."Look at him now? He is beyond successful. Noon ay allergic iyan sa salitang kumpanya," komento nito habang naghihintay sila sa opisina ni Alaric.Napalabi siya. Himala ngang nagpatayo ito ng kumpanya gayong puro dagat ang hilig nito."This only means he didn't love you at all. Kung mahal ka talaga niyan dati, siya mismo ang magkukusang tumulong sa kumpanya noon pa!" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Ayaw na nga niyang magbalik tanaw pero pinipilit talaga nitong hindi siya mahal ni Alaric."I know, Dad," labas sa ilong na sagot niya.Natatandaan pa naman niya ang pagsabi sa kanya ni Alaric ng I love you, maging paglab