CHAPTER 44
Agents
Karhiza’s POV
“Nakahanda na ba ang lahat?” tanong ko sa mga tauhan na nakatalaga sa akin.
Isang oras na lang ay aalis na ang barko namin upang layagin ang papunta sa hinihiling na lugar ni Amber, at kung saan din sila nagtatago sa mga oras na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa t’wing maiisip na ang dalawang mag-ina na iyon ay nasa mga kamay nila at anumang oras ay nanganganib ang mga buhay!
Alam ko na hindi naman ako nagkulang, ngunit hindi ko pa rin na hindi magawang sisihin ang sarili ko sa nangyaring ito. Kung sana lamang ay naroroon ako. Kung sana lang ay kasama nila ako. Kung sana lang ay hindi ako umalis at inasikaso ang ibang bagay na makakapaghintay naman! Kung sana ay sinamahan ko na lang sila sa mansion at nagawa silang ipaglaban hanggang sa maubos ako… ay sana hindi kami aabot sa ganito!
Pinatawag ako ni Sky
CHAPTER 43AgentsSky’s POVI was trained to be perfect like him.“Eyes on the gun, Sky…”Nilingon ko nang may nangungusap na mga mata ang taong nasa tabi ko – ang dahilan kung bakit ako naririto pa sa mundong ito hanggang ngayon, at sinusubukan na baguhin ang dikta ng tadhana sa buhay ko.“Aim the black circle. Think that it’s the enemy in front of you. Then, breathe… and shoot,” dikta niya sa’kin sa malalim at seryosong boses.Kung ano man ang nalaman ko patungkol sa kaniya sa loob ng ilang buwan na nasa puder niya ako, iyon ay ang magkakahalong version niya ng kaniyang sarili sa bawat araw na makakausap ko siya at makikita. He’s a mix of a raven, eyes like a hawk, voice like a roar of a lion, and move like a wild beast. Punong puno ng galit at pait ang kaniyang mga titig sa t’wing nasa harapan
CHAPTER 43AgentsAce’s POV“Handa na ba ang lahat…”Mula sa paglilinis ng baril ay binalingan ko si Boss – si Dwane na nakatayo sa pinakamataas na deck sa malaking yate na pagmamay-ari niya mismo. Ngumisi ako nang bumaba ang tingin ko sa malaking ngalan na nakalagay sa gilid ng yate.ABV.Umiling-iling ako, pero hindi ko magawang matawa. Wala na, inlababo na nga ang batas namin. Pero teka, hindi ito ang oras ng pagbibiro, gago ka! Baka marinig pa ako ni Dwane at maramdaman ko na lang na may tumutulo ng dugo sa katawan ko kasi binarily niya ako sa galit.“Naka-ayos na ang team nina Kisha at Karhiza sa kanilang mga pwesto, Boss.” Tumatakbo si Luke paakyat sa deck nang narinig ko iyon. “Sumama si Alex. Hindi raw niya gusto na wala siyang magawa sa’yo kaya hinayaan ko na.”Napaangat ako ng kilay at tingin.
CHAPTER 44Amber3 hours earlier (Isla Azul)Arra’s POV“Saan niyo nga ba ako dadalhin talaga?”Nakailang tanong na yata ako no’n pero ni isa sa apat na kasama kong tauhan ay hindi ako sinagot. Kay si Rovert na nasa tabi ko at isa sa humahawak ng mariin sa braso ko upang hindi ako makatakas ay hindi rin ako pinapansin. Akala ko ba kanina ay kakampi ko ito? Mapapalambot ko na sana ang puso ng isang ito at makakatakas na ako kung hindi lang dumating nang maaga ang mga kasama niya!Sayang lang ang pagkakataon ko na iyon!“Ano? Walang magsasalita sa inyo? Mag-iingay lang ako ng mag-iingay dito hanggang sa mainis na kayo sa akin sige!” pang-aasar ko.Isang malaking hallway ang dinaraanan namin. Kanina lang ay umakyat naman kami sa isang hagdan at sumakay ng elevator. Sa hula ko ay isang malaking build
Continuation…Sana pala ay ginawa ko na ito kanina pa.“Hindi ba ‘yan matatapos kakadaldal? Para na akong nahihilo sa boses niya!” si Delton na nginisihan ko na lang.Nasa isang malaking kwarto kami, na mukhang opisina pa nga dahil sa iilang gamit lamang na nasa loob. Isang lamesa, isang swivel, isang shelf sa gilid na may kakaunting mga libro at isang painting ng ahas sa isang tabi. Kitang kita ko na at alam na alam ko na ang hitsura no’n kahit sa malayuan dahil iyon din ang imahe ng ahas na nasa mga atok at leeg nitong mga kasama ko.Nilingon ko ang malawak na dagat na nasa harapan namin. Ang nasa likod ng mesa at isang swivel ay isang malaking glass window na abot tanaw ang dagat sa harapan. Ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan ay umaabot pa rin hanggang dito, kahit nasa pinakaitaas kaming kwarto, at kulob ang opisina.“Sino ang may-ari nitong kwarto?&rdquo
CHAPTER 45TruthNo. Hindi totoo ang lahat ng ito.Sabihin niyo na nananaginip lang ako at nasa iisa akong bangungot!Please, someone wake me up from dreaming!“Miss me, hija… Arra?” ani Tito Weskey Rey Cruz sa akin, ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Papa at ang isa rin sa mga ninong sa kasal ko at ni Dwane noon.Hindi ko mapigilan ang mapaawang ang labi at hindi magawang hindi magulat sa mga nasasaksihan. Bakit siya narito? Bakit siya ang niluluguran ngayon ng mga tauhang nasa paligid niya. Nakayuko sina Delton at ang dalawa pa niyang kasamahan sa harapan ni Tito Wesker. Na animo’y isa isang hari o kung sino mang nakakataas sa kanila.And slowly, an idea crashed on my mind. Realization hit me hard that made my mind spin like a wheel!Ako ang naliliyo sa dami ng mga reyalisasyon na sumasabog sa utak ko.Ano ba talaga ang tunay na totoo sa mga ito? Gulon
Continuation...Hindi naman ganoon kalakihan ang room na kung nasasaan ako. Hindi rin naman ganoon katahimik sa loob ng kwartong iyon dahil sa malalakas na lagslas pa rin ng tubig alat na nanggagaling sa likuran ng building. The sea salt air mixed on the heavy clouds that surrounds on the whole room. Madilim, hindi dahil sa mumunting ilaw sa maliit na chandelier at sa kulay kahel nitong liwanag, kun’di dahil sa mga taong nakapaligid sa akin. At sa mga intention nilang alam ko, hindi ko magugustuhan – anuman ang rason na marinig sa mga bibig nila.“So, saan nga ba tayo magsisimula sa pagbabalik tanaw?” hidni ko pa rin mapigilan ang tumitinding galit at poot kay Tito Wesker, at sa kaniyang mga halakhak na hindi ko alam kung saan niya napupulot. Lalo na sa ganitong sitwasyon.Oh, well. Ako lang naman ang nahihirapan dito, dahil patuloy pa rin naman nila akong hawak sa kanilang mga puder. Kinidnap ka nila, Arra,
CHAPTER 46 War Karhiza’s POV Present time Ito na ang wakas. At dito na ito magsisimula ngayon, sa islang ito. Isang talon ang ginawa ko mula sa speed boat na pinaandar ni Carl. Kaming dalawa ang magkasama ngayon dahil ang pwesto namin ay papunta sa likuran ng buiding kung nasaan ang vipers Society – ang kampo na kinakalaban namin ngayon. The other agents were assigned on a different location and I know that like us, they’re on their rightful places. “Narito na kami,” si Sky ang narinig ko sa radio ng earphone ko. Tumango ako at binalingan ng tingin si Carl na inaayos ng tali sa isang maliit na bato ang speedboat. Alam ko na narinig niya rin sa kaniyang earphone ang sinabi ni Sky. Nilingon niya ako at tinanguan na para bang may lihim kaming pag-uusap sa mga iyon. Iyon pa ang gagamitin namin mamaya pag-alis sa islang ito kung kaya’t marapat lang na i
Continuation…Sky’s POVBakit ba sa dinarami rami ng pupwede kong makasama, ang taong ito pa ang makakapartner ko?Inis kong binalingan ng tingin ang malapad na likod ni Luke, my assigned partner for today. Patungo na kami ngayon sa bandang kaliwa ng building, kung saan hinihinala naming nakakulong si Zid. Kurt hacked the cctv on the whole building and we saw that Zid was held on a separate floor from Arra. Kawawang mag-ina at ganito pa ang sinapit gayong kamakailan lang naman sila muling nabuong pamilya.Kami ang nautusan na kunin ang anak niya, ni Dwane at ang tumapos sa ibang Vipers executives. Sila ang samahan ng mga matataas ang ranggo sa kampo at hindi sila basta-basta sa galing at husay sa pakikipaglaban. Some of them were an exconvict, and some were still hiding from the police fr years. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot na kami ni