"Hmm," mahinang usal ni Yvonne matapos dumiin ang halik ni Alaric sa leeg niya.Suminghap siya at umawang ang kanyang mga labi matapos nitong s*psipin ang sensitibong parte ng kanyang likod. Nagtataas baba ang d*bdib niya sa bawat hagod ng labi nito. Idagdag pa ang mapangahas nitong palad na paulit-ulit na hinahaplos ang hita niya."A-laric," namamaos niyang tawag sa pangalan nito.Para na naman siyang timang na nagpapadala sa halik at haplos nito. Ni hindi siya umiwas noong sakupin ng mga labi nito ang mga labi niya. Agad pa nitong p*napasok ang dila at nakipaglaban ang dila niya roon. Sinagot niya ang malalalim nitong halik. Umikot na rin ang mga kamay niya sa batok nito at hindi nagpatalo.Halos dikit na dikit na ang katawan nila. Walang hangin ang makakadaan sa sobrang paglalapat ng mga labi nila. Unti-unti rin siyang gumagalaw sa ibabaw nito na tila iyon ang dapat niyang gawin. Damang-dama niya ang mainit na tensyon sa bawat katawan nila. Ramdam niya rin ang paggapang ng kamay ni
Hindi nakakilos si Yvonne noong magkatitigan sila ni Margarita. Para siyang nanalamin matapos makitang parehong-pareho ang kislap ng berde nilang mata. Bahagya siyang nanghina. Tumikwas ang kilay nito, marahil ay nainsulto sa pagtitig niya. Nangingnig tuloy ang labi niya na ngumiti."Mocha latte? C-omin' up," mabilis niyang bigkas bago hinila si Nina na namamangha pa kay Margarita."Gumawa ka ng Mocha latte. Sarapan mo, Nina," bulong niya rito."Ah? Ano? Kinakabahan ako, sh*t!" ani pa nito, "Paano kung hindi niya magustuhan? Modela iyan, Yvonne," tarantang paliwanag nito na tila ba napakaimportante ng customer nila. Importante naman talaga!Kinagat niya ang labi at muling sinulyapan si Margarita na papaupo sa isang mesa malapit sa pinto. Ang mga mata nito ay umiikot pa sa loob ng shop. Noong magtama muli ang paningin nila ay ngumiti na ito ng tipid sa kanya.Mabilis siyang nagyuko. Pati siya ay kinakabahan sa presensya nito. Lalapit ba siya at sasabihing kapatid siya nito? Paano naman
"Ch*kinini? Ano 'yon?" Nataranta si Yvonne at kinapa-kapa ang leeg niya.Wala siyang ideya sa sinasabi ni Nina pero sa klase ng naniningkit nitong tingin ay hindi magandang bagay iyon."Tingnan mo nga at namumula, baka mamaya maipon na ang dugo diyan! Kanino ka ba nagpalapa ah? Sa leon? Sa tigre? O sa dragon? Naku ka! Huwag kang magsisinungaling dahil hindi ako maniniwalang kagat lang iyan ng dinosaur!" tuloy-tuloy na bigkas nito habang pilit lumalapit at sinisipat ang leeg niya."Halik iyan ng lalaki!" bulalas nito na muling nagpalaki sa mga mata niya.Dumagundong ang d*bdib niya sa kaba. Biglang nag-play sa utak niya sa kung paanong madiin na halikan ni Alaric ang leeg niya at s*psipin.Napasinghap siya at tinakpan ang buong leeg niya gamit ang mga kamay. Nag-iwan ng marka ang ginawa nito?!"Yvonne, kaya ka pala tanong nang tanong sa one-night stand ah? Kumekerengkeng ka na pala gabi-gabi," daldal pa ni Nina.Hindi niya pinansin ang kaibigan. Kinakabahan niyang kinuha ang bag niya a
Nahigit ni Yvonne ang paghinga sa mas paghigpit nang yakap ni Alaric sa kanya. Paulit-ulit din nitong pinatakan ng h*lik ang batok niya na para bang miss na miss nga siya nito.Kinagat niya ang labi. Hindi siya pwedeng marupok. Dapat ay hindi siya matuwa sa ginagawa nitong pagsuyo sa kanya. Kailangan niyang itaas ang bandera ng pagiging mahinhin niya.Pumalag siya sa yakap nito. Ginalaw ang mga balikat niya at binuhos ang lakas para lang makaalis sa bisig nito. Hindi naman siya nahirapan dahil kusa nitong inalis ang mga braso upang makaalis siya."Hindi mo ko na-miss?" seryoso ang tono nito pero may himig tampo.Humarap siya rito at humalukipkip. Tinaas niya rin ang kilay, "Bakit naman kita mami-miss? Walang nakaka-miss sa'yo," pasaring niya.Napaiwas siya ng tingin noong kagatin nito ang ibabang labi, "Really? I thought I did something magical to you.""Magical? Baka orasyon kamo. Lumayas ka na nga. Bakit kasi nagpakita ka pa," bulong-bulong niya.Napailing siya at binaba ang bag niy
Hindi inasahan ni Yvonne ang paghalik na iyon ni Alaric. Mulat pa ang mga mata niya pero kusang pumikit ang mga iyon noong magsimulang gumalaw ang mga labi nito. Umikot na rin ang dalawang braso nito sa kangang bewang.Kusa siyang nagpatangay at sinagot ang halik nito. Agad niyang iniawang ang mga labi upang patuluyin ang kumakatok nitong d*la. Marubdob at malalim ang naging h*likan nila. Ang isang kamay niya ay napakapit na sa batok nito habang ang isa ay kumapit sa matigas nitong braso na nakahawak sa bewang niya."Uhmm," mahinang daing niya sa pagitan ng mga halik noong humakbang ito at idikit ang katawan sa kanya.Napaatras siya pero mesa na ang tinamaan niya. Kumapit na lang siya nang mahigpit dito lalo na noong bumaba ang halik nito sa kanyang panga at leeg. Ang isang kamay nito ay ekspertong kinakalas na ang butones ng damit niya. Pawang mahihinang daing lang ang nagawa niya."Damn, I miss you so badly," may diing bulong nito bago kinakalas sa likod ang suot niyang brassiere.B
Pagmulat pa lang ng mga mata ni Yvonne ay agad ng kumapa ang kamay niya sa kanyang tabi. Agad siyang nadismaya at literal na napasimangot matapos walang mayakap na Alaric sa tabi niya. Dismayado siyang nagmulat ng mga mata ngunit agad na napahawak sa d*bdib niya matapos mabungaran ang pagmumukha ni Alaric. Nakatunghay ito sa kanya't nakangisi ng nakakaloko."Miss mo na ako agad?" bulong pa nito.Umirap siya at huminga nang malalim."Sinisigurado ko lang na wala ka na," kunwaring sagot niya bago patagong ngumiti.Nababaliw na yata siya para kiligin na nandito pa rin ito at hindi umalis."Really? As far as I can remember, ikaw ang ayaw akong umalis," panunukso nito.Kinagat niya ang labi at tinalikuran ito. Umusog ito pero pinadapo naman ang baba sa kanyang balikat."Hindi naman kita pinipilit na manatili rito," labas sa ilong na sagot niya."That's not what I understand last night. Akala ko nga ay iiyak ka pa kagabi kung aalis ako," mayabang na bulong nito bago niyakap ang tiyan niya.
"You ordered the flowers?" tanong ni Alaric kay Apollo na kasalukuyang nag-da-drive.Ayaw niya man kasi ay kailangan niyang um-attend sa meeting nila sa Castellanos Empire Reality. Panigurado ay makikita niya roon ang ama ni Margarita at iyon ang iniiwasan niya. Idagdag pa ang Lolo niyang mahilig magmanipula.Kinagat niya ang labi at nilaro sa kanyang kamay ang hawak na cellphone habang nakasandal sa passenger seat. Nagtatalo ang kalooban niya kung papadalhan ba ng mensahe si Yvonne o hindi. Tulog ito noong iwan niya kaya baka galit na naman ito."Yup! I'm sure she won't spit fire on you for leaving her," mayabang na sagot ni Apollo.Maliit siyang ngumisi. Ginulo niya ang medyo kulot na buhok. Maayos niyang hinawakan ang cellphone. Tatawagan niya lang para naman wala itong masabi. Kaya lang ay hindi pa niya napipindot ang call button ay sunod-sunod na mensahe na ni Yvonne ang natanggap niya.Nagsalubong ang mga kilay niya. Pagbukas pa lang sa unang mensahe ay pakiramdam niya naririnig
"I'm... I'm already married, Lo. Kasal na ako at hindi na pwedeng magpakasal pa kay Margarita," matapang na pag-amin ni Levi.Narinig pa niyang may nahulog na ballpen ngunit hindi niya pinansin. Ang atensyon niya ay nasa kanyang Lolo Frederick. Bigla, kinabahan siya noong humarap ito at bumuka ang mga labi."Get rid of that girl. End the marriage. You're not in love with her," malamig nitong utos.Umawang ang mga labi niya. Bigla gusto niyang magwala sa gusto nitong mangyari. Ramdam niya na maging mga kapatid niya at si Mayu ay nagulat sa sinabi nito. Alam nilang lahat na respetado nito ang pag-iisang d*bdib ng kahit sino, ayaw nito ng hiwalayan.Kumuyom ang kanyang mga kamao, "What? Gusto ninyong sirain ko ang sariling kong kasal?"Malamig siya nitong tiningnan, "Ikaw ang sumira sa usapan. Kung hindi si Montenegro ang asawa mo, huwag na lang."Nagtagis ang mga bagang niya. Tila mawawalan siya ng respeto sa sarili niyang Lolo, "Baka gusto ninyong makilala ang babaeng pinakasalan ko! S
"Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin
"I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin
"Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k
Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw
"G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta
Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig
"A-no bang pinagsasabi mo, Alaric? P-aanong kasal pa tayo?"Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ayaw na nitong sumagot. Pilit siya nitong pinapatulog. Paano naman siya makatutulog kung ganoon ang sinabi nito kanina?"Just sleep, Yvonne—""The f*ck, Alaric? Tingin mo ba makatutulog ako ngayon?!"Hinila niya ang buong kumot para ibalot sa katawan niya. Walang pakialam kahit pa mangisay sa lamig ng aircon si Alaric."Hind ako nakikipagbiruan, Alaric. Ji-no-joke time mo ba ako?""Just don't marry that Connor guy."Napatawa siya nang mapakla. Gusto niyang maiyak bigla. Sayang lang ang pag-alis niya at pagpaparaya kung kasal pa rin naman pala siya rito."Connor is my fiance, pakakasalan ko siya no matter what," pagdidiin niya.Bigla itong humarap sa kanya at kitang-kita niya ang gigil sa panga nito. Naningkit ang mga mata nito at bigla na lang hinawakan ang braso niya."I'm still your husband, Aber—""Don't call me that! Hiwalay na tayo! Dapat pinroseso mo ang annulment papers natin! May pi
Buong araw siyang tinuruan ni Alaric. Kinabukasan naman ay ilang meetings din ang dinaluan nila maghapon. Lahat iyon medyo nakaka-frustrate lalo pa't ayaw na talaga ng ilang investors. Ma-i-stress siguro siya ng sobra kung hindi nila napapayag ang huling investors. Dahil doon ay nakangiti pa naman siyang naka-uwi."Mommy, you became so busy," si Chelsea na agad yumakap sa bewang niya noong makapasok siya sa condo."I'm sorry, Baby. I'm helping your grandfather, hm. After this problem is solved, we can go on vacation. Alright?"Napalabi ito pero tumango rin, "Am I being a burden to you, Mommy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Melly dahil doon."Ma'am, kahapon pa iyan ganyan. Sabi ko mahal mo siya ng sobra kaya huwag niyang isipin iyon," kwento ni Yaya Melly.Napatango siya. Lumuhod at pinantayan ang tangkad ni Chelsea, "Baby, nope, you are not. You are my happiness and strength. Remember that, hm.""But, Mommy, someone told me that you might no
"Dad, hindi naman na kailangan. Hindi naman ako obligasyon ni Alaric," pangungumbinsi ni Yvonne sa ama nito.Kahapon kasi ay sa mansyon siya nito umuwi sa sobrang sakit ng damdamin niya. Naikwento niya ang nangyari dito, maging ang paghingi niya ng tulong kay Alaric. Ngayon naman ay basta na lang siya nitong niyaya sa kumpanya ni Alaric."Look at him now? He is beyond successful. Noon ay allergic iyan sa salitang kumpanya," komento nito habang naghihintay sila sa opisina ni Alaric.Napalabi siya. Himala ngang nagpatayo ito ng kumpanya gayong puro dagat ang hilig nito."This only means he didn't love you at all. Kung mahal ka talaga niyan dati, siya mismo ang magkukusang tumulong sa kumpanya noon pa!" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Ayaw na nga niyang magbalik tanaw pero pinipilit talaga nitong hindi siya mahal ni Alaric."I know, Dad," labas sa ilong na sagot niya.Natatandaan pa naman niya ang pagsabi sa kanya ni Alaric ng I love you, maging paglab