“Mr. Pacheco, halos apat na taon na nating hinahanap ang babaeng iyon ngunit hindi pa rin natin siya mahanap-hanap. Oras na siguro upang ihinto natin ang paghahanap sa kan’ya---”
Biglang naputol ang sinabi ng private investigator, napatikom ang bibig nito, rinig niya ang paghampas ng palad ni Thaddeus sa mesa hudyat na galit ito. “NONSENSE!”
“P-Paumanhin, Mr. Pacheco,” kinakabahang wika ng private investigator at napayuko na lang ng ulo.
“Alam mo bang milyon na ang nagastos ko sa’yo ngunit hindi mo pa rin mahanap-hanap ang babaeng iyon? Isang pagkakataon na lamang Mr. Vidal, kapag hindi mo pa nahahanap ang babaeng iyon, YOU ARE FIRED!”
Dumagungdong ang salitang iyon sa loob ng office ni Thaddeus kaya labis ang takot at kaba ng lalaking nasa harapan n’ya.
“Now, kung wala kang magandang balita sa akin ay umalis ka na sa office ko. I have a lot of things to do, you are wasting my time!”
Mabilis na umalis ang private investigator na ini-hire ni Thaddeus, ilang taon na niyang hinahanap ang babaeng nakilala at nakasiping niya sa club, hindi niya ito malimutlimutan. Ang bahid ng dugo sa kumot hudyat na siya ang nakauna sa babae, ang mga haplos at ungol nito lalong-lalo na kapag binibigkas nito ang kan’yang pangalan ay musika sa tainga niya. Gabi-gabi ay napapanaginipan niya ito hanggang sa isang araw ay hinahanap-hanap na ng katawan niya as if she was like a drug. Nakakaadik. He missed her and he don’t know why.
Mayroon ding atraso ito sa kan’ya, nalaman niyang may kumuha ng dugo niya’t hindi niya alam kung bakit nila iyon ginawa. Mayroon ding pinainom sa kan’ya noong gabing iyon kaya gano’n na lamang ang inasta niya.
Nakita na lang niya ang sarili na hubo’t-hubad sa isang silid at may band aid sa braso hudyat na may kumuha ng dugo sa kan’ya. Naniniwala siyang ang babaeng iyon ang makakasagot sa mga katanungan niya. At kung mahanap man niya ang babaeng iyon, humanda na siya dahil sisingilin niya ito. Sisiguraduhin niyang hindi na ito makakawala pa sa kamay niya.
***
Apat na taon na ang nakalipas nang maramdaman niya ang sobrang kahihiyan at sakit sa buong buhay niya. Matapos na ipinanganak ang batang nasa sinapupunan niya ay agad siyang lumayas sa bahay nila. Ni wala siyang natanggap na paliwanag sa kapatid dahil ni minsan ay hindi ito umuwi sa bahay nila, nalaman na lang niya na nag-li-live in na pala ito kasama ang ex-boyfriend niya.
Sa totoo lang umaasa siyang magpapaliwanag at humingi ng tawad sa kan’ya si Sunshine ngunit hindi ito nangyari. Hanggang sa bumigat ng bumigat ang kan’yang kalooban at hindi na nakayanan ang sakit kaya nagpakalayo-layo na lang siya kasama ang anghel sa buhay niya.
Napangiti siya nang marinig ang pag-ring ng telepono niya, isa lamang ang naiisip niya. Tumatawag ang little angel niya.
“Nanay! Miss ko na ho kayo, anong oras po kayo uuwi?” tanong ng kan’yang anak, bulol-bulol pa ito subalit kahit gano’n ay naiintindihan niya naman.
“Si Nanay ay naghahanap ng trabaho para may pera tayo sa pasukan at mag-aaral ka na. Huwag kang mag-alala mamayang gabi ay uuwi na rin ako,” nakangiti niyang sagot sa kan’yang anak. Hindi niya akalaing mamahalin niya ng sobra ang batang ito, wala mang pagmamahal na namamagitan sa ama nito at sa kan’ya--- pawang pagkakamali kung bakit siya nabuo ngunit hindi niya iyon iniisip pa. Sobrang mahal na mahal niya ang batang nasa kabilang linya at nabigyan siya ng panibagong buhay nang isinilang ito sa mundo.
Lalaki ang anak nila ni Thaddeus, carbon copy nito ang kan’yang ama, kulay berde rin ang mga nito, para itong little version ni Thaddeus Pacheco kung titingnan. Kaya nga kinakabahan siya kapag makita ni Thaddeus ang bata dahil isang tingin lamang nito ay baka malaman niyang anak niya si Kian at siya iyong babaeng naka-one night niya sa club. Iyon ang pinakainiiwasan at kinakatakutan niya, ang mag-meet sila ng ama ng anak niya.
“O-Okay p-po, Nanay. Pag-uwi niyo po bilhan niyo po ako ng fried chicken, Nanay ah? Hindi ko pa kasi iyon natitikman, please po, Nanay!” pagmamakaawa ni Kian kaya napangiwi siya. Malaki ang hirap na dinanas niya simula noong isinilang niya ang anak niya. Kakapanganak niya pa lang kay Kian ay naglalabada na siya’t naging janitress sa isang university. Naging iskolar siya roon kaya nakapagtapos din siya. Pinilit niyang pagsabayin lahat ng iyon at sa awa ng Diyos ay nakaraos din siya. Hindi nga lang sa kahirapan dahil hanggang ngayon ay mahirap pa sila sa daga.
Binuksan niya ang lumang wallet niya at napangiwi nang makitang isang daang pesos na lang ang natitira sa kan’ya, pamasahe na lamang niya iyon pauwi at ang natitira ay ibibili niya ng bigas para sa kinabukasan.
“T-Tingnan ni Nanay, Baby ah. Medyo gipit kasi tayo ngayon---”
Naputol ang sasabihin niya nang marinig ang boses ni Hilda. Matalik niyang kaibigan at nagbabantay ngayon kay Kian.
“Ghorl! Ibili mo na ang natitirang pera mo ng fried chicken, ako na ang bahalang bayaran ka pag-uwi mo,” wika ni Hilda na kasalukuyang nasa kabilang linya.
“Hilda naman, malaki na ang utang ko sa’yo, hindi ko na nga nababayaran ang iba, huwag mo nang dagdagan pa,” nahihiyang sagot niya ngunit huminga lamang au Hilda ng malalim.
“Para ka namang others, Keanna! Para naman iyan sa inaanak ko at isa pa kanina pa ako naaawa sa bata, nakita niyang kumakain ang batang si Tamboy, iyong anak ni Aling Konchinta na tabachoy? Nagtatanong lang naman ang anak mo kung ano ang kinakain nito ngunit tinulak siya ni Tabachoy este Tamboy! Kung hindi lang bata iyon ay pinatulan ko na siya! Nakakainis!” Biglang kumirot ang kan’yang puso dahil sa kwento ng kan’yang kaibigan. Kinagat niya ang kan’yang labi at napakuyom ng kamao.
“S-Sige, pasensiya na, walang-wala talaga kasi ako ngayon, alam mo namang gumagatas pa itong si Kian at nagiipon din ako ng pagpapaaral sa kan’ya. Ayaw ko namang lumaki siya nang hindi nakakapag-aral…”
“Bakit kasi nagtitiis pa kayo rito ng anak mo? Alam mo namang bilyonaryo iyong tatay niya, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong kay Thaddeus Pacheco,” masungit na sagot ni Hilda kaya napapikit siya ng mariin.
“Hinaan mo ang boses mo, baka marinig ka ng anak ko. Alam mo namang matalinong bata iyon,” paalala niya sa babae kaya rinig niya ang pag-ismid nito. Naikwento niya kasi kung sino ang ama ni Kian, habang tumatagal kasi ay kamukhang-kamukha na ni Kian ang ama niya kaya wala siyang magawa nang itanong ni Hilda kung si Thaddeus ba ang ama nito dahil carbon copy ito ng anak niya. Hindi naman makapaniwala ang babae sa sinabi niya.
“Ms. Gomez, please be ready!”
“Mauna na ako, Hilda, tatawag ulit ako kapag tapos na ako sa interview ko.”
Agad niyang pinatay ang tawag saka huminga ng malalim. Mabilis siyang sumagot sa babae at pumasok sa silid kung saan siya i-interview-hin ng mga employer.
“Please have a seat, Ms. Gomez.” Nginitian at tinanguan niya ang isang babae sa harapan niya. Sobrang sophisticated nitong tingnan, kinakabahan tuloy siya.
“Good morning po,” bati niya sa mga tao roon. Ang iba tinanguan siya ngunit ang iba naman ay wala lang. Busy ito sa pagbabasa ng resume at application niya.
“Mrs. Cruz, Mr. Pacheco and Mr. Nunez is here, magsihanda kayo!” tarantang wika ng isang babae habang nakasilip sa bintana. Agad na napaupo sila ng tuwid kaya napalunok siya ng mariin. Kahit siya ay kinakabahan na rin base sa mga ekspresyon nito. Pero bigla siyang natigilan nang ma-proseso sa utak niya ang apelyidong kinakatakutan niya.
Pacheco? Sinong Pacheco? Si Thaddeus ba ito?
Napakagat siya ng labi dahil sa sobrang kaba. Kagaya ng mga empleyado na nasa harapan niya, natararanta rin siya.
Paano kung si Thaddeus Pacheco iyon?
Katapusan na niya!
Susubukan niya sanang umalis ngunit bumukas na ang pintuan at iniluwa noon ang dalawang naka-tuxedo.
Kinilabutan siya dahil sa nakikita. Nanginginig na rin ang kan’yang tuhod dahil sa sobrang kaba.
It was Thaddeus Pacheco! She was sure of it!
Kilalang-kilala pa niya ang mukha ng lalaking nakasiping niya apat na taon na ang nakalipas.
Seryoso ang mga mukha nito, animo’y walang pakialam sa mga tao sa paligid. Tila ba nanlamig ang buong silid dahil sa uri ng titig ni Thaddeus. Ang isang kasama nito ay panay salita kay Thaddeus ngunit hindi man lang nito binigyan ng pansin ang lalaki.
Nagtama ang kanilang mga mata kaya napayuko siya.
Patay na, nakita niya siya!
Hindi naman siguro siya maalala nito ‘di ba?
Sa rami ba naman ng babaeng nakasiping nito, tama! Hindi siya nito makilala dahil sino ba naman siya?
“Good morning, Mr. Pacheco and Mr. Nunez!” sabay na sabay na bati ng mga empleyado.
“Good morning! We are here to conduct an observation about your recruitment.”
Iyan lang ang nasabi ng lalaki saka umupo sa harap niya gayundin si Thaddeus.
Hindi niya alam kung ano nga ba ang gagawin niya. Gusto niyang galingan para makuha ang trabaho ngunit may pumipigil sa kan’ya. Ayaw niyang magtrabaho lalong-lalo na’t naroon si Thaddeus ang ama ng kan’yang nag-iisang anak.
Kumuyom ang kamao niya nang makitang ngumisi si Thaddeus sa kan’ya. Umiwas siya ng tingin at sumagot na lamang sa lahat ng katanungan sa kan’ya. Sinigurado niyang mali-mali ang kan’yang pagsagot para hindi siya makuha sa trabaho.
Natapos ang interview at dali-dali siyang umalis sa conference room. Sinadya niya talagang mali-mali ang sagot niya para hindi siya makuha. Kahit pangarap niyang makapasok sa kompaniya ng mga Pacheco’y kinalimutan na niya iyon. Maghahanap na lang siya ng ibang kompaniya at mapagtatrabahuan, marami pang opportunity ang mahahanap niya. Malaki ang hakbang niya papunta sa elevator subalit laking gulat niya nang may mabangga siya. Pinikit niya ng mariin ang kan’yang mga mata dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Kunti na lang ay mabubuwal na siya sa kan’yang kinatatayuan, mabuti na nga lang at nahawakan siya ng taong nabangga niya. “Okay ka lang, Miss?” tanong ng hindi pamilyar na boses sa kan’ya. Tumango siya ng dahan-dahan saka umatras dahil sobrang lapit na nila sa isa’t-isa. “Uhh. Empleyado ka ba rito? Sorry, nabangga kita, nagmamadali rin kasi ako.” Rinig niya pang sabi ng lalaki. “H-Hindi, nag-apply ako ng trabaho ngunit alam kong hindi naman ako makakapasa dahil hindi ko
Nakatanggap siya ng tawag mula sa hindi kilalang numero. Sinagot niya ito saka tumingin kay Hilda na nakaabang sa kan'ya. Lumabi pa ito sa kan'ya kung sino ang tumawag subalit hindi niya ito pinansin. "Hello?""Good morning, is this Keanna Gomez?" panimula ng nasa kabilang linya. "Yes, speaking..." "Ms. Gomez, we would like to inform you that you have been hired as an administrative assistant for Pacheco Inc. After interviewing all the candidates, we found you the most suitable person for the job. You will be working directly under Mr. Hunk Nunez, and we believe that your addition to the team will add great value to the company. Please be present on August 10 at 8 am so that we can discuss your salary and the contract. In case you accept the offer, kindly send the signed offer letter that I had sent you to pachecoinc@gmail.com. We are looking forward to having a great fruitful future with you. Congratulations! Have a nice day!"Naputol ang linya subalit siya ay tulala pa rin habang
Agad na pinirmahan ni Keanna ang kontrata sa harap niya. Sa totoo lang labis siyang kinakabahan baka makasalubong niya si Thaddeus, mabuti na lang at ni anino nito ay hindi niya nakita simula no'ng pumunta siya sa kompanya. "Kakausapin ka ni Mr. Nunez, siya ang supervisor natin at under niya tayo. Lahat ng sasabihin niya ay dapat nating sundin, naiintindihan mo ba, Ms. Gomez?" mataray na tanong ng isa sa empleyado roon, nagngangalang Gina. "Naiintindihan ko..." Umirap ito sa kan'ya saka may binulong subalit hindi niya narinig. "Ano iyon?" tanong niya. "Ang sabi ko, naroon ang office ni Mr. Nunez, dalian mo't ayaw nitong pinaghihintay siya! Bingi!" malakas na sabi ni Gina. Sa pagkakaalam niya ito ay ang assistant ni Mr. Nunez kaya siguro kung makaasta roon sa office ay parang boss na. Napangiwi na lamang siya dahil sa ugali ng babae, mukhang magiging disaster ang trabaho niya dahil kay Gina, mas maiging iwasan na lamang ito, iyon na lang ang gagawin niya. "S-Sige, salamat..." Iyan
Pilit niyang isinisiksik sa sarili na tama ang gagawin niya mamaya. Na iyong sinasabi ni Mr. Nunez na dinner meeting ay totoo. Hindi pa din siya kimbinsido na walang mangyayaring masama sa kan'ya subalit wala siyang choice na tumanggi dahil kakaumpisa niya lang sa trabaho. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang orasan na nasa harap niya. Mag-a-alas syete na pala kaya agad na siyang nag-ayos ng sarili at nag-impake ng gamit. Ang totoo niyan kanina pa dumaan si Mr. Nunez para sana sunduin siya subalit tumanggi agad siya dahil marami pa siyang tatapusin na gawain. Iyan lamang ay palusot niya para hindi na kulitin ng lalaki.Bumaba agad siya ng building saka mag-a-abang ng taxi subalit may huminto na sasakyan sa harap niya. Bumukas ang bintana at nakita niya roon si Mr. Nunez na nakangiti sa kan'ya. "Kanina pa kita hinihintay, bakit ang tagal mo?" tanong nito sa kan'ya. Kumunot ang kan'yang noo dahil doon, hindi naman niya sinabing hintayin siya nito ah. Balak niyang mag-compute papu
"Kumusta ka, Keanna?" Kasalukuyan silang nagkakape ni Michael sa sala. Hindi siya nagtagumpay na umalis sa kwartong iyon dahil nakita niya ang matalik niyang kaibigan na si Michael Girado. Si Michael ay isa sa naging kakilala niya't kaibigan noong nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang coffee shop noon. Malaki rin ang pasasalamat niya sa lalaki dahil minsan na rin siyang tinulungan nito. "Mabuti naman ako, Michael. Grabe, ilang taon na rin tayong hindi nagkita at sa ganitong lugar pa tayo nagkatagpo," natatawang saad niya sa lalaki. "Ikaw, kumusta ka na?" "Heto, okay lang. Masaya na't may nobya na rin. Kumusta na pala ang anak mo? Okay na ba siya?" Ngumiti siya at tumango-tango. "Oo, okay na. Maraming salamat sa tulong mo, kung hindi dahil sa'yo ay baka nawala na sa akin ang anak ko." Hindi pa rin niya nakakalimutan ang pangyayaring iyon. Doon lamang siya nakaramdam ng sobrang takot sa tanang buhay niya. "Ilang taon na rin iyon. Naalala ko pa ang pagkabalisa mo noon sa trab
Bali-balita ang pagkakakulong ni Mr. Nunez sa buong kompan'ya. Marami na pala itong babaeng nabiktima, nagsilabasan sila dahil nabalita ito sa telebisyon. Napahinga si Keanna ng maluwag dahil hindi na-expose sa T.V. ang kan'yang pangalan. Malaki ang pasasalamat niya dahil doon. Ayaw na ayaw niyang magka-issue lalo na't baguhan lamang siya sa trabaho. Kakapasok niya lang ay rinig na rinig na niya ang bulongan ng mga tao, hindi na niya ito pinansin at dire-diretsong pumasok sa office nila. Bumungad agad sa kan'yang harapan si Gina na galit na galit. Tinulak siya ng babae, mabuti na lamang ay napasandal siya sa pader kung 'di ay natumba na siya at napaupo sa sahig. Napangiwi siya dahil tumama naman sa pader ang likod niya. Rinig niya ang pagsinghap ng ibang empleyado sa loob dahil sa gulat. "Ikaw, babae ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nakakulong si Mr. Nunez ngayon! Ano iyong napapabalitang hinarass ka niya? Alam kong hindi totoo iyon, gawa-gawa mo lang iyon para mapatalsik siya
Malakas ang tibok ng puso ni Keanna dahil sa sobrang kaba habang tinahatahak ang office ni Thaddeus Pacheco. Paulit-ulit din siyang nagpa-practice sa kan'yang isip kung ano nga ba ang sasabihin niya rito. Iniingatan niyang hindi siya magkamali't baka pagalitan siya rin at masisante ng wala sa oras. Agad na lumapit sa kanya ang sekretarya ni Thaddeus Pacheco. Binati niya ito at ngumiti ng matamis. "Good morning, nariyan ba si Mr. Pacheco? Puwede ko ba siyang makausap?" tanong niya sa sekretarya. Rinig na rinig niya ang tibok ng kan'yang puso subalit ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon. "Nasa loob si Mr. Pacheco, Ms. Gomez. I'll call him first before you enter. Can you give me a minute?" tanong nito kaya napatango siya. Mayamaya pa ay tumango sa kanya ang sekretarya. "You can enter now, Ms. Gomez," nakangiti nitong wika sa kanya. Hindi pa man siya nakaalis doon ay agad na pinigilan siya ng babae. "By the way, Congratulations to your promotion. You deserve it, Ms. Gomez." Hind
Kabanata 11Napangiti si Thaddeus nang makitang umalis si Keanna na nakabusangot ang mukha sa kan’yang office. Seems like he’s enjoying playing with her. Binuksan niya ang drawer sa kan’yang harapan saka kinuha ang isang white folder doon. Ngumisi siya nang makita ang laman. It was a contract, naglalaman doon ang kan’yang pangalan saka ni Keanna Gomez. A marriage contract at isang taon na lamang ay mag-e-expired na ito. He was in state years ago at hinayaan n'yang si Mike na lamang ang nag-ayos ng kasal niya. It was only a marriage contract kaya wala siyang pakialam kung sino iyong babaeng ikakasal sa kan'ya, ginawa lamang niya iyon para matigil na ang bali-balitang bakla siya. The fuck! He was laughing so hard when he heard that news. Siya? Bakla? Sa gwapo niyang ito?Hindi n’ya akalaing ang tadhana na ang tumulong sa kan’ya para mapalapit sa babae. Nang makita n’ya ito at ang pangalan ng babae sa list of applicant ay agad niya itong kinuha bilang empleyado ng kompan’ya niya. Wala
Kabanata 19"Pasensya na hija sa nangyari kanina, gano'n talaga ang tiyahin mo, hindi marunong makaunawa't pera lamang ang mahalaga," wika sa kan'ya ni Tiya Lolita habang nakaupo sa kama. Nagpapahinga na ito at siya naman ay nakaupo sa gilid nito. Bigla kasing nahilo ang matanda dahil sa nangyari kanina. Sinasabi na nga bang sasama ang pakiramdam ni Tiya niya, hindi siya nagkamali. "Okay lang po iyon, Tiya. Sanay na ako sa kanila noon pa man. Kaya nga nagpakalayo-layo ako noon dahil sa pangmamata nila sa akin." Naalala niya kung gaano siya ipinagtabuyan ng kan'yang Tiya Karen noon. Mga panahong buntis pa siya at kailangan niya ng kaunting pera para sana makapagsimula. Balak niya sanang humiram ng kunting puhunan sa Tiya subalit kutya at pangmamaliit lamang ang nakuha niya rito. Pinahiya pa siya noon sa office nito. Wala siyang nagawa kung 'di ang lumuhod at magmakaawa subalit tinawanan lang siya nito. Pagkatapos noon ay binigyan siya nito ng isang libong piso. Sobrang sakit dahil
Kabanata 18 Nakaupo ang lahat ng pamilya Gomez sa isang mahabang mesa na gawa sa Naga-ng kahoy. Manghang-mangha pa rin siya sa bahay ng kan’yang tiyahin kaya pagala-gala ang tingin niya. Nasa tabi siya ng kan’yang tiyahin sa bandang unahan ng mesa habang ang mga tiya, tiyo at pinsan niya ang nasa gilid. Nasa harapan niya si Sunshine kasama na si Russo, ang ex-boyfriend niya. Sa katunayan, ilang na ilang siya kapag tinitingnan ang lalaki, habang ang lalaki naman ay walang pakialam sa kan’ya na para bang hindi siya nito kilala. Sobrang maasikaso ito kay Sunshine bagay na naalala niya noong sila pa ng lalaki. Maasikaso talaga si Russo, napaka-gentleman nito at sobrang bait, kaya nga nagustuhan niya ito, una pa lang. “Kumusta na ang buhay Keanna? Ilang taon din tayong hindi nagkita,” biglang sabi ng kan’yang tiyahin na si Karen. “Mabuti naman po…” Hindi siya gaanong palasalita roon dahil hindi siya sanay sa mga gathering katulad nito, matagal niyang iniiwasan ang mga mapang-matang k
Kabanata 17 Kanina pa siya kinakabahan habang binabagtas ang daan papunta sa Cebu. Titig na titig siya sa address kung saan ang bahay ng kan’yang tiyahin. Hindi niya alam kung dapat ba talaga siyang pumunta roon dahil ayaw niya pa ring makita si Sunshine kasama ang ex-boyfriend niyang si Russo. Hanggang ngayon ay may kirot pa rin sa puso niya dahil sa masaklap na nangyari sa kan’ya noon. Huminga siya ng malalim nang makita niyang malamit na siya sa bahay ng kan’yang Tiya Lolita. Narito na siya kaya wala ng atrasan pa. Nagulantang ang kan’yang diwa nang makita ang malaking bahay sa harap niya. Mansion na nga ito kung tutuusin, alam niyang mayaman ang kanong napangasawa ng kan’yang tiya pero hindi kagaya ng naiisip niya. Sobra-sobra pa lang mayaman ito. Napaka-swerte ng kan’yang tiyahin, pero mas maswerte ang kanong napangasawa ni Tiya Lolita dahil maalaga at mapagmahal iyang tiya niya. “Magandang umaga ho, sino ho sila?” tanong ng isang guard na nasa harapan ng gate ng mansion.
Kabanata 16 “Alam mo bang tanong ng tanong si Kian kung sino raw ang Tatay niya sa akin? Kulit ng kulit kung nasaan ang ama niya, hindi ko naman masagot dahil ayaw kitang pangunahan,” sabi ni Hilda na ngayon ay nakapamewang sa harap ni Keanna. Kakauwi lang nila galing sa pamamasyal, ngayon ay natutulog na si Kian bagay na ikinahinga niya ng maluwag. “A-Alam ko…” “Hay nako, Keanna, hindi ko alam kung ano ang plano mo, ngayong panay tanong na ni Kian sa atin kung nasaan ang ama niya, ano ang sasabihin natin sa kan’ya?” nammroblemang saad ni Hilda habang pabalik-balik na lumalakad sa harap niya. Hilong-hilo siya dahil doon kaya mabilis niyang hinawakan ang kaibigan. “Teka nga lang, nahihilo na ako sa kapabalik-balik mo, maupo ka nga muna,” sabi niya saka hinila si Hilda sa tabi niya. “Ikaw naman kasi, ako ang nai-stress sa’yo, nagkita ang mag-ama at wala ka man lang reaksyon? Kanina ka pa tahimik!” Umikot ang kan’yang mga mata dahil sa sinabi ng babae. “Hindi naman makakatulo
Kabanata 15 “‘Yung bola ko po!” Rinig ni Thaddeus ang pagsigaw ng isang bata sa hindi kalayuan. Naroon siya sa isang gilid ng puno’t nakaupo habang nagbabasa ng paborito niyang libro. It was about business, kung paano pa palaguin at i-handle ang kompan’yang hinahawakan niya. Napatingin siya sa bolang gumulong sa kan’yang gilid. Kinuha niya ito saka tinitigan. Binasa niya ang nakaukit doon. “Kian,” sambit niya saka kumunot ang noo. "Sir, bola ko po iyan!" magalang na wika ng batang nasa harap niya. Sa patingin niya sa bata ay biglang tumibok ang kan'yang puso. Kita niya ang kulay berdeng mga mata nito katulad sa kan'ya. Nakasuot ang bata ng isang simpleng kupas na t-shirt na may imprintang Batman. Nakasuot din ito ng sapatos na alam niyang pinaglumaan na. Napangiti siya sa bata ng bumilog ang mga mata nito kaya kitang-kita niya ang nagniningnang kulay berdeng mata nito sa liwanag. Para siyang nahihipnotismo at ayaw niyang mawala sa paningin niya ang batang ito. "Sa iyo ba ito? Ki
Simula noong last text ni Thaddeus sa kan'ya ay hindi na ito nagpakita pa. Hindi niya rin ito nakikitang pumapasok sa kompan'ya o nadaan sa office nila. Minsan ay nagkakasalubong sila ni Michael ngunit pinipigilan niyang magtanong sa lalaki dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Masyado pa namang ma-issue itong si Michael.Narito sila sa isang park kasama si Kian at Hilda. First sahod niya kasi ngayon kaya nag-aya siyang mamasyal since weekend naman. Siya ang sumagot ng mga kakainin nila dahil may extrang pera pa siya. Lahat ng bills ng bahay ay nabayaran na niya pati na rin ang pang-isang buwang grocery niya. Balak na rin niyang lumipat sa ibinigay na apartment ng kompaniya sa kan’ya dahil alam na ni Thaddeus ang kung saan siya nakatira’t baka bigla na lamang itong bumisita sa kan’ya, nag-iingat lang siya. “Nanay, bilhan niyo po ako ng ice cream, please!” pilit ni Kian sa kan’ya. Umiling siya sa bata subalit sinamaan lamang siya ng tingin ni Hilda. “Bilhan mo na, Keanna, akala ko
Nagising si Keanna sa sikat ng araw na tumatama sa pisngi niya. Napatampal pa siya dahil may kumagat pang lamok aa balikat niya. Napabalikwas siya ng bangon nang may naaamoy siya mula sa kusina. Wala man lang ayos-ayos ay agad siyang pumunta roon. Napatanga siya dahil nakita niya ang lalaking naka-topless na nakatalikod sa kan'ya. May apron itong suot-suot. Gusto niyang tumawa dahil sa suot nito, iyong apron kasi na suot-suot nito ay may design na Hello Kitty. Naagaw niya ang atensyon nito nang tumikhim siya."I cooked breakfast, but I failed..." Kita niya ang paglungkot ng mukha ni Thaddeus at napanguso. Para itong batang nabigo sa exam at nagsusumbong sa magulang. Lumapit siya sa lalaki saka tiningnan ang niluluto nito. Pilit niyang pinipigilan ang pagtawa subalit hindi niya ito napigilan. "Pfft!" Sinamaan siya ng tingin ni Thaddeus. "Ano ito? Sunog na hotdog? Sunog din ang kanin mo," nakangiwing sabi niya habang sinusuri ang niluto ng lalaki. Amoy na amoy niya ang pagkasunog
Kabanata 12 “T-Teka, teka nga lang! Bakit niyo ba ako hinihila, Mr. Pacheco?” tanong ni Keanna sa Boss niya. Matapos nitong sabihin kay Lucas na asawa siya nito ay hinila siya ng lalaki papunta sa labas ng bar. Hindi pa nga siya nakapagpaalam kay Layla, malamang hinihintay siya nito roon. “Mr. Pacheco, ano ba, bitiwan niyo ako,” inis na wika niya sa lalaki. Binitawan din naman agad siya nito saka tinaasan siya ng kilay. “Ms. Gomez, ito ba ang tamang asal sa taong palaging sumasagip sa’yo? I already saved you twice, remember?” tanong nito sa kan’ya kaya lumambot ang ekspresyon niya. Yumuko siya sa sobrang hiya, siya na nga ang sinagip, may gana pa siyang mainis sa lalaki. Kung makahila naman kasi ito ay parang tatakas siya. “I-I’m sorry, Mr. Pacheco and thank you for saving twice. Malaki ang pasasalamat ko dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinagip mo na naman ako sa kapahamakan,” magalang na sabi niya. “You seem not sincere…” “Sincere ako!” pasigaw na sagot niya kaya tumawa it
Kabanata 11Napangiti si Thaddeus nang makitang umalis si Keanna na nakabusangot ang mukha sa kan’yang office. Seems like he’s enjoying playing with her. Binuksan niya ang drawer sa kan’yang harapan saka kinuha ang isang white folder doon. Ngumisi siya nang makita ang laman. It was a contract, naglalaman doon ang kan’yang pangalan saka ni Keanna Gomez. A marriage contract at isang taon na lamang ay mag-e-expired na ito. He was in state years ago at hinayaan n'yang si Mike na lamang ang nag-ayos ng kasal niya. It was only a marriage contract kaya wala siyang pakialam kung sino iyong babaeng ikakasal sa kan'ya, ginawa lamang niya iyon para matigil na ang bali-balitang bakla siya. The fuck! He was laughing so hard when he heard that news. Siya? Bakla? Sa gwapo niyang ito?Hindi n’ya akalaing ang tadhana na ang tumulong sa kan’ya para mapalapit sa babae. Nang makita n’ya ito at ang pangalan ng babae sa list of applicant ay agad niya itong kinuha bilang empleyado ng kompan’ya niya. Wala