Nginitian ni Charline ang security guard na ipinagbukas pa siya ng pinto, kilala na siya nito. Nakadama siya ng panghihinayang sa isipin na hindi siya nagtagal sa pagtatrabaho sa Gallore, mababait ang mga empleyado at sa maikling panahon na nakasama niya ang mga ito. Inaamin niyang naging masaya naman siya.
Nakiusap siya na bibisitahin niya lang ang ilang dating katrabaho at hindi siya magtatagal dahil iaabot niya lang naman ng personal ang Wedding invitation card nila ni Dan. Napabuntong-hininga ang dalaga, ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon lang ay nagsukat na siya ng Wedding Dress at ngayon naman ay mamimigay na siya ng Wedding invitation card.Hindi na siya nasamahan ng nobyo dahil susunduin nito ang mga magulang sa Domestic Airport, na manggagaling pa ng Cebu.Binagtas niya ang pasilyo ng Hotel at napangiti ng matanaw na makakasalubong niya si Anna."Ay grabe! Nagresign tapos ngayon naman ikakasal agad?" bulalas nito na tila nanghihinayang. "Akala ko pa naNaiinis man pero kailangan niyang ikubli at itago ang sarili sa gawing likuran ni Xander. Nahihiya siya na makita ng mga empleyado at staff ng Gallore Hotel na nanggaling siya sa silid nito. At kahit ayaw niyang dumikit ang katawan pa rito napilitan siyang sumabay sa paglabas nito sa Hotel. Yumuko siya nang mapadaan sa harap ng information desk ng receptionist. Pakiramdam niya ay kumapal ang mukha niya ng dalawang pulgada. "Relax Charline, hindi mo kailangang magtago." Inirapan niya ito, nakakainis! Lalo siyang nanliit nang lumingon sa gawi ng waiter at waitresses na ang halos lahat ay sa kaniya nakatingin. Para siyang isang escort-service na pumatol sa isang bilyonaryo at natatakot na makita ng asawa.Mas binilisan niya pa ang paghakbang at nilampasan na si Xander. Ngunit maagap nitong pinigilan ang braso niya at ginagap ang palad niya. Nanlaki ang mga mata niya at pilit na inaalis ang kamay ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak. Pinukol niya it
Mabilis na bumaba ng kotse si Charline hawak ang kamay ng anak, katatawag lang ni Dan at kanina pa raw siya nito hinihintay sa bahay nito. Matapos sunduin sa pilot school ay heto nga inihatid siya ng sasakyan ni Xander sa bahay mismo ng nobyo. Ayaw niya sana, ngunit mapilit ito. Kinakabahan talaga siya sa mga pinaggagagawa ni Xander. Nakita niya ang pagdilim ng mukha nito pero wala siyang planong isipin pa kung para saan?Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na ang sasakyan nito. Napilit siya nitong ihatid sila ng anak dahil sobrang late na siya at nahihiya sa mga magulang ng nobyo kung paghihintayin niya ang mga ito. Ang luwang ng ngiti ni Dan, naku-konsensyang nginitian niya ito. Naipakilala na naman siya nito sa mga magulang ng binata kaya lang sa pamamagitan lang ng videocall, ngayon niya pa lang personal na makakaharap ang mga magulang nito. "I'm so sorry, Dan natagalan ako." Ginagap nito ang palad niya, dinala sa labi at dinampian ng halik. Minsan napaka-
Nanlaki ang mata ni Charline dahil sa pagkabigla nang biglang bumukas ang silid ng kaniyang kwarto. Napaawang ang bibig niya at ramdam niyang nanuot agad sa kalamnan ang takot dahil sa galit na mga titig ni Xander. "X-xander?" gusto niyang mangatal, pakiramdam niya ano mang oras ay dadaluhungin siya nito."Nananadya ka ba?!" Napatili si Cha nang mabilis siya nitong haklitin at halos ga-dangkal na lang ang pagitan ng mukha nila."A-anong kailangan mo?!" nayakap ni Charline ang sarili.Ang bilis ng mga pangyayari, kanina lang ay nagbibihis siya ng wedding dress para sa simpleng kasalan na napagpasyahan nila ni Dan. Nauna na sa Chapel ang magninang at ipasusundo lang siya sa driver ng nobyo. "Subukan mong sumigaw hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." may diing wika nito. Natigilan si Charline. Bakas ang pagkatakot, alam niya kung paano magalit si Xander. Para siyang sako ng bigas na binuhat nito at sapilitang isinakay sa kotse nito. Nagpupumiglas siya pero pigil ang pagtili. Ma
Kinakabahang bumaba ng sasakyan si Charline, inis na tinabig niya ang kamay ni Xander nang tangkain nitong hawakan siya para alalayang bumaba. Kung pwede niya lang itong patayin sa pamamagitan ng masamang tingin ay ginawa niya na. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito kundi malalamig na tingin at paminsan-minsang galit sa mukha nito dahil sa pagtataray niya. "Anong lugar ito?" Mabilis na umikot ang paningin niya sa paligid. Tila nag-iisa lang ang semi-bungalow na 'yun sa lugar at tila bibilang pa ng ilang kilometro ang mga kapitbahay. Lampas-tao ang bakod at napaliligiran ng iba't ibang halaman. Mataas ang bahaging kinatatayuan ng bahay na tila nasa tuktok ng isang burol. Napasinghap siya nang matanaw sa ibaba ang nagtataasang mga puno, may fear of heights siya kaya mabilis niyang inalis ang tingin sa ibabang bahagi. "Pumasok ka na!" mariing utos ni Xander nang hindi pa rin siya kumikilos mula sa kinatatayuan. Naiinis na inirapan niya ito. "Papasok ka ba o kakaladkarin pa ki
"Kumain ka na." inilapag ni Xander ang tray ng pagkain sa mesang nasa harap ni Charline. Bagamat kumakalam na ang sikmura ay mas pinili niyang magsawalang-kibo at huwag itong tingnan. "Huwag matigas ang ulo, Charline. Ayoko ng matigas ang ulo." Napilitan siyang sulyapan ang mukha nito ngunit nanaig ang inis niya rito kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Hinahanap na ako ng anak ko. Hanggang kelan mo ba ako ikukulong dito?!" "Hindi ka nakakulong. Malaya kang nakakalabas ng bahay." "Nakakalabas nga ako pero nandito naman ako sa kung saang lupalop ng kabundukan!" mataray niyang sagot. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito pagkatapos ay humakbang na patalikod. "Xander!" ngunit tila bingi ito na basta na lang siya iniwan. Inis siyang tumayo at sinundan ito. "Nakuha mo na ang gusto mo! Palayain mo na ako!" Nakatayo na ito sa veranda kung saan tanaw ang naglalakihang puno sa gawing ibaba. Nagsindi ito ng sigarilyo. "Xander!" Tinapunan siya nito ng malamig na tingin. Pil
"Tawagan mo si Alyssa..." umangat ang kaliwang-kilay ni Charline. Tama ba ang narinig niya? Nilingon niya ang binatang lalong gumuwapo sa simpleng T-shirt at shorts na suot nito. "Tawagan mo na ang kaibigan mo." iniabot nito ang celphone niya. Nagulat ang dalaga. Mabilis niyang hinablot sa kamay ni Xander at idinayal ang numero ng kaibigan. Tinaasan niya itong muli ng kilay nang makitang tila wala itong balak na iwan siya. "Five minutes." ani Xander na umupo na sa upuang nasa tapat niya. "Hindi mo alam ang salitang privacy ano?!" naiiritang tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Gusto mo ba talagang makausap ang kaibigan mo?" pagbabanta nito. Inis na napahalukipkip ang dalaga at hinayaan na lang itong nakatingin sa kaniya. "TUMAWAG ka ng pulis Alyssa, gusto ko ng umuwi! Kinidnap ako ni Xander." bungad niya sa kausap. "Kinidnap? Hindi 'yun ang alam ng lahat dito Charline." "Ano?!" "Wag ka ngang OA! Alam na naming pinili mo si Xander. At 'wag kang mag-alala ako ng bahala sa ina
"Good morning!" napabilis ang pagdilat ng mga mata ni Charline. Sumilay ang pilyong ngiti sa mukha ni Xander nang mapatingin sa katawan niyang natatakpan lang ng manipis na pantulog. Bahagya pang nakalilis ang laylayan na nagpalitaw ng mapuputi niyang hita. "Kanina ka pa ba?!" mabilis niyang nahila ang kumot sa gawing paanan at naitakip sa katawan. Mahina itong tumawa. "Bakit palagi kang ganyan?" Kumunot ang noo ng dalaga. "Ayaw mong nakikita ko 'yan pero paulit-ulit mo namang ibinibigay?" ngumisi ito ng nakakaloko. Inirapan niya ito at inis na bumangon. "Xander please..." Nagtaas ito ng kamay nang makitang nanggigigil na naman siya sa inis. Iniwan na siya nito nang pumasok siya ng banyo. Nakahinga siya ng maluwag nang matiyak na nakalabas na ito ng silid. Isinandal niya ang likod sa pinto ng banyo saka huminga ng malalim. Bakit ba kahit pilit niyang iwasan ang kakaibang damdamin para sa daddy ni Aj ay tila nahihirapan siyang pigilan? Bakit tila nagugustuhan niya na ang person
"Ano 'to?" bahagyang kumunot ang noo ng magandang mukha ni Charline. Pilit ikinukubli ang kilig na nararamdaman. Nagkalat ang pulang petals sa silid na kasalukuyang inuokupa mula ng dalhin siya ni Xander sa resthouse nito. Sumilay ang matamis na ngiti ng kaharap na palihim niyang naging kahinaan. "Ayaw mo ba?" Inirapan ito ni Charline. Konti na lang bibigay na talaga siya. "Hindi mo ako makukuha sa paganito Xander. Ibalik mo na ako sa boyfriend ko." kunwa'y naiirita niyang tinaasan ito ng kilay. Humakbang ito palapit at iniabot ang bouquet ng rosas. Bumilis ang pagpintig ng puso niya ng mapatingin sa kumpol ng paborito nyang bulaklak. "Wag ka ngang corny!" tinalikuran niya ito. "Ayaw mo?" matamlay nitong tanong. Pinigil niya ang sariling lumingon. "Cha?" Napilitan siyang lingunin ito. Napasinghap siya nang mapagtantong ilang dangkal na lang pala ang pagitan nila. "X-xander..." "Give me a chance Charline...sayo lang ako nagkaganito." anas nito. Napatitig siya sa mukha nito.
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin