Share

My Beautiful Stranger
My Beautiful Stranger
Author: Yenoh Smile

KABANATA 1

Author: Yenoh Smile
last update Last Updated: 2022-09-15 16:28:56

"Lumayas ka na ditong bata ka! Isang taon kayong hindi nagbayad sa akin!" sigaw ng landlady nila.

"Manang Rose, hahanap na apo ako ng pera bukas. Huwag niyo lang po akong palayasin ngayon. Wala po akong ibang mapupuntahan." 

Pinagkiskis niya ang mga palad sa harap nito. Kulang na lang ay lumuhod siya huwag lang siya nitong palayasin. Wala na siyang mapupuntahan. Walang kakilala sa ibang kamag-anak nila.

"Naku, Yvonne. Simula ng mamatay ang Lolo mo, pinagbigyan na kita! Pinaabot mo pa ng isang taon ang utang ninyo! Aba, may pamilya din akong pinapakain, kailangan ko ang pera!" Winaksi nito ang kamay niya at tinulak pa siya palayo sa kahoy na bahay.

Naninikip ang dibdib ni Yvonne. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin pagkatapos nito. Hinawakan niya ang palda ng Ginang ngunit muntik pa siyang lumipad sa ere sa sipa nito. Sumubsob siya sa lupa. Ni walang nagtakang tumulong sa kanya sa mga kapitbahay nila.

"Lumayas ka na ngayon, Yvonne. Huwag mo ng hintayin pang magdilim ang paningin ko sa'yo!"

Kinagat niya ang labi at tiniis ang sakit ng tuhod at likod niya. Hindi siya pwedeng sumuko. Kailangan niyang mabuhay para sa alaala ng Lolo niya. Kailangan niya pang hanapin ang mga magulang niya.

"Isang buwan pa po—"

"Manahimik ka! Lumayas ka na sa conpound na 'to! Huwag ka na ring umasa pang makakakuha ka ng damit o kahit anong gamit. Bayad mo na sa akin lahat!" Umirap ang Ginang, tumalikod at kinando ang kahoy na bahay.

Bagsak ang balikat niyang tinanaw ito. Tinaasan pa siya ng kilay bago nagmartsa paalis. Nanlumo siya. Hindi niya alam kanino siya hihingi ng tulong. Paglingon niya pa sa mga kapitbahay niyang nakikinig kanina, nagsi-iwas ng tingin ang mga ito. Hindi naman niya ipipilit ang sarili kung ayaw nila.

Namimigat ang paghinga niya at nanlalabo ang mga mata paalis sa lugar kung saan siya lumaki kasama ang Lolo niya. Ayaw niyang umalis sa upahan na iyon lalo pa't nandoon ang lahat ng alaala ng Lolo niya. Pero ngayon, heto at paalis na siya na walang dalang kahit ano bukod sa suot niyang damit at tsinelas. Kahit papadilim na ay nagtungo pa rin siya sa sementeryo. Ang Lolo niya lang ang makakaintindi sa kanya sa ganitong sitwasyon. 

Hindi matigil sa pag-iyak si Yvonne sa harap ng puntod ng Lolo Isko niya. Bumalik sa alaala niya ang pagkamatay nito. Hindi niya lubos maisip na ganoon na lang binawi ang buhay nito. Namatay ito mula sa pagtulog. Ngayon, naiwan na siyang mag-isa sa edad na labing walo. Ni hindi alam kung saan siya titira.

"Lolo, ang daya mo naman! Hindi pa nga ako pumapayat, nang-iwan ka na agad!" maktol niya bago pumalahaw ng iyak.

Ilang buwan na rin ang nakalipas noong bawian ito ng buhay. Noong libing nito ay mahinhin siyang umiiyak dahil na rin sa dami ng tao, ngayong mag-isa na siya sa sementeryo ay pumapalahaw na. Paanong hindi siya iiyak ng malala kung wala na siyang mapupuntahan? Baka ngayong gabi ay sa lansangan siya matulog.

Wala naman siyang kamag-anak ni isa sa lugar na iyon. Sabi nga ng iba, pinulot lang daw ata siya ng Lolo niya sa kangkungan. Singaw lang daw siya sa buhay nito.

"Lolo Isko! Isama mo na lang ako!" muling sigaw niya na may kasamang pag-iyak.

Bumagsak siya ng upo sa puntod nito. Gusto na nga rin niyang humiga sa kabaong. Namalisbis ang mga luha niya. Ngayon niya nararamdaman ang mas paninikip ng dibdib. Mamaya, didilim na at mananatili siya sa labas. Walang tulugan at walang laman ang tiyan.

"He's a great friend. Isko is a great man as well. Nahuli na pala ako."

Nangunot ang noo niya sa boses ng matanda. Minumulto na yata siya ng kanyang Lolo Isko.

"Ikaw ba ang nag-iisang apo niya?"

Napabaling siya sa kanyang likuran. Doon niya nakita ang matandang naka-itim na suit at matikas pa rin ang tindig ngunit puti na ang buhok nito. Sa tabi nito ay ang lalaking may hawak na payong. Walang ngiti sa mga labi at diretso ang tingin.

Mabilis siyang tumayo at pinunasan ang mga luha niya. Pinagpag niya rin ang puting bestida niyang luma. Nagkukulay dilaw na, nadumihan pa kanina.

"Sino po sila?" magalang niyang tanong.

Sa itsura ng matanda ay mayaman ito. Natanaw niya pa ang magarang itim na sasakyan nito.

"I'm Frederick Castellanos. Matalik kong kababata ang Lolo mo. Sayang at hindi kami nagkita muli. Nahuli ako."

Lumungkot ang boses nito kaya't maging siya ay nalungkot. Nagyuko siya. Gusto niyang magmano ngunit nahihiya. Marumi pa ang mga kamay niya. Puno pa yata siya ng uhog.

"Hindi niya po kayo nakwento," pag-amin niya.

Wala naman kasing sinabi ang Lolo niyang kaibigan. Ni hindi niya nga alam kung sinong Nanay niya o Tatay. Maging Lola niya ay hindi niya kilala. Para lang talaga siyang singaw sa mundong ibabaw.

"Ayaw na kasi niyang bumalik sa alta sosyedad. Iniisip niya ang nag-iisa niyang apo, Hija," kwento nito.

Namilog ang mga mata niya. Alta-sosyedad? Ibig bang sabihin ay mayaman din ang Lolo niya? Pero bakit wala man lang pinamana sa kanya? Atsaka bakit pa sila nangupahan kung may mansyon ito?

"Hindi naman po mayaman ang Lolo ko. Wala din po kaming magarang bahay—"

"Ilang taon ka na?" putol nito sa mga sasabihin niya.

Bahagya siyang nainis ngunit dahil nakangiti ang matanda ay pinilit niyang ngumiti rin.

"Eighteen po."

"Eighteen," pag-uulit ng matanda bago binalingan ang assisstant nito, "28 pa lang si Alaric di ba, Jayson?"

"Yes, Sir. Kahihiwalay lang sa girlfriend niya. Lumipad po ng ibang bansa si Miss Margarita."

Napataas ang kilay niya. Akala niya ay tahimik ang lalaki. Simpleng marites pala ito.

"Good then." Binalingan siya nito at ngumiti nang malawak,"What's your name, Hija?"

"Yvonne po."

"Yvonne, do you wanna live in the mansion and marry my grandson?"

Natulala si Yvonne. Hindi niya alam na iyon ang babago sa buhay niya. Natagpuan na lang niya ang sarili sa magarang white house. Sa maynila na iyon. Parang anghel ang matanda na bumaba sa langit at sinagot ang problema niya. Sa isang iglap, hindi na siya sa lansangan matutulog kun'di sa isang mansyon. Pinamili pa siya ng matanda ng damit sa Mall. Ngayon naman ay pinagpahinga siya sa guestroom. Tatawagin na lang daw kapag dumating na ang apo nito.

Naligo siya para hindi naman nakakahiya sa apo nito. Saktong natapos siyang magsuklay noong katukin siya ni Jayson. Tinuro lang nito ang labas. Sumunod siya roon hanggang sa kusina. Doon pa lang ay naririnig na niya ang matanda at apo nito.

"So you think marrying her is the best solution for my heartache?" sarkastikong bigkas ng malalim na boses.

"Why not? Hindi ko rin naman maiwan ang bata. Baka multuhin ako ng Lolo Isko niya."

Dinig niyang nagmura ang lalaki, "Fuck. A kid? Sabi niyo eighteen na. Lo, I'm already twenty-eight. Two and eight. Parang bunsong kapatid ko lang iyan," may gigil at diing protesta nito.

Humalakhak lang si Don Frederick, "Trust my instinct, Apo. Akong bahala sa buhay niyo. Tahimik na si Aldo. Ikaw naman ang patatahimkin ko pagkatapos ay si Apollo—"

Natigil ang matanda matapos nilang tuluyang pumasok sa kusina. Umakto siyang walang narinig. Wala naman siyang pagpipilian ngayon. Mas gusto na niyang maikasal sa isang mayaman kaysa pulutin sa kangkungan.

"See? She's a lady, Alaric. A beautiful lady."

Maliit siyang ngumiti. Nag-init ang mga pisngi niya sa papuri. Akmang magpapasalamat siya ngunit nasalubong niya ang matiim na tingin ng apo nito. Bahagya siyang naestatwa. Pakiramdam niya, may bumabang anghel na abo ang mata sa harap niya. Kung pwede lang maglaway ay maglalaway siya.

Napalunok siya noong ngumiti ito. Mali. Ngumisi ito. Napansin din niya ang namumuti nitong kamay na nakahawak sa baso. Tila doon binubuhos ang gigil nito.

"Ang payat niya," biglang bigkas nito.

Namilog ang mga mata niya at napatingin sa katawan. Hindi niya alam kung insulto iyon. Hindi siya payat. Sa katunayan ay chubby siya. Malaman maging mga hita niya. Sakto lang iyon sa height niya. Marami pa naman siyang kasyang damit. Ika ng kapitbahay nila ay chubby is the new sexy. Naniniwala siya doon.

"Alaric, treat her well. Feed her well too," habilin ng Lolo nito.

"Come, Hija. Join us here. Pag-usapan natin ang engagement niyo bukas," dagdag pa ng matanda.

Nagulat man siya ay hindi niya pinahalata. Pero ang apo nito ay lumalalim ang gitla sa noo habang sinusundan ng tingin ang pag-upo niya.

"Bukas na agad, Lo?"

"Kailangan pa bang patagalin? Pagkatapos ng engagement niyo bukas, kasal naman kinabukasan. Ako ng bahala sa lahat." Tumawa pa ang matanda na nasisiyahan sa mga sariling plano nito.

Hindi makaimik si Yvonne. Masyadong mabilis iyon. Parang sanay na sanay sa arranged marriage ang napuntahan niyang pamilya.

"That fast? Wala man lang ba akong bachelor party? Kailangan kong magpaalam sa mga kaibigan ko, Lo. Isa pa, sasabihin ko pa kay Kuya Aldo at kay Apollo—"

"There's no need for that. Baka tumakas ka pa, Alaric. Magpakabait ka naman sa harap ng mapapangasawa mo."

Napaiwas ng tingin si Yvonne noong lingunin siya ni Alaric. Hindi naman ito mukhang galit, pero hindi rin mukhang natutuwa sa sitwasyon. Huminga ito nang malalim at bigla na lang nilagyan ng kanin ang plato niya.

Bumilis ang kabog ng dibdib niya sa inakto nito. Seryoso ito sa ginagawa na para bang handa siyang pagsilbihan nito. Mas lalo na noong bigyan siya nito ng pilit na ngiti, ni hindi umabot sa mga mata pero hindi niya maialis ang titig roon.

"Mukhang magkakasundo naman kayo. Aakyat na ako. Sabay kayong magdinner. Basta bukas na ang engagement."

"Noted, Lo," tamad nitong bigkas.

Tumigil si Don Frederick sa gilid ng lalaki at tinapik ang balikat nito.

"She's just eighteen, Alaric. Please, no bed," pakiusap nito.

Inosente siyang tumingin sa dalawa. Hindi naman niya maintindihan ang pakiusap ni Don Frederick. Pero si Alaric ay bahagyang nanlaki ang mga mata.

"What, Lo? I don't bed women at her age, unless she wants me to do so." Maliit itong ngumisi at mabilis siyang sinulyapan.

Sarkastikong tumawa ang matanda, "I know you, Alaric. Akala mo ba hindi ko alam kung ilang babae ang pinuslit mo sa hotel bago kayo nagkabalikan ni Margarita? Ngayong hiwalay kayo ulit, huwag na huwag mong iisiping ulitin iyon. At mas lalong huwag kay Yvonne!"

Napaangat ang mga balikat ni Yvonne. Natakot para sa sariling dangal pero nakumbinse siya ng pilit na ngiti ni Alaric na hindi ito gagawa ng masama.

"Noted, Lo. Kikilalanin lang namin ang isa't isa. Mahirap na at baka pareho kaming estranghero sa sarili naming engagement at kasal," tunog sarkastiko ang boses nito.

Tumango ang matanda at tuluyan silang iniwan sa kusina. Hindi siya makatingin kay Alaric. Namumula ang mga pisngi niya sa kaisipang marami na itong naikamang babae. Nagdalawang isip siya kung tutuloy pa ba siya sa kasal, baka kasi may nakakahawang sakit na ito.

Muntikan na siyang mapasigaw noong hilahin nito ang plato niya. Seryoso na ang mukha nito. Walang bahid ng ngiti.

"Uhm, ako na lang ang maglalagay." 

Pinigil niya ang kamay ng lalaki na naglalagay pa ng kanin sa plato niya. Ngunit agad niya ring nailayo ang mga kamay. Para siyang napaso sa init nito. Tipid siya nitong nginitian. Mabilis na sinulyapan bago halos itaob ang isang bandehadong kanin sa plato niya.

"Kumain ka pa. Ubusin mo lahat ito. Sobrang payat mo," komento nito na nagpaawang sa mga labi niya.

Related chapters

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 2

    Matagal na tinitigan ni Yvonne ang sarili sa harap ng salamin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakapagsuot ng magarang damit. Kumikinang ang bawat beads ng kulay rosas na gown. Hapit na hapit iyon sa kanya. Kahit chubby siya, nasa tamang pwesto ang bawat kurba niya. Pero kahit nakasuot siya ng magarang damit at naka-make-up ay kinabahan siya. Eighteen years old pa lang siya ngunit nakatakda ng ikasal. Malayo sa pangarap niyang magtapos ng pag-aaral.Napabuntong hininga siya. Wala naman siyang pagpipilihan, mas gusto na niya ito kaysa matulog sa lansangan.Pag-angat ng tingin ay kuminang ang pagkaberde ng kanyang mga mata sa tama ng ilaw. Madalas siyang tuksuhin sa mga mata niyang iyon. Tinatawag pa nga siyang halimaw. Hindi iyon katulad sa kanyang Lolo Isko na itim ang mga mata. Ang sa kanya ay malalim ang berde na aakalain mong itim kung hindi sisinagan ng araw o ilaw. Pansinin iyon kapag nakabilad siya sa araw. Wala naman siyang pakialam noon kung bakit berde ang mga mata

    Last Updated : 2022-09-19
  • My Beautiful Stranger   KABANATA 3

    After 5 years"May lead ka na?" tanong ni Yvonne sa kanyang private investigator. Mura lang iyon kumpara sa iba. Baguhan pa, pero umaasa siyang may mahahanap ito kahit katiting."Miss Yvonne, ano, wala pa akong lead sa pamilya mo—""Jeffrey, naman! Hindi kita binabayaran ng libo-libo para lang sa wala!" putol niya sa sinasabi nito."Miss Yvonne, naman," panggagaya nito, "Sampong libo pa lang binayad mo. Kulang pa iyon para sa mga gasgas ko pagkatapos kong suyurin itong eskinita," protesta nito.Napataas ang kilay niya. Kailangan lang naman niya ng isang lead. Kahit isang tao lang, tapos siya na ang mag-iimbestiga."So ano, may nahanap ka?""Limang libo muna," hiling nito."Hindi ako nakikipaglokohan, Jeffrey. Tatanggalan kita ng trabaho o magsasabi ka na—""Oo na. May nahanap na ako. Dating katrabaho daw ng Nanay mo sa club. Hostess din. Matalik yatang kaibigan. Kaso mahirap kausapin. Matanda na. Ilang ubo na lang din yata ang natitira nito sa mundo."Sa lahat ng sinabi nito ay isa la

    Last Updated : 2022-09-19
  • My Beautiful Stranger   KABANATA 4

    "Ah? Kasal?!" hindi mapigilang bulalas ni Yvonne.Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang mga labi sa sinabi nito. Hindi niya sigurado kung nabingi lang ba siya o ano."Shh. Lower down your voice, Missy. This is an agreement between the two of us only. I don't want other people to know this," bulong nito.Simple pa itong sumandal sa counter at nagyuko nang kaunti, tinatago ang mukha sa mga customer.Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang d*bdib. Nakapa niya roon ang engagement ring nila noon na ginawa niyang kwintas. Hindi siya makapaniwalang niyaya siya ulit nitong ikasal. Five years ago ay tinanggian siya nito, pero heto at gusto pang maging mabilisan ang kasal nila.Pinasingkit niya ang mga mata. Pinagmasdan niya ang lalaki kung seryoso ba ito. Wala siyang makitang biro sa mga mata nito. Pero paano siya papayag gayong may pera na siya? May pambili na siya ng pagkain at may apartment na. In short, hindi na niya kailangan ang yaman nito."You mean, as in wedding? Are you kidding

    Last Updated : 2022-10-21
  • My Beautiful Stranger   KABANATA 5

    "Ano'ng sabi mo?" Nanliit ang mga mata ni Yvonne kay Alaric.Saan ba nito kinukuha ang kakapalan ng mukha at ganito ito umasta sa kanya? Pagod na ba ito sa paghahanap ng mga babae?Mapanganib itong ngumisi bago siya tinangay papasok sa mismong apartment niya. Ito pa ang nagbukas ng ilaw na para bang kabisado nito ang bahay."Since we're getting married—""Hindi ako pumayag na magpakasal sa'yo," madiing putol niya sa pag-a-assume nito.Marahas niyang tinulak ang matipuno nitong braso palayo sa kanyang bewang. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon. Humalukipkip siya at pinagkaluwang ang bukas ng pinto ng apartment niya."As far as I know, you don't like me since I am too innocent for you," mapait niyang ulit sa mga sinabi nito noon sa kanya.Akala ba nito makakalimutan na lang niya basta iyon? Bumaba ang self-esteem niya at confidence noong tanggian siya nito. Kakabawi pa lang niya sa kakapalan ng mukha pero heto at nanggagambala na ito."But you're not innocent anymore," makahulugang

    Last Updated : 2022-10-22
  • My Beautiful Stranger   KABANATA 6

    Nagtiim bagang si Yvonne. Mahigpit ding kumuyom ang mga kamao niya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang inis kay Alaric. Gigil na gigil siya sa pangba-blackmail nito. Bakit ba hindi na lang siya nito lubayan?!"Hm, is that a no deal? Fine. I will call someone to turn your business—""Don't!" malakas niyang pigil noong tinaas nito ang sariling cellphone.Tumikwas ang kilay ni Alaric. Tila naghihintay sa desisyon niya at handang tawagan ang kung sino kapag hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Hiningal yata siya sa inis. Ano bang laban niya rito? Marami itong koneksyon at kayang totohanin ang banta nito."Fine. Payag na ako," mahina at labag sa loob na pagpayag niya."Huh? Are you saying something? Wala yata akong narinig," kunwaring inosenteng pang-aasar nito bago nagtipa sa cellphone.Napapikit siya nang mariin upang pigilan ang inis niya sa lalaki. Agad din siyang nagmulat at mabilis na inagaw ang cellphone nito noong akmang ilalagay nito iyon sa kanyang tainga. Nanlaki ang mga mata niya

    Last Updated : 2022-10-23
  • My Beautiful Stranger   KABANATA 7

    "I think this is long overdue," namamaos na bulong ni Alaric.Napapikit si Yvonne at napasandal sa d*bdib nito. Nanginginig ang tuhod niya't kamay. Bago ang pakiramdam na iyon na pinaparamdam ni Alaric sa kanya. Ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang init at pagka-uhaw."It took me five long years to finally claim you," bulong pa nito.Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Ang atensyon niya ay nakapokus sa malaking palad nito na nasa kanyang d*bdib. Gumagawa ng galaw na nagpapawala sa kaniyang paghinga. Tumahip ang d*bdib niya noong dumiin lalo ang kamay nito roon. May kakaibang hatid sa kanyang k*ibuturan ang mainit nitong palad. Naipagdikit niya ang mga hita noong maramdaman ang kiliti sa kanyang puson. Naglakbay ang init sa kanyang buong katawan at tila kinukuha ang buong lakas niya.Alam niyang dala na nito ang buong bigat niya. Gusto niyang umahon mula sa pagkakasandal rito ngunit nanghihina ang bawat buto niya sa haplos nito. Umawang ang mga labi niya noong maramdaman ang p

    Last Updated : 2022-10-24
  • My Beautiful Stranger   KABANATA 8

    "Ibig mong sabihin ay may tsansa na kapatid ko si Margarita Montenegro?" mahina ngunit madiin na tanong ni Yvonne kay Jeffrey."Oo pero marami pang Montenegro, Miss Yvonne—""Ano ba talaga, Jeffrey?" mataray niyang putol sa sinasabi nito, "Ayusin mo ang trabaho mo, seryosong bagay 'to."Hindi niya mapigilang mainis. Sa totoo lang, ayaw niyang maging konektado kay Margarita. Hindi niya gugustuhing magkaroon ng ugnayan sa ex-girlfriend ni Alaric. Nakaramdam siya ng kung anong insecurity sa puso niya ngunit agad niyang winaksi iyon. Hindi siya dapat mainsecure lalo pa't hindi naman niya gusto si Alaric."Patapusin mo muna kasi ako, Miss Yvonne," maktol ni Jeffrey.Umismid siya ngunit hindi na nagsalita para makapagpaliwanag na ito."Pero gaya nga ng sabi ko, hindi lang sila ang Montenegro dito sa mundo. Kaya lang dahil sikat sila, sa kanila napokus ang atensyon ko, Miss Yvonne. Hindi mo paniniwalaan ang mga nadiskubre ko," may suspense na bigkas nito.Napataas ang kilay niya, "Pa-suspens

    Last Updated : 2022-10-25
  • My Beautiful Stranger   KABANATA 9

    "Scam ba 'to? Wala akong pera!" naiinis na sagot ni Yvonne mula sa kabilang linya.Nakagat ni Alaric ang ibabang labi upang pigilang kumawala ang naaaliw na tawa. Tinakpan niya ng sariling braso niya ang noo bago nagpakawala ng ungol upang akitin ito lalo.Wala siyang narinig na reaksyon dito. Hindi pa yata nakikilala ang boses niya."Did you like the street lights, Missy?" mahina at namamaos niyang tanong.Paos naman talaga ang boses niya dahil kagagaling niya sa pag-idlip. Tinawagan niya ito matapos niya itong mapanaginipan. And that was so damn hot that it made him want to hear her voice. Iyon nga lang, tigre yata ang kausap niyang babae."Street lights? Paano mo nalamang may poste rito?" may kalituhang tanong nito mula sa kabilang linya.Napangisi siya. Pinaayos niya iyon kanina bago umuwi sa mansyon ng Lolo niya."I requested them. I am worried about your safety."Babae ito at madalas na mag-isang umuuwi. Madilim pa ang daan."Sino ka ba talaga?! Madami akong problema ngayon. Sa

    Last Updated : 2022-10-26

Latest chapter

  • My Beautiful Stranger   WAKAS

    "Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 100

    "I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 99

    "Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 98

    Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 97

    "G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 96

    Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 95

    "A-no bang pinagsasabi mo, Alaric? P-aanong kasal pa tayo?"Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ayaw na nitong sumagot. Pilit siya nitong pinapatulog. Paano naman siya makatutulog kung ganoon ang sinabi nito kanina?"Just sleep, Yvonne—""The f*ck, Alaric? Tingin mo ba makatutulog ako ngayon?!"Hinila niya ang buong kumot para ibalot sa katawan niya. Walang pakialam kahit pa mangisay sa lamig ng aircon si Alaric."Hind ako nakikipagbiruan, Alaric. Ji-no-joke time mo ba ako?""Just don't marry that Connor guy."Napatawa siya nang mapakla. Gusto niyang maiyak bigla. Sayang lang ang pag-alis niya at pagpaparaya kung kasal pa rin naman pala siya rito."Connor is my fiance, pakakasalan ko siya no matter what," pagdidiin niya.Bigla itong humarap sa kanya at kitang-kita niya ang gigil sa panga nito. Naningkit ang mga mata nito at bigla na lang hinawakan ang braso niya."I'm still your husband, Aber—""Don't call me that! Hiwalay na tayo! Dapat pinroseso mo ang annulment papers natin! May pi

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 94

    Buong araw siyang tinuruan ni Alaric. Kinabukasan naman ay ilang meetings din ang dinaluan nila maghapon. Lahat iyon medyo nakaka-frustrate lalo pa't ayaw na talaga ng ilang investors. Ma-i-stress siguro siya ng sobra kung hindi nila napapayag ang huling investors. Dahil doon ay nakangiti pa naman siyang naka-uwi."Mommy, you became so busy," si Chelsea na agad yumakap sa bewang niya noong makapasok siya sa condo."I'm sorry, Baby. I'm helping your grandfather, hm. After this problem is solved, we can go on vacation. Alright?"Napalabi ito pero tumango rin, "Am I being a burden to you, Mommy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Melly dahil doon."Ma'am, kahapon pa iyan ganyan. Sabi ko mahal mo siya ng sobra kaya huwag niyang isipin iyon," kwento ni Yaya Melly.Napatango siya. Lumuhod at pinantayan ang tangkad ni Chelsea, "Baby, nope, you are not. You are my happiness and strength. Remember that, hm.""But, Mommy, someone told me that you might no

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 93

    "Dad, hindi naman na kailangan. Hindi naman ako obligasyon ni Alaric," pangungumbinsi ni Yvonne sa ama nito.Kahapon kasi ay sa mansyon siya nito umuwi sa sobrang sakit ng damdamin niya. Naikwento niya ang nangyari dito, maging ang paghingi niya ng tulong kay Alaric. Ngayon naman ay basta na lang siya nitong niyaya sa kumpanya ni Alaric."Look at him now? He is beyond successful. Noon ay allergic iyan sa salitang kumpanya," komento nito habang naghihintay sila sa opisina ni Alaric.Napalabi siya. Himala ngang nagpatayo ito ng kumpanya gayong puro dagat ang hilig nito."This only means he didn't love you at all. Kung mahal ka talaga niyan dati, siya mismo ang magkukusang tumulong sa kumpanya noon pa!" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Ayaw na nga niyang magbalik tanaw pero pinipilit talaga nitong hindi siya mahal ni Alaric."I know, Dad," labas sa ilong na sagot niya.Natatandaan pa naman niya ang pagsabi sa kanya ni Alaric ng I love you, maging paglab

DMCA.com Protection Status