Nagising si Charline na masakit ang ulo. Napabilis ang pagdilat niya ng mapagtantong nakatulog siya sa pinasukang silid. Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa katawang nasa ilalim ng kumot. Wala siyang suot na ano mang saplot. Napabalikwas siya ng bangon at ibinalot sa katawan ang kumot. Natutulalang pilit pinipiga sa utak ang nangyari. Napamulagat siya nang maalalang nakipag-inuman siya kay Dan. Pinakiramdaman niya ang ibabang bahagi ng katawan. Sinalat niya ang nasa pagitan ng mga hita. Hindi naman basa. Nakadama siya ng pangamba. Baka may nangyaring hindi niya alam?Pero bakit siya nakahubad? Sino ang naghubad? "Mabuti naman at gising ka na?!" Ang taas agad ng boses ni Alyssa. "Alyang, anong nangyari?" "Ako ang dapat magtanong niyan, Charline?" Naiinis na pinagdadampot nito ang damit niyang nasa sahig at ibinato sa mukha niya. "Eh, hindi ko nga alam." Naguguluhan niyang tanong habang nagbibihis. "Nakipag-inuman ka lang naman kay Dan at nalasing." Sermon nito. "Hindi
"Xander naman..."Awat ni Charline sa asawang ramdam niya ang panggigigil. Muntik pa nga nitong sabunin kanina ang sekretarya paglabas ng opisina dahil sa pang-iistorbo nito. Pero sa halip na umuwi ng bahay ay iginiya siya nito sa Room 101. Nakaakbay sa kaniya si Xander habang nasa loob ng elevator. Nag-uumpisa na kasing maglikot ang kamay nito kaya bahagya niya itong siniko na pilyo namang kumindat. Aaminin niya, gusto niya 'yung pakiramdam na alam niyang lagi siya nitong pinagnanasaan nito. Hinagilap nito ang palad niya at magkaholding-hands silang naglakad sa hallway. Hindi nito pansin ang nasalubong na guest ng Hotel. Magkukunwari sana si Charline na hindi niya rin napansin ang lalakeng nakasalubong nila. Mukha itong Mafia sa mga nababasa niyang novel. Bahagya siyang kinilabutan dahil sa malalamig nitong tingin parang ang lalim ng bawat tapon ng sulyap nito sa kanila ni Xander. Makahulugan. Nawala ang takot niya nang akbayan na siya ng asawa at pumasok na sila sa VIP room. Baka
Isang madilim na silid. Maririnig ay ang tunog ng umiikot na malaking exhausted fan ng kisame. Ang tanging tanglaw ay ang liwanag na nagmumula sa dim light bulb na nasa apat na sulok ng silid. Nasa sulok ang isang maliit na lamesang kinapapatungan ng ilang bote ng beer at pulutan.Tahimik na nakamasid sa screen ng telebisyon na naka-mute ang bulto ng lalakeng matangkad at may matipunong pangangatawan. Si Jeb Badlon. Mas kilala bilang Boss Walter. Titig na titig ito sa mukha ng babaeng nasa screen. Ang magandang mukha ng dating kasintahan, ang babaeng pinangakuan na bibigyan niya ng magandang buhay kapag naabot niya na ang mga pangarap. Nagtagumpay naman siya, naging maimpluwensiya ng mapabilang sa isang organisasyon. Ang Dynamic Syndicate. Makapangyarihan at tinitingalang sindikato. Lihim na samahan na nagdedeliver ng iba't ibang malalakas na armas sa iba't ibang malalakas na bansa na laging nakikipagdigmaan at hindi naniniwala sa kapayapaan. Mga bansang ayaw sumapi at makiisa sa Un
"Plok! Plok!" Mabibilis na pagbayo at walang ingat na pagsasalpukan ng magkasugpong na mga kandungan. Tila ayaw maghiwalay. Pawisan at walang pagod. Umiba ng posisyon ang dalawang magkaulayaw. Mula sa pagkakatuwad ng sexy at magandang babae ay iniangat ito ng lalakeng matipuno at gwapong lalake at ipinatong sa ibabaw ng lamesa. Pabukaka. Itinaas ang dalawang binti at pinaglaro muna ang dulo ng t****o sa hiwa ng kaniig na basang-basa at walang tigil sa paglalabas ng katas. Awtomatikong dinampot ng lalake ang vibrator at ipinasok sa lagusan ng babae. Tila nasisiyahan naman ang babae na lalo pang ibinuka ang mga hita. "F**k me, baby!" Ang ingay nito na hindi na malaman kung saan ibibiling ang ulo. Masyadong wild ang kapareha na sobrang nagugustuhan ang paraan nito ng pakikipagtalik. "I'm cummminggg!" ungol nito. Napangisi ang lalake. Mabilis na ipinasok ang t****o at idiniin hanggang sukdulan. Nag-umpisang bumayo habang s*******p sa n****s nito. Malikot ang kabilang-palad, pumipisil s
Nakahawak sa braso ni Xander ang kanang-kamay ni Charline habang naka-plaster ang matamis na ngiti. Kailangan niya ng sanayin ang sarile sa pakikipagsosyalan dahil nasa alta-sosyedad ang mundong ginagalawan ng asawa. Napakahirap man sa bahagi niya pero kailangan niyang makibagay. "Are you alright?" Bulong ni Xander. Bahagya niyang pinisil ang braso ng asawa bilang pagsagot. Naglalakad sila sa gitna ng mga kilalang tao sa lipunan. Politiko, Celebrity, bigating mga negosyante. "Relax." Pampakalma ni Xander. Nakatingin sa kaniya ang lahat. Maihahalintulad ang ganda ni Charline sa ilang naggagandahang beauty queen. Ang taas niyang 5"6 ay mababa pa rin kumpara sa taas ng asawa na 5"9. Nakatingala siya rito kapag magkaharap sila. "Sobrang ganda ng asawa mo, Xander." Papuri ni Congressman Orosco. "Salamat. Hindi naman ako pipili ng hindi." Mayabang ngunit sincere na sagot ni Xander. "Saan mo ba nakilala si Mrs. Vergara?" Natigilan si Charline. Mabilis namang iniwas siya ni Xander sa
"Isang maimpluwensiya at miyembro ng Dynamic syndicate. Walang kinatatakutan at walang bumabangga." inilatag ng private detective ang mga larawan at ilang impormasyon na nakalap nito sa lamesa ni Xander. Nagsalubong ang kilay ni Xander. Ano ang motibo nito sa Gallore? "Multi-billionaire at may mga illegal na gawain." Pagpapatuloy ng detective. "Damn!" Hinampas ni Xander ang lamesa. Nakapasok sa kompanya niya ang isang gaya ni Walter na hinayaan niya lang. "Mr. Vergara, sa tingin ko may ibang pakay siya hindi ang kompanya." "Diretsahin mo ako." Matiim niyang tinitigan ang mukha ng Detective na tila nag-aalangan pang magsalita. "Ang asawa nyo." Kumuyom ang kamao ni Xander. Anong laro ang gusto ng isang Walter? Magkamatayan na pero hindi niya hahayaang kantiin nito dulo ng daliri ng asawa niya. PARANG isang tagong paraiso ang bagong proyekto nina Xander. Nagpaparoo't parito ang mga inupahang manggagawa para mapaganda at mapabilis ang pagtatayo ng ilang mga kubol sa Onok Island. Ka
"SASAMA ako." Kunot-noong wika ni Charline, ngunit ni hindi na lumingon man lang si Xander sa asawa."Ma'am, hindi ho kasi pwede." Ang driver-bodyguard na nakasunod rito ang sumagot. Nakadama ng kaba si Charline. Anong nangyayari? Nasagot ang tanong niya nang lumapit si Anna. "Nasa News ang ibang hotel ni Sir Xander-" Mabilis ng hinagilap ni Charline ang remote control ng telebisyon. Bumungad sa kaniya ang newsflash. Dalawa sa mga Hotel Resort ng Vergara, nasusunog. Napatingin siya kay Anna. "Paano na ang mga empleyado at staff?" Naluluhang pakikisimpatiya ni Anna. Marami-rami ang apektado. Gumuhit ang lungkot sa dibdib ni Charline naisip ang magiging epekto nito sa asawa. HINIHINTAY ni Charline ang pagbabalik ng asawa. Hindi ito nagtext o tumawag man lang. Mag aalas-nuebe na ng gabi. Nag-uwian na ang mga nasa dayshift, maliban sa mga security guard ng Hotel at night shift na empleyado. "Ako na ang maghahatid sa'yo, Charline." Baritonong boses na nagpalingon kay Charline. "J-jeb
Matapos tanggalin ang piring, inalalayan si Charline ng isa sa mga tauhan ni Walter. Maingat. Tulad ng bilin ng Boss nito. Inihatid siya sa harap ng bahay nila ni Xander. "Galaps, 'yung bilin ni Boss." Nakita ni Charline na nagkatinginan ang mga ito. Lumapit ang security guard at nilapitan sina Charline. "Ma'am okey lang ba kayo?" Natitigilang napatingin na lang sa kaharap si Charline. "A-ayos lang...Ang Sir mo, dumating na ba?" "Kanina pa ho." Inalalayan na siya nito papasok. Nakahinga siya ng maluwag nang makapasok na sa loob ng bakuran. Tama nga si Xander, hindi na sana siya nag-inarte at tinanggihan na buntutan ng bodyguard na hinire nito para sa kaniya. "Ginabi ka?" Kunot-noong tanong ni Alyssa. Napansin agad nito ang pamumutla niya. Pero tulad ng pangako niya kay Jeb. Wala siyang pagsasabihan. "Masama kasi ang pakiramdam ko. Na-nahilo nga ako kanina." Pagsisinungaling niya. "Ha!" Sinalat nito ang noo niya. "Uminom ka na ba ng paracetamol parang may lagnat ka nga." "Paki
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin