"Ms. Cha, kayo 'daw po ang maghatid ng special-dish na isi-serve sa VIP room 101." untag ni Anna sa dalagang naghahalo na ng huling niluluto, matatapos na ang oras niya at ilang minuto na lang ay darating na ang kapalitan niya.Kunot-noong tiningnan ito ni Cha. Hindi niya na trabaho 'yun ah! Hinihintay pa naman siya ni Dan dahil may usapan silang magdi-dinner date pagkatapos ng kaniyang trabaho."Baka pwedeng kay Kuya Dennis mo na lang ipakisuyo Anna?" tukoy niya sa headwaiter ng Hotel, nagtanggal na siya ng apron. "Sinabi ko na nga 'din eh, hindi 'daw pwede ikaw 'daw ang ni-request ng Special Guest. Tingin ko fan mo 'yun." Humugot siya ng malalim na hangin saka tinanguan na lamang ito. May magagawa ba siya?"Sige, ako ng maghahatid. Sinong pwedeng mag-assist sa'kin?" umikot ang paningin niya sa paligid ngunit tila lahat ay abala. "Sige, ako ng bahala."TULAK ang table-cart na kinalalagyan ng mga pagkain na tinalunton niya ang pasilyo ng Hotel. Sumakay siya n
"At talagang seryoso ka?!" magkahalo ang inis at pagkadismaya ni Alyssa nang makitang nakahiga pa ang kaibigan at walang planong pumasok sa trabaho. "Nagpadala na ako ng resignation letter sa e-mail." pabale-walang sagot ng dalaga saka muli itong pumikit matapos sulyapan ang kaibigan."Hoy! Da-dalawang linggo ka pa lang sa Gallore! Tungkol ba ito sa Daddy ni Aj?!" ang lakas ng boses nito. Mabilis na bumalikwas ng bangon si Charline at pinukol ng masamang tingin ang kaibigan. Sinundan siya ni Alyssa hanggang makalabas ng silid. Talagang ayaw siyang tantanan. "Alyang, hindi ko na kayang magtrabaho 'dun. Kung gusto mo ikaw na lang ang mag-apply 'dun, ako na lang ang magmanage ng cake shop." Pinandilatan ito ni Alyssa. "Sana pwede ano?!" inis na umingos ito at kumuha 'dun ng tasa at nagtimpla ng kape. "Alyang, ang hirap makasama si Xander. Nakita mo naman 'di ba? Para siyang hari na basta na lang nasusunod." ingos niya. "Gaga! Kung kasing-gwapo naman ni Xa
"Hindi ka welcome dito! Kaya pwede ba umuwi ka na!" pabulong ngunit may diin ang tinig ni Charline. Sinulyapan ang anak na abala na sa paglalaro. Lalo siyang nainis nang komportable pa itong umupo sa sofa. Inis na pinagsalikop ni Charline ang mga braso. Bakit ba ang manhid ng taong ito, maliban pa sa pagiging asal-hari?!"Ganyan ka ba tumanggap ng bisita?" ngumisi ito ng tila nakakaloko. "Baka gusto mo akong ipagtimpla man lang ng kape?" Pinandilatan ito ni Charline. "Ano ba kasing kailangan mo?" nagpipigil siya ng inis. Tumayo ito at nilapitan siya. Nagsalubong ang kilay niya sa inis. Nananadya pa talaga! sigaw ng utak niya! Inilapit pa nito ang mukha na may ilang pulgada na lang ang lapit sa mukha niya. Bahagya siyang napalunok."May itinatago ka ba sa akin na ayaw mong malaman ko?" Namumutlang natigilan ang dalaga at nawalan ng kulay ang mukha. Kinakabahang matiim niyang tinitigan ang mukha nito. "Pwede bang umalis ka na!" pabulong niyang saad sa pag-aalalan
"Seryoso ka ba?!" tila hindi makapaniwala si Dan sa tinuran ng kasintahan. Inaalok na siya nitong magpakasal?Tumango si Charline. Kagabi niya pa pinag-iisipan kung paano maiiwasan si Xander ? At nabuo ang plano niya, kailangan niya ng mag-asawa. Wala namang mawawala sa kaniya? Mabibigyan niya pa ng buong pamilya ang anak. "S-sigurado ka ba?" tinatantiya nito ang damdamin niya. Mabilis na gumuhit ang mga ngiti nito sa labi nang muli siyang ngumiti at tumango. Hindi na ito humingi ng permisong yakapin ang dalaga at pagkatapos ay halikan sa labi. Nagpaubaya si Charline at tinugon ang halik nito na ikinatuwa nito. Karapatan niyang lumigaya at sa tingin niya naman ay si Dan ang kasagutan sa kaligayahang iyon. Tanging tanglaw ng maliliit na kulay puting bumbilya ang nagbibigay ng liwanag sa maliit na balkonaheng kinaroroonan nila. Maagang natulog ang magninang kaya nagkasarilinan sila ni Dan nang bigla itong dumalaw. Wala silang kamalay-malay na may dalawang pares
Nginitian ni Charline ang security guard na ipinagbukas pa siya ng pinto, kilala na siya nito. Nakadama siya ng panghihinayang sa isipin na hindi siya nagtagal sa pagtatrabaho sa Gallore, mababait ang mga empleyado at sa maikling panahon na nakasama niya ang mga ito. Inaamin niyang naging masaya naman siya. Nakiusap siya na bibisitahin niya lang ang ilang dating katrabaho at hindi siya magtatagal dahil iaabot niya lang naman ng personal ang Wedding invitation card nila ni Dan. Napabuntong-hininga ang dalaga, ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon lang ay nagsukat na siya ng Wedding Dress at ngayon naman ay mamimigay na siya ng Wedding invitation card. Hindi na siya nasamahan ng nobyo dahil susunduin nito ang mga magulang sa Domestic Airport, na manggagaling pa ng Cebu. Binagtas niya ang pasilyo ng Hotel at napangiti ng matanaw na makakasalubong niya si Anna. "Ay grabe! Nagresign tapos ngayon naman ikakasal agad?" bulalas nito na tila nanghihinayang. "Akala ko pa na
Naiinis man pero kailangan niyang ikubli at itago ang sarili sa gawing likuran ni Xander. Nahihiya siya na makita ng mga empleyado at staff ng Gallore Hotel na nanggaling siya sa silid nito. At kahit ayaw niyang dumikit ang katawan pa rito napilitan siyang sumabay sa paglabas nito sa Hotel. Yumuko siya nang mapadaan sa harap ng information desk ng receptionist. Pakiramdam niya ay kumapal ang mukha niya ng dalawang pulgada. "Relax Charline, hindi mo kailangang magtago." Inirapan niya ito, nakakainis! Lalo siyang nanliit nang lumingon sa gawi ng waiter at waitresses na ang halos lahat ay sa kaniya nakatingin. Para siyang isang escort-service na pumatol sa isang bilyonaryo at natatakot na makita ng asawa.Mas binilisan niya pa ang paghakbang at nilampasan na si Xander. Ngunit maagap nitong pinigilan ang braso niya at ginagap ang palad niya. Nanlaki ang mga mata niya at pilit na inaalis ang kamay ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak. Pinukol niya it
Mabilis na bumaba ng kotse si Charline hawak ang kamay ng anak, katatawag lang ni Dan at kanina pa raw siya nito hinihintay sa bahay nito. Matapos sunduin sa pilot school ay heto nga inihatid siya ng sasakyan ni Xander sa bahay mismo ng nobyo. Ayaw niya sana, ngunit mapilit ito. Kinakabahan talaga siya sa mga pinaggagagawa ni Xander. Nakita niya ang pagdilim ng mukha nito pero wala siyang planong isipin pa kung para saan?Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na ang sasakyan nito. Napilit siya nitong ihatid sila ng anak dahil sobrang late na siya at nahihiya sa mga magulang ng nobyo kung paghihintayin niya ang mga ito. Ang luwang ng ngiti ni Dan, naku-konsensyang nginitian niya ito. Naipakilala na naman siya nito sa mga magulang ng binata kaya lang sa pamamagitan lang ng videocall, ngayon niya pa lang personal na makakaharap ang mga magulang nito. "I'm so sorry, Dan natagalan ako." Ginagap nito ang palad niya, dinala sa labi at dinampian ng halik. Minsan napaka-
Nanlaki ang mata ni Charline dahil sa pagkabigla nang biglang bumukas ang silid ng kaniyang kwarto. Napaawang ang bibig niya at ramdam niyang nanuot agad sa kalamnan ang takot dahil sa galit na mga titig ni Xander. "X-xander?" gusto niyang mangatal, pakiramdam niya ano mang oras ay dadaluhungin siya nito."Nananadya ka ba?!" Napatili si Cha nang mabilis siya nitong haklitin at halos ga-dangkal na lang ang pagitan ng mukha nila."A-anong kailangan mo?!" nayakap ni Charline ang sarili.Ang bilis ng mga pangyayari, kanina lang ay nagbibihis siya ng wedding dress para sa simpleng kasalan na napagpasyahan nila ni Dan. Nauna na sa Chapel ang magninang at ipasusundo lang siya sa driver ng nobyo. "Subukan mong sumigaw hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." may diing wika nito. Natigilan si Charline. Bakas ang pagkatakot, alam niya kung paano magalit si Xander. Para siyang sako ng bigas na binuhat nito at sapilitang isinakay sa kotse nito. Nagpupumiglas siya pero pigil ang pagtili. Ma
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin